You are on page 1of 44

G8-FILIPINO/3QTR

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isang dakilang


Akdang pampanitikan na mapagkukunan ng mahahalagangkaisipang magagamit sa
paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mag-aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio


broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahon ni Balagtas at sa
kasalukuyan
1| OPM S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

1. Natitiyak ang kaligirang kasayayan ng akda sa pamamagitan ng:


-pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahon ito
-pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda
-pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat;( F8PB-IVa-b-33)
2. Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura batay sa napakinggan/nabasang
pahiwatig sa akda;( F8PN-IVa-b-33)
3. Nailalahad ang damdamin o saloobin ng may akda,gamit ang wika ng kabataan.(F8WG-IVa-b-35)
II. Paksang Aralin / Lunsaran
Kaligirang Kasaysayan ng Florante at Laura
Talambuhay ni Balagtas
Tauhan sa Florante at Laura

Sanggunian : Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8, Phoenix Publishing House


Ailene Baia Julian et, al pp.483-502
Kagamitan:
Para sa Face to face
Mga larawan, pptx, Kopya ng Kaligirang kasaysayan ng Florante at Laura
Para sa Modular Distance Learning (MDL:)
Kopya nitong Modyul
Para sa Online Distance Learning (ODL:)
Maaaring bisitahin ang sumusunod na link:

https://drive.google.com/file/d/1b0EAGS64OaUdyDQYMmuUSKty6zQMV4HB/view?usp=s
haring
https://docs.google.com/document/d/192ZfMT63QWbtzL7yUhHKQ-
apmdkVMiQH1LpU50M88-4/edit?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1ben4w6_lmPhxsSSp0Yc_6IHs0k-
TYr4f4d5urSGn0YY/edit?usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/1G1rCc8CaZ2SaCCKRba7JsyeXF5iNhgvP/view?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1KnpVFeAweZ_vA0AmFjuK4HXMirg7v6ydUBegZ5pJX
20/edit?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1hsh2uDUr73KorBL7qy3mOKUjQyIyTIDGKASM6v3
mB2w/edit?usp=sharing

III. Pamamaraan
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin

Napakahusay mo sa nagdaang aralin. Ngayon naman ay ating lakbayin ang akdang tunay
na maipagmamalaki natin. Mula sa ting mga lolo at lola hanggang ating mga ate at kuya
ay naririnig natin ang walang kapantay na pagmamahalan ng dalawang magsing-irog na
kahit anumang hadlang ay di sila magpapatalo . Handa ka na? Halika , Simulan na natin!

2 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1b0EAGS64OaUdyDQYMmuUSKty6zQMV4HB/view?usp=sharing
Para sa MDL
#COMPLETEME. Panuto :Buuin ang mga salita upang mahulaan ang nilalaman ng kahon batay sa
mga aklat na nasulat sa panahon ng kastila ito.

1._ B_ _ G _ _ _ _ N _ - kuwento ukol sa tatlong prinsipe at kanilang


pakikipagsapalaran.
2.N_L I _E T_N_E_ E- Sinulat ni Joe Rizal na ang pangunahing tauhan ay
sina Crisostomo Ibarra at Maria Clara.
3.E_ F_L_B_ _T _ _IS_ O - Pangunahing tauhan ay si Simon at Isagani
4.F_O_ A N _ E at L_U_A – wagas na pagmamahalan ang naging lakas nila sa
paglaban sa kaliluhan ni Conde Adolfo.
5. _LUM_ - gamiting aklat sa Filipino

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga akdang ito ? Sa aking palagay ang
kahalagahan ng pag-aaral sa mga akdang ito ay ____________________________________
__________________________________________________________________________.

B.Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


Para sa ODL:

Para sa MDL:
Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Pagkatapos ay bilugan ang mga titik ng
(3) tatlong pahayag na maaring mahinuha /matukoy ang may kaugnayan sa;
1.) kalagayan sa lipunan ng akdang naisulat .
a. Karamihan sa naisulat noon ay nasa wikang Espanyol
b. Malayang nakasusulat ang mga Pilipino sa wikang Ingles
c. Makatarungan ang mga namumunong kastila kaya’t malayang naisusulat ng mga Pilipino
ang kanilang saloobin.
d. Nangingibabaw sa mga naisulat sa panahong ito ang tema ukol sa relihiyon.
e. Mahigpit ang sensura,ipinagbabawal ang pagtuliga sa kalupitan ng mga kastila sa mga
Pilipino.
2.) Layunin sa pagsulat ng akda
a. mailarawan ng sumulat ang kabiguan, kaapihan, kawalang katarungan sa lipunang
ginagalawan.
b. maipagyabang ang akdang naisulat.
c. makabuo ng isang akdang inaalay sa nagpatibok sa kanyang puso
d. maihayag ang naghaharing saloobin sa puso batay sa pamamahalan ng mga kastila
e. makabenta ng marami ang kanyang akda.
3.) Batay sa mga naging hinuha mo sa titik A at B.Alin sa mga ito ang maaring epekto
sa mambabasa. Bilugan ang titik na para sa iyo ang pinakamahusay na sagot.
Patunayan.
a. Napapahalagahan ng kabataang tulad ko ang mga akdang naisulat lalo’t may
kinalaman sa tunay na karanasan sa buhay ng sumulat na maaaring maging gabay sa
pang-araw-araw na buhay.
b. Ang tao ay dapat na pantay-pantay sa kalagayang panlipunan sa pagtamo ng
edukasyon,pananampalataya at pati na rin sa larangan ng pag-ibig.
c. Malayang nakapagpapahayag ng saloobin ang tao upang maibahagi ito sa

3 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

nakakarami na maaaring kapulutan ng aral ng walang pag- aalinlangan.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
C.Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin
Para sa ODL: https://docs.google.com/document/d/192ZfMT63QWbtzL7yUhHKQ-
apmdkVMiQH1LpU50M88-4/edit?usp=sharing
Para sa MDL :Basahin at unawain ang teksto.Gawing gabay ang mga pahayag sa itaas
upang lubos itong maunawaan
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA
Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco "Balagtas" Baltazar noong 1838, panahon ng
pananakop ng mga Espanyol sa bansa. Sa panahong ito mahigpit ang ipinatupad na sensura kaya't
ipinagbawal ang mga babasahin at palabas na tumutuligsa sa pagmamalabis at kalupitan ng mga
Espanyol. Dahil sa pagkontrol ng mga Espanyol, ang mga aklat na nalimbag sa panahong ito ay
karaniwang patungkol sa relihiyon o kaya'y sa paglalaban ng mga Moro at Kristiyanong tinatawag ding
komedya o moro-moro, gayundin ng mga diksiyonaryo at aklat panggramatika. Sa kabila ng mahigpit
na sensura ng mga Espanyol ay naging matagumpay si Balagtas na mailusot ang kanyang awit dahil
relihiyon at paglalaban ng mga Moro at Kristiyano rin ang temang ginamit niya rito bagama't naiugnay
niya ito sa pag-iibigan nina Florante at Laura. Naitago niya sa pamamagitan ng paggamit ng alegorya
ang mensahe pagtuligsa at pagtutol sa kalupitan at pagmamalabis ng mga Espanyol. Gumamit din siya
ng simbolismong kakikitaan ng pailalim na diwa ng nasyonalismo. Ang mga tauhan at mga
pangyayaring nagdulot ng kaawa-awang kalagayan ng kaharian ng Albanya ay kasasalaminan ng mga
naganap na kaliluan, kalupitan at kawalang katarungan sa Pilipinas sa pamamahala mga Espanyol.
Masasalamin din sa akda ang tinutukoy ni Lope K, Santos apat na himagsik na naghari sa puso at isipan
ni Balagtas. (1) Ang Himagsik laban sa malupit na pamahalaan, (2) ang himagsik laban sa hidwaang
pananampalataya (3) ang himagsik laban sa mga maling kaugalian at (4) ang himagsik laban sa
mababang uri ng panitikan. Ang Florante at Laura ay itinuturing na isang obra maestra ng panitikang
Pilipino at sinasabing nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon. Isinulat
niya kasi ang kanyang akda sa wikang Tagalog sa panahong ang karamihan sa mga Pilipinong
manunulat ay nagsisisulat sa wikang Espanyol. Ang awit ay inialay ni Balagtas kay "Selya" o Maria
Asuncion Rivera, ang babaeng minahal niya nang labis at pinagmulan ng kanyang pinakamalaking
kabiguan. Sinasabing isinulat niya ito sa loob ng selda kung saan siya nakulong dahil sa maling paratang
na pakana ng mayamang karibal na si Nanong Kapule. Ang malabis na sakit, kabiguan, kaapihan,
himagsik at kawalang katarungang naranasan ni Kiko sa lipunang kanyang ginagalawan ay siyang
nagtulak sa kanya upang likhain ang walang kamatayang Florante at Laura. Ang awit ay nagsilbing
gabay at nagturo sa mga Pilipino ng maraming bagay. Ito ay naglalaman ng mahahalagang aral sa
buhay tulad ng wastong pagpapalaki sa anak, pagiging mabuting magulang, pagmamahal at
pagmamalasakit sa bayan, pag-iingat laban sa mga taong mapagpanggap o mapagkunwari at
makasarili, gayundin ang pagpapaalala sa madla na maging maingat sa pagpili ng pinuno sapagkat
napakalaki ng panganib na dulot sa bayan ng pinunong sakim at mapaghangad sa yaman. Ipinakita rin
sa akda ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa maging doon sa may magkakaibang relihiyon tulad
ng mga Muslim at Kristiyano. Sa panahong ang kababaihan ay mailalarawang mahinhin, hindi
makabasag pinggan at mahina, binigyang-diin sa akda ang taglay na lakas ng kababaihan sa katauhan
ni Flerida, isang babaeng Muslim. Sa halip na maging sunod sunuran lang sa makapangyarihang
kalalakihan sa kanyang paligid tulad ng nakagawian ng kababaihan noon, pinili niyang tumakas mula
sa mapaniil na Sultan at harapin nang mag-isa ang mga panganib sa labas ng palasyo at mga kagubatan
upang hanapin ang kanyang napawalay na kasintahan. Siya rin ang pumutol sa kasamaan ng buhong
na si Adolfo sa pamamagitan ng kanyang palaso. Ito'y mga katangiang taliwas sa mga katangiang
madalas gamitin sa paglalarawan sa kababaihan lalo na noon. Sa halip na siya ang hinanap at iniligtas,
siya ang naghanap at nakapagligtas sa ng buhay ng kapwa niya babae, Ang akda ay gumabay hindi
lamang sa mga pangkaraniwang tao kundi gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan

4 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

ng mga Pilipino. Sinasabing si Dr, Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya'y
naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere, Sinasabi ring maging
si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang
siya ay nasa Guam noong 1901. Bagama't napakatagal nang panahon mula nang isulat ni Balagtas ang
awit ay hindi mapasusubaliang ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga
bayani ay nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga Pilipino hanggang sa
kasalukuyang panahon.
A.Pag-usapan Natin
1. Ano ang kalagayan ng bansa sa panahong isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura?___________
________________________________________________________________________________
2. Ano ano ang naging layunin ni Balagtas sa pagsulat niya ng Florante at Laura?_________________
________________________________________________________________________________
3. Ano ang ginamit ni Balagtas upang maitago nito ang mensaheng nakapaloob sa kanyang akda?
Bakit?__________________________________________________________________________
4. Isulat ang apat na himagsik na masasalamin sa Florante at Laura._________________________
__________________________________________________________________________________
5.Sino-sinong mga bayani ang naimpluwensyahan ng Florante at Laura?
_________________________
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
Para sa ODL: https://docs.google.com/document/d/1ben4w6_lmPhxsSSp0Yc_6IHs0k-
TYr4f4d5urSGn0YY/edit?usp=sharing
Para sa MDL: #Dagdagan natin. Paunlarin natin ang iyong kaalaman sa pagbasa muli ng isa pang
teksto.
TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALAGTAS
Tubong Bulacan ang Prinsipe ng Makatang Tagalog. Isinilang siya noong ika-2 ng Abril 1788 sa
Panginay, Bigaa, Bulacan. Ngayon ay Balagtas na ang tawag sa lugar ng kanyang kapanganakan bilang
pagpaparangal sa kanya na dakilang makatang anak ng Bulacan. Mahirap lamang ang kanyang pamilya.
Si Juan Balagtas, ang kanyang ama, at si Juana dela Cruz naman, ang kanyang ina. Kiko ang ipinalayaw
kay Francisco. Musmos pa lamang ay kinakitaan na siya ng talino at hilig sa pag-aaral. Dahil sa
kahirapan kinakailangan niyang manilbihan bilang utusan sa Tondo, Maynila. Ang kapalit ng kanyang
paninilbihan kay Donya Trinidad ay ang pagpapaaral nito sa kanya. Pinag-aral siya sa Colegio de San
Jose at dito ay nakatapos ng Gramatica Castellana, Gramatica Latina, Geografía y Fisica, at Doctrina
Christiana. Ang mga nabanggit ay ang mga karunungang kinailangan niyang malaman upang makapag-
aral siya ng Canones, ang batas ng pananampalataya. Bukod dito, pinalad siyang makapagaral sa isa
pang paaralan, ang San Juan De Letran. Natapos niya ang Humanidades, Teologia, at Filosofia. Dito
niya naging guro si Padre Mariano Pilapil, isang bantog na guro na sumulat ng Pasyon. Naging
bukambibig ang pangalan ni Kiko sa larangan ng pagbigkas ng tula, Madalas siyang rnaanyayahan sa
iba 't ibang pagdiriwang upang bumigkas ng tula. Naging makulay ang kanyang pagbibinata at naging
bantog na makata. Ang angking husay niya rin sa pagbigkas ng tula ang dahilan kung bakit maraming
kababaihan ang humanga sa kanya. Subalit isang dilag na nagngangalang Magdalena Ana Ramos ang
unang bumihag sa kanyang puso. Sinikap niyang handugan ang dalaga ng isang tula para sa kaarawan
nito ngunit sa kasamaang-palad ay hindi siya natulungan ng isa pang makatang tumutulong sa pag-
aayos ng tula. Ang tulang ipaaayos niya sana kay Jose dela Cruz, na tinawag ding Huseng Sisiw, ay hindi
nito tinanggap sa kadahilanang wala siyang dalang sisiw na ipambabayad. Ang pangyayaring iyon ang
nagtulak kay Balagtas na pagbutihin ang kanyang kakayahan sa paglikha ng tula. Hindi naglaon at
namayagpag sa larangan ng panulaan si Balagtas at nangulimlim naman ang kabantugan ni Huseng
Sisiw. Mula sa Tondo ay lumipat si Balagtas sa Pandacan. Dito niya nakilala si 'Selya" o Maria Asuncion
Rivera sa tunay na buhay. Napaibig niya ang dalaga at naging magkasintahan sila. Subalit nagkaroon
siya ng mahigpit na katunggali sa pag-ibig ng dalaga sa katauhan ni "Nanong" Mariano Kapule. Si

