You are on page 1of 28

Department of Education

Republic of the Philippines


Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Florante at Laura
(Talumpating Nanghihikayat)

Self-Learning Module
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Florante at Laura (Talumpating Nanghihikayat)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod ng Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Judy Ann M. Lagarta
Editor: Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Jocelyn S. Pablo
Everlyn S. Pascual
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Donna Lou R. Dela Cruz
Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –


Pampaaralang Pansangay
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-710
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw mahal kong mag-aaral! Binabati kita dahil nakarating


ka na sa bahaging ito ng ating aralin. Naghanda ako ng mga gawain upang
lalong madagdagan ang iyong kaalaman. Alam kong nasasabik ka nang
matuto, kaya’t simulan mo na ang pag-aaral.

Ang modyul na ito ay inihanda upang malinang ang iyong kasanayan


sa pamantayan ukol sa:
1. nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung
pinapaksa sa binasa (F8PU-IVf-g-38); at
2. nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat
(F8WG- IVf-g-38).

Subukin

Mahal kong mag-aaral, alam kong nasasabik ka ng matuto. Ngunit


bago mo simulan ang ating aralin, magkakaroon muna tayo ng paunang
pagtataya. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo.

Para sa bilang 1 – 4
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat ito sa
hiwalay na papel.

1. “Tunay na ang pagtuklas ng karunungan ay susi sa magandang


kinabukasan. Siguradong ang sakripisyo ng inyong mga magulang ay
mapapalitan ng higit pa sa ginto at yaman, ito’y ang aral ng buhay na
sa inyong pagsusumikap, magandang hinaharap inyong malalasap.”

Ano ang pinapaksa ng talumpating nabasa?


A. pagmamahal sa magulang
B. pagpapahalaga sa pag-aaral
C. pamanang karunungan ng magulang
D. pagmamahal ng magulang sa kaniyang anak

1
2. Anong isyu ang maiuugnay sa paksang ‘Bagaman magkaaway, sa
kalagayan ng taong nangangailangan ng saklolo’y karampatan lamang
na siya ay saklolohang para na ring isang katoto’?
A. pagpapabakuna ng mga nanunungkulan sa bansa
B. pagkakabuklod-buklod ng iba’t ibang bansa sa pagsugpo ng
pandemya
C. paghahanap ng pamahalaan ng mura ngunit epektibong vaccine
sa karatig bansa
D. gawing prayoridad ang lahat ng frontliners sa bansa sa
pagpapaturok ng vaccine

3. Kung ikaw ay susulat ng sariling talumpati, anong salitang


nanghihikayat ang gagamitin mo bilang pagsang-ayon?
A. Tunay ngang ang batang laki sa layaw ay kulang sa kabutihang-
loob.
B. Subalit may mga batang naturuan ng kabutihang asal ng
kaniyang magulang.
C. Ang labis na pagpapalayaw at maling pagmamahal ng isang
magulang ay hindi makabubuti sa anak.
D. Hindi maikakaila ang mapait na bunga ng maling pagpapasunod
ng magulang sa sinisintang anak.

4. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng talumpati ang nanghihikayat?


A. Palibhasa’y hindi naghirap o nakatikim ng dusa.
B. Tunay na ang pagtuklas ng karunungan ay susi sa magandang
kinabukasan.
C. Mulat sa ating kaalaman na ang batang laki sa layaw ay
nakukuha ang lahat ng kagustuhan.
D. ‘Di tulad ng mga kabataang mulat sa kahirapan, pagsusumikap
ng magulang ang ginawang inspirasyon sa buhay.

Para sa bilang 5 – 10
Panuto: Piliin ang wastong salitang nanghihikayat upang mabuo ang
pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

5. Ang Morong Gerero ay __________ na matapang.


A. siyanga C. totoo
B. talaga D. tunay

6. Kailangan __________ nating magkaisa sa kabila ng pagkakaiba ng ating


pananaw.
A. siyanga C. totoo
B. talaga D. tunay

2
7. “Hindi masama ang pagtulong sa kapwa kahit magkaiba ang inyong
lahi o pinagmulan,” ani Aladin. “__________,” tugon ni Florante.
A. Siyanga C. Talaga
B. Siyempre D. Tunay

8. __________ ngang ang mga magulang ay uliran sa bait at pangunahin


sa tapang; walang kapantay magmahal sa anak, magturo at mag-akay.
A. Naniniwala ako C. Tumpak
B. Siyempre D. Tunay

9. __________ ngang ‘Para sa halamang lumaki sa tubig, daho’y malalanta


munting di madilig; ikinaluluoy ang sandaling init, gayundin ang
pusong sa tuwa’y maniig.’
A. Oo C. Totoo
B. Siyempre D. Tumpak

10. __________ sa mga katagang ‘Marami mang pagsubok at suliraning


dinanas, lahat ng mga ito’y mapagtatagumpayan kung may pananalig
sa Diyos.’
A. Naniniwala ako C. Tama
B. Talaga D. Tunay

Aralin
Florante at Laura
1 (Talumpating Nanghihikayat)

Isang uri ng komunikasyong pampubliko ang talumpati na layong


maglahad ng sariling kaisipan o opinyon na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa harap ng maraming tao, mapribado man o mapubliko. Ito ay
sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig.

