You are on page 1of 2

PRECIOUS INTERNATIONAL SCHOOL OF DAVAO

Santos – Cuyugan Avenue, GSIS Heights, Matina, Davao City


HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Filipino 8–Ikaapat na Kwarter na Pagbabalik-aral

I. Pagtapat-tapat: Pagtapatin ang pagbabaybay sa kolum A sa mga kasingkahulugan nito sa


kolum B.

Kolum A Kolum B
1. alituntunin A. sabi
2. pamantayan B. batas
3. mahahagilap C. krayterya
4. mapapasubalian D. maitatanggi
5. ipinagwalambahala E. mahahanap
F. ibinabalewala

I. Identipikasyon: Tukuyin at isulat ang wastong kasagutan sa bawat tanong sa ibaba.

1. ___________________ Kung ang korido ay parehong uri ng tulang romansa, ilang


pantig sa bawat taludtod ang sa awit?
2. ________________ Ano ang taguri o tawag kay Francisco Balagtas?
3. ________________ Dahil sa iba’t ibang kabiguan ay sinasabing naisulat ni Francisco
Balagtas ang awit na Florante at Laura. Sinong babae ang pinakamamahal ni Balagtas
na siyang pinagmulan ng kanyang matinding kabiguan sa pag-ibig?
4. ________________ Sino ang unang nagpakulong kay Balagtas?
5. ________________ Sino ang mabuting kaibigan ni Florante na naging kaklase niya sa
Atenas at minsa’y nakapagligtas din sa kanyang buhay?
6. ________________ Sa simula pa lang ng awit na Florante at Laura ay makikita ang
kaawa-awang kalagayan ni Florante. Sa anong puno iginapos o itinali si Florante sa
kagubatan?
7. ________________ Sa kabila ng malungkot at kaawa-awang kalagayan ni Florante sa
loob ng gubat ay mayroong nakakita sa kanya. Sino ang gererong moro na ito na
tumulong sa kanya mula sa dalawang leon?
8. ________________ Sino ang pinagmulan ng kabiguan at masakit na kalooban ni
Florante noong siya’y nakatali sa isang malaking puno dahil pinaniniwalaan niyang ito’y
nagtaksil sa kanya?
9. ________________ Sino ang mahigpit na kaaway ni Florante na pinaniniwalaang may
kagagawan ng lahat ng paghihirap nito sa kagubatan at ang matinding kaagaw o karibal
nito sa pag-ibig?
10. ________________ Sino ang mahigpit na ama ni Aladin na naging kaagaw o karibal
niya sa pag-ibig kay Flerida?

III. Pagpapaliwanag: Basahin ang maikling mensahe sa loob ng kahon at ipaliwanag ito sa loob
ng isa hanggang dalawang pangungusap. (Nilalaman- 3 pts; Balarila- 2 pts/ 5 pts)

1.
Hindi Kristiyano si Aladin subalit isinabuhay niya
ang sinasabi ng Bibliya sa Mateo 5:44 “Ngunit ito
naman ang sinasabi ko, ibigin ninyo ang inyong mga
kaaway at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa
inyo.”

 Magbanggit ng isang bahagi o pangyayari sa awit na Florante at Laura na maiuugnay mo


sa maikling mensahe sa itaas.

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

 Paano mo maisasabuhay ang mensaheng ito sa susunod na may makaaway ka?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

2.
Mahal na mahal ni Florante ang kanyang ama. Ang
matinding hirap na pinagdaraanan niya ay napagagaan
ng masasayang alaala nilang mag-ama.

 Ano ang masasabi mo sa mensaheng ito?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

 Paano mo maisabuhay ang mensaheng ito kapag pinagsabihan ka ng iyong ama o ina na
tigilan ang pagpupuyat dahil sa social media at matulog na nang maaga?

_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________.

You might also like