You are on page 1of 21

7

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ikalawang Linggo
Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat at Mga
Pahayag na Pahambing

ii
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungankang


pahalagahan ang iyong pagka Pilipino sa pamamagitan ng pag-unawa
sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
Aralin 1 - Panitikan: “Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat. Alamat ng Isla ng
Pitong Makasalanan”. Alamat ng Bisaya.
Aralin 2 - Wika at Gramatika: Mga Pahayag sa Paghahambing Matapos
ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan


(F7PB-IIc-d-8)
2. Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitang paulitulit
na ginamit sa akda, mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan
(pagkiklino), mga di-pamilyar na salita mula sa akda, at mga salitang
nagpapahayag ng damdamin (F7PT-IIc-d-8); at
3. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas,
digaano, di-gasino, at iba pa) F7WG-IIc-d-8.

Subukin

Alam mo ba? napakalaki ng pagpapahalaga at paggalang ng mga Pilipino sa mga


magulang. Masasalamin din sa ating mga katutubong panitikang pumapaksa sa
kapahamakang nangyayari sa mga anak na nagiging suwail sa magulang. Tiyak
marami kang alam na kuwento na ganito ang paksa. Ngunit bago tayo magpatuloy
ay nais kong sagutin mo muna ang panimulang gawain at bago gawin iyon basahin
nang mabuti ang panuto. Handa ka na ba? Tara! Simulan na.

Gawain 1.
A- Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M naman kung
ito ay mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang alamat ay isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino na nagsasaad kung


paano nagsimula ang mga bagay-bagay.

2. Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na Legendus na


nangangahulugang “upang mabasa”.

3. Ang karaniwang paksa ng mga alamat ay ang katutubong kultura, mga


kaugalian, at kapaligiran.

4. Ang alamat ay dala ng mga dayuhan sa ating bansa.


5. Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol umunlad ang alamat.

1
6. Noon pa man unang panahon, lumaganap ang mga karunungang-bayan tulad ng
alamat sa pamamagitan ng pasalita; at nagpasalin-salin sa bibig ng mga
taumbayan.

7.Nagkaroon ng iba’t ibang bersiyon ang alamat depende sa kung saang rehiyon ito
nagmula.

8. Sa pagdating ng mga dayuhang mangangalakal tulad ng Tsino, at Arabe naisulat


at nailathala ang ilan sa mga alamat.

B- Panuto: Piliin sa pangungusap ang mga pahayag sa paghahambing. Isulat ang


sagot sa sagutang papel.

1. Di gaanong mahirap ang pamilya nila Ginang Santos.


2. Magkakasinsipag ang mga anak ni Lola Nita.
3. Higit na mahirap ang buhay ngayon kaysa noon.
4. Lalong maganda ang buhay kung may mabuting pagtitinginan.

5. Sindunong ni Louie si Bryan.


6. Parehong mapalad ang magkapatid sa kanilang propesyon at kabuhayan.
7. Di hamak na mabuti ang maglako sa daan kaysa manghingi.

Aralin

1 Alamat

Ang bawat rehiyon ay may kani-kaniyang kultura na sumasalamin sa mga


tradisyon, paniniwala at pamumuhay ng mga tao na nakatira dito. Ngunit sa
paglipas ng panahon ay unti-unti nagbabago ang mga ito, ang ilan ay tuluyan nang
nakalimutan ang ilan naman ay patuloy parin itong kinikilala tulad ng alamat, na
kung saan ito ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura.

Balikan

Pamilyar ka ba sa mga larawang nasa ibaba? Alam mo ba ang kuwento kung bakit
iyan ang tawag sa kanila?. Bago mo sagutin iyan, kumuha ka muna ng iyong ballpen
at papel at pagkatapos ay gawin ang gawain 2. Basahing mabuti ang panuto.

2
GAWAIN 2
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan, pagkatapos ay pumili ng isa at magtala ng
impormasyon tungkol sa alamat o pinagmulan ng napiling larawan. Gamitin ang
story log sa pagsagot nito. Gawin ito sa sagutang papel.

