You are on page 1of 19

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE

MODYUL
sa
FILIPINO _7_

UnangMarkahan
PT 2020-2021
Q_1_,Modyul_1_
(Para sa Guro/ Mag-aaral)

Inihanda ni:

NIKKA MAYER P. MONTAÑEZ

0
(Guro/Mag-aaral-Q_1_,Modyul_1_)
Laman ng Modyul
Pahina
Pamantayang Pangnilalaman: 2
Pamantayang Pagganap: 2
Kasanayang Pampagkatuto: 2
MELC/Layunin: 2

Pang-araw-araw na Gawain:
Araw Gawain
1 GAWAIN (Activity) 3-9
*Alamin (Panimula)
*Subukin (Pagsasagawa ng PaunangPagsubok-Pre-Test)
*Balikan(Pagbalik-aralan mo)
*Tuklasin (Pag-aralan mo)
*Suriin(Pagtatalakay)
*MungkahingPagsasanay
2 PAG-AANALISA (Analysis) 9-12
*Gabay na mga tanong tungkol sa aralin
*Isaisip mo
*MungkahingPagsasanay
3 ABSTRAKSYON (Abstraction) 12-14
*Pagbubuod ng aralin
*Pagyamanin-Pagsanayan mo
*Mungkahing Pagsasanay
4 APLIKASYON (Application) 14
*Isagawa-Subukan mo
*MungkahingPagsasanay
5 TAYAHIN-PAGTATAYA 15- 17
*Pagsusulit (pasulat o pasalita)

1
*Pagsasagawa ng Panghuling pagsubok (Post Test)
*Karagdagang Gawain-Kasunduan
SANGGUNIAN 17-18

2
(Guro/Mag-aaral-Q_1_,Modyul_1_)
ARALIN _1__
Kuwentong Bayan:
Ang Pilosopo (Kuwentong Maranao)

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standards): Naipamamalas ng mag-


aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Mindanao.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standards): Naisasagawa ng mag-


aaral ang isang makatotohanangproyektong
panturismo.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO (Learning Competency w/ code ):


PN-Pag-unawa sa Napakinggan
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari
at usapan ng mga tauhan F7PN-Ia-b-1
PT-Paglinang ng Talasalitaan
Naibibigay ang kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa
gamit sa pangungusap F7PT-Ia-b-1

MELC/Layunin: Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang


panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari
at usapan ng mga tauhan F7PN-Ia-b-1

GAWAIN (ACTIVITY)
Unang Araw

Alamin (Panimula)

Magandang araw sa iyo aming munting mag-aaral!


Marahil isa na naman itong panibagong taon para sa iyo at bilang isang
mag-aaral, gusto mo bang palawakin ang imahinasyon, lumipad kasama ang mga
ibon sa iyong mga munting pangarap at humiga sa mga ulap ng iyong panaginip?
Kung oo pa rin ang iyong sagot, tara na at simulan na natin ang aralin sa Filipino 7
upang pag-aralan at matuklasan ang mayamang literatura ng ating bayan.
Sa pamamagitan ng modyul na ito, mapapahalagahan ng kabataang tulad
mo ang mga mga kwento-bayan, alamat, pabula, epiko at iba kwentong na
nagmula sa ating lupang tinubuan.
Handa aka na ba? Kung gayon, magsimula na tayo sa unang paksa.
3
Bago tayo dumako sa ating talakayan, susuriin ko kung mayroon kang
nakaimbak na kaalaman t
Subukin (Pagsasagawa ng PaunangPagsubok-Pre-Test)

