You are on page 1of 14

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 8
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARALIN 4.2
Panitikan : Florante at Laura
a. Buod
b. Mahalagang Tauhan
Bilang ng Araw : 4 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PANONOOD (PD) (F8PD-IVa-b-33)


 Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na
teleserye at ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang bahagi
ng akda.

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IVa-b-35)


 Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang
pangyayari sa binasa.

PAGSULAT (PU) (F8PU-IVc-d-36)


 Naisusulat sa isang monologo ang mga pansariling damdamin
tungkol sa:
- pagkapoot
- pagkatakot
- iba pang damdamin.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IVc-d-36)


 Nagagamit ang ilang tayutay at talinghaga sa isang simpleng
tulang tradisyunal na may temang pag-ibig.

Ikaapat na Markahan | 23
TUKLASIN at LINANGIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F8PD-IVa-b-33)


 Napaghahambing ang mga pangyayari sa napanood na teleserye at
ang kaugnay na mga pangyayari sa binasang bahagi ng akda.

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura


a. Buod
b. Mahalagang Tauhan
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Florante at Laura


a. Buod
b. Mahalagang Tauhan

AKTIBITI

3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : KASTILYO NG KATANUNGAN
Isulat sa kastilyo ang mga katanungang nais mabigyang kasagutan sa
pagsisimula ng talakayan.

Ikaapat na Markahan | 24
Aralin 4.2

tanong tanong

Sanggunian: (larawan) http://www.coloringpages.co.in/wp-content/uploads/2012/06/Castle-


Coloring-Pages-For-Kids.gif

Pokus na Tanong ng Aralin 4.2


 Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa Florante at Laura?
 Taglay pa rin ba ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang mga
katangian ng ilang tauhan sa akdang Florante at Laura?

4. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya : LIKE, COMMENT & SHARE


Magbababahagi ang mga mag-aaral ng mga nagustuhang pangyayari
sa kanyang paboritong teleserye o pelikula. Pagkatapos ay tatawag
naman ng kamag-aaral na magkukumento sa pangyayaring
nagustuhan ng kamag-aaral at hahanap din ng kapwa kamag-aaral na
magbabahagi naman ng kanyang naging damdamin kaugnay ng
naunang naibigay na pangyayari.
PANGYAYARI SA TELESERYE

 Pag-uugnay ng unang gawain sa gagawing panonood.


 Pagpapanood ng teleseryeng “Ang Probinsyano”.
 Pagpapabasa ng buod ng “Florante at Laura”.

Ikaapat na Markahan | 25
BUOD NG FLORANTE AT LAURA
Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan.
Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng
Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke
Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway
niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na siLaura. Anak si
Konde Adolfo ni Konde Sileno.
Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang
mga pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng
mga pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na liyon ang biglang
umatake kay Florantesubalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng
malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si
Florantehanggang sa manumbalik ang lakas nito.
Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang
mapagmasdan ang morong si Aladin. Hindi siya makapaniwalang ang
isang kalaban ng mga Kristiyano ang kaniyang naging tagapagligtas sa
tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang mga pagpapaliwanag, naging
lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin, at dito siya nagsimulang
magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay. Bilang anak ng isang prinsesa at
ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking masiyahin at puno ng
pagmamahal at kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang maglaro
noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng
isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni
Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si Menalipo, isang
mamamana mula sa Epiro.
Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang -
na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca – saAtenas, Gresya upang mag-
aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor. Sa Atenas niya natagpuan si
Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang
pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit
makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan na ni Florante ang mga
kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan
at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.
Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang
patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad, madaliang
nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan ni Florante. Dahil sa
pagkaunsiyami ng balak, umuwi siAdolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang
taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad
ng balitang pumanaw na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca.