ALAMAT

Tuklasin

Alam mo ba? Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang Latin na
Legendus, na nangangahulugang “ upang mabasa”. Isang mahalagang bahagi ng
kulturang Pilipino ang mga alamat. Ang mga ito ay nagsasaad kung paano nagsimula
ang mga bagay-bagay. Karaniwan itong nagtataglay ng mga kababalaghan o mga
hindi pangkaraniwang pangyayari.

Ang alamat ay isang mahalagang kultura ng mga Pilipino. Ang karaniwang


paksa ng mga alamat ay ang ating katutubong kultura, mga kaugalian, at kaligiran.
Taglay nito ang magagandang katangian ngunit tinatalakay rin ang mga hindi
mabubuting katangian.
Ang alamat noong unang panahon ay lumaganap sa pamamagitan ng pasalita
at nagpasalin-salin sa bibig ng mga taumbayan. Sa pagdating naman ng mga
dayuhang mangangalakal tulad ng Tsino, India at Arabe ay lalong umunlad ang
alamat marami ang naisulat at nailathala dahil wika ang umunlad sa panahong ito.
Sa pagdating ng mga mananakop na Espanyol, pinalaganap nila ang
pananampalataya Katolisismo kaya’t sa panahong ito saglit na napigil ang
paglaganap ng karunungang-bayan tulad ng alamat. Sinasabing ipinasunog at
ipinaanod ng mga prayleng Espanyol ang mga naisulat na panitikan dahil ayon sa

3
kanila, gawa daw ito ng mga demonyo. Ngunit ang mga alamat at iba pang panitikang
pasalindila ay hindi nila nasira, subalit nagkaroon na ng iba’t ibang bersiyon ang
alamat depende kung saan rehiyon ng bansa nagmula. Gayumpaman, ang alamat
sa anomang bersiyon nito ay patuloy na tinangkilik at pinalaganap ng mga Pilipino
mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Ngayong napag-aralan mo na ang kaligirang pangkasaysayan ng Alamat at


alam kong marami kang natutuhan. Ngayon naman, nais kong basahin mo ang isang
alamat. “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan” Ang alamat ng Kabisayaan. Simulan
na!

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


(Alamat ng Kabisayaan)

Noong unang panahon, may isang matandang mangingisda, kasama ang


kanyang pitong anak na dalaga ay nakatira sa dalampasigan ng dagat, sa bayan ng
Dumangas, na isang lalawigan sa Iloilo.
Araw-araw, ang pitong dalaga ay matiyaga at masipag na ginagawa ang
kanilang tungkuling-bahay. Minsan, ay matatanaw mo silang lumalangoy sa dagat,
nagtatampisaw sa dalampasigan, naglalaro, at tila sila mga nimpang kay gaganda
habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lamang sa kanilang bayan
kundi maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang
tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay
ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang
labis na kinatatakutan ay ang balang araw ay makapangasawa sila ng lalaking
maglalayo sa kanila sa isa't-isa. Ang kanyang nais ay makahahanap man ng
mapangasawa ang mga dalaga ay taga roon din sana at ito ang palagi niyang
ipinagdarasal.
Isang araw, may isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang
dumating sa kanilang bayan at umakyat ng ligaw sa pitong dalaga, mabilis
nagkaunawaan ang mga dalaga’t binata. Inanyayahan ng mga binata ang mga dalaga
na mamasyal sa kanilang lugar, ngunit hindi pumayag ang kanilang ama kaya
naman nagpasya ang mga dalaga na umalis at sumama sa mga binata nang walang

