You are on page 1of 3

Critique Paper (Ang Ama ni Mauro R.

Avena)

I. Kaligirang Sosyal

Ang kwentong ito ay nangyari sa Timog-Silangan Asya. Ito ay tungkol sa isang ama na labis ang sakit ang
ipinadanas sa kanyang asawa at mga anak. Isang ama na laging lasing at galit tuwing umuuwi mula sa
trabaho. Siya ay isang representasyon ng mga mapanakit na haligi ng tahanan.

II. Pagkilala sa may akda

Si Mauro Avena o kinikilalang Mauro R. Avena ay kabilang sa mga tanyag na manunulat sa kanyang
panahon. Ang kadalasang dyanra ng mga istoryang kanyang isinusulat ay drama, pakikipagsapalaran, at
katatawanan. Mayroon siyang labin dalawang trabaho na isinulat sa dalawang lenggwahe at
matatagpuan ito sa mahigt isang daang silid aklatan. Ipinanganak si Mauro noong ika-1 ng agostotaong
1916. Sa edad na 85, binawian siya ng buhay sa hindi isinapublikonf kadahilanan noong ika-3 ng hunyo
taong 2002.

III. Buod ng Teksto

Ang Ama

Ang tatay ng anim na bata, na may edad na dose anyos bilang pinakamatanda at dalawang taong gulang
naman bilang pinakabata, ay isang lasenggero. Ito ay kanilang hinihintay sa kanyang pagbalik mula sa
kanyang trabaho dahil kadalasan itong naguuwi ng isang supot ng pansit na iginisa sa itlog at gulay.
Ngunit ang pansit na kanyang iniuuwi ay hindi nnakalaan para sa kanyang pamilya, siya ay bumibili ng
pagkain para kanyang kainin. Dahil sobra at marami naman ang karga ng isang supot ng pansit at minsan
ay kanya itong hindi nauubos, ang mga bata ay nagbabantay at naghihintay lamang na mabusog ang
kanilang ama bago pag-agawan at pag-awayan ang tira nito, madalas naman na kung wala ang kanilang
ina para hatiin ang pagkain ay walang makukuha ang mga maliliit na bata. Syempre hindi laging may
dalang pagkain ang kanilang ama, sa tuwing dumarating ang kanilang ama na sumisigaw ay alam na nila
na wala itong dalang pagkain at kailangan nilang hindi mas lalong galitin ito, kung hindi sila ay
masasaktan gaya na lamang tuwing umiiyak ang kanilang kapatid na walong taong gulang na babae na
nagngangalang Mui Mui. Si Mui Mui ay isang sakiting bata, ito ay madala na nagbabalat ng galis sa
kanyang paa na nagiging dahilan ng mapula-pulang paste. Siya ay laging humahalinghing na dahilan kung
bakit siya pinapagalitan at sinasaktan ng kanyang ama na minsan pa nga nagiging dahilan ng pagpalo at
pananakit ng kanilang ama sa kanilang magkakapatid. Kaya sa tuwing galit ang kanilang ama ay tinatago
si Mui Mui ng kanyang mga kapatid.

Isang araw umuwi ang kanilang ama na galit dahil ito ay nasisante sa kanyang trabaho, sakto pa na nasa
gitna ng paghalinghing at pagpalahaw si Mui Mui na hindi mapigilan ng kanyang mga kapatid kahit na
takutin pa nila ito na siya ay kanilang papaluin. Dahil sa sobrang galit ng kanilang ama ay kanyang
sinuntok si Mui Mui sa kanyang bibig na nagpalipad dito hanggang sa kabilang sulok ng kwarto. Sa
sobrang takot ng magkakapatid ay lumabas sila ng kanilang bahay dahil alam nila na magkakaroonn ng
malaking gulo. Dalawang araw na inalagaan ng kanilang ina si Mui Mui bago ito namatay at inilibiing sa
sementeryo sa kanilang nayon na isang kilometro ang layo sa gulod. Ang mga tao na nakakaalala kay Mui
Mui ay nakiramay sa kanyang pagkamatay at sa sakto pang pagkawala ng trabaho ng kanilang ama, may
mga taong nagbigay ng abuloy sa kanilang ama na buong araw na nagmumukmok lamang sa gilid.
Nakarating sa dating amo ng kanilang ama ang nangyari dito kaya ito ay naggbigay ng abuloy na
idineretsong ibinigay sa kanilang ina na siya namang ibinigay ito sa kanilang ama dahil sa takot. Lalong
nalungkot at nagmukmok ang kanilang ama ng makitag marami ang nakikiramay at kanyang tinignan ang
pera na nasa kanyang kamay at sinabi sa kanyang sarili na hindi niya gagastahin ang ni isa sa pera na
kanyang natanggap bilang pambili ng alak.

