You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
STO. ANGEL NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. STO ANGEL, SAN PABLO CITY, LAGUNA
______________________________________________________________________
PEBRERO 26, 2024 QUARTER 3
FILIPINO, BAITANG 7
IKALAWANG ARAW NG IKA-APAT NA LINGGO

I. MGA LAYUNIN
Sa pagpapatuloy ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
a. Maitatala ang iba’t ibang katangian at elemento ng kwentong bayan;
b. Masusuri ang mga katangian at elemento ng kwentong bayan; at
c. Maipamamalas ang pagkamalikhain sa lahat ng pagkakataon.

II. PAKSANG ARALIN


Filipino 7, Katangian at Elemento ng Kwentong Bayan

III. MGA KAGAMITAN SA PAGTUTURO


 Learner’s Material, Filipino 7, Quarter 3
 Kopya ng babasahin
 Pisara
 Yeso

IV. PAMAMARAAN NG PAGTUTURO


A. PANIMULANG GAWAIN
 Pambungad na pagbati at panalangin
 Pagtatala ng liban sa klase
 Pagbabalik-tanaw sa aralin

B. PAGLALAHAD
1. PAGGANYAK
- Sisimulan ng guro ang klase sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga bata kung anong kwento
mula sa kanilang mga magulang ang pinaka hindi nila makakalimutan.

2. PAGTALAKAY
- Mula sa iba’t ibang kwento na ibinahagi ng mga mag-aaral, itatanong ng guro kung alam ba nila
ang katawagan sa mga nabanggit na kwento. Mula roon ay ipapaliwanag ng guro kung ano ang
kwentong bayan at ano ang kaibahan nito sa mito at alamat.
-
Kwentong Bayan – ito ay mga kwento tungkol sa pamumuhay, nakasanayan, kultura o tradisyon
ng isang bayan.

Mga elemento ng kwentong bayan:


1. Panimulang pangyayari (tauhan at tagpuan)
2. Pataas na pangyayari (mga suliranin)
3. Kasukdulan (hakbang upang malutas ang suliranin)
4. Pababang pangyayari (nasosolusyunan o nareresolba ang mga suliranin)
5. Resolusyon (wakas na kapupulutan ng gintong aral)

Mga pangunahing katangian ng alamat:


1. Tradisyong oral o pasalindila
2. Anyongtuluyan
3. Tungkol sa mga elemental na makikita o pinaniniwalaan sa bayang pinagmulan.
4. Tradisyon, pagpapahalaga at paniniwala

3. PAGPAPAHALAGA
- Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman
sa mga katangian at elemento ng kwentong bayan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF SAN PABLO CITY
STO. ANGEL NATIONAL HIGH SCHOOL
BRGY. STO ANGEL, SAN PABLO CITY, LAGUNA
______________________________________________________________________
- Muli’y ipapaliwanag ng guro na ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga katangian at elemento ng
kwentong bayan ay makapagbibigay ng linaw sa kaisipan ng mga mag-aaral upang maunawaan
ang ilang mga bagay sa ating paligid.

C. GAWAING PAGPAPAYAMAN
Sumulat ng isang kwento tungkol sa buhay ng isang “Batang SANHS.” Ihayag sa kwento ang mga
kaugalian at kasanayan ng mga mag-aaral na pumapasok sa Sto. Angel National High School, gayundin
ang ilang mga suliranin ng mga mag-aaral dito at ang mga hakbang na ginagawa ng mga mag-aaral upang
malampasan ang mga suliranin.

D. TAKDANG ARALIN
Gumawa ng pictograph base sa kwentong nalikha mo. Isaalang alang ang mga elemento ng kwentong
bayan at linangin ang pagiging malikhain sa pag gawa nito.

Inihanda ni:

Chesca A. Austria Inaprubahan ni:


Guro, SANHS

WILSON RAY G. ANZURES


Punongguro, SANHS

You might also like