You are on page 1of 12

FILIPINO 9

GAWAING PAGKATUTO
Maikling Kuwento

Pangalan:_____________________________ Q1W1- Apat na Araw


Seksiyon: _____________________________ Petsa: ________________

UNANG ARAW
Panimula (Susing Konsepto)
Halina’t tayo’y maglakbay sa Timog-Silangang Asya gamit ang iba’t ibang akdang
pampanitikan. Magsimula tayo sa isang maikling kuwentong salin ni Mauro R .
Avena na pinamagatang “Ang Ama” mula sa Singapore.

Ano ang Maikling kuwento?


Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang
akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay
na pangyayari sa buhay.
Nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng buhay ng tao. May kapayakan at
kakauntian ng mga tauhan.
Tinatalakay ang natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at
mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
BAHAGI AT SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO
1.SIMULA
a. Mga Tauhan -- dito nalalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento
at kung ano ang papel nagaganapan ng bawat isa, maaring bida, kontrabida o
suporta.
b. Tagpuan -- dito nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o
mga insidente gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento.
c. Suliranin -- kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan
2. GITNA
a. Saglit na Kasiglahan -- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
b. Tunggalian -- bahaging kababasahan ng pakikitunggali ng pangunahing
tauhan sa mga suliraning kakaharapin na minsa'y ang sarili, ang kapwa,
lipunan,o ang kalikasan.
c. Kasukdulan -- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban

1
3. WAKAS
a. Kakalasan -- bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
b. Katapusan -- kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring
masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Kasanayang Pagkatuto at Koda

MGA LAYUNIN (MELCS)


o Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napakinggang akda F9PN-Ia-b-39
o Nasusuri ang maikling kuwento batay sa paksa, mga tauhan, pagkakasunod-
sunod na pangyayari, estilo at pagsulat ng awtor at iba pa F9PS-la-b-41

