You are on page 1of 9

LETRAN DE DAVAO OF MACO, INC.

8806 Poblacion, Maco, Compostela Valley


e-mail: letranmaco65@gmail.com

UNANG MARKAHANG SPAGSUSULIT


FILIPINO 8
Pangalan: ____________________________________________ Score: ____________________
Guro:________________________________________________ Petsa:_____________________
I. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling malaking letra sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ano ang itinuturing na kayamanan ng ating lahi dahil bahagi na ito ng ating kalinangan at
kasaysayan?
A. Kaisipan B. Kaugalian C. Kultura D. Panitikan
_____2. Ito ay tawag sa nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal na
naglalayong mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal.
A. idyoma B. kaisipan C. salawikain D. sawikain
_____3. Ano ang tawag sa isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan?
A. bugtong B. bulong C. kasabihan D. palaisipan
_____4. Ano ang tawag sa iba pang katawagan ng karunungang-bayan?
A. kaalaman ng mga bayan C. kagandahang-bayan
B. kaalamang-bayan D. kagandahang-buhay
_____5. Ano ang tawag sa mga talinghagang nagtataglay ng mga nakatagong kahulugan?
A. kasabihan B. parabula C. sawikain D. tula
_____6. Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin.
A. kasabihan B. kaisipan C. isipan D. palaisipan
_____7. Ano ang pinakamayaman pagdating sa bugtong?
A. Bisaya B. Filipino C. Ingles D. Tagalog
_____8. Ito ay tawag sa mga pahayag na kalimitang ginagamit na pangontra sa masasamang espiritu.
A. bugtong B. bulong C. kasabihan D. wala sa nabanggit
_____9. Ito ay mga kasabihan na karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
A. kasabihan B. kasagutan C. palaisipan D. sawikain
_____10. Ang karunungang-bayan ay mga akdang lumaganap sa Pilipinas bago dumating ang mga
mananakop _______.
A. Amerikano B. Espanyol C. Hapones D. Pilipino
_____11. Ano ang ibig sabihin ng sawikain na “pantay ang paa”?
A. pareho ang paa B. patay na C. nawalan ng paa D. walang paa
_____12. Si Pepe ay isang anak-pawis, ano ang ibig sabihin ng salitang italisado?
A. anak ng mahirap B. anak na maraming pawis C. manggagawa D. nagsasaka sa
bukid
_____13. Ang aking kaibigan ay mabuti kung siya ay aking kaharap ngunit alam kong taksil siya kapag
nakatalikod, ano ang ibig sabihin ng sawikaing ito?
A. balik-harap B. balat-kalabaw C. bantay-salakay D. basag-ulo
_____14. Ang aking itay ay palaging naghahanap ng away.
A. balik-harap B. balat-kalabaw C. bantay-salakay D. basag-ulo
_____15. Ang aming kasambahay ay hindi magpagkatitiwalaan.
A. balik-harap B. balat-kalabaw C. bantay-salakay D. basag-ulo
_____16. Ano ang isang paraan ng paglalahad na nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa?
A. paghahambing B. palamang C. pasahol D. wala sa nabanggit
_____17. Ito ay isang paghahambing na nakahihigit ang isa sa dalawang pinaghahambing.
A. paghahambing B. palamang C. pasahol D. wala sa nabanggit
_____18. Ito ay isang paghahambing na kulang sa katangian ang isa sa dalawang pinaghahambing
A. paghahambing B. palamang C. pasahol D. magkatulad
_____19. Si Inay ay mas masarap magluto kaysa kay ate.
A. paghahambing B. palamang C. pasahol D. wala sa nabanggit
_____20. Di gaanong masaya ang araw ko ngayon kumpara kahapon.
A. paghahambing B. palamang C. pasahol D. magkatulad
Pagpipiliang mga sagot para sa bilang 21-30
A. Bugtong B. Kasabihan C. Salawikain D. Sawikain
_____21. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
_____22. Nagbibilang ng poste.
_____23. Putak, putak; Batang duwag.
_____24. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di makararating sa paroroonan.
_____25. Matapang ka’t, nasa pugad.
_____26. Pantay ang paa.
_____27. Tiririt ng ibon, tiririt ng maya.
_____28. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang
nagalaw ang sombrero?
_____29. Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat.
_____30. Tiririt ng ibon, tiririt ng maya.
_____31. Ano ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at pang-
abay?
A. Pangngalan B. Pandiwa C. Pang-uri D. Pang-abay
_____32. Ito ay nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap.
A. Panlunan B. Panggaano C. Pamanahon D. Pamaraan
_____33. Ito ay uri ng pang-abay na sumasagot sa tanong na paano ginawa ang sinasabi ng pandiwa sa
pangungusap.
A. Panlunan B. Panggaano C. Pamanahon D. Pamaraan
_____34. Ito ay kumakatawan sa lugar kung saan ginagawa ang kilos.
A. Panlunan B. Panggaano C. Pamanahon D. Pamaraan
_____35. Ano ang tawag sa uri ng pang-abay na nagsasaad ng sukat o timbang?
A. Panlunan B. Panggaano C. Pamanahon D. Pamaraan