Ikaapat na Markahan | 26
Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago
nakabalik si Florante sa Albanya. Sumama si Menandro kay Florante. Sa
pagsapit nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang
humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan
laban sa mga Persa (Persian). Wala kakayahang tumanggi si Florante
sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.
Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa
palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang
anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.
Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si
Florante laban sa heneral ng Persiya na siOsmalik. Tumagal ang tunggali
ng may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral
Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng limang buwan bago nagbalik
sa Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya,
nagulat si Florante nang mapagmasdan ang watawat ng Persiya na
nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang
mga kalabang Persa (Persian). Nailigtas ni Florante sina Duke
Briseo,Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir.
Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura. Itinalagang “Tagapagtanggol ng
Albanya” si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at
katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.
Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian
ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga-Turkiya. Pinamunuan ni
Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya.
Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng
isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung
kaya’t naiwan sa pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante,
ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis
si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo.
Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni
Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan
ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno
ng akasya.
Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay
Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya niAdolfo, at maging ang
kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig
siyang patayin niAdolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa
kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persa(Persian) – ang
katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran.

Ikaapat na Markahan | 27
Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni
iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi
mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin.
Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na
huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang
mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa
sultan.
Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga
tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula
sa isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng
babae ang kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na
tumagal ng may anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng
kagubatan, nakarinig siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang
matagpuan niya ang isang babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig
gumasa dito, ginamit ng naglalahad na babae ang kaniyang pana para
paslangin ang lumalabag sa puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si
Flerida.
Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa siyang
maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang kaniyang
kasintahan, naging kaayaaya at bantog si Konde Adolfo sa mga
mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang
ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng
mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung
kaya’t napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng
pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang
naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si
Laura bihag, patungo sa kagubatan.
Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin
sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura
sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina
Aladin at Fleridasa Persiya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat
namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang
dalawang kaharian.
Sanggunian: www.florante_laura/blogspot.com

ANALISIS

1. Isa-isahin ang mga pangyayari mula sa napanood na teleserye.

Ikaapat na Markahan | 28
2. Ano-ano naman ang pangyayari sa nabasa mong buod ng Florante
at Laura?

3. Paghahambingin ang mga pangyayari sa napanood na teleserye at


ang mga pangyayari sa binasang bahagi ng akda. Alin ang mas
makatotohanan? Bakit?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Sa simula ng awit na Florante at Laura ay ipinakita ang tagpuan


bilang isang madilim at mapanglaw na gubat. Sa paggalaw ng mga
pangyayari at sa pagsasalaysay ni Florante ay makikitang ang kabuoan ng
awit ay naganap sa kaharian ng Albanya. Isa-isa ring inilahad ang mga
tauhang nagbigay-buhay sa awit at kung paano nahabi nang maayos ang
mga pangyayari sa tulong ng mga tauhang ito.

Sanggunian: Ang Pinagyamang Pluma 8, Alma M. dayag,et. al

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : KONSEPT-ARAW


Buoin ang araw sa pamamagitan ng pagdidikit ng angkop na sinag
nito, pagkatapos ay gumawa ng konsepto gamit ang mga salita sa
sinag tungkol sa araling tinalakay.

awit Taglay pa rin

Florante at
Pangyayari sa Laura

Nagaganap lipunan
sa

Totoong
Mabisang
nangyayari
paglalarawan

Pagsagot sa Pokus na Tanong 1. Taglay pa rin ng mga pangyayari sa


Florante at Laura ang mga nagaganap sa lipunan dahil ang awit ay isang
mabisang paglalarawan sa mga totoong nangyayari sa lipunang ating
ginagalawan.
APLIKASYON

Ikaapat na Markahan | 29
Mungkahing Estratehiya : KOMIKS STRIP: NOON/ NGAYON
Bumuo ng isang komiks strip na nagpapakita/ nagsasalaysay ng
pangyayari sa akda na nagaganap pa din sa kasalukuyan.

IV. KASUNDUAN
1. May mga nagyayari ba sa kasalukuyan na katulad ng pangyayari
sa Florante at Laura? Isulat ito sa inyong kwaderno.

2. Pag-aralan ang mga mahahalagang tauhan sa Florante at Laura.


Humanda sa talakayan.

Ikaapat na Markahan | 30
P A U N L A R I N at I L I P A T
I. LAYUNIN

PAGSASALITA (PS) (F8PB-IVa-b-35)


 Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang
pangyayari/tauhan sa binasa.