5 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Nanong ay mula sa isang may kaya at makapangyarihang pamilya. Sa kagustuhan niyang hindi na
makahadlang pa si Balagtas sa kanyang panunuyo kay Selya ay ipinabilanggo niya ang makata.
Pinagdusahan ni Balagtas sa bilangguan ang isang maling paratang. Dumagdag pa sa kanyang dalahin
ang balitang nagpakasal na dalagang iniibig niya sa kanyang karibal. Pinaniwalaang dahil sa kabiguang
ito ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang Florante at Laura. Bagama't may ilang
nagsasabing tinapos niya ang obra sa Udyong, Bataan, dito sa lalawigang ito siya nanirahan pagkatapos
ng kanyang pagkabilanggo at dito rin niya nakilala ang babaeng iniharap niya sa dambana, si Juana
Tiambeng. Sa edad na 54 ni Balagtas, ikinasal sila ni Juana sa kabila ng pagtutol ng magulang ng dalaga
dahil sa laki ng agwat ng kanilang edad. Muling nakilala ang husay ni Balagtas. Naging kawani siya sa
hukuman at hindi naglaon ay naging Tenyente Mayor at Juez de Sementera. Noong mga panahong
iyon ang posisyong 'iyon ay pinagpipitaganan. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, sa lalawigan
din ng Bataan ay muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa paratang na pinutulan niya ng buhok ang
isang babaeng utusan ni Alferez Lucas. Bagama't lumaban siya sa kaso at sadyang naubos ang kanyang
kayamanan sa pag-apela, pinagdusahan pa rin niya ang paratang na iyon sa kulungan. Sa isang kisap-
mata'y nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan. Paglabas niya ng piitan, sinalubong siya ng hirap
ng buhay dahil naubos na ang kanyang kabuhayan. Gayumpama'y ipinagpatuloy pa rin niya ang
kanyang pagsulat hanggang sa bawian siya ng buhay noong ika-20 ng Pebrero taong 1862 sa gulang
na 74. Naulila niya ang kanyang asawang si Juana at ang apat nilang anak. Lumisan man siya sa
mundong ito ay iniwan niya namang buhay sa alaala ng mga Pilipino ang maraming imortal na obrang
bagama't gumamit ng alegorya upang maitago ang tunay na mensahe ng akda ay sumasalamin pa rin
sa mga kalakaran sa totoong buhay. Isa na sa mga ito ang Florante at Laura. Sinasabing ang mga pasakit
sa buhay na naranasan ni Balagtas ang pumanday sa kanya upang maging isang mahusay na
manunulat. Nakatulong rin ang mga himagsik ng damdaming naghari sa puso't isipan niya nang mga
panahong iyon. Taglay ng Florante at Laura ang mga himagsik na ito. Bagama't naisulat sa panahon
kung kailan napakahigpit ng sensura ng mga Espanyol sa mga akdang Pilipino, naging mapangahas ang
obrang ito. Kung magiging mapanuri rin ang mga mambabasa, makikita nilang ang awit ay hitik na hitik
sa mga aral at pagpapahalagang magagamit bilang gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng
maling pagpapalayaw ng magulang sa kanilang anak, pagkamainggitin na nauuwi sa paggawa ng hindi
mabuti sa kapwa, pagbabalatkayo na nagbubunsod ng pagiging mapaghiganti, ang hindi kanais-nais
na pag-uugaling pagpapaliban ng gawain, at pagiging sobrang mapagpaniwala. Masasabing ang
obrang Florante at Laura ay naging daan upang mapataas ang antas ng panitikan noong panahong
walang layang makasulat at makapagpahayag ng mga kaisipan, pagkamalikhain, at damdamin ng mga
mahuhusay na manunulat. Ito'y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman. Dahil sa angking
kakayahan, determinasyon, at katatagan ni Balagtas, isinilang ang isang obra-maestrang nagtaas sa
antas ng sining ng panitikan. Tunay ngang karapat-dapat na tawaging Prinsipe ng Makatang Tagalog si
Francisco Balagtas.

Para sa MDL: Subukan natin kung nauunawaan mo ang teksto gawin ang gawain sa ibaba
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang kalagayan sa buhay ni Florante?
a. mayaman b. mahirap c. katamtaman d. pulubi
2. Paano nakapag-aral si Balagtas?
a. namasukang katulong b. nagnakaw c. namasukang tindera d. huminto na lang sa pag-aaral
3. Paano natuklasan ni Kiko ang galing niya sa pagsulat ng tula?
a. nagsaliksik siya
b. may nakapagsabi sa kanya
c. nang tinangihan siya ni Huseng Sisiw sa paggawa ng tula sapagkat wala siyang dalang sisiw na
pambayad
d. nang tangihan siya ni Huseng Sisiw sapagkat wala siyang perang pambayad.

4. Ano- ano ang mga pasakit na dinanas ni Kiko sa kanyang buhay ?


6 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

a. pagkamatay ng kaniyang mga magulang at iniibig


b. pagkakakulong at pagpapakasal ng kanyang minamamahal
c. pagkalugi ng kanyang negosyo
d. pagkasunog ng kanyang mga akda
5. Bakit mahalagang magkaroon ng isang huwarang dapat tularan lalo na ang mga kabataan sa
kasalukuyan?
a. wala lang para masaya
b. maging inspirasyon at gawin gabay upang tulad nila ay maging matatag sa pagsuong sa
pagsubok ng buhay
c. para huwag tularan ang mga bagay na nangyari sa kanyang buhay
d. nang hindi na magkamali at matulad sa kanya

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2


Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1G1rCc8CaZ2SaCCKRba7JsyeXF5iNhgvP/view?usp=sharing
Para sa MDL:
Paghinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura.Sagutan ang tsart ayon sa sariling
pang-unawa
Pangyayari sa Akda Katulad na Pangyayari sa Katulad na Pangyayari sa
Teleserye Tunay na Buhay
Mas pinili ng magulang ni
M.A.R si Nanong Kapule kaysa
kay Balagtas pagkat ito ay
galing sa mayamang pamilya
Pamamasukan upang
maipagpatuloy lamang ang
pag-aral
Ipapakulong ang lalaking
iniibig ng babae upang
maangkin lamang ito
1.Ano ang gagawin mo kung sakaling maranasan mo ang kawalang katarungan sa iyo nang dahil
lamang sa kalagayan mo sa buhay?________________________________________________
2.Batay sa ginawa mong paghahambing sa pangyayari sa akda at sa pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan, ano sa iyong palagay ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at
Laura?____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1ml_iEMtbuxDomtgtQNYydZ2L7VDwGWn6se38PjRWNQ/edit
?usp=sharing
Para sa MDL:
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung totoo ang pahayag at M naman kung ito ay mali
______1. Si Balagtas ay kilala bilang si Nanu Kapule .
______2. Apat ang himagsik na naghahari sa puso ni Balagtas .
______3. Naging madali ang buhay ni Balagtas.
______4. Naging inspirasyon nina Jose Rizal at Andres Bonifacio ang akdang Florante at Laura.
______ 5. Naisulat ni Balagtas ang Florante at Laura habang ito ay nasa kulungan.

7 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay


Para sa MDL: Sagutan ang tanong gamit ang sariling pang-unawa.
Bakit mahalagang pag-aralan ng kabataang tulad mo sa kasalukuyan ang akdang Florante at
Laura?_____________________________________________________________________
H. Paglalahat ng Aralin
Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1hsh2uDUr73KorBL7qy3mOKUjQyIyTIDGKASM6v3mB2w/e
dit?usp=sharing
Panuto: Isulat sa pahina ng aklat ng angkop na datos mula sa mga binasang akda. Pumili ng angkop
na sagot sa tsart.
1.Nakulong si Balagtas sa salang paggupit sa buhok ng isang katulong
2. Umibig at nasaktan kay Maria Asuncion Rivera.
3.Pumasok na katulong upang makapag -aral
4.Naisulat niya ang ang Totoy Bato
5.1838 naisulat ang Florante at Laura
6.Naipakita ni Balagtas ang apat na himagsik na naghahari sa kanyang puso
7. Inpirasyon ni Rizal ang akdang Florante at Laura
8. Naipalimbag ang Florante at Laura sa panahon ng mga Amerikano
Kaligirang kasaysayan ng Florante at Laura Talambuhay ni Florante at Laura

1. 1.

2. 2.

3. 3.

I. Pagtataya
Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1KnpVFeAweZ_vA0AmFjuK4HXMirg7v6ydUBegZ5pJX20/edit?
usp=sharing

Para sa MDL:
Pangalan: _________________ Taon at Pangkat: ______________________ Petsa_______________
Panuto: Isulat sa kaukulang bayan o lugar ang mga salita /pangyayari sa buhay ni Balagtas
BULACAN MAYNILA BATAAN

Kartila at karton Huseng Sisiw Juana Tiambeng


Abril 2 ,1788 Maria Asuncion Rivera Juez Sementera
Panginay Nakulong nasunog ang kanyang mga akda

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Para sa MDL: Sumulat ng tulang may sukat at tugma
Kung ikaw si Balagtas at magsasalita ka sa mga kabataan sa kasalukuyan. Ano ang iyong
sasabihin, upang mabigyan sila ng inspirasyon lalo na ngayong nahaharap sila sa pandemya?