4
paalam habang wala ang kanilang ama. Sakay sila ng magagara, mabibilis at
mamahaling mga bangka ng mga estranherong binata.
Nadaan sila sa baybayin ng Guimaras, kung saan nangingisda ang kanilang
ama, at sila ay natanaw. Nakita niya ang mga bangka, sakay ang kanyang mga anak.
Sinubukan niyang sundan ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagwan, ngunit
masyadong mabilis ang kanilang bangka para masundan ng kanilang ama. Labis
ang hinagpis ng kanilang ama, at napaiyak na lamang habang nagmamakaawa na
sila'y bumalik. Pero imposible na nilang marinig ang ama. Walang nagawa ang
matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati rin sa kanya
maging ang kalangitan sapagkat ang maliwanag na kalangitan ay biglang naparam
at napalitan ng pagdilim ng himpapawid. Gumuhit ang matatalim na kidlat na
sinabayan ng malakas na dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang malakas na
ulan, pati na rin ang mga alon, ay nagsisimulang magtaasan, kaya umuwi na lamang
ang matanda. Dahil na rin sa pagod at lungkot, kaya umiyak na lang ang kanilang
ama nang may pait sa kaniyang puso.
Sa kanyang pag-uwi ay inaalala pa rin niya ang kanyang mga anak dahil sa
lakas ng ulan at taas ng alon. Nagdesisyon siya na sa umaga ay papalaot siya upang
hanapin ang kaniyang mga anak. Ipinagdarasal na mahanap at mahabol pa niya ang
bangka dahil maaaring sila rin ay tumigil dahil sa lakas ng bagyo ng gabing iyon.
Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda
para hanapin ang mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa
laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila sinabog sa gitna ng laot sa pagitan
ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Kinabahan ang matanda at
kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso niya. Laking panlulumo niya nang makita
ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak na nakalutang
sa paligid. Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang kanyang mga anak
na dalaga. Parang nahulaan na niya ang nangyari. Mula noon ang mumunting isla
ay tinawag na Isla de los Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang
pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang
mapagmahal na ama.

Gawain 3

Paglinang ng Talasalitaan:

A- Panuto: Hanapin sa loob ng pangungusap ang salita na kasingkahulugan ng mga


salitang nasa panaklong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang pitong dalaga’y tila mga Nimpa dahil sa taglay nilang kagandahang
hinahangaan ng madla. (diwata)
2. Ang mga binata ay dumating lulan ng malalaking bangka. (sakay)
3. Ang bawat isa sa kanila’y naghahangad na ibigin din ng napupusuang dalaga.
(umaasa)
4. Humagulgol nang malakas ang matanda dahil sa galit at lungkot sa pagsuway ng
kanyang mga anak. (umiyak nang malakas)

5
Pag-unawa sa Binasa:

B -Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong na nakasulat sa ulap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

7. Ano ang
5. Sino-sino ang mga mahalagang aral na
pangunahing tauhan
6. Ano ang paksa ng nakapaloob sa
sa kuwento? Ilarawan
kuwento? kuwento.
ang bawat isa.

C- Panuto: Maglahad ng mga impormasyon sa mga salita/pahayag na nasa ibaba,


hinggil sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
8. Ang alamat sa panahon ng mga ninuno.

9. Kalagayan ng alamat pagdating ng mga dayuhang mangangalakal.


10. Dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon ng mga alamat.

Suriin

Nagustuhan mo ba ang binasa mong alamat? Napakagandang


pakinggan ang kuwentong ito dahil ito ay nagbibigay impormasyon hinggil sa
pinagmulan ng ating mga Isla. Ngayon naman ay nais kong sagutan mo ang mga
gawain na inihanda para sa iyo.

Gawain 4

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon upang mabuo
ang diwa ng kuwento. Gamitin ang Story Ladder sa paglalahad. Gawin ito sa
sagutang papel.

• Mabilis nagkaunawaan ang mga dalaga’t binata. Niyaya ng mga binata ang
mga dalaga na sumama mamasyal sa kanilang bayan, ngunit hindi
pumayag ang ama sa kagustuhan ng mga anak na sumama kaya
nagpasyang tumakas ang mga ito at iniwan ang ama.

6
• Hinabol ng matanda ang bangkang lulan ng mga anak ngunit hindi niya
naabutan ang mga ito dahil mabilis ang kanilang Bangka. Humagulgol ang
matanda at tila nakisimpatiya ang kalangitan dahil umulan at humangin ng
malakas. Sumadsad ang bangkang sinasakyan ng mga dalaga at nalunod
ang mga ito at naging mga isla.
• Masayang namumuhay ang mag-aama malapit sa baybayin sa Isla ng
Panay. Naging bantog ang kagandahan ng pitong dalaga kaya hindi
nakapagtataka na marami ang manliligaw ng mga ito, tulad ng mga
estrangherong mangangalakal.

Story Ladder

3.

2.

1.