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot
sa espasyo bago ang bawat bilang.
___ 1. Tinaguriang ikalawa sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
A. Davao C. Mindanao
B. Luzon D. Visayas
___ 2. Alin sa mga pangkat-etnikong ang pananampalataya ay Islam.
A. Mamanwa C. Maranao/Meranao
B. Manobo D. Mandaya
___ 3. Ito ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon, pamumuhay ng
mga tao sa iisang pook, rehiyon o lupain.
A. Awitin C. Tula
B. Sanaysay D. Kwentong-bayan
___ 4. Piliin ang kasing kahulugan ng munti.
A. Dambuhala C. Maliit
B. Malaki D. Manipis
___ 5. Piliin ang kasalungat ng salitang nagpatuloy.
A. Huminto C. Nahimlay
B. Naidlip D. Tumuloy
B. Panuto: Isulat ang ang OO kung ang pahayag ay totoo at isulat ang HINDI kung
ito ay hindi totoo. Ilagay ang sagot sa espasyo bago ang bawat bilang.
___ 6. Kinakailangan ng mga tao sa isang bansa na sundin ang kanilang lider.
___ 7. Hindi tayo tutulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga panahon ng
krisis at kalamidad.
___ 8. Ang isang mabuting lider ay laging inuuna ang kapakanan ng kanyang mga
nasasakupan kaysa sa mga poliikal na motibo.
___ 9. Nararapat lamang na magbulag-bulagan tayo sa mga isyung panlipunan.
___ 10. Sa panahon ngayon, ang pagsunod sa mga batas ay mainam upang hindi
lumaganap ang Pandemic COVI-19.
C. Isulat ang KK kung ang salita ay magkasingkahulugan at KS naman kung ito ay
magkasalungat.

4
Hal. __KK___ mataas: matayog
___ 11. Makinis: magaspang
___ 12. Maganda: kaakit-akit
___ 13. Totoo: sinunggaling
___ 14. Maliit: malaki
___ 15. Mataba: malaki
Mga sagot sa unang pagsubok
1. C 6. OO 11. KS
2. C 7. HINDI 12. KK
3. D 8.OO 13. KS
4. C 9. HINDI 14. KS
5. A 10. OO 15. KK
Balikan (Pagbalik-aralanmo)
Ang Mindanao o Kamindanawan, ay ang ikalawang
pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito rin ang tawag sa isa sa tatlong pangunahing
pangkat ng mga pulo sa Pilipinas (ang dalawa ay ang Luzon at ang Kabisayaan), na
binubuo ng pulo ng Mindanao at ng mga nakapalibot na mga maliliit na pulo.
Isinunod ang pangalan ng Mindanao sa mga Maguindanaon na bumubuo sa
pinakamalaking Kasultanan ayon sa kasaysayan, at makikita sa mga mapa na
ginawa noong ika-17 at ika-18 dantaon na nagmumungkahi na ang pangalan ay
ginamit upang tukuyin ang pulo ng mga makapangyarihang katutubo ng panahong
iyon.
Tuklasin (Pag-aralan mo)
Ang Pilosopo
(Kwentong-Bayan ng mga Maranao)

Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong
sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa
nasabing bayan.Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga
kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan
ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain.
Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-araw si Abed upang mamigay
ng pagkain sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para
mabigyan ng pagkain. Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat.
Luminga-linga si Abed at nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung

5
mapansin niya, sinabi ni Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte dahil
may inilaan sa kanya.
Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling
pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa
kanyang mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala,
ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na
lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa
lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya.
Sinabi ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa
pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay matatanto niya kung tunay ba na kasama
si Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na
magdala ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa kanila.Nagdala si Subekat ng
batong sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri.

Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at


naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang
pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na
nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki
lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng
maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang
dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na
sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng
kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo
ng bawat isa.

Samantalang, si Subekat namay pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng


bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya kayang ihagis ang kanyang dalang bato.
Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyangmakukuhang lupa. Nalungkot si
Subekat sa kanyang makukuhang lupa.

Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay
Subekat na hindi ito sumusunod sa mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya
ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang magandang
kinabukasan.

Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao


Nina Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D.
Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D.
Kinuha sa: https://www.slideshare.net/MarcelinoChristianSa/ang-pilosopo-102639353

Matapos nating basahin ang tampok na teksto sa linggong ito ay sagutin natin
ang ilang mga mahahalagang katanungan sa ating kwento.
Panuto: Basahing mabuti ang katanungan sa bawat bilang at piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa nakalaang espasyo sa bawat bilang.
Sa isang Nagbukas ang Hindi sumunod si Subekat Abel Sumama sa

6
bayan na kwento sa araw sa mga patakaran at sa huli, at paglalakaba
ang mga tao – araw na Nang makita ni Abed ang liit ng Subek y si Subekat
ay paglilibot ng kanyang nakuhang lupa sinabi at ngunit lagi
sunudsunur pinununong si niya kay Subekat na hindi ito namang
an sa batas Abed sa sumusunod sa mga patakaran. sumusuway
na umiiral kanyang Sinabi pa sa kanya na dahil siya sa mga
sa lugar nasasakupan at ay hindi marunong sumunod sa batas na
napansin ito ni mga alintuntunin, wala siyang kanilang
Subekat. magandang kinabukasan. pinaiiral.