Para sa ODL: https://docs.google.com/document/d/1NKjZHk9_okA-


y3_M4mxOu4Qm7yu7VswIglCdhWDXDWE/edit?usp=sharing

8 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Para sa MDL:
LAGUMANG PAGSUSULIT
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG FLORANTE at LAURA
Pangalan_________________ Taon at Pangkat: ____________________ Petsa ________________
PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.
____ 1. Taong naisulat ang Florante at Laura
(a. 1838 b. 1389 c.1938 d.1888)
____ 2. Taong ipinanganak si Balagtas
(a. 1738 b. 1789 c.1788 d.1988 )
____ 3. Taong namatay si Balagtas
(a. 1838 b. 1882 c.1862 d.1878)
____ 4. Ang pinakakaibig ni Balagtas
(a. M.A. R b. Flerida c.Magdalena d. Juana Tiambeng)
____ 5. Lugar ipinanganak si Kiko
(a. Panginay Bataan b. Udyong c.Tondo d. Panginay Bigaa Bulacan)
____ 6. Ikinabubuhay nina Kiko noong siya ay bata pa
(a. pangingisda b. pagpapanday c. pagsasaka d. pagdidibuho )
____ 7. Edad ni Kiko ng siya ay pumasok na kasambahay
(a. 10 b. 9 c.14 d.11)
____ 8. Saan nanirahan si Kiko sa Maynila?
(a. Pandacan b. Tondo c.Navotas d. Avenida)
____ 9. Si Jose Dela Cruz ay kilala bilang si
(a. Huseng Batute b. Huseng Sisiw c.Nano kapule d. Kiko)
____ 10. Tanyag na bansag na pangalan ni Balagtas
(a. Kikong sisiw b. Kikong Balagtas c. Kikong Batute d.Kikong Baalgtasan

____ 11. Ang pamagat ng tulang alay niya kay M.A.R


(a. Marikit b. Selya c. Selina d. Maria )
____ 12. Ang karibal ni Balagtas sa pag-ibig ni M.A.R
(a. Nanong Kapule b. Mariano Pilapil c. Adolfo d. Jose Dela Cruz)
____ 13. Lugarkung saan ipinanganak si Kiko
(a. Panginay Bataan b. Udyong c.Tondo d. Panginay Bigaa Bulacan)
____ 14- 17. Ang apat na himagsik na naghahari sa puso at isipan ni Balagtas
(a. laban sa malupit na pamahalaan b. hidwaan sa pagpapahayag c. laban sa maling
Kaugalian d. mababang uri ng panitikan e. hidwaan sa pananampalataya )
____ 18-19. Mga bayaning naging inspirasyon ang Florante at Laura sa pagsulat ng akda
(a. Juan Luna at Apolinario Mabini b. Jose Rizal at Apolinario Mabini c.Jose Rizal at
Andres Bonifacio d. Juan Luna at Marcelo H. Del Pilar)
____ 20. Si Balagtas ay nakilala bilang Prinsipe ng ____________?
(a. Kiko b. Makatang Tagalog c. Florante rebolusyon)
____ 21. Ang sagisag na M.A.R ay kilala bilang si
(a. Maria Rivera b. Maria Asuncion Rivera c. Celia Ramos d.wala sa nabanggit)
____ 22. Naging kabiyak na puso ni Balagtas
(a. Magdalena b. Juana c. Flerida d. Laura)
____ 23. Ang obra-maestra ni Kiko
(a. Ibong Adarna b. Noli Me Tangere c.Florante at Laura d. El Filibusterismo)
____ 24 -25. Dalawang dahilan ng pagkakakulong ni Balagtas.
(a. pumatay b. gumupit ng buhok ng isang babaeng kasambahay c. nagnakaw
d.maling paratang)
9 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Ang ipinakita mong tiyaga at sipag ay malugod kong ikinatutuwa. Ilan ang iyong nakuhang puntos!
Pagtataya _____________ Laguman ______________ Binabati kita!

MGA TALA (PARA SA GURO)


__________________________________________________________________________

PAGNINILAY (PARA SA GURO)

PAGNINILAY (PARA SA MAG-AARAL)

PAGNINILAY (PARA SA (MAGULANG)

_____________________________
_____________________________
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

10 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

KAY SELYA /SA BABASA NITO /TAUHAN NG FLORANTE AT LAURA

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


4. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang/nabasang Aralin
(F8PN/PB-IVc-d-34)
5. Nasusuri ang mga pangunahing kaisipan ng bawat kabanatang binasa
(F8PB-IVc-d-34)
6. Nabibigyang kahulugan ang
-matatalinghagang ekspresyon
-tayutay
-simbolo
7. Naisusulat sa isang monologo ang pansariling damdamin tungkol sa:
-pagkapoot
-pagkatakot
-Iba pang damdamin

II. Paksang Aralin / Lunsaran

Kay Selya
Sa Babasa nito
Mga Tauhan ng Florante at Laura

Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 8


Phoenix Publishing House
pp. 504-511
Kagamitan:

Para sa Face to face


Mga larawan, pptx, Kopya ng Selya /Sa Babasa nito
Para sa Modular Distance Learning (MDL:)
Kopya nitong Modyul
Para sa Online Distance Learning (ODL:)
Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link:

https://docs.google.com/document/d/1zHg9yh_NSHe4M5DdAaIbY96ftlmB92UJEnhnaonPLU/edit?u
sp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1Rt_5niZ6RFSBhin2sU42iSVlaSJwEq_i_iZxMvPQd0E/edit?usp=
sharing
(brainly.ph/question/600421)
https://brainly.ph/question/129404
https://docs.google.com/document/d/10VlkGeYupgHKGROMaEWypWIqA63vWfq1jjCeoMJD9U/edit?
usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/1ESfd0VO0YLQ1Pwi39HFvhKuBdGG4XRo6/view?usp=sharin
g
https://docs.google.com/document/d/1vyG7oYMUHKVy5Cs6rWSw332AixNJxTAvFubNvlqcPLE/edit?usp=shari
ng
https://docs.google.com/document/d/1BTdZ3eQ6JBY7Ozl8YXZhTDWlbn33QnSBgia2jMJKva8/edit?u
sp=sharing

11 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

III. Pamamaraan

A.1.Pagsisimula ng Bagong Aralin

Isang kawili-wiling akda ang matutunghayan mo sa araling ito. Nais


ko’y buksan mo ang iyong puso’t isipan upang maramdaman ang
damdaming nakapaloob sa akdang ito. Handa ka na ba?
Simulan na natin!

Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1zHg9yh_NSHe4M5DdAaIbY96ftlmB92UJEnhnaonPLU
/edit?usp=sharing
Para sa MDL:
#AWITSURI
Panuto:Suriin at ilahad ang pangyayaring nakapaloob sa saknong ng awitin.Tukuyin kung
anong uri ng awitin ito
PAUBAYA by: MOIRA

I Saan nagsimulang magbago ang lahat Ba't 'di ko nakita na ayaw mo na


Kailan nung ako'y 'di na naging sapat Ako ang kasama, pero hanap mo siya
Ba't di mo sinabi nung una pa lang
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal III. At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
II Saan nag kulang ang aking pagmamahal Ang tanging hiling ko lang sa kanya
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang 'Wag kang paluhain
At alagaan ka niya

Panuto: Piliin ang tamang sagot.


1. Ano ang mga pangyayaring makikita sa awitin?
a. pagbabago ng trabaho ng minamahal
b. paghahanap ng trabaho ng minamahal
c. pagkakaroon ng ibang minamahal
d. pagpapalaya sa minamahal
2. Ano ang pangunahing kaisipang nakapaloob sa awitin?
a. paghihiganti
b. pagdadalamhati
c. pagmamahal na may pagpapaubaya
d. pagmamahal nang labis na handang magpakamatay at pumatay masolo lamang ang
mahal

Ipaliwanag at ilahad ang kung bakit napili ang naging kasagutan


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


Para sa ODL :
https://docs.google.com/document/d/1Rt_5niZ6RFSBhin2sU42iSVlaSJwEq_i_iZxMvPQd0E/e
dit?usp=sharing
Para sa MDL:

12 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

PANUTO: Lagyan ng tsek ang maaaring gawin kung mahaharap sa mahirap na


kalagayan

Ang kabiguan, pagsubok, suliranin, o mahirap na kalagayan ay bahagi na ng buhay ng


tao. Nag-iiba lang kung paano natin haharapin ang mga ito. Upang mabatid ang iyong
kalakasan at kahinaan sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay nais ko ay sagutin mo
ang gawain sa ibaba. Ilahad din kung bakit iyon ang napiling paraan sa pagharap sa
pagsubok

o Ipinagwawalang bahala na lang ang mga suliranin


o Nagagalit at naninisi ng iba
o Isinusulat sa sariling diary
o Sinasarili na lamang at naghahanap ng maaaring maging solusyon
o Humihingi ng tulong at nagdarasal sa Panginoon
o Namamasyal at kumakain na lang sa labas
o Nagsasabi sa magulang, kaibigan o kung sino man ang puwedeng makatulong
o Nagmumukmok, umiiyak itinatago na lang ang suliranin.
1.Alin – alin sa mga nilagyan mo ng tsek ang epektibo? Bakit___________________
2.Alin sa mga ito ang maaaring mong imungkahi sa iba kung sila rin ang naharap sa
mahirap na kalagayan? _____________________ Bakit? ______________________
C.Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin
Batay sa Gawain #1 at#2 ano ang pangunahing kaisipang mahahango natin ukol dito.
Pumili sa mga pahayag at ipaliwanag ang kasagutan
a. Ang pagmamahal na tunay ay may kaakibat na pagpaparaya
b. Ang anumang pagsubok sa buhay ay makakaya magtitiwala lamang sa Poong
Maykapal
c. Ang kabiguang dulot ng pag-ibig at kalagayan sa buhay ay dapat na isisi sa iba
1.___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2.___________________________________________________________________
____________________________________________________________________
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/10VlkGeYupgHKGROMaEWypWIqA63vWfq1jjCeoMJD9
U/edit?usp=sharing
Para sa MDL:

Pangalan: ______________________ Taon at Pangkat: _________________Petsa: ________


PANUTO: Basahin at unawain ang akda. Tukuyin at salungguhitan ang mga matatalinghang
ekspreyon, tayutay o simbolong ginamit. (20 pts)
Kay Selya
(Isang Paghahandog)
Maraming nagsasabing sa loob ng bilangguan isinulat ni Balagtas ang "Florante at Laura" na
inihandog niya kay Selya o Maria Asuncion Rivera ng Pandacan, Maynila. Simulan ang
pagbasa.
1 Kung pagsaulan kong basahin sa isip liban na kay Selyang namugad sa
ang nangakaraang araw ng pag-ibig, dibdib?
may mahahagilap kayang natititik 2 Yaong Selyang laging pinanganganiban,

13 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

baka makalimot sa pag-iibigan,


ang ikinalubog niring kapalaran 12 Parang naririnig ang Iagi mong wika,
sa lubhang malalim na karalitaan. "tatlong araw na di nagtatanaw-tama,
at sinasagot ko ng sabing may tuwa,
3 Makaligtaan ko kayang di basahin "sa isa katao'y marami ang handa."
nagdaang panahon ng suyuan namin,
kanyang pagsintang ginugol sa akin 13 Ano pa nga't walang di nasisiyasa
at pinuhunan kong pagod at hilahil? ang pag-iisip ko sa tuwang lumipas,
sa kagugunita luha'y lalagaslas,
4 Ang araw na lubhang matamis sabay ang taghoy kong, "O nasawing
at walang natira kundi ang pag-ibig, palad!"
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib,
hanggang sa libingan bangkay ko'y 14 Nasaan si Selyang ligaya ng dibdib?
maidlip. ang suyuan nami'y bakit di lumawig?
nahan ang panahong isa niyang titig
5 Ngayong namamanglaw sa pangungulila ang siyang buhay ko, kaluluwa't langit?
ang ginawa kong pang-aliw sa dusa,
nagdaang panaho'y inaalaala, 15 Bakit baga noong kami'y maghiwalay
sa iyong larawa'y ninitang ginhawa. ay di pa nakitil yaring abang buhay?
kung gunitain ka'y aking kamatayan,
6 Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel sa puso ko, Selya'y di ka mapaparam.
kusang inilimbag sa puso't panimdim, 16 Itong di matiis na pagdaralita
nag-iisang sanlang naiwan sa akin nang dahil sa iyo, O, nalayong tuwa,
at di mananakaw magpahanggang ang siyang umakay na ako'y tumula
libing. awitin ang buhay ng isang naaba.

7 Ang kaluluwa ko'y Iaging dumadalaw 17 Selya'y talastas ko't malabis na umid,
sa lansanga't nayong iyong niyapakan, mangmang ang musa ko't malumbay
sa ilog Beata't Hilom na mababaw ang tinig, di kinabahagya kung hindi
yaring aking puso'y Iaging lumiligaw. malait, palaring dinggin mo ng tainga't
isip.
8 Di mamakailang mupo ang panimdim 18 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
sa puno ng manggang naraanan natin, na inihahandog sa mahal mong yapak,
sa nagbiting bungang ibig mong pitasin tanggapin mo nawa kahit walang
ang ulilang sinta'y aking inaaliw. lasap,
nagbuhat sa puso ng lingkod na tapat.
9 Ang katauhan ko'y kusang nagtatalik
sa buntonghininga nang ika'y may 19 Kung kasadlakan man ng pula't
sakit, pag -ayop
himutok ko noo'y inaaring Langit, tubo ko'y dakila sa puhunang pagod,
Paraiso naman ang may tulong silid. kung binabasa mo'y isa mang himutok
ay alalahanin yaring naghahandog.
10 Nililigawan ko ang iyong larawan
sa makating ilog na kinalalagyan, 20 Masasayang nimfas sa lawa na Bai,
binabakas ko rin sa masayang d'ungan, sirenas, ang tinig ay kawili-wili,
yapak ng paa mo sa batong tuntungan. kaya ngayo'y siyang pinipintakasi
ng lubhang mapanglaw na musa kong
11 Nagbabalik mandi't parang hinahanap imbi.
dito ang panahong masayang lumipas,
na kung maliligo'y sa tubig aagap, 21 Ahon sa dalata't pampang na nagligid
nang di abutin ng tabsing sa dagat. tonohan ng lira yaring abang awit,
14 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

na nagsasalitang buhay ma'y mapatid, 22 Ikaw na bulaklak niring dilidili


tapat na pagsinta'y hangad na Selyang sagisag mo'y ang M. A. R.,
lumawig. Sa birheng mag-ina'y ipamintakasi
ang tapat mong lingkod na si F.