Pagyamanin

Nabatid mo na ang tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng alamat, ngayon naman


ay maghinuha ka tungkol kaligirang pangkasaysayan ng binasa mong alamat.
Sagutan ang Gawain 5, Basahing mabuti ang panuto.

Gawain 5

Panuto: Magbigay ng hinuha tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng “Alamat ng


Isla ng Pitong Makasalanan.” Gawin ito sa sagutang papel.

1. Ang mga dalagang sumuway sa kanilang ama ay naging mga isla. Bakit kaya
mga isla? Ano ang kaugnayan nito sa uri ng kapaligirang mayroon ang tagpuan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________ 2.
Nagmatigas ang ama sa kanyang kagustuhang huwag mapalayo ang kanyang
mga anak sa kanyang piling. Sa anong panahon kaya nangyari ang akdang ito?
Ano ang kaugnayan ng panahon sa naging desisyon ng ama?
_____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Dumaong ang mga binatang mangangalakal sa kanilang bayan at umakyat ng
ligaw sa mga dalaga na may dalang mga regalo. Ilarawan ang tagpuan.

7
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Isaisip

Kumusta ka? Alam ko marami kang natutuhan sa ating aralin. Ngayon, nais kong
sukatin kung gaano kalalim ang iyong pagkaunawa sa ating natalakay.
Handa ka na ba?. Tara! simulan mo na.

Gawain 6

Panuto: Gamit ang Bintana ng Pag-unawa, ilahad mo ang iyong mga natutuhan sa
ating aralin. Isulat ang kabuoan ng gawain at ilagay ito sa iyong sagutang papel.

1. REYALISASYON 2. INTEGRASYON
Ano ang mga dagdag na kaalaman na dapat Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikang
tandaan? Pilipino tulad ng Alamat?

3. EMOSYON 4. AKSYON
Ilahad ang saloobin at damdamin habang Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa
binabasa mo ang “Alamat ng Isla ng Pitong mga akdang pampanitkan na tulad ng Alamat?
Makasalanan?”

Isagawa

Alam mo ba? Ang alamat ay naging tampok na bahagi ng ating panitikan mula pa
noon hanggang ngayon. Tinangkilik ito ng mga tao kaya’t patuloy na lumaganap,
kahit noong panahong ito’y hindi pa nasusulat at nagpapasalin-salin lamang sa bibig
ng mga tao. Ngunit, hindi rin maikakaila na sa kasalukuyang panahon o henerasyon
ay paunti nang paunti ang nagbabasa sa mga alamat marahil dahil sa mga laganap
na bagong libangin ng mga kabataan. Subalit, huwag sana nating hayaan na
tuluyang makalimutan ang ating panitikan na tulad nga alamat. Sa iyong palagay,
ano ang magagawa mo upang patuloy itong manatili hanggang sa susunod na
henerasyon? Sagutin mo ito sa nakalaang gawain para dito. Basahing mabuti ang
panuto.

8
Panuto: Maglahad ng tatlong kongkretong hakbang na maaaring gawin ng isang
mag-aaral na tulad mo upang lalo pang mapalaganap at tangkilikin ng mga tao ang
mga alamat lalo na ang mga kabataan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1._____________________________________________________________________________
2._____________________________________________________________________________
3._____________________________________________________________________________

Tayahin

Ngayon ay nais kong tayahin ang iyong mga natutuhan sa Aralin 1 ng modyul na
ito. Handa ka na ba sa pagtataya? Kuhanin ang iyong papel at ballpen at simulan
na ang iyong pagsagot.

Gawain7

A- Panuto: Maghinuha tungkol sa katangian ng mga tauhan batay sa pag-uugali ng


mga ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang pitong dalaga’y madalas makita sa dalampasigan habang nagtatampisaw at
naghahabulan at nagtatawanan. Mahihinuha rito na ang mga dalaga ay..
a.masayahin b. mapagwalambahala c.palakaibigan d.malaro

2. Araw-araw makikita ang mga dalaga na nagsasagawa ng kani-kanyang gawaing-


bahay. Mahihinuha mula rito na ang mga dalaga ay…
a.palautos b. malinis c. masisipag d. masayahin

3. Hindi niyo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama?
Hindi ako papayag.” Mahihinuha mula rito na ang ama ay…
a. magagalitin b. mainisin c. mapagmalasakit d. mapagbigay

