You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 8
QUARTER 4 – WEEK 1

Page 1 of 23
PATNUBAY NG MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang mga Modyul na iyong natanggap ay nilikha upang makatulong sa iyo at iba pang mag-aaral sa pagpapatuloy ng inyong pag-aaral sa tahanan. Bago
mo simulan ang pagtuklas ng mga bagong aralin sa iyong mga modyul, kailangang ihanda mo muna ang sarili. Siguruhing ikaw ay nakapagehersisyo na
at nakakain na sa tamang oras bago simulan ang iyong mga aralin (maaaring sa umaga matapos ang almusal o hapon matapos ang pananghalian).
Isaisantabi muna ang iba pang pinagkakaabalahan. Ihanda ang mga kagamitang pampaaralan tulad ng kwaderno, panulat, krayola at iba pa, at
siguruhing mabibigyan mo ng pokus ang pag-aaral gamit ang mga modyul na iyong natanggap.

1 Basahin, unawaing mabuti at sundin ang panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul.
PAANO Basahin at unawaing mabuti ang iyong aralin sa araw na ito na makikita sa unang pahina ng iyong modyul. Isulat sa
GAMITIN kwaderno ang mga mahahalagang impormasyon, terminolohiya, depinisyon at iba pang nararapat mong tandaan sa
iyong aralin sa araw na ito. Mahalagang magawa mo ito upang maalala ang mga kasanayang nalinang at
ANG MODYUL? 2 magkaroon ka ng sanggunian sa gagawin mong pagrepaso sa iyong mga aralin kung ikaw man ay may
nakalimutan.
Sikaping maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito ang makatutulong sa iyo upang
3 lubusang maunawaan ang iyong aralin at malinang ang mga kasanayan sa pagkatuto.
Kung hindi mo gaanong naunawaan ang iyong aralin at ikaw ay may mga katanungan tungkol sa iyong mga gawain

Page 2 of 23
at pagsasanay, kumunsulta ka sa iyong magulang, kapatid o sino mang kasama sa tahanan na magsisilbing
4 tagapagdaloy ng aralin.
Para sa mga karagdagang kaalaman o katanungan na may kinalaman sa iyong aralin, sumangguni sa iyong guro at
5 tawagan siya sa numero na makikita sa iyong natanggap na Learning Package.

Huwag kalilimutan na isumite sa paaralan (sa pamamagitan ng iyong magulang o kapatid o sino mang
6 nakatatandang kamag-anak) tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite mong Modyul, pag-aralan mo ang kabuuang marka
o iskor na makukuha mo batay sa pagbabalitang gagawin sa iyo ng iyong guro. Ang iskor o markang ito ang iyong
7 magiging batayan kung kakailanganin mo pa ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ng iyong guro at
tagapagdaloy ng aralin sa tahanan.

8 Sana ay mag-enjoy ka sa paggamit ng iyong natanggap na mga Modyul!


Image: IMGBIN.com LFT/pasaycid2020
PATNUBAY NG MAGULANG/ TAGAPAGDALOY NG ARALIN
SA PAGGABAY SA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG MODYUL
Ang Patnubay na ito ay nilikha para po sa inyong mga magulang, nakatatandang kapatid o kamag-anak ng ating mga mag-aaral. Ito po ay upang
magabayan po ninyo, bilang tagapagdaloy ng aralin, ang mag-aaral sa kanyang paggamit ng Modyul. Sa Modyul po na inyong natanggap nakapaloob ang
mga araling pagaaralan ng mag-aaral sa inyong tahanan. Narito rin po ang mga pagsasanay para sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Naniniwala po kami na napakalaki ng inyong magiging bahagi at impluwensiya sa magaganap na pagpapatuloy ng pagaaral ng inyong kapamilyang
mag-aaral sa inyo mismong tahanan.
Ihanda po muna ang sarili bago simulan ang paggabay sa mag-aaral. Isaisantabi po muna ang iba pang mga
1 gawain upang magkaroon ng pokus at sapat na panahon sa paggabay sa mag-aaral. Siguruhin din pong
PAANO PO KAYO handa na ang mag-aaral sa kanyang pag-aaral.
MAKATUTULONG Tulungan po ang mag-aaral sa pagbasa at pag-unawa ng kanyang aralin sa araw na ito na makikita sa unang
SA PAGGABAY pahina ng Modyul. Maaari pong dagdagan pa ninyo ito base sa inyong naging karanasan o pag-aaral.
SA MAG-AARAL 2 Gabayan ang mag-aaral sa pagsusulat sa kwaderno ng mahahalagang impormasyon, terminolohiya,
SA PAGGAMIT depinisyon at iba pang nararapat niyang tandaan sa kanyang aralin sa araw na ito.

Page 3 of 23
NG MODYUL? Gabayan po ang mag-aaral na maisagawa ang lahat ng pagsasanay na makikita sa modyul. Ang mga ito
3 ang makatutulong sa kanya upang lubusang maunawaan ang kanyang aralin. Bigyan siya ng tamang oras sa
pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

Hikayatin po ang mag-aaral na sumangguni sa inyo o sa kanyang guro kung hindi niya gaanong
naunawaan ang kanyang aralin at siya ay may mga katanungan tungkol sa kanyang mga gawain at
4 pagsasanay.

