You are on page 1of 20

Filipino 8

Ikatlong Markahan – Modyul


6: Pagsusuring Pampelikula

Self-Learning Module
Filipino - Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Pagsusuring Pampelikula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Paaralang Pansangay ng Lungsod Gapan


Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran


Bumuong
saEdukasyon
Pagsusulat–ng
Rehiyon III –
Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Modyul
Office Address:
Manunulat: Don Simeon St., San Vicente,
Juverina Gapan City, Nueva Ecija
A. Ligutan
Telefax: (044) 486-710
Editor:
E-mail Address: Everlyn S. Pascual
gapan.city@deped.gov.ph
Tagasuri ng Nilalaman: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Kenneth C. Salvador,
Jocelyn M. Mateo
Tagasuri ng Wika: Marie Ann C. Ligsay, PhD, Everlyn S.
Pascual, Jocelyn S. Pablo
Tagasuri ng Disenyo
at Balangkas: Glehn Mark A. Jarlego
Tagaguhit: Juverina A. Ligutan
Tagalapat: Glehn Mark A. Jarlego, Johanna D. Natividad
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles,
PhD Rubilita L. San
Alamin

Anomang bagay na ating nakikita, napapakinggan at napapanood ay


may malaking impluwensiya sa ating kaisipan, gawi at pananaw sa buhay
dahil sa makabago nitong pamamaraan, estilo at anyo, partikular na ito ay
binabasa at pinapanood. Kabilang dito ang nauna mo nang napag-aralan, ang
print media, broadcast media at ngayon, ang araling iyong matututuhan,
ang pagsusuring pampelikula.

Batid natin ang malaking impluwensiya ng pelikula sa buhay ng mga


Pilipino, partikular na sa mga kabataang tulad mo.

Pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat,


at magpamulat ng mga kaisipan tungo sa kamalayang panlipunan.

Kaya naman ang modyul na ito ay sadyang ginawa upang lalo pang
mahasa ang iyong husay at malinang pa ang kasanayan mo sa:

1. nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw


ng nagsasalita (F8PN-IIIg-h-31),
2. nasusuri ang napanood na pelikula batay sa paksa/tema, layon, gamit
ng salita, at mga tauhan (F8PB-IIIg-h-32), at
3. nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula (F8PT-IIIg-h-32).

Subukin
Halina! Lakbayin natin ang mundo ng pelikula sa pamamagitan ng
modyul na ito. Subalit bago ka magsimula, subukin muna natin ang iyong
kahandaan sa aralin.

Sagutin mo nang buong husay ang mga nakahandang katanungan


upang mataya kung may alam ka na sa mga dapat mong malaman sa mga
susunod na bahagi.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Piliin at isulat


ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1
1. Ano ang isang inklinasyon o pagkagusto na pumigil sa isang pinagmulan
ng impormasyon na maging wasto?
A. bayas C. layon
B. dokumentaryo D. tema

2. Mahalagang may kaalaman sa bayas o pagkiling sa impormasyon sa


isang pelikula upang hindi ka madaling .
A. malamangan C. malito
B. malinlang D. mapaniwala

3. Mahalagang mapukaw ang interes at pananaw ng mga tagapanood sa


isang pelikula upang .
A. hindi masayang ang pinagpagurang pelikula
B. mas maging kaabang-abang ang bawat eksena
C. masulit ang pagod at hirap ng mga artistang nagsiganap
D. mas maging tutok at hindi nawawala ang abilidad sa pagtingin
sa katotohanan

4-6.Suriin kung anong sangkap ng nilalaman ng pelikulang


nabasa/napanood maiaangkop ang mga sumusunod na pahayag:

7. Panganay na anak. Isang ama na nahihirapang matustusan ang


pangangailangan ng sariling pamilya.
A. layon C. tema o paksa
B. tauhan D. gamit ng salita

8. Ayon sa pelikula, nagkasakit ang kanilang ama at may taning na ang


buhay kaya’t silang magkakapatid ay nagkaroon ng pag-
uusap/kasunduan na magkita-kita tuwing Linggo upang mapasaya ang
kanilang ama.

A. layon C. tema o paksa


B. tauhan D. gamit ng salita

9. Mahalin ang magulang habang siya’y malakas pa. Bilang magkakapatid,


magmahalan at magmalasakitan dahil ito’y isang kasiyahan ng
sinomang magulang.