4.”Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng


panganay na si Delay. Mahihinuha mula rito na si Delay ay…
a. may sariling desisyon b. magagalitin c. malupit d. mapagbigay

5. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na tahanan ang


kanyang dinatnan. Hindi napigil ang pagluha ng matanda nang masagana. Alin
ang sa palagay mo ang hindi nararamdaman ng ama sa sandaling ito? a. labis
na nasasaktan b. labis na nagdarama
c. labis na nalulungkot d. labis na nasisisyahan

B- Panuto: Magbigay ng sariling interpretasyon sa mga salita sa ibaba sa


pamamagitan ng paglalahad ng mga salitang maaaring iugnay sa bawat isa.
(dalawang puntos sa bawat bilang) Gawin ito sa sagutang papel.

9
6. Mapagmahal na ama -
7. Estranghero - 8.
Suwail na anak - 9.
Mangangalakal –
10. Bantog ang kagandahan ng mga dalaga -

Karagdagang Gawain

Sa panahong ito ng digital age kung saan bahagi na ng buhay ang internet, cable
television, video games, smart phones, tablet, at iba pa. Bilang isang kabataan ng
kasalukuyang panahon, bakit sa kabila ng pagkakaroon ng mga libangan at gawaing
kaugnay ng teknolohiya ay hindi mo pa rin dapat kaligtaan ang pagbabasa lalo na
ng mga panitikang katulad ng mga alamat?

Gawain 8

Panuto: Magtala ng mga limang (5) dahilan kung bakit hindi dapat kaligtaan ang
pagbabasa sa mga panitikan. Ipaliwanag.

1.______________________________________________________________________
2.______________________________________________________________________
3.______________________________________________________________________
4.______________________________________________________________________
5.______________________________________________________________________

Magaling! natapos muna ang Aralin 1 sa module na ito. Ngayon naman ,


maghanda ka na para sa Aralin 2.

Aralin
Mga Pahayag sa
2 Paghahambing

Binabati kita! Pagkatapos mo sa unang aralin ay magpapatuloy naman tayo sa


ikalawang aralin sa modyul na ito. Sa araling ito nais kong malaman mo ang mga
pahayag sa paghahambing.

Sa ating pakikipagkuwentuhan, minsan nakapagpapahayag tayo ng


paghahambing batay sa ating nakikita at nadarama. Kaya sa pagkakataong ito ay

10
ipaaalam sa iyo na nagiging mabisa ang paghahambing dahil may ginagamit tayong
mga pahayag sa paghahambing.

Marahil ay nasasabik ka ng malaman kung ano-ano ang mga pahayag sa


paghahambing at kung paano ito gamitin. Huwag kang mag-alala tutulungan ka
ng modyul na ito

Balikan

Ngayon ay muli nating balikan ang alamat na may pinamagatang “Alamat ng


Isla ng Pitong Makasalanan” na tinalakay sa unang aralin ng modyul na ito.

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Anong klaseng pagsasama meron ang pitong dalagang magkakapatid?
a. masaya at nagkakasundo c. may inggit sa isa’t isa
b. masunurin sa magulang d. nagpapagandahan sa isa’t isa
2. Ano ang nakabihag sa pitong estranghero upang suyuin ang pitong dalaga at
maging kasintahan?
a. kagandahan c. kasipagan
b. kahusayan d. katalinuhan

3. Bakit hindi pumayag ang ama na sumama ang pitong dalaga sa pitong estranghero?
a. dahil ayaw ng ama na magkaroon ng kasintahan ang pitong anak
b. dahil ayaw isama ng pitong anak ang kanilang ama
c. dahil hindi pa lubos na kilala ng pitong dalaga ang pitong estranghero
d. dahil walang mag-aasikaso sa ama kapag umalis ang pitong anak
4. Ano ang ginawa ng ama nang umalis pa rin ang kaniyang mga anak kahit hindi
niya pinayagan?
a. hinabol ang mga anak c. isinumpa ang mga anak
b. hinayaan na lang ang mga anak d. kinalimutan ang mga anak
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi ginawa ng pitong dalaga sa kanilang ama.
a. hindi nahabag sa kanilang ama c. naging mapangahas

b. hindi nakinig sa kanilang ama d. pinagsalitaan ng masasakit


na salita ang kanilang ama

11
Tuklasin

Basahin at suriin ang talata.

