You are on page 1of 8

FLORANTE AT

LAURA
(Aralin 16-17)
2

ARALIN 16: ANG PANGAKO NG PUSO

 Sinabi ni Florante na nangungulila pa rin siya sa kanyang ina subalit ang lumbay na iyon ay
pinawi ng pag-ibig na ukol para kay Laura. Nangako si Florante ng tapat na pagsuyo
bagama't wala siyang maiaalay na yaman at kamaharlikaan. Tatlong araw siyang nanatili sa
palasyo real ng Albanya hanggang sa dumating ang takdang araw ng kanyang paglisan
patungong digmaan sa Crotona. Bago umalis ay nagkaroon ng pagkakataong mag- usap sina
Florante at Laura. Muling nanikluhod si Florante ng pag-ibig kay Laura sabay ang
pamamaalam ng binata sa dalagang nililiyag. Noon tinugon ni Laura ang kanyang pag-ibig
sa pamamagitan ng pabaon na luha. Labis na nanlumo si Florante sapagkat iiwan niya si
Laurang lumuluha para tumungo sa digmaan ngunit ang pabaong luha ni Laura ang higit
nagpatapang sa kanya. Dumating sila sa Crotona at nakipagdigma. Batid ni Florante kung
hindi sa pabaong pag-ibig ni Laura ay baka nasawi na siya sa labis na pagdurusa.
3

TALASALITAAN

1. Alindog - Kagandahan 6. Kapos - Kulang


2. Pinalad - Sinuwerte 7. Iluluwalhati - Ikinasasaya
3. Patas - Pantay 8. Pagpanaw - Pagkamatay

4. Himutok - Galit 9. Hukbo - Grupo


10. Maulila – Mawalan ng
5. Sinta - Mahal
magulang
4

PAG-UNAWA SA BINASA
1. Ano ang naging pabaon ni Laura kay Florante bago ito umalis-patungo sa
pakikidigma?
2. Ano naman ang ibinigay ni Florante kay Laura bago ito umalis patungo sa
pakikidigma?
3. Anong mga katangian ni Florante ang ipinakita nito kay Laura?
4. Bakit inakala ni Florante na hindi siya nababagay kay Laura? Sa anong
batayan at dahilan?
5. Posible bang mangyari ang pag-ibig ni Florante at ni Laura sa unang
pagkikita pa lamang? Pangatwiranan.
5

ARALIN 17:
 Nilusob ng hukbo nina Florante at Menandro ang mga kuta ng kalaban. Maging si Menandro
ay bihasa rin sa pakikipaglaban. Nasaksihan ni Heneral Osmalik ang kakayahan sa
pakikidigma ng hukbo ni Florante sapagkat ang bawat hanay na sumusugod ay para lamang
mga kawayang tinatapyas ng mga ito. Limang oras ang naging labanan hanggang sa sumuko
ang mga kaaway nina Florante. Napasok na nila ang siyudad at sinimulan na nilang tugisin
ang mga tumatakas na kaaway at agawin ang mga itinayong kampo. Sinalubong sila ng hari
ng Crotona matapos ang malaking tagumpay sa digmaan. Nagsigawan ang mga tao sa
ginawang pagpapalaya ng apo ng Monarka. Pumanhik ng palasyo ang hukbo ni Florante at
doon sila nagpahinga. Muling nanariwa ang alaala ng ina hi Florante ng makaharap niya ang
nuno niyang hari na ama ng kanyang inang si Prinsesa Floresca. Limang buwan na nanatili
ang hukbo ni Florante sa Crotona upang tiyaking hindi na ito sasalakayin ng hukbo ng mga
moro.
6

Nagpasya na siyang magbalik ng Albanya upang muling makita


ang kasintahang si Laura. Ngunit sa kanilang pagdating ng
Albanya, nakita niya ang nakawagayway na bandila ng mga
moro sapagkat lumulusob na ang mga ito sa pamumuno ng
gererong si Aladin. Natanawan ni Florante na nasa paanan ng
bundok ang hukbo ng mga moro.
7

TALASALITAAN

1. Kuta – taguan o kampo 6. Pamimiyapis – paghihirap sa


pakikipaglaban
2. Pulutong – kawan, lipo o
grupo 7. Tabak - espada

3. Nakubkob – nasakop o nalusob 8. Nagniningas - nagliliyab


9. Soldados - sundalo
4. Paggapas – pag-ani
10. Pinahimpil – pinahinto o pinatigil
5. Pagkitil - pagpatay
8

PAG-UNAWA SA BINASA
1. Ilarawan ang katangiang ipinamalas nina Florante at Menandro sa
pakikidigma.
2. Ano ang naging pagdiriwang ng bayan ng Crotona hang mapalaya sa
mga Moro?
3. Ilarawan ang naging damdamin ng hari ng Crotona at ni Florante nang
magkaharap sila.
4. Bakit inabot ng buwan si Florante sa Crotona at hindi agad nakabalik
sa bayan ng Albanya?
5. Ano ang dinatnan ni Florante sa pagbabalik niya sa Albanya?

You might also like