II. PAKSA

Panitikan : Florante at Laura


c. Buod
d. Mahalagang Tauhan
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
Biswal, aklat ng Florante at Laura
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8, Florante at Laura
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

Panitikan : Florante at Laura


a. Buod
b. Mahalagang Tauhan

AKTIBITI
Mungkahing Estratehiya : ARTISTA KO YAN!
Ang mga mag-aaral ay mayroong hawak na mga larawan ng kanilang
paboritong artista. Itataas ng mga mag-aaral ang mga larawan ng
artistang inilalarawan (o di kaya naman ay mga role na ginampanan)
ng guro.

Mapagkalingang ama Masunuring anak

Taksil na kasintahan Sakim na kaibigan

Ikaapat na Markahan | 31
Tapat na mangingibig Mapagmahal na ina

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa gagawing pagbasa.


 Pagpapanood/Pagbasa ng Mahalagang Tauhan ng Florante
at Laura.

MAHAHALAGANG TAUHAN NG FLORANTE AT LAURA


Florante - ang pangunahing bida ng Florante at Laura, at halos
lahat ng mga bahagi ng salaysay ay umiikot sa kanya. Anak ni Duke
Briseo, siya ay ang mang-iibig ni Laurang Prinsesa ng Kaharian ng
Albanyang namataan ni Florante bago siya sumabak sa isang digamaan
nang ang bayan ng kanyang inang, si Prinsesa Floresca, Krotona ay
sinakop ng mga Morong Persyano. Mula sa kagitnaan hanggang sa
bandang katapuasan ng salaysay, siya ang nagsasalaysay. Ito ay
isinasalaysay niya kay Aladin, ang Morong nagligtas sa kanya mula sa
mga leon nang siya ay nakagapos pa dahil sa Konde Adolfo.
Konde Adolfo - Sa Florante at Laura, si Konde Adolfo ang isa sa mga
pangunahing kontrabida nito. Anak siya ng Konde Sileno, at pareho silang
nagmula sa Albanya. Unang nagkita sina Konde Adolfo at Florante sa
Atenas kung saan nag-aral sila pareho. Nangangagwat ang kanilang
gulang nang dalawang taon, kung saan si Adolfo ang mas matanda.
Noong kakarating pa lamang ni Florante sa Atenas, si Adolfo ang
pinakasikat na mag-aaral doon. Ito ay buhat ng kanyang angking talino at
"kabaitan". Ngunit habang tumatagal ang panahon, unti-unti ring napunta
kay Florante ang kapurihan ni Adolfo. At dahil dito, pinagtangkaan pa nga
niyang patayin si Florante sa isang dula-dulaan, na nagdulot ng pagkakita
sa lahat ng kanyang pagbabalat-kayo, at pagpapaalis sa Atenas pabalik
ng Albanya sa ilalim ng utos ng kanyang gurong si Antenor.
Aladin - Si Aladin ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at
nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na
siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Si Aladin at Florante
ay nagkita nang hindi sinasadya, at karamihan ng mga bahagi ng awit ay
isinasalaysay sa kanya ni Florante. Siya rin ang idolo ni Florante bilang
pinakamagaling na mandirigma, ngunit sa kanilang pagkikita ay hindi alam
ni Florante na ang kausap niya ay si Aladin, ang kanyang idolo.
Sa katapusan ng awit, nang mamatay ang Sultan Ali-Adab ng Persya, siya
na ang naging sultan.
Prinsesa laura - Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng
Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay
nagmamay-ari
Ikaapat ng lubos
na Markahan | 32 na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng
nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.
Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-
Prinsesa laura - Si Laura ang minamahal nang lubos ni Florante. Anak ng
Haring Linceo ng Albanya, siya ang prinsesa ng kahariang ito. Siya ay
nagmamay-ari ng lubos na kagandahang ipinuring lubos ni Floranteng
nadulot sa kanyang umibig kay Laura sa unang pagkakakita pa lamang.
Sa simula ng awit, siya ay ikaluluksa ni Florante dahil sa kanyang pag-
aakala na nililo Laura sa pagpapalit sa kanya kay Konde Adolfo.
Menandro - Si Menandro ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas
na lumigtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni
Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa
isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa
pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at
noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante
sa pakikibaka.
Flerida - Si Flerida ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni
Sultan Ali-Adab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan,
napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa
katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng
kasal.
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al

 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya 2 Mungkahing Estratehiya


TULASERYE / BUGTONG TAWAG NG TANGHALAN
SERYE Ipahayag ang sariling damdamin
Pahulaan kung sino-sino ang tauhan
ng Florante at Laura sa sa ilang tauhan sa Florante at
pamamagitan ng tula/bugtong. Laura.