Sa isang pagtatalumpati, panghihikayat ang pangunahing layunin.


Ginagamitan ang pagtatalumpati ng mga salitang nanghihikayat sa
paglalahad ng opinyon na kailangang mapangatuwiranan at maidepensa sa
tulong ng mga datos na magpapatunay sa sinasabi ng manunulat o
mananalumpati. Ginagamit din ito upang manghikayat ng isang mambabasa
o tagapakinig na sumang-ayon sa kaniyang pananaw tungkol sa isang isyu o
pangyayari.

3
Ang pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang mga mambabasa sa
pananaw o paninindigan ay isang hamon sa isang manunulat. Kaya’t tuklasin
natin ang mga salitang nanghihikayat na makatutulong upang mas higit na
kapani-paniwala ang mga pahayag.

Ngunit bago ‘yan, bilang pagbabalik-tanaw sa kasanayan sa nakaraang


modyul, inaasahang isasagawa mo ang gawain sa ibaba. Kaya kung
nakahanda ka na, simulan mo na.

Balikan

Panuto: Punan ng mga letra ang mga patlang upang mabuo ang bawat
salitang binibigyang-kahulugan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. T __ __ P __ __ N - Ito ay tumutukoy kung saan naganap


ang mga pangyayari sa kuwento.
2. P __ __ G __ __ __ __ R __- Ito ay tumutukoy sa mga nagaganap sa
kuwento.
3. __ __ B __ __ - Dito narinig ng Morong Gerero ang
panaghoy ng binatang nakagapos.
4. __ __ __ R __ - Hinahangad ng binata na mag-alala sa
kaniya.
5. K __ L __ L __ __ __ N - Salitang maglalarawan sa Albanya.

Tuklasin

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Ngayon


naman ay pupunta tayo sa bahaging pagtuklas. Magpatuloy ka lang at
magagawa pang madagdagan ang iyong kaalaman.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang talumpati. Pag-aralan ang mga


salitang may salungguhit.

4
Ang Batang Laki sa Layaw,
Sa Pagsusumikap ay Kulang
Ni Judy Ann M. Lagarta

Pagbati nang mapagpalang araw sa lahat ng mga tagapakinig!

Isang makabuluhang tanong ang aking ipupukol, ‘Naniniwala ka bang


ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat?’

Mulat sa ating kaalaman na ang batang laki sa layaw ay nakukuha ang


lahat ng kagustuhan. Tunay ngang anoman ang ibigin ay ibinibigay ng mga
magulang. Tiyak na ang mga batang laki sa layaw, pagsusumikap sa buhay
ay hindi alam. Siyanga! Talaga namang hindi nila ito alam dahil anomang
naisin ay nakukuha kahit hindi pinaghihirapan. Totoo ang mga salitang ang
batang laki sa layaw ay kulang sa kabutihang asal, pagpapahalaga at walang
makatuwirang pagpapasiya.

Kaya naman tila naikintal na sa isipan nila na ang pagsusumikap sa


buhay ay hindi mahalaga. Palibhasa’y hindi naghirap o nakatikim ng dusa.
Lahat ng pagod at paghihirap, magulang ang nagdadala, maibigay lamang
ang kaginhawahan sa mga anak nila. ‘Di tulad ng mga kabataang mulat sa
kahirapan, pagsusumikap ng magulang ang ginawang inspirasyon sa buhay.
Tunay na ang tagumpay ng isang bata ay nakasalalay sa patnubay ng
kaniyang mga magulang.

Bigyang-pansin ninyong mga kabataan ang inihahain sa inyong


kaisipan. Pagsusumikap sa buhay bigyan ng kahalagahan, totoong ang hatid
nito ay isang matamis na tagumpay. Layaw na ibinibigay ng inyong magulang
suklian ng kabutihan at sa bawat pagpapasiya maging makatuwiran.
Simulan mo ito sa iyong pag-aaral. Tunay na ang pagtuklas ng karunungan
ay susi sa magandang kinabukasan. Siguradong ang sakripisyo ng inyong
mga magulang ay mapapalitan ng higit pa sa ginto at yaman, ito’y ang aral
ng buhay na sa inyong pagsusumikap, magandang hinaharap inyong
malalasap.

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano ang paksa ng talumpati?
2. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng manunulat sa mambabasa?
3. Paano inilahad ng manunulat ang kaisipang nais niyang ipabatid?
4. Sa iyong palagay, wasto ba ang gamit ng salitang may salungguhit na
nagpapakita ng panghihikayat?
5. Bilang kabataan, nahikayat ka ba sa nais ipabatid ng manunulat?
Bakit?