A.#Isaisip mo
1.Ano-anong pangyayari ang naaalala ni Balagtas kaugnay ng pag-iibigan nila ni Selya? _____
________________________________________________________________________
2.Bakit nangagamba si Balagtas? ______________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Paano inaaliw ni Balagtas ang sarili sa gitna ng kanyang mga pagdurusa? ____________
_______________________________________________________________________
4.Naniniwala ka bang may ibinubungang mabuti ang mga malulungkot at mapait na
karanasan ng tao? Pangatwiranan ang sagot batay sa n tunay na pangyayari sa buhay.
_________________________________________________________________________
#ALAM MO BA!
Ang alegorya ay isang kuwento kung saan ang mga elemento nito tulad ng tauhan,
tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong kahulugan at ibig sabihin.
Ito ay maaring magpahayag ng isang ideyang abstrak, mabubuting mga kaugalian, tauhan at
isang pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon, at panlipunan. Ito ay nagsasalaysay na kung
saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay ng naiibang kahulugan na karaniwan.
Ito ay nililikha upang magturo sa atin ng kagandahang asal o magbigay ng komento
tungkol sa kabutihan at kasamaan at nagbibigay o nagpapahayag ng makabuluhang aral sa
ating buhay. Ito ay isang kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-isip na mga
tauhan at mga kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa pamamagitan ng
pagpapahiwatig ng mga pagkakahawig.
Ang alegorya ay dapat basahin sa dalawang pamamaraan:
1.Literal 2. Simboliko o masagisag
Ang mga tauhan, tagpuan at pangyayari at iba pa sa isang alegorya ay may mahalagang
sinasagisang o sinisimbolo. Narito ang ilang mahahalagang impormasyon at halimbawa ng
isang alegorya mula sa kuwento ng Banal na Aklat.
Tauhan
Ligaw na tupa – napahamak o napariwarang tao
Alibughang anak – anak na nagbigay ng hinanakit sa magulang
Tagpuan
Golgota – kadalasang sumasagisag sa paghihirap o kamatayan
Bundok – pakikipagtagpo sa Diyos (Sampung Utos)
Disyerto – pagkauhaw sa Diyos, tukso (Ang Pagtukso kay Jesus ni Satanas
Bagay
Krus – pasyon at pagkamatay ni Jesus
Prutas – tukso o panlilinlang (kay Eba)
Pangyayari
Kasalan – isang paanyaya sa kaharian ng Diyos
Ang alegorya ay kumplikadong uri ng literaryo at mahiwagang sining dahil kaya
nitong maghain ng kumplikadong mga ideya at konsepto kung kailan mapapaisip ang mga
mambabasa, makikinig o manonood para mas maintindihan ito.
B. Panuto Bilugan ang titik ng pinakaangkop na kahulugan ng nakahilig na salita/parirala
na maaring matalinghagang ekspresyon, tayutay o simbolo.
1. may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib?
a. nanatiling tapat sa pag-ibig b. kulang sa pag-iisip c. maalat na tubig d. nagkikita
15 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

2. Parang naririnig ang Iagi mong wika,


"tatlong araw na di nagtatanaw-tama,
a. nanatiling tapat sa pag-ibig b. kulang sa pag-iisip c. maalat na tubig d. di nagkikita
3. na kung maliligo'y sa tubig aagap,
nang di abutin ng tabsing sa dagat.
a. mainit na tubig b. kulang sa pag-iisip c. maalat na tubig d. nagkikita
4 Selya'y talastas ko't malabis na umid,
mangmang ang musa ko't malumbay
a. pamimintas b. kulang sa pag-iisip c. ikinasawi d. hindi makapagsalita dahil sa hiya
5 Ito'y unang bukal ng bait kong kutad
na inihahandog sa mahal mong yapak
a. nanatiling tapat sa pag-ibig b. kulang sa pag-iisip c. maalat na tubig d. nagkikita
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1vyG7oYMUHKVy5Cs6rWSw332AixNJxTAvFubNvlqcPLE/edit?u
sp=sharing
Para sa MDL:
#SILIPKASAYSAYAN
Sinasabing sinulat ni Balagtas sa bilangguan sa Pandacan ang “Florante at Laura”
May mga pakiusap siya sa lahat ng babasa sa kanyang tula. Isinalin na ang "Florante at
Laura" sa 24 na edisyon sa Tagalog mula noong 1853 hanggang 1939. May isinalin sa mga
wikang Pampango, Bicol, Pangasinan at sa mga wikang English, Spanish at German.
Ang orihinal na manuskrito ng "Florante at Laura" ay Nawala raw, subalit naisulat ni
Apolinario Mabini ang buong tula. Naniniwala ang marami na dahil sa gustung-gusto ng
bayani ang tula, kaya buung-buo niyang naisulat ito.
Naging inspirasyon ni Jose Rizal ang "Florante at Laura" sa kanyang pagkasulat ng
Noli Me Tangere. Nagbaon siya sa Europa ng mga kopya ng tula.
Makabagong katangian ng awit na Florante at Laura:
1. Sa halip na dalangin ang simula napalitan ito ng isang paghahandog kay.
2. Gumamit ng balik-tanaw (flashback) sa halip na tiyakang pagsusunud-sunod ng mga
pangyayari.
3.Pantay ang pagtatampok sa mga tauhang Muslim at Kristiyano
4. Ang pahiwatig na klasikal gayundin ang mga pangyayari nito

#DagdaganNatin
Basahin at unawain ang akda.
Sa Babasa nito
I Salamat sa iyo, O nanasang irog, ay huwag mo lamang baguhin ang berso.
kung halagahan mo itong ahing pagod; IV Kung sa pagbasa mo'y may tulang
ang tula ma’y bukal ng bait na kapos, malabo,
pakikinabangan ng ibig tumarok. bago mo hatulan, katkatin at liko,
II Kung sa biglang tingi'y bubot at pakasuriin muna ang luwasa't hulo
masaklap mga at makihilalang malinaw at wasto.
palibhasa'y hilaw at mura ang balat; V Ang may tandang letra, alin mang
ngunit kung namnamin ang sa lamang talata,
lasap, di mo mawatasa't malalim na wika,
masasarapan din ang babasang pantas. ang mata'y itingin sa dakong ibaba
III Di ko hinihinging pakamahalin mo, buong kahuluga'y mapag-uunawa.
tawana't dustain ang abang tula ko; VI Hanggang dito ako, O nanasang
gawin ang ibigi't alpa'y nasa iyo, pantas,

16 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

sa kay Sehismundo'y huwag ding matulad; ay kababago tula’y umalat


sa gayong katamis, wikang masasarap
.

#USATALAKAY
Sagutin ang mga Tanong
1.Itala ang bilin ni Balagtas sa babasa ng kanyang tulang "Florante at Laura?"
_____________________________________________________________________
2. Ano ang nais ng may-akda kung sakaling may mga bahaging hindi maunawaan ang
mambabasa? _________________________________________________________
3.Bakit ayaw niyang ipabago ang alinmang berso? ____________________________
Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/1q5-sVuz1jQi-
tiVx7kTKYDBe2dgKxN0B/view?usp=sharing
Para sa MDL: #KILATAUHAN. Unawain at basahin ang teksto
Ang Mga Tauhan ng Florante at Laura
Florante - matapang na tagapagtanggol ng Albanya anak ni Duke Briseo at katipan ni Laura
Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; mapagmahal at katipan ni Florante
Aladdin/Aladin -Gererong Moro, -Prinsipe ng persya
-Anak ni Sultan Ali-Adab
-Naging kaagaw ang ama sa kasintahang si Flerida
-Pinili nyang magparaya at maglagalag sa kagubatan. Dito niya niligtas si
Florante na tinuturing na mahigpit na kaaway ng kanilang bayan at
relihiyon
Flerida -Kasintahan si Aladin na tinangkang agawin ng amang si Sultan Ali-Adab
-Tumakas sya gabi ng nakatakdang kasal sa sultan upang hanapin ang kasintahan
-Nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo nang panain niya sa dibdib at mapatay ito
Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona na maagang namatay
Duke Briseo - ama ni Florante; kapatid ni Haring Linceo
Adolfo -Isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante mula nang mahigitan siya nito sa
husay at popularidad sa Atenas
-Ang umagaw sa kahariang Albanya
-Ang nag papatay kina Haring Linceo at Duke Briseo, nag pahirap kay Florante at
nagtangkang umagaw kay Laura
Konde Sileno - ama ni Adolfo
Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa
Isang buwitre
Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante
mula kay Adolfo.
Antenor - guro ni Florante sa Atenas
Emir -Gobernador ng Moro na nagtangka kay Laura; humatol na pugutan ng ulo si Laura
Heneral Osmalik - heneral ng Persya na namuno sa pananakop sa Krotona; napatay siya ni
Florante
Heneral Miramolin -Heneral ng Turkiyang namuno sa pag salakay sa Albanya ngunit nalupig
nina Florante at ng kanyang hukbo
Heneral Abu Bakr - Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida
Sultan Ali-Adab- Malupit na ama ni Aladin at naging kaagaw niya sa kasintahang si Flerida
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
#SUBUKIN MO. Piliin ang titik ng tamang sagot
_____ 1. Ang magiting na tagapagtanggol ng Albanya.
(a. Menandro b. Menapoli c. Adolfo d. Florante
_____ 2. Matalik na kaibigan ni Florante.
17 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

(a. Menandro b. Menapoli c. Adolfo d. Florante


_____ 3. Ang ama ni Aladin.
(a. Heneral Osmolik b. Menapoli c. Adolfo d. Sultan Ali-Adab
_____ 4. Ang nagligtas kay Florante mula sa buwitre.
(a. Menandro b. Menapoli c. Adolfo d. Florante
_____ 5. Ang kasintahan ni Aladin.
(a. Flerida b. Laura c. Flerina d. Flora

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay


Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1g_Aba8_tBjGyIqNcbFWjM83N6n-fEGNZmUZI-
WMNtqI/edit?usp=sharing
Para sa MDL:
Sa pagharap sa anumang pagsubok sa buhay ay may mabuting karanasan tayong
natatanggap. Ang karanasang mabuti man o masama na maaaring maging hagdan sa
pagkamit ng tagumpay.
Panuto: Lagyan ng puso ang mga aral na mahahango sa mga akdang iyong natutunan
_____ Maging mapaghiganti at huwag hayaang mapagtawanan
_____ Ang paghingi ng tulong lalo na sa Maykapal ay magbibigay lakas at liwanag sa buhay
_____ Ang anumang pagsubok sa buhay ay tanggapin at maging gabay sa buhay
_____ Sisihin ang Diyos sa mga pahirap na nararanasan sa buhay
_____ Pinatatatag ng pagsubok, kahirapan o suliranin ang tao kaya hayaan lang itong
dumating at ipagwalang bahala lamang ito
H. Paglalahat ng Aralin
Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1BTdZ3eQ6JBY7Ozl8YXZhTDWlbn33QnSBgia2jMJKva8
/edit?usp=sharing
Para sa MDL:
#SAK-SURI
Suriin kung ang mahahalagang pangyayari o pangunahing kaisipan ay bahagi at taglay ng
mga saknong na ating binasa. Gumuhit ng puso sa patlang kung ang kaisipan ay bahagi ng
ating binasa at bilog naman kung hindi.
Mula sa "Kay Selya"
____Ang Sakit na nadama ni Balagtas dahil sa pagkawala sa kanya ng minamahal niyang si
Selya.
____Ang pagpapakasal nina Balagtas at ni Selya.
____Ang paglikha ng walang kamatayang awit bunga ng labis na kalungkutan dahil sa
kabiguan sa pag-ibig.
____Ang pag-aalaala ni Balagtas sa masasayang sandaling magkasama sila ng
pinakamamahal niyang si Selya.
Mula sa "Sa Babasa Nito"
____Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit.
____Ang pagbabalangkas na maging mahusay din sanang manunulat ang lahat ng
makakabasa nito.
____Ang hiling na gumawa ng palabas o pelikulang hango sa mensahe ng awit.
____Ang pagsasabing kung may malabong bahagi, suriin munang mabuti.
I. Pagtataya
Para sa ODL: https://docs.google.com/document/d/1qMcKutMnZ5Pqt7On_-
u2AcKjrz4iNeGpLyytS9K9RQw/edit?usp=sharing
Para sa MDL:
18 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Panuto: Pumili ng mga angkop na pangugusap at Isaayos ito ng patalata upang makasulat
ng isang Monologo.
1.Kahit na santo ‘y walang magagawa (PASIGAW)
2. Ganti ng tao batas kong gawa (MAHABA AT MADIING BIGKAS)
3. Pamilyang inulila, buhay na kinitil (NANGGAGALAITI)
4. Mata sa mata ngipin sa ngipin (POOT NA POOT)
5. Pinadanak mong dugo sa kamay mong malupit. (MADIIN NA MASIGAW)
6. Kadugo! kadugo ko ang mga nasawing buhay (NANGGIGIGIL)
7. Nararamdaman mo ba???(GALIT)
8. Okay lang ang ganda (MALAKAS NA TAWA)
9. Ikaw, ikaw nga?!(PATANONG, PALAKAS ANG TINIG)
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation
Ireklord at bigkasin ng maayos ang monologo.
Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1ESfd0VO0YLQ1Pwi39HFvhKuBdGG4XRo6/view?usp=sharing
Para sa MDL
Pangalan _____________________ Taon at Pangkat: __________________ Petsa: ___________
Lagumang Pagsusulit
Sagutan ang Palaisipan ng angkop na sagot. Maging gabay ang mga titik na ibinigay

19 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Ang ipinakita mong tiyaga at sipag ay malugod kong ikinatutuwa. Ilan ang iyong nakuhang puntos!
Pagtataya _____________ Laguman ______________
Binabati kita!

