You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur

SARILING
LINANGAN KIT SA
FILIPINO
7
PAMAGAT NG ARALIN:

Ang Pilosopo

QUARTER: 1 MELC NO. 1

MELC:
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
F7PN-Ia-b-1

Pangalan ng Guro: May Lynn F. Icalla


Paaralan: Sinait National High School
Distrito: Sinait

1
KUWARTER 1
SARILING LINANGAN
1
KIT MELC #

TUNGKOL SA SARILING LINANGAN KIT

Ang Sariling Linangan Kit (SLK) ay isang makabagong pandagdag na


kagamitan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon na tinatawag na “New
Normal”. Ito ay orihinal na ginawa para makamit ang pamantayan ng K-12
Kurikulum.
Ang Sariling Linangan Kit SLK na ito ay inihanda upang matugunan ang iyong
pangangailangan bilang mag-aaral sa ikapitong baitang tungo sa iyong mabisang
paagkatuto at paglinang ng kasanayan sa paghinuha ng kaugalian at kalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kwentong bayan batay sa mga pangyayari
at usapan ng mga tauhan.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

F7PN-Ia-b-1
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar
na pinagmulan ng kwentong bayan batay sa mga pangyayari
at usapan ng mga tauhan.

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


A. Natutukoy ang kaugalian at kalagayang panlipunan
ng lugar na pinagmulan ng kwentong bayan batay sa
mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
B. Napahahalagahan ang mga kinagisnang kaugalian at
kalagayang panlipunan ng isang lugar.
C. Nakasusulat ng isang talata hinggil sa pagpapanatili
sa mga kaugalian.

2
PAGTALAKAY SA ARALIN

MOTIBASYON

Bago natin talakayin ang paksa, narito na muna ang


isang pagsasanay na iyong sasagutin bilang unang
hakbang. Susukatin nito ang iyong kaalaman hinggil
kaugalian at kalagayang panlipunan ng isang lugar. Suriin
at unawain mabuti ang mga pahayag o pangyayari.

Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang KG kung ang pahayag o pangyayari
ay isang KAUGALIAN at KP naman kung ito ay nagsasaad ng KALAGAYANG
PANLIPUNAN. Isulat ang sagot sa kuwaderno.

_____1. Ang tinatawag na Sultan sa Mindanao ay karaniwang nabibilang sa


pinakamataas na antas sa lugar.
_____2. Sadyang ang mga Pilipino ay may positibong pananaw sa buhay.
_____3. Siya ang Datu sa kanilang angkan.
_____4. Praktikal kung mamuhay ang mga taga-Mindanao.
_____5. Noong unang panahon ang mga babae ay gumaganap lamang bilang
asawa at ina.
_____6. May pangkat noong sinaunang panahon ang mga tao sa lipunan.
_____7. Sa pamamalakad ng Sultan, maraming tao ang sunud-sunuran.
_____8. Lagi siyang gumagamit ng ‘po’ at ‘opo’ sa nakatatanda.
_____9. Isa siyang taong paladasal.
_____10. Maraming pista ang ipinagdiriwang sa Mindanao.
MAIKLING PAGTALAKAY

Ang maikling kwento ay isang kathang pampanitikan na


nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang
tauhan, may isang pangyayari at may isang kakintalan. Sa
pamamagitan ng pagsusuri o pagbabasa ng mga akdang
pampanitikan tulad ng maikling
3 kwento, nahihinuha natin ang
kaugalian o kalagayang panlipunan ng isang ispesipikong lugar. At
dahil din sa mga akdang ito, nasasalamin din ang kanilang
BASAHIN MO!
Narito ang isang halimbawa ng maikling kwentong
pinamagatang “Ang Pilosopo.”
Ang Pilosopo

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong
sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa
nasabing bayan. Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga
kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan
ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain. Nang mapansin ni Subekat na
lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay
kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain. Nang
marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si Abed at nakita
niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subekat na
kunin kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa kanya. Isang araw
nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang
makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga tauhan.
May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao
na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa
susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si
Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na
maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa
pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi.
Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na
tamang-tama lang ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng
kanyang hinlalaking daliri. Nang mapagod na sila sa walang humpay na
paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si

4
Subekat. Nang matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang
kanilang baon. Nang mabuksan na nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang
bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit
ng kanyang tinapay. Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na
magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay
Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito.
Nang dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay
ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng
lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking
bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis
ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang
makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang
makita ni Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi
ito sumusunod sa mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi
marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang magandang kinabukasan.

Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao Nina
Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D. Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D.

5
MGA HALIMBAWA

PAG-ARALAN MO!

Para lalo pang lubusang malaman ang ating aralin,


narito ang mga halimbawa ng mga kaugalian at kalagayang
panlipunan nating mga Pilipino.