_____36. Ito ay tawag sa mga katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap.
A. Panlunan B. Panggaano C. Pamanahon D. Ingklitik
_____37. Ilan ang kilalang pang-abay na ingklitik?
A. 13 B. 16 C. 15 D.14
_____38. Ito ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng
isang pook, bagay, pangyayari at iba pa.
A. Bugtong B. alamat C. sawikain D. pinagmulan
_____39. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng alamat?
A. bantugan B. indarapatra C. lam-ang D. Marinduque
_____40. Ito ay isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino.
A. Kuwentong-bayan B. alamat C. maikling kwento D. idyoma
_____41. Ano ang tawag sa panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga
tao na laban sa mga kaaway?
A. alamat B. maikling kwento C. idyoma D. epiko
_____42. Sino ang sumulat ng alamat na “Ang Pinagmulan ng Marinduque”?
A. Ricardo M. Dalisay B. Pablo M. Cuasay C. Pablo M. Cuadro D. Ricardo M. Duero
_____43. Sino ang tauhan sa alamat ng Marinduque kung saan siya ay maganda, mahinhin at halos ang lahat
ng katangian ng dalagang Silangan ay nasa kanya?
A. Marin B. Mutya C. Marinduque D. wala sa nabanggit
_____44. Siya ang pinili ng dalagang tinutukoy sa bilang apat na pu’t tatlo (43) kung isang hamak na mahirap
lamang.
A. Garin B. Duque C. Garduque D. lahat ng nabanggit
_____45. Ano ang iba ang katawagan sa Mindoro?
A. Mindanao B.Mindoro C. Mina de Oro D. lahat ng nabanggit
_____46. May isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao. Ano ang kasingkahulugan ng salitang
italisado?
A. tao B. pinuno C. tagabantay D. lahat ng nabanggit
_____47. Nabihag ng kalaban si Bantugan ngunit panadalian lamang.
A. bilanggo B. nakuha C. kinulong D. pinatay
_____48. Sino ang panganay na prinsipe sa akdang “Ang Bantugan”?
A. Bantugan B. Madali C. Miskoyaw D. Datimbang
_____49. Sino ng matapang na prinsipe na sumalakay sa Bumbaran upang makipaglaban?
A. Bantugan B. Datimbang C. Madali D. Miskoyaw
_____50. Siya magaling sa digmaan, lahat ng kaaway ay natatakot sa kanilang kaharian.
A. Bantugan B. Datimbang C. Madali D. Miskoyaw
_____51. Sino ang pinakasalan ng isa sa dalawang prinsipe?
A. Bantugan B. Datimbang C. Madali D. Miskoyaw
_____52. Sino ang namuno sa malayong kaharian ng Mindanao?
A. hari B. reyna C. prinsipe D. prinsesa
_____53. Sino ang may-akda ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”?
A. Andres Bonifacio B. Jose Rizal C. Apolinario Mabini D. Ninoy Aquino
_____54. Sino ang nagwika ng pahayag na “Walang mang-aalipin kung walang paaalipin”? Piliin ang sagot sa
bilang 53.
_____55. “Sa digmaan ay walang nananalo, kuni ang lahat ay pawang talo”. Piliin ang sagot sa bilang 53.
Pagpipiliang sagot para sa bilang 56-58.
A. Awit B. Balagtasan C. Duplo D. Korido
____56. Ito ay isang pulong na dinaluhan ng mga makata sa Instituto de Mujeres.
_____57. Ano ang tawag sa paligsahan tuwing may lamay na sa pamamagitan ng pagbigkas ng panalangin
para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan?
_____58. Anong uri ng panulaan ang pinakatanyag na akdang Ibong Adarna?
_____59. Ito ay tulang lumaganap noong Panahon ng Hapones na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati
sa tatlong taludtod.
A. Batutian B. Karagatan C. Haiku D. Tanaga
_____60. Ano ang tula na pinasikat ni Ildefonso Santos? Hanapin ang sagot sa bilang 59.
Para sa pagpipiliang sagot sa bilang 61-70
A. Pananhi B. Pamukod C. Pandagdag D. Panalungat E. Panubali
_____61. Ni sa panaginip ay hindi ko inakalang ikaw’y maging akin.
_____62. Si Tan ay pinagpala dahil mabuti siyang tao.
_____63. Ang taong paladasal kahit may malaking problema ay nananatiling pinagpala.
_____64. Gumaling ang kanyang sakit dahil sa kanyang panalangin.
_____65. Nasasaktan ngunit nanatiling masaya.
_____66. Siya ay mabait at maganda.
_____67. Kapag hindi ka nagpatawad ay hindi ka magiging masaya.
_____68. Sana ako nalang ang may pamilyang masaya.
_____69. Minahal kita habang naging masaya ka sa iba.
_____70. May dala akong bigas saka prutas.
LETRAN DE DAVAO OF MACO, INC.
8806 Poblacion, Maco, Compostela Valley
e-mail: letranmaco65@gmail.com
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8
Pangalan: _____________________________________________ Score: ____________________
Guro: ________________________________________________ Petsa: ___________________
I.Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling malaking letra sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ito ay isang elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng mga pantig sa bawat taludtod ng saknong.
A. Bilang B. sukat C. tugma D. talinghaga
_____2. Ilan ang sukat na makikita sa taludtod na; “Mahalin mo’t, iiwan ka rin”.
A. 8 B. 9 C. 10 D. 11
