You are on page 1of 2

Bankang Papel

Ang kuwento ng pagmamahal ay hindi lamang kinatatampukan ng mga salaysay ng romansa.


Maging ang mga kuwentong maituturing na klasiko na ay kinapupulutan din ng aral tungkol
pagmamahal sa pamilya.
Lahat ng pagmamahalan ay nakabubuo ng pamilya, nagkakaroon ng anak ang mga
magkasintahan kaya naman isang uri ding ng pagmamahal ang kuwentong pampamilya.

Ang akda ni Genoveva Edroza-Matute na Bangkang Papel ay isang kuwento ng pag-ibig na


wagas ng isang anak sa kaniyang ama, gayundin ang ama sa kaniyang anak. Nag-umpisa ang
kuwento sa kalagayan ng isang bata na mayroong simpleng nais sa buhay, ang makapagpaandar
o makapagpaanod ng bangkang papel. Gumawa raw ang bata ng tatlong bangkang papel.

Dahil isang sundalo ang ama, madalas na nagtatanong ang bata sa kaniyang ina kung nasaan na
ba ang tatay niya. Makulit ang bat ana panay ang tanong sa kaniyang ina.

Dahil hindi alam madalas ng ina ang isasagot sa anak, sinasabi na lang nito na bukas ay darating
ang ama nito kahit hindi siya sigurado.

“Ewan ko. Matulog ka na, anak. At bukas ay magpapalutang ka ng mga bangkang ginawa mo,”
-Ina ng bata
Dahil dito ay natuwa ang bata at nasabik sa kaniyang paglalaro ng mga bangkang papel na
kaniyang ginawa. Balak niya ring makipagtagisan sa kaniyang mga kalaro. Ipinagmamalaki niya
ang gawa niyang bangkang papel na matibay na raw at malaki pa.

“Magkakarerahan kami ng bangka ni Miling, ang aki’y malalaki’t matitibay…hindi masisira ng


tubig.” -Bata sa kuwento
Kinagabihan, hinihintay pa rin ng bata ang kaniyang ama. Sabi niya sa ina, nagtataka raw siya
kung saan namamalagi ang kaniyang ama kung hindi ito umuuwi. Malakas pa naman ang ulan ng
gabing iyon. Malamig, kaya naman kagyat na nakatulog ang bata na sabik na rin na makipaglaro
ng bangkang papel.

Kinabukasan, bagaman normal lang naman ang panahon, naging ibang kinabukasan ito para sa
mag-ina. Pagkagising niya, maraming tao sa kanilang bahay. Gulong-gulo ang bata kung bakit
maraming tao. Nakadagdag pa nang makita ang ina nakasalampak sa sahig, umiiyak.

“Bakit, Inay, ano ang nangyari? Ano ang nangyari, Inay? Bakit maraming tao rito?” -Batang
bida sa kuwento
Tinanong ng batang lalaki ang kaniyang ina kung bakit may kaguluhan. Ngunit ang kaniyang ina
ay tila hindi pa handang makausap. Ngunit nabatid rin ng bata na ang ama niya ay wala na.
Napahamak ang ama niya sa isang engkuwentro kalaban ang mga kawal o kalaban ng
pamahalaan.
Naging mabigat din para sa batang tanggapin ang sitwasyon. Ngunit ito ang realidad ng trabaho
ng isang sundalo, ang mahalin ang bayan hanggang sa dulo. Musmos pa siya upang maunawaan
ang kabayanihan ng ama ngunit sa pagdating ng kaniyang pagiging binata, sa tuwing makakikita
siya ng bangkang papel, naaalala niya ang pagmamahal sa bayan, at ang pag-ibig sa kanila ng
kaniyang ama.

“Kaya nga ba’t sa tuwi akong makakikita ng bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang
isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na
hindi niya napalutang kailanman…” – batang bida sa kuwento na ngayon ay binata na
Gintong Aral
Maliban sa pagmamahal na ibinibigay sa atin ng ating mga magulang, makikita rin ang
pagmamahal ng ating mga nanay at tatay sa trabahong nagbibigay ng kabuhayan sa kanilang
pamilya. Katulad ng sundalo sa kuwento na hindi man laging napapadama sa pamilya ang pag-
aruga, ipinamalas naman ang pagmamahal sa bayan.

You might also like