MGA TALA (PARA SA GURO)


__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

PAGNINILAY (PARA SA GURO)

PAGNINILAY (PARA SA MAG-AARAL)

PAGNINILAY (PARA SA (MAGULANG)

_____________________________ _____________________________

Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

20 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

8. Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa nabasa na pakinggan (F8PB-IVf-g-36)


9. Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36)
10. Nakasusulat ng sariling talumpating nanghihikayat tungkol sa isyung pinapaksa sa binasa
(F8PU-IVf-g-38)

II. Paksang Aralin / Lunsaran


Mapanglaw na Gubat
(Ang mga Hinagpis, Takot at Kalungkutan ni Florante)

Sanggunian: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8, Phoenix Publishing House


Ailene Baia Julian et, al pp.512-516
Kagamitan:
Para sa Face to face
Mga larawan, pptx, Kopya ng Pagtataksil ni Adolfo
Para sa Modular Distance Learning (MDL:)
Kopya nitong Modyul
Para sa Online Distance Learning (ODL:)
Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link:
https://docs.google.com/document/d/1OhTIgj4pvVMXI_qUgQSjY7E6LThfbnmP7_LBQCkhms
/edit?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1XQtlu9g687DgM5FjJnjOT6TR8TvSeB5jIvDBUR2Djbk/
edit?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1KvPyNCxAM9sYhVLh8ol7Yh1ED6uIyxdlMfco_BpaA5
8/edit?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1ASXRypspfzZXy5yXjZXWUmHEaYowWO05acgb5Kl9z
Zs/edit?usp=sharing

III. Pamamaraan
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin
Para Sa ODL: https://docs.google.com/document/d/1OhTIgj4pvVMXI_qUgQSj-
Y7E6LThfbnmP7_LBQCkhms/edit?usp=sharing

Binabati kita sa matagumpay na pagtuklas sa kaligirang pangkasaysayan ng


tanyag na obra-maestra ni Francisco Balagtas... ang Florante at Laura. Buong husay mo
rin nakilala ang mga pangunahing tauhang nagbigay-buhay sa akda.
Upang higit mo pang maintindihan ang kahalagahan ng pag-aaral sa akdang ito,
ating tatalakayin ang unang bahagi na siyang pupukaw sa iyong damdamin. Maging daan
sana ito upang lalo mo pang naising basahin at unawain ang mga susunod na aralin.
Ating lakbayin ang akdang tunay na maipagmamalaki natin. Mula sating mga lolo at lola
hanggang a ating mga ate at kuya ay naririnig natin ang walang kapantay na
pagmamahalan ng dalawang magsing-irog na kahit anumang hadalng ay di sila
magpapatalong magsing-irog. Handa ka na? Halika, Simulan na natin!

21 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

# MISSING U
Panuto: Buuin ang isa sa mga makabayang awiting naging bahagi ng ating kasaysayan na
pinamagatang “Ang Bayan Kong Pilipinas”. Hanapin sa loob ng titik U ang mga naangkop na
salitang kukumpleto sa awit. Isulat ito sa patlang.

“Ang Bayan Kong Pilipinas”

Ang bayan kong 1. _________ 7.________ mo at umiiyak


Bayan pa kayang sakdal-dilag
2._________ng ginto't bulaklak Ang 'di magnasang makaalpas
Pag-ibig na sa kanyang 3. ______
Nag-alay ng ganda't dilag Pilipinas kong 8._________
9._____ ng luha at dalita
At sa kanyang yumi at ganda Aking adhika
4. ________ ay nahalina Makita kang sakdal 10.________
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa 5._______ AD LIB

CHORUS [Repeat Chorus]


6._______mang may layang lumipad

Lupain Pilipinas laya dayuhan


dusa
pugad

ibon laya palad minumutya

B.Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1XQtlu9g687DgM5FjJnjOT6TR8TvSeB5jIvDBUR2Djbk/edi
t?usp=sharing
Para sa MDL:
PANUTO: Mula sa nabuong awit sa ating pagsisimula ng aralin, iyong sagutin ang sumusunod
na tanong.
# Anong Say Mo?
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awiting “Ang Bayan kong Pilipinas”?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Anong mararamdaman mo kung ikaw ang ibon na tinutukoy sa awit? Nararanasan mo ba ito
ngayon? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

C.Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin

22 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Para sa ODL :
https://docs.google.com/document/d/1KvPyNCxAM9sYhVLh8ol7Yh1ED6uIyxdlMfco_BpaA58/e
dit?usp=sharing

Para sa MDL:
#Pair Me
PANUTO: Hanapin ang kapares ng mga salitang nasa kaliwang bahagi sa mga salitang nasa
kanang bahagi. Isulat ang titik ng tamang kapares sa patlang bago ang bawat bilang.
___1. Mapanglaw a. kulay-itim
___2. Pebong b. nakaawa
___3. Bulo c. araw
___4. Nakalulunos d. ulap
___5. Kulay-luksa e. manipis na balahibo ng halaman
f. malungkot
D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1YQgpNQge8Nbue5NmxHzNUA4FDJqnJPgfA36Wh9Jh3v
Y/edit?usp=sharing

Basahin at unawain ang teksto. Ito ay ang kabuoan ng ating mga paksang-araling
tatalakayin.

Almin mo

Ang mga Hinagpis ni Florante


Mga Saknong 001-025
Sa araling ito, ipinakikita kung paano nagsimula ang awit sa pamamagitan ng pagpapakilala sa
isa sa mga pangunahing tauhang si Florante. Si Florante ay matikas, magiting at matapang na
heneral ng Albanya subalit sa mga mababasa mong mga saknong ay ipakikita siya sa isang
kalunos-lunos na kalagayan, talunan at nakagapos sa isang punong higera sa gitna ng isang
madilim at mapanglaw na gubat. Maririnig mula sa binata ang mga hinagpis at pagtangis dahil
sa pagkagaping nangyari sa kanya at ang paghihirap sa kanyang minamahal na kahariang
Albanya dahil sa pananakop ng taksil at masamang si Konde Adolfo. Nawawala na siya ng pag-
asa at maging sa Diyos ay nakapagpahayag siya ng hinanakit sa pag-aakalang siya ay pinabayaan
na. Subalit sa huli'y napag-isip-isip niyang idaan sa panalangin ang kaawa-awa niyang kalagayan.
#BitterTruth…
Ang kagubatan na kinarorounan ni Florante ang pangunahing tauhan sa Florante ay
maihahalintulad sa Plipinas noong kapanahunan ng pananakop ng mga Kastila. Dumaranas ito
ng kahirapan mula sa mga sumakop gayon din sa ilang mamamayan na ganid sa
kapangyarihan at kayamanan. Kung may mga Tigre, Hiyena, Siyerpe at basilisko na
sumasakmal sa buhay ng isang tao may mga ganitong uri rin naman ng tao na sumisira sa mga
taong walang laban na katulad ni Florante na nakatali sa puno ng Higera. Ang mga puno
namang ng mga sipres ay ang mga taong hindi kayang lumaban kaya nagsasawalang kibo na
lamang. Ito ang mga taong walang malasakit sa bayan kahit na naghihirap ito sa kamay ng
mga dayuhan.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2


Nailalarawan ang tagpuan ng akda batay sa napakinggan (F8PB-IVf-g-36)

23 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1ASXRypspfzZXy5yXjZXWUmHEaYowWO05acgb5Kl9zZs/
edit?usp=sharing

Para sa MDL:
# GUHIT-DIWA
Panuto: Unawain ang sumusunod na saknong. Isulat sa loob ng bawat kahon ang iyong
paglalarawan sa bawat tagpuan. Ang unang bilang ay ginawa na bilang iyong gabay.

Sa isang madilim, gubat na mapanglaw,


Isang nakatatakot na lugar. Puno ng kalungkutan
Dawag na matinik ay walang pagitan
Halos naghihirap ang kay Pebong silang, at pagkabalisa. Tila mga pagsubok sa buhay na
Dumalaw sa loob na lubhang masukal. sumusubok sa katatagan ng sinuman.

Malalaking kahoy, inihahandang,


________________________________________
Pawing dalamhati, kahapisa’t lungkot;
Huni ng ibon ay nakalulunos ________________________________________
Sa lalong matimpi’t masasayang loob. ________________________________________
__
Tanang mga baging na namimimilipit, ________________________________________
Sa sangan ng kahoy ay balot ng tinik;
________________________________________
May bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
Sa kangino pa mang sumagi’t malapit. ________________________________________

Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy, ________________________________________


Pinakamaputing nag-uunos sa dahon; ________________________________________
Pawing kulay-kulasa at nakikiayon
______________________________________
Sa nakaliliyong masangsang na amoy.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa aralin (F8PB-IVf-g-36)
Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/1jhrFww_u2AIi4YsiuId9qxcA_P6x-fWW/view?usp=sharing
Para sa MDL:
#WORTH-LINK
Panuto: Ilahad ang mahahalagang pangyayaring naganap sa araling tinalakay na may kaugnayan
sa mga tunay na pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon. Isulat ito sa bawat kahon.

1. Isang taong nakulong nang hindi napagkalooban ng kalayaang ipagtanggol ang kanyang
sarili.

2. Isang inang nawawalan na ng pag-asang makalalaya pa sa pagmamalupit ng


sariling asawa.

24 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

3. Ang paghihigpit sa paglabas ng bahay ng mga kabataan upang makaiwas sa


nakahahawang virus.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay


Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1Y58d__l8hmh9RTGzSXhlJaKF61DedFA6QJ0a9oBAKk/edit?usp=sh
aring
Para sa MDL:
#I- CONVINCE MO!
PANUTO: Gamitin nang wasto ang mga salitang nanghihikayat sa sumusunod na gawain.
Sumulat ng isang maikling talumpati na binubuo ng dalawa hanggang tatlong talata tungkol
sa paksang nasa ibaba.
Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19
12 March 2020
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi
malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga
matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari
mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay
nakatira sa lugar na may kaso ng COVID-19.

1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay


Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o
hugasan gamit ang sabon at tubig.

Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring
kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na sa paghawak natin ng ating mukha,
nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus
na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa
pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer
na may alkohol.

2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig


Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag
tungkol dito at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng virus. Kapag
kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa
katawan at magdulot ng sakit.

3. Takpan ang iyong bibig tuwing uubo at babahing


Siguraduhing ikaw at ang mga tao sa paligid mo ay sumusunod sa tamang respiratory hygiene.
Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o
babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

25 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at
bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong bibig tuwing uubo o babahing, naiiiwasan ang
pagkalat ng virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu at hind nang iyong
kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong
kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay.

4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo
Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang
karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang
hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa


bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar,
nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may
COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit.

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit


Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lamang.

Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling
ka nang mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao

6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan
mo muna ang health facility officials.
Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung
kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro
sa tamang health facility at maiwasan mong makahawa sa iba.

7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad


Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang
awtoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang
Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat
ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong
ubo.

Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong
impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam
kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang
kanilang sarili.