_____3. Ito ay pagkakaron ng pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod.
A. sukat B. tugma C. tugna D. talinghaga
_____4. Ano ang simbolismo na maihahalintulad sa isang puno?
A. buhay B. pag-asa C. hirap D. pagyabong
_____5. Ito ay ang mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa.
A. imagery B. simbolismo C. diwa D. larawan
_____6. Ito ay ang sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang
pagpapahayag.
A. simbolismo B. sukat C. tugma D. talinghaga
_____7. Ano ang talinghaga sa pangungusap na, Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
A. Ang Pilipinas B. ay C. perlas D. kagandahan
_____8. Ito ay ang mga salita sa tula na may kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.
A. simbolismo B. sukat C. tugma D. talinghaga
_____9. Ito ay tinatawag ding kagandahan at karangyaan ng isang tula.
A. simbolismo B. sukat C. tugma D. kariktan
_____10. Ito ay tawag sa mga salita na magkapareho ang ibig sabihin ng kahulugan.
A. denotasyon B. kasalungat C. kasingkahulugan D. konotasyon
_____11. Ano ang tawag sa mga salitang hindi pareho ang ibig sabihin?
A. denotasyon B. kasalungat C. kasingkahulugan D. konotasyon
_____12. Ito ay karaniwang kahulugan mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit sa simpleng pahayag.
A. denotasyon B. kasalungat C. kasingkahulugan D. konotasyon
_____13. Ito ay kahulugan na iba sa pangkaraniwang ibig sabihin.
A. denotasyon B. kasalungat C. kasingkahulugan D. konotasyon
_____14. Ito ay ang pag-aayos ng kahulugan ng salita ayon sa intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.
A. denotasyon B.clining C. kasingkahulugan D. konotasyon
_____15. Ito ay isang uri ng pagtatalo pahinggil sa isang paksa sa pamamagitan ng patula.
A. alamat B. balagtasan C. drama D. dula
_____16. Saan kadalasang ginaganap ang pagtatalong nabanggit sa unang bilang?
A. ibaba ng tanghalan B. ibabaw ng tanghalan C. tanghalan D. wala sa nabanggit
_____17. Saan bulwagan unang ginanap ang patulang pagtatalo?
A. Instituto de Mujeres B. Instituto de Nujeres C. Instituto de Manila D. wala sa nabanggit
_____18. Kailan naganap ang unang patulang pagtatalo?
A. Abril 6, 1924 B. Abril 6, 1942 C. Abril 6, 1922 D. Abril 6, 1944
_____19. Sino ang kinikilalang “Ama ng Panulaang Tagalog”?
A. Andres Bonifacio B. Francisco Balagtas C. Jose Rizal D. wala sa nabanggit
_____20. Ano ang tawag sa taong namamagitan sa mga makatang nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at
masining na pamamaraan?
A. lakandiwa B. mambabalagtas C. manonood D. hurado
_____21. Ito ang tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay sa
panig ng sang-ayon sa paksang pinagtatalunan.
A. lakandiwa B. mambabalagtas C. manonood D. hurado
_____22. Sila ang tagapakinig na minsa’y sila ring nagbibigay ng hatol sa mga narinig na paglalahad ng mga katwiran ng
magkabilang panig.
A. lakandiwa B. mambabalagtas C. manonood D. hurado
_____23. Anong uri ito na paksa, “Dapat Ba o Di dapat Uliranin ang mga Katangiang Pilipino?”
A. kalikasan B. kultura C. politika D. pag-ibig
_____24. Anong uri ito na paksa, “Sino Ba ang Higit na Nakatutulong sa Pag-unlad ng Bansa – Mamamayan o
Pamahalaan?
A. kalikasan B. kultura C. politika D. pag-ibig
_____25. Ito ay nanganaghulugang pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya.
A. pagsang-ayon B. pagsalungat C. pagtanggi D. wala sa nabanggit
_____26. Ano ang tawag sa pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, o pagkontra sa isang
pahayag o ideya?
A. pagsang-ayon B. pagsalungat C. pagtanggap D. wala sa nabanggit
_____27. Sino ang sumulat sa dulang “Walang Sugat”?
A. Severeno Reyes B. Severino Reyes C. lolo basyang D. wala sa nabanggit
_____28. Ilang kapatid mayroon si Lola Basyang?
A. apat B. dalawa C. lima D. tatlo
_____29. Sino ang kinikilalang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”?
A. Andrea Rivero B. Rufino Reyes C. Severino Reyes D. wala sa nabanggit
_____30. Anong dalawang taon isinapelikula ang dulang “Walang Sugat”?
A. 1939 at 1957 B. 1990 at 1939 C. 1993 at 1993 D. 1939 at 1975
_____31. Sino ang in ani Tenyong sa akdang WALANG SUGAT?
A. Miguel B. Monica C. Putin D. Tadeo
_____32. Siya ang ina ni Julia.
A. Juana B. Miguel C. Monica D. Tadeo
_____33. Sino ang ama ni Miguel?
A. Juana B. Marcelo C. Monica D. Tadeo
_____34. Siya ang utusan ni Tenyong sa akdang “Walang Sugat”.
A. Juana B. Lucas C. Monica D. Tadeo
_____35. Sino ang alila ni Julia?
A. Miguel B. Monica C. Putin D. Tadeo
_____36. Ano ang tawag sa aspekto ng pandiwa na nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos?
A. Imperpektibo B. Kontemplatibo C. Katatapos D. Perpektibo