Pamaraan
Basahin at unawain ang Maikling Kuwento na pinamagatang “Ang Ama”. Ipakita mo
ang iyong galing sa pagsagot sa sumusunod na gawain!
Ang Ama
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at Anim lahat ang mga bata. Ang
pananabik kapag hinihintay ng mga dalawang pinakamatanda ay isang
bata ang kanilang ama. Ang takot ay lalaki, dose anyos, at isang babae,
sa alaala ng isang lasing na suntok sa onse; matatapang ang mga ito kahit na
bibig na nagpapatulo ng dugo at payat, at nagagawang sila lang lagi
nagpapamaga ng ilang araw sa labi. ang maghati sa lahat ng bagay kung
Ang pananabik sa pagkain na wala ang ina, upang tiyaking may
paminsan-minsa'y inuuwi ng ama sa parte rin ang maliliit. May dalawang
malaking supot ng mainit na pansit na lalaki, kambal, nuwebe anyos, isang
iginisa sa itlog . Ang totoo, para sa maliit na babae, otso anyos at isang
sarili lang niya ang iniuuwing pagkain dos anyos na paslit pa, katulad ng iba,
ng ama, lamang ay napakarami nito ay maingay na naghahangad na
upang maubos niya nang mag-isa; makuha ang kaniyang parte sa mga
pagkatapos ay naroong magkagulo sa pinag-aagawan.
tira ng ama ang mga bata na kanina
pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa Natatandaan ng mga bata ang
pakikialam ng ina na mabigyan ng isa o dalawang okasyon na sinorpresa
kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit sila ng ama ng sa kaluwagang-palad
ito'y sansubo lang ng masarap na nito - sadyang nag-uwi ito para sa
pagkain, sa mga pinakamatanda at kanila ng dalawang supot na puno ng
malakas na bata lamang mapupunta pansit guisado, at masaya nilang
ang lahat, at ni katiting ay walang pinagsaluhan ang pagkain na
maiiwan sa maliliit. nahirapan nilang ubusin. Kahit na ang
2
ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't madalas kainisan ng ama. Uhugin,
kumain ng kaunti. pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap
Pero hindi na naulit ang masayang ng langib sa galis na nagkalat sa
okasyong ito, at ngayo'y hindi nag- kaniyang mga binti, na nag-iiwan ng
uuwi ng pagkain ang ama; ang mapula-pulang mga parte, gayong
katunaya'y ipinapalagay ng mga pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng
batang mapalad sila kung hindi ito ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang
umuuwing lasing at nanggugulpi ng kaniyang halinghing. Mahaba at
kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa matinis, iyon ay tumatagal ng ilang
pa rin sila, at kung gising pa sila pag- oras, habang siya ay nakaupo sa
uwi sa gabi ng ama, naninipat ang bangko sa isang sulok ng bahay,
mga matang titingnan nila kung namamaluktot nang pahiga sa banig
may brown na supot na nakabitin sa kasama ang ibang mga bata, na di-
tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi makatulog. Walang pasensiya sa
itong pasigaw-sigaw at padabog- kaniya ang pinakamatandang lalaki at
dabog, tiyak na walang pagkain, at babae, na malakas siyang ireklamo sa
ang mga bata'y magsisiksikan, takot ina na pagagalitan naman siya sa
na anumang ingay na gawa nila ay pagod na boses; pero sa gabing
makainis sa ama at umakit sa naroon ang ama, napapaligiran ng
malaking kamay nito upang pasuntok bote ng beer na nakaupo sa mesa,
na dumapo sa kanilang mukha. iniingatan nilang mabuti na hindi
Madalas na masapok ang mukha ng humalinghing si Mui Mui. Alam nila na
kanilang ina; madalas iyong marinig ng ang halinghing niyon ay parang
mga bata na humihikbi sa mga gabing kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos
tulad nito, at kinabukasan ang mga ng ama at ito'y pabulahaw na sisigaw,
pisngi at mata na iyon ay mamamaga, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y
kaya mahihiya itong lumabas upang tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
maglaba sa malalaking bahay na iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay
katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi haharapin nito at papaluin din ang
paghikbi ang maririnig ng mga bata ibang bata na sa tingin nito, sa
mula sa kanilang ina, kundi isang uri kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang
ng pagmamakaawa at ninenerbiyos na kabuwisitan.
pagtawa at malakas na bulalas na
pag-ungol mula sa kanilang ama at Noong gabing umuwi ang ama na
sila'y magtatanong kung ano ang masamang-masama ang timpla dahil
ginagawa nito. nasisante sa kaniyang trabaho sa
lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng
Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi isang mahabang halinghing at hindi
kaysa dati at mas lasing kaysa dati, mapatahan ng dalawang
may pagkakataong ilalayo ng mga pinakamatandang kapatid gayung
bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui binalaan nilang papaluin ito. Walang
Mui, na otso anyos at sakitin at ano-ano, ang kamao ng ama ay
palahalinghing na parang kuting, ay bumagsak sa nakangusong mukha ng
2
bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, napaiyakat kinailangang muling
kung saan ito nanatiling walang libangin.
kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan
ng bahay ang ibang mga bata sa Ngayo'y naging napakalawak
inaasahang gulo. Nagkaroon lamang ang kaniyang awa sa sarili bilang
ng malay ang bata sa pamamagitan ng isang malupit na inulilang ama na
paghilamos ng ina ng malamig na ipinaglalamay ang wala sa panahong
tubig. pagkamatay ng kaniyang dugo at
laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili
Pero pagkaraan ng dalawang ay bumulwak ang wagas na
araw, si Mui Mui ay namatay, at ang pagmamahal sa patay na bata, kaya
ina lamang ang umiyak habang ang madalamhati siyang nagtatawag,
bangkay ay inihahandang ilibing sa "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-
sementeryo ng nayon na may isang awa kong anak!" Nakita niya ito sa
kilometro ang layo roon sa tabi ng libingan sa tabi ng gulod -payat,
gulod. Ilan sa taga-nayon na maputla, at napakaliit - at ang mga
nakatatanda sa sakiting bata ay alon ng lungkot at awa na nagpayanig
dumating upang makiramay. Sa ama sa matipuno niyang mga balikat at
na buong araw na nakaupong brasong kayumanggi ay nakakatakot
nagmumukmok ay doble ang kanilang tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga
pakikiramay dahil alam nilang nawalan kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na
ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy may luha sa mga mata at bubulong-
ang isang babae at pilit niya itong bulong, "Maaring lasenggo nga siya at
inilagay sa palad ng ama na di- iresponsable, pero tunay na mahal
kawasa, puno ng awa sa sarili, ay niya ang bata".
nagsimulang humagulgol. Ang balita
tungkol sa malungkot niyang Tinuyo ng nagdadalamhating
kinahinatnan ay madaling nakarating ama ang kaniyang mga luha at saka
sa kaniyang amo, isang matigas ang tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula
loob pero mabait na tao, na noon din ngayon, magiging mabuti na siyang
ay nagdesisyong kunin siya muli, para ama. Dinukot niya sa bulsa ang
sa kapakanan ng kaniyang asawa at perang ibinigay ng kaniyang amo sa
mga anak. Dala ng kagandahang-loob, asawa (na kiming iniabot ang mga ito
ito ay nagbigay ng sariling agad sa kaniya, tulad ng nararapat).
pakikiramay, kalakip ang munting Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa
abuloy (na minabuti nitong iabot sa man dito ay hindi niya gagastusin sa
asawa ng lalaki imbes sa lalaki alak. Hindi na kailanman. Matibay ang
mismo). Nang makita niya ang dati pasiya na lumabas siya ng bahay.
niyang amo at marinig ang Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan
magaganda nitong sinabi bilang pupunta ang ama, tanong nila.
pakikiramay sa pagkamatay ng Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito
kaniyang anak, ang lalaki ay sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak
nila na uuwi itong lasing.
3
Pagkalipas ng isang oras, pinakamatanda nang matiyak na hindi
bumalik ang ama. May bitbit itong sila maririnig ng ama. "Tingnan natin
malaking supot na na may mas maliit kung saan siya pupunta." Nagpumilit
na supot sa loob. Inilapag nito ang na sumama ang kambal at ang apat ay
dala sa mesa. Hindi makapaniwala sumunod nang malayo-layo sa ama.
ang mga bata sa kanilang nakita, pero Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na
iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? makikita sila nito at sisigawang
Tumingin silang mabuti. May supot ng bumalik sa bahay, pero gayo'y nasa
ubas at isang kahon yata ng biskwit. isang bagay lamang ang isip nito sa
Nagtaka ang mga bata kung ano nga dalang supot ng ama..
ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki'y biskwit; Dumating ito sa libingan sa
nakakita na siyang maraming kahon tabing gulod. Kahuhukay pa lamang
tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa ng puntod na kaniyang hinintuan.
bayan. Ang giit naman ng Lumuhod at dinukot ang mga laman
pinakamatandang babae ay kendi, ng supot na dahan-dahang inilapag sa
'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila puntod, habang pahikbing nagsalita,
ni Lau Soh, na nakatira roon sa "Pinakamamahal kong anak, walang
malaking bahay na pinaglalabhan ng maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi
nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
pandidilat at pagngisi sa pananabik;
masaya na sila ano man ang laman Nagpatuloy itong nakipag-usap
niyon. Kaya nagtalo at nanghula ang sa anak, habang nagmamasid sa
mga bata. Takot na hipuin ang yaman pinagkukublihang mga halaman ang
na walang senyas sa ama. Inip silang mga bata. Madilim na ang langit at ang
lumabas ito ng kaniyang kuwarto. maitim na ulap ay nagbabantang
mapunit anomang saglit, pero patuloy
Di nagtagal ay lumabas ito, sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.
nakapagpalit na ng damit, at dumiretso Naiwan sa katawan ang basang
sa mesa. Hindi dumating ang senyas kamisadentro. Sa isang iglap, ang
na nagpapahintulot sa mga batang kanina pang inip na inip na mga bata
ilapat ang mga kamay sa pinag- ay dumagsa ang yaman. Sinira ng
iinteresang yaman. Kinuha nito ang ulan ang malaking bahagi niyon, pero
malaking supot at muling lumabas ng sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-
bahay. Hindi matiis na mawala sa salo sila tulad sa isang piging na alam
mata ang yaman na wari'y kanila na nilang ‘di nila mararanasang muli.
sana, nagbulungan ang dalawang