Huwag pong kalilimutan na isumite sa paaralan tuwing Lunes ang mga natapos na Modyul ng mag-aaral
5 noong nakaraang lingo.

Matapos ang pagsusuri at pagwawasto ng guro sa isinumite Modyul, kasama ang mag-aaral ay pag-
aralan po ninyo ang kabuuang marka o iskor na makukuha ng mag-aaral batay sa pagbabalitang gagawin
6 ng guro. Ang iskor o markang ito po ang inyong magiging batayan kung kakailanganin pa ng mag-aaral
ang higit na pagsasanay at pagsubaybay ninyo at ng ng kanyang guro.

Maraming Salamat po sa inyong paggabay at pagsubaybay sa ating mag-aaral!


Image: freepik.com 7
LFT/pasaycid2020
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D1

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan / Unang Linggo / Unang Araw

Layunin: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng


pagtukoy sa kalagayan ng lipunan sa panahon na nasulat ito. (F8PB-IVa-b-33)

A. ARALIN: KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE AT LAURA

Isang tulang romansa ang “Florante at Laura”. Binubuo ito ng 399 na saknong; may
lalabindalawahing pantig ang bawat taludtod; may apat na taludtod ang bawat saknong; at may
tugma. Gumamit ito ng mga piling salita, mga simbolo, tayutay, at iba’t ibang pahiwatig.
Isinulat ang akda noong huling daantaon nang pananakop ng mga dayuhang Kastila
sa Pilipinas.Ipinalimbag ng may-akda ang “ Florante at Laura” nang makalaya siya sa piitan
noong 1838.

KALAGAYAN NG LIPUNAN SA PANAHON NG PAGKAKASULAT

Napakahaba ng panahong sinakop ng mga Kastila ang Pilipinas, mahigit na tatlong


daang taon. Pormal itong nagsimula noong taong 1565 at natapos noong 1898. Sa haba ng
panahong iyon, magkasanib ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko at ng pamahalaan sa
pamamalakas sa Pilipinas.

Ginamit ng mga Kastila ang krus at espada sa pananakot ng mga katutubo. Pinairal
nila sa bansa ang maling aral ng relihiyon at karahasan. Magkasabwat ang pamahalaan at ang
simbahan. Ang sinumang hindi susunod sa among Kastila, tiyak na makararanas ng kalupitan
at kamatayan. Inangkin ng mga mananakop ang malalawak na lupain. Pinatawan nila ng
malalaking buwis ang mga magsasaka hanggang sa isuko na ito sa pamahalaang Kastila.
Ganoon din ang ginawa ng mga prayle. Tinakot nila ang mga Pilipinong nakririwasa. Magiging
dahilan daw ng kanilang kapahamakan ang kayamanan. Mapupunta sila sa impiyerno.
Kinamkam ng mga prayle ang kayamanan ng sambayanan.

Mga mananakop na walang malasakit, walang ginawa kundi magsamantala sa


kamangmangan ng mga katutubo. Pinagkaitannila nila ng malayang edukasyon ang
sambayanan. An gang kakaunting mayayaman ay kinailangan pang mangibang-bayan upang
makapag-aral. Ang ilan ay nagsikap na matuto sa kabila ng kahirapan ngunit
pinagbibintangang mga rebelde. Pinagmalupitan at ginawa nilang alila ang mga mahihirap.

Page 4 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Karugtong: Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D1

Ang kalalakihan ay pinagsak ng lupa. Ang kababaihan ay nasa bahay lamang o kaya’y
nagsilbi at inangkin ng simbahan.

Ang sumalungat sa kanilang kagustuhan ay parurusuhan ng pamahalaan at ng simbahan.


Pahihirapan sila sa mga kuwartel at itatakwil ng simbahan. Walang karapatan. Walang
katarungan.

Ganoon ang kinamulatang kalakaran ng ating mga propagandista, ng ating mga bayani.
Ganoon din ang kinamulatang kapaligiran ng dakilang manunulat ng “Florante at Laura.”

MGA GABAY NA TANONG:

1. Ilarawan ang lipunan ng panahong sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas.


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
______
2. Ano-ano ang paghihirap na dinanas ng mga mamamayang Pilipino sa Panahon ng
Kastila?______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
______

B. TUKLASIN
Panuto: Bilugan ang titik ng pinakamalapit na kahulugan ng mga initimang salita.

1. Kinamulatan ni Francisco Balagtas ang panahon ng pananakop ng mga Kastila.


A. Kinagisnan C. Kinamalayan
B. Kinatakutan D. Kinatandaan

2. Kinamkam ng mga dayuhan ang lupain ng mga katutubong Pilipino.


A. Hiningi C. Ipinamigay
B. Inagaw D. Binili

3. Napag-alab ng akdang “Florante at Laura” ang damdaming Makabayan ng mga


Pilipino.
A. Napag-apoy C. Napagsindi
B. Napayapa D. Napasidhi

Page 5 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D1

4. Pinatawan nila ng napakalaking buwis ang lupain ng mga karaniwang


magsasaka.
A. Pinarusahan C. Dinagdagan
B. Siningil D. Pinagbayad

5. Matatayog ang mga kaisipang ginamit ni Balagtas sa kanyang akda.


A. Matataas C. Malalalim
B. Mahihirap D. Matatangkad

C. GAWAIN
Panuto: Mula sa iyong binasa, “Kalagayan ng Lipunan sa Panahon ng Pagkakasulat.
1. Paano sinakop ng mga Kastila ang bansa? Ipaliwanag ang KRUS at ESPADA
graphic organizer.

