You are on page 1of 6

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION IV-A CALABARZON


DIVISION OF LIPA
LIPA CITY
PINAGTONGULAN NATIONAL HIGH SCHOOL
PINAGTONGULAN LIPA CITY

SEMIFINAL EXAMINATION
FILIPINO 8

I. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot. (Talambuhay ni Francisco


Balagtas)

1. Hiling ni Balagtas sa mga mambabasa na ___________.


a. huwag pipintasan ang tula c. mahalin ang tula
b. basahin ang tula d. suriin ang tula
2. Maaari raw na ito ay kulang sa ____________ subalit pagkabasa, mag-iiba na ang saloobin ng bumasa.
a. haba b. ganda c. aral d. talinhaga
3. Mula simula, nangingibabaw ang ______________ ni Balagtas.
a. pagmamalaki c. pagpapakumbaba
b. kahinaan d. kalungkutan
4. Kaarawan ni Balagatas.
a. Abril 2, 1788 b. Abril 28, 1977 c. Marso 5, 1877 d. Marso 2, 1878
5. Isang dalagang may 20 taong gulang, mayaman at napangasawa ni Balagtas.
a. Juana Dela Cruz b. Juana Tiambeng c. Selya d. Donya Trining
6. Lalaking nagging karibal ni Kiko.
a. Florante b. Noli c. Lucas d. Nano Capule
7. Kamatayan ni Balagtas
a. Nobyembre 10, 1928 b. Enero 15, 1866 c. Pebrero 20, 1862 d. Mayo 22, 1877
8. Aklat pagbaybay para sa nagsisimulang mag-aral
a. kartilya b. sisne c. katon d. katesismo
9. Saang lugar unang nabilanggo si Balagtas?
a. Bataan b. Bulacan c. Maynila d. Romblon

II. Tauhan ng Florante at Laura


10. Prinsesa ng Persya, katipan ni Aladin.
a. Prinsesa Floresca b. Laura c. Flerida d. Selya
11. Ama ni Adolfo
a. Konde Sileno b. Antenor c. Menandro d. Duke Briseo
12. Guro ni Florante sa Atenas
a. Sultan Ali-Adab b. Haring Linseo c. Heneral Osmalik d. Antenor
13. Anak ng hari ng Krotona
a. Heneral Miramolin b. Konde Sileno c. Antenor d. Prinsesa Floresca
14. Anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca
a. Laura b. Flerida c. Florante d. Konde Adolfo
15. Matalik na kaibigan ni Florante.
a. Antenor b. Menandro c. Aladin c. Heneral Miramolin
16. Pangalawang puno ng Albanya.
a. Duke Briseo b. Haring Linceo c. Konde Adolfo c. Antenor
17. Anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya. Katipan ni Flerida.
a. Konde Sileno b. Heneral Osmalik c. Florante c. Aladin
18. Hari ng Albanya.
a. Haring Linseo b. Haring Briseo c. Konde Adolfo c. Konde Sileno

III. FLORANTE (Aralin 1-20)


19. Lubos na nagdadalamhati ang nakagapos.
a. nag-iisip b. nagpapanangis c. nagdurusa d. nalulungkot
20. Kaunting sinag na lamang ni Pebo ang pumapasok sa makapal na dahon.
a. buwan b. bulalakaw c. araw d. bituin
21. Lubhang mapanglaw ang lugar na madilim na ay makahoy pa.
a. malayo b. nakakatakot c. madilim d. malungkot
22. Walang tigil sa pagkagulaylay ang binate na halos ikamatay na niya.
a. pagkalungkot b. pagtatangis c. pagsisisi sa iba d. pagsasaisip ng nais
gunitain
23. Punong-puno ng linggatong ang mga tao, kaya wala silang alam na tawagan.
a. pagdurusa b. kaguluhan ng isip c. pag-iisip d. kataksilan
24. Marangal na pita sa bayan ang handog ng namumuno.
a. hangad b. pangarap c. dalangin d. kasunduan
25. “Di ko akalaing iyong sasayangin, maraming luha mong ginugol sa akin.”
a. Laging umiiyak si Laura kapag wala si Florante.
b. Hindi nanghihinayang si Laura sa mga pananangis niya.
c. Sayang pa ang mga pag-iyak ni Luara dahil magtataksil rin lamang pala siya.
d. iyak ng iyak si Florante.
26. “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam, na ang paglililo’y nasa kagandahan.”
a. Ang magaganda pala ang hindi nagtataksil.
b. Tapat si Laura kay Florante kaya hindi ito nagtataksil.
c. Hindi akalain ni Florante na dahil maganda si Laura ay hindi ito magtataksil.
d. wala sa nabanggit

