You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
MAYOR ANUNCIACION R. TUAZON NATIONAL SCHOOL OF FISHERIES
(Formerly Calape National School of Fisheries)
Calunasan, Calape, Bohol

Ika-Apat na Markahang Pasulit sa Filipino 8

Pangalan:_______________________________ Seksyun: 8-Siganids


Petsa:_____ Iskor:____________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan at sagutan. Pumili sa mga pagpipilian sa ibaba. Isulat
ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

I. Bigyang-kahulugan ang matatalinghagang salitang may salungguhit na ginamit sa binasa.


1. Ang Florante at Laura ay hitik na hitik sa mga aral at pagpapahalagang makagagabay sa pang-araw-araw nating pamumuhay.
a. punumpuno b. mabungang-mabunga c. mahusay na mahusay
2. Si Nanong Kapule ay mula sa isang maykayang pamilya kaya naging madali sa kanyang gawan ng paraang mabilanggo ang
karibal sa pag-ibig.
a. tanyag b. mayaman c. mapagmataas
3. Si Balagtas ay binawian ng buhay noong ika-20 ng Pebrero, 1860 sa gulang na 74.
a. nagkasakit b. naghirap c. namatay
4. Sa isang kisap-mata’y Nawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan.
a. sa sandaling panahon b. sa pagkurap ng mata c. pagdating ng mahabang panahon
5. Ito’y isang akdang hindi maibabaon sa hukay kailanman.
a. makakalimutan b. matatandaan c. maipagpapalit
6. Walang nagnanais na mamuhay sa lugar na lipos-linggatong.
a. puno ng ligalig b. mapayapa c. maraming tao d. maraming trabaho
7. Sinasabing ang pag-awit ay mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.
a. pandagdag ng kalungkutan c. panukat ng kalungkutan
b. pampalimot sa kalungkutan d. pampadagdag ng pagod
8. Ang batang pinalaki sa paraan kung saan ang hatol ay salat ay madalas hindi maitama ang mga pagkakamali.
a. kulang sa pera c. kulang sa disiplina
b. kulang sa pagmamahal d. kulang sa pang-unawa
9. Ang ilan sa kabataan ngayon, inaakala pa lamang ang hilahil ay umaayaw na.
a. naiisip pa lamang ang hirap c. ipinagpalagay pa lamang ang kahihinatnan
b. naiisip pa lamang ang kasama d. ipinagpalagay pa lamang ang mga utos
10. Masakit isipan na may mga batang masunod lamang ang kanilang gusto pati luha ng ina’y hinamak.
a. inaway ang nanay niya c. pinaluha ang ina
b. binalewala ang pagluha ng ina d. isinaalang-alang ang pagluha ng ina
11. Ang iilan naman ay nakakayang lapastanganin ang kanilang magulang.
a. hindi igalang b. hindi pansinin c. awayin d. balewalain
12. Ang totoo’y gusto ko silang unawain, ngunit hindi ko maiwasang sa kanila’y marimarim.
a. maawa b. magalit c. matuwa d. maaliw
13. Napagtanto kong ang mga batang ito ay mas nangangailangan ng pagmamahal at pag-unawa.
a. naunawaan b. narinig c. nasabi d. nakalimutan
14. Hindi naman lahat ng kabataan ngayon ay mabini kung kumilos.
a. magaso b. marahas c. mahinhin d. magaslaw
15. Ang magulang naman kahit na mautas pa ang buhay nila ay palagi pa ring mamahaling ang kanilang mga anak.
a. mamatay b. maghinanakit c. magkaproblema d. magkasakit

