You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 7


1st quarter-2nd week
I. LAYUNIN: Sa loob ng itinakdang oras , ang mga mag-aaral ay:
a. Nagagamit ang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad. WG
b. Natutukoy at naipapaliwanag ang kaisipan sa binasang akda. PB
c. Naiguguhit ang larawan ng kakilala na may taglay na katangian na katulad sa napanood. . PD
d. Nakapagbabahagi sa klase ang mga aral batay sa mga pabula na kanilang nabasa.. PS
e. Nakasusulat ng maikling pabula na nakakpupulutan ng mabuting aral. PU
f. Nabibigyan ng kahulugan ang mga salita sa pamamagitan ng pagpapakita ng angkop na mga larawan.PT
g. Naisasadula ang nilalaman ng akdang napakinggan. PN
II. NILALAMAN
Paksa : Ang Leon at ang Daga (Pabula) ni Donato Sebastian
Sanggunian:
Kagamitan: aklat, larawan, pandikit, pentel pen, manila paper
Paglalahat: Ang pabula ay kwento na nagsasalaysay kung saan ang mga hayop ang tauhan.
UNANG ARAW:
III. Paglalahad
a. Balik aral (Pagtuklas)
Pagganyak: Aayusin ng piling mag-aaral ang picture puzzle upang mabuo ang larawan ng Munting Ibon.
(Magkakaroon ng kaunting balik aral tungkol sa tinalakay na “Ang Munting Ibon”).
b. Panibagong Aralin
KAPARES MO-HANAPIN MO
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang unang grupo ang may hawak sa larawan at ang ikalawang grupo ang
may hawak ng salitang tumutukoy sa larawan. PT
c. Paglalahad ( Paglinang)
Paglinang: Itatanong ng guro kung ano ang natatanging katangian sa nakitang larawan. Pagkatapos ay ipapakilala ang
aralin na “Ang Leon at ang Daga”-----PS
d. Paghahawan ng balakid
Gawain:
e. Pagtatalakay sa Nilalaman
Pagkukwento ng akdang :Ang Leon at ang Daga
2 Ikalawang araw:
Mga gabay na tanong: (Pagpapalalim) ---PB
1. Sino ang mga pangunahing tauhan sa pabula?
2. Ano ang mga katangiang naipakita ng Leon at ng Daga?
3. Paano nagkautang na loo bang isang mabangis at matapang na hayop sa isang maliit na nilalang?
4. Kung ikaw si daga, ililigtas mo rin ba si leon ?
5. Ano ang mensahe nais ipahatid ng pabula sa mga mambabasa?
3-4 araw:
Sisimulan ko-Tatapusin mo ----------WG
A. Pangkatang Gawain- Ang bawat grupo ay may naatasang sitwasyon na kung saan ang mga mag-aaral ay gagamit ng
ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad.
B. (Individual work)- Magsulat ng sariling pabula na may napupulutang aral gamit ang mga pandiwa.
5 araw:
Pangkatang Gawain: Isadula ang sariling pabula na naisulat ng may buhay. Gamit ang rubrics.---------PN
6 araw:
IV. Ebalwasyon:
Panuto: Gumuhit ng larawan na may taglay na katangian sa napanood . ---------PD
V. Takdang Aralin:
Panuto: Gamit ang Venn Diagram. Ihambing ang Leon at ang Daga batay sa kanilang katangian.

Ginawa ni:
MAYLYN J. DUA
Teacher 1

You might also like