You are on page 1of 2

Ang mga Pang-ugnay at mga Pahayag na Ginagamit sa

Pagbibigay ng Sariling Pananaw

May tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino. Ito ay ang sumusunod:

A. Pang-angkop
Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lámang ng mga pariralang pinaggagamitan. May dalawang uri ng pang-angkop.
Ang pang-angkop na na ay ginagamit kapag ang unang salita ay nagtatapos sa katinig
maliban sa n. Hindi ito isinusulat nang nakadikit sa unang salita. Inihihiwalay ito. Nagigitnaan ito ng
salita at ng panuring.
Halimbawa: mapagmahal na tao
• Kapag ang unang salita naman ay nagtatapos sa titik n tinatanggal o kinakaltas ang n at ikinakabit
ang -ng.
Halimbawa huwarang mamamayan
Ang pang-angkop na -ng ay ginagamit kung ang unang salita ay nagtatapos sa mga patinig. Ikinakabit ito
sa unang salita. Halimbawa, mabuting nilalang

B. Pang-ukol
Ito ay kataga/salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang mga salita sa
pangungusap. Narito ang mga katagang pariralang malimit na gamiting pang-ukol.

Sa
Kay / kina Alinsunod sa /kay
Laban sa/kay Ayon
Hinggil sa /hinggil kay Ukol sa/kay
Para sa /kay Tungkol sa/kay

C. Pangatnig
Tawag sa mga kataga/salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
Narito ang iba't ibang uri ng pangatnig.

At Ni O Kaya Maging
Man Saka Pati Dili kaya Gayundin

Filipino 9 – WIKA
2nd term
Kung alin Sa halip Kung sino Siya rin Kung saan
Kung gayon datapwat Subalit Bagkus Samantala
Habang Maliban Bagaman Kung Sa bagay
Kundi Kapag Sakali Sana Pagkat
Sapagkat Kasi Kung kaya Palibhasa Dahil sa
Sanhi ng Anupa Samakatwid Sa madaling
salita

Ang natalakay na mga pang-ugnay ay mabisang gamit sa pagbibigay ng sariling pananaw. Sa pagbibigay
ng sariling pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag batay sa sariling damdamin, paniniwala, ideya,
kaisipan, o naranasan. Ang ganitong pahayag ay makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o
nagsusulat. Ilan sa mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw ay ang sumusunod:
 Kung ako ang tatanungin nakikita kong...
 Sa ganang akin...
 Para sa akin.
 Palibhasa'y naranasan ko kaya masasabi kong...
 Anupa't ang pananaw ko sa bagay na iyan ay Alinsunod sa...naniniwala ako
 Lubos ang aking paniniwala sa
 Sa bagay na iyan masasabi kong..

Filipino 9 – WIKA
2nd term

You might also like