H. Paglalahat ng Aralin
Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/1IJnbHsWSoLSi3qwM1-rFeo1zKEd-
U5vO/view?usp=sharing
Para sa MDL
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong.
Bakit kailangang pagdaanan ni Florante ang ligaya at pasakit nang dahil sa pag-ibig?
Makatarungan ba ang kanyang naranasan? Bakit?
26 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

May katotohanan ba ang kasabihang, “Habang nasusugatan ang isang mandirigma ay lalo itong
tumatapang at lumalakas”? Bakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

I. Pagtataya
Para sa ODL: https://docs.google.com/document/d/1-
Y58d__l8hmh9RTGzSXhlJaKF61DedFA6QJ0a9oBAKk/edit?usp=sharing
Para sa MDL:
PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba bilang pagsukat sa iyong natutunang
kaalaman mula sa talakayan.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
___1. Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng paksang ating tinalakay?
a. Ang paghahabilin ni Balagtas na huwag babaguhin ang berso ng awit
b. Ang kawalang-pag-asa ni Florante dahil sa pagkakatali niya sa isang puno sa gitna ng
mapanglaw na gubat.
c. Ang labis na sakit at kabiguang dinaranas ni Florante dahil sa kataksilan ni Adolfo.
___2. Ang higera ay isang uri ng_____________________.
a. ibon b. puno c. bulaklak
___3. Alin sa sumusunod ang katangiang pisikal ang taglay ni Florante?)
a. mayaman, mayabang at duwag na heneral b. mayabang, lampa at duwag na
heneral c. matikas, makisig at matapang na heneral
___4. Paano inilarawan ang gubat sa akda?
a. masaya b. malawak c. mapanglaw
___5. Ito ang pinakamamahal na kaharian ni Florante.
a. Averno b. Alberna c. Albanya

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation


Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/1oG3QgJdC1w2B81-
18KQF9mTtkxles4oP/view?usp=sharing
Para sa MDL:
#Straight from the Heart
Ipagpalagay na ikaw ay may kaibigang nakakaranas ng matinding problema sa buhay, paano mo
siya mahihikayat na huwag sumuko at magpakatatag? Gawin ito sa pamamagitan ng isang liham
pangkaibigan.
Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/1oG3QgJdC1w2B81-
18KQF9mTtkxles4oP/view?usp=sharing
Para sa MDL:
LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan _____________________ Taon at Pangkat: _________________ Petsa:___________

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik na tamang sagot sa patlang.
____ 1. Ang pangunahing tauhan ng aralin.
(a. Laura b. Adolfo c.Florante d. Aladin))
____ 2. Anong katangiang taglay ni Konde Adolfo?
(a. mapagbigay b. matapang c. duwag d. taksil )
____ 3. Si Florante ay isang_________.
(a. heneral b. kapitan c. konde d. hari)
____ 4. Ano ang maririnig mula sa isang nakagapos na heneral?
27 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

(a. pagtangis at hinagpis b. kaligayahan at tagumpay c. pagtawa at pag-asa


d. pagkutya at panunudyo)
____ 5. Kahulugan ng salitang “Pebong”
(a. buwan b. ulap c. bituin d. araw)
____ 6. Ano ang kulay ng pagluluksa?
(a. dilaw b. puti c. itim d. asul)
____ 7. Sa anong puno nakatali si Florante?
(a. balite b. higera c. siyerpe d. olibo)
____ 8. Alin sa sumusunod ang hindi paglalarawan sa tagpuan?
(a. mapanglaw b. matinik c. maaliwalas d. mapanglaw)
____ 9. Nang dahil sa kanyang sinapit, kanino naipahayag ni Florante ang hinanakit?
(a. Kay Laura b. sa kanyang ama c.sa Diyos d. kay Konde Adolfo)
____ 10. Saan idinaan ni Florante ang kaawa-awa niyang kalagayan?
(a. pagtawa b. pag-iyak c. pagdarasal d. paghikbi)
TAMA O MALI: Isulat ang Tama kung ang pahayag ay wasto, Mali naman kung hindi.
____ 11. Sa gitna ng mapanglaw na gubat, makaririnig ng huni ng mga ibon.
____ 12. Ang kaharian ng Albanya ay ang bansang Espanya.
____ 13. Sinimulan ang awit sa pagpapakilala sa pangunahing tauhan na si Balagtas.
____ 14. Ang “bulo” ay manipis na balahibo ng ibon.
____ 15. Ang pananakop ni Konde Adolfo ay ang pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa.
____16. Sa panahong ito, dumanas ng paghihirap ang mga Pilipino.
____ 17. Ang higera at sipres ay mga punongkahoy.
____ 18. Ang siyerpe ay isang uri ng ahas.
____ 19. Ang dalamhati, kahapisan at lungkot ay naramdaman ni Florante habang siya ay
nakagapos.
____ 20. Ang mga bulaklak sa gubat ay ubod sa kaputian.
21-25 (Ihayag ang opinyon sa pahayag na “May bahaghari pagtapos ng isang malakas na unos.”)

Ang ipinakita mong tiyaga at sipag ay malugod kong ikinatutuwa. Ilan ang iyong nakuhang puntos!
Pagtataya _____________ Laguman ______________
Binabati kita!

MGA TALA (PARA SA GURO)


__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGNINILAY (PARA SA GURO)

PAGNINILAY (PARA SA MAG-AARAL)

PAGNINILAY (PARA SA (MAGULANG)

_____________________________ _____________________________
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

28 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

11. Nagagamit nang wasto ang mga salitang nanghihikayat(F8WG-IVf-g-38)


12.Nailalahad ang damdaming namamayani sa mga tauhan batay sa nabasa at napakinggan.
(F8PN-IVf-g-37)
13.Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at motibo ng mga
tauhan sa mahahalagang pangyayari sa aralin- (F8PB-IVg-h-37)
II. Paksang Aralin / Lunsaran

Pahayag na Nanghihikayat
Pagtataksil ni Adolfo

Sanggunian: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8, Phoenix Publishing House


Ailene Baia Julian et, al pp.602-616
Kagamitan:
Para sa Face to face
Mga larawan, pptx, Kopya ng Pagtataksil ni Adolfo
Para sa Modular Distance Learning (MDL:)
Kopya nitong Modyul
Para sa Online Distance Learning (ODL:)
Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link:
https://drive.google.com/file/d/1B_BWBTJ5QkumTy_saaxWk0PnINd-adu5/view?usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/1qnDy9iLBvroIebhIAwKrwe2pd2bMkvf/view?usp=shari
ng
https://drive.google.com/file/d/1qnDy9iLBvroIebhIAwKrwe2pd2bMkvf/view?usp=shari
ng
https://drive.google.com/file/d/1Qm83fX85TkoDuKpRimHtZH0VA_nPfxf/view?usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/1Qm83fX85TkoDuKpRimHtZH0VA_nPfxf/view?usp=sharing
III. Pamamaraan
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin
Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/1qnDy9iLBvroIebhIAwKrwe2pd2-
bMkvf/view?usp=sharing
Para sa MDL:
#BASA-SURI
Panuto: Basahin at suriin ang mga kilalang pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pahayag ang
mga ito.

1."Kung walang kikilos, sinong kikilos? Kung di ngayon, kailan pa?"


2.“Walang sigurado. Pero minsan kailangan mo lang maniwala. Kasi minsan maniwala ka lang,
sapat na.
3. “Kung bibigyan ninyo ako ng pagkakataong pagsilbihan ko kayo. Gagawin ko lahat ang aking
makakaya upang mapaunlad ko ang bayang ito”
4.“Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat! Tayo ang gumagawa
ng himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos, walang himala!”
5.” Akala mo lang wala, Pero meron meron meron!”
Ano ang kaisipang nais ipahatid ng bawat pahayag? ____________________________________

29 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Ang sumusunod ay (a naratibong pahayag b. ekspositoring pahayag c. persweysib o nanghihikayat


na pahayag c. naglalarawan na pahayag) Bakit? __________________________
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/1oc9hrjW42OTUNEfUf3Zw3BX8sKlNL2Oj/view?usp=sharing
Para sa MDL:
# BASA-NAWA
Basahin at unawain ang sumusunod. Pagkatapos ay sagutin ang # I- CONVINCE MO!
Mga Pahayag na ginagamit sa Panghihikayat
Ang pagnanais na mahikayat o makumbinsi ang iyong mga mambabasa sa iyong pananaw o
paninindigan ay isang hamon sa isang manunulat. Makatutulong ang paggamit ng mga angkop
na pahayag sa iyong panghihikayat.
Ang sumusunod ay mga halimbawa ng mga pahayag at salitang nanghihikayat:
-totoo/tama - naniniwala akong
-tunay - kaya mongaging bahagi ng...
- ngayon na - kaya natin ito...
- tumpak - siguradong
- kitang- kita mong - talaga
- mas makabubuti kung... -mas nararapat
- tara - siyempre
-pero/subalit -kung ako sa iyo...
Mga Halimbawang Pangungusap
- Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang masugpo ang nakamamatay na
sakit.
- Ito na ang tamang panahon upang tayo ay magtulungan.
- Tara na't magkapit-bisig upang ipakita ang ating pakikiisa sa kanyang adhikain.
Sa panghihikayat ay maaari nating mabago ang isipan, damdamin, o kilos ng isang tao. Gamit
ang mga salitang nanghihikayat, magagawa natin ang sumusunod:
- mapapaniwala ang tagapakinig o tagabasa
- mapagtibay ang isang katotohanang pinaniniwalaan
- mapakilos ang tagapakinig o tagabasa
C.Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin
Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1Qm83fX85TkoDuKpRimHtZH0VA_nPfxf/view?usp=sharing
#I- CONVINCE MO!
PANUTO: A. Gamitin nang wasto ang mga salitang nanghihikayat sa sumusunod na gawain.
1. Hikayatin mo ang iyong kaibigang mas pahalagahan ang kanyang pamilya kaysa sa kanyang
mga kabarkada.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Kumbinsihin ang kaklaseng itigil na ang paninigarilyo sa kanyang murang edad.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Hikayatin ang mga miyembro ng iyong pamilya na sumunod sa mga health protocol upang
maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 virus.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

30 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

PANUTO: B. Gumawa ng islogan na nagpapahiwatig ng panghihikayat.


D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1
Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/1B_BWBTJ5QkumTy_saaxWk0PnINd-
adu5/view?usp=sharing

Para sa MDL
Basahin ang mga tinuran ng mga tauhan sa larawan. Pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong.

ALADIN FLORANTE

Naramdaman mo ba ang kanilang mga nais iparating? Anong damdamin ang namayani
sa dalawang tauhan? Isulat sa nakalaang kahon sa ibaba.
Ang nararamdaman ni Aladin ay…. Ang nararamdaman ni Florante ay….

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2


Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1O0FBj9hr7VdIFJtnVz30f2_f7l69k05r/view?usp=sharing
PANUTO: Basahin muli ang mga saknong at suriin kung anong damdamin at motibo ng
tauhan ang naghahari. Bilugan ang titik ng salita o pariralang bubuo sa pangungusap.

1.(259) “Humihinging tulong at nasa pangamba,


ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka;
ang puno sa hukbo’y balita ng sigla
Heneral Osmalik na bayaning Persya.
Ang naglalahad ay punumpuno ng...
a. takot b.pag-asa c. pag-aalinlangan d. pananalig

2. (260) “Ayon sa balita’y pangalawa ito ng prinsipe


niyang bantog sa sagamundo
Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko.”

31 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Ang naglalaad ay pumupuno ng…


a. pagdududa b. inggit c. paghanga d. inis

3. (261) Dito’y napangiti ang Morong kausap,


sa nagsasalita’y tumugong banayad;
Aniya’y “Bihirang balita’y magtapat,
kung magtotoo ma’y marami ang dagdag
Ang Moro ay nagpakita ng…
a. pagkabilib sa sarili b. pagkagulat c. pagtatampo d. pagiging mapagpakumbaba

4. Sagot ni Florante, (264) “Huwag ding maparis ang gererong bantog


sa palad kong amis;
At sa kaaway ma’y di ko ninanais
ang laki ng dusang aking napagsapit.
Si Florante ay nagpakita ng…
a. pagmamalasakit sa kapwa b. pagkamuhi sa sarili
c. matinding takot d. kagustuhang makapaghiganti

5. (276) “Tuwang pangalawa kung hindi man langit


ang itinapon ng mahinhing titig;
O, ang luwalhating buko ng iniibig,
Pain ni Kupidong walang makarakip.
Si Florante ay nakaramdam ng...
a. labis na pagkamuhi kay Laura b.labis na pagmamahal kay Laura
c.matinding pag-aalala para kay Laura d. matinding selos

6. (291) “Dito ko natikman ang lalong hinagpis,


Higit sa dalitang naunang tiniis;
at binulaan ko ang lahat ng sakit
kung sa kahirapang mula sa pag-ibig.
Si Florante ay nagpakita ng...
a. hinagpis dahil sa pagkabigo b. panghihina dahil sa sakit
c.pagkainis dahil sa problema d. pagtitiis alang-alang sa pag-ibi

7.(309) “Sinalubong kami ng haring dakila,


Kasama ang buong bayang natimawa;
ang pasasalamat ay di maapula
Sa di magkawastong nagpupuring dila.
Ang hari ay nagpakita ng...
a. pagtanaw ng utang na loob b. pagkahinayang sa pagkatalo
c.hindi matapos-tapos na pagpapaliwanag d.awa sa buong bayan

8. (318) “Isang binibini ang gapos na taglay na


sa ramdam nami’y tangkang pupugutan;
Ang puso ko’y lalong naipit ng lumbay
sa gunitang baka si Laura kong buhay.
Si Florante ay nakaramdam ng...
a. galit sa mga Gerero
b.takot na baka siya’y huli
c. takot na baka ang babaeng pupugutan ay si Laura
d. galit dahil sumama si Laura sa mga gerero
32 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

9. (322) “Aking dali-daling kinalag sa kamay


Ang lubid na walang awa at pigatan;
mga daliri ko’y naaalang-alang
madampi sa balat na kagalang-galang.
Si Florante ay nakaramdam ng...
a. matinding galit kay Laura habang kinakalagan sa pagkakatali
b. Ibayong lakas upang makalag sa pagkakatali si Laura at masagip
c. pagkainip dahil sa tagal ng hindi nila pagkakatali ni Laura.
d. pagkatakot dahil baka hindi na niya masagip si Laura.

10. (326) Labis ang ligayang kinamtan ng hari


at ng natimawang kamahalang pili;
si Adolfo lamang ang nagdadalamhati,
sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.
Sa nangyari, si Adolfo ay nakaramdam ng...
a. Takot kay Florante b.Matinding galit kay Florante
b. c.Matinding sel d. Lungkot dahil nagtagumpay si Florante

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1483PzXD3k04p2dNe8GQu74EUiD5oGpIp/view?usp=sharing
#NAME ME. Kilalanin kung sino ng tinutukoy ng mga saknong. Pumili ng angkop na sagot
sa kahon.
LAURA ALADIN FLORANTE ADOLFO MENANDRO

______________1.” Siyang namimitak at kusang nagsabog


Ng ningning ang talang kaagaw ni Venus;
Anaki ay bagong umahon sa bubog,
Buhok ay naglugay sa perlas na batok”
______________2 Baguntaong basal ang anyo at tindig
Kahit nakatali kamay paa’t leeg,
Kung di si Narsico’y tunay na adonis
Mukhang sumisilang sa gitna ng sakit.
______________3.” “Ayon sa balita’y pangalawa ito ng prinsipe
niyang bantog sa sagamundo
Alading kilabot ng mga gerero,
iyong kababayang hinahangaan ko.
H. Paglalahat ng Aralin
Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1TJkczLPvy2GbWP2F_QUMDc1oOdrpYL_m/view?usp=s
haring
Pumili (2) ng saknong mula sa Gawain E at ipaliwang ito ayon sa ariling pang unawa.
I. Pagtataya
Para sa ODL: https://drive.google.com/file/d/128BA7sMX4Cg-GIcRso1Qcpp3D7xHd-
Wf/view?usp=sharing
Para sa MDL
Panuto: Tukuyin kung anong damdamin ang ipinahihiwatig ng mga pahayag
33 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

____________1. Sa pagkabilanggo ng labing walong araw


Naiinip ako nang di pagkamatay
____________2. Sabihin ang aking pamamangha’t lumbay
Lalo na ang matanto monarka’y pinatay
____________3. Palad ng tumakbo at hindi natapos
Sa aking pamuksang kalis na may poot
____________4. Sa pagkabilanggo ng labing walong araw
Naiinip ako nang di pagkamatay
____________5. Sa gayung katulin ng aming paglakad
Naiinip ang nasa’y lumipad
J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation
Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1HkSYbxyAsPnXiThP1e4tRznwTf61ll25/view?usp=sharing
Punan ang lobo ng usapan ng mga pahayag na nagpapakita ng pagpapakumbaba at
pagiging maginoo.

Para sa ODL:
https://drive.google.com/file/d/1ctTBtHFKSUop3LvAUd9kB76dVdQAUlt/view?usp=sharing
Lagumang Pagsusulit
Pangalan _____________________ Taon at Pangkat _________________ Petsa ____________
PANUTO: Bilugan ang mga salitang maaaring tauhan, damdamin o saloobin at pangyayari sa
palaisipan
N W S P A N G A M B A A M O N
R I M E R T E M K R O T O N A
A S D D W E R A B N M A N M N
E D A A G V E N U S E K A E G
D S F F L E R I D A S O R D H
P E R S Y A O M A A W T K I I
F L O R A N T E D S D F A A H
Y I A O S A B N A L U E T L I
I N G G I T D E A S I D A U K
O S E A O S M O L I K S N A
U E O P A N L I L O A I K A Y
P O O T S A T Y U F I T G A A
T A L I A D A B B A O S I U T
N I M A D M A D B R I S E O T

34 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Ang ipinakita mong tiyaga at sipag ay malugod kong ikinatutuwa. Ilan ang iyong nakuhang puntos?
Pagtataya _____________ Laguman ______________
Binabati kita!

MGA TALA (PARA SA GURO)


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

PAGNINILAY (PARA SA GURO)

PAGNINILAY (PARA SA MAG-AARAL)

PAGNINILAY (PARA SA (MAGULANG)

__________________________ _____________________________
Pangalan at lagda ng mag-aaral Pangalan at lagda ng magulang

35 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

14. Nakasusulat ng isang islogan na tumatalakay sa paksang aralin - F8PU-IVg-h-39


15. Natutukoy ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang kawili-wiling radio broadcast batay
sa nasaliksik na impormasyon tungkol dito - F8PB-IVi-j-38
16. Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang radio broadcast-
F8PT-IVi-j-38
17. Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa napanood sa
telebisyon na programang nagbabalita- F8PD-IVi-j-38
18. Naipahahayag ang pansariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang mga salitang
naghahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat (Hal: totoo, ngunit) – F8PU-IVij-40
II. Paksang Aralin / Lunsaran

Pangwakas na Aralin

Sanggunian: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8, Phoenix Publishing House


Ailene Baia Julian et, al pp.617-649
Kagamitan:
Para sa Face to face
Mga larawan, pptx, Kopya ng pangwakas na gawain
Para sa Modular Distance Learning (MDL:)
Kopya nitong Modyul
Para sa Online Distance Learning (ODL:)
Maaaring bisitahin ang mga sumusunod na link:
https://docs.google.com/document/d/1OhTIgj4pvVMXI_qUgQSj-
Y7E6LThfbnmP7_LBQCkhms/edit?usp=sharin
https://docs.google.com/document/d/1XQtlu9g687DgM5FjJnjOT6TR8TvSeB5jIvDBUR2Djbk/edi
t?usp=sharin
https://docs.google.com/document/d/1KvPyNCxAM9sYhVLh8ol7Yh1ED6uIyxdlMfco_BpaA58/e
dit?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1YQgpNQge8Nbue5NmxHzNUA4FDJqnJPgfA36Wh9Jh3v
Y/edit?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1ASXRypspfzZXy5yXjZXWUmHEaYowWO05acgb5Kl9zZs/
edit?usp=sharing
https://docs.google.com/document/d/1-
Y58d__l8hmh9RTGzSXhlJaKF61DedFA6QJ0a9oBAKk/edit?usp=sharing

III. Pamamaraan
A. Pagsisimula ng Bagong Aralin
Para sa ODL: https://docs.google.com/document/d/1OhTIgj4pvVMXI_qUgQSj-
Y7E6LThfbnmP7_LBQCkhms/edit?usp=sharing
Para sa MDL: Ibigay ang sariling opinyon ukol sa sumusunod na tanong.

1. Sa panahon ngayon, bakit mahalagang maging mapagmasid at mulat sa mga nangyayari


sa ating bayan?
___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Paano ang tamang pagpili ng tunay na lider ng bansa? _______________________________
___________________________________________________________________________

36 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

Sa mga nagdaang aralin natin ito ay umikot sa pagkakaroon ng hindi kanais nais na pinuno
sa ating bansa. Hindi maikakaila na sa kasalukuyang panahon ay may mga tao pa ring
nagtataglay ng mga hinanakit sa buhay na mas lalong humihirap dulot ng mga
nanunungkulan sa ating bansa.

Lalong yumayaman ang mga nasa posisyon sapagkat mali ang kanilang pamamalakad sa
ating lipunan dahil dito hindi nabibigyang pansin ang mga pangangailangan ng mga mas
nakararami lalo na ang mga mamamayang mahihirap. Sumang-ayon man tayo o hindi
kailangan pa rin tayong sumunod sa ilang patakaran ng naihalal na pinuno. Gayumpaman,
bilang mamamayan ay dapat pa rin tayong maging mapanuri at mapagmatyag upang
walang umabuso sa puwesto.

Gawain 1: Panuto: Bumuo ng isang islogang hihikayat sa mga botante upang maging
matalino sa pagpili ng tamang kandidato at maging masigasig sa pagtaguyod ng malinis at
mapayapang eleksiyon. Isulat ang iyong islogan sa kahon.

B.Paghahabi sa Layunin ng Aralin:


Para sa ODL
https://docs.google.com/document/d/1XQtlu9g687DgM5FjJnjOT6TR8TvSeB5jIvDBUR2Djbk/edi
t?usp=sharing

Ano-anong mabuti o dakilang bagay ang maaaring magawa ng isang mabuting lider sa ating
bansa?
Magbigay ng dalawang halimbawa.
1.
2.

Ano anong mga bagay ang magagawa ng tao ng dahil sa pag-ibig?


1.
2.

Bilang isang kabataang Pilipino, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagmamahal mo sa


bayan?
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

37 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

C.Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin


Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1KvPyNCxAM9sYhVLh8ol7Yh1ED6uIyxdlMfco_BpaA58/e
dit?usp=sharing
Para sa MDL
Basahin at unawain ang bawat buod

Ang Pagpaparaya ni Aladin (Mga Saknong 347-359 Buod)


Sa bahaging ito ay inilalahad ni Aladin ang kuwento ng kanyang buhay subalit naputol ang
pagsasalaysay niya dahil sa lungkot na nadama nang maalala na naman ang kasintahang si
Flerida na inagaw ng ama. Iginalang ni Florante ang damdamin ng kausap kaya’t hindi na niya
ito pinilit magkuwento. Isang araw habang lumilibot sila sa loob ng gubat ay ipinagpatuloy ni
Aladin ang kanyang pagsasalaysay. Sinabi niyang si Flerida lamang ang nagpapalakas sa
kanyang loob sa mga digmaang kanyang sinusuong. Subalit nagbago ang lahat nan gang
pinakamamahal niya’y siya ring nagustuhan ng kanyang ama. Pinahirapan siya ng ama,
Katunayan, pagkabalik niya mula sa matagumpay na pagsakop sa kaharian ng Albanya ay
ipinabilanggo siya dahil sa bintang na iniwan niya ang kanyang hukbo nang hindi pa iniuutos
ng ama. At nang mabalitaang nabawi ni Florante ang kaharian ay hinatulan siyang mapugutan
ng ulo. Kinagabihan, bago ang araw ng pagpugot, ay kinausap siya ng isang heneral dala ang
mensaheng umalis kaagad siya at huwag nang magpaabot ng umaga. Walang nagawa si Aladin
kundi linasin ang kaharian kahit sa puso niya’y mas ninanais niya pa sanang mamatay kaysa
isiping ang pinakamamahal na si Flerida’y napunta sa iba.
Ang Pagtatagumpay Laban sa Kasamaan (Mga Saknong 360-392 Buod)
Anim na taon nang naninirahan sa kagubatan sina Florante at Aladin nang minsa’y makarinig
sila ng dalawang babaeng nag-uusap. Sinabi ng unang tinig, na walang iba kundi si Flerida, na
nang malaman niyang hinatulang mapugutan ng ulo ang kasintahan ay nagmakaawa siya sa
sultan upang patawarin ito. Pumayag ang sultan sa kondisyong magpapakasal ang dalaga sa
kanya. Nakaligtas ang kasintahan subalit pinalayas ito sa kaharian nang hindi man lang sila
nakakapag-usap. Habang inihahanda ang kasalan ay nagdamit gerero ang dalaga at tumakas
mula sa kaharian. Ilang taon niyang hinanap ang kasintahan. Napadpad siya sa gubat at ditto
nakita at nailigtas niya ang dalagang kausap mula sa masamang balak ng isang buhong.
Napatay niya ang lalaki sa pamamagitan ng isang panang pinakawalan na bumaon sa dibdib
nito
Dito na nagpakita ang dalawang binata sa kani-kanilang kasintahan. Labis-labis ang
kaligayahang nadama nila nang makitang ligtas ang kani-kanilang minamahal. Sa pagkakataong
ito’y si Laura naman ang nagsalaysay ng mga pangyayari sa kanyang buhay habang nakikinig
sina Florante, Aladin at Flerida.
Naririto ang pagsasalaysay ni Laura; hindi pa natatagalang nakaalis si Florante sa Albanya
uapang makipaglaban sa Etolya nang magkaroon ng kaguluhan sa kaharian. Nilason ni Adolfo
ang isipan ng mga tao sa pagsasabing may balak si Haring Linceong gutumin sila sa
pamamagitan ng paglalagay ng monopoly sa pagkain at trigo. Sinamantala ni Adolfo ang
tauhan nito. Pinagbantaan ni Adolfo si Laura na papatayin kapag hindi pumayag makasal sa
kanya. Humingi ng limang buwang palugit si Laura at saka agad sumulat kay Florante upang
ipaalam ang mga pangyayari sa kaharian. Subalit naunang natanggap ni Florante ang
mapanlinlang na sulat ni Adolfo gamit ang pangalan ni Haring Linceo na nagpapabalik sa kanya
sa kaharian kaya siya nadakip at naipatapon sa kung saan. Si Menandro na ang nakatanggap

38 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

sa liham ni Laura kaya’t dali dali siyang sumugod sa Albanya kasama ang kanyang hukbo.
Natalo nila ang hukbo ni Adolfo subalit nagawang itakas ng huli si Laura at dinala nga sa gubat
upang pagsamantalahan. Subalit, napigil siyan ng pana ni Flerida na naging dahilan din ng
kanyang kamatayan.
Naging napakasayang pangyayari sa dalawang parehang napawalay nang matagal na
panahon sa kani-kanilang pinakamamahal ang pagtatagpong ito.
`Ang Pagwawakas (Mga Saknong 393-399 Buod)
Walang pagsidlan sa tuwa ang dalawang pares nang sila’y magkatagpo-tagpo pagkalipas
ng maraming taong pagkakawalay sa isa’t isa. Dumating din sina Menandro at ang kanyang
hukbo sa gubat dahil sa paghahanap kay Adolfo subalit anong laking tuwa nila nang makitang
buhay pa si Florante. Masayang ipinagbunyi ng Albanya ang pagbabalik nina Florante at Laura
sa kaharian kasama ang mga kaibigang sina Aladin at Flerida kung saan sila bininyagan at
naging Kristiyano. Bumalik sila sa Persiya nang mamatay si Sutang Ali-Adab. Namuhay nang
masaya, masagana, mapayapa, at makatarungan ang Albanya sa pamumuno ng kanilang hari
at reynang sina Florante at Laura

Gawain 2: Pag-unawa sa tekstong binasa.


Isulat ang T sa patlang kung tama ang pahayag at M naman kung ito ay mali.
______1. Ginawa lahat ni Flerida upang mailigtas si Aladin
______2. Lubos ang kaligayahan ni Florante nang makita si Laura
______3. Habang nagsasalaysay si Laura ay dumating si Flerida at Aladin
______4. Nakilala ni Flerida si Laura nang mailigtas niya ito sa kamay ni Aladin
______5. Nang umalis si Aladin sa Persiya ay nakausap niya si Flerida

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


Para sa ODL:
https://docs.google.com/document/d/1YQgpNQge8Nbue5NmxHzNUA4FDJqnJPgfA36Wh9Jh3v
Y/edit?usp=sharing
Para sa MDL
Mula sa Ed Tech Unit live
Programang Panradyo (Pagbabalita at radio drama) – isa sa pinakapaboritong libangan ng mga
tao, bata man o matanda, ay ang pakikinig ng radyo.

Pagsulat ng Iskrip ng programang panradyo


Iskrip- Ito ay ang nakatitik na bersiyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin sa isang
programang panradyo.
Nilalaman ng Iskrip- tagaganap, director, tagalapat ng musika, editor, at technician
Pormat ng pagsulat ng Iskrip
• Gumamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo
• Isulat sa malalaki at makakapal na titik ang musika, epektibong pantunog, at ang emosyon
ng mga tauhan
• Guhitan ang SFX (sound effects) at MSC (music).
• Isulat din kung paano gagamitin ang mga SFX

39 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

• Kailangang may dalawang espasyo (double space) pagkatapos ng bawat linya sa iskrip
kapag minakinilya o kinompyuter.
• Lagyan ng numero ang bawat linya sa gawing kaliwa
• Gumamit ng terminong madaling maintindihan
• Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa panaklong
• Maglagay ng tutuldok o kahon pagkatapos isulat ang pangalan ng tauhang magsasalita o
pagkatapos isulat ang SFX o MSC
• Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang.

Karagdagang kaalaman
Mga salitang kalimitang ginagamit sa Radio Broadcasting
1. Billboard – pagsisimula ng pagsasahimpapawid ng himpilan ng radio o telebisyon.
2. Copy- ang taguri sa iskrip o manuskrito
3. Disk Jockey- tawag sa personalidad sa radio
4. Headphones- Ito ay tinatawag din na headsets o earphones na ginagamit ng radio
announcer para mapakinggan ang pagsasahimpapawid ng programang panradyo
5. Acoustics- kalinawan at kalidad ng tunog kung saan napapakinggan ang
pagsasahimpapawid ng himpilan ng radio
6. Copywriter- ang tawag sa sumusulat ng iskrip sa radio at TV.
7. Cue – ito ang tawag sa hudyat para sa announcer upang magsimulang magsasalita
bago umere sa radio
8. Dead Air- ito ang pagkakataong walang naririnig na anumang tunog sa isang
programang panradyo habang umeere.
9. Call Letters – ito ang tinatawag na Station ID o pangalan ng himpilan ng radio
10. Ad- Libbing – ito ang tawag sa pahayag na sinasalita ng announcer ngunit hindi
kabilang sa iskrip.
11. Microphone – ito ang instrumentong naghahatid ng boses.
12. Band - ito ang tawag sa wavelengths ng tunog
13. Bed - ito ang tawag sa mga tunog o musikang nilalapat sa Radio Broadcasting.
14. Bumper - ito ang mga pre-recorded, voice over music na ginagamit sa transition sa
isang segmet papunta sa susunod
15. Broadcasting – ito ang pagsasahimpapawid ng electromagnetic signals sa pamamagitan
ng airwaves katulad ng programang pantelebisyon at panradyo.
Bakit mahalagang malaman at matutunan ang mga hakbang at salitang kalimitang ginagamit sa
pagsulat ng iskrip sa programang panradio?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
https://docs.google.com/document/d/1ASXRypspfzZXy5yXjZXWUmHEaYowWO05acgb5Kl9zZs/
edit?usp=sharing
Gumawa ng isang maikling Iskrip tungkol sa mga pangyayari sa Florante at Laura
na nangyayari rin sa kasalukuyan na napapanood sa telebisyon at programang
nagbabalita.
Panuto: Isipin na ikaw ay isang DJ o brodkaster sa radio may sarili kang
programa na ang layunin ay makapagbigay ng isang komentaryo o pahayag sa

40 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

iba’t ibang isyu sa ating bansa. Magbigay lamang ng isang halimbawa.


F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Ilagay ang tsek sa kahon kung ikaw ay sumasang-ayon o sumasalungat.


Ilahad o ipahayag ang iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga na maaaring sumasang-ayon
o sumasalungat sa mga kaisipang hango sa binasa. Isulat ang iyong sagot sa liinya.

Naging mabuting magkaibigan at nagsama nang matagal sa kagubatan ang isang Moro at
Kristiyano na kabilang sa magkalabang lahi.
Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Nang makita ni Flerida na pinagtatangkaan ni Adolfo si Laura. Isang pana ang kanyang
pinakawalan na naging sanhi ng pagkamatay ni Adolfo.
Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil
______________________________________________________________________________

Tinanggap ni Flerida ang alok na kasal ni Sultan Ali-Adab upang maligtas sa kamatayan si Aladin
subalit tumakas din siya at hinanap ang kasintahang si Aladin bago pa man ang kasalan.
Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil
______________________________________________________________________________
Bumalik lamang sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mabalitaan nilang patay na ang ama ni
Aladin na si Sultan Ali-Adab.
Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil
______________________________________________________________________________

Namuhay nang masaya, masagana, mapayapa, at makatarungan ang Albanya sa pamumuno ng


kanilang hari at reynang sina Aladin at Flerida.
Sumasang-ayon ako dahil Sumasalungat ako dahil
_____________________________________________________________________________
Para sa ODL:https://docs.google.com/document/d/1-
Y58d__l8hmh9RTGzSXhlJaKF61DedFA6QJ0a9oBAKk/edit?usp=sharing

Para sa MDL
Kailan nagiging dakila ang pag-ibig?
Isulat sa loob ng puso ang iyong sagot.

H. Paglalahat ng Aralin
Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakaganap. Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang
______ 1. Dumating si Menandro sa kagubatan kasama ang hukbo.
______ 2. Namatay si Sultan Ali-Adab at namuno sina Flerida at Aladin sa Persia.
______ 3. Nagmistulang isang paraiso ang gubat nang magkita ang mga magsing-irog.

41 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

______ 4. Sa pamumuno nina Florante at Laura nanumbalik ang kapayapaan sa Albanya


______ 5. Isinalaysay ni Laura ang mga nangyari nang umalis si Florante sa Etolya.
I. Pagtataya
Para sa ODL: https://docs.google.com/document/d/1-
Y58d__l8hmh9RTGzSXhlJaKF61DedFA6QJ0a9oBAKk/edit?usp=sharing
Para sa MDL
Ano anong uri ng pag-ibig ang umiral sa kabuuan ng Florante at Laura?
Magbigay ng tatlong halimbawa

1.
2.
3
J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at Remediation
Matapos mabasa ang kabuuan ng Florante at Laura, Ipaliwanag ang mga katangian at
pag-uugali ng bawat tauhan.

Tauhan Pagpapaliwanag sa katangian at pag-uugali

Florante

Laura

Aladin

Flerida

Adolfo

Menandro

Duke Briseo

Antenor

Sultan Ali-Adab

Pangalan: ______________________ Taon at Pangkat: __________________ Petsa :_________


LAGUMANG PAGSUSULIT
Panuto: Isulat ang T sa patlang kung tama ang pahayag at M naman kung ito ay mali.
______ 1. Namuhay nang masaya, masagana, mapayapa, at makatarungan ang Albanya sa
pamumuno ng kanilang hari at reynang sina Aladin at Flerida.
______ 2. Naging mabuting magkaibigan at nagsama nang matagal sa kagubatan ang isang
Moro at Kristiyano na kabilang sa magkalabang lahi.
______ 3. Bumalik lamang sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mabalitaan nilang patay na ang
ama ni Aladin na si Sultan Ali-Adab.
______ 4. Nang makita ni Flerida na pinagtatangkaan ni Adolfo si Laura. Isang pana ang
kanyang pinakawalan na naging sanhi ng pagkamatay ni Adolfo.

42 | S.Y. 2020-2021
G8-FILIPINO/4QTR

______ 5. Tinanggap ni Flerida ang alok na kasal ni Sultan Ali-Adab upang maligtas sa
kamatayan si Aladin subalit tumakas din siya at hinanap ang kasintahang si Aladin bago pa man
ang kasalan.
______6. Ginawa lahat ni Flerida upang mailigtas si Aladin
______7. Lubos ang kaligayahan ni Florante nang makita si Laura
______8. Habang nagsasalaysay si Laura ay dumating si Flerida at Aladin
______9. Nakilala ni Flerida si Laura nang mailigtas niya ito sa kamay ni Aladin
______10. Nang umalis si Aladin sa Persiya ay nakausap niya si Flerida
Ayusin ang mga pangyayari ayon sa pagkakaganap. Lagyan ng bilang 1-5 ang patlang
______ 11. Dumating si Menandro sa kagubatan kasama ang hukbo.
______ 12. Namatay si Sultan Ali-Adab at namuno sina Flerida at Aladin sa Persia.
______ 13. Nagmistulang isang paraiso ang gubat nang magkita ang mga magsing-irog.
______ 14. Sa pamumuno nina Florante at Laura nanumbalik ang kapayapaan sa Albanya
______ 15. Isinalaysay ni Laura ang mga nangyari nang umalis si Florante sa Etolya.
Piliin ang tamang sagot sa Hanay B at isulat ang tamang sagot sa Hanay A.

Hanay A Hanay B

_____ 16. ito ang tawag sa pahayag na a. Broadcasting


sinasalita bng announcer ngunit hindi
b. Cue
kabilang sa iskrip.

_____ 17. to ang pagsasahimpapawid ng c. Ad-Libbing


electromagnetic signals sa pamamagitan ng
airwaves katulad ng programang d. Copywriter
pantelebisyon at panradyo.
e. Billboard
_____ 18. pagsisimula ng
pagsasahimpapawid ng himpilan ng radio o
telebisyon.

_____19. A ng tawag sa sumusulat ng iskrip


sa radio at TV.
_____ 20. ito ang tawag sa hudyat para sa
announcer upang magsimulang magsasalita
bago umere sa radio

21-25 Pumili ng isang tauhan na pinakagusto mo sa natapos na Awit at ipaliwanag kung


bakit ito ang iyong napili.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Ang ipinakita mong tiyaga at sipag ay malugod kong ikinatutuwa. Ilan ang iyong nakuhang puntos?
43 | S.Y. 2020-2021 Pagtataya _____________ Laguman ______________
Binabati kita!
G8-FILIPINO/4QTR

MGA TALA (PARA SA GURO)


__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGNINILAY (PARA SA GURO)

PAGNINILAY (PARA SA MAG-AARAL)

PAGNINILAY (PARA SA (MAGULANG)

44 | S.Y. 2020-2021

You might also like