You are on page 1of 4

Unang Gawain:

1. Paano sinumulan ng may-akda ang kuwento?

Sagot: Ang kwento ay sinimulan ng may akda sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga halo-
halong emosyon na nararamdaman ng mga anak sa pagdating ng kanilang ama.

Takot sapagkat kapag umuwi itong lasing, ito ay mananakit sa kanilang ina at sa kanila din
mismo. Makakatikim sila dito ng panununtok na magpapamaga ng kanilang mga labi.

Pagkasabik, ang pananabik sa pagkain na maari nitong iuwi. Na kanilang matitikman lamang
kapag ito ay tapos ng kumain at ang tira nito ang kanilang maaring kainin.

2. Ano-Anong mga katangian ng ama ang binigyang diin sa kuwento? Sa Anong bahagi o
pangyayari lumitaw ang nasabing katangian?

Katangian ng Ama Pangyayaring Napapatunayan


Lasinggerong ama. Ang pag uwi ng ama na madalas na lasing o di
kaya naman ang pag-inom nito ng alak sa kanilang
bahay. Kung kaya madalas niyang masaktan ang
kanyang asawa at mga anak.
Mahilig manakit ng asawa at anak. Ang pananakit ng ama sa sa batang si Mui Mui na
naging dahilan ng kamatayan nito,.
Makasariling tao, asawa at ama. Ang pag-uwi nito ng supot ng pagkain sa kanilang
tahanan ngunit ito lamang ang makakain kundi
niya pa matitira ay hindi makakain ang kanyang
mga anak na laging naka abang sa kanyang
matitirang pagkain.

3. Paano pinatunayan ng Ama na siya’y hindi likas na masama? Ipaliwanag.

Sagot: Nang mamatay ang anak niyang si Mui mui, doon niya napagtanto na siya ay hindi
naging mabuting ama sa kanyang mga anak. Dahil dun, pinilit niyang magbago. Umiwas na
siya sa alak at bisyo. Siya ay nagtikluhod at nagdasal sa puntod ng kanyang namayapang anak
dala ang yamang puno ng mga kendi at kung anu ano pang pasalubong para sa anak.

4. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento? Bakit ganito ang naging pagwawakas niya?

Sagot: Ang kwento ay nagtapos sa pagsisisi ng ama. Ang pag-iisip niya na siya ay magbabago
na para sa kanyang mga anak. Ang pagkakagulo ng mga bata sa mga naiwang pagkaing
inalay ng ama sa batang si Mui Mui at sa huli ang kwento ay nagtapos na may lungkot at pag-
asa.

5. Aling bahagi ng kuwento ang nakaantig sa iyong kalooban at naikintal sa iyong isipan? Bakit
ganito ang epekto sa iyo?

Sagot: Ang wakas dahil dito ipinakita na kahit na ano pa man kasama ang isang tao, meron pa
rin itong pag-asang magbago.
6. Anong kultura ng mga Tsino ang masasalamin sa kuwentong ito?

Sagot: Ang pagiging Walang ano-ano, ang kamao ng ama ay


mahilig nila sa pansit, ang
pakikiramay sa bumagsak sa nakangusong mukha ng namatayan at ang pagiging
makapangyarihan ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, lalaki kesa sa babae.
kungsaan ito nanatiling walang
7. Paano naman ipinamalas kagalaw-galaw. ng mga Pilipino ang
pagmamahal nila sa
Natatandaan ng mga bata ang isa o
kanilang mga Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang
dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama yumaong awa sa sarili bilang isang malupit na
ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi minamahal sa inulilang ama na ipinaglalamay ang wala
sa panahong pagkamatay ng kaniyang
ito para sa kanila ng dalawangsupot na puno buhay? dugo at laman.
ng pansit guisado, at masaya nilang ubusin.

Sagot:
Takot at pananabik ang Ipinapamalas nila ang kanilang
Nagsisi ang ama at naisip na niyang
nararamdaman ng mga bata pagmamahal sa kanilang mga magbago. Nagkagulo naman ang
habang hinihintay nila ang yumaong minamahal sa pamamagitan mga bata sa mga naiwang pagkain
pag-uwi ng kanilang ama. ng pagdarasal sakanila sa kung nasaan sa puntod ni Mui Mui.
man sila ngayon at sa pamamagitan
ng pagbisita sa kanilang puntod.

