You are on page 1of 8

IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

Taong Panuruan 2019-2020

Pangalan: ___________________________________________ Iskor: _____________________


Baitang at Pangkat: ____________________________________ Petsa: ____________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tanong/pahayag. Tukuyin at


bilugan ang katumbas na letra ng pinakatamang sagot.

Para sa Aytem Blg. 1-5:

Parami nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito,
nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga
paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot,
marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang
mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng
klase kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang
maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paalalahanan ang kanilang
mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa kanila ang pagmamahal, pagpapahalaga at
pagtanggap sa kanilang mga anak.

1. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng ______.


a. sanhi at bunga c. paraan at resulta
b. b. paraan at layunin d. kondisyon at kinalabasan
2. Maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying ay….
a. pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya.
b. takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
c. pananakit ng mga magulang sa kanilang anak.
d. takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.
3. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na
paalalahanan ang kanilang mga anak. Alin ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na
ipinapahiwatig sa pahayag?
a. bunga + sanhi c. paraan + resulta
b. sanhi + bunga d. resulta + paraan
4. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?
a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
d. Pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.
5. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang
panlipunan?
a. Nakapagpapalawak ng interes ng madla.
b. Natatalakay dito ang iba’t ibang panig ng isang isyu.
c. Nabibigyang pansin ang mga mahuhusay na direktor.
d. Nakapagbibigay aliw at sigla sa mga manonood.

Para sa Aytem Blg. 6-10:

Roel: “Partner talaga naming mainit na isyu ‘yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa
Senado.”
Macky: “Oo nga, partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh malamang
nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit nakapikit!
Roel: “Sinabi mo pa, partner!”
Macky: “Ano ba talaga ‘yang FOI, partner?”
Roel: “Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at
masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.”
6. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
a. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang pubIiko
na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
b. Kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko
na ipasa ‘yan kahit nakapikit!
c. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demand doon.
d. Naku! Delikado naman pala iyan!
7. Batay sa pahayag na, “Oo nga, partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit nakapikit!”, Ano
ang nais ipahiwatig ng opinyon ng komentarista sa pahayag?
a. May mga politikong tiwala sa pamahalaan.
b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.
8. Paano nakatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng
halimbawang nabasa?
a. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga
personalidad.
b. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa.
c. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mga mamamayang tagapakinig.
9. Mula sa binasang iskrip, alin ang salitang ginamit na nagpapakilala ng konsepto ng pananaw
mula sa akda?
a. naman pala b. sabi nga c. sang-ayon sa d. ng mga
10. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong
panradyo?
a. Tumungo sa malapit na istasyon ng radyo at magsagawa ng interbyu.
b. Makinig ng isang halimbawa ng komentaryong panradyo.
c. Magsaliksik ukol sa mahuhusay na komentarista sa radyo.
d. Magakroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyung tatalakayin.

Para sa Aytem Blg. 11-20:

Tabloid: Isang Pagsusuri


“Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagamat ilan dito ay Ingles ang medium.”
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya ang presyo. Ang katibayan nito ay ang
dami ng tabloid na makikita sa bangketa. Bumebenta pa rin kahit na ang mga balita ay lumalabas sa telebisyon at
naiulat na rin sa radio. May sariling hatak ang mga print media dahil lahat ay di naman nababalita sa TV at radio. Isa
pa, hanggat naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mga mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa
ng tsismis, sports at literatura o di kayay sumagot ng palaisipan. Pinagsama sama na ata ang lahat sa diyaryo para
magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa
dahil sa Tagalog ito nakasulat bagamat ilan dito ay Ingles ang medium. Hindi katulad ng broadsheet na ang target
readers ay Class A at B. ‘Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang diin ang tungkol sa sex at karahasan
kayat tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating
bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuro ng journalismo na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?

11. Ayon sa pagsusuri, paano inilarawan ang tabloid?


a. Ito’y babasahing para sa mahirap lamang
b. Malaki ang epekto nito sa mamimili
c. Malakas ang panghatak ng tabloid dahil sa Tagalog nakasulat
d. Sa labas man o sa loob ng bansa ay mayroong tabloid
12. . Bakit mas marami pa ring nagbabasa ng tabloid kaysa sa broadsheet?
a. Mas mura ito at mas kayang bilhin ng mas maraming pangkaraniwang mamamayan
b. Mas marami ang hindi nakakaunawa ng Ingles sa Pilipinas
c. Mas maraming mababasa tungkol sa artista, libangan at isports
d. Maraming nakakaaliw at makabuluhang babasahin ang makikita rito