_____37. Ito ay nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.
A. Imperpektibo B. Kontemplatibo C. Katatapos D. Perpektibo
_____38. Ito ay bahagi ng aspektong perpektibo na nagsasaad nab ago lang natapos ang isang kilos o gawain.
A. Imperpektibo B. Kontemplatibo C. Katatapos D. Perpektibo
_____39. Ano ang tawag sa aspekto ng pandiwa na nagsasaad na ang kilos ay gagawin pa lang?
A. Imperpektibo B. Kontemplatibo C. Katatapos D. Perpektibo
_____40. Ano ang tawag sa mga panlaping idinurugtong sa salitang-ugat?
A. Panlapi sa pandiwa B. panlaping makadiwa C. Katatapos D. Perpektibo
_____41. Ano ang tawag sa sa katangian ng pandiwang nagsasaad kung kailan nangyari, nangyayari, o mangyayari ang
kilos?
A. aspekto B. aspeto C. makadiwa D. pandiwa
Pagpipiliang sagot sa bilang 42-46.
A. unlapi B. gitlapi C. hulapi D. magkabilaan
_____42. Siya ay hindi marunong makisama.
_____43. Magpakasaya ka muna ngayon.
_____44. Lumindol na naman kanilang umaga.
_____45. Masayang pakinggan ang mga awitin noon.
_____46. Ang mga bata ay nagsasayawan.
Pagpipiliang sagot para sa bilang 47-50. Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap.
A. Perpektibo B. Katatapos C. Imperpektibo D. Kontemplatibo
_____47. Magtatayo ako ng sariling negosyo pagdating ng panahon.
_____48. Bukas ay ipanganganak na ang aking bunsong kapatid.
_____49. Katuturo lang ni G. Javines tungkol sa pagtutulungan na dapat gawin ng mga kabataan.
_____50. Nag-alaga ako ng pusa kahapon.
Pagpipiliang sagot para sa bilang 51-60.
A. maramdamin D. maghirap G. malaking katuwaan J. walang trabaho
B. kaawa-awa E. pasensiyoso H. nabigo K. maganda
C. libingan F. hindi totoo I. payat na payat L. iyakin
_____51. Siya ay maihahalintulad sa isang balat-sibuyas dahil agad siyang umiiyak.
_____52. Umabot hanggang ikapitong langit ang aking naramdaman.
_____53. Laylay ang balikat ng mga manlalaro dahil sila ay natalo sa palaro.
_____54. Ang pamilyang Delos Santos ay nagdildil ng asin.
_____55. Palaging pabalat-bunga ang kanyang sinasabi.
_____56. Hanggang sa kanyang huling hantungan ay di ko man lang siya nasilayan.
_____57. Ang bata ay buto’t balat na dahil sa kahirapan.
_____58. Siya ay parang basing sisiw na nanlimos sa labas.
_____59. Ang aking ina ay mahaba ang pisi.
_____60. Si Josh ay nagbibilang nalang ng poste.
II. Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang SANG-AYON kung ito ay pahayag ng pagsang-ayon at
SALUNGAT naman kung ito ay nagsasaad ng pahayag na pagsalungat. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
Salungguhitan ang mga pahayag na nagsasaad ng pagsang-ayon at pagsalungat. Dalawang (2) puntos bawat bilang.
________________1. Ako ay lubusang bilib sa kanyang sinabi na ang kabataan ay pag-asa ng bayan.
________________2. Ayaw ko sa pahayag na sinabi ng ating kapitbahay dahil talagang nakakasakit ng damdamin.
________________3. Hindi totoong nagkahiwalay si Anie at Emoy kasi Nakita ko pa silang nagkasama kanina.
________________4. Sige papayagan kita pero siguraduhin mong makauwi ka nang maaga.
________________5. Ikinalulungkot ko pero hindi maaari ang iyong gusto.
________________6. Hindi totoo ang lahat ng iyong mga sinabi.
________________7. Sang-ayon ako sa iyong pangatwiran Athea.
________________8. Lubos akong nananalig na ang lahat ng iyong sinabi ay makatotohanan.
________________9. Tama ang kanyang sinabi sa kanyang mga kaibigan.
________________10. Ako’y naniniwala sa iyong sinabi iyan din ang palagay ko.
LETRAN DE DAVAO OF MACO, INC.
8806 Poblacion, Maco, Compostela Valley
e-mail: letranmaco65@gmail.com
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8
Pangalan: ____________________________________________ Score: ____________________
Guro: ________________________________________________ Petsa:_____________________
I. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang napiling malaking letra sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ano ang isa sa pangunahing paraang ginagamit ngayon ng napakaraming tao upang mapabilis ang
komunikasyon?
A. liham B. pakikisuyo C. social media D. internet
_____2. Ano ang slogan ng GMA 7 tungkol sa social media?
A. Think Before You Click! C. Ligtas Ang May Alam
B. I am ready! D. Think Wisely!
_____3. Ano ang tawag sa mabubuting asal na ginagawa sa social media o internet?
A. etiquette B. netiquette C. mabuting-asal D. technical aspect
_____4. Ito ay popular na babasahin na tumutukoy sa mga balita sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
Pilipino.
A. komiks B. magasin C. pahayagan D. yes!
_____5. Ano ang tawag sa isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang kwento?
A. komiks B. magasin C. pahayagan D. popular