5
Suriin

Magaling! Ngayon ay nabasa mo na ang isang halimbawa ng


talumpating nanghihikayat. Batid kong napansin mo ang mga salitang may
salungguhit. Ito ang mga salitang nanghihikayat na nakatulong para higit na
maging kapani-paniwala ang kaisipang inilahad. Upang higit na maunawaan
ang talumpating nanghihikayat, halika’t magpatuloy sa susunod na yugto ng
aralin. Ngunit bago ‘yon, halika’t tunghayan muna ang sinapit ng binatang
nakatali sa punong higera at kung paano ang buhay niya ay iniligtas ng
Morong Gerero.

Narito ang ilang salitang ginamit sa mga saknong na may kalaliman,


halika’t alamin ang mga ito upang maunawaan mong lubos ang akda.

Talasalitaan:
• sekta - pananampalataya
• buwitre - isang malaking ibon na ang kinakain ay
bangkay ng hayop
• arkon - isang malaking ibong matakaw na ang
dinaragit ay mga buto ng tupa, aso at iba
pang hayop sa bundok
• katoto - kaibigan
• Atenas - siyudad sa Gresya, na batis o bukal ng
karunungan at katapangan

Si Aladin na Matapang

136. Nang magtagumpay na ang gererong bantog


sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha’y tumutulong kinalag ang gapos
ng kaawa-awang iniwan ng loob.

137. Halos nabibihay sa habag ang dibdib.


Dugo’y nang matangnang nunukal sa gitgit,
sa pagkalag niyang maliksi’y nainip,
sa siga-sigalot sa madlang bilibid.

6
138. Kaya ang ginawa’y inagapayanan,
katawang malatang parang bagong bangkay,
at minsang pinatid ng espadang tangan,
walang awing lubid na lubhang matibay.

139. Umupo’t kinalong na naghihimutok


katawang sa dusa hininga’y natulog,
hinaplos ang mukhat dibdib ay tinutop,
nasa ng gerero’y pagsaulang-loob.

140. Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay,


ng kanyang kalong nakalumbay-lumbay,
nininilay niya at pinagtatakhan
ang dikit ng kiyas at kinasapitan.

141. Namamangha naman ang magandang kiyas


kasin-isa’t ayon sa bayaning tikas,
mawiwili disin ang iminamalas,
na mata, kundangan sa malaking habag.

142. Gulung-gulong lubha ang kanyang loob,


ngunit napayapa nang anyong kumilos,
itong abang kandong na kalunus-lunos
nagising ang buhay na nakakatulog.

143. Sa pagkalungay-ngay mata’y idinilat,


himutok ang unang bati sa liwanag,
sinundan ng taghoy na kahabag-habag,
“Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap?

7
144. “Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin,
kung mamatay ako’y gunitain mo rin,”
pumikit na muli’t napatid ang daing,
sa may kandong namang takot na sagutin.

145. Ipinanganganib ay baka mabigla


magtuloy mapatid hiningang mahina,
hinintay na lubos niyang mapayapa
ang loob ng kandong na lipos-dalita.

146. Nang muling namulat ay nagitlahanan:


“Sino sa aba ko’t nasa-Morong kamay!”
ibig na iigtad ang lunong katawan
nang hindi mangyari’y nagngalit na lamang.

147. Sagot ng gerero’y “huwag kang manganib


pumapayapa ka’t mag-aliw ng dibdib,
ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo ang nagtatangkilik.

148. “Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,


lason sa puso mo ang hindi binyagan,
nakukutya akong di ka saklolohan,
sa iyong nasapit na napakarawal.

149. “Ipinahahayag ng pananamit mo


taga-Albanya ka at ako’y Pers’yano,
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

150. “Moro ako’y lubo na taong may dibdib,


at nasasaklaw rin ng utos ng langit
dini sa puso ko’y kusang natititik,
natural na leing sa aba’y mahapis.

151. “Anong gagawin ko’y aking napakinggan


ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,
gapos na nakita’t pamumutiwanan ng
dalawang ganid, ng bangis na tangan.”

8
152. Nagbuntong-hininga itong abang kalong
at sa umaaliw na moro’y tumugon
“Kung di mo kinalag sa puno ng kahoy,
nalibing na ako sa tiyan ng leon.

153. “Payapa na naman disin yaring dibdib,


napagkilalang kaaway kang labis
at di binayaang nagkapatid-patid
ang aking hiningang kamataya’t sakit.

154. “Itong iyong awa’y di ko hinahangad,


patayin mo ako’y siyang pitang habag,
di mo tanto yaring binabatang hirap,
na ang kamatayan ang buhay kong hanap.”

155. Dito napahiyaw sa malaking hapis


ang Morong may awa’t luha’y tumagistis,
siyang itinugon sa wikang narinig,
at sa panlulumo’y kusang napahilig.

Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante

156. Anupa’t kapuwa hindi nakakibo


di nangakalaban sa damdaming puso,
parang walang malay hanggang sa magtago’t
humilig si Peo sa hiningang ginto.

157. May awang gerero ay sa maramdamang


malamlam na sinag sa gubat ay nanaw,
tinunton ang landas na pinagdaanan,
dinala ang kalong sa pinanggalingan.

9
158. Doon sa unang hinintuang dako
nang masok sa gubat ang bayaning Moro,
sa isang malapad, malinis na bato,
kusang pinagyaman ang lugaming pangko.

159. Kumuha ng munting baong makakain


ang nagdaralita’y inamong tumikim,
kahit umaayaw ay nahikayat din
nang sabing malambot na pawang pang-aliw.

160. Naluwag-luwagan ang panghihingapos


sapagka’t naawas sa pagkadayukdok,
hindi kinukusa’y tantong nakatulog
sa sinapupunan ng gererong bantog.

161. Ito’y di umidlip sa buong magdamag,


sa pag-aalaga’y nagbata ng puyat,
ipinanganganib ay baka makagat
ng ganid na madlang naggala sa gubat.

162. Tuwing magigising sa maagang tulog


itong lipos-hirap ay naghihimutok
pawang tumitirik na anaka’y tunod
sa dibdib ng Morong may habag at lunos.

163. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing,


munting napayapa sa dalang hilahil,
hanggang sa Aurorang tinaboy ang dilim
walang binitiwang himutok at daing.

164. Ito ang dahilan ipinagkasundo,


limang karamdamang parang hinahalo
ikinatiwasay ng may dusang puso,
lumakas na muli ang katawang hapo.

165. Kaya’t nang isabog sa sansinukuban


ang doradong buhok ng masayang Araw,
nagbangong hinaho’t pinasalamatan
sa langit ang bagong lakas ng katawan.

10
166. Sabihin ang tuwa ng gererong hayag
ng abang kinalong ay biglang niyakap;
kung nang una’y nukal ang luha sa habag
nagyo’t sa galak na ang inilagalas.

167. Kapos ang dila kong magsaysay ng laki


ng pasasalamat nitong kinandili,
kundangan ang dusa’y sa nawalang kasi
ay napawi disin sa tuwang umali.

168. Sapagka’t ang dusang mula sa pag-ibig,


kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib,
kisap-mata lamang ay agad babalik
at magdaragdag pa sa unan ng bangis.

169. Kaya, hindi pa man halo dumarapo,


ang tuwa sa lamad ng may dusang puso,
ay itinakwil na ang dalitang lalo
at ang tunod niya’y siyang itinimo.

170. Niyapos na muli ang didib ng dusa,


hirap yatang bathin ang sakit sa sinta!
Dangan inaaliw ng Moro sa Pers’ya,
natuluyang nanaw ang tangang hininga.

171. “Iyong natatanto ang aking paglingap,”


anitong Persyano sa nababagabag,
mula ng hirap mo’y ibig kong matatap,
at nang kung may daa’y malagyan ng lunas.”

172. Tugon ng may dusa’y “di lamang ang mula


niring dalita ko ang isasalita
kundi sampung buhay sapul pagkabata
nang maganap ko na ang hingi mo’t nasa.”

173. Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy


saka sinalatang luha’y bumabalong,
ang may dalang habag at lipos-linggatong,
buong naging buhay hanggang naparool.

11
174. “Sa isang dukado ng Albanyang s’yudad,
doon ko nakita ang unang liwanag,
yaring katauha’y utang kong tinanggap,
sa Duke Briseo na ama kong liyag!

175. “Ngayong nariyan ako sa payapang bayan,


sa harap ng aking inang minamahal,
Princesa Florescang esposa mong hirang
tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal.

176. “Bakit naging tao sa Albanya,


bayan ng ama ko at sa Krotona
sa masayang s’yudad na lupa ni ina?
Disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa.

177. “Ang dukeng ama ko’y pribadong tanungan


ng Haring Linseo sa anumang bagay,
pangalawang puno sa sangkaharian,
hilagaan-tungo ng sugo ng bayan.

178. “Kung sa kabaita’y uliran ng lahat


at sa katapanga’y pang-ulo sa s’yudad,
walang kasindunong magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat.

179. “Naririnig ko pa halos hangga ngayon,


palayaw na tawag ng ama kong poon,
noong ako’y batang kinakandung-kandong
taguring Florante bulaklak kong bugtong.

180. “Ito ang ngalan ko mulang pagkabata,


nagisnan sa ama’t inang nag-andukha,
bagamat na ambil na lumuha-luha
at kayakap-yakap ng madlang dalita.