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? Ang mga tauhan sa kwento ay


___________________________________________________________________
2. Saan ang tagpuan sa kwentong binasa? Ang tagpuan sa kwento ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Ano ang simula ng kwento? Ang kwento ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
4. Ano ang gitna ng kwento? Ang gitna ng kwento
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
5. Ano ang wakas ng kwentong binasa? Ang kwento ay nagwawakas
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
Ganito ba ang sagot mo?
Mga inaasahang sagot. Tanggapin ang sagot na angkop sa sitwasyon.
(Magkakaiba ang sagot)
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? Ang mga tauhan sa kwento ay sina Abel at
Subekat.
2. Saan ang tagpuan sa kwentong binasa? Ang tagpuan sa kwento ay
3. Ano ang simula ng kwento? Ang kwento ay Nagbukas ang kwento sa araw – araw
na paglilibot ng pinununong si Abed sa kanyang nasasakupan at napansin ito ni
Subekat.
4. Ano ang gitna ng kwento? Sa gitna ng kwento, sumama sa paglalakabay si
Subekat ngunit lagi namang sumusuway sa mga batas na kanilang pinaiiral.
5. Ano ang wakas ng kwentong binasa? Ang kwento ay nagwawakas sa Hindi
sumunod si Subekat sa mga patakaran at sa huli, Nang makita ni Abed ang liit ng
kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga
patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga
alintuntunin, wala siyang magandang kinabukasan.

7
Magaling! Binabati kita sa iyong tamang kasagutan.
Suriin(Pagtatalakay)
Ang tampok na teksto sa ating aralin ang mula sa Mindanao. Sa ating aralin,
tampok ang mga kwento na nagmula sa isa sa mga pangkat-etniko ng Mindanao,
ang mga Maranao o Meranao. Isa ating binasa ay isang uri ng kwentong bayan. Sa
ibaba, mababasa mo ang mga impormasyon tungkol sa ating paksang tinatalakay.
MINDANAO- Ang grupong ito ng Mindanao ay isang arbitraryong lupon ng mga pulo
sa timogang bahagi ng Pilipinas na kinabibilangan ng anim na rehiyong
administratibo. Ang mga rehiyong ito ay nahahati sa 25 mga lalawigan, kung saan
apat lamang sa mga ito ay wala sa mismong isla ng Mindanao. Kasama sa grupo
ang Kapuluang Sulu sa timog-kanluran, kinabibilangan ng mga pangunahing isla
ng Basilan, Jolo, at Tawi-Tawi, pati ng mga nakaratag na mga isla sa kalapit nito
tulad ng Camiguin, Dinagat, Siargao, Samal, at mga Isla ng Sarangani.

MARANAO o MERANAO- Isa sa ipinagmamalaki ng mga lahing Pilipino na


mayroon isa sa pinakamayamang kultura at makulay ay ang mga mamamayang
Maranao. Tinatawag Maranao ang mga taong nakatira sa Marawi. Ang Maranao ay
mga taong nakatira sa mga tabi ng dagat kaya tinawag silang" People of the Lake" o
"tao sa ragat." Ang kanilang ikinabubuhay ay pangingisda at pagsasaka.Magaling
silang magdesinyo ng mga kagamitan  katulad ng banig at kasuotan.Lahat ng
sinusunod nilang kaugalian ay batay sa kanilang turo sa relihiyong Islam.

KWENTONG-BAYAN- Ang kuwentong bayan ay isang panitikan na may kaugnayan


sa ugali, tradisyon, pamumuhay ng mga tao sa iisang pook, rehiyon o lupain. Malaki
ang ambag nito sa pagpapanatili ng kultura, tradisyon panitikan at lahi ng mga
Pilipino.
Dahil sa kuwentong bayan napapanatili pa din ang mga nakaugaliangg
tradisyon at pamumuhay ng mga tao noong unang panahon.