_____6. Ano ang tawag sa uri ng pahayagan na ang pangunahing target na mambabasa ay mga class A at B?
A. broadshet B. broadsheet C. tabloid D. tabloide
_____7. Ano ang tawag sa impormal na komunikasyon na ang mga salitang ay tinatawag ding salitag kalye o
salitang kanto?
A. balbal B. banyaga C. kolokyal D. lalawiganin
_____8. Ito ay mga salitang nagmula sa iba’t ibang pook o lugar na pinaggagamitan nito.
A. balbal B. banyaga C. kolokyal D. lalawiganin
_____9. Ito ay ang mga salitang kakikitaan ng kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado
ang mga salita.
A. balbal B. banyaga C. kolokyal D. lalawiganin
_____10. Ano ang tawag sa mga salitang mula sa ibang wika?
A. balbal B. banyaga C. kolokyal D. lalawiganin
II. IDENTIPIKASYON. Suriin ang mga katanungan at hanapin ang sagot sa ibabaw. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
A. Candy F. Liwayway
B. Cosmopolitan G. Men’s Health
C. Entrepreneur H. Metro
D. FHM I. T3
E. Good Housekeeping J. Yes!
_____1. Ano ang tawag sa pinakaunang magasin sa Pilipinas?
_____2. Ito ay uri ng magasin na karaniwang tinatalakay ang tungkol sa mga isyu ng kalusugan tulad ng
pamamaraan sa pag-eehersisyo ng mga kalalakihan.
_____3. Ito ay isang magasin para sa mga gadget.
_____4. Ito ay magasin tungkol sa showbiz.
_____5. Ano ang tawag sa magasin tungkol sa fashion, shopping, at mga isyu hinggil sa kagandahan.
_____6. Ito ay isang magasin para sa mga abalang ina.
_____7. Ano ang tawag sa magasin na para sa kabataan at ang manunulat nito ay mga kabataan din.
_____8. Ito ay tinatawag ding For Him Magazine.
_____9. Ito ay magasing naglalaman ng mga artikulong makatutulong sa mga taong may negosyo o nais
magtayo ng negosyo.
_____10. Ito ay isang magasing pangkababaihan.
III. IDENTIPIKASYON. Suriin ang mga sumusunod na katanungan at panuto. Isulat ang tamang sagot sa
espasyong nakalaan.
A. Tukuyin kung ang sumusunod ay balbal na mula sa WIKANG KATUTUBO, WIKANG BANYAGA,
BANALIGTAD, NILIKHA, PINAGHALO-HALO, ININGLES, DINAGLAT, PAGSASALARAWAN.
1. Gurang-matanda = _______________________
2. Toma- inom = _______________________
3. todits = _______________________
4. paeklat-maarte = _______________________
5. kilig to the bones = _______________________
6. jinx-malas = _______________________
7. SMB- Style Mo Bulok = _______________________
8. Basag- nawawala sa sarili kapag nakadroga = _______________________
9. Utol –kapatid = _______________________
10. Tisoy-tisay = _______________________
III.Tukuyin kung ang mga sumusunod na Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal ay SANHI AT BUNGA, PARAAN
AT RESULTA, KONDISYON AT RESULTA, KONDISYON AT RESULTA, PARAAN AT LAYUNIN, PAG-AALINLANGAN
AT PAG-AATUBILI, PAGTITIYAK AT PAGPAPASIDHI.
1. Nagsikap siya sa pag-aaral kaya gumanda ang kanyang buhay. = ____________________________________
2. Bunga ng kahirapan ang kanyang paghihirap. =_____________________________________
3. Nagbago ang kanilang pag-iibigan sa tulong ng mga magulang. = _____________________________________
4. Sa sipag at tiyaga nagbago ang kanilang buhay. = _____________________________________
5. Hindi ka mananatiling mahirap kapag ika’y magsisikap. = _____________________________________
6. Kung nakinig ka sana, hindi ka magiging ganyan. = _____________________________________
7. Si Ana ay nagsikap para makaayon sa buhay. = _____________________________________
8. Magsikap ka upang guminhawa. = ____________________________________
9. Ako ay hindi sigurado kung ano na ang kanilang sitwasyon . = _____________________________________
10. Tunay na nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. = _____________________________________
IV. TAMA o MALI. Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay makatotohanan at MALI naman
kung hindi.
______1. Hindi na mahalaga ang gramatika at bararila sa pagpopost natin sa social media.
______2. Ginagamit ng mga politiko social media para pangangampanya.
______3. Epektibong gamitin ang social media sa pangangampanya sapagkat nananalo ang mga kandidatong malakas
sa social media.
______4. Ang ibig sabihin ng ALL CAPS ay pagsigaw.
______5. Maaaring i-post ang mga larawan niyo ng mga kaibigan mo sa public timeline kahit walang pahintulot ng mga
kasama sa litrato.
______6. Ang social media ay magagamit din para sa pambansang layunin.
______7. Hindi na mahalaga ang transparency tungkol sa mga pampublikong isyu.
______8. Dapat bigyan ng credit ng netizen ang gawa ng iba.
______9. Hindi na kailangang sabihin o i-credit ang pinanggalingan ng post o larawan.
______10. Sa pamamagitan ng pagbigay ng credit ay mas maiwasan ang misinformation at mas maisusulong ang
intellectual honesty.