181. “Buong kamusmusa’y din sasalitin,


walang may halagang nangyari sa akin,
kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin
ng isang b’witreng ibong sadyang sakim,

12
182. “Ang sabi ni ina ako’y natutulog,
sa bahay sa kintang malapit sa bundok,
pumasok ang ibong pang –amoy ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.

183. “Sa sinigaw-sigaw ng ina kong mutya,


nasok ang pinsan kong sa Epiro mula,
ngala’y Menalipo, may taglay na pana,
tinudla ang ibo’t namatay na bigla.

184. “Isang araw namang bagong lumalakad,


ako’y naglalaro sa gitna ng salas,
may nasok na alko’t biglang sinambilat,
kupidong d’yamanteng sa dibdib ko’y hiyas.

185. “Nang tumuntong ako sa siyam na taon,


palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol,
sakbat ang palaso’t ang busog ay kalong,
pumatay ng hayop, mamana ng ibon.

186. “Sa tuwing umagang bagong naglalatag


ang anak ng Araw ng masayang sinag
naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay na mga alagad.

187. “Hanggang sa tingal-in ng sandaigdigan


ang mukha ni Pebong hindi matitignan,
ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang

Ang Kabataan ni Florante

188. “Aking tinipon ang ikinakalat,


na masayang bango ng mga bulaklak,
inaaglahi ko ang laruang palad,
mahinhing amiha’t ibong lumilipad.

189. “Kung ako’y mayroong matanaw na hayop.


Sa tinitingalang malapit sa bundok,
biglang ibibinit ang pana sa busog
sa minsang tudla ko’y pilit matutuhog.

13
190. “Tanang samang lingkod ay nag-aagawan,
unang makarampot ng aking napatay,
ang tinik sa dawag ay di dinaramdam
palibhasa’y tuwa ang nakaaakay.

191. “Sukat maingganya sinumang manood


sa sinuling-suling ng sama kong lingkod,
at kung masundan ang bangkay ng hayop,
ingay ng hiyawan, sa loob ng tumok.

192. “Ang laruang busog ay kung pagsawaan


uupo sa tabi ng matuling bukal,
at mananalamin sa linaw ng Kristal,
sasagap ng lamig na inialay.

193. “Dito’y mawiwili sa mahinhing tinig


ng nangagsasayang nayadas sa batis,
taginting ng lirang katono ng awit
mabisang pamawi sa lumbay ng ibdib.

194. “Sa tamis ng tinig na kahalak-halak


ng nag-aawitang masasayang nimpas
naaanyayahan sampung lumilipad,
sari-saring ibong agawan ng dilag,

195. “Kaya nga’t sa sanga ng kahoy na duklay


sa mahal na batis na iginagalang
ng bulag na hentil, ay nagluluksan,
ibong nakikinig ng pag-aawitan.

14
196. “Aanhin kong saysayin ang tinamong tuwa
ng kabataan ko’y malawig na lubha,
pag-ibig ni ama’y siyang naging mula,
lisanin yaong gubat na payapa.

197. “Pag-ibig anaki’y aking nakilala


di dapat palakhin ang bata sa saya,
at sa katuwaa’y kapag namihasa,
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

198. “Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis


mamamaya’y suka’t tibayan ang ibdib.
Lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

199. “Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,


mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y di na matutuhang bathin,

200. “Para ng halamang lumaki sa tubig,


daho’y nalalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.

201. “Munting kahirapa’y mamalakhing dala,


dibdib palibhasa’y di gawing magbata,
ay bago sa mundo’y bawat kisap-mata,
ang taong mayroong sukat ipagdusa.

202. “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad,


sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling palingap,
habag ng magulang sa irog ng anak.

203. “Sa taguring bunso’t likong pagmamahal


ang isinasama ng batang nunukal,
ang iba’y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

15
204. “Ang lahat ng ito’y kay amang talastas,
kaya nga ang luha ni ina’y hinamak,
at ipinadala ko sa Atenas, bulag
na isip ko’y nang doon mamulat.

205. “Pag-aral sa akin ay ipinatungkol


sa isang mabait na maestrong marunong,
lahi ni Pitako ngala’y si Antenor,
lumbay ko’y sabihin nang dumating doon.

Isang bahagi ng iyong nabasa ay tila pananalumpati ng binatang


nakatali sa punong higera. Kapansin-pansing kung paanong ang akda ay
nahihikayat ng taong nakaririnig. Kaya naman, ngayon ay dadako tayo sa
pagtalakay ng mga salitang panghikayat na ginagamit sa talumpati.

Salitang Panghihikayat at Talumpati

Nagagamit ang mga salitang nanghihikayat sa paglalahad ng opinyon


na kailangang mapangatuwiranan at maidepensa sa tulong ng mga datos na
magpapatunay sa sinasabi ng manunulat o mananalumpati. Kailangang
kapani-paniwala ang mga pahayag upang maakit ang mambabasa o
tagapakinig na pumanig sa inilatag na pangangatuwiranan ng manunulat o
mananalumpati.

