You are on page 1of 3

Florante at laura

Naaalala ng makata ang kanyang nakaraan , binabalikbalikan nya ang babaeng kanyang mahal. Matamis
ang kanilang pagiibigan. Hindi mapigilan ng makata ang kanyang luha kapag naiisip nyang baka naagaw
na ng iba ang pagibig ni Celia para sa kanya. Dahil sa labis na pagkalungkot nagkaroon ang makata ng
pagkakataon upang matuto ng pagsusulat ng tula.Ang Florante at Laura ay inihandog niya para sa
kanyang Celia na may sagisag na M.A.R.

Nagpapasalamat ang makata sa mga nagbasa/magbabasa/nagbabasa ng kanyang awit. Hinihiling din ng


makata na huwag baguhin ang kanyang bersiyon sa paglipas ng panahon. Isang madilim na gubat na
hindi halos mapasok ng araw. Maraming mababangis na hayop ang nasa loob ng gubat. Sa isang puno ng
Higera sa gitna ng gubat ay may isang gwapong binata na nakatali ang paa, kamay, leeg ang naroon.
Walang ibang tao ang makakapagligtas sa binata sa gubat. Umiiyak ang binata habang sinasabi na ang
kasamaan ay naghahari sa bayang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan . Si
Adolfo ang may kagagawan ng lahat dahil gusto nyang mapasakanya ang kapangyarihan ni haring Linseo
at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng binatang nakagapos sa gubat. Ang binata ay nagdadasal na
sana ay Magkaroon ng awa ang maykapal na iligtas sya at parusahan ang mga masasama. Alam nya na
ang nangyari ay para sa ikabubuti ng lahat at nakahanda na syang magdusa. Ang tanging hiling nya lang
ay sana ay maalala sya ng kanyang minamahal na si laura. Ang mas lalong nakapagpahirap ng kanyang
damdamin ay ang hinalang baka naagaw na ni Adolfo ang kanyang minamahal. Labis ang kalungkutan at
pagseselos ang nadarama ni Florante. Inilabas nya ang kanyang sama ng loob sa gitna ng gubat dahil tila
nalimot na sya ni laura. Naalala ni Florante na kapag patungo sya sa digmaan ay palaging umiiyak si laura
at pinadadalhan ng bandang may letrang L. Pagkatapos nga labanan ay may mga sugat sya ay Umiiyak na
nililinis ni Laura Ang mga ito at kapag malingkot ang binata ay pinipilit syang aliwin ni Laura. Gustong
makita ulit ni Florante ang pagaalala ni Laura para sa kanya. Ngunit natatakot syang baka naagaw na ni
Adolfo si Laura kaya nasabi nyang pasasalamatan nya si Aldolfo pahirapan man sya ng husto , huwag
lang agawin si Laura.Umiyak ng umiyak si florante hanggang sa sya'y nakatulog. May isang mandirigma o
gerero na taga persiya ang dumating , naupo ito sa lilim ng isang puno at naghimutok. Nang huminto ang
paghihimutok ng gerero ay nagulat ito sa buntong hininga ni Florante , na noo'y ginugunita ang amang
mapagmahak na ipinapatay ni Adolfo. Walabg habas itong ipinapatay ni Adolfo ngunit hanggang sa
huling sandali ay ang kapakanan pa rin ni florante ang iniisip ni Duke Briseo. Naalala rin ng gerero ang
kanyang ama na kaiba ng ama ng lalaking nakagapos . Ang ama ng gerero ay hindi nagpakita ng
pagmamahal sa anak minsan man. Ang mas lalo pang nakakapagpasakit ng kanyang damdamin ay ang
ama pa ang umagaw sa babaeng kanyang minamahal. Maagang naulila ang gerero sa ina kayat di sya
nakaramdam ng pagmamahal sa magulang. Naputol ang pagiisip ng gerero ng marinig ang sinabi ni
Florante na malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura. Dalawang leon ang papalapit kay
Flprante , tumigil ang leon Sa harap nya. Nagpapaalam na si Florante sa bayang Albanya na pinaghandugan nya
ng kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na mas mahirap sa kanyang kalooban ang mamamatay sya
ng hindi napalasakanya si Laura. Narinig ng gerero ang mga daing ni Florante kung kaya't dahan dahan syang
naglakad papunta sa kinaroroonan ni Florante. Nang akmang kakainin na ng mga leon si Florante ng mawalan siya
ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa ito'y mamatay pagkatapos ay kinalagan nya ang
binata . Nang magkamalay ang binata ay si Laura agad ang kanyang hinanap nagulat si Florante ng mamalayang
nasa kamay sya ng gerero. Ipinaliwanag ng gerero kung ano ang nangyari ,ipinaliwanag nya rin na hindi kaya na
hindi tulungan ang binatang nakagapos. Sa halip na magpasalamat ay isinagot ng binata na ibig nya ng mamatay sa
laki ng hirap na kanyang dinanas , sa narinig na ito ay napasigaw ang gerero. Walang kibuan ang dalawa hanggang
sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang binata sa isang malapad at malinjs na bato dito pinakain ng gerero ang
binata na di nagtagal ay nakatulog ang binata sa kandungan ng gerero. Magdamag na binantayan ng gerero ang