27. “Manalo man ako’y kung bagong nanasok, nakikita mo na’y may dala pang takot.”
a. Natutuwa si Laura pag nababalitaang nanalo si Florante pero takot naman na baka
nagkasugat ang binata.
b. Kinakabahan si Laura na dahil nanalo si Florante ay baka gumanti ang kalaban.
c. Laging nananalo si Florante sa digmaan kaya natutuwa si Laura.
d. Hindi natutuwa si Laura kay Florante.
28. “Ay Laurang poo’y bakit isinuyo, sa iba ang sintang sa aki’y pangako?”
a. Nais malaman ni Florante kung bakit umibig pa si Laura sa iba gayong magkasintahan na
sila.
b. Nangako si Laura kay Florante na iibigin niya ang binata habang buhay.
c. iba ang kasintahan ni Laura.
d. may ibang kasintahan si Florante
29. “At ngayong malaki ang aking dalita ay di humahanap ng maraming luha sapat ang kapatak na
makaapula kung sa may pagsintang puso mo’y magmula.
a. Matindi ang pangungulila ni Florante kay Laura
b. Lumuluha si Florante dahil sa pag-ibig kay Laura.
c. Sa kalagayan ni Florante, kaunting pag-aalaala ni Laura ang hinahangad niya.
d. Naghihirap ang kalooban ni Florante.
30. “Alin pa ang hirap na di nasa akin? May kamatayan pang di ko daramdamin? Ulila sa ama’t sa
inang nag-angkin, walang kaibiga’t nilimot ng giliw.
a. Ulila si Florante sa lahat: magulang, kasintahan, kaibigan
b. Hirap na hirap ang kalooban ni Florante dahil sa pangungulila.
c. Handang mamatay si Florante dahil sa ulila na siya sa lahat.
d. wala sa nabanggit
31. “Halina, Laura’t aking kailangan, ngayon ang lingap mo nang naunang araw; ngayong hinihingi
ang iyong pagdamay, ang abang sinta mo’y nasa kamatayan.”
a. Ngayon hinihintay ni Florante ang mga pag-aalaga ni Laura sa kanya.
b. Tinatawag ni Florante si Laura ngayong siya’y naghihirap.
c. Humihingi ng pagdamay ni Laura si Florante.
d. Itinataboy ni Florante si Laura.
32. “O Konde Adolfo’y inilapat mo man, sa akin ang hirap ng sansinukuban, ang kabangisan mo’y
pinasasalamatan, ang puso ni Laura kung hindi inagaw.”
a. Lubos ang pagpaparusa ni Konde Adolfo kay Florante.
b. Pinasasalamatan ni Florante ang mga parusa sa kanya ni Adolfo.
c. Titiisin ni Florante lahat ng parusa huwag lamang maibig ni Laura si Adolfo.
d. Nagpapasalamat si Florante at pinahihirapan siya ni Adolfo.
33. “Ito’y siyang una sa lahat ng hirap, pagdaya ni Laura ang kumakamandag; dini sa buhay ko’y
siyang nagsasadlak sa libingang laan ng masamang palad.
a. Nasasadlak sa dusa si Florante.
b. Nakalaang nang mamatay si Florante.
c. Una sa lahat ng hirap ni Florante ang pagtataksil ni Laura.
34. Moro’y di tumugot hanggang di nasapit ang binubukalan ng maraming tangis.
a. malakas ang loob b. maawain c. matalino d. mabilis
35. Inusig ng taga ang dalawang leon, si Apolo mandin sa serpyente Piton.
a. maunawain b. marunong c. malungkot d. matapang
36. Luha’y tumutulong kinalag ang gapos ng kaawa-awang iniwan ng loob.
a. iyakin b. mabait c. masipag d. maliksi
37. Umupo’t kinalong na naghihimutok, katawang sa dusa hininga’y matulog
a. mapanglaw b. masuyo c. maalalahanin d. malambing
38. Nininilay niya at pinagtatakhan, ang dikit ng kiyas at kinasapitan
a. masiyasat b. maingat c. matulungin d. masinop
39. “Kahit umaayaw ay nahikayat din, ng sabing malabot na pawing pang-aliw”
a. Mahinahong makipag-usap ang gerero
b. Ayaw kumain ni Florante kahit ano ang sabihin ni Aladin.
c. Kumain din si Florante dahil mahusay makiusap si Aladin.
d. tinatamad kumain si Florante.
40. “Kung nung una’y nukal ang luha sa habag, ngayo’y sa galak na ang inilalagaslas”
a. Lumuluha sa awa kay Florante si Aladin
b. Nagalak ang gerero nang magising si Florante.
c. Sa simula, umiiyak si Aladin sa awa kay Florante ngunit natuwa siya nang makita itong
malakas.
d. Iyakin si Aladin.
