You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng South Cotabato
POLOMOLOK CREEK INTEGRATED SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO – 8

Pangalan: _________________________________________________ Baitang/Seksiyon: ______________________

Pangkalahatang Panuto: BASAHIN AT UNAWAING MABUTI ANG MGA PAHAYAG/TANONG AT PANUTO. MATALINONG
SAGUTIN ANG BAWAT AYTEM. ANUMANG BAHID NG PANGONGOPYA AT PANDARAYA AY HINDI PINAHIHINTULUTAN.
SINUMANG MAG-AARAL ANG LALABAG AY NANGANGAHULUGAN NG AWTOMATIKONG KAWALAN NG KARAPATANG
MATANGGAP ANG MARKA SA PAGSUSULIT NA ITO (ZERO).
ISULAT ANG SAGOT SA SAGUTANG PAPEL(ISANG BUONG PAPEL)
“BE HONEST! DAHIL ANG TEST AY PARANG LOVE ‘YAN. TAMA NA NGA ANG SAGOT MO. TUMINGIN KA PA SA IBA!”

A. Panuto: Basahin ang teksto sa loob ng kahon at sagutin ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Nakaugalian nang sabihin at nagsisilbing batas tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninunong naglalayong
mangaral at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang-asal.
a. Salawikain b. Kasabihan c. Bulong d. Sawikain
2. Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao upang bumuo ng isang kalutasan sa isang
suliranin.
a. Bulong b. Salawikain c. Bugtong d. Palaisipan
3. “Huwag magagalit, kaibigan, aming pinuputol lamang ang sa ami’y napag-uutusan”. Ang pahayag na ito ay halimbawa
ng___________.
a. Bulong b. Salawikain c. Bugtong d. Palaisipan
4. Mahirap lamang ang pamilya ni Inday kaya siya ay nagsusunog ng kilay para makapagtapos at maiahon niya ito. Ang
mga salitang nagsusunog ng Kilay ay anong halimbawa ng Karunungang-Bayan?
a. Sawikain b. Bulong c. Kasabihan d.Salawikain
5. Ang __________ ay kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan na naglalaman ng pinagmulan ng isang
pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan, o iba pang bagay.
a. Alamat b. Epiko c. Maikling Kuwento d. Karunungang Bayan
6. Si___________ ang siyang may-akda o sumulat ng alamat na “Ang Pinagmulan ng Marinduque”.
a. Pablo M. Cuasay b. Bablo Cuasay c. Tandang Sora d. Jose P. Rizal
7. Sa lahat ng mangingibig ni Mutya Marin, sa isang dukhang mang-aawit at manghahabi ng tula lamang tumibok ang
kaniyang puso. Ang tinutukoy na lalaki sa pahayag ay si_______________.
a. Datu Usman b. Garduque c. Datu Kawili d. Harduque
8. ___________ ang magkasintahan upang maipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan. Ngunit nalaman ito ng Datu at
sila ay hinabol.
a. Tumakas b. Naligo sa Ilog c. Lumipad d. Naglaro
9. “Ang maharlika ay sa maharlika at ang alipi’y sa alipin.”. Ang mga katagang ito na binitawan ni Datu Batumbakal ay
nagpapakita ng mababang pagtingin ng ama ni Mutya Marin kay Garduque. Ang bagay na ito ay nagpapakita
ng________________.
a. Diskriminasyon b. pagmamahal c. Pagkamabuti d. Pagsasakitan
10. Isang uri ng panitikang tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway.
a. Alamat b. Bulong c. Epiko d. Tula
11. Ito ay katumbas na tinatawag na Mother Goose Rhymes na karaniwang ginagamit sa pnunukso o pagpuna sa kilos ng
isang tao.
a. Kasabihan b. Salawikain c. Bulong d. Bugtong
12. Ito ay isang paraan ng paglalahad na nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng paglalahad
ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na pinaghahambing.
a. Pang-abay b. Paghahambing c. Pang-uri d. Pandiwa

1
13. Ang epikong__________ ay isang kuwento tungkol sa magkapatid na nagkaroon ng alitan sa isa’t isa dahil sa inggit.
a. Bantugan b. Lam-ang c. Juan Tamad d. Indarapatra atSulayman

B. Panuto: Suriin ang sumusunod ng mga pahayag sa kuwento. Pagsunod-sunurin ang mga pahayag sa pamamagitan ng
pagsulat ng titik A hanggang H sa patlang.

