You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Quezon
Pagbilao, Quezon
BUTANGUIAD NATIONAL HIGH SCHOOL
Butanguiad, San Francisco, Quezon
S.Y. 2019 – 2020
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO 8
Pangalan:_________________________ Petsa:___________________
Taon:________Pangkat: ____________ Iskor:____________________
I. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____1. __1. May himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
a.Epiko b. Awiting Bayan c. Tulang Liriko d. Balad
__2. Tulang may labing- apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batirin ng
likas na pagkatao at sa kabuuan.
a.Awit at Kurido b. Soneto c. Dalit d. Pastoral
__3. Nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga
kababalaghan.
a.Epiko b. Awiting Bayan c. Tulang Liriko d. Balad
__4. Nagpapahayag ng damdamin tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa
paggunita ng isang yumao.
a. Elehiya b. Komedya c. Oda d.Saynete
__5. Awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.
a. Awit at Kurido b. Soneto c. Dalit d. Pastoral
__6. Mga paksang hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran at ng mga
tauhan ng mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa.
a. Awit at Kurido b. Soneto c. Dalit d. Pastoral
__7. May layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
a. Awit at Kurido b. Soneto c. Dalit d. Pastoral
__8. Karaniwang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-
asa at kalungkutan.
a.Epiko b. Awiting Bayan c. Tulang Liriko d. Balad
__9. Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy o iba pang masiglang damdamin.
a. Elehiya b. Komedya c. Oda d.Saynete
__10. Nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao o kaya’y likha ng
mapangaraping guni-guni ng makata batay sa isang karanasan.
a.Epiko b. Awiting Bayan c. Tulang Liriko d. Balad
__11. Ang sangkap ay piling-piling at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan
ng manonood.
a. Elehiya b. Komedya c. Oda d.Saynete
__12. Ang paksa sa dulang ito ay karaniwang pag-uugali ng tao sa pook.
a. Elehiya b. Komedya c. Oda d.Saynete
__13. Karaniwang ginagamit sa lahat ng tulang musical, kasama na ang opera.
a. Melodrama b . Duplo c. Trahedya d. Parsa
__14. Uri ng tula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing kawing mga
pangyayaring nakakatawa.
a. Melodrama b. Duplo c. Trahedya d. Parsa
___15. Humalili sa karagatan. Paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.
a. Melodrama b. Duplo c. Trahedya d. Parsa
___16. Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tanong kariktang makikita sa silong ng
alinmang langit.
a.Fernando Monleon b. Inigo Ed REgalado c. Amado V. Hernandez d. Julian Cruz Balmaceda
___17. Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan na natipon sa isang kaisipan upng
maangkin ang karapatang matawag na tula.
a.Fernando Monleon b. Inigo Ed REgalado c. Amado V. Hernandez d. Julian Cruz Balmaceda
___18. Ang pagtula’y panggagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal.
a.Fernando Monleon b. Inigo Ed REgalado c. Amado V. Hernandez d. Julian Cruz Balmaceda
___19. Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.
a. Alejanro G. Abadilla b. Inigo Ed REgalado c. Amado V. Hernandez d. Julian Cruz Balmaceda
___20. Awit ng pag- ibig ng mga Tagalog.
a. Kundiman b. Oyayi c. Soliranin d. Talindaw
___21. Awit na pampatulog ng sanngol.
a. Kundiman b. Oyayi c. Soliranin d. Talindaw
___22.Awit ng mga Tagalog tungkol sa panggagaod.
a. Kundiman b. Oyayi c. Soliranin d. Talindaw
___23. Siya ang kauna- unahang sumulat ng tulang nasusulat sa Wikang Ingles.
a. Justo Juliano b. Fernando Maramag c. Jose Garcia- Villa d. Zulueta de Costa
___24. Nagpalimbag ng isang aklat ng mga tula kung saan nakapaloob ang Like the Molave.
a. Justo Juliano b. Fernando Maramag c. Jose Garcia- Villa d. Zulueta de Costa
___25. Natamo niya ang pinakamataas na gawad pang- akademiko, ang Doctor of Humane Letters, Honoris
Causa, at ang National Artist Award.
a. Justo Juliano b. Fernando Maramag c. Jose Garcia- Villa d. Zulueta de Costa
___26. Hindi kabilang sa mga akda ni Fernando Maramag.
a. A Christ Without a Cross b. The Atheist c. First Leave d. Jose P. Rizal
___27. Tulang namalasak noong panahon ng Hapones. Ito ay nahahati sa tatlong taludtod.
a. Tanaga b. Haiku c. Elehiya d. Dalit
___28. Isang saglit na pagtigil sa pagbigkas base sa diwang hinihingi sa isang taludtod.
a. sukat b. tugma c. tono d. sesura
___29. Tumutukoy sa mga pantig sa bawat taludtod ng saknong.
a. sukat b. tugma c. tono d. sesura
___30. Pinakamahalagang elemento ng tula. Pare-parehong tunog sa huling salita sa bawat taludtod.
a. sukat b. tugma c. tono d. sesura
___31. Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng mga salita tulad ng pagkakasunod- sunod ng may diing pantig sa
isang taludtod.
a. sukat b. tugma c. tono d. sesura
___32. Kabuuang kaisipang nakapaloob sa tula.
a. tema o paksa b. talinghaga c. simbolo d. kariktan
___33. Mga salitang ginagamit sa tula na nag- iiwan ng kahulugan sa mapanuring kaisipan ng mambabasa.
a. tema o paksa b. talinghaga c. simbolo d. kariktan
___34. Paggamit ng mga pili, angkop at maririkit na salita.
a. tema o paksa b. talinghaga c. simbolo d. kariktan
___35. Tinatawag ding ritmo na nangangahulugang galaw ng sukat.
a. aliw-iw o indayog b. persona c. simbolo d. kariktan
___36. Di tuwirang binabanggit sa tula, subalit ditto nagmumula ang mensahe o kaisipang nakapaloob sa tula.
a. aliw-iw o indayog b. persona c. simbolo d. kariktan
___37. Paggamit ng matatalinghagang salita na may malalim na kahulugan at mga tayutay.
a. tema o paksa b. talinghaga c. simbolo d. kariktan
___38. Hindi kabilang sa makabagong manunulat.
a. Nick Joaquin b. Dominador Ilio c. Andres Cristobal Cruz d. Aniceto F. Silvestre
___39. Siya ang may- akda ng The Innocence of Solomon.
a. Nick Joaquin b. Dominador Ilio c. Andres Cristobal Cruz d. Aniceto F. Silvestre
___40. Sumasalamin sa buhay ng isang tao. Mababatid ang pinagmulan ng akda tulad ng tula.
a. tradisyon b. kultura c. panitikan d. relihiyon
Inihanda ni: JEFFREY U. MANZANERO (Guro sa Filipino 8)

You might also like