41. Sapagkat ang dusang mula sa pag-ibig, kung kahit mangyaring lumayo sa dibdib, kisap-mata
lamang ay agad babalik at magdaragdag pa sa una ng bangis.
a. Nagdudulot ng dusa ang pag-ibig.
b. Pinakamahirap ang suliranin tungkol sa pag-ibig.
c. Mahirap makalimutan ang kabiguan sa pag-ibig.
42. Nagbangong hinaho’t pinasalamatan, sa langit ang bagong lakas ng katawan.
a. Nagpapasalamat si Florante sa Panginoon
b. Nagpapasalamat si Florante sa nagligtas sa kanya.
c. Nagpapasalamat si Florante nang makabangon siya.
d. Nagising na si Florante.
43. Kayat nang isabog sa sansinukuban, ang duradong buhok ng masayang araw.
a. Madaling araw na.
b. Nagtatanghali na.
c. Nagdidilim na
d. Maghahatinggabi na.
44. “Masaklap na bunga ng maling paglingap, habag ng magulang sa irog na anak.”
a. Ayaw makita ng magulang na nahihirapan ang anak kaya hindi niya ito halos pinagagawa.
b. Mahal na mahal ng magulang ang anak.
c. Nahahabag ang magulang sa kanyang mga anak.
d. Kinakaya ng mga anak ang mga magulang.
45. Para ng halamang lumaki sa tubig, daho’y nalalanta munting di madilig”
a. Nalalanta ang halamang hindi dinidilig.
b. Kapag nasanay ang bata sa masaganag buhay, agad susuko pag may kaunting hirap na.
c. Katulad ng halaman ang isang bata; dinidilig at inaalagaan.
d. wala sa nabanggit.
46. Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at muni’t sa hatol ay salat”
a. Hindi magkakaroon ng sariling bait ang anak na labis na pinalalayaw.
b. Walang tinatanggap na responsibilidad ang anak na pinalalayaw.
c. Kapag labis ang pagpapalayaw sa anak at ni hindi pinagsasabihan, lalaki siyang walang
alam sa buhay.
d. Ang laki sa layaw ay palaging nagtatagumpay.
47. “Dito nahubdan ang kababayan ko ng hiram na bait na binalatkayo
a. Nagbalatkayo ng katapangan si Adolfo.
b. Humiram ng bait si Adolfo.
c. Tunay na mabait si Adolfo.
d. wala sa nabanggit.
48. “Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay ay hindi ang ditsong nasa orihinal, kundi ang winika’y
ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay!
a. Si Florante ang umagaw ng karangalan ni Adolfo.
b. Galit nag alit si Adolfo kaya nanlisik ang kanyang mga mata.
c. Binago ni Adolfo ang dayalogo ng dula dahil iba ang nasa isip niya.
d. Nagpapangap si Adolfo.
49. “Kaya nga at ako ang naging hantungan tungo sa salita ng tao sa bayan.
a. Matalinung-matalino si Florante.
b. Tanungan si Florante ng mga bata’t matanda.
c. Pinag-uusapan sa Atenas ang galing ni Florante.
50. “Natanto ng lahat na kaya nanamit, niyong kabaitang taglay sa dibdib ay ang maragdag pa sat
alas ng isip itong kapurihang mahinhi’t mabait.
a. Likas kay Adolfo ang hinhin at bait.
b. Nais ni Adolfo na magmukhang mabait sa mata ng tao.
c. Nais ni Adolfo na sabihin ng tao na marunong na siya ay mabait pa.
d. Nagyayabang si Adolfo.
51. “Tutulungan kita ngayong magpalala ng hapdi sa pusong di ko maapula, namatay si ina ay laking
dalita, ito sa buhay ko ang unang umiwa.
a. Kalungkutan ang nadama ni Florante.
b. Namatay si Prinsesa Floresca, ang ina ni Florante.
c. Ngayon lamng nakaranas ng labis na kapighatian si Florante.
d. Hindi kaya ni Floranteng tanggapin ang pagkamatay ng kanyang ina.

IV. Paglinang ng Talasalitaan


Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa Hanay A.
Hanay A Hanay B
52. lugami sa sakit ng loob a. sandata
53. panambitan ng naaapi b. malupit na tao
54. kalis ng gerero c. nasabi
55. ipinaghagisan ng kaaway d. nanangis
56. halimaw na Panginoon e. hinang-hina
57. nasnaw sa bibig f. nababakas
58. sumusungaw sa mukha g. daing
59. parusang marahas h. itinapon
60. nanaghoy sa silid i. pwersahan

Prepared By:

MYRA LYN D. DIOKNO


Subject Teacher

RECEL PILASPILAS
Subject Teacher

NOTED BY:

NANCY A. NOVENO
Officer-In-Charge of the School

You might also like