13. Kakanyahan ito ng isang tabloid upang masabing isa sa mga popular na babasahin sa
kasalukuyan maliban sa isa.
a. May mga nakaw na atensyong larawan ng hubad na kababaihan.
b. Pahayagang naglalaman ng iba’t ibang balita at artikulo.
c. Pahayagang itinuturing na sensationalized journalism.
d. Pahayagang higit na binibigyang-diin ang sex at karahasan.
14. Mahalaga pa ba ang pahayagan sa modernong panahon?
a. Hindi na dahil mas gusto na ng mga tao ang napapanood at napapakinggan kaysa binabasa
b. Depende sa tao kung ano ang kanyang libangan- ang pagbabasa ba , panonood o pakikinig
c. Oo, dahil hindi naman lahat ng balita ay mapapanood sa TV o mapapakinggan sa radyo
d. Oo, dahil ito ang lumang pamamaraan ng pagkuha ng impormasyon
15. Bilang isang mag-aaral gaano kahalaga ang pagbasa ng isang pahayagan?
a. Napakahalaga upang magkaroon ng pambansang kamalayan sa kasalukuyang pangyayari
sa bansa.
b. Sobrang halaga upang makasagot lagi sa mga katanungan ng guro sa bawat asignatura.
c. Mahalagang mahalaga upang maging una sa mga kanagapan lalo na sa social media.
d. Pinakamahalaga ang impormasyong makukuha sa pahayagan upang maging matalino .
16. Paano mapapahalagahan ng isang mag-aaral na katulad mo ang isang pahayagan?
a. Ibebenta ito sa kapwa mag-aaral upang kanilang Mabasa
b. Sasagutan ang mga crossword puzzle at palaisipan.
c. Palaging bibili ng mga diyaryo sa pamilihan upang may mabasa.
d. Pananatilihin ang pagsubaybay sa lipunan sa pamamagitan ng pagbasa nito.
17. Sa pahayag na “Saan mo naman ninenok yan?” Ang nais ipakahulugan nito ay?
a. Tinatanong kung saan ito nabili c. Tinatanong kung saan maaring magamit
b. Tinatanong kung saan ito nakita d. Tinatanong kung saan ito nakuha.
18. Sikat na sikat ang linyang “Sana all may jowa!” sa mga kabataan, sa pahayag na ito ang nais
ipakahulugan nito ay?
a. Umaasang ang lahat ay may asawa na
b. Naghahangad na magkaroon ng kaibigan
c. Humihiling na sana ang lahat ay may kasintahan
d. Nagnanais na makahanap ng manliligaw
19. Sa pahayag na “Marami ka na namang datung.” nangangahulugan itong?
a. Marami siyang problema c. Maraming nais makaaway siya
b. Maraming nagmamahal sa kanya d. Maraming perang hawak
20. “Nandyan na ang mga parak, takbo na!” Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na ito?
a. May mga asong humahabol sa kanila kaya kailangan nang tumakbo.
b. Nandyan na ang mga naniningil ng utang kaya magtatago na sila.
c. Dumarating na ang mga pulis at kailangan nang umalis bago mahuli.
d. Kailangan ng magsialis bago maabutan ng mga nagpapautang.

Para sa Aytem Blg. 21-28:


SKYFAKES
(Eros Atalia III)
Alasdose na! Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina. Lunch break. Niyaya siya ng mga ito na
mananghalian. “Sunod na ako tapusin ko lang ang pinagagawa ni sir, kailangan daw ng 2 pm e” wika niya.
Naiwan siya sa opisina. Pinagmasdan niya ang trabaho. Unti-unting umiinit. Hinubad niya ang blaser. Pinatay
kasi ang aircon ng opisina nila kapag lunch break 12:40 tapos na ang trabaho.Tinext siya ng kanyang kaopisina kung
nasaan na siya. Nag reply siya” di pa tapos nxttym na lang nwy I’ll just eat my baon here’”.