Si Alma at si Chin-Chin

Nais mo bang makilala ang dalawang dalaga sa larawan?


Mga kaibigan at kamag-aral ko sila – si Alma at si Chin-Chin. Wala akong
itulakkabigin sa kanilang dalawa. Kapwa sila maganda. Pareho silang matalino kaya
magsinghusay sila sa klase. Sila ay kapwa mabait, masipag at matulungin. Kaya nga
lamang, higit na tahimik si Alma. Siya ay di-gasinong palakibo tulad ni ChinChin.
Wari’y nahihiya siya kapag kinakausap ng mga lalaki. Mas gusto niyang lumagi sa
bahay kapag walang pasok kaya di-lubhang tanyag si Alma sa kabinataan.
Iba naman si Chin-Chin. Higit siyang makabago at masayahin. Mas lista siya
kaysa kay Alma. Lalo siyang aktibo sa mga proyektong pangkultura tulad ng drama.
Hindi siya nakikiming makipag-usap sa lalaki.
Sa kabila ng pagkakaiba nila ng ugali at gawi, kapwa ko sila kasundo. Pareho ko
silang mahal.
Sagutin:

A. 1. Ilan ang inilalarawan sa talata? Sino-sino sila?


2. Paano sila nagkakatulad? Paano sila nagkakaiba?
3. Ang pagkakaiba ba nila ng ugali at gawi ay nakapagpabago ng pagtingin sa
kanila ng nagsasalita?

B. 1. Anong uri ng talata ang iyong binasa?


2. Nakatulong ba ang paglalarawan kina Alma at Chin-Chin ang mga salitang
nakalimbag ng pahilig? Sa paanong paraan?
3. Ano ang tawag sa mga salitang nakalimbag ng pahilig? Ilan ang
inilalarawan o binibigyang katangian ng mga ito?
Suriin

Mga Pahayag sa Paghahambing

Ang pang-uring naglalarawan o nagbibigay-katangian sa dalawang tao, bagay,


lunan o pangyayari ay tinatawag na Pang-uring Pahambing. Upang lubos nating
maunawaan ang mga paghahambing ay gumagamit tayo ng mga pahayag sa
paghahambing. Halina’t ating tunghayan at alamin.

May dalawang hambingan ang pang-uri: Ang Magkatulad at Di-Magkatulad.

1. Pahambing na Magkatulad- Ang dalawang tao, bagay, lunan o pangyayaring


pinaghahambing ay magkatulad o magkapareho. Naipapakita ito sa pamamagitan
ng paggamit ng mga pahayag na:

a. Salitang kapwa at pareho na sinusundan ng pang-uring salita.

Halimbawa:
• Si Vinice at si Vina ay kambal na kapwa maganda.
• Sila rin ay parehong matalino.

b. Mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, at magkasing- na kinakabit


sa pang-uring salita.

Halimbawa:
• Singhusay na ni Mark ang kaniyang guro sa pagpipinta dahil sa
madalas na pagsasanay.
• Kasingganda ng mga tanawin sa ating bansa ang tanawin sa
ibang bansa.
• Bagama’t si Leonne ang bunso ay magsintaas na sila ng
kaniyang kuya.

2. Pahambing na Di-Magkatulad- Ang dalawang tao, bagay, lunan o


pangyayaring pinaghahambing ay di-magkatulad, di patas o di pareho. Ang
pahambing na dimagkatulad ay maaaring palamang o pasahol.

a. Pahambing na Palamang- Malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang itinulad


sa pinagtutularan. Nagpapakita ito sa paggamit ng mga pahayag na
sumusunod: mas, lalo, higit na, di-hamak, lubha at kaysa na sinusundan
ng pang-uring salita. Maaaring katuwang din ang salitang kaysa.

