You are on page 1of 11

ED 109: The Teacher and the School Curriculum

Inihanda ni:

Bb. MANITO, DANICA G.

BSE 3-C Major in Filipino

Isinumite kay:

Gng. Nelia P. Mananguit

Propesor

A.Y. 2022- 2023


TANAUAN INSTITUTE, INC.
J. Gonzales St., Brgy. 4,
Tanauan City, Batangas S.Y.
2022 -2023

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nahihinuha ang kahulugang ng paghahambing at ang dalawang uri

nito;

2. Nailalahad kung ano ang mga gamit ng dalawang uri ng

paghahambing batay sa sariling pagkakaunawa, at ;

3. Nakabubuo ng pangungusap gamit ang dalawang uri ng

paghahambing.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Paghahambing at ang dalawang uri nito

B. Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation, white board

C. Sanggunian: Internet

 https://www.slideshare.net/DonessaPadilla/paghahambing-172090724

 https://www.studocu.com/ph/document/bicol-university/education/dalawang-uri-
ng-paghahambing/49490539

D. Pagpapahalaga: Maging mapanuri sa tatalakayin.


III. PAMAMARAAN

Panimulang Gawain

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panalangin

“Maari bang tumayo ang lahat para


sa isang maikling panalangin.”
(Magsisitayo ang mga mag-aaral ng
tahimik para sa panalangin)

“ Manatiling nakatayo ang lahat para sa


isang ehersisyo.”
(Mananatiling nakatayo ang lahat para
sa kanilang ehersisyo)

B. Pagbati

“Mapagpalang araw sainyo mga


mag-aaral!”
“Magandang araw din po, Bb. Erika”
“ Bago kayo magsi-upo maari bang
paki ayos ng inyong mga uupuan at
pakipulot ng mga maliit na kalat sa
inyong mga ila-ilalim ” (ang mga mag-aaral ay pupulutin ang
mga maliliit na kalat sa kanilang ila-
ilalim at aayusin ang kani-kanilang mga
upuan bago maupo)

C. Pagtala ng liban

“Kamusta kayo ngayon?”May


liban ba sa araw na ito? “
“wala po”
Kung wala ay mabuti dahil mas
maraming mag-aaral na makikinig, mas
maraming mag-aaral na matututo
ngayong araw”
D. Pagbabalik-aral/ tanaw

“Ngayon, bago tayo dumako sa


panibagong talakayan ay magbalik
tanaw munal patungkol sa huling
tinalakay”
“Ano ang inyong natutunan nitong (sasagot ang mga mag-aaral patungkol
huling talakayan?” sa kanilang natutunan)

IV. PANLINANG NA GAWAIN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A, Paggaganyak
Bago kami magsimula sa panibagong
talakayan, meron ako dito larawan na tiyak
ako ay alam na alam niyo ito.

Alam niyo ba kung anong kwento itong nasa


larawan? (sasagot ang mga mag-aaral)

“opo Bb.”
Tama, ito ay kwento ng Ibong Adarna at
Florante at Laura.

Ngayon meron ako dito sa unahan na Venn


Diagram, ang kailangan niyo lang gawin ay
ilagay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
dalawang kwento.
Sinong nais sumagot? (ang mga mag-aaral ay magtataasan ng
kanilang kamay upang sumagot.)
“Ako po Bb!”
“Ako din po Bb”
Ayan mahusay! Bigyan naman natin sila ng
Mommy D Clap sabay sabay tayong bibilang
ng hanggang tatlo na may papalakpak ng
tatlong beses at papadyak at sabay guhit ng
tsek sa hangin na may pagsasabing berigud
berigud, okay?sundan niyo nga ako.
(Ang mga mag-aaral ay sabay-sabay na
1, 2, 3 …. 1, 2, 3, Berigud Berigud. bibilang ng hanggang tatlong beses
habang napalpak at napadyak at sabay
guhit ng tsek sa hangin habang
Ang Pagkakaiba nagsasabi ng berigud.
FLORANTE AT LAURA                                

 Awit                                                      
 Binubuo ng 12 pantig                            
 ang himig ay mabagal natinatawag na
adante
 makatotohanan ang mga pangyayari

IBONG ADARNA

 Korido
 binubuo ng walong pantig
 ang himig ay mabilis na tinatawag na
allegro
 puno ng kababalaghan

Ang Pagkakatulad nila ay pareho silang


tulang Romansa at ang mga tauhan ay
pawang galing sa maharlikang pamilya o
mayayaman.

anong napansin niyo sa ating ginawa?


“kinuha po namin ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng dalawang kwento”
Tama, gumamit tayo ng venn diagram
upang kunin ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng dalawang kwento. Dahil dun nabigyan tayo
ng linaw sa paglalahad natin sa isang paksa
sa pamamagitan ng paglalahad ng
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
bagay na pinaghahambing.
B. Paglalahad/ pagtatalakay
At ngayon dumako na tayo sa ating
panibagong talakayan ngayon araw.

