You are on page 1of 26

Layunin

● Naibibigay ang katangian at kahulugan ng


korido.
● Naisasalaysay ang kaligirang
pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
● Nakakasulat ng isang maikling
pananaliksik ukol sa bagong ideya tungkol
sa Ibong Adarna.
Balik-Aral
Ano ang sanaysay?

Uri ng panitikan na nasusukat sa anyong


tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol
sa kaisipan at mga bagay-bagay na
sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng
mambabasa.
Balik-Aral
Ano ang mga bahagi ng isang sanaysay?

● Unang talata – Panimula o introduksyon


● Pangalawang talata – Nilalaman o Katawan
ng Sanaysay
● Pangatlong talata – Buod o Pangwakas
Tulang Romansa
Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang
ginagalawan ng mga prinsipe’t prinsesa at mga
maharlika. Naging palasak ang mga tulang romansa sa
Europa noong Edad Media at maaaring nakarating ito
sa Pilipinas mula sa Mexico noon pang 1610. Ngunit
noong dantaon 18 lamang ito naging palasak sa ating
bansa kasabay ng pagkakilala sa impremta at
pagkatuto ng mga katutubo ng alpabetong Romano.
Tulang Romansa
Nagkasanib sa tulang romansa ang dayuhan at
ang katutubo. Dayuhan ang (1) anyong pampanitikan
na galing sa Europa at dinala rito ng mga prayle at
sundalong Kastila; (2) ang mga tauhan, na may
prinsipe at prinsesang may mga pangalang dayuhan;
(3) ang tagpuan, na karaniwang isang malayong
kaharian sa Europa; at (4) ang paksang relihiyoso
na pinalalaganap sa pamamagitan ng anyong
pampanitikang ito.
Tulang Romansa
Ngunit binibihisan na ang tulang romansa ng
katutubong pagkamalikhain. Katutubo ang (1) wikang
ginamit sa mga tulang romansa; (2) ang tradisyon sa
pagtula na dati nang ginagamit sa panitikang
salimbibig, tulad ng bugtong, sawikain, at iba pa; (3)
ang mga talinghagang likas sa wika; at (4) ang mga
pagpapahalagang pamana ng ating mga ninuno, tulad
ng pagmamahal sa magulang, pagtulong sa
nangangailangan at iba pa.
Dalawang Anyo ng Tulang Romansa

Ang awit at korido ay ang


dalawang anyo ng tulang romansa.
Nagkakaiba ang dalawang ito
ayon sa sukat, himig, at
pagkamakatotohanan.
Pagkakaiba ng Awit at Korido
KORIDO
1. May walong pantig sa bawat taludtod.
2. Sadyang para basahin, hindi awitin.
3. Kapag inawit, sa himig na mabilis o allegro, ito ay dahil
maikli ang mga taludtod, wawaluhing pantig lamang.
4. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o
kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi
magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng bundok,
pag-iibang anyo, at iba pa.
5. Dahil dito, ang mga pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay
malayong maganap sa tunay na buhay.
Pagkakaiba ng Awit at Korido
AWIT
1. May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
2. Sadyang para awitin, inaawit sa tanging pagtitipon.
3. Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
4. Nahaharap sa mga pakikipagsapalaran ang mga tauhan sa
awit, ngunit higit na makatotohanan o hango sa tunay na
buhay ang mga pangyayari. Walang kapangyarihang
supernatural ang mga bida.
5. Maaaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayari
sa isang awit.
Buong Pamagat ng Ibong
Adarna

Korido at Buhay na Pinagdaanan ng


Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na
Anak ng Haring Fernando at Reyna
Valeriana sa Kahariang Berbanya.
Pangkaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna

Walang bansang matutukoy nang pinagmulan


ng Ibong Adarna. Hanggang sa ngayon ay hindi
matukoy kung sino talaga ang sumulat o lumikha
nito. Nanatilihing lihim ang awtor nito, bagaman
may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay
isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de
la Cruz.
Jose de la Cruz o “Huseng Sisiw”
- Binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa
Katagalugan.
- Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong Disyembre
20, 1746.
- Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya
marami ang nagpapaturo sa kanya ng pagtutugma ng
mga salita.
- Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil
kung may nagpapagawa sa kanya ng patulang liham
ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw.
Pangkaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna
Taglay ng Ibong Adarna ang motif ng cycle na
matatagpuan sa mga kuwentong bayan. Ito’y ang sumusunod:
may sakit ang ina (isang reyna), isang ama (isang hari) at
kailangan ng isang mahiwagang bagay upang gumaling - tulad
ng ibong umaawit, tubig ng buhay, halaman, at iba pa.
Maglalakbay ang tatlong anak ngunit, ang bunso ang
magtatagumpay na makuha ang makalulunas na bagay sa
tulong ng matandang ermitanyo. Pagtutulungan siya ng
nakatatandang mga kapatid upang agawan ng karangalan, at
magdaranas siya ng maraming hirap, ngunit magtatagumapy
rin sa huli.
Pangkaligirang Kasaysayan ng Ibong Adarna
Ilan sa mga kuwentong-bayan na hawig ng Ibong
Adarna ay ang sumusunod:

1. Mula sa kuwentong Scala Celi (1300)


2. Mula sa Hessen, Alemanya (1812)
3. Mula sa Paderborn, Alemanya
4. Mula sa Vaderbon, isinulat ni Gretchen Wild ang
“Ang Maputing Kalapati” (1808)
5. Mula sa Denmark (1696)
6. Mula sa “Isang Libo’t Isang Gabi”
Kabuuan ng Ibong Adarna
- Ang koridong Ibong Adarna ay binubuo ng 1,056
na saknong at ang kabuuan ng aklat ay umaabot sa
48 pahina.
- Nagkaroon ng pagkakaiba-iba sa gamit at baybay
ng salita dahil na rin sa pasalin-saling sipi, ngunit
noong 1949, dahil sa matiyaga at masusing pag-
aaral ni Marcelo P. Garcia ay isinaayos niya ang
pagkakasulat ng kabuoan ng Ibong Adarna partikular
ang mga sukat at tugma sa bawat saknong.
Pagbubuod
Ang akdang Ibong Adarna ay isang tulang
romansa dahil nagsasalaysay ito tungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga
prinsipe’t prinsesa at mga Maharlika. May
dalawang anyo ang tulang romansa ang awit at
korido. Ang Ibong Adarna ay isang korido dahil
may walong pantig ito sa bawat taludtod at
sadyang para basahin, hindi awitin.
Pagsasanay!
Paglalapat
Mula sa mga nabanggit na kuwentong-bayan na
hawig ng Ibong Adarna sa ikalawang teksto,
saliksikin ang buod o ang kabuuang kuwento nito.
Isalaysay sa klase ang mahalagang bahagi ng
kuwento at isadula ito sa pamamagitan ng isang
karilyo. Pagkatapos ng pagsasadula, tukuyin ng
klase ang mahalagang detalye at mensahe ng
akdang ibinahagi sa klase.
Pagsasanay

Magtungo sa online quizziz link


na ibibigay at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan bilang
pagtataya o ebalwasyon.
Takdang Aralin
Magsaliksik sa mga aklat o internet
tungkol sa iba pang ideya tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng Ibong
Adarna. Isulat ang buong talata at sa
ibabang bahagi ang pinagkunan o ang
sanggunian batay sa pormat ng pagsusulat
ng bibliograpiya.
Maraming Salamat!

You might also like