Paliwanag:_____________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Paliwanag:_____________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

_______________________________________________

Page 6 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D1

2. Paano naapektuhan ang personal na buhay ni Balagtas ng kalagayan ng


lipunan noong panahon niya? Ipaliwanag.

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

D. PAGLALAPAT

Panuto : Batay sa iyong sariling pagkakaunawa, isa-isahin ang mga Kalagayan ng


Lipunan sa Panahong naisulat ang Florante at Laura.

Kalagayan ng Lipunan sa Panahong


Naisulat ang Florante at Laura

E.PAGLALAHAT

Ang Florante at Laura ay naisulat ni


Francisco Balagtas sa panahon ng
pananakop ng Kastila. Layunin nitong
mailahad ang kanyang mga kabiguan, ang
mga hindi makatarungang karanasan sa
buhay at sa kanyang lipunan at higit sa lahat
ang kanyang himagsik.

Page 7 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D1

F. PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa


patlang ang salitang TAMA kung ito ay naglalahad ng kalagayan ng Lipunan sa
Panahon ng Pagkakasulat at MALI kung walang kaugnayan.

________1. Mahigit tatlong daang taon ang haba ng pananakop ng mga Kastila sa
Pilipinas.
________2. Nagsimula ang pananakop noong 1665 at natapos noong 1898.
________3. Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ginamit nila ang krus at espada.
________4. Tinakot ng mga Kastila ang mga Pilipino ng nakaririwasa.
________5. Inangkin ng mga Amerikano ang kayamanan ng samabayan.
________6. Sa Panahon ng mga Kastila, ang mga kababaihan ay pinagsaka ng lupa.
________7. Nagsisilbi ang mga kababaihan at inangkin ng simbahan.
________8. Ang sinumang sasalungat sa kanilang kagustuhan ay parurusahan ng
pamahalaan at simbahan.
________9. Magkasanid ang kapangyaraihan ng simbahang Katoliko at pamahalaan
sa pamamahala sa Pilipinas.
________10.Ipinagkait ng mga mananakop, ang malayang edukasyon sa
sambayanan.

References for Further Enhancement:

- Aklat
• Baybayin Paglalayag sa Wika at Panitikan 8 pahina 282-285.
REX Book Store. Inc. www.rexpublishing.com.ph

• LUNDAY 8 Wika at Panitikan (K TO 12 Edisyon) pahina 318-325.


Sunshine Interlinks Publishing House Inc. sunshine.publishing@yahoo.com

Inihanda ni:
Maribeth D. Soberano
Kalayaan National High School

Page 8 of 23
Pangalan:__________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:______________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D2

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan / Unang Linggo / Ikalawang Araw
Layunin: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa layunin ng pagsulat ng akda (F8PB-IVa-b-33)

A. ARALIN: ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG


FLORANTE AT LAURA

Isang tulang romansa ang “Florante at Laura”. Binubuo ito ng 399 na


saknong may lalabindalawahing pantig ang bawat taludtod; may apat na taludtod ang
bawat saknong; at may tugma. Gumamit ito ng mga piling salita, mga simbolo, tayutay,
at iba’t ibang pahiwatig.

ANG MAY AKDA AT ANG KANYANG LAYUNIN

Mahigit na 200 taon nang nasasakop ng mga Kastila ang Pilipinas, nang
isilang si Francisco Baltazar y dela Cruz sa Panginay,Bigaa, Bulacan noong Abril
2,1788. Panday ang kanyang ama at ang ina ay isang mabuting may bahay.

Nagsikap mag-aral si Kiko sa paaralang pamparokya sa kanilang bayan.


Nagpaalila siya sa kamag-anak kaa naipagpatuloy niya ang pagtuklas ng katarungan
sa Colegio de San Jose at Colegio de San Juan de Letran. Likas na makata si Kiko
mula pagkabata.

Nakilala at inibig ni Kiko si Maria Asuncion Rivera, na may palayaw na Celia,


nang nanirahan siya sa Pandacan,Maynila. Naging karibal niya sa dalaga si Mariano
Capule, isang mayaman at maimpluwensyag tao nang panahong iyon. Nagawa
niyang ipakulong si Kiko upang mailayo kay Celia. Habang nasa bilangguan, doon niya
kinatha ang “Florante at Laura.” Iniaalay niya ito sa dalaga. Halos kahawig ng
pangyayari sa kanyang buhay ang isinalaysay niya sa kanyang obra maestra.

Pinaghimagsikan ni Francisco Balagtas ang mga pang-aabuso ng mga


mananakop na Kastila laban sa mga Pilipino. Nasaksihan niya ang pagmamaltrato ng
mga dayuhan sa sariling bansa. Naglarawan ang kanyang akda ng mga tunay na

Page 9 of 23
Pangalan:__________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:______________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D2

Karugtong:

pangyayari sa bayan. Naglahad din ito ng mga aral sa pang-araw-araw na


buhay kaugnay ng katarungan, pagmamahal, paggalang sa magulang at mga
nakatatanda, sipag,tiyaga, disiplina, at kabayanihan.

