You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF GUIMARAS
CABALAGNAN NATIONAL HIGH SCHOOL
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
UNANG MARKAHAN

I.LAYUNIN
Pagkatapos ng klase ang mag-aaral ay inaasahang
a. Nasusuri gamit ang grapic organizer ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan batay sa na
kwentong bayan.
b. Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar sa bansa.
II. PAKSA
Nilalaman :Kontinente ng Asya
Kagamitan :Modyul, Pantulong visual
Bilang ng Araw: 1 sesyon

III.PAMARAAN
Panimulang Gawain
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagpapaalala ng “classroom health and safety protocols”
d. Pagpapakilala/ Pagkuha ng Attendance
e. Pagbabalik aral sa mga unang leksyon

A. AKTIBITI
Ang mga mag-aaral ay aawit ng “CONTINENT SONG”

B.ANALISIS

Magtatanong sa mga mag-aaral


a. Ano-anong kultura, tradisyon at paniniwala ang isinasabuhay pa rin hanggang sa
kasalukuyan?
b. May mga kultur aba o tradisyon sa mga larawan na nasasalamin sa inyong lugar na
kinalalakihan?Ano- ano ang mga ito?

C.ABSTRAKSIYON
Magkaroon ng isang malayang talakayan

KWENTONG BAYAN
Ang mga kuwentong bahagi nan ang panitikan ng mga Pilipino bago paman dumating
ang mga kastila.Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t-ibang henerasyon sa paraang
pasalindila o pasalita.Nasa anyong tuluyan ang mga kwentong Bayan at karaniwang
naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap.
Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad
ng nangingitlog ng ginto , o kaya’y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad
ng mga diyos, diyosa, mga anito, diwata, engkantada,sirena, siyokoy atbp.Masasalamin sa
kuwentong bayan ng mga kaugalian , pananampalataya at mga suliraning panlipunan sa
panahon kung kailan ito nasulat.

May mga kuwentong bayang ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng mga


mambabasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan ng
mahahalagang aral sa buhay.

May mga tampok o kilalang kuwentong bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas. Nagkakaroon
na nga lang ng iba’t-ibang bersiyon ng mga ito dahil tagapagkuwento ang mga detalye na
nagdudulot ng ibang bersiyon dahil sa pagbabago sa banghay o pagdadaragdag ng mga
tauhan bagama’t nananatili ang mga pangunahing tauhan gayundin ang tagpuan kung saan
naganap ang kuwentong bayan.

URI NG KUWENTONG-BAYAN
Alamat -Ito ay mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay ,pook, hayop o
pangyayari.Marami sa mga alamat ang talagang nagmula pa sa mga kathang-isip ng ating
mga ninuno.
Mito o Mitolohiya- ay kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o paniniwala.Karaniwang tinatalakay ng mga kwento nito ang
mga Diyos at nagbibigay ng mga paliwanag tungkol sa likas na kaganapan.
Pabula-ay ang makabuluhang kwento na ang karaniwang nagtatampok sa kwento ay hayop
bilang tauhan.
Parabula-Ang kwento ay hango sa bibliya.Naglalaman ito ng mga talinhaga at nagtuturo ng
aral.Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang
pangangaral.

D.APLIKASYON
KUWENTONG ATIN!
Panuto:Babasahin ng ilang mag-aaral ang isang kwentong bayan sa bayan ng Taal pagkatapos ay
iuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar sa bansa

Kaugnay ng mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng


bansa:__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
IV.EBALWASYON
Gamit ang grapic organizer ay suriin ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan batay sa
kwentong bayan.

Ugnayan ng tradisyon at
akdang pampanitkan sa
kwentong bayan

V. KASUNDUAN
1. Magsaliksik ng mga kuwentong bayan sa Pilipinas.
2. Basahin ang kuwentong bayan ng Mindanao na may pamagat na “Ang Munting Ibon”.

You might also like