binata dahil sa tuwing magigising ito ay naghihimutok. Kinaumagahan ay nagising ang binata na may
nakakapanibagong lakas. Itinanong ng gerero ang dahilan ng paghihirap ng loob nito . Nagkuwento naman si
Florante ng kanyang buhay. Siya si Florante nagiisang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng krotona, sa
Albanya sya lumaki at nagkaisip. Ang janyang ama ay tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong
pangalawang puno sa kaharian at isang matapang at mapagmahal na ama si Duke Briseo. Nagkwento rin si
Florante tungkol sa kanyang kabataan . Noong sanggol pa sya ay muntik na syang madagit ng isang buwitre buti n
lang ay nailigtas Sya ng knyang pinsan na si Minalipo at may isang ibong arkon ang dumagit sa kanyang
dyamanteng kupido sa dibdib. Lumaki sa galak si Florante, alam nya na hindi dapat pinapalaki ang mga bata ng laki
sa layaw dahil hindi ito makakatagal sa hirap. Alam ni Duke Briseo na ayaw ni Florante na palagi lang sarap sa
buhay ang kanyang ginagawa,kaya't nagdesisyon siyang ipadala sa Atenas ang anak para magaral. Labing isang
taong gulang si Florante ng siya'y magsimulang magaral sa Atenas. Ang nagibg guro nya dito ay si Antenor,
estudyante rin sa Atenas ang kanyang kababayan na si Adolfo na ramdam na nya na kunwari lamang ang kanyang
kabaitan. Anim na taon sa Atenas si Florante, marami siyang natutunan sa loob ng panahong ito. Palaging
nangunguna sa katalinuhan si Florante ,nalampasan nya si Adolfo. Nabalita ito sa buong Atenas. Dito na rin
lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante ngunit nailigtas siya ng
matalik nyang kaibigan na si Menandro. Pagkatapos din niyon umuwi sa Albanya si Adolfo. Naiwan sa Atenas si
Florante at nagtagal doon ng isang taon. Isang araw ay tumanggap si Florante ng sulat na galing sa kanyang ama.
Nakapaloob sa liham na iyon na namatay na ang ina ni Florante . Sa labis na kalingkutan ay nawalan si Florante ng
malay. Hindi nakabawas sa kanyang kalingkutan ang tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral. Dalawang
buwan ang lumipas ay nagpadala muli ng sulat ang kanyang ama ,kasama ang susundo sa kanya. Bago umalis ay
kinausap nya ang kanyang guro na si Antenor na ingatan si Adolfo dahil alam niya na maghihiganti ito. Sinabi rin ng
guro na huwag padadala sa magandang pakikitungo, pinayuhan rin nito si Florante na lihim na maghanda.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang magkaibigan ay hinatid na kanilang mga kamag-
aral hanggang sa daungan. Di nagtagal ay nakaratin na sila sa Albanya. Pagkakita sa Ama ay agad namuo ang mga
kuha sa kanyang mga mata dahil sa muling manariwa ang sakit ng loob dahil sa pagkamatay ng kanyang ina.
Dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng hari ng Crotona na humihingi ng tulong dahil nilusob ng
grupo ni heneral Osmalik ng Persiya ang Crotona. Ang heneral ay pangalawa kay Prinsipe Aladin na syang
hinahangaan ni Florante At ayon sa balita ay kilabot sa buong mundo si Prinsipe Aladin.Napangitiang gerero at
sinabing bihira lamang magkatotoo ang balita at karaniwang may dagdag pa.Nagtungo sa Palasyo ng Albanya ang
mag-ama. Masakit man sa loob ni Duke Briseo ay pumayag siya na maging hari ng heneral ng hukbo si Florante.
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura isang napakagandang dalaga na hindi mo maiisip na maari itong
magtaksil. Kapag kaharap ni Florante ang dalaga ay hindi ito makapagsalita ng maayos dahil natatakot siya na baka
hindi maging marapat ang kanyang masabi para kay Laura. Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante
ngunit sa panahong ito ay hindi man lamang niya nakausap ang Prinsesa Laura. Isang araw bago umalis sila
Florante ay ipinagtapat niya ang kanyang pagibig kay Laura, hindi sumagot ng oo ang dalaga ngunit lumuha ito ng
umalis si Florante patungong digmaan. Dahil sa luha ni Laura ay natiis ni Florante ang kalungkutan dahilan ng
pagkawalay nya sa kanyang minamahal. Pagdating sa digmaan ay naabutan ng hukbo ni Florante na halos mawasak
na nang kalaban ang kuta ng krotona. Magiting na tagapagtanggol si Florante at ang kanyang hukbo dahilan kung
bakit siya hinamon ni Heneral Osmalik na silang dalawa lamang ni Florante ang maglaban. NagtagaL ng limang oras
ang kanilang Labanan nang mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong bayan ang pagkapanalo ni