Isinalaysay niya at tinuligsa ang maling pananampalatayang itinuro ng mga


prayle, na ang sinumang hindi yayakap sa Kristyanismo ay hindi mapupunta sa langit.
Binansagan nilang kalaban ng Diyos ang mga Moro. Doon nag-ugat ang hidwaan ng
mga Muslim at Kristyano sa Pilipinas. Ipinakita ni Balagtas na mali ang ganoong
kapaniwalaan. Tapat ay may mabuting kalooban ang sinumang may pananalig sa
Lumikha kahit na ano pa ang kanyang relihiyon.

Pinaksa rin ng tula ang maling pagpapalaki sa anak. Ipinakita rito kung
paano ang pagpapalayaw sa anak ay maaaring magbunga ng pagkamainggitin at
kataksilan. Sa kabilang dako, ang pagdisiplina at maayos na pagtuturo sa mga bata ay
magbubunga ng likas na katapatan, kabutihan, at kakayahang humarap sa mga hamon
ng buhay.

Naging matibay na inspirasyon ni Francisco Balagtas ang knyang personal


na karanasan. Ang kahirapan, pag-uusig, at pagpapabilanggo sa hindi malinaw na
kasalanan, at higit sa lahat, ang tapat na pag-ibig at kasawiang tinamo ay nagsilbing
apoy na lumagablab sa kanyang pagkatao. Nag uumapaw ang kanyang damdamin sa
isinulat na obra maestra. Naging daan ito upang maipahiwatig ang paghihimagsik ng
kanyang kalooban sa mga tunay pangyayari sa panahon ng mahabang pananakop ng
mga dayuhang Kastila.

Ginamit niya ang matatalinhagang salitang taglay ng wikang Tagalog sa


panahong ang mga manunulat ay sumusulat sa wikang Kastila. Dahil dito, naitago niya
sa mga kaaway ang tunay na layunin ng kanyang isinulat , ang imulat ang bayan sa
bulag na pagsunod sa pamahalaang Kastila at simbahang Katoliko sa panahong
kanyang kinagisnan.

References for Further Enhancement:

• Infantado, R., Ramilito, C. (2015) Baybayin 8 Paglalayag sa Wika at


Panitikan. REX Book Store. www.rexpublishing.com.ph

• Salva, R.,Guerrero, P., at Hernandez, R.(2019) Kayumanggi 8 sa Florante


at Laura (Unang Bahagi). Leo-Ross Publication.

Page 10 of 23
Pangalan:__________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:______________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D2

B. TUKLASIN

Panuto: Tingnan ang larawan at sagutin nang buong husay ang mga
sumusunod na katanungan.

Mga Tanong:
1. Sino ang nasa larawan? _________________________________________

2. Ano ang pagkakakilala ninyo sa taong nasa larawan?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
____

3. Ano-ano ang layunin ni Francisco Balagtas sa pagsulat niya ng kanyang


akdang Florante at Laura?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________

4. Mula sa iyong sariling palagay, ano-ano ang mahahalagang ambag niya


sa larangan ng panitikan sa ating bansa?
_______________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________

Page 11 of 23
Pangalan:__________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:______________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D2

C. GAWAIN
Panuto: Isa-isahin ang mga paghihirap na dinanas ni Francisco Balagtas at ang
kanyang mga layunin upang mapagtagumpayan ang pagsulat ng Florante at Laura.

Francisco Balagtas
Mga Paghihirap na Dinanas sa Mga Layunin sa Pagsulat ng
Panahon ng Kastila Florante at Laura

D. PAGLALAPAT
Panuto: Lagyan ng tsek ( ∕ ) ang bilang na tumutukoy sa layunin ni Francisco
Balagtas sa pagsulat ng walang kamatayang Florante at Laura.
__________1. Mailahad ang labis na sakit, kabiguan, kaapihan,himagsik, at kawalang
katarungang naranasan niya sa lipunang kanyang ginagalawan.
__________2. Makabuo ng isang akdang maiaalay kay Selya o Maria Asuncion
Rivera , ang babaeng minahal niya nang labis.
__________3. Maihayag ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas
kaugnay sa pamamahala ng mga Kastila.
__________4. Maisalin ang kanyang akda sa iba’t ibang wika at mabasa sa iba’t ibang
bansa.
__________5. Maging tanyag at mayaman sa pamamagitan ng pagbenta ng kanyang
akdang Florante at Laura.

E. PAGLALAHAT
TANDAAN:

“Ang buhay ng isang taong dakila ay dapat maging huwaran,


Pulutin natin ang mga kanais-nais na katangian at ito’y ating tularan”.
Mahalagang pag-aralan at makilala si Francisco Balagtas at ang kanyang
layunin upang matuklasan natin ang mga paghihirap at matinding pagsubok na
pinagdaanan niya sa pagsulat ng obra maestrang Florante at Laura.

