You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
DIVISION OF LEYTE
PAULINO M. COVACHA NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Danao MacArthur, Leyte

Filipino 8
Ikaapat na Markahang Pagsusulit

Pangalan: ______________________________ Petsa: ______________ Marka: _______________


Para sa bilang 1-10
Hanapin sa HANAY B ang mga katangian ng mga tauhan sa HANAY A at isulat sa patlang.
A B
_______ 1. Florante a. Isang prinsipe ng Persya na nagligtas kay Florante sa leon
_______ 2. Menandro b. ama ni Florante at tagapayo ng hari ng Albanya
_______ 3. Flerida c. anak ni Haring Linseo at katipan ni Florante
_______ 4. Adolfo d. ang ama ni Aladin na umagaw sa pagmamahal ni Flerida
_______ 5. Laura e. ang guro ni Florante sa Atenas
_______ 6. Heneral Osmalik f. anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca
_______ 7. Sultan Ali-adab g. ang mahal ni Aladin at pumana kay Adolfo
_______ 8. Antenor h. ang buhong sa kasaysayan
_______ 9. Aladin i. ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona
_______ 10. Duke Briseo j. ang tapat na kaibigan ni Florante
k. isang taksil at naging kalabang mortal ni Florante
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.
Para sa bilang 11 – 15:
“Iniligtas niya ako sa kuko ng leon. Kinalag niya ang gapos ng makamandag na baging na nakapulupot sa aking katawan. Pinalakas
niya ang nalulupaypay kong katawan. Pinatutunayan niya na ang relihiyon ay hindi hadlang sa paggawa ng kabutihan. Ngayon,
malakas na ako. Ako naman.”

_______ 11. Sinong Moro ang nagligtas kay Florante sa kuko ng leong tinutukoy sa pahayag?
A. Aladin B. Heneral Osmalik C. Menandro D. Sultan Ali-Adab
_______12. Ano ang sumasagisag sa salitang makamandag mula sa pahayag?
A. ahas B. kamatayan C. kapangyarihan D. lason
_______ 13. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?
A. Gumawa ka ng mabuti sa kapwa. C. Ang paggawa ng kabutihan ay walang pinipili.
B. Gumanti ka sa taong gumawa ng kabutihan. D. Ang relihiyon ay sandata sa paggawa ng mabuti.
_______ 14. Ano ang kahulugan ng pahayag na “Ngayong malakas na ako, ako naman.”
A. paghihiganti B. pasasalamat C. pagliligtas sa nagigipit D. pagbabayad ng utang na loob
________15. Ano ang implikasyon ng kabuuan ng pangyayari?
A. pag-aalsa B. pagkakaibigan C. pagkakasundo D. pagtitiwalag
________ 16. Alin ang HINDI kabilang sa wakas ng Florante at Laura?
A. Nakulong si Sultan Ali-Adab. C. Bumalik sina Aladin at Flerida sa kaharian ng Persya.
B. Naging hari si Florante at reyna si Laura sa Albanya. D. Nakabangon ang nalulugami at nangatuwa ang nagpipighati.
________ 17. Ilang buwan nanatili ang hukbo ni Florante sa Krotona?
A. isa B. tatlo C. lima D. pito
________ 18. Ano ang ginawa kay Florante nang siya ay napagbintangan?
A. binugbog B. ibinitay C. pinatay D. piniit sa karsel
________ 19. Kanino inihambing ni Florante si Laura sa una nilang pagtatagpo?
A. Venus B. Venus C. Marte D. Pluto
_______ 20. Sino ang unang nakita ni Florante sa kaniyang pagbabalik sa bayan ng Kangkong?
A. Berting B. Poldo C. Renato D. Sinoyan
_______ 21. Bakit isinulat ang Florante at Laura?
A. Dahil sa karanasan at kasawian nang mapagbintangan siya ni Mariano Kapule C. Bilang handog sa kanyang iniibig
B. Upang mapawi ang kanyang kalungkutan D. Upang linangin ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng tula
_______ 22. Ang pahayag na “ambil sa lumuha-luha” ay nangangahulugang __________.
a. Tumawa b. malungkot c. lumuha d. humagulhol
_______ 23. Nangingibabaw ang damdaming ito kay Florante tuwing nakikinita niya sa alaala na magkasuyo sina Adolfo at Laura.
a. Paghihinakit b. pagkagalit c. pagsisisi d. pang-uuyam
_______ 24. Ang sinumang makakita sa kaanyuan ni Florante ay tiyak na _________________.
a. Mahahabag b. matutuwa c. malulungkot d. maiinis
_______ 25. Anong damdamin ang nakapaloob sa saknong sa ibaba?
a. paghihinanakit b. pangamba c. panghihinayang d. pagkaawa
“Mahiganting langit! Bangis mo’y nasaan?
Ngayo’y naniniig sa pagkagulaylay;
Bago’y ang bandila ng lalong kasam’an
Sa Reynong Albanya’y iwinawagayway.”
_______ 26. Anong pagpapahalaga ang ipinahihiwatig ng saknong?
a. Ibigin ang iyong kaaway c. Hindi dapat isisi sa kapwa ang masamang kapalaran
b. Hindi dapat sisihin ang Diyos sa mga masasamang pangyayari d. Maging matatag sa gitna ng mga sulirinin
“Katiwala ako’t ang iyong kariktan
Kapilas ng langit – anaki’y matibay;
Tapa tang puso mo’t di nagunamgunam
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.”
_______ 27. Batay sa mga pangyayari sa Florante at Laura, makakamit ang tunay na kalayaan ng isang bansa kung_____________.