V. PAGPAPALIWANAG: Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa likurang
bahagi ng papel na ito. (10 pts)
Bilang kabataan, paano ka makatutulong sa pagsugpo sa krisis pangkapaligirang nararanasan ng ating
bansa at ng buong mundo sa kasalukuyan? Paano makatutulong ang pagkaroon ng kaalaman sa
pagsasagawa ng social awareness campaign sa paglulunsad ng mga pagbabago at mahalagang
impormasyon?
LETRAN DE DAVAO OF MACO, INC.
8806 Poblacion, Maco, Compostela Valley
e-mail: letranmaco65@gmail.com

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 8
Pangalan: ____________________________________________ Score: ____________________
Guro: ________________________________________________ Petsa:_____________________
I. Piliin ang letra ng tamang sagot.Isulat ang tamang letra sa patlang bago ang bilang.
_____1.Ano ang tawag sa itinuturing na pina kabatang unit kina aaliwang libangan ngayon ng mga Pilipino sa bansa?
A. Pelikula B. radyo C. telebisyon D. lahat ng nabanggit
_____2. Sino ang prinsipe ng makatang tagalog?
A. Balagtas B. Francis C. HusengSisiw D. Jose Rizal
_____3. Kailan isinilang si balagtas?
A. Ika-2 ng abril taong 1788 C. Ika-2 ng abril taong 1888
B. Ika-4 ng abril, 1789 D. Ika-4 ng abril, 1877
_____4. Saan ipinanganak si balagtas?
A. Panginay, Bigaan, Bulacan C. Panginay, Bigaa, Batangas
B. Panginay, Bigaa, Bulacan D. Panginay, Bigaa Balagtas

