You are on page 1of 7

Kabanata 4:

Pusong Nagdurusa
(BUOD)
Saknong 33 - 54
Talasalitaan:
Tinahak – tinungo o dinaanan ang isang
pangyayari o daan
Alingawngaw – tumutukoy sa pag-uulit ng tunog
(echo)
Kinahantungan – sinapit
Baluti – panangga sa katawan; kasuotang
panlaban (armour)
Lubos ang tinahak na kasawian ni
Florante. Kahit ang taong masama ay
maaawa sa kalagayan nito.
Maririnig sa buong gubat ang mga
ungol nito ngunit tanging ang
alingawngaw lang niya ang sumasagot
sa kanya.
Hindi makapaniwala si Florante sa kanyang
kinahantungan dahil sa labis na
pagmamahal niya para kay Laura ay
nagawa pa rin siyang pagtaksilan nito.
Naging buo ang tiwala niya kay Laura
subalit sa likod ng kagandahang tinatangi
nito ay may nagtatagong isang taksil.
Lahat ng pag-aalaga dati sa kanya ni
Laura ay wala lang pala, katulad ng
pagpapakintab nito sa panangga at paglilinis
ng kanyang baluti dahil ayaw niyang
madudumihan ang kasuotan kung ito ay
mapapalapat sa kanya.
Hinimatay si Florante dahil sa labis na
paghihinagpis.
Sanggunian:

https://pinoycollection.com/florante-at-laura-buod-ng-bawat-
kabanata/#Kabanata-1
Maraming Salamat
po!!!

You might also like