a. Lahat ng kabataan ay mag-aaral c. Ang mga pinuno ay matatalino


b. May sapat na kaalaman sa doktrina ng simbahan d. Ang namumuno ay matalino, tapat sa tungkulin at may pagkakaisa
_______ 28. Si Florante ay inihalintulad sa isang halamang lumaki sa tubig na daho’y nalalanta munting di-madilig. Anong tayutay ang
tinatalakay sa pahayag na ito?
a. Metapora b. Apostrope c. Simile d. pagmamalabis
_______ 29. Ipinagdadasal ni Florante na sana ang mga mamamayan ng Albanya ay huwag ____.
a. Kumampi kay Adolfo b. Matulad sa kanya c. mawalan ng lakas na lumaban d. susunod sa kagustuhan ni Adolfo
_______ 30. Ayon kay Epifanio Delos Santos, kailan nailimbag ang unang edisyon ng Florante at Laura?
a. 1838 b. 1906 c. 1910 d. 1945

Para sa bilang 31-40 Tama o Mali


Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung tama ang pahayag at ang Mali kung hindi ito tumpak.
________31. Naaalala ni Florante ang pagluha ni Laura kapag ang binata'y nalulungkot.
________32. Naiisip ni Florante na baka si Laura ay nakahilig na ngayon sa kandungan ni Adolfo.
________33. Napatunayan ni Florante na tunay ngang tinalikuran na siya ni Laura at ang dalaga at si Adolfo na ngayon ang
magkasintahan.
________34. Maging ang kalasag n Florante ay ni hindi hinayaan ni Laura na magkaroon ng kalawang sa takot na marumhan ang
kanyang kasuotan.
________35. Ang ipinagpapalagay ni Florante na pinakamatinding nagawa ni Adolfo sa kanya ay ang pag-agaw niya kay Laura.
________36. Naging mahigpit na karibal ni Kiko ang mayamang si Nanong Kapule.
________37. Kahit mayaman ang karibal ay hindi umurong si Kiko sa laban para kay Selya.
________38. Sinasabing si Jose Rizal ang unang nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya ay naglalakbay sa Europa.
________39. Binubuo ang wawaluhing pantig ang awit na Florante at Laura.
________40. Naging inspirasyon ni Kiko ang makatang si Huseng Sisiw sa paggawa ng tulang Florant at Laura.

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan.


Para sa bilang 41-50
Kung hindi mo man magawang ialay ang iyong buhay para sa bayan tulad ni Florante at ng iba pa nating bayani, ano-ano ang maaari
mong gawin para maipakitang mahal mo ang bayan mo? Ipaliwanag ang iyong sagot. (10 puntos)

______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

51-55. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong baguhin ang naging kinahinatnan o wakas ng akdang Florante at Laura, paano mo ito
tatapusin? Magbanggit ng tatlong (3) paborito mong tauhan sa awit at bigyan ng sariling wakas. (5 na puntos)

______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________

Walang naidudulot na mabuti ang mabilis na pagsuko. 😊


Inihanda ni:

GERALDINE O. GALVEZ
Teacher I, Filipino

You might also like