Nakatutulong din ang pang-abay na panang-ayon sa paglalahad ng


opinyon o ng pagsang-ayon para mapatotohanan ang isang pahayag. Ang mga
halimbawa ng pang-abay na panang-ayon ay oo, talaga, totoo, siyanga, tunay,
at iba pa.

Halimbawang pangungusap:

• Tunay nga ang kasabihang ‘Ang Kabataan ay Pag-asa ng Bayan.’


• Kailangan talaga ng lipunan ang mga kabataang may pangarap.

Upang makahikayat ng tagapakinig o mambabasa, isaalang-alang ang


sumusunod:

1. Ang pangangatuwiran ay may pinagbabatayan.


2. Nailalarawan nang maganda ang ideya o pahayag.
3. Nagbibigay ng wastong kaalaman at impormasyon.

Isang halimbawa ng panghihikayat ang talumpati. Ayon kay Arrogante


(2000), ang talumpati ay anumang uri ng pagsasalita sa harap ng maraming

16
tao, mapribado man o mapubliko. Batay sa kahulugang ito, kailangang
bigkasin sa harap ng maraming tao ang pangangatuwiran, paninindigan o
kaya’y paniniwala ng tagapagsalita upang mahikayat ang mga tagapakinig sa
paksang tinatalakay niya na maaaring makapagpabago ng kaisipan at
saloobin ng kanyang tagapakinig. Iba-iba rin ang layunin ng talumpati.
Maaari itong magbigay ng kabatiran, magturo, mangaral, manghikayat, at iba
pa na depende sa hinihingi ng okasyon.

May dalawang bahagi ang talumpati. Kailangan itong isulat muna


upang mapaghandaan at maging organisado sa gagawing pagtatalumpati at
ang pagbigkas nito sa mga tao na maaaring pribado o publiko.

May tatlong uri ng talumpati. Ito ang impromptu, ekstemporanyo, at


pinaghandaang talumpati. Sa impromptu, ang mananalumpati ay
magsasagawa ng talumpati nang walang kahandaan. Samantala sa
ekstemporanyo, binibigyan lamang ng maikling panahon ang tagapagsalita
upang mapaghandaan ang kaniyang talumpati. Bumubuo lamang ang
tagapagsalita ng balangkas ng talumpati sa maikling panahon. Panghuli, sa
pinaghandaang talumpati, ang tagapagsalita ay may sapat na panahon sa
paghahanda ng talumpati. Nakapagsasanay nang husto ang tagapagsalita sa
pagbigkas ng talumpati. Isinasaulo ito ng iba at ang iba naman ay binabasa
ito gaya sa isang komperensiya.

Sa pagsulat naman ng talumpati, isaalang-alang ang sumusunod:

• Gumamit ng kaakit-akit na panimula o makabuluhang panimula


upang makuha agad ang atensiyon ng mga tagapakinig.
• Magsaliksik ng mga datos na magagamit sa pagbibigay ng
pangangatuwiran o paniniwala na magbibigay-daan upang mahikayat
ang mga tagapakinig sa isyung pinapaksa sa binasa.
• Ilahad ang sariling kongklusyon sa isyung pinapaksa bilang pangwakas
na bahagi ng talumpati.
• Sauluhin ang isinulat na talumpati, magsanay sa pagbigkas, at lapatan
ng angkop na damdamin, kilos, at galaw ang bibigkasing talumpati.

17
Pagyamanin

Mahusay! Tiyak na natutuhan mo ang mga salitang panghihikayat at


talumpati. Ngayon ay masasagot mo na ang mga inihanda kong gawain para
sa iyo. Halina’t simulan mo nang gawin ito.

Gawain 1: #TalumKayat (Talumpating Nanghihikayat)

Panuto: Sumulat ng maikling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung


pinapaksa ng saknong mula sa “Si Aladin na Matapang” ng Florante at Laura
sa pamamagitan ng pagdurugtong ng mga kaisipan upang mabuo ito. Gawin
ito sa hiwalay na papel.

Pagbati ng isang mapagpalang araw sa lahat ng aking


tagapakinig. Naririto ako ngayon sa inyong harapan upang ilahad
aking kaisipan patungkol sa _________________________________.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman --------------- 10 pts


Kaugnayan sa Paksa --------------- 10 pts
Paggamit ng Salitang --------------- 10 pts
Nanghihikayat
Kabuuan ----------------- 30 pts

Gawain 2: Hikayatin Mo!

Panuto: Gamit ang wastong salita sa panghihikayat, bumuo ng maikling


pangungusap tungkol sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Nakita ng Morong Gerero ang isang taga-Albanyang mortal na kaaway


ng kanyang lipi at sektang kinabibilangan na nakagapos sa puno at
malapit ng sagpangin ng mga mababangis na leon. Paano mo
hihikayatin ang moro na tulungan ang binatang kalunos-lunos?