MungkahingPagsasanay

Panuto: sumulat ng isang maikling talata tungkol sa paksang ito.

Nakatutulong ang pagiging tapat ng isang tao sa pagkakaroon ng maayos na


relasyon sa kapwa sa pamamagitan ng__

8
Rubrik sa Pagmamarka:
Kaisahan ng diwa ng talata 5
Naaayon sa paksang aralin 5
Naipapahayag iyong ideya sa paksa__________ 5_
Kabuohan 15

Espasyo para sa itong sagot


________________________________
Pamagat
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAG-AANALISA (ANALYSIS)
Ikalawang Araw

Gabay na mga tanong tungkol sa aralin

Bago tayo magsimula sa ating aralin, titingan ko kung naalala mo pa ba ang


ating paksa kahapon sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan sa
ibaba.
1. Ano ang pamagat ng tektong binasa kahapon?
2. Ano ang kwentong-bayan?

Mga inaasahang sagot. Tanggapin ang sagot na angkop sa sitwasyon.


(Magkakaiba ang sagot)
1. Ang pamagat ng tekstong binasa at tinalakay kahapon ay pinamagatang
Ang Pilosopo ito ay tungkol sa isang pinunong si Abel at ang kanyang tagasunod na
si Subekat na lagging sumusuway sa batas na ipinaiiral sa lugar.
2. Ang kuwentong bayan ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali,
tradisyon, pamumuhay ng mga tao sa iisang pook, rehiyon o lupain. Malaki ang
ambag nito sa pagpapanatili ng kultura, tradisyon panitikan at lahi ng mga Pilipino.

9
Isa kang kahangga-hanggang mag-aaral! Ipinapakita mo ang iyong interes sa
ating aralin. Tunay ngang Iyong isiinasapuso ang bawat paksang ating pinag-
aaralan.

Isaisip mo
Maranao (Meranao o Maranaw)
Ito ay tinaguriang mga tribong nasa timog. Ang kahulugan ng Maranao
ay “People of the lake” o “Mga tao sa ragat”. Kilala sila na rehiyon ng mga Muslim sa
isla ng Mindanao. Ang Maranao ay parte ng mas malawak na katutubong grupo ng
Moro.

Imahe mula sa: www. google.com Mga kwentong Maranao a timeless political satire/philstar.com

KULTURA Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga katawagan na natatangi


lamang sa kulturang Maranao.

 Lake Lanao at Lantsa – isang Bangka.


 Torogan – ang bahay ng mga Maranao.
 Darangan – ito ay ang sikat na epikong Maranao
 Kirim – isa itong pre-Hispanic na pagsusulat na namana sa letra ng mga
Arabe (Arabic).
 Singkil – sikat na sayaw ng mga Maranao.
 Okir – ang disensyong pwede nilang ilagay sa kanilang torogan.
 Sarimanok, Papanoka “Mra” o “Marapatik” – ito ay ang sikat na
makakasaysayang ibon ng mga Maranao na naging simbolo ng kanilang
sining.
 Kulintang – ito ay ang karaniwang instrument sa musika nila.

PANANAMIT Ang “malong” ay ang tradisyong kasuotan ng mga


Maranao. Ito ay malalaki ang sukat at ang tela nito ay makukulay na hinabi at
pinagtigpi na kaugaliang isinusuot nila pambalot sa kanilang katawan.

EKONOMIYA Ang ekonomya ng Marawi ay nakabase sa agrikultura at


pangangalakal. Karamihan sa mga Maranao ay malaki ang alam nila sa agrikultura.
Kung pupunta ka ng Marawi madadaanan mo doon ang NPC – Agus 1 Hydro
Electric Power Plant.