A. layon C. tema o paksa


B. tauhan D. gamit ng salita

2
10. Mahalagang mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa isang
pelikula upang mas .
A. lumutang ang damdamin ng may akda
B. lalong makasabay ang mga tagapanood
C. mabigyang-kahalagahan ang diyalogo ng mga nagsiganap
D. lalong maunawaan ng mga tagapanood ang nais iparating
nito

11. Ito ay salitang karaniwang ginagamit sa mga pelikulang Pilipino.


A. taglish C. sariling wika
B. ingles D. hiram na salita

12. Ginagamit ang mga salita sa mundo ng pelikula upang higit na


mabigyang-kahulugan ang mga pahayag depende kung ano ang .
A. pelikulang paggagamitan
B. pahayag na nais ipabatid
C. totoong pahayag ng pelikula
D. salitang mauunawaan ng manonood

13. Ito ay karaniwang salitang ginagamit sa mga pelikulang drama,


komedya, romansa at pag-ibig.
A. balbal C. di-pormal
B. pormal D. lalawiganin

Aralin

6 Pagsusuring Pampelikula

Nakapanood ka na ba ng mga pelikula? Ano ang pinakanagustuhan


mong pelikula na napanood?
Ang pelikula, na kilala rin bilang sine at pinilakang tabing, ay isang
larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang
anyo ng sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan. Dahil naging
pangunahing tagapamagitan para sa pagpapakitang mga gumagalaw na
larawan ang litratong pelikula sa kasaysayan, kadalasang tinutukoy ang
larangang ito ng akademya bilang pag-aaral ng pelikula.
Ang pelikula ay isang anyo ng sining. Ito ay tanyag na libangan at
negosyo. Nililikha ito sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at

3
bagay sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartong-biswal na
nagtatangkang makita ang reyalidad at katotohanan ng buhay.
Isang halimbawa ng pelikula ay ang Hello, Love, Goodbye. Ipinakikita
nito ang pagmamahal sa pamilya. Gayondin ang katotohanang hindi lahat ng
mga bagay na naisin ay naibibigay dahil may mga pagkakataong kailangang
isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa pamilya.

Balikan
Sa parteng ito, iyong balikan ang nakaraang aralin tungkol sa iba’t
ibang uri ng programang pantelebisyon upang malaman ang iyong natutuhan
ukol dito.

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag sa bawat bilang,
at MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang infotainment ay uri ng media na nagbibigay ng


impormasyon at kasiyahan sa mga tao sa pamamagitan ng iba’t
ibang programang pantelebisyon.
2. Maituturing na isang sining ang programang pantelebisyon na
nagsisilbing libangan na gumigising sa isip at damdamin ng
isang tao.
3. Tinatawag na pangatnig na pananhi ang mga salitang ginagamit
sa pagbibigay ng sanhi at bunga.
4. Ang konseptong may kaugnayang sikolohikal ay nakabubuo ng
isang makahulugang pahayag.
5. Kapag pinaghiwalay ang ugnayang sanhi at bunga, makabubuo
ng pahayag na ugnayang lohikal.

Tuklasin
Mahusay! Nasagot mo ang mga naunang gawain. Halina at iyong
panoorin/basahin ang isang halimbawa ng pelikula na tiyak na kapupulutan
mo ng magandang-aral na magagamit sa iyong buhay.

4
Hello, Love, Goodbye
Sinuri ni Juverina A. Ligutan

Kapag dumating ka sa oras, na kailangan


mong pumili sa pagitan ng pagmamahal o pag-
ibig at sa pamilya . Alin dito ang iyong pipiliin?

Tauhan
Ang mga tauhan ay may kaniya-kaniyang
galing sa pagpaparamdam ng emosyon sa bawat
eksena na lalong nagpalutang sa papel na
kanilang ginampanan. Si Joy (Kathryn Bernardo)
ay isang OFW sa Hong Kong na nagsusumikap
upang matugunan ang pangangailangan ng
kaniyang pamilya sa Pilipinas. Si Ethan (Alden
Richards) isang babaero, walang seryosong relasyon ay nagtatrabaho bilang
isang bar tender sa niraraketang bar ni Joy sa gabi habang naghihintay ng
kaniyang citizenship.

Paksa/Tema
Sa pelikulang ito’y ipinakita ang reyalistikong mga sitwasyon sa buhay
ng mga OFW, paglalahad ng mga hindi kanais-nais na bunga na paglayo sa
pamilya para kumita nang malaki sa ibang bansa. Katulad ni Joy na siyang
inaasahan na makakapagbigay ng mga pangangailangan ng kaniyang
pamilya sa Pilipinas ay kinailangan niyang pagsabay-sabayin ang pagiging
kasambahay, pag-aalaga ng bata at matanda, pagbebenta ng online
products, at pagiging isang waitress sa isang bar. Idagdag pa ang
kagustuhan niyang makapunta sa Canada. Hanggang magtagpo ang
kanilang landas.

Layon
May kaniya-kaniyang sitwasyong pinagdadaanan ang bawat isa.
Kailangan lang maging positibo at maingat sa lahat ng hakbang upang sa
gagawing desisyon ay hindi magkamali. Ipinapakita din ng pelikulang ito na
kapag mahal ka ng isang tao hahayaan ka muna niyang tuparin ang
pangarap mo, dahil kapag nagmamahal ka, kailangan ay marunong kang
magsakripisyo.

Gamit ng Salita
Ilan sa mga salitang ginamit sa pelikulang ito ay ang pambansang
salita dahil sa pagiging romantiko