You are on page 1of 7

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

FILIPINO 8

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Sa pelikula man o sa telebisyon, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na
tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas ng panahon, ang mga dokumentaryo ay
nagsilbing instrumento o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga
suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa
kahirapan, korapsyon, problema sa edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian.
Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan ang mga
kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito, ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko
ay nagigising upang harapin ang hindi mapasusubaliang katotohanan. Kaya naman, bilang
kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng
pamamaraan sa iyong kapwa? Sa paanong paraan mo maipararating ang hinaing ng iyong
kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo ang natatanging kasagutan.

1. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang
kamalayan ng bawat indibidwal?
a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.

2. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi mapasusubalian’ ayon sa pagkakagamit sa akda?


a. walang masyadong iniisip
b. hindi mapasisinungalingan
c. walang katotohanan
d. hindi angkop sa sitwasyon
3. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko.’ Ano ang mahihinuha sa pahayag?
a. Puro pangangampanya lamang ang mga politico
b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.
c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin.
d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.
4. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ___________.
a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan
b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito
c. panoorin ang dokumentaryo at masiyahan
d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema
5. Bilang isa sa mga kabataan, ano ang dapat na maging implikasyon sa iyo ng mga pahayag sa huling
talata?
a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
c. Maging isang lider upang maging sikat.
d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa.
6. Ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Narito ang
krosword, komiks at horoscope.
a. isports
b. komersyo
c. libangan
d. lifestyle
7. Alin ang itinuturing na HINDI katangian ng diyaryong pang-masa?
a. sa tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum
b. abot-kaya lang ang presyo nito
c. hindi masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan
d. Bihira lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa bansa
8. Ang kauna-unahang komiks sa Pilipinas ay halaw mula sa anong popular na pabula sa Asya?
a. Kuneho at Matsing
b. Pagong at kuneho
c. Pagong at matsing
d. Pagong at Tipaklong
9. Ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin”, ay nangangahulugang
a. isang grapikong midyum na nagsasalaysay sa pamamagitan ng mga salita at larawan
b. pagiging malikhain ng mga taga-komiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na walang buhay
c. binubuo ng mga manunulat na dibuhista na napakalawak ng imahinasyon
d. nagbigay-aliw, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong kulturang Pilipino
10. Ito ay bahagi ng komiks na pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan at may iba’t ibang anyo batay sa
inilarawan ng dibuhista
a. kahon ng salaysay
b. kuwadro
c. lobo ng usapan
d. pamagat ng kwento
11. Aling paksa ng artikulo ang hindi isyu/katangian sa mga magasing FHM at Men’s Health?
a. Nagiging instrument upang mapag-usapan ang maraming bagay tulad ng buhay at pag-ibig
b. Pamamaraan sa pag-eehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental
na kalusugan
c. Tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon tungkol sa kalalakihan
d. Tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting
maybahay
12. Kauna-unahang magsin sa Pilipinas na naglalaman ng mga maikling kwento at sunod-sunod na mga
nobela.
a. FHM
b. Liwayway
c. Metro
D. Yes!
13. Ang mga salita tulad ng dyornalismo, literatura, midyum at akda ay pormal na salitang maibibilang sa
anong antas ng wika?
a. pambansa
b. pampanitikan
c. panlalawigan
d. pabalbal
14. “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!”usal ng binatilyo. Tukuyin ang antas ng wikang
kinabibilangan ng mga salitang may salungguhit.
a. Kolokyal
b. Pambansa
c. Pampanitikan
d. Balbal
15. Ang mga salitang katanungan, panahon, lugar at maunawaan ay kabilang sa anong antas ng wika?
a. pambansa
b. pampanitikan
c. kolokyal
d. balbal
16. “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Ang salitang Tiyo na ginamit sa pahayag ay nasa anong antas ng
wika?
a. kolokyal
b. pambansa
c. lalawiganin
d. pampanitikan
17. Piliin ang ang antas ng wika na kumbinasyon ng paraang pagpapaikli at panghihiram.
a. Pinapatay kasi ang iarcon sa opisina nilakapag breaktime. 12:4- tapos na ang trabaho
b. “D p tpos. Nxt tym n lng. Nwy, I’ll juzt eat my baon hir”
c. Kinakailangan niyang mapromote.
d. Tumungo sa water dispenser. Kumuha ng disposable cup.