10
KAUGALIAN AT PAMUMUHAY Ang mga tao doon ay nakatira malapit sa
lawa ng Lanao na dito din hinango ang kanilang pangalan. Kaya naman ang
karaniwang pamumuhay nila dito ay pangingisda at pagsasaka.
Magaling silang magdisenyo ng mga damit, banig at sa kanilang mga
kagamitang tanso. Bawat relihiyon ay may kanya-kanyang pinagbabawal katulad rin
ng mga Maranao.
MGA HALIMBAWA NA IPINAGBABAWAL NG ISLAM
 Pinagbabawal ang pag-inom ng alak.
 Pinagbabawal ang pagkain ng baboy.
 Pinagbabawal ang pagkain ng karne na mayroong mga pangil.
 Pinagbabawal sa mga babaeng Muslim ang pagsuot ng maiiksi at masisikip na
damit.
 Pinagbabawal din ang pagkakaroon ng nobya o nobyo na hindi legal sa kanilang
mga magulang o hindi alam ng mga magulang.
 Pinagbabawal din sa mga lalaki ang pagsuot ng mga ibang kagamitan ng mga
babae halimbawa nalang ng ginto, seda at pilak dahil ito ay para sa mga
kababaihan lamang.
 Pinagbabawal ang pagkaing hindi kinatay halimbawa ng mga karne na ang
ginamit na proseso ay makina. At ang mga hayop na hindi Muslim kundi
Kristiyano o Hudyo ang nagkatay ay ipinagbabawal ding kainin ng mga Muslim.
Kinuha sa: https://allysamprn.wordpress.com/2017/10/12/marawi-city-lanao-del-sur/

Mungkahing Pagsasanay

A. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot
sa loob ng kahon at isulat ito sa espasyo bago ang bawat bilang.
___ 1. Isa sa mga pangkat-etniko sa Mindanao na tinalakay sa ating aralin?
A. Ibanag C. Manobo
B. Ivatan D. Maranao/Meranao
___ 2. Ano ang relihiyon ng pangkat etnikong ito?
A. Islam C. Kristiyanismo
B. Katolisismo D. Protestante
___ 3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ipinagbabawal sa kanilang kaugalian?
A. Pag-inom ng alak C. Pagkain ng baboy
B. Pagdarasal kay Allah D. Pagpatay
___ 4. Tinagurian silang “people of the Lake” dahil nakatira sila malapit sa lawa.
A. Mansaka C. Manobo
B. Mandaya D. Maranao/Meranao
___ 5. Ang sikat na sayaw ng mga Meranao.
A. Bodots C. Singkil
B. Itik-itik D. Tango
___ 6. Ito ay ang sikat na makakasaysayang ibon ng mga Maranao na naging
simbolo ng kanilang sining.
A. Adarna C. Phoenix
B. Agila D. Sarimanok

11
___ 7. Karaniwang hanap-buhay ng mga Maranao.
A. Pagsasaka C. Pagkanta
B. Paggawa ng malong D. Pagsasayaw
___ 8. Ang tinaguriang tradisyunal na kasoutan ng mga Muslim.
A. Filipiniana C. Malong
B. Maong D. Gown
___ 9. Ang sikat na epikong Maranao/Meranao.
A. Darangan C. Tudvulul
B. Biag ni Lam-ang D. Tungkong Langit
___ 10. Ano ang karaniwang instrumenting pangmusika ng pangkat –etnikong ito?
A. Drum C. Kulintang
B. Biyulin D. Plawta

Ito ba ang iyong sagot? Kung ganito, binabati kita.


Mga inaasahang sagot. Tanggapin ang sagot na angkop sa sitwasyon.
(Magkakaiba ang sagot)