MAHUSAY! Naibahagi mo nang may pagmamalaki ang mga biyayang


iyong natanggap.

4
Gawain 1
1. Sino ang pangunahing tauhan? Pantulong na tauhan?
2. Saan ang tagpuan ng kwento?
3. Paano nagsimula ang kuwento?
4. Ano ang naging suliranin at tunggalian ng kuwento?
5. Saang bahagi ang kasukdulan ng kuwento?
6. Paano nagtapos ang kuwento?
7. Sino ang pangunahing tauhan at pantulong na tauhan?
8. Saan ang tagpuan ng kuwento?
9. Paano nagsimula ang kuwento?
10. Paano nagtapos ang kuwento?

Panuto
Kopyahin ang kasunod na graphic organizer sa iyong notebook at punan ito ng mga
pangyayari mula sa binasang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Tukuyin
ang tagpuan, tauhan at kahalagahang pangkatauhan.

3 4 5

Pagsusunod-sunod ng
2 mga pangyayari 6

1 7

Kahalagahang
Pangkatauhan
Tagpuan at Tauhan

2
Gawain 2 ILAHAD MO KID!
Batay sa iyong binasang kuwento, sagutin mo nang buong husay ang mga tanong
sa ibaba. Isulat sa iyong notebook ang iyong mga kasagutan.

