You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Padre Garcia National High School
Poblacion, Padre Garcia, Batangas

Masusing Banghay- Aralin para sa Pakitang-Turo sa Filipino 7

Petsa: Setyembre 10, 2018


Asignatura: Filipino
Markahan: Ikalawang Markahan
Tema: Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang mga akdang
pampanitikan ng Kabisayaan.
Pamantayan sa Pagganap: Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting bayan gamit
ang wika ng kabataan.
Araw: Lunes

I. LAYUNIN
A. Natatalakay ang iba’t-ibang salitang ginagamit sa paghahambing.
B. (F7WG-IIc-d-8) Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing
( higit/mas, di-gaano, di-gasino at iba pa).
C. Napapahalagahan ang wastong paggamit ng mga salitang pahambing.

II. NILALAMAN
Paksa: Mga Pahayag sa Paghahambing
Sanggunian: “Kalinangan” (workteks sa Filipino 7 pp. 103-106)
Kagamitan: telebisyon, slide deck, laptop at mga larawan.
Kahalagahang Pangkatauhan: Gamitin ng wasto ang mga salitang pahambing upang
sa pamamagitan nito ay matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba na katangian ng mga
bagay-bagay.

III. PROSESO NG PAGKATUTO

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


Panimulang Gawain
1. Panalangin
(pagsabay sa video clip ng dasal)
2. Pagbati sa klase
Magandang umaga mga bata.
Magandang umaga din po.
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
Mangyaring ayusin ang hanay ng inyong
mga upuan at pulutin ang kalat sa paligid.
(Magsasagawa ng pagsasaayos ng
upuan ang mag-aaral)
4. Pagtatala ng liban
Mangyaring tumayo ang sekretarya ng
klaseng ito upang sabihin kung sino ang
liban ngayong araw.
5. Pagbabalik-aral
Buhat sa pinagtalakayan noong
nakaraang araw, magbahagi ng inyong
natutunan. (Malayang kasagutan ng bata)

A. AKTIBITI
Para sa panimula ng ating panibagong-
aralin ay may inihanda akong isang
gawain na kung saan ay kailangan ninyo
ilarawan batay sa katangian nito ang mga
larawan gamit ang pangungusap.
Naunawaan ba ninyo ang inyong
gagawin?
Opo, naunawaan po namin.
Mga larawan

Ngayon ay ibigay ang katangian ng


nasa larawan. Higit na matagal ang palabas na “Ang
probinsyano” kaysa sa “Encantada.”
(Malayang kasagutan ng bata)
Mahusay ang inyong mga kasagutan.

B. ANALISIS
1. Batay sa ating ginawa, ano ang
inyong napansin? Napansin ko po na inilarawan namin ang
nasa larawan .
2. Sa inyong palagay, bakit madali
silang nailarawan? Dahil po sa mga katangian nito na
nagpapaliwanag sa kanila.

3. Paano ba nailarawan ang mga


larawan ?
Sa pamamagitan ng paghahambing sa
mga ito nalaman natin ang pagkakatulad
at pagkakaiba ng isang bagay.
Tumpak ang iyong kasagutan, at iyan nga
ang pagtatalakayan natin ngayon.