A. 1. D 2. A 3. B 4. D 5. C
6. D 7. A 8. C 9. A 10. C

ABSTRAKSYON (ABSTRACTION)
Ikatlong Araw

Pagbubuod ng aralin

Ang kuwentong bayan ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali,


tradisyon, pamumuhay ng mga tao sa iisang pook, rehiyon o lupain. Malaki ang
ambag nito sa pagpapanatili ng kultura, tradisyon panitikan at lahi ng mga Pilipino.
Dahil sa kuwentong bayan napapanatili pa din ang mga nakaugaliangg
tradisyon at pamumuhay ng mga tao noong unang panahon.
Mahalaga ang kwentong-bayan sapagkat ito ay sa sa mga pamana ng ating
mga ninun. Kinapupulutan ito ng leksyon o aral. Bukod pa rito, nagbibigay rin ito ng
kasiyahan sa mga mamamayan noong unang panahon. Sa pamamagitan nito,
masasalamin ang mga kultura kaugalian at tradisyon ng mga tao sa isang particular
na lugar kung saan nagmula ang kwento at higit sa lahat, nagpapalawak ito ng
imahinasyon sa mga mambabasa.
Pagyamanin- Pagsanayan Mo
Sa pagpapatuloy ng ating aralin tungkol sa kwentong-bayan, mamili ka kung
ikaw ba ay nasa pangkat abed o pangkat subekat.
Panuto: Tingnan ang nasa ibaba. Isa-isahin natin ang mga pangyayari sa kwentong-
bayan na nauna nating tinalakay.
12
Mga pangyayari sa kwento

Ang Pilosopo
(Kwentong-Bayan ng mga Maranao)
Kaganapan 1

Kaganapan 2

Kaganapan 3

Kaganapan 4

Wakas

Ito ba ang iyong sagot?


Mga inaasahang sagot. Tanggapin ang sagot na angkop sa sitwasyon.
(Magkakaiba ang sagot)

Kung ganito ang naging sagot mo, Mahusay ka talaga!

Mga pangyayari sa kwento

Ang Pilosopo
(Kwentong-Bayan ng mga Maranao)
Kaganapan 1 naglibot si Abed sa kanyang nasasakupan na
naghihirap at nakita niya si Subekat sa kanyang
tahanan na may nakasalang na bato sa kaldero,
noon din sinabihan ni Abed na kunin ang parte ni
Subekat kinabukasan dahil may nakalaan na para sa
kanya.
Kaganapan 2 sa Dhubor (pantanghaling pagdarasal) lahat ng mga
tao ay sumali sa pagdarasal maliban kay Subekat.
Gustong itong sumamasa kanilang lugar na
pupuntahan sa kabila ng hindi niya pagsali sa
pagdaral. Pinayagan ito ni Abed subalit sa
pagkakataong ito malalaman na niya kung totoo
bang kasama nga nila si Subekat.
Kaganapan 3 Nagbilin si Abed na magdala ang lahat ng malaking
bato sa kanilang paglalakbay. Hindi ito sinunod ni
Subekat at nagdala lamang nang sinlaki ng kanyang
daliri. Sa pagkakataon ding ito hindi pa rin sumama
sa pagdarasal si Subekat. Nagging tinapay ang mga
batong dala nila. Nagutom si Subekat sapagkat hindi
niya sinunod ang tugon ni Abel.
Kaganapan 4 Nag-utos si Abel na magdala ng maliit lamng na
bato. Sinunod ito ng lahat maliban kay Subekat na
nagdala ng napakalaking bato. Nang makarating sa

13
kanilang paroroonan iniutos nitong ihagis ang bato
sapagkat iyon din kalawak ang makukuhang lupa. Si
subekat na hindi sumonod ay sinlaki lamang ng bilao
ang nakuha.
Wakas Sinabi ni Abel kay Subekat na hindi marunong
sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang
magandangkinabukasan.
pamamagitan ng paglilinis sa aking bakuran .

APLIKASYON (APPLICATION)
Ikaapat na Araw

Isagawa-Subukan mo

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay patungkol sa paksa na nasa ibaba.


Bakit kinakailangan panatilihin at pag-aralan ang mga
kwentong-bayan?
Rubrik sa Pagmamarka:
Kaisahan ng diwa ng talata 5
Naaayon sa paksang aralin 5
Naipapahayag ang sariling ideya at opinyon 5
Kabuohan 15

____________________________
(Pamagat)

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________________

14
PAGTATAYA (ASSESSMENT)
Ikalimang Araw

TAYAHIN-PAGTATAYA
Pagsusulit na Pasulat o Pasalita

Panuto: Sa loob ng tatlong minuto, punan ang kahon ng mga impormasyon


na iyong natutunan tungkol sa mga Maranao.

MERANAO
Kultura Tradisyon

Ito ba ang iyong sagot?


Mga inaasahang sagot. Tanggapin ang sagot na angkop sa sitwasyon.
(Magkakaiba ang sagot)
Kung ganito ang naging sagot mo, Mahusay ka talaga!