Kinakailangan niyang mapromote. Kailangan niya lang siguro ng magandang break. Sa pinapatrabaho ng kanyang
boss, baka ito na ang kanyang break. Mula sa kanyang kinauupuan. Kitang-kita niya ang nagdidilim na langit. Dinukot
ang pitaka. Binuksan. Tinitigan ang larawan ng mga anak. Binilang ang barya sa pitaka. Muli tiningnan ang langit, “wag
kang uulan wag”.
21. Sa akdang binasa, alin ang paksang nangibabaw at binigyang diin?
a. Magsumikap upang mapagtagumpayan ang minimithing pangarap.
b. Magpakitang gilas palagi upang mapansin ng boss.
c. Ugaliing magtipid dahil kaakibat ito ng tagumpay.
d. Maging maagap sa lahat ng oras lalo na sa oras ng trabaho.
22. Ayon sa mga salitang nakasalungguhit sa akda, mahihinuha ang tono ng nagsasalita bilang?
a. nag-aalala b. nagagalit c. nagmamakaawa d. nakikiusap

23. Paano binigyang kahulugan ng tauhan ang gawaing pinatatapos sa kanya ng kanyang Boss?
a. Pagkakataon niyang makaiwas sa mga samahan
b. Nakapigil iyon upang makauwi siya ng maaga sa pamilya
c. Iyon na ang kanyang hinihintay na break
d. Sagabal ang Gawain upang makakain siya sa oras
24. Bakit gayon na lamang ang pagnanaisnais ng tauhan na siya ay ma-promote?
a. Upang magkaroon ng magandang sweldo c. Upang makatikim ng masarap na pagkain
b. Para sa pamilya na kanyang inspirasyon d. Para sa pansariling kapakanan
25. Sa akdang Skyfakes, bakit mas pinili ng tauhan na manatili na lamang sa opisina at hindi
mananghalian?
a. Maiinit na ang panahon kaya hindi siya makakasama sa mga kasamahan
b. Nagsilabasan na ang kanyang mga kasama na hindi man lang siya inaya
c. Nais niyang sa opisina na lamang mananghalian
d. Tatapusin ang trabahong pinagagawa sa kanya ng amo
26. Suriin ang mga sumusunod na pangungusap, alin ang nagpapakita ng positibong pahayag?
a. “di pa tapos nxttym na lang nwy I’ll just eat my baon here’”
b. “Sunod na ako tapusin ko lang ang pinagagawa ni Sir, kailangan daw ng 2 pm e”
c. “Makisama ka naman, wag kang uulan, ‘wag.”
d. Sa pinapatrabaho ng kanyang boss, baka ito na ang kanyang break.
27. Paano naging malinaw at kani-paniwala ang mga pahayag ng mga komentarista sa radyo?
a. Tutok sa social media ang mga komentarista.
b. Nanonood ng telebisyon araw-araw upang makabalita.
c. Nagsasaliksik ng mga impormasyon sa mga napapanahong isyu.
d. Nangangalap ng sarbey upang makakuha ng mga datos.
28. Sa pagsulat ng komentaryong panradyo, narito ang dapat tandaan maliban sa isa…
a. Magsaliksik ng mga impormasyon
b. Ugaliing tumutok sa mga social media sites
c. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na binanggit sa detalye
d. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya sa paksa

Para sa Aytem Blg. 29-39:


Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay sa iba’t
ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrument o midyum upang
maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw.
Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga
katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga kakulangang dapat
maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay nagigising upang harapin ang hindi
mapasusubaliang katotohanan. Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay
makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng
iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan.

29. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang
kamalayan ng bawat indibidwal?
a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.
30. Bilang isa sa kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling
talata?
a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
c. Maging isang lider upang maging sikat.
d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.
31. Bilang isang kabataan, ano ang epekto sa iyo ng mga pelikula at dokumentaryong Pilipino?
a. Namumulat sa mga pangyayari at isyu ng bansa
b. Nakatutulong upang makagawa ng isang pelikula
c. Naaaliw sa magandang eksena
d. Wala dahil hindi naman ako mahilig sa pelikula
32. Marami sa pelikulang Pilipino ang tahasang tumatalakay sa mga isyu at suliranin sa lipunan,
bilang isang mag-aaral paano mo maibabahagi sa iba ang kahalintulad na isyu?
a. Magpanuod ng iba’t ibang dokumentaryong pampelikula
b. Magpanood ng action movies
c. Mag-post sa fb ng mga suliranin sa lipunan
d. Sarilinin na lamang ang nalalaman
33. Bakit nakatutulong ang musika sa isang pelikula?
a. Nakapagdaragdag ng kagalakan sa bawat manonood.
b. Nabibigyang pagkakataon ang manonood na mailabas ang damdamin.
c. Nabubuhay nito ang eksenang malulungkot at masasaya.
d. Nababago nito ang tindi ng emosyon sa pelikula.
34. Maganda ang mga pelikulang nagtatampok sa magagandang tanawin at kultura ng ating bansa.
Alin sa mga sumusunod ang may kaugnayan sa pahayag na binanggit?
a. Hindi mauubusan ng paksa ang mga manunulat.
b. Higit itong nauunawaan ng manonood.
c. Napupukaw nito ang damdaminng makabayan ng manonood.
d. Ibang-iba ang ating kultura.
35. Karaniwan nang naapektuhan ng mga pandramang pelikula ang bisang…
a. pangkaisipan b. pandamdamin c. pangkasalan d. pangangatwiran
36. Sa isang pelikula, gaano kahalaga ang ginagampanan ng isang direktor?
a. Tagapaghanda ng mga kakailanganing pera para sa produksyon.
b. Hahanap ng mga magagandang lokasyon na maaaring maging tagpuan sa pelikula.
c. Nakakaalam kung paano patatakbuhin ang istorya at pakikilusin ang mga artista.
d. Bahalang maglakad sa mga sinehan upang maipalabas ang pelikula.
37. Masasabing mabisa ang isang pelikula kung…
a. Natuwa ang mga manonood c. Maganda ang istorya ng pelikula
b. Naantig ang damdamin ng mga manonood d. Malinaw na naipahatid ang mensaheng nais
sabihin
38. Nilalayon ng pelikulang ipabatid sa mamamayan ang kahalagahan ng pagkakaisa. Ang pahayag
na maaaring idugtong dito ay…
a. upang matuto silang makibagay sa isa’t isa.
b. at pagtulungan sa pagtatamo ng minimithing tagumpay.
c. sapagkat wala nang iniisip ang tao kundi ang sarili.
d. dahil napag-iiwananan na ang bansa sa ‘di pagkakasundo-sundo
39. Ang unang dapat isulat sa suring-pelikula ay…
a. may-akda b. prodyuser c. pamagat d. artista

Para sa Aytem Blg. 40-46:

Mabuting pagkakaibigan ang paksa ng pelikulang Happy Together. Matalik na magkaibigan sina Lian: hiwalay sa
asawa’t may dalawang anak sa magkaibang lalake at Osmond na isang bakla. Ideyal ang kanilang pagkakaibigan kahit
paminsa-minsa’y nagkakaroon sila ng tampuhan. Sa mga problemang pinansyal ni Osmond, si Lian ang laging
tumutulong sa kanya sapagkat higit na nakaririwasa siya sa buhay. Nagkahiwalay silang magkaibigan nang magpasya
si Lian na manirahan sa ibang bansa kasama ang dalawang anak.
Nang magbalik sa bansa si Lian, nalaman niyang may sakit si Osmond. Siya ang nag-alaga sa kaibigan. Ibinuhos
niya ang panahon sa pag-aasikaso sa may sakit hanggang sa ito’y mamatay. Nang tumanggap ng parangal si Lian dahil
sa matagumpay nitong negosyo, si Osmond ang taong kanyang pinaghandugan ng karangalang nakamit.
Buod ng pelikulang “Happy Together”

40. Sa kabuuan, ang mensahe ng pelikula ay tungkol sa…


a. Pagpapakasakit sa kapwa c. Pagiging tapat na kaibigan
b. Pagtulong sa iba d. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba
41. Paano binigyang diin ang tauhang si Lian?
a. Kahit may pinagdadaanang personal na isyu sa buhay naging mabuting kaibigan kay
Osmond.
b. Hindi naging hadlang ang kasarian upang maipakita ang pagmamahal sa kaibigan.
c. Nakaririwasa sa buhay kung kaya’t naging takbuhan ni Osmond.
d. Hiwalay sa asawa kaya itinuon na lamang sa kaibigan ang pagmamahal.
42. Nangyayari sa totoong buhay ang naganap sa pelikula samakatuwid, ito ay masasabing…
a. Talambuhay b. replika c. kathang-buhay d. makatotohanan
43. Paano ipinakilala ang tauhang si Osmond sa pelikula? Si Osmond ay ______
a. isang bakla at laging gipit pagdating sa pinansyal.
b. isang bakla, nakaririwasa ang buhay tulad ni Lian.
c. materyoso at maraming pinagkakautangan.
d. laging umaasa kay Lian lalo na pagdating sa pera.
44. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Lian, gagawin mo rin ba ang damayan ang kaibigan mong
nangangailangan?
a. Oo, dahil maari akong sumikat sa social media sa aking gagawin.
b. Oo, dahil ang tunay na kaibigan ay mananatiling tapat hanggang huli.
c. Hindi, kasi may sarili akong buhay na dapat pagtuunan ng pansin.
d. Hindi, mayroon naman siyang mga kapamilya na maaring tumulong.
45. Matapos mabasa ang kuwento, nakadama ka ng…
a. pagkaawa b. paghanga c. pagkainggit d. pag-imbot
46. Batay sa pagkakabuod ng istorya, masasabing ang manonood ng pelikulang Happy Together
ay…
a. mamangha b. matutulala c. masisiyahan d. malilinawan