Ang paghahambing ay paraan ng paglalahad


na kung saan nakakatulong sa pagbibigay -
linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang bagay na pinaghahambing.

 Ito  ay ginagamit kung naghahambing ng


dalawang antas o lng katangian ng tao,
bagay, ideya, pangyayari, at iba pa.   
 isa sa 3 antas ng pang-uri na
naghahambing sa dalawang bagay.
 ginagamit kung naghahambing ng
dalawang magkaibang antas o lebel ng
katangian ng tao, bagay, ideya ,
pangyayari, at iba pa.

Ang paghahambing ay may dalawang uri:  

 Pahambing na Magkatulad  - ito ay


ginagamit kung ang dalawang
pinaghahambing ay may patas na
katangian.
 Di - Magkatulad - Nagbibigay ito ng diwang
pagkakait, pagtatanggi o pagsalungat sa
pinatutunayang pangungusap.
“opo!”
“Nauunawaan ba?

“Ano nga ulit ang dalawang uri ng


“Paghahambing na magkatulad po at Di-
paghahambing?”
magkatulad”
“Tama!Mahusay!”

PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD-

 Ginagamit ito kung ang dalawang


pinaghahambing ay may patas na
katangian.
 Ginagamitan ito ng mga panlaping ka,
magka, ga, sing, kasing, magsing,
magkasing, at mga salitangparis,
wangis/ kawangis, gaya, tulad, hawig/
kahawig, mistula, mukha/ kamukha.
ka- nangangahulugan ng kaisa o
katulad

HALIMBAWA: Ang Singapore ay dating


kabilang sa Malaysia.

magka- nangangahulugan din ng kaisahan o


pagkakatulad.

HALIMBAWA: Magkamukha lamang ng


kultura ang India at Singapore.

sing-(sin- /sim) gaya rin ng ka-, nagagamit


ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.

HALIMBAWA: Magkasingganda ang India at


Singapore.

 Ang maramihang sing-ay naipapakita sa


pag-uulit ng unang pantig ng salitang-
ugat. Muli, wala ang ganitong pattern sa
mga rehiyon ng bansa na hindi
gumagamit ng reduplikasyon.
kasing- (kasin- /kasim-) ang paggamit at
kahulugan ay katulad din ng sing,(sin/sim).
Pansining kapag ginamit sa pangungusap,
ganito ang pattern ng pagkabuo: kasing + s.u
+ ng/ ni + pangngalan + si/ ang + pang.

Halimbawa: Kasimbilis ng kidlat ang


pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang
sentro ng teknolohiya.

magsing-(magkasing-/magkasim) ang
pinagtutulad ay napipisan sa paksa ng
pangungusap.

HALIMBAWA: Ang dalawang bansa ay


magkasingyaman.

Ga/ gangga- nangangahulugan ng gaya,


tulad, para,paris

HALIMBAWA: Gamundo ang pagpapahalaga


nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang
magkaroon ng pagkakaisa.

PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD

 kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,


pagtanggi o pagsalungat sa
pinatutunayang pangungusap.
 May dalawang uri ang hambingang di
magkatulad:

1. Hambingang Pasahol- May mahigit na


katangian ang pinaghahambingan sa bagay
na inihahambing.

 Ginagamit ang mga sumusunod upang


maipakita ang ganitong uri ng
paghahambing.

Lalo - nangangahulugan ng pagdaragdag o


pagpapahigit sa kulang na katangian.

 Sinusundan ito ng katuwang na


panghambing na kaysa kay kung ngalang
tao ang pinaghahambing, /kaysa / kaysa
sa kung ngalang bagay / pangyayari.
Di-gasino - tulad ng .ginagamit sa
paghahambing ng uri o katangian ng mga tao.

 Sinusundan ito ng alinman sa mga


katagang naghahambing, kabilang ang
gaya,tulad, para o paris na sinusundan ng
panandang ni.

Di-gaano - tulad ng- tulad din ng di-gasino


subalit sa mga hambingang bagay lamang
ginagamit.

Di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o


pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit
itong pamalit sa di-gasino at di-gaano.

2. Hambingang Palamang- may mahigit na


katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulong
ng sumusunod:

Lalo - Ang diwa ng paghahambing ay


magiging kalamangan at di kasahulan kung
ang sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag
ng kalakhan, kataasan, kalabisan o
kahigtan. Muli, katuwang nito ang
kaysa/kaysa sa/kay.

HALIMBAWA: Lalong maunlad ang isa kaysa


sa isa.

Higit/mas…kaysa/kaysa sa/kay: sa sarili ay


nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit ito
sa paghahambing.