2. Natuklasan ni Florante na ang nagligtas sa kanya sa tiyak na


kapahamakan ay isang moro. Paano mo hihikayatin si Florante na
huwag matakot at mangamba sa kamay ng isang itinuturing na kaaway
ng kanilang sekta?

18
3. Hindi pinalaki sa layaw si Florante ng kanyang mga magulang kung
kaya’t siya’y lumaking matatag sa anumang pagsubok sa buhay. Paano
mo hihikayatin ang mga kapwa mo mag-aaral sa ganitong paniniwala?

4. Sa tinuran ni Florante tungkol sa pagmamahal ng kanyang ama, hindi


maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ang Morong Gerero dahil
kabaligtaran ng ama ni Florante ang kanyang amang si Sultan Ali Adab.
Paano mo hihikayatin si Aladin na huwag malungkot bagkus ay maging
matatag?

5. Sa murang edad ni Florante siya ay ipinadala sa malayong lugar upang


doon tumuklas ng gintong kaalaman ngunit hindi sang-ayon dito ang
ina na si Prinsesa Floresca na malayo ang kanyang bugtong na anak.
Paano mo hihikayatin si Prinsesa Floresca na pumayag sa nais ni Duke
Briseo?

Gawain 3: Panghihikayat

Panuto: Sumulat ng talumpati gamit ang mga wastong salita na


nanghihikayat na binubuo ng 2-3 talata. Mamili lamang ng isa sa mga
mungkahing paksa sa ibaba. Isulat ito sa hiwalay na papel

Mga paksang pagpipilian:

A. Pagliligtas ng Morong Gerero sa binatang lalaking nakatali sa puno sa


kabila ng pagkakaiba ng kanilang sektang kinabibilangan.
B. Kapasyahan ni Duke Briseo na ipadala sa malayong lugar si Florante
upang doon tumuklas ng gintong kaalaman.
C. Pagkakaroon ni Florante ng palagay na loob sa Morong Gerero kahit na
nagmula ito sa kaaway nilang sekta.

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman --------------- 10 pts


Kaugnayan sa Paksa --------------- 10 pts
Paggamit ng Salitang --------------- 10 pts
Nanghihikayat
Kabuuan ----------------- 30 pts

19
Isaisip

Binabati kita sa iyong aktibong pakikiisa sa ating aralin. Madali lang,


‘di ba? Isang hirit pa! Inaasahan ko pa ring magagawa mo ang pagsasanay.
Simulan mo na!

Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag na tumutukoy sa iyong natutuhan


sa aralin. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na papel.

Aking natutuhan mula sa talakayan ng modyul na ito


na ang talumpating nanghihikayat ay may layunin na
(1)_______________. May mga salitang nanghihikayat na
ginagamit upang maakit ang mambabasa o tagapakinig na
pumanig sa inilatag na pangangatuwiranan ng manunulat o
mananalumpati gaya ng (2) _______________. Natuklasan ko
na may tatlong uri ng talumpati. Una ay ang
(3)_______________, ang mananlumpati ay magsasagawa ng
talumpati nang walang kahandaan. Pangalawa ay ang
(4)_______________, kung saan bumubuo lamang ang
tagapagsalita ng balangkas ng talumpati sa maikling
panahon. Pangatlo naman ay (5)_______________, ang
tagapagsalita ay may sapat na panahon sa paghahanda ng
talumpati

Isagawa

Sigurado akong naunawaan mo nang lubos ang salitang panghihikayat


at talumpati. Sa pagkakataong ito, iyo namang ipamalas ang natutuhan mo
sa araling ating tinalakay sa pamamagitan ng pagsasalin nito sa gawaing
inilaan ko para sa iyo.

Panuto: Sumulat ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung


pinapaksa sa binasa na nasa ibaba, binubuo ng 3-4 na talata gamit ang mga
wastong salitang nanghihikayat sa pagsulat. Gawin ito sa hiwalay na papel.

20
Paksa: “Pagkakaisa ng pananaw at paniniwala sa kabila ng pagkakaiba sa
relihiyong kinabibilangan.”

Pamantayan sa Pagmamarka:

Nilalaman --------------- 10 pts


(Talumpating nanghihikayat)

Kaugnayan sa Tema --------------- 10 pts


(Isyung pinapaksa sa binasa)

Paggamit ng Salita --------------- 10 pts


(Wastong paggamit ng mga salitang nanghihikayat)

Kabuuan ----------------- 30 pts

Tayahin

Talaga namang hanga ako sa iyong ipinamalas na kahusayan! Binabati


kita dahil nasa huling bahagi ka na ng ating aralin. Nais kong malaman kung
talagang natutuhan mo ang aralin. Sagutin mo ang pagsasanay na ginawa ko
para sa iyo.

Para sa bilang 1 – 4
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat ito sa
hiwalay na papel.