3 Mungkahing Estratehiya
FAST TALK / GAME SHOW
4 Mungkahing Estratehiya
BEAUTY PAGEANT
Sa pamamagitan ng Fast
Sino-sino sa mga tauhan ang
Talk o Game Show, ipahahayag
ang sariling pananaw sa ilang nagtataglay ng makatotohanang
tauhan sa binasa. katangian?

Ikaapat na Markahan | 33
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
at Organisasyon naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
ng mga Kaisipan nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
o Mensahe kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
(4) nais iparating sa manonood nais iparating manonood (1)
sa manonood (3) sa manonood
(4) (2)
Istilo/Pagkamalik Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
hain kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
(3) kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon
presentasyon (2) presentasyon (0)
(3) (1)
Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas
Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat ng pagkakaisa ang bawat
(3) bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
miyembro sa kanilang miyembro sa kanilang gawain
kanilang gawain (2) kanilang (0)
gawain (3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.


 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.
 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na
nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa
rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Sa iyong sariling pananaw, taglay pa rin ba ng mga Pilipino sa


kasalukuyan ang mga katangian ni Florante? Laura? Iba pang tauhan?
Patunayan.

2. Maliban kina Florante at Laura, sino sa mga tauhang nakilala moa


ng sa tingin mo’y magmamarka nang husto sa kabuuan ng akda?
Ipaliwanag.

3. Paano makaapekto sa isang akda ang mga tauhang nagpapagalaw


at nagbibigay buhay rito?

4. Ano-ano ang mga damdaming namayani sa iyo matapos mabatid


ang mga ginagampanan ng mga tauhan?

Ikaapat na Markahan | 34
 Pagbibigay ng input ng guro.

ALAM MO BA NA…

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : OPEN-ENDED


Ang mga katangiang ______________, _________________,
_________________ ni ____________ ay taglay pa rin ba ng mga
Pilipino sa kasalukuyan dahil ___________________________________
____________________________________.

Ikaapat na Markahan | 35
Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 1. Ang mga katangiang
mapagmahal, hindi pagsuko sa laban ng buhay ni Florante ay taglay pa rin
ng mga Pilipino sa kasalukuyan dahil nakikita sa pagsisimulang umunlad
ng ating bansa sa tulong ng mga katangian ito.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : DRAW ME A SYMBOL


Pumili ng naibigang tauhan sa Florante at Laura at iguhit mo
ang kanyang sinisimbolo sa ating lipunan. (4.2)

EBALWASYON

Magsagawa ng isang komentaryong panradyo na nagpapahayag ng


sariling pananaw at damdamin sa ilang tauhan sa Florante at Laura.

RUBRIKS SA PAGTATAYA NG KOMENTARYONG PANRADYO


Mga Pamantayan Puntos
Naipahayag ang sariling pananaw at damdamin hinggil sa mga 5
tauhan ng Florante at laura
Maayos at kapani-paniwala ang inilahad na konsepto o pananaw 3
sa komentaryong panradyo
Malinaw, makatotohanan at kahika-hikayat ang komentaryo. 2

INDEX OF MASTERY
Seksyon Bilang ng Mag-aaral Indeks
Diligence
Discipline
Courage
Courtesy
Devotion

IV. KASUNDUAN

1. Ihambing ang iyong sarili sa alinmang tauhan sa Florante at Laura. Sa


anong mga katangian kayo nagkakatulad at nagkakaiba?

2. Ano ang mga kahilingan ni Francisco Balagtas sa mga mambabasa ng


kanyang obra maestra? Isa-isahin.

Ikaapat na Markahan | 36

You might also like