KAUGALIAN
1. Pinauubaya ng mga taga-Mindanao ang kanilang buhay sa kinikilala
nilang Diyos.
2. Umaasa ang mga taga-Mindanao sa mga halamang gamot bilang
lunas sa kanilang karamdaman.
3. Pagmamano ng mga Pilipino sa nakatatanda.
4. Pagkamahilig ng mga Pilipino sa mga pista.
5. Pagbibigay ng dote ng lalaking ikakasal sa magulang ng kanyang
mapapangasawa.
6. Ang pagtulong sa kapwa na walang hinihinging kapalit.
7. Pagdarasal.
8. Pagharana ng isang binata sa dalagang sinisinta.

TANDAAN: Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga


kaugalian na ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Kinapapalooban ng
mga ideolohiya, moralidad, kaabutihang asal, wastong kagawian na itinakda
ng lipunan.

KALAGAYANG PANLIPUNAN
1. Kabesa ang tawag noon sa lider ng isang barangay.
2. Alipin ang pinakamababang uri ng tao sa lipunan noong unang
panahon.
3. Ang mga haligi ng tahanan ang siyang tagapagtaguyod sa pamilya.
4. Noong panahon ng Kastila, naging sunud-sunuran ang mga Pilipino.
5. Karamihan sa kababayan natin ay naghihirap dahil sa mga sakunang
nangyayari.

TANDAAN: Kapag sinabing kalagayang panlipunan hindi lamang ito


tumutukoy sa posisyon ng isang tao sa loob ng isang lipunan bagkus,
inilalarawan din ito ang estado ng pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

6
PAGSASANAY

Batid kong may kaalaman ka na pagdating sa kaugalian


at kalagayang panlipunan ng isang lugar. Ngayon, susukatin
mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa ibaba. Susuriin mo ngayon ang kaugalian at
kalagayang panlipunan ng mga taga-Mindanao

A. Panuto: Mula sa mga piling pahayag o pangyayaring mula sa akdang “Ang


Pilosopo” na nakatala sa loob ng kahon, isulat sa itaas ng fishbone ang
kaugalian at sa ibabang bahagi ang kalagayang panlipunan.

Pagdadala ng bato sa paglalakbay Magdasal dhubor


Taong sunud-sunuran Naghihirap
Mamigay ng pagkain Pinunong si Abed
Maghugas bago magdasal Pagsunod sa patakaran

KAUGALIAN

KALAGAYANG PANLIPUNAN

7
B. Ano ang ipinapahiwatig ng bawat larawan sa ibaba?

1.

2.

3.

8
C. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang kinagisnang kaugalian sa isang
pook o lugar? Ilagay sa kuwaderno ang sagot.

PAGLALAGOM

Tandaan:
Ang mga kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga
kaugalian na ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino.
Kinapapalooban ng mga ideolohiya, moralidad, kaabutihang
asal, wastong kagawian na itinakda ng lipunan.

Sa kabilang dako, ang kalagayang panlipunan naman


ay hindi lamang ito tumutukoy sa posisyon ng isang tao sa
loob ng isang lipunan bagkus, inilalarawan din ito ang estado
ng pamumuhay ng mga tao sa lugar na kanyang
kinabibilangan.

Masasabi na ang pag-alam sa kaugalian at kalagayang


panlipunan ng isang lugar ay pagbibigay-galang o respeto sa
kanilang pinagmulan . Mahalaga ito sapagkat tayong mga
Pilipino ay kilala sa pagiging makatao at makabayan sa lahat
ng pagkakataon.

APLIKASYON

Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapanitili ang


kaugalian o tradisyon sa inyong lugar? Paano mo rin
maitutuwid ang mga maling kaugalian sa panahong ngayon sa
inyong lugar? Isulat ang sagot sa kuwaderno.

9
PAGTATAYA

Alam kong nasagutan mo nang buong husay lahat


ang mga naibigay na pagsasanay dahil habang ikaw ay
pumapalaot tayo sa aralin ay lalo kang humuhusay.

Kung kaya’t narito ang huling pagsasanay para sa


lubusang pagtamo sa ating aralin.

`A. Tama o Mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay naglalahad ng mabuting
kaugalian o kalagayang panlipunan at MALI naman kung naglalahad di
kaaya-aya. Isulat ang sagot sa patlang.
_____1. Nag-iipon ang ama para sa aming kinabukasan.
_____2. Pang-aabuso sa kapangyarihan.
_____3. Pagpapaliban sa mga gawain.
_____4. Pagsunod sa utos ng magulang.
_____5. Masayang pagsasalo-salo sa hapag-kainan.
_____6. Pagsasawalang-bahala sa mga batas.
_____7. Pag-iisip sa kapakanan ng iba.
_____8. Pambubully sa ibang tao.
_____9. Pag-angkin sa hindi sa iyo.
_____10. Pagdabog kapag inuutusan.