_____5. Sino ang unang bumihag sa puso ni Francisco?


A. Magdalena Ana Cruz
B. Magdalena Ana Ramos
C. Magdalena Ana
D. Magdalena Cruz
_____6. Ano ang isinulat ng isang bantog na guro na si Padre Mariano Pilapil?
A. Krus B. pasyon C. pashon D. lahat ng nabanggit
_____7. Kailan binawian ng buhay si Balagtas?
A. Ika-20 ng Hunyo taong 1862 C. Ika-20 ng Enero taong 1862
B. Ika-20 ng Pebrero taong 1862 D. Ika-20 ng Marso taong 1862
_____8. Sino ang hinarap ni Francisco Balagtas sa dambana upang pakasalan?
A. Juana dela Cruz C. Juana Tiambeng
B. Juana dela Rama D. Juana Ramsey
_____9. Bakit hindi inayos ni Jose dela Cruz ang tula ni kiko?
A. dahil marami siyang ginagawa C. dahil walang dalang sisiw si Kiko
B. dahil walang dalang perang pambayad si Balagtas D. lahat ng nabanggit
_____10. Saan naisula tniBalagtas ang Florante at Laura?
A. sa loob ng bilangguan C. sa labas ng bahay
B. sa ibabaw ng bahay D. wala sa nabanggit
_____11. Sino ang tumulong kang Florante sa binggit ng kamatayan?
A. Menandro C. Aladin
B. Atenor D. Duke Briseo
_____12. Saan nag-aaral si Florante at Menandro?
A. Krotona C. Atenas
B. Albanya D. Pilipinas
_____13. Sino ang ama ni Aladin?
A. Sultan Ali-Adab C. Sultan Ali- Adan
B. Sultan Ali- Adap D. Sultan Ali- Andab
_____14. Siya ang kasintahan ni Aladin?
A. Laura C. Fleresca
B. Flerida D. Flereda
______15. Magiting na heneral ng Persiya na namuno sa pananakop sa Krotona subalit natalo at napatay ni Florante.
A. Heneral Miramolin C. Emir
B. Heneral Osmalik D. Wala sa nabanggit
C.
II.IDENTIPIKASYON.Suriin ang mga katanungan at hanapin ang sagot sa ibabaw. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
F. Juan Balagtas F. Kiko K. Pandacan
G. Mariano Pilapil G. pag-aaral L.Huseng Sisiw
H. Canones H. talino M. isang tula
I. Donya Trinidad I. dahil sa kahirapan N. Mariano Kapule
J. Juana dela Cruz J. Tondo, Maynila
_____16. Sino ang ama ni Balagtas?
_____17. Sino ang ina ni Balagtas
_____18. Ano ang palayaw ni Balagtas?
_____19. Ano ang nakita kay balagtas kahit siya ay musmos pa lamang?
_____20. Saan nanilbihan si balgtas bilang utusan?
_____21. Bakit nanilbihan si balagtas bilang isang katulong?
_____22. Sino ang kanyang pinagsisilbihan sa maynila?
_____23. Ano ang kapalit ng kanyang paninilbihan?
_____24. Ano ang tawag sa batas ng pananampalataya?
_____25. Sino ang naging guro ni kiko sa San Juan de letran?
_____26. Sino ang isang bantog na manunula at makata?
_____27. Ano ang gustong ihandog ni kiko sa kanyang unang iniibig?
_____28. Kanino gustong ipaayos ni balagtas ang kanyang tula para kay magdalena?
_____29. Saan lumipat si balagtas mula sa tondo?
_____30. Sino ang naging katunggali nikiko sa pag-ibig niya kay selya?

III. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit at isulat ang tamang sagot sa patlang.
_______31. Ang suyuan ni Florante at Laura ay walang makakapigil.
_______32. Laganap sa ating lugar ang karalitaan ng mga tao.
_______33.Namamanglaw ang mga mata ng batang iniwan.
_______34. Pinipintakasi ko ang Diyos tuwing lingo.
_______35. Si Adolfo ay lugami sa pag-ibig.
_______36.Ang lilo’t niyang kaibigan.
_______37.Siniphayo ko ang aking magulang.
_______38. Ang paligid ng gubat ay kulay luksa .
_______39. Ang esposa ng aking kapatid ay mabait.
_______40. Ang aking irog ay na sa malayong lugar.

IV. PANUTO: Suriin kung ang mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipang nakalahad sa ibaba ay taglay ng mga
saknong na ating binasa. Lagyan ng tsek (✔) ang kahon kung ang kaisipan ay bahagi ng ating binasa at ng ekis (X)
kung hindi.
Para sa 41-60
Mula sa "Kay Selya"

____ Ang pag-aalaala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ng pinakamamahal niyang si
Selya.
____ Ang pagpapakasal nina Balagtas at ni Selya.
____ Ang paglikha sa walang kamatayang awit bunga ng labis na kalungkutang dahil sa kabiguan sa pag-ibig
____ Ang sakit na nadama ni Balagtas dahil sa pagkawala sa kanya ng pinakamamahal

Mula sa "Sa Babasa Nito"


_____Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit
_____Ang pagsasabing kung may malabong bahagi, suriin munang mabuti
_____Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango sa mensahe ng awit
_____Ang pagnanais na maging mahusay rin sanang manunulat ang lahat ng makababasa sa akdang ito

Mula sa "Hinagpis ni Florante"


_____Ang pakikipag-usap ni Florante sa namayapang ina at sa pinakamamahal na ama
_____Ang labis na sakit at kabiguang dinaranas niya dahil sa kataksilan ni Adolfo
_____Ang pagbabalik-tanaw sa mga alaala ng kanyang pagkabata
_____Ang kawalang pag-asa dahil sa pagkakatali niya at pag-iisa sa gitna ng madawag at madilim na kagubatan
Mula sa "Alaala Laura"
_____Ang nadaramang paninibugho ni Florante sa inaakalang pagtalikod ni Laura sa kanilang pagmamahalan
_____Ang pagtulong o pagliligtas sa kanya ng isang estranghero
_____Ang pagdating ng mga hayop na handa siyang silain at patayin anumang oras ng sandaling magkasama
_____Ang pagbabalik-tanaw sa matatamis na alaala nila ni Laura
Mula sa "Ang Pag-ibig Kay Flerida"

_____Ang gutom at pagod na nadarama ni Aladin dahil sa mahabang paglalakbay


_____Ang pagluha ni Aladin dahil sa masaklap na sinapit ng kanyang pag-ibig kay Flerida
_____Ang pag-alaala sa amang umagaw sa kanyang kasintahan at naging sanhi ng mapait niyang kabiguan
_____Ang paghahanda para sa isang pagganti sa taong naging dahilan ng kanyang kabiguan

V. Ibigay ang mga kahulugang denotatibo (literal na kahukugan) at konotatibo (pahiwatig o hindi tuwirang kahulugan ng
mga salita) sa kabilang pahina. Ang ilan ay ginawa na para sa iyo.
Denotatibong Kahulugan Salita Konotatibong kahulugan

61. Leon 62.

63. Luha 64.

65.Kutsilyo Patalim 66.

67. Kalagin 68.

69. Kandong 70.

You might also like