II. Tukuyin ang titik ng kahulugan ng sumusunod na simbolong ginamit sa mga saknong na binasa.

1. Ang madilim at mapanglaw na gubat na kinagagapusan ni Florante


a. ang madilim at walang kalayaang kalagayan ng bansa sa panahong iyon
b. ang madadawag na kagubatang nakapalibot sa bansa sa panahong iyon
c. ang mga gawain ng mga criminal na nakahahadlang sa pag-unlad ng sambayanang
2. Ang kahabag-habag at nakagapos na si Florante sa isang puno ng higera
a. ang kawalang kayamanan ng mga Pilipino sa panahong iyon
b. ang kawalang trabaho ng mga Pilipino sa panahong iyon
c. ang kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa panahong iyon
3. Ang mga syerpe’t (ahas o serpiyenteng) at basilikong gumagala sa gubat
a. ang mga mananakop na tila nag-aabang upang makagawa ng masama sa mga Pilipino
b. ang mababangis na hayop gubat na anumang oras ay handang sumila o pumatay
c. ang mga sakit o karamdamang maaaring dumapo sa sinumang
4. Ang balang bibig na pinagmumulan ng katotohanan
a. ang mga taong mapanira sa kanilang kapwa at nagkukuwento tungkol sa buhay ng may buhay
b. ang mga taong nagsasabi o naglalahad ng katotohanan tungkol sa pagmamalabis ng mga mananakop
c. ang mga Espanyol na naglalahad ng plataporma ng kanilang pananakop sa ating bansa
5. Ang kalis (espada o tabak) na ginagamit sa pagbibiyak o pampigil sa bibig na pinagmumulan ng katotohanan
a. ang mga Espanyol na handang magparusa sa sino mang Pilipinong maglalakas-loob maglahad ng katotohanan
b. ang mga sundalong Espanyol na handang magtanggol sa mga Pilipino kapag sila’y naapi ng sinumang
c. ang mga Espanyol na nagsasanay sa paghawak ng kalis upang higit pang humusay ang kanilang kakayahan
6. “Ang buhay mo’y naunang napatid…”
a. naunang namatay b. naunang umalis c. naunang natulog
7. “…pagkahulog sa kamay ng taksil…”
a. pagkatalo sa isang taong traydor
b. pagkahulog sa isang mataas na lugar dahil sa kapabayaan ng iba
c. pagkalungkot dahil sa mga taong gumagawa ng masama
8. “…salamin sa reyno ng bait…”
a. isang pinunong mahilig manalamin
b. isang pinunong naghahanap ng mapapangasawang mabait
c. isang pinunong ubod ng buti at bait
9. “…sa habag ay halos magputok ang dibdib…”
a. sumakit ang dibdib dahil sa labis na tuwa
b. naging emosyonal dahil sa sobrang pagkaawa
c. nanikip ang dibdib dahil sa atake sa puso
10. “…hindi nakalasap kahit munting tuwa…”
a. naging kasayahan ang maliliit na bagay
b. ang tuwa ay laging nadarama ng kanyang puso
c. hindi man lang nakaranas ng kahit maliliit na kaligayahan sa buhay

III. Tukuyin mula sa mga nasa Hanay B ang kahulugan ng nakasalungguhit na matatalinghagang ekspresyon o tayutay sa Hanay
A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A B
_____ 1. Ang paligid ng gubat ay kulay luksa at nakikiayon, sa nakaliliyong a. kakikitaan ng labis na takot at sakit ng katawan
masangsang na amoy.
_____ 2. Kung ginagawa mo ang aking sagisag, dalawa mong mata’y b. kapaligirang nagsasaad ng labis na kalungkutan,
nanalo mong perlas. pagkatalo, at kawalang pag-asa
_____ 3. Sa punongkahoy ay napayukayok, ang liig ay supil ng lubid na c. lumuluha nang labis-labis dahil sa dalamhati
gapos
_____ 4. Bangkay na mistula ang kulay na barok, ng kanyang mukha’y d. mga matang maningning at masaya
naging puting lubos
_____ 5. Nagwikang “O palad” sabay ang pagtulo, sa mata ng luhang e. nagpapakita ng kawalang kalayaan
anaki'y palaso

IV. Bigkasin nang madamdamin ang mga berso o saknong ng akda sa ibaba. Pagkatapos, suriin ang katangian at tono nito.
1. “Gerero’y namangha nang ito’y marinig
Pinagbaling-baling sa gubat ang titig 5. “Gulong-gulong lubha ang kaniyang loob
Nang walang makita’y hinintay umulit Ngunit napayapa nang anyong kumilos
Di naman naglao’y nagbangong humibik.” Itong abang kandong ng kalunos-lunos
Nagising ang buhay na nakakatulog.”
Ang tonong taglay ng saknong ay ______________.
a. pagtataka b. pagsasaya c. pagkagalit Ang tonong taglay ng saknong ay _______________.
a. kawalang-pag-asa b. nabuhayan ng pag-asa
2. “Lumagi ka nawa sa kaligayahan c. nasaktan ang kalooban
Sa harap ng di mo esposong katipan,
At huwag mong datnin yaring kinaratnan 6. “Humihinging tulong at nasa pangamba,
Ng kasing nilimot at pinagliluhan.” Ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka,
Ang tonong taglay ng saknong ay ______________. ang puno sa hukbo’y balita ng sigla,
a. pagseselos b. pagkalungkot c. pagkainis Heneral Osmalik na bayaning Persya.”