C. ABSTRAKSYON
Mangyaring basahin ang eksaktong
kahulugan ng paghahambing.
Ang paghahambing ay paglalarawan sa
dalawang magkaibang antas o lebel ng
katangian ng tao, bagay, ideya at
pangyayari.
Mayroon tayong tatlong uri ng pahayag
sa paghahambing.
1. Pahambing o komparatibo- Ito
po ay mga pahayag na ginagamit
sa pagtutulad ng dalawang tao,
bagay lunan o pangyayari. May
dalawang uri ito. Magkatulad at Di-
Magkatulad
Sa magkatulad na paghahambing ito ay
patas na katangian na ginagamitan ng
mga panlaping: ka, magka, sing, kasing,
magsing, magkasing at mga salitang
paris, tulad, hawig,kamukha at ibp.
Magbigay ng halimbawa nito.
Ang magkaibigan ay magkasingtangkad.
Ang halimbawang ito ay pagtutulad ng
taas o tangkad nila.
(Malayang kasagutan ng bata)
Ang di- magkatulad na paghahambing ay
may magkaibang katangian ang
dalawang bagay..Gumagamit ng mga
katagang higit, mas, lalong, di gaano, di
gasino at iba pa. Magbigay ng halimbawa
nito. Higit na maraming mag-aaral ang
nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa
nakalipas na taon.
(Malayang kasagutan ng bata)
Ang ikalawa naman ay Moderasyon/
katamtaman 2. Moderasyon/katamtaman- Ito ay
mga pahayag na paghahambing
na ginagamitan ng panlaping na-
sa paggamit ng salitang medyo na
sinusundan ng pang- sa
pamamagitan ng mga panlaping
kabilaan ka- han-.
Magbigay ng halimbawa nito.
Medyo masama ang aking pakiramdam
Mahusay, ang sunod naman ay
Pasukdol. 3. Pasukdol- pinakamataas na antas
ng paghahambing.
Nagpapakita ng pinakamatinding
katangian sa paghahambing. Gumagamit
ng mga panlaping pinaka, pagka, napaka
at ilang parirala gaya ng hari ng, ubod
ng ,sukdulan ng at iba pa. Magbigay ng
halimbawa nito. Pinakamalinis ang paaralan namin.
(Malayang kasagutan ng bata)
Alin ang salitang nagpapakita ng
paghahambing sa pangungusap? Ang salitang nagpapakita ng
paghahambing ay pinaka-.
Paano kayo naghahambing ng isang
tao, bagay o pangyayari?
Sa pamamagitan po ng mga katangian
nito.
Bilang isang mag-aaral, bakit
mahalagang gamitin natin ng wasto ang
mga salitang paghahambing? Dahil kung gagamitin natin ito ng ayos
malalaman natin ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng isang tao, lugar ,
pangyayari o bagay-bagay.

D. APLIKASYON
Upang malaman kung lubos ninyong
naunawaan ang ating tinalakay ay
magkakaroon tayo ng isang gawain.

Panuto: Suriin ang mga awit at punan ng


wastong liriko na may paghahambing.
1. Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay _________
Ang aking hapunan ay iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay mkakapiling ka.
2. Ako ang _____ sablay, ako ang
_____ sablay
Hinding hindi makasabay, sabay sa
hangin ng aking buhay.
3. Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako lagi para sa iyo
,Mahal kita ng ______ ngunit iba ang
iyong nais.
4. Dine sa Batangas pagsadaming
______, sa Batangas City at maging dun
sa Lipa , Ang pagkain dine pagkakasarap
ng lasa, pinais at bagoong ,tulingan at
galunggong.
5. Pagkat nasagot na ang tanong,
kung nag-aalala noong kung may
magmamahal sakin ng ______.
Susi sa Pagwawasto
1. Magkasalungat
2. Hari ng
3. Labis
4. Magaganda
5. tunay
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang
angkop na pahayag sa paghahambing sa
bawat pangungusap.

kasing higit na di-gaano


ubod lubha

1. ______ naging mabilis ang pag-alis


niya.
2. ______ ng tamis ang mga mangga sa
Zambales
3. ____na mabilis lumakad ang palaka
kaysa sa pagong.
4. ____ malayo ang Laguna kaysa sa
Quezon.
5. _____puti ng bulak ang buhangin sa
dalampasigan ng Hundred Islands.

Susi sa Pagwawasto
1.lubha
2.ubod
3.higit
4.di-gaano
5.kasing-

Bahagdan ng Pagkatuto:_______

V. Kasunduan
1. Sumulat ng limang pangungusap na
naglalaman ng mga uri ng paghahambing
.
2. Ano ang komiks?

Inihanda ni :

ROSE ANN A. PADUA


Gurong- nagsasanay

Binigyang pansin ni:

MINERVA M. BUAN
Gurong- Tagapagsanay

You might also like