Page 12 of 23
Pangalan:__________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:______________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D2

F. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang
letra ng tamang sagot.
_____1. Sino ang makatang sumulat ng Florante at Laura?
A. Andres Bonifacio C. Apolinario Mabini
B. Francisco Balagtas D. Jose P. Rizal
_____2. Kailan ipinanganak si Francisco Balagtas?
A. Abril 2, 1788 C. Abril 12, 1788
B. Abril 2, 1878 D. Abril 12, 1878
_____3. Saan ang lugar ng kapanganakan ni Francisco Balagtas?
A. Panginay, Bigaa, Bulakan C. Palanginan, Bigaa, Bulakan
B. Pandacan,Manila D. Balagtas, Bulakan
_____4. Ano ang hanapbuhay ng kanyang amang si Juan Balagtas?
A. Guro C. Panadero
B. Karpintero D. Panday
_____5. Ano ang taguri o palaway niya noong siya ay bata pa?
A. Kiko C. Juan
B. Francisco D. Jose
_____6. Sino ang babaeng nakilala at inibig ni Francisco Balagtas?
A. Maria Asuncion Reyes C. Maria Clara
B. Juana Tiambeng D. Maria Asuncion Rivera
_____7. Ang obra maestrang kinatha niya sa loob ng bilangguan.
A. Gramatica Castellana C. Florante at Laura
B. Canones D. Noli Me Tangere
_____8. Pananakop o kapanahunan naisulat ang Florante at Laura?
A. Instik C. Kastila
B. Hapon D. Amerikano
_____9. Isinalaysay niya at tinuligsa ang maling pananampalatayang itinuro ng mga
Prayle at binansagan na kalaban ng Diyos ang mga _________.
A. Persyano C. Moro
B. Kristiyano D. Muslim
_____10. Bakit nakulong si Balagtas sa Pandacan?
A. Dahil pinaratangan siyang naninirang puri
B. Dahil nagnakaw siya ng limpak-limpak na salapi
C. Dahil nakabuntis siya at ayaw niyang pakasalan
D. Dahil Dahil napatay niya ang taong gumagawa ng kuwento

Inihanda ni:
Maribeth D. Soberano
Kalayaan National High School

Page 13 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D3

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan / Unang Linggo / Ikatlong Araw
Layunin: Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng
pagsusuri sa epekto ng akda pagkatapos itong isulat (F8PB-IVa-b-33)

A. ARALIN: ANG KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG FLORANTE


AT LAURA

EPEKTO NG AKDA PAGKATAPOS ISULAT ANG “FLORANTE AT LAURA”


Mulat na mulat si Francisco Balagtas sa nagaganap sa kanyang lipunan.
Malakas ang kanyang kamalayang panlipunan. Hindi siya tuwirang nagmungkahi ng
rebelyon bilang solusyon sa pagmamalabis ng mga Kastila. Subalit napag-alab niya
ang puso ng kanyang mga mambabasa dahilan sa nag-uumapaw niyang
pagpapahayag ng damdamin sa kanyang akda- kapighatian, pagdurusa, pagkabigo,
paghihimagsik, pananalig, pagmamahal, pagmamalasakit at iba pa.

Masasabing ang “Florante at Laura” ay nakaimpluwensya sa iba pang


manunulat tulad nina Jose Rizal at Apolinario Mabini. Lagi raw dala ni Rizal ang sipi
nito saanman siya maglakbay. Marahil nakaimpluwensya rin ito sa kanya nang isulat
niya ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” na may kapareho ring tema at paksa.
Samantala, naisaulo raw ni Mabini ang akda at naisulat ang bersyon nito batay sa
edisyon noong 1878.

Matatayog ang mga kaisipang kanyang ginamit, gayundin ang mga salita
pahiwatig, at simbolo nito. Tunay na kahanga-hanga ang paraan ng kanyang
paglalahad. Kitang-kitang naging palabasa siya ng mga akdang klasiko. Damang-dama
sa kanyang pagsasalaysay ang sidhi ng lahat ng damdaming nais niyang ipahiwatig.
Marami sa mga manunulat noon hanggang sa kasalukuyang ang naimpluwensiyahan
ng kanyang estilo ng pagpapahayag.

Klasiko ang akdang ito ni Balagtas. Panghabang panahon. Isang akda itong
inangkin ng sambayanang Pilipino. Punong-puno ng magagandang kaisipan,
matulaing paglalarawan, at mga aral sa buhay.

Page 14 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D3

Karugtong:

Sino nga ba ang hindi pamilyar sa linyang:

Kung ang isalubong sa iyong pagdating.


Ay masayang mukha’t may pakitang giliw,
Lalong ingata’t pag-ingata’t kaaway na lihim,
Siyang isaisip na kakabakahin.

Praktikal ang kanyang mga paalala at magagamit na gabay sa pang-araw-araw


na buhay tulad ng kung paano dapat palakihin ng mga magulang ang kanyang mga
anak.

Para ng halamang lumaki sa tubig,


Daho’y nalalanta munting di madilig,
Ikaluluoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.

Makatotohanan ang kanyang mga salaysay gaya ng:

O pagsintang labis na makapangyarihan


Sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat,masunod ka lamang.

Kayamanan ng panitikang Pilipino ang awit na “Florante at Laura”. Isang kaban


ito na punong-puno ng mga hiyas na huhubog sa pagkatao ng sinuman—bilang
magulang, anak, mag-aaral,kaibigan,kasintahan,mamamayan,
pinuno,mandirgma,guro at iba pa. Isang napakahalagang baul itong nagtataglay ng
kasaysayan ng lumipas, katotohanan ng kasalukuyang, at ng pangarap at mithiin ng
hinaharap ng lipunang Pilipino.

