You are on page 1of 3

Filipino 8

Module 13: Pagtalakay sa aralin XV-XX ng Florante at Laura


Subject Teacher: Mary Jane E. Bonglay

Lesson Description:
Sa modyul na ito ay tatalakayin natin ang aralin bilang XV-XX at ang mga aral na nakapaloob dito. . 

Course Objective:
A. Nauunawaan ang nilalaman ng aralin XV-XX. 
B. Naibibigay ang mga aral na makukuha sa bawat aralin. 

 Pagtalakay

Florante at Laura Buod Kabanata 21: Ang Heneral ng Hukbo (Saknong 264 – 274)
 
Agad nagtungo sina Duke Briseo at Florante kay Haring Linceo ng malaman ang balita na pagbabanta sa
Krotona.
Hindi pa man nakakaakyat sa palasyo ay sinalubong na ang mga ito ni Haring Linceo. Niyakap niya si Duke
Briseo at kinamayan naman si Florante.
Nagkwento si Haring Linceo na may nakita siyang gerero sa kaniyang panaginip, na
kamukha ni Florante, na siyang magtatanggol sa kaharian.
Tinanong ni Haring Linceo kay Duke Briseo kung sino ito at kung taga saan ito. Sumagot
naman ito na ang kamukhang binata na iyon ay si Forante, ang anak niya.
Sa pagkamangha ni Haring Linceo ay niyakap niya ito at ginawang Heneral ng hukbo na
tutulong sa Krotona.

Talasalitaan:
 Nagtungo – nagpunta
 Pagbabanta – babala na may halong pananakot
 Gerero – mandirigma
 Pagkamangha – pagkagulat
 Hukbo – grupo ng mga mandirigma

Florante at Laura Buod Kabanata 22: Si Laura (Saknong 275 – 287)


 
Biglang may natanaw ni Florante na magandang babae. Ang taong di mabibighani sa babaeng ito ay maituturing na isang
bangkay.
Ang babaeng ito ang ikinasisira ng pag-iisip ni Florante sa tuwing magugunita, ito ay si Laura anak ni Haring
Linceo. Dahil sa pagkabigla ay hindi makapagbitaw ng salita si Florante.
Mapapansin din sa kaniyang mga mata ang patak ng luha.

Talasalitaan:
 Natanaw – nakita
 Mabibighani – mahuhulog, magkakagusto
 Magugunita – maiisip, maaalala
 Pagkabigla – pagkagulat
 Makapagbitaw – makapagsabi, makapagsalita
Florante at Laura Buod Kabanata 23: Pusong Sumisinta (Saknong 288 – 295)

Dahil sa biglaang pagkakita kay Laura, nawala na sa diwa si Florante. Hindi na ito makapag-isip ng maayos dahil sa hindi
inaasahang pagkakita muli sa kanyang mahal na si Laura.

Tatlong araw siyang piniging ng hari sa palasyo ngunit hindi man lang tinignan ni Florante si Laura. Mas matindi pa ang
sakit na dinulot ng pag-ibig kaysa sa sakit ng mawalan ito ng ina.

Mabuti at nabigyan siya ng kaunting pagkakataon na makasama si Laura bago pumunta ang hukbo ni Florante sa Krotona.

Umamin si Florante na mahal pa rin niya si Laura ngunit wala itong sagot. Tumulo ang isang patak ng luha mula sa mga
mata ni Laura.

Malapit ng bumigay si Laura sa mga sinasabi ni Florante ngunit nanaig pa rin ang kanyang isip.
Florante at Laura ni Balagtas (eBook) | Laura cover, Balagtas, Cartoon profile pictures

Talasalitaan:

Diwa – pag-iisip
Piniging – pagtitipon na may maraming handa (fiesta)
Dinulot – resulta
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Nanaig – nangibabaw

Florante at Laura Buod Kabanata 24: Pakikipaglaban Kay Heneral Osmalik (Saknong 296 – 313)
 
Inatake ng hukbo ni Florante ang pwersa ng nakapaligid sa buong siyudad at halos bumigay na ang mga pader nito.
Nagkaroon ng matinding labanan at may dumanak na mga dugo. Pinapanood ni Heneral Osmalik si
Florante habang kinakalaban at pinapatay ang pitong hanay ng mga moro.
Lumapit ang Heneral kay Florante na nagniningas ang mga mata at hinamon ito na labanan siya.
Umabot sa limang oras ang kanilang labanan ngunit sa huli ay nasawi rin si Heneral Osmalik.
Pinagdiwang ng mga tao sa Krotona ang tagumpay na laban ni Florante.
Talasalitaan:

 Hukbo – grupo ng mga mandirigma


 Dumanak – umaagos
 Heneral – namumuno sa kaniyang grupo
 Moro – muslim
 Nagniningas – nagagalit

Florante at Laura Buod Kabanata 25: Pagsagip Kay Laura (Saknong 314 – 323)

Nanatili si Florante sa Krotona ng limang buwan. Gusto na niyang makauwi sa Albanya dahil gusto na ulit niyang
masilayan si Laura.
Habang nag mamartsa ang hukbo pauwing Albanya ay nakita nila ang mga moog ng siyudad. Nakita rin niya ang bandila
ng Persiya imbes na bandera ng Kristiyano.
Ma nakita silang grupo ng mga moro sa paanan ng bundok na may kasamang isang babae na nakatali ang mga kamay at
nakatakip ang mukha.
Mukhang papunta sa lugar na kung saan ay pupugutan ng ulo ang babae. Dali-daling nilusob ni Florante ang morong
nagbabantay sa babae at ito ay napatakbo.
Sinaklolohan ni Florante ang babae, tinanggal nito ang mga tali sa kamay at takip sa mukha. Ang babae pala ay si Laura.
Napatingin ng malalim si Laura kay Florante. Ang mga tingin na ito ay siyang nagtanggal ng paghihirap sa puso ni
Florante. Narinig niya ang sinabi ni Laura na “Florante, Mahal ko”.

Florante At Laura, Hobbies & Toys, Books & Magazines, Religion Books on Carousell

Talasalitaan:

Pagsagip – pagligtas, pagtulong


Masilayan – makita
Hukbo – grupo ng mga mandirigma
Moro – muslim
Nilusob – sinugod
Moog – napapaligiran ng pader

-The End-
NAME: ________________________________ YEAR & SECTION: ________________

Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag sa ibaba.

_________________1. Sinariwa ni Florante ang turo ng magulang na kung mamimihasa ang isang bata sa saya at
madaling pamumuhay ay walang kahihinatnan na ginhawa ito.
_________________2. Ang mundo ay puno ng kahirapan kung kaya’t dapat ay patibayin ang kalooban dahil kapag ang
tao ay di marunong magtiis, hindi niya mapaglalabanan ang mga pagsubok na hatid ng mundo.
_________________3. Si Adolfo ay kababayan ni Florante na siyang anak naman ni Konde Sileno. Siya ay mas matanda
ng dalawang taon kumpara kay Florante na labing isang taong gulang.
_________________4. Si Adolfo ay isang mahinhin na bata at laging nakatungo kung maglakad. Siya’y pinopoon ng
kanyang kamag-aral dahil sa angking katalinuhan at kabaitan.
_________________5. At kahit itago pa ni Adolfo ay batid din ni Florante na ganun din ang nararamdaman nito para sa
kanya.
_________________6. Paglaon ay mas nahasa ang katalinuhan ni Florante. Naging magaling siya sa larangan ng
pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
_________________7.  Naging matagumpay sa buhay si Florante at si Adolfo naman ay naiwan sa gitna. Siya ay naging
tagapamalita sa Atenas.
_________________8.  Naging bukambibig sa taong bayan ang pangalan ni Florante. Dito na nagsimulang mahubadan si
Adolfo ng hiram na kabaitan at ang kahinhinang asal sa pagkatao ay hindi bukal kay Adolfo.
_________________9. Isang taon pa ang ginugol si Florante sa Atenas nang makatanggap siya ng isang liham na na
nagsasabi na patay na ang kanyang ina.
_________________10. BIlin ni Antenor, guro ni Florante na mag-iingat at huwag malilingat sa maaaring gawing
paghihiganti ni Adolfo.

ACTIVITY/OUTPUT

Magsagawa ng isang pagsusuri tungkol sa naganap sa bawat aralin alamin kung nagaganap ba ito sa
kasalukuyan, ibigay ang mga nangyari sa aralin na alam mo na patuloy na nagaganap sa kasalukuyan. 

You might also like