8. Anu-ano pa ang iyong nalalaman hinggil sa paraan ng paggunita ng mga taga-Asya sa


kanilang mga minamahal na namatay?

Sagot: Pag-aalay ng bulaklak sa puntod ng namatay, pagtitirik ng kandila sa kanilang puntod,


pagdalaw sa sementeryo, pangangaluluwa at pagpapadasal sa mga namayapa.

Ikalawang Gawain
Balangkas ng Kuwento
Ikatlong Gawain:
Pagpili ng Tamang Pangatnig

1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasan masira ang
mga ngipin.

2. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro
ngayong umaga.

3. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hatinggabi ka na natulog kagabi.

4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat ng
Pilipinas.

5. Magdasal muna tayo (bago, kaya, at) tayo kumain ng hapunan.

6. Matutuloy ang camping natin (at, subalit, kung) hindi masama ang panahon bukas.

7. Tumatahol ang mga aso (kapag, ngunit, hanggang) may taong kumakatok sa pinto.

8. Ano ang kulay ng sasakyan ninyo, pula (at, o, pero) puti?

9. Mahilig siya magbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.

10. Tumakbo nang tumakbo ang usa (hanggang, habang, samantalang) nakarating ito sa gitna ng
gubat.

11. Naglalaro ang anak niya sa labas (pero, para, habang) may kinakausap siya sa telepono.

12. Tumigil ang pag-iyak ng bata (nang, bagama’t, subalit) bumalik ang kanyang ina.

13. Tumawag ako sa bahay ni Tess (upang, ngunit, kapag) hindi pa raw siya umuuwi galing
eskuwelahan.

14. Tatawag muli si Alma (kasi, bago, para) makausap ka tungkol sa proyekto ninyo.

15. Gusto pa rin nilang maglaro ng basketbol (dahil, kahit, para) gumagabi na.

16. Alin ang mas gusto mong gawin, manoood ng sine (habang, o, kung) kumain sa labas?

17. (Sapagkat, Ngunit, Bagama’t) mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.
18. Matalinong bata si Jaime (subalit, upang, kaya) hindi mataas ang marka niya sa nakaraang
pagsusulit.

19. Naghihirap magtrabaho ang mga magulang mo (kasi, hanggang, samantalang) inaaksaya mo
lang ang perang bigay nila sa iyo.

20. (Subalit, Bagama’t, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho upang
makatulong sa pamilya.

Ikaapat na Gawain
Pagbuo ng Pangungusap

1. Subalit huli na ang kanyang pagsisisi dahil wala ng buhay ang kanyang anak.

2. Datapuwat siya ay lasenggo at iresponsable, tunay niyang mahal ang kanyang anak.

3. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit,
ngunit patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.

4. Siya ay nagpapakalunod sa pag-inom ng alak samantala ang kanyang mga anak ay gutom na
naghihintay sa kanyang pag-uwi at nag-aabang kung meron siyang bitbit na pansit.

5. Alam nila na ang halinghing ni Mui Mui ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng
ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa
bata at hahampasin iyon nang buong lakas saka haharapin nito at papaluin din ang ibang bata
na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang kabuwisitan.

6. Siya ay natanggal sa trabaho kung kaya ang napagbuntunan niya ng kanyang galit at inis ay
ang batang si Mui Mui.

7. Dahil sa nangyari kay Mui Mui, nagsisi ang ama at naisip nitong magbago at maging isang
mabuting ama sa kanyang mga anak.

8. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at tumayo, at sa wakas ay naisip
niyang magiging mabuti na siyang ama.

9. Sa lahat ng ito, isang leksyon ang ating matututunan sa akdang Ang Ama, ito ay ang
pagpapahalaga sa mga anak at wag maging pabaya sa kanila.

10. Walang pasensya sa matinis na halinglhing ni Mui Mui ang kanilang ama, kaya’t kung gayon
nalang ang ginagawa nilang pagtatago sa bata para hindi ito marinig ng kanilang ama.

You might also like