Florante Nalaman rin nila na apo ng hari ng Krotona si Florante . Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang
pagbubunyi ng magkita ang maglolo ,muling nanariwa ang sakit sa puso dahil sa pagkamatay ng Ina ni Florante.
Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit ng
bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya ay
biglang kinabahan si Florante. Nakita ni Florante ang bandera ng mga Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang
hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon ay natatanaw nila ang isng babae na tila pupugutan ng ulo. Dali daling
lumusob sila Florante dahil napagtanto nila na ang babae ay si Laura. Pupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat
tinanggihan nito ang pagibig muka sa emir at ito'y sinampal pa ,noon binigkas ni Laura ang Sintang Florante.
Pibakawalan ni Florante ang kanyang ama, hari at iba pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfk. Lalong naiinggit si
Adolfo kay Florante hindi lamang sa papuring natatanggpa kundi pati na rin sa pagibig no Laura. Dahil dito muling
nagbalak ng masama si Adolfo kay Florante. Pagkalipas ng ilang buwan ay lumsuob ang hikbo ng turkiya sa
pamumuno ni Miramolin ngunit tinalo pa rin ni Florante si Miramolin. Naging sunod sunod ang tagumpay ni
Florante hanggang sa umabot na ng labing pito ang haring gumagalang sa kanya. Nasa Etolya si Florante at ang
kanyang mga hukbo ng makatanggap ng sulat na nagsasabi na pinauuwi siya ng hari. Iniwan niya ang hukbo kay
Menandro, ngunit pagdating niya sa Albanya ay nilusob siya ng 30 000 sundalo at noo'y bilanggo. Noon nha
nalaman na ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama''y
nakatakdang ikasal kay Adolo. Labing walong araw siyang ikinulong at pagkaraan ay itinali siya sa gubat n
kinatagpuan sa kanya ng Gererong Moro. Nang matapos sa pagkukuwentl si Florante ay nagpakilala naman ang
gererong moro na siya ay si Aladin mula sa Persiya ,anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na kapwa sila sawi ni
Florante . Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanan sa buhay. Ikwenento niya kubg paano inagaw ng
Ama ang kaniyang minamahal Na si Flerida . Ipinakulong siya ng sariling ama dahil sa maling bintang na iniwan niya
ang kanhang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ang sultan. Hinatulan din si Aladin na pugutan ng ulo dahil
nabawi na ni Florante ang Albanya,pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagamat nakaligtas
siya sa kamatayan, ang pang ibig ni Aladin na mamatay Kaysa maagaw ng iba ang kanyang minamahal na si Flerida.
Natigil ang paguusap ng dalawa ng makarinig nagpaguusap ng dalawang babae. Na ayon sa isa ay nang malamn
niyang puougutan nang ulo ang kanyang minamahal ay nagmakaawa siya sa Sultan na patawarin ang nobyo ng
babae . Pumayag ang Sultan sa kondisyong ito'y magpapakasal sa kanya. Walang nagawa ang babae kundi
sumangayon. Nakaalis na ang nobyo ng hindi man lamang sila naguusap . Nang sumapit ang araw ng kasal ay
tumakas ang babae at naglagalag sa bundok at gubat hanggang sa mailigtas niya abg kausap. Biglang sumulpot si
Florante at Aladin sa di inaaasahang pagtatagpo ay di masukat ang kaligayahan ng mga tauhan. Si laura naman ang
nagsalaysay . Ayon sa kanya ay napaniwala ni Adolfo ang mga taong bayan sa maling balita nito , na gugutumin ng
hari ang mga taOng bayan Kaya nagkagulo ang mga tao. Ipinapatay rin ni Adolfo ang hari at ang ama ni Florante
inagaw ni Adolfo ang kaharian at pinipilit na magpakasal sila ni Laura. Pumayag si Laura pero humingi ng palugit
hanggang sa makauwi na si Florante . Ngunit sa kasamaang palad at nahuli si Florante at ipinatapon. Handa nang
magpakasal si Laura ng dumating sj Menandro na siyabg nakatanggap ng ukat ni Laura para Kay Florante. Tumakas
si Adolfo tabgay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon, siya namang pagdating ni flerida. Pinana
nito si Adolfo na namatay noon din. Matapos magkuwento ay dumating Menandro. Sobra ang tywa nito ng makita
ang matalik na kaibigan. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari ng Albanya na si Florante. Sinama nina Florante
sina Aladin sa Albanya na kapwa pumayag na maging kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at
Flerida. Umuwi sa Perisya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Suktan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang mga
mamamayang nasisiyahan sa pamumuno ni Florante at Laura.

You might also like