You are on page 1of 3

Alaala Ni Laura

(Mga saknong 026-068)


Maraming dahilan kung bakit nagseselos at naninibugho (being jealous) ang isang tao.
At may iba’t iba ring ibinubunga sa bawat tao ang pagseselos o paninibugho.

26 – sa saknong na ito ay kinakausap ni Florante kung ibig ba ng langit na siya ay maghirap ay kaniyang
matitiis basta maalala lamang siya nang kaniyang pinakamamahal na si Laura kahit paminsan minsan
man lamang.

27- Sinasabi ni Florante dito na sa kabila ng kanyang mga nararanasang sakit at hirap ay kanyang
malalampasan sa pamamagitan ng kaniyang pag-aalala sa kanyang Laurang nagsilbi niyang kaligayahan
sa kabila ng lahat na ito.

28- Dahil sa mga alaala ng mga nagdaang Suyuan nilang Florante at Laura ay nasisiyahan kahit papaano
si Florante subalit naroon pa rin ang kanyang paghihinagpis o ang kanyang paghihirap sa pag-iisip na
pinagtaksilan siya ng kanyang minamahal na si Laura.

29 – Iniisip ni Florante na sa kanyang pagkakagapos sap uno kasama ng kanyang paghihirap ay patay na
siya. Nais na niyang pumanaw sa hirap ng kanyang pinagdadaanan at nais mangyaring na iyakan siya ni
Laura na matuklasan ang paglao nito subalit wala siyang magawa kundi hintayin ang pagkakataong ito na
tila na kaytagal na halos di na niya mahintay.

30 – nasambit ni Forante na kung alalahanin niya sa kanyang memorya ang pagluha at pag-aalala ni Laura
sa tuwing siya nalulungkot o nahihirapan ay kumbaga siya ay nagsisilbi itong nakawawala ang kanyang
nararamdamang hirap.

31 – naibubulalas niya ang kanyang mga nararamdaman sa saknong na ito. Naipalalabas niya ang
kanyang mga hinanakit at nasasabing wala nang halaga ang nararamdaman niya sapagkat sumama na si
Laura kay Konde Adolfo.

32 – lalo pang ninanais ni Florante na mamatay na nga lalo na ng iniisip na niya ang kanyang minamahal
na nasa piling n ani Adolfo. Ito yung iniisip niya na ito ang kasagutan upang maibsan ang kanyang
paghihirap.

Sa palagay mo ba, tama ba na ang pagpapakamatay ang solusyon sa lahat ng problema?

33 – sa bahaging ito ay nahimatay si Florante dahil sa sobrang sakit ng kanyang nararamdaman na halos
madiligan niya nang luha ang kahoy.

34- Makikita sa buong anyo ni Florante na mula sa paa hanggang sa ulo ang mga mapapait sa kanyang
paghihirap dahil nga sa kanyang pagseselos dahil sumama na si Laura kay Konde Adolfo na sa isip niya
ay pagtaksilan siya. Ninanais man niyang mamatay na ngunit wala rin siyang magagawa dahil kahit si
Kamatayan ay pinahihirapan siya mula sa pagkakatali sa kanya sa puno.

35 – Kahit sinuman ang makakakita sa kanya ay maaawa sa kanya. Kahit man si Konde Adolfo na
nagparusa sa kanya ng ganito ay maaawa sa kanyang kalagayan.
36- Sa sobrang paghihirap ni Florante sa kanyang pinagtatalian mula sa puno na halos mawalan na siya
ng boses sa kanyang pag-iiyak at pagsisisigaw-sigaw sa sakit na kanyang nararamdaman.

Isipin natin na kung ikaw ang nasa kalagayan ni Florante na umiiyak at isinisigaw mo rin ng ilang oras
ang mga hinanakit, diba siguradong mawawalan rin kayo ng boses. Tama ba?

37. Na kung may makaririnig lamang sa kanyang mga paghihinagpis ay siguradong mahihimasmasan siya
o kahit papaano’y gagaan ang kanyang pakiramdam.

Diba naranasan naman natin na kung mayroon tayong pagdadaanan ay pupunta tayo sa ating mga
kaibigan? Ano yung kadalasang sinasabi ng iyong mga kaibigan?
Tandaan na hindi tayo nag-iisa at may kaibigan tayong mapaglalabasan ng ating mga hinanakit sa buhay.

38 – Rinig sa buong kagubatan ang taghoy at mga paghihirap ni Florante na napakulungkot na sa sobrang
sakit nito na nag-e-echo na parang nakikipag-usap siya sa kanyang sarili.

39- Sa saknong na ito ay tinatanong ni Florante sa hangin kung bakit ibinigay ni Florante sa iba yung
puso nito at siya ay nagtataka kung bakit pinagtaksilan siya ni Laura sa kanilang nagdaan na puno ng
pagmamahalan at pagmamalasakitan sa isa’t isa.