Para sa Aytem Blg. 47-50:


Itinatampok ng pelikulang ito ang isang inang lumaki at nakapag-asawa ng di-marunong sumulat at bumasa subalit
may sariling prinsipyo’t paninindigan. Larawan siya ng isang taong masikap at may ambisyon sa buhay sa kabila ng
kanyang kalagayan. Nagsikap siya upang matuto sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat nang lumaon ay pumasok sa
paaralan kasama ang anak na nag-aral sa unang baitang. Dito niya natamo ang paghanga at pagkadakila ng mga taong
dati’y humahamak sa kanya.
Buod ng pelikulang “Abakada Ina”

47. Sa iyong palagay, napapanahon ba ang ganitong uri ng mga pelikula?


a. Hindi, sapagkat marami naman talaga ang di nakakapag-aral sa hirap ng buhay..
b. Hindi, dahil may mga kabataan ngayon na maagang nakapag-aasawa.
c. Oo, dahil sa panahon ng social media mahirap na ang walang alam.
d. Oo, dahil nagigising nito ang kamalayan ng bawat isa ukol sa kahalagahan ng edukasyon.
48. Pano inilarawan ng may-akda ang pangunahing tauhan sa pelikula?
a. Taong masikap at may ambisyon sa buhay.
b. Taong walang pangarap sa sarili kaya walang narating.
c. Taong hindi marunong maninindigan.
d. Taong walang prinsipyong pinaglalaban.
49. “Nagsikap siya upang matuto sa pamamagitan ng pagbabasa ng aklat nang lumaon ay pumasok
sa paaralan kasama ang anak na nag-aral sa unang baitang.” Ang pahayag ay nagpapatunay na
ang Ina ay…
a. mapagmahal at maarugang ina sa anak
b. matiyaga at masikap na ina pagdating sa pagkatuto
c. masipag na tagapagbantay sa anak
d. mahilig mag-aral kasama ang anak
50. Sa isang pelikula, bakit di mawawala ang kagamitan, kasuotan at background o props na
gagamitin?
a. Nagsisilbi itong tatak ng mga tauhan sa manonood.
b. Napagaganda nito ang katauhan, lugar at eksena.
c. Nakapupukaw pansin sa mga mata ng manonood.
d. Nakapagbibigay-aliw sa mga manonood.

Inihanda Nina: LOVELYN M. ALMARIO (Guro III, Bartolome Sangalang NHS, CD-I)
MELO-JEAN DR. BALANAY (Guro III, Bartolome Sangalang NHS, CD-I)
MARIBEL DC. CRUZ (Dalubguro I, Bartolome Sangalang NHS, CD-I)
NERISSA L. PONCE (Guro I, Cabiao NHS, CD-IV)

Sinuri Nina: ROMEO F. ASUNCION, Ph.D. (Ulong Guro III, Bartolome Sangalang NHS);
JOSELITO S. MALAMANIG (Ulong Guro III, Exequiel R. Lina NHS)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

SUSI NG MGA SAGOT


IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8
Taong Panuruan 2019-2020

1. D 16. D 31. A 46. D


2. D 17. D 32. A 47. D
3. C 18. C 33. C 48. A
4. B 19. D 34. D 49. B
5. B 20. C 35. B 50. B
6. A 21. A 36. C
7. A 22. D 37. D
8. B 23. C 38. B
9. C 24. B 39. C
10. D 25. D 40. C
11. C 26. D 41. A
12. A 27. C 42. D
13. A 28. B 43. A
14. C* 29. A 44. B
15. A 30. A 45. B

Inihanda Nina: LOVELYN M. ALMARIO (Guro III, Bartolome Sangalang NHS, CD-I)
MELO-JEAN DR. BALANAY (Guro III, Bartolome Sangalang NHS, CD-I)
MARIBEL DC. CRUZ (Dalubguro I, Bartolome Sangalang NHS, CD-I)
NERISSA L. PONCE (Guro I, Cabiao NHS, CD-IV)

Sinuri Nina: ROMEO F. ASUNCION, Ph.D. (Ulong Guro III, Bartolome Sangalang NHS);
JOSELITO S. MALAMANIG (Ulong Guro III, Exequiel R. Lina NHS)

Konsultant: REYNALDO S. REYES (Tagamasid Pansangay sa Filipino)

You might also like