Isang araw dumating ang kanilang ama na may dalang tsokolate, nagbihis at umalis ng bahay. Siya ay
kanilang sinundan hanggang sa tabi ng gulod hanggang makarating sa puntod ni Mui Mui at ang kanilang
ama ay nagumpisang humingi ng tawad habang inilalapag ang mga tsokolate na kanyang binili. Pagtapos
magiiyak ng kanilang ama at umalis ay siya naman paglapit nila sa tsokolateng nangalahati na dahil sa
ulan at kanilang itong pinaghatihatian.

IV. Pagsusuri sa akda o teksto

Ang kwentong ito ay isang maikling kwento dahil kaunti lang ang tauhan, iisa lang ang tagpuan, at
mabilis lang ang daloy ng istorya.

Ang maikling kwentong ito ay gumagamit ng pagsasalaysay at paglalarawan. Naisalaysay ng may akda ng
mabuti ang mga pangyayari at nailarawan ng maayos at malinaw ang role ng mga tauhan, lalong lalo na
ang pangunahing tauhan. Ang mga pangyayari ay mabiliss na dumaan sa kapanapanabik na pangyayari.

V. Bisang Pampanitikan

1. Bisa sa isip

- Naiwan sa aking isipan ang parte ng kuwento kung saan ipinahiwatig ang pagsisisi at magiging
pagbabago ng ama sa kanyang pakikitungo sa kanyang mga anak. Akin ding naisip na kahit na lasenggo
nga ang kanilang ama ay tunay niya paring minamahal ang kanyang pamilya.

2. Bisa sa Kaasalan

- “ lahat ng tao ay may kakayahan at karapatang magbago”, habang aking binabasa ang istorya ay
aking napagisip na gaano pa man kasama ang isang tao ngayon ay may pag-asa parin na siya ay magbago
sa hinaharap.

3. Bisa sa Damdamin
- Ako ay nakaramdam ng awa at galit sa pambubugbog at pananakit ng kanilang ama sa kanyang
asawa at mga anak. Ako rin ay nakaramdam ng lungkot, para sa kanilang pamilya, nang binawiian ng
buhay si Mui Mui. Napakahirap at sakit ng dinanas nilang magkakapatid bago nahimasmasan at magising
sa kanyang kaignoratehan ang kanilang ama.

VI. Pangkalahatang pansinn at puna

Ang mga tauhan sa storyang ito ay kaunti lamang at ito ay maikli lang na kaya mong tapusin sa isang
upuan lamang. Mabilis ang takbo ng pangyayari mula ng mamatay si Mui ay tuloy-tuloy ng malinis ang
agos ng storya. Maraming aral na mapupulot sa paraan ng pagkakasulat sa istoryang ito.

Ipinakita at ipinahiwatig dito ang dinaranas ng ibang tao ngayon. Sa paraan ng pagsulat sa istorya itong
na walang halong idealismo at biro ay mas mauunawaan at masisilayan ng mga tao kung ano ang
kadalasang nangyayari mga kapos palad, (walang pagkain sa mesa, bayolenteng pagtugon sa problema,
pagkakadikit ng edad ng kanilang mga anak), sa paraang ito naimumulat ang mata ng mga tao sa kung
ano ang nararapat na gawin kung ikaw ay magkakaroon ng pamilya. Isinalaysay dito na importante ang
pagpaplano (family planning).

Ipinagdiin din sa storyng ito ang pag-buso ng mga kalalkihan sa kanilang mga asawa. Ang pananakit ng
mga lalaki sa kanilang asawa at ang pagbunton ng kanilang galit sa mga ito.

You might also like