40- Dahil ipinangako ni Laura sa harap ng mga langit na hindi nito pagtataksilan ang kanilang
pagmamahalan kaya ibinigay nito lahat ng kanyang pagmamahal at naniniwalang hindi nito pagtataksilan
ngunit iba ang kinahahantungan.

Ikaw ba? Naranasan mo na ba ang katulad na nangyari kay Florante? Ikaw ba yung tipo ng tao na tapat sa
iyong mga pangako?

Paggunita sa Nakaraan | Ang Pusong Sawi |


Panawagan kay Laura
(Saknong 41-68)
Naranasan mo na bang pagtaksilan? O masyado ka lamang nagiisip na pinagtataksilan ka kahit hindi mo
man lang nalalaman ang tunay na nangyayari?

Tiwala – Iyan ang isa sa ating aalamin mula sa kwentong ito, kung ito ba ang naipakita ni Florante sa
ugnayan nila ni Laura o katulad rin nang iba na sa tindi ng hirap na nararanasan ay susuko rin.

41- sa saknong na ito ay nagtiwala siya kay Laura dahil sa gandang ipinakita nito. Inaaakala niya na tapat
ito sa kanyang pagsuyo na inihahalintulad pa niya sa langit na di bumabali sa pangako nito. Hindi niya
inaakala na sa kabila ng kagandan ni Laura ay may nakatago na pagtataksil sa kanyang budhi.

42 – Hindi akalain ni Florante na lahat pala ng luhang kanyang iniaalay kay Laura ay wala pa lang silbi.
Ang madalas na pagsabi ni Laura sa kanya na siya lamang ang iniibig ay siya pa lang magpapahirap sa
kanya.

43 – Sa saknong na ito ay inalala ni Florante na inuutasang manggubat, siya ni Haring Linceo na ama ni
Laura. Lubos na ikinakatuwa ni Laura na ito’y palatandaan o sagisag para kay Florante.
44 – Naaalala ni Florante sa saknong na ito ang itinatahi na Plumahe o isang kagamitang pang-ulo na
parang helmet kung saan ramdam ni Florante ang bawat bugtong hininga ni Laura.

45 – Sa bahaging ito ay inaalala ni Florante ang ilang beses na iniaabot ni Laura ang kaniyang isusuot na
bandana. Sa mga pagkakataong ito ay lubos ang pag-aalala ni Laura na sa haharapin na pakikipagdigmaan
nitong si Florante.

46- Naaalala pa ni Florante sa tuwing gagamitin niya ang Baluti o yung pananggalang gawa sa bakal ay
tinitiyak muna ni Laura na wala itong kalawang dahil ayaw ni Laura na marumihan ang damit ni Florante.

47- Sinasabi ni Florante na sa tuwing naaalala niya na sa tuwing humaharap siya sa digmaan, sinisigurado
ni Laura na matibay at makintab ag kanyang kalasag o armor para dumalos ang kahit anumang patalim na
tatama sa kanya. Dahil din sa kintab ay madali itong makikilala ni Laura mula sa malayo.

48 – sa pagkakataong ito ay inalala ni Florante ang pagpapayas o paglalagay ng beads na gawa sa perlas,
topasyo at ruby yung turbante ni Florante na binuo ni Laura na titik “L” na ito’y sumisimbolo ng kanyang
pangalan.

49 – sa bahaging ito ay ang alaala ni Florante na tuwing hindi sila magkasama ni Laura tuwing siya ay
nakikipagdigma. Naghahanap si Laura ng kanyang libangan nang maiwala niya ang kanyang pag-aalala.
Sa tuwing nakakauwi si Florante gaing sa digmaan, kahit panalo, ay lubos pa rin ang pag-aalala nitong si
Laura.

50 – Sa saknong na ito ay naipakita ang labis nap ag-aalaga nitong si Laura kay Florante. Baka may mga
sugat o gasgas si Florante. Hindi siya makampante hanggat hindi niya makikita si Florante na walang
gasgas. Sa tuwing makikita niya kahit kaonting gasgas man, ay maiiyak na si Laura.

51 – Kung may gumugulo sa isip ni Florante ay tatanungin ni Laura kung ano ang bagay na iyon. Habang
hindi pa niya ganap nauunawaan ito ay hahalikan ni Laura si Florante ng paulit-ulit sa pisngi hanggang
maunawaan niya ito.

52 – Kung hindi sasabihin ni Florante ang kanyang ipinagdadaanan ay dadalhin siya ni Laura sa payapang
hardin kung saan siya magiginhawaan at maaaliw sa mga bulaklak.

53 -

You might also like