Komentarista 1 : Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado, partner!


Komentarista 2: Tama ka dyan! Mukhang nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY tungkol sa
panukalang batas na ‘yan!
Komentarista 1: Naku! Eh bali-balita ngang dalawang senador ang bumoto laban sa pagpapasa ng Bill
na ‘yan eh.
Komentarista 2: Inaasahan partner na tataas ang makokolektang buwis mula sa mga kompanya ng
sigarilyo at alak dahil dito.
Komentarista 1: Pero ayon kay La Union Representative Victo Ortega, magdurusa ang mga magtatabako
dahil marami sa kanila ang maaaring mawalan ng trabaho.
Komentarista 2: Kaya naman pala todo papogi ang mga reelectionist na senador na bumoto laban sa
bill na ‘yan!
Komentarista 1: Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksyon!
Komentarista 2: Tumpak!

18. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag?


a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Tama ka dyan! Nakatulong d’yan ang pagsang-ayon ni PNOY!
c. Inaasahan na tataas ang makokolektang buwis dahil sa Sin Tax Bill.
d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng
sigarilyo.
19. Alin sa sumusunod ang paksa ng komentaryong panradyo?
a. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng sigarilyo at alak
b. Pagpasa sa Sin Tax Bill
c. Pagtutol ng mga senador sa pagpasa ng Bill
d. Paghihirap ng mga magtatabako dahil sa Sin Tax Bill
20. Alin sa sumusunod ang salitang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal?
a. Pati na rin c. Ayon kay
b. Dahil dito d. Kaya naman
21. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako ______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano
ang angkop na salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag?
a. upang c. nang sa gayon
b. dahil sa d. Kung
22. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon?
a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill.
c. Maraming magtatabako ang maapektuhan dahil sa Sin Tax Bill.
d. Tinutulan ng ilang sendor ang pagpasa ng panukalang batas.
23. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam?
a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon.
b. Maging malinaw sa pagtatanong.
c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin.
d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam.
24. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksiyon! Ano ang
ipinahihiwatig na opinyon sa pahayag?
a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.
b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko
sa parating na eleksiyon.
c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas.
d. Maraming politiko ang napapahamak dahil sa paninigarilyo.
25. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media?
a. komiks at magasin c. pelikula at telebisyon
b. radyo at telebisyon d. aklat at pahayagan
26. Ang pangunahing kaisipan ng binasang akda ay_______________.
a. Bawat indibidwal ay may magagawa para sa ating lipunan
b. Bahala na ang kabataan kung kikilos sila
c. Manood palagi ng mga dokumentaryo
d. Tama na ang mulat ka sa iyong kapaligiran
27. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng
halimbawang nabasa?
a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga
personalidad.
c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa.
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.

Roel: “Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-
pasa sa senado.”

Macky: “Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh malamang
nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa ‘yan kahit pa nakapikit!’

Roel: “Sinabi mo pa, partner!”

Macky: “Ano ba talaga ‘yang FOI, partner?’

Roel: “Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita
at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.”

28. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?


a. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa
‘yan kahit na nakapikit!
b. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas,bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at
masuri ang mga opisyal na transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno.
c. Naku! Delikado naman pala iyan!
d. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.
29. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit?
a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.
b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang-ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.
30. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng
halimbawang nabasa?
a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makinig ng mga pahayag ng mga
personalidad.
c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa.
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.
31. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ng pananaw mula sa akda?
a. naman pala b. sang-ayon sa c. sabi nga d. ng mga
32. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong panradyo?
a. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin.
b. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na pinagkunan ng mga pahayag o detalye
kaugnay ng isyung tinatalakay.
c. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu.
d. Lahat ng nabanggit.
“Sa Gitna ng Dilim” ni MiL Adonis
Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa sa
pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na “Gamu- gamo sa dilim”
ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y
pinahahalagahan. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga
kabataan ng mga taga Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng
kanilang mga landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas
maliwanag ang kanilang kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito,nabago ang aking naunang mga
pangarap sa buhay.
Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang naunsiyaming
pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap
na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng
higit na atensyon.

Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking kukunin.
Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng dokumentaryong “Gamu-gamo sa dilim”,
kinuha ko ang kursong AB Mass Communication.

Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi nakikita ng
iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong humawak ng panulat,
baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan at
makikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami
ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng
kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

33. Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa tulong ng isang
paraan.
a. Ang komentaryo ni Kara David na “Gamu-gamo Sa Dilim” ang nagbukas sa mura kong pag-iisip
sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y pinahahalagahan.
b. Bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy
silang nagsusumikap.
c. Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga-Little
Baguio.
d. Kasalukuyan akong nasa highschool nang una kong mapanood ang maututuring kong isa sa
pinakamaimpluwensyang bagay sa aking buhay
34. Ang pahayag na lohikal na nagpapakita ng relasyong kung paano nakukuha ang resulta.
a. Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhinyero upang tuparin ang naunsiyaming
pangarap ng aking ama para sa aking sarili.
b. Subalit, napalitan ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at
maging boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon.
c. Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na aking
kukunin.
d. Kinuha ko ang kursong AB Mass Communication
35. Nagpapahayag ito ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan
ang resulta nito.
a. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking naunang
mga pangarap sa buhay.
b. Baka sakali ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala.
c. Gusto kong sumilip sa lente ng kamera, baka sakali, Makita ko ang mga bagay na hindi nakikita
ng iba.
d. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga
kwentong aking naisulat.
36. Ekspresyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw.
a. Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhinyero subalit napalitan ito ng higit na
mataas na pangarap.
b. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin.
c. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala
d. Pilit niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.
37. Ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
a. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala.
b. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra sa gitna ng kahirapan
c. Pangarap ko na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat
pakinggan
d. Nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y
pahalagahan
Para sa aytem 38-41
A. Sequence Iskrip E. Pag-eedit
B. Sinematograpiya AB. Pagdidirehe
C. Pananaliksik o Riserts AC. Disenyong Pamproduksyon
D. D. Tunog at Musika
38. Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahilsa pamamagitan nito ay
naihaharap ng mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
39. Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa
pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
40. Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit at sitwasyon upang sa masining na
paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
41. Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na.
Para sa aytem 42-44.
A. Establishing/Long Shot E. High Angle Shot
B. Medium Shot AB. Low Angle Shot
C. Close-up Shot AC. Birds Eye-View
D. Extreme-Close AD. Panning Shots
42. Ang pokus ay nasa isang particular na bagay lamang, hindi binibigyang diin ang nasa paligid.
Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresyon ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
43. Maaari ring maging “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay
nasa taas na bahagi.
44. Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan.
Halimbawa nito ay ang kuha sa isang tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.

Parami na nang parami ang mga mag-aaral na biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito,
nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa mga
paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng pang-aabuso. Dahil sa takot,
marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang
mga magulang. Marami rin sa mga kaso ng bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng
klase kung saan pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang
maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang
mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa kanila ang pagmamahal, pagpapahalaga at
pagtanggap sa kanilang mga anak.

45. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng ___________.
a. sanhi at bunga c. paraan at resulta
b. paraan at layunin d. kondisyon at kinalabasan
46. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan
ang kanilang mga anak. Alin ang nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinapahiwatig sa pahayag?
a. bunga + sanhi c. paraan + resulta
b. sanhi + bunga d. resulta + paraan
47. Ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw.
a. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala.
b. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra sa gitna ng kahirapan
c. Pangarap ko na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga taong dapat
pakinggan
d. Nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito’y
pahalagahan
48. Nagpapahayag ito ng sanhi o dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng bunga o kinalabasan
ang resulta nito.
a. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking naunang
mga pangarap sa buhay.
b. Baka sakali ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala.
c. Gusto kong sumilip sa lente ng kamera, baka sakali, Makita ko ang mga bagay na hindi nakikita
ng iba.
d. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga
kwentong aking naisulat.
Para sa aytem 49-50
a. Babasahing Popular
b. Komentaryong Pangradyo
c. Dokumentaryong Pangtelebisyon
d. Dokumentaryong Pampelikula
49. Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin
sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
50. Nagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga opinyon, at saloobin
kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang isyung kanilang napiling talakayin at pagtuunan ng
pansin.

You might also like