1. Totoo ang mga salitang ang batang laki sa layaw ay kulang sa


kabutihang asal at pagpapahalaga at walang makatuwirang
pagpapasiya. Pinapaksa ng pahayag na ito na ang batang laki sa layaw
ay ___________________________.
A. mahal ng magulang
B. mararating sa buhay
C. may mataas na pangarap
D. hindi makatatayo sa sarili niyang paa

21
2. Anong isyu ang maiuugnay sa paksang “Kapasyahan ni Duke Briseo
na ipadala sa malayong lugar si Florante upang doon tumuklas ng
gintong kaalaman.”
A. Nais ng magulang na mapalayo ang kaniyang anak.
B. Hangad ng magulang na matuto sa buhay ang kaniyang anak.
C. Pagnanasa ng magulang na mapag-aral sa magandang paaralan
ang anak.
D. Pagsisikap ng magulang na mapagtapos ang kaniyang anak at
magkaroon ng magandang buhay.

3. Kung ikaw ay susulat ng sariling talumpati, anong salitang


nanghihikayat ang gagamitin mo bilang pagsang-ayon?
A. Hindi ako sang-ayon sa kasabihan na ang “Kabataan ang Pag-
asa ng Bayan”.
B. Totoo ang mga salitang ang batang laki sa layaw ay kulang sa
kabutihang asal at pagpapahalaga at walang makatuwirang
pagpapasiya.
C. Subalit may mga batang naturuan ng kabutihang asal ng
kanyang magulang.
D. Ang labis na pagpapalayaw at maling pagmamahal ng isang
magulang ay hindi makabubuti sa anak.

4. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng talumpati ang nanghihikayat?


A. Palibhasa’y hindi naghirap o nakatikim ng dusa
B. Tunay na ang tagumpay ng isang bata ay nakasalalay sa
patnubay ng kaniyang mga magulang.
C. Kaya naman tila naikintal na sa isipan nila na ang pagsusumikap
sa buhay ay hindi mahalaga
D. Lahat ng pagod at paghihirap, magulang ang nagdadala,
maibigay lamang ang kaginhawahan sa mga anak nila.

Para sa bilang 5 – 10
Panuto: Piliin ang wastong salitang nanghihikayat sa bawat
pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

5. Ang isang Moro’y mayroon ding damdaming nagpapailalim sa utos ng


langit; __________ ngang sinumang kawawa ay dapat kahabagan kahit
na ito ay isang kaaway.
A. siyanga C. tama
B. talaga D. tunay

22
6. __________ ngang si Duke Briseo ay uliran sa bait at pangunahin sa
tapang; walang kasimpantay magmahal sa anak, magturo at mag-
akay.
A. Naniniwala ako C. Tumpak
B. Siyempre D. Tunay

7. __________ ang kaisipang, “Ang batang laki sa layaw karaniwan ay


hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat.”
A. Oo C. Totoo
B. Siyempre D. Tunay

8. “Bagaman tayo’y magkaaway, sa kalagayan mong nangangailangan ng


saklolo’y karampatan lamang na ikaw ay saking saklolohan,” ani
Aladin. “__________,” tugon ni Florante.
A. Siyanga C. Talaga
B. Siyempre D. Tunay

9. __________ ngang hindi matatawaran ang pagmamahal ng magulang


sa kaniyang anak.
A. Naniniwala ako C. Tumpak
B. Siyempre D. Tunay

10. Dapat __________ unahin na makatulong sa kapwa kahit magkaiba


man kayo ng pinagmumulang sekta at pananaw.
A. talaga C. totoo
B. tama D. tunay

23
Karagdagang Gawain

Mahusay ka! Bilib ako sa iyong


kakayahan. Natapos mo ang mga gawaing
inihanda ko sa iyo at napagtagumpayan
mong marating ang huling pagsubok na ito.
Isang hirit pa, huli na ito. Kayang-kaya mong
gawin ito. Gawin mo na!

Panuto: Maghanap o magsaliksik ng isang talumpating nanghihikayat na


nagsasaad ng tamang pagpapalaki ng magulang sa anak. Salungguhitan ang
mga salitang nanghihikayat.

24
25
Subukin Pagyamanin Tayahin
1. B Gawain 1: TalumKayat 1. D
2. B Ang mga sagot sa gawain o 2. B
3. A tanong ay may iba’t ibang 3. B
4. B kasagutan. 4. B
5. D 5. D
6. B Gawain 2: Hikayatin Mo! 6. D
7. A Ang mga sagot sa gawain o 7. C
8. D tanong ay may iba’t ibang 8. A
9. C kasagutan. 9. D
10. A 10. A
Gawain 3: Panghihikayat
Ang mga sagot sa gawain o
tanong ay may iba’t ibang
kasagutan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Monleon, Fernando. Florante at Laura. Abiva Bldg., 851-881 G. Araneta


Ave., 1113 Quezon City: Abiva Publishing House, Inc.

26

You might also like