MERANAO
Kultura Tradisyon
Naniniwala sa konsepto ng kamatayan Kilala sila sa kanilang mga magarbong
kasoutan at mga handaan;
Ipinauubaya ang buhay sa Diyos; nagtutulungan
Nagdedisenyo ng mga magagandang lahat ng sinusunod na mga kaugalian ay
kasoutan at “malong”; kilala ang naaayon sa kanilang relihiyon, ang
sarimanok na sumisimbolo ng kanilang Islam.
mayamang sining

Pagsasagawa ng Panghuling Pagsubok (Post-Test)

A. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot
sa espasyo bago ang bawat bilang.
___ 1. Ito ay isang panitikan na may kaugnayan sa ugali, tradisyon, pamumuhay ng
mga tao sa iisang pook, rehiyon o lupain.
A. Awitin C. Tula
B. Sanaysay D. Kwentong-bayan
___ 2. Tinaguriang ikalawa sa pinakamalaking pulo sa Pilipinas.
A. Davao C. Mindanao

15
B. Luzon D. Visayas
___ 3. Piliin ang kasalungat ng salitang nagpatuloy.
A. Huminto C. Nahimlay
B. Naidlip D. Tumuloy
___ 4. Alin sa mga pangkat-etnikong ang pananampalataya ay Islam.
A. Mamanwa C. Maranao/Meranao
B. Manobo D. Mandaya
___ 5. Piliin ang kasing kahulugan ng munti.
A. Dambuhala C. Maliit
B. Malaki D. Manipis
B. Panuto: Isulat ang ang OO kung ang pahayag ay totoo at isulat ang HINDI kung
ito ay hindi totoo. Ilagay ang sagot sa espasyo bago ang bawat bilang.
___ 10. Sa panahon ngayon, ang pagsunod sa mga batas ay mainam upang hindi
lumaganap ang Pandemic COVI-19.
___ 6. Kinakailangan ng mga tao sa isang bansa na sundin ang kanilang lider.
___ 8. Ang isang mabuting lider ay laging inuuna ang kapakanan ng kanyang mga
nasasakupan kaysa sa mga poliikal na motibo.
___ 7. Hindi tayo tutulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga panahon ng
krisis at kalamidad.
___ 9. Nararapat lamang na magbulag-bulagan tayo sa mga isyung panlipunan.
C. Isulat ang KK kung ang salita ay magkasingkahulugan at KS naman kung ito ay
magkasalungat.
Hal. __KK___ mataas: matayog
___ 11. Mataba: malaki
___ 12. Makinis: magaspang
___ 13. Maganda: kaakit-akit
___ 14. Maliit: malaki
___ 15. Totoo: sinunggaling
Mga sagot sa unang pagsubok
1. D 6. OO 11. KK
2. C 7. OO 12. KS
3. D 8. OO 13. KK

16
4. A 9. HINDI 14. KS
5. C 10. HINDI 15. KS

Karagdagang Gawain-Kasunduan

Anong mga kultura at tradisyon mayroon ka? Sa pamamagitan ng Venn


Diagram, isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng inyong kultura at tradisyon sa
kwentong-bayan na ating tinalakay. Maari kang magpatulong sa iyong mga
kapamilya sa gawaing ito. Talakayin ito sa inyong pamilya pagkatapos.

SANGGUNIAN (Referrences)

Kontekstwalisadong Banghay-Aralin sa Filino 7 (Kwarter 1), Deparment of


Education, Region V (Bicol Region)

https://JHS DLP Harvesting Program.drive.google.com

http://Academia.com

http://deped.in/admLR.com

http://flickr.com/photos/ncca/mariacristinafalls. Uploaded June 11, 2015. Retrieved


April 24, 2020

https://tl.m.wikipedia.org/wiki.talonngmariacristina . Uploaded 2017 by HakanIST.


Retrieved April 24, 2020

17
https://academia.edu/3707125diwatangkaragatan . Uploaded by Che Fuentes.
Retrieved April 23, 2020

https://www.scribd.com/doc/mgakwentongbayan

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/kuwentong-bayan

18

You might also like