1. Ano ang katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento?


2. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa anak?
3. Paano nagwakas ang kuwento? Tama ba ang naging desisyon ng ama?
IKALAWANG ARAW
Susing Konsepto
Magandang buhay! Kamusta ka ngayong araw na ito? Sigurado ako na mas
sasaya ang araw mo sa mga inihandang gawain para sa iyo. Handa ka na ba? Halika
na at ipagpatuloy na natin ang mga Gawain.
Gawain 3. I-KONEK MO…
Panuto: Magbigay ng mga pangyayari sa kuwentong ang “Ang Ama” at tukuyin kung
ano ang kaugnayan nito sa kasalukuyan. Gamit ang iyong notebook, iguhit ang
graph na makikita sa ibaba.

Mga Kaugnayan
pangyayari nito sa
sa kuwento kasalukyan

2. Base sa iyong ginawang pagsusuri at pag-uugnay sa kasalukuyan ng mga


pangyayari sa kuwento, masasabi mo kaya ang klase ng relasyon mayroon ka sa
iyong ama o sa inyong pamilya? Ilarawan ito sa isang maikling talata at isulat sa
iyong kuwaderno.

3
IKATLONG ARAW
Susing Konsepto
Naniniwala ako na ikaw ay may tinatagong kakayahan na maaari mong ibahagi sa
araling ito! Tayo na at umpisahan na natin.

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng kuwento.

Anim na Sabado ng Beyblade


(Bahagi Lamang) ni Ferdinand Pisigan Jarin

Unang Sabado ng paglabas bagamat talagang di na kaya ng


niya nang hilingin na niyang kaniyang pang tumayo ng kahit ilang
magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa sandali man lang. Nakadudukot na rin
araw. Nangumbida ako ng maraming siya ng mga matitigas na butil ng dugo
tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan sa loob ng kaniyang gilagid.
ang regalo at pagbati ng “Happy
Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya Sa labas ng bahay na kanilang
malimutan ang araw na ito. Dapat tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang
pinakamasaya ang Sabadong ito sa tanungin niya ako ng; “Tay, may peya
lahat ng Sabado. Maraming-maraming a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong
laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, hinugot at binuksan ang aking pitaka
Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote at ipinakitang mayroon itong laman.
Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Agad akong nagtanong kung ano ang
Beyblade. Ang paborito niyang nais niya na sinagot naman niya ng
Beyblade. Maraming-maraming agarang pagturo sa isang kalapit na
Beyblade. Tinanggap niya ang lahat tindahan. Kung mabilis man akong
ng ito at marami pang iba sa kaniyang nakabili ng mga kending kaniyang
kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa ipinabili, mas mabilis siyang umalis
limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi agad sa tindahan at nakangiting
pa araw. Ikalawang Sabado, naki- bumalik sa aming kinauupuan.
bertdey naman siya. Pagkatapos ay Naglalambing ang aking anak. Nang
muling naglaro ng beyblade kasama kami’y pumasok na sa loob ng bahay,
ang mga pinsan. Tatlong araw bago naiwang nilalanggam na ang
dumating ang ikatlong Sabado, nakabukas ngunit di nagalaw na mga
sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-unti kendi sa aming kinaupuan. Tuluyan na
na siyang nanghihina. Bihira na siyang siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong
ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin Sabado. Subalit di na kusang nalagas
ang beyblade bagamat ayaw niya ang mga buhok. Sa kaniyang muling
itong bitawan sa loob ng kaniyang pagkairita, sinabunutan niya ang
kamay o di kaya‟y sa bulsa. Ang kanyang sarili upang tuluyang
nakapagngangalit, unti-unti na rin matanggal ang mga buhok. Nang araw
nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit na iyon, kinumbida ng isa kong
pinipilit pa rin niyang maging malakas kasama sa trabaho ,ang isang mascot
4
upang bigyan ng pribadong Pebrero ay pumanaw ang aking anak.
pagtatanghal si Rebo nang walang Ilang sandali matapos ang sabay na
bayad. Matapos ang pagtatanghal, paglaglag ng luha sa kaniyang mga
bagamat di man lang siya makangiti at mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya
makatawa, kitang-kita sa kaniyang ang kaniyang huling hininga. Namatay
mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang siya habang tangan ko sa aking bisig.
unti-unting humina at nawala. Di na Hinintay lamang niya ang aking
maikakaila ang mabilis na pagkapawi pagdating. Di na kami nakapag-usap
ng lakas ng aking anak pagsapit ng pa dahil pagpasok ko pa lang ng
ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pintua’y pinakawalan na niya ang
pang ipasok ang pisi ng beyblade sunod-sunod na palahaw ng matinding
upang mapaikot ito. Ramdam na ang sakit na di nais danasin ng kahit sino.
pagod at hingal sa kanyang “Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon.
pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko Mahal ka namin. Paalam.” Ikaanim na
siya sa isang karnabal, isa lamang ang Sabado nang paglabas ni Rebo sa
ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit ospital. Huling Sabado na masisilayan
na helicopter na tumataas at siya ng mga nagmamahal. Wala na
bumababa ang tila oktupos na ang beyblade at ang may-ari nito.
galamay na bakal. At sa tuwing tataas, Payapa na silang nakahimlay sa loob
hahanapin ako ng tingin sa baba at ng kabaong. Magkasamang tutungo sa
malungkot na ngingitian. Pagkababa, lugar na walang sakit, walang gutom,
mabilis na siyang nagyayang umuwi. walang hirap. Payapang magpapaikot
At pagkauwi’y humiga nang humiga at at iikot. Maglalaro nang maglalaro.
paulit-ulit na tumingin sa kawalan. Habang kaming mga naiwan ay
Huling Sabado ng Pebrero ang paglalabanan at pag-aaralang
ikalimang Sabado. Eksaktong tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng

Kasanayang Pagkatuto at Koda


MGA LAYUNIN (MELCS)
● Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang
nakapaloob sa akda. F9PB-la-b-39

2
Gawain 4 Timeline
Panuto: Upang higit mong maunawaan ang kuwento, ilahad mo ito gamit ang isang
grapikong presentasyon, ang timeline. Kopyahin sa sagutang papel o notebook.

Sabado 1 Sabado 3 Sabado 5

Sabado 2 Sabado 4 Sabado 6

1. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang Anim na Sabado ng Beyblade ang


bahagi ng kuwentong iyong binasa?
2. Paano nagwakas ang kuwento?
3. Kung ikaw ang may akda ganito din ba ang iyong gagawing wakas? Bakit?

Gawain 5
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na baguhin ang wakas ng kuwento, paano
mo ito wawakasan? Isulat ang iyong kasagutan sa iyong kuwaderno.

2
Gawain 6 KAMBAL KARIBAL
Gamit ang VENN DIAGRAM sa ibaba, itala mo ang pagkakahalintulad at
pagkakaiba ng dalawang Ama sa nabasa mong mga akda.

Anim na Sabado ng
Ang Ama Pagkakatulad
Beyblade

IKAAPAT NA ARAW
Susing Konsepto
Tunay ngang ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga akdang pampanitikan, akda
mang galing sa atin o sa ibang bansa, ay nakatutulong sa atin lalo na sa kabataang
tulad mo. Ito ang magtuturo sa iyo upang makita mo ang pagkakatulad ng kultura
natin sa mga Asyano.
REPLEKSIYON
Gawain 7. Subukan mo…
Ngayong natiyak na may kaalaman ka na sa pagsusuri. Pumili ka ng isa sa mga
paborito mong nobela at ihambing mo ito sa kaganapan sa lipunanng Asyano sa
kasalukuyan. Gumamit ng graphic organizer sa paglalahad.
Isulat mo ito sa isang makulay na papel o kaya naman sa isang malinis na papel.
Pagtapos mong gawin, ito ay iyong ibahagi sa iyong facebook account.
Kinakailangan mo akong i-tag sa iyong post upang makita ko ito.
*Kung wala kayong internet connection sa inyong tirahan, gawin mo nalang ito sa
isang makulay na papel.
Hello! Binabati kita!
Natapos mo ring sagutin ang ating mga Gawain sa ating aralin, sinasabi ko naman
sa iyo na madali lang ang mga iyan. Pagpapatunay lamang na ikaw ay pursigido sa
pag-aaral at mababakas ko ang isang magandang tagumpay sa hinaharap ng iyong
buhay. Tara na! magpatuloy ka pa sa ating mga aralin at gawain,,, kaya ‘yan!!!

3
Sanggunian
Aklat
Romulo N. Peralta,Donabel C. Lajarca , Eric O. Carino ,Aurora C. Lugtu, et al.
Panitikang Asyano- Ikasiyam na Baitang.Unang Edisyon 2014. Modyul ng Mag-aaral
sa FILIPINO

Susi sa Pagwawasto
Itatama ng guro ang mga sariling kasagutan ng mag-aaral.

Inihanda ni:
Karen P. Cupido
Teacher III
Angeles City National Trade School

You might also like