Halimbawa:
• Lalong masama sa katawan ang madalas na pagpupuyat.
• Di-hamak na maganda ang kaniyang damit kaysa nabibili sa mall.
• Lubhang masipag lang siya kaya umasenso sa buhay.

b. Pahambing na Pasahol- Maliit, alangan, mababa ang uri ng inihahambing


sa pinaghahambingan. Naipapakita ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga
pahayag na sumusunod: di-gasino (tao), di-gaano (bagay), di-totoo, dilubha,
di masyado na sinusundan ng pang-uring salita at katuwang ang alinman sa
mga salitang ito: gaya, tulad, paris, kaysa

Halimbawa:
• Di-gasinong makisig ang hinahangaan ni Belle kaysa hinahangaan ko.
• Di-gaanong malaki ang nilipatan nilang bahay kaysa noong una.
• Di-totoong sikat siya sa larangan ng basketball paris ng
kaniyang kapatid.

Pagyamanin

A. Basahin at unawain ang talata.

Mas sariwa ang hanging umiihip mula sa karagatan at kagubatan. Lalong


kumikinang sa sikat ng araw ang buhanging simputi ng asin sa dalampasigan. Tila
mga mumunting bulaklak ang makukulay na kabibe, korales at mga batong lalong
pinagningning ng marahang hampas ng mga alon. Higit na malinis, malinaw at
masarap ang haplos ng tubig kaya’t tiyak na maiibigan ang lugar na ito. Ito ang
lantay at kakaibang kagandahan ng malabirheng dalampasigan ng Bolinao na
matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng kanlurang baybayin ng Bolinao,
Pangasinan.

Isulat sa unang kahon ang mga pangungusap na kakikitaan ng mga pahayag sa


paghahambing. Isulat naman sa pangalawang kahon ang mga pahayag sa
paghahambing na ginamit sa bawat pangungusap na itinala.

Mga Pahayag sa
Mga Pangungusap Paghahambing

B. Sumulat ng Limang (5) pangungusap na naghahambing sa dalawang


larawan. Gumamit ng mga pahayag sa paghahambing.
1.

2.

3.

4.

5.

Isaisip

Punan ang talahanayan ng iyong natutuhan at natuklasan sa aralin na ito.

Ang aking natutuhan Ang aking natuklasan


Isagawa

Lagyan ng angkop na pahayag sa paghahambing ang mga


salitang nasa loob ng panaklong.

1. (mabuti) sa mga anak kung palalakihin silang may disiplina kaysa


palakihin sa layaw.

2. (halaga) ang ama at ina sa buhay ng kanilang mga anak.

3. (mahirap) iwasan sa lahat ng makabagong gamit ang cellphone kaysa telebisyon.

4. Ang tamang paggabay sa mga anak ay (mainam) pa


ring paraan ng pagtuturo kaysa sa labis na pamamalo ng bata.

5. (dalisay) na pagmamahal mula sa ama at ina ang kailangan ng mga


anak.

6. (maraming) libangan ang nagtuturo ng maling


pagpapahalaga sa kabataan.

7. (marami) ang oras na ginugugol sa telebisyon ng mga bata ngayon


kaysa noon.

8. Ang internet at iba pang makabagong gamit ay (masama)


kapag nasobrahan.

9. (maganda) ang naibubunga ng digital age sa mga bata.

10. (kasiyahan) ng magulang kung ang anak ay may pagtanggap at pagsunod sa


payo o saway.

Tayahin
Hanapin sa mga pangungusap ang pang-uring ginamitan ng mga pahayag sa
paghahambing. Bilugan ito at gamitin sa sariling pangungusap.
.
1. Lalong tumaba si Precious ngayon kaysa noong huli ko siyang nakita.
2. Di-gaanong malalaki ang mga gusali sa Bataan kaysa sa makikita sa Maynila.
3. May mga bansang mas mapanganib kaysa sa Pilipinas.
4. Ang buhok namin ni Helena ay magsinghaba lamang.
5. Ang dagat ay di-lubhang maalon ngayong umaga na tulad kagabi.
Karagdagang Gawain

Sumulat ng talata gamit ang mga pahayag sa paghahambing


patungkol sa kalagayan ng iyong pag-aaral ngayong New Normal. Isulat sa
iyong sagutang papel.

Binabati kita at maluwalhati mong natapos ang modyul na ito.


Susi sa Pagwawasto (Aralin
1)
Susi sa Pagwawasto
(Aralin 2)

Tayahin

You might also like