References for Further Enhancement:

Aklat
• Infantado, R., Ramilito, C. (2015) Baybayin 8 Paglalayag sa Wika at Panitikan.
REX Book Store. www.rexpublishing.com.ph
• Salva, R.,Guerrero, P., at Hernandez, R.(2019) Kayumanggi 8 sa Florante at
Laura (Unang Bahagi). Leo-Ross Publication.
• Manlapaz,C.,Miranda, L. at Obispo, M.,(2019). Sinag ng Wikang Filipino
8.Innovative Educational Materials,Inc. www.iemi.ph

Page 15 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D3

B. TUKLASIN
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng salitang nasa Hanay A. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
_____1. kapighatian A. matataas
_____2. pagkabigo B. pag-ibig
_____3. paghihimagsik C. magaling
_____4. pananalig D. katipan
_____5. pagmamahal E. pagkabalisa
_____6. matatayog F. kalungkutan
_____7. kahanga-hanga G. paghihiganti
_____8. kasintahan H. pananampalataya
_____9. mandirigma I. inasam
_____10. inangkin J. kawal

C. GAWAIN
Panuto: Basahing mabuti ang isang pamilyar na linya mula sa saknong ng Florante
at Laura. Ibigay ang namayaning damdamin at ipaliwanag ito ng buong husay.

Kung ang isalubong sa iyong pagdating


Ay masayang mukha’t may pakitang giliw,
Lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,
Siyang isaisip na kakabakahin.

Namayaning Damdamin:_____________________________________________
Paliwanag:___________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_______
____________________________________________________________________
__

Page 16 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D3

D. PAGLALAPAT
Panuto: Matapos mong maunawaan ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at
Laura natitiyak kong namulat ka sa mga kaganapan sa panahong naisulat ito.
Bilang isang mag-aaral, maglahad ka ng epekto nito sa pamamagitan ng
paglikha ng isang tula. Bumuo ka ng dalawang (2) saknong na may malayang
taludturan.

____________________________
Pamagat

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

E. PAGLALAHAT
Tandaan: Mahalaga na malaman ang mga epekto ng akda pagkatapos isulat ni
Francisco Balagtas ang “Florante at Laura” sapagkat isa itong kayamanan ng
panitikang Pilipino na punong-puno ng mga hiyas na huhubog sa pagkatao ng
sinuman.

F. PAGTATAYA
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng
tamang sagot.

____1. Salamat s aiyo, O nanasang irog


Kung hahalagahan mo itong aking pagod,
Ang tula ma’y bukal ng bait na kapos,
Pakikinabangan ng ibig tumarok.
Bakit mahalaga ang kanyang tula?
A.Mamahalin ito ng kabataan C. magiging makata ang babasa nito
B.Magiging eksperto ang babasa nito D. makikinabang ang uunawa nito

Page 17 of 23
Pangalan:____________________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro:________________________________

Module Code-Pasay F8-Q4-W1-D3


_____2. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagtulak kay Balagtas upang likhain ang obra
maestrang Florante at Laura?
A.Kaapihan at himagsik C. sakit at kabiguan
B.Kawalang katarungan D. masasayang alaala sa pagkabata
_____3. Anong akda ang binubuo ng lalabindalawahing pantig, apat na taludtod at
nagsasaad ng buhay ng tauhan sa isang kaharian?
A. Awit C. Korido
B. Dalit D. Tula
_____4. Sino ang may-akda ng Florante at Laura?
A. Buenaventura Medina Jr. C. Francisco Balagtas
B. Jose dela Cruz D. Soledad Reyes
_____5. Alin sa mga sumusunod ang hindi napabilang sa apat na himagsik na naghari sa
isipan ni Balagtas ayon kay Lope K. Santos?
A. malupit na pamahalaan C. kultura at tradisyon ng dayuhan
B. hidwaang pananampalataya D. maling kaugalian at mababang uri ng
pamahalaan
_____6. Bakit itinuring ang Florante at Laura bilang isang obra-maestra ng panitikang Filipino
at nagbukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon?
A. Isinulat ang akda sa panahon ng Himagsikang Pilipino.
B. Isinulat ang akda sa Cebuano at isinalin sa Tagalog ni Balagtas.
C. Isinulat ang akada sa Tagalog sa panahong karamihan sa mga Pilipino ay hindi pa
sanay sa paggamit ng wikang Espanyol.
D. Isinukat ang akda sa Tagalog sa panahong karamihan sa mga Pilipinong manunulat
ay nagsusulat sa wikang Espanyol.
_____7.Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa Albanya ang sumasalamin sa pamamahala
noon ng mga Espanyol?
A. Kaliluan C. Kawalang katarungan
B. Kalupitan D. Lahat ng nabanggit
_____8. Sa iyong palagay bakit naisulat ang Florante at Laura?
A. Bigyang-halaga ang pagka Pilipino at lumaban para sa bayan
B. Maari pa ring magbuklod ang mga tao sa kabila ng magkaibang kultura.
C. Ibunyag ang katiwalian at bulok na Sistema ng pamamahala.
D. Maipadama sa bawat Pilipino ang paghihiganti sa mga kaaway.
_____9. Ano ang pamagat ng akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal na kung saan ginamit niya ang
Florante at Laura bilang inspirasyon sa pagsulat nito?
A. Ibong Adarna C. El Filibusterismo
B. La India Elegante D. Noli Me Tangere
_____10. Ayon sa pag-aaral, isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura sa panahon ng___?
A. Siya ay 40 taong gulang C. Bago siya mamatay
B. Sa unang pagkakataon niyang makulong D. Pagkatapos niyang ikasal