______21. Nagliwaliw sa kaparangan si Mutya Marin sa pagbabakasakaling matagpuan ang minamahal na binata.

______22. Ikinulong ni Datu Batumbakal si Mutya Marin sa itaas ng tore upang hindi ito magkaroon ng pagkakataong
makipagkita sa binata.

______23. Pinagbawalan ni Datu Batumbakal si Garduque na makipagkita sa kanyang anak.


______24. Nagtungo si Garduque sa halamanan ngunit hindi niya nasumpungan dito ang dalaga.
______25. Maraming binata mula sa mga karatig lugar ang humanga sa ganda at Husay ni Mutya Marin.
______26. Lumitaw ang isang isla sa gitna ng karagatan at pinangalanan itong Marinduque na hinago sa pangalan nina
Marin at Duque.
______27. Nagkasundo ang magkasintahang magpatihulog sa karagatan sa halip na mahuli sila nang buhay ng mga
humahabol sa kanila.
______28. Nagtanan ang magkasintahan sakay ng bangka at naglayag sa karagatan.

C. Panuto: Isulat ang titik M kung ang may diin na salita ay halimbawa ng MAGKATULAD na Paghahambing, titik DM naman
kung hindi. Isulat sa patlang ang iyong sagot.
_______29. Ang buhay noon ay mas simple kumpara sa komplikadong buhay ngayon.
_______30. Magsimbait kami ng aking nanay, sabi ng aking lola.
_______31.Di gaanong marunong magtranaho ang kabataan ngayon kung ihahambing sa kabataan noon.

D. Panuto: Piliin ang ginamit na pang-abay sa pangungusap at isulat sa patlang kung ito ay inglitik, pamanahon, pang-gaano,
panlunan, o pamanahon.

____________32-33. Buong puso mong isabuhay ang mga natutuhan mong aral sa mga alamat.
____________34-35. Siyamnapung porsyentong nagbago ang aking pananaw sa buhay dahil sa pagbabasa ko niyan.
____________36-37. Simulan mo ngayon ang pagbabasa ng aklat.

E. Panuto: Hanapin sa kasalungat na salita sa kahon ng may diin na salita sa mga pangungusap. Titik lamang ang isulat sa
patlang.

A. KONTENTO D. HALOS HINDI MAKAPAGSALITA


B. NAGDALAMHATI E. MANGMANG
C. DIGMAAN F. BUONG GALAK

_________38. Ang hari ng Bumbaran ay may ugaling maiinggitin.


_________39. Mabilis na sumalakay ang mga kawal sa kaharian nang makitang dumating ang mga kalaban
_________40. Nabihag ng kalaban ang nanghinang prinsipe.
_________41. Bukambibig ng lahat ng mga sundalo ang pangalang Bantugan dahil sa taglay nitong katapangan.
_________42. Mabilis siyang matuto sa paggamit ng espada at palaso.

F. Panuto: Batay sa mga aral at kaalamang nakuha sa epiko at alamat na nabasa na sa kabanatang ito ay bumuo ng
pangungusap gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga na makikita sa bawat bilang.
Batay sa Epikong Bantugan
43-44. Dahil dito si Bantugan ay________________________________________
45-46. Bunga nito ang buong kaharian ay_________________________________
Batay sa Alamat na, “Ang Pinagmulan ng Marinduque”
47-48. Palibhasa’y mahal na mahal ni Mutya Marin______________________________________
49-50. Kaya naman si Garduque ay___________________________________________________

You might also like