You are on page 1of 13

AWIT, ELEHIYA AT

IBA PANG TULANG


PANDAMDAMIN
Tulang Liriko/Pandamdamin
Itinatampok ng makata ang
kanyang sariling damdamin at
maging ang kanyang
pagbubulay-bulay
1. Awit (dalitsuyo)
- Tulang liriko o pandamdamin
- May paksang nauukol sa matimyas na
pagmamahal, pagmamalasakit, at
pamimighati ng isang mangingibig
- Madalas ang himig ay malungkot at
mapanglaw
2. Elehiya (dalitlumbay)
- Dalawang katangian:
1. Isang tula ng pananangis, lalo na sa pag-
aala-ala sa isang yumao
2. Himig nito ay matimpi at mapagmuni-muni
- Uri ng paksa: Higit na personal sa
pagpapahayag ng damdamin kaysa sa ibang
estilo ng panulaan
3. Pastoral (Dalitbukid)
Maglarawan ng tunay na buhay sa bukid
4. Oda (Dalitpuri)
- Makabagong panulaan: Isang uri ng tulang
liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila
at marangal
- Walang tiyak ng bilang ng pantig/taludtod sa
isang taludturan
Dalit (dalisamba)
- Isang maikling awit na pumupuri sa
Diyos
- Maikling tulang liriko na nililikhang may
aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta
- Kalimitang wawaluhing pantig na may
dalawa/tatlo/apat na taludturang may apat
na taludtod bawat isa
Soneto (dalitwari)
- Tulang may labing-apat na taludtod
- Naghahatid ng aral sa mga bumabasa
Unang walong taludtod ng isang soneto
Nagpapahayag ng isang pangyayaring
nagwawakas sa isang malubhang suliranin/sa
pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay
at kalikasan
Sumunod na mga saknong ng isang soneto
Nagsasaad ng katuturan at kahalagahan ng
sinasabi ng walong unang taludtod

Huling taludturan ng isang soneto


Siyang pumapawi sa isinasaad ng
sinundang taludtod
Napaghahambing ang mga Damdaming Nakapalo
sa mga Tulang Liriko
Kompletuhin ang talahanayan sa ibaba upang maipakita nang
maliwanag ang katangian ng iba’t ibang Tulang Liriko
URI NG TULANG DAMDAMING LAYUNIN SA PAGSULAT
LIRIKO NAGINGIBABAW SA TULA NG TULA
AWIT
ELEHIYA
PASTORAL
ODA
DALIT
SONETO
PALAWAKIN PA NATIN
Nakasusulat ng Sariling Elehiya Para sa Isang
Mahal sa Buhay
Nagkaroong muli ng paligsahan sa inyong paaralan
hinggil sa pagsulat ng tula. Ikaw ay isa sa napiling
maging kalahok ng inyong klase.
Kailangang ang bubuoin mong awit o elehiya ay
malalapatan mo rin ng himig at maaawit mo sa harap ng
iyong kamag-aral sa paaralan.
Galingan mo ang paggawa dahil bukod sa panalo na
maaari mong maging premyo sa pagbuo ng tula ay
mabibigyan mo pa ng magandang alaala at pagkilala
ang yumaong mahal sa buhay sa pamamagitan ng
tulang iyong bubuoin para sa kanya/kanila.
Mga Pamantayan Laang Aking
Puntos Puntos
May orihinalidad at akma sa paksa ang elehiya o 25
awit na nabuo
Gumamit ng tamang pahayag sa pagpapasidhi ng 25
damdamin kaya’t lutang ang damdaming nais na
ipahiwatig.
Nalapatan ng akma at kaaya-ayang himig ang 25
nabuong tula.
Naging kawili-wili at nahikayat ang lahat na 25
makinig.
KABUOAN 100
25 – Napakahusay
23 – Mahusay
22 – Katamtaman
20 – Di-mahusay
18 – Maraming kakulangan

You might also like