HALIMBAWA: Higit na malinis ang isa sa isa.

Labis-tulad din ng higit o mas

HALIMBAWA: Labis ang kanilang


pagmamahal sa bayan.

Di-hamak-kung ginagamit ay karaniwang


isinusunod sa pang-uri

HALIMBAWA: Di-hamak na mapuputi ang


Singaporean sa nga Hindu.
3. Modernisasyon/katamtaman: Naipakikita
ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping
ma-, sapaggamit ng salitang medyo na
sinusundan ng pang-uri ,sa paggamit ng
katagang may na sinusundan ng pang-uring
nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping
kabilaang ka-han.

“Nauunawaan ba ang paghahambing?” “opo!”


C. Paglalahat
“Ayan sige kung siyang tunay na
nauunawaan niyo ang tinalakay ko ngayon….

“Base sa napakinggan niyo, ano nga ang


paghahambing?” (magtataasan ng mga kamay ang mga
mag-aaral at sasagot ang mga ito)
“Ano naman ang dalawang uri nito?”
“paghahambing na magkatulad at
paghahambing na di-magkatulad po”
“Sa pagkakaunawa niyo sa tinalakay,
ano ang tatlong kinapapalooban ng
paghahambing na di-magkatulad?” (sasagot ang mga mag-aaral)

“Sa inyong palagay, paano


nakakatulong ang pagkuha ng pagkakaiba at
pagkakatulad sa paglalahad?” “Nakakatulong po ito sa amin sa
paglalahad na mabigyan linaw ang isang
bagay o paksa na pinaghahambing, dahil
dito napapadali po na malaman namin
ang pagkakaiba at pagkakatulad nito.”
“Mahusay! Bigyan naman natin sila ng Boy
Abunda Clap…..
Sabay-sabay tayo pumalakpak ng tatlong
beses, pumadyak ng tatlong beses sabay turo
sa kanila habang sinasabi na ikaaaaaw na!”
D. Pagyayaman
“Upang lubos niyo maunawaan ang ating
paksa ngayon araw ipapangkat ko kayo sa
tatlong grupo.”

“Ang kailangan niyo lang gawin ay kunin


ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
mabubunot niyong kategorya, meron ako
ditong tatlong kategorya, ito ay ang tao,
pelikula, at lugar. Kayo na bahala kung anong
halimbawa ng tao, pelikula at lugar ang
paghahambingin niyo.

Sa pagkuha ng pagkakaiba at pagkakatulad


gagamit kayo ng Venn Diagram at isusulat ito
sa ibibgay kong papel. Matapos niyo magawa
sa loob ng limang minuto, isa-isang
magbabahagi ang kada grupo dito sa unahan
ng kanilang nagawa.

Para sa ating kriterya, naglalaman ito ng….


KRITERYA PUNTOS
NILALAMAN 40
KOOPERASYON 30
PRESENTASYON 30
KABUUAN 100

“Nauunawaan ba ang gagawin at ang


kriterya?” “opo!”
Ngayon maari na kayo bumuo ng grupo, at (Ang mga mag-aaral ay pupunta sa kani-
simulan ang gawain. kanilang grupo at sisimulan ang gawain)

V. PAGTATAYA
“Mahuhusay kayong lahat, patunay na
lahat kayo ay nakikinig sa aming tinalakay
ngayong araw.”
“At ngayon kumuha ng isang malinis na
papel para sa ating pagsusulit.” (Ang mga mag-aaral ay kukuha ng kanilang
papel para sa kanilang maikling pagsusulit.)

PANUTO: : Basahin at punan ng tamang


sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap.
1. Ito ay ginagamit kung maghahambing ng
dalawang magkaibang antas o lebel ng
katangian ng tao, bagay, ideya atbp.
2. Ginagamit ito kung ang dalawang
pinaghahambing ay may patas na
katangian.
3. Nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait,
pagtanggi o pagsalungat sa pinatutunayang
pangungusap.
4. Ito ay uri ng hambingang di magkatulad
na may mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na
inihahambing.
5. Ito naman ay may mahigit na katangian
ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambingan.
6-7. Ibigay ang dalawang uri ng
paghahambing
8-10. Ibigay ang dalawang uri ng
hambingang di magkatulad.
“Maari niyo ng ipasa ang inyong sagutang
papel pauna”

VI. TAKDANG ARALIN


Para sa inyong takdang aralin, sa isang
“Bond Paper” paghambingin sa venn
diagram.
Panuto: Base sa iyong sariling kaalaman,
paghambingin ang dalawang uri ng
kalayaan.

FREEDOM FROM FREEDOM FOR

PAGKAKATULAD
“Ipapasa ito sa sunod nating pagkikita”

VII. PAGTATAPOS
Salamat sa inyong pakikinig, paalam
BSE 3C Paalam din po Bb.

You might also like