3. “Di ko na masabi’t luha ko’y nanatak Ang naglalahad ay punumpuno ng ______________.


Nauunlad yaring dilang nangungusap a. pag-asa b. pag-aalinlangan d.pananalig
Puso’y nanlalambot sa malaking habag
Sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.” 7. “Ayon sa balita’y pangalawa ito,
ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo,
Ang tonong taglay ng saknong ay _______________.
Alading kilabot ng mga gerero,
a. panghihinayang b. pagkaawa c.kawalang-pag-asa
iyong kababayang hinahangaan ko.”
4. “Bayang walang loob, sintang alibugha
Ang naglalahad ay punumpuno ng ______________.
Adolfong malupit, Laurang mandaraya
a. pagdududa b. inggit
Magdiwang na ngayo’t manulos sa tuwa
c. paghanga d. inis
At masusunod na sa akin ang nasa.”
Ang tonong taglay ng saknong ay _______________.
8. “Dito’y napangiti ang Morong kausap,
a. pagkagalit b. pagkaawa c. pagkalungkot
sa nagsasalita’y tumugong banayad,
aniya’y “Bihirang balita’y magtapat,
kung magtotoo ma’y marami ang dagdag.” 14. “Aking dali-daling kinalag sa kamay
ang lubid na walang awa at pitagan;
Ang Moro ay nagpakita ng ______________.
mga daliri ko’y naaalang-alang
a. pagkabilib sa sarili b. pagtatampo
madampi sa balat na kagalang-galang.”
c. pagkagulat d. pagiging mapagkumbaba
Si Florante ay nakaramdam ng _______________.
9. Sagot ni Florante, “Huwag ding maparis a. matinding galit kay Laura habang kinakalagan
ang gererong bantog sa palad kong amis; sa pagkakatali
at sa kaaway ma’y di ko ninanais b. ibayong lakas upang makalag sa pagkakatali si
ang laki ng dusang aking napagsapit.” Laura at masagip
c. pagkainip dahil sa tagal ng hindi nila pagkikita ni
Si Florante ay nagpakita ng _____________. Laura
a. pagmamalasakit sa kapwa b. matinding takot d. pagkatakot dahil baka hindi na niya masagip si
c. pagkamuhi sa sarili d.kagustuhang makapaghiganti Laura

10. “Tuwang pangalawa kung hindi man langit 15. “Labis ang ligayang kinamtan ng hari
ang itinatapon ng mahinhing titig; at ng natimawang kamahalang pili;
O, ang luwalhating buko ng iniibig, si Adolfo lamang ang nagdadalamhati,
pain ni Kupidong walang makarakip. sa kapurihan kong tinamo ang sanhi.?

Si Florante ay nakaramdam ng ___________ kay Laura. Sa nangyari, si Adolfo ay nakaramdam ng


a. labis na pagkamuhi kay Laura b. matinding pag-aalala _______________.
c. labis na pagmamahal kay Laura d. matinding selos a. takot kay Florante sa pagkapanalo nito

11. “Dito ko natikman ang lalong hinagpis, b. matinding galit kay Florante
higit sa dalitang naunang tiniis; c. matinding selos kay Florante
at binulaan ko ang lahat ng sakit d. lungkot dahil nagtagumpay si Florante
kung sa kahirapang mula sa pag-ibig.”

Si Florante ay nagpakita ng _______________.


a. hinagpis dahil sa pagkabigo
b. pagkainis dahil sa problema
c.panghihina dahil sa sakit
d.pagtitiis alang-alang sa pag-ibig

12. “Sinalubong kami ng haring dakila,


kasama ang buong bayang natimawa;
ang pasasalamat ay di maapula,
sa di magkawastong nagpupuring dila.”

Ang hari ay nagpakita ng _______________.


a. pagtanaw ng utang na loob
b. hindi matapos-tapos na pagpapaliwanag
c. pagkahinayang sa pagkatalo
d. awa sa buong bayan

13. “Isang binibini ang gapos na taglay


na sa ramdam nami’y tangkang pupugutan;
ang puso ko’y lalong naipit ng lumbay
sa gunitang baka si Laura kong buhay.”

Si Florante ay nakaramdam ng _______________.


a. galit sa mga gerero
b. takot na baka ang babaeng nahuli ay si
Laura
c. takot na baka siya’y hulihin
d. galit dahil sumama sa Laura sa mga gerero

~Pag ikaw ay lilingon para mangopya


si Satanas sa iyo ay natatawa
pero kapag pinairal ang katapatan
Diyos natin ay di ka papabayaan!
-Ma’am Sydney

You might also like