B. Panuto: Itala sa loob ng berdeng bilog ang mga kaugalian o tradisyon na


dapat panatilihin at sa loob naman ng pulang bilog ang mga di dapat
panatilihin.

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

10
C. Mag-isip ng isang kaugalian na sa palagay mo ay tila unti-unti nang
nawawala sa panahon ngayon. Paano mo mapananatili ang kaugalian na
ito? Isulat ang sagot sa kuwaderno.

Binabati kita dahil matagumpay mong


natapos ang aralin na ito.

Maaari ka nang magpatuloy sa susunod


na talakayan.

Hanggang sa muli!

SANGGUNIAN

Aklat:
Julian, Ailene G. et.al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House.
Internet:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kaugalian (pahina 4)
https://tl.wikipedia.org/wiki/Katayuang_panlipunan (pahina 4)
https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/ang-kalagayang-panlipunan-ng-
mga-unang-pilipino (pahina 3)
https://www.slideshare.net/mariavictoriaobar/araling-panlipunan-aralin-2ang-
kalagayang-panlipunan-ng-mga-unang-pilipino (pahina 4)
https://pinoy-canada.com/10-na-ugaling-pinoy-na-dapat-baguhin/ (pahina 5)
academia.edu/36717137/QUARTER_1_DLP_FILIPINO_7 (pahina 7)
https://www.google.com/search?
q=kahulugan+ng+maikling+kwento&tbm=isch&ved=2ahUKEwiqtp79wID
qAhUI3pQKHQ94BKkQ2-
cCegQIABAA&oq=kahulugan+ng+maikling+kwento&gs_lcp=CgNpbWc
QA1C0iAFYkJsBYIyfAWgAcAB4AIAB3QaIAdgekgELMi0xLjIuMi4xLjKY
AQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=x6zlXuq2IIi80wSP8
JHICg&bih=651&biw=1366#imgrc=JpUq_jlDXp1qtM (pahina 7)
Larawan:

11
https://www.google.com/search?
q=kaugalian&sxsrf=ALeKk01zJ8oP1kJtfTCwK-
GYHLWs_DrN5Q:1592456904247&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved
=2ahUKEwjvw-OgzIrqA (pahina 7)
https://www.google.com/search?
q=kaugalian&sxsrf=ALeKk01zJ8oP1kJtfTCwK-
GYHLWs_DrN5Q:1592456904247&s (pahina 7)
http://powergirlblogaddress.blogspot.com/2017/07/kultura-ano-nga-ba-
ang-ibig-sabihin-ng.html (pahina 7)

12
MGA SAGOT

Motibasyon: Pagsasanay:
1. KP Kaugalian Kalagayang Panlipunan
1. Pagmamano
2. KG -pagdadala ng bato sa paglalakbay -taong sunud-sunuran
1. Crab Mentality 2. Pagsabi ng po at opo
3. KP -mamigay ng pagkain
2. Ugaling “Bahala na”
- naghihirap
3. Pagdiriwang ng pista
4. KG
3. Filipino Time
-maghugas bago magdasal -pinunong si Abel o
4. Pagdarasal
5. KP
4. Korapsyon
-magdasal ng dhubor -pagsunod
Pagsamba
sa patakaran
6. KP
5. Hindi pagsunod sa utos 5. Pagtulong sa kapwa
7. KP
8. KG
9. KG
10. KG

B. (Mungkahing Kasagutan)
1. Ang larawan ay sumisimbolo sa bayanihan o pagtutulungan ng bawat Pilipino.
Ang sistemang bayanihan ay nagpapakita lamang na ang bawat Pilipino ay may
malasakit sa bawat isa sa lahat ng pagkakataon. Mas madaling matapos ang isang
bagay kapag may kooperasyon ang bawat isa.

2. Ang ikalawang larawan ay ang pagmamano sa nakatatanda. Ng kaugalian na ito


ay nagpapakita ng pagkamagalang ng isang bata sa mas matanda sa kanya.
Ipinapahiwatig din nito ang pagkakaroon ng respeto sa ibang tao.

3. Ang huling larawan naman ay simbolo ng pagkarelihiyoso. Isa sa katangiang ng


Pilipino ay ang pagkakaroon ng matatag na pananampalataya sa kinikilala nilang
Diyos.

Pagtataya:
A.
1. Tama 6. Mali
2. Mali 7. Tama
3. Mali 8. Mali
4. Tama 9. Mali
5. Tama 10. Mali
B. (Mungkahing Kasagutan)

13

You might also like