Inihanda ni:
Maribeth D. Soberano
Kalayaan National High School

Page 18 of 23
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro: _______________________
Module Code-Pasay-F8-Q4-W1-D4

KAGAWARAN NG EDUKASYON
SANGAY NG PAARALANG LUNGSOD, LUNGSOD NG PASAY

MODYUL SA FILIPINO 8
Ikaapat na Markahan / Unang Linggo / Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Nahihinuha ang kahalagahan ng pag-aaral ng Florante at Laura


(F8PN-Iva-b-33)

Aralin sa araw na ito: Malalaman ang Talambuhay ni Francisco ‘’Balagtas’’Baltazar at ang


pagkakasulat ng kanyang obra na ‘’Florante at Laura
PANIMULA

Talambuhay ni Francisco Balagtas Baltazar

Unang mga Taon


Si Francisco Balagtas Baltzar ay ipinanganak noong ika 2-Abril taong 1788 sa
Panginay,Bigaa(ngayon ay Balagtas),Bulacan.Tinatawag siyang Kiko at Balagtas.Ang
mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar at ang mga kapatid niya ay
sina Felipe,Concha at Nicolasa.Sa gulang na 11,lumuwas ng Maynla,upang makahanap ng
trabaho at makapag-aral. Pumasok siya una sa paaralang Parokyalsa Bigaa kung saan
siya’y tinuruan tungkol sa relihiyon. Naging katulong siya ni Donya Trinidad upang
makapgpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila.Pagkatapos,nag-aaral
naman siya sa Colegio de San Juan De Letran,at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.

Buhay bilang isang Manunulat


Taong 1835 nang manirahan si KIko sa Pandacan,Maynila.Dito nakilala si Maria
Asuncion Rivera.Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata.Siya ang
tinawag na ‘’Selya’’tinaguriang M.A.R ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at
Laura.Naging karibal niya si Mariano Kapule sa panliligaw kay Selya,isang taong ubod
ng yaman at malakas sa pamahalaan.Dahil sa ginawa niya sa pagliligaw kay Selya.Habang
nasa kulungan sya,pinakasalan ni Nanong Kapule si Selya kahit walang pag –ibig na
nadarama si Selya para kay Nanong Kapule.Doon sa KUlungan,isinulat niya ang Florante
at Laura sa papel ng De Arroz para kay Selya.

Trabaho at Pamilya
Noong 1838,nakalaya na siya sa kulungan.Nadestino at naging klerk sa hukuman si Kiko
noong 1840 sa Udyong,Bataan.Dito niya nakilala si Juana Tiambeng,,ang kanyang naging
asawa. Nagpakasal sila noong 1842.Si Tiambeng ay 31 at si Balagtas naman ay 54. Sa
kauna-unahang pagkakataon,ginamit ni Baltazar sa kanyang sertipiko ng kasal.
Doon,nagkaraoon siya ng apat na anak kay Juna Tiambeng.Humawak din siya ng mataas
na tungkulin sa Bataan-tenyente mayor at Juez de Semantera.

Huling mga Araw


Nabilanggo muli si Kiko sa Balanga,Bataan dahil sa sumbong na pinutol niya ang buhok
ng katulong na babae ni Alferez Lucas.Nakalaya siya noong 1861.Ipinagpatuloy niya ang
pagsusulat ng mga Komedya,Awit at Korido nang siya ay lumaya. Namayapa siya sa
piling ng kanyang asawa,Juana Tiambeng at mga anak noong ika-20 ng Pebrero
1862.Namatay siya sa gulang na 73,dahil sa sakit na pulmonya at dahil na rin sa kanyang
katandaan.

Page 19 of 23
Sinasabing ang mga pagsubok sa buhay ni Balagtas,at ang kanyang pagsusumikap upang
malagpasan ang mga ito,ang pumanday sa kaniya upang maging isang mabisa at
matagumpay na makata.

Ang kaniyang mga Sinulat


• Orosman at Zafira-isang komedya na may apat na bahagi
• Don Nuno at Selinda-isang komedya na may tatlong bahagi
• Auredato at Astrome-isang Komdyante na may tatlong bahagi
• Clara Belmore-isang komedya na may tatlong bahagi

• Abdol at Misereanan-isang Komedya


• Bayaceto at Dorslica-isang komedya na may tatlong bahagi
• Almasor at Rosalinda-isang komedya
• La India Elegante y El Negrito Amante,’’ Sayneteng may isang yugto lamang at itinanghal sa
Udyong noong ika-8 ng Mayo taong 1860,isang taon bago mamatay ang makata

Pag-aaral ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isang tulang pasalaysay ng pag-ibg,at puno ng pagpapahalaga sa


kabutihang –asal.Sinulat ito ni Balagtas dahil sa kaniyang marubdob na pagnanais na maisiwalat ang
di kanais –nais na mga pangyayari sa kanyang bayan.Matagumpay niyang nagawa ito na hindi
mapapahamak ang sariling buhay sa pamamagitan ng paggamit ng mga tuhan ay mga Pilipino at
Espanyol subalit ang mga pangyayari ay ginanap sa Albanya sa halip na sa Pilipinas.

Nilimbag ang Tula noong 1838 sa Palimbagan ng Unibersidad ng Santo Tomas.Ito ay


binubuo ng tatlong bahagi:una,tulang paghahandog kay MAR(Maria Asuncion
Rivera;ikalawa,panimulang tula sa babasa nito;at ikatlo,ang nilalaman ng tula,pagsasalaysay ng
kaniyang buhay.

Nagbibigay ng paalala si Balagtas sa mga mambabasa na huwag pakialaman ang awit na


isinulat na niya,panatilihin ang anyo at ang nilalaman ng kaniyang tula.Hindi nagkamali si
Balagtas sa pagbibigay niya ang babala,sapagkat umani ng papuri at kinilala rin ng ibang bansa.ang
akda niyang ‘’Florante Laura’’.Napakataas na uri mg akda niyang ito na ginamitan niya ng mga
matatalinghagang pananalita,gumamit din siya ng ibat-ibang sagisag na lalong ikinaganda ng
awit.Nagpapakita na rin ito ng mga makatotohanang pangyayari at higit sa lahat ,ito’y nagtuturo sa
mga mambabasa ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng Kastila.Sa kasalukuyan,ang Florante
at Laura at itinuring na epiko ng mga Tagalog.
.

Sanggunian:
Pinagyamang Wika at Panitikan,
Batayang Aklat sa Filipino 8
Tl.wikepidia.org/wiki/Francisco_Balagtas

Page 20 of 23
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro: ______________________
Module Code-Pasay-F8-Q4-D4

Gawain 1:

Sagutin Natin

Panuto:Gamitin ang grapikong pantulong upang matukoy ang mahahalagang


impormasyon sa buhay ni Francisco Baltazar Balagtas.

Kapanganakan Mga magulang

Asawa Pinag-alayan ng kanyang


obra

Francisco
Balagtas

Mga akdang naisulat Kamatayan

Gawain 2.

Panuto: Sagutin ang mga sumusnod na tanong:

1.Paano napaunlad ni Balagtas ang kanyang sarili sa larangan ng pagsulat?

2. Ano-ano ang kabiguang naranasan ni Balagtas sa buhay?

3..Bakit naisipan ni Balagtas ang’’Florante at Laura”?

4.Bakit inialay ni Balagtas kay Selya ang tula niyang’’Florante at Laura?

5.Maituturing mo bang bayani si Balagtas sa kaniyang panahon?Bakit

Malinaw na ba sa iyo ang ating aralin? Kung hindi pa, maaari mong balikan ito. Kung
handa ka na halina’t iyong sagutan ang iba pang gawain..

Page 21 of 23
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro: _______________________
Module Code-Pasay-F8-Q4-W1-D4

Gawain 3:

Panuto: Gamit ang grapikong pantulong,isa isahin ang iyong hinuha sa kahalagahan ng pag-
aral ng ‘’Florante at Laura’’.

Hinuha sa
Kahalagahan
Ng “Forante
At Laura”

Mahalagang Pag-unawa

Mahalagang pag-aralan ang talambuhay ni F.Balagtas dahil


matatuklasan dito ang mga hirap at matinding pagsubok na
pinagdaanan niya lalo na sa pag-ibig niya kay Selya,na walang iba
kundi si Ma.Asuncion Rivera.Siya ang naging inspirasyon niya sa
pagsulat ng tulang’’Florante at Laura’’.

Page 22 of 23
PANGALAN: _______________________ Taon at Pangkat:_______________
Guro: _______________________
Module Code-Pasay-F8-Q4-W1-D4

Paglalahat:
Panuto:Pagkatapos mong mabasa ang Talambuhay ni Balagtas,Ilahad sa iyong sariling
pangungusap ang mahahalagang aral na natutuhan mo sa kanyang buhay.

1 .______________________________________________________
________________________________________________________

2. _______________________________________________________
________________________________________________________
3 ._______________________________________________________
________________________________________________________

Pagtataya:
Panuto: Batay sa akdang iyong binasa,paano ipinakita ni Balagtas ang sumusunod na
mga sitwasyon.Bigyan ito ng paliwanag batay na rin sa kanyang mga naging
karanasan sa buhay
Isulat sa sa tamang hanay ang tamang sagot.(3 puntos bawat bilang)

Paliwanag/Patunay
1.Wagas na pag-ibig para kay M.A.R

2.Layunin ni Balagtas sa Pagsulat ng


‘’Florante at Laura’’

3.Kalagayang panlipunan sa panahong


isinulat niya ang’’Florante at Laura’’

Inihanda ni:
Maricel V. Calimlim,
Guro sa Filipino
President Corazon’’Cory’’ C.Aquino National High School

Page 23 of 23

You might also like