You are on page 1of 8

Aralin 18:

Pag-ibig
sa Anak
BALIK-SULYAP
Sinimulan ni Florante na
isalaysay kay Aladin ang buhay
niya mula sa kaniyang mga
magulang at sa ilang mga
pangyayari noong siya ay bata
pa.
196
“Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa
Ng kabataan ko’y malawig na lubha,
Pag-ibig ni ama’y siyang naging mula,
Lisanin yaong gubat na payapa.”

197
“Pag-ibig anaki’y aking nakilala
Di dapat palakhin ang bata sa saya,
At sa katuwaa’y kapag namihasa,
Kung lumaki’y walang hihinting ginhawa”

198
“Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis
Mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib,
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?”
199
“Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
Mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
Inaakala pa lamang ang hilahil
Na daratna’y di na matutuhang bathin.”

200
“Para ng halamang lumaki sa tubig,
Daho’y nalalanta munting di madilig
Ikinaluluoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig”

201
“Munting kahirapa’y mamalakhing dala,
Dibdib palibhasa’y di gawing magbata,
Ay bago sa mundo’y bawat kisap-mata,
Ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.”
202
“Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
Masaklap na bunga ng maling paglingap,
Habag ng magulang sa irog na anak.”

203
“Sa taguring bunso’t likong pagmamahal
Ang isinasama ng bata’y nunukal,
Ang iba’y marahil sa kapabayaan
Ng dapat magturong tamad na magulang.”

204
“Ang lahat ng ito’y kay amang talastas,
Kaya nga ang luha ni ina’y hinamak,
At ipinadala ako sa Atenas,
Bulag na isip ko’y nang doon namulat”
TALASALITAAN: PALAWAKIN NATIN
Magbigay ng salitang kaugnay ng salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Isulat ang mga sagot sa kahon.

1.Hindi kayang lisanin ng ina ang kaniyang mga anak.


iwanan itakwil iabandona

2. Ganoon na lamang ang hinagpis nina Florante sa sinapit ng ama.


hinanakit

3.Ang taong maramdamin ay madaling masaktan.

4. Ikinaluluoy ng halamn ang matinding sikat ng araw.


5. Bawat isa ay kailangang magbata ng hirap upang maging matatag.

6. Dapat tayong magpakatatag sa bawat hilahil na darating sa ating buhay.

7. Talastas nating lahat na ang gawaing masama ay di pinagpapala.

8. Namulat si Florante sa patnubay at pag-aaruga ng kaniyang mga magulang.

9. Ang anak na namihasa sa layaw ay lalaking mahina.


10. Masyadong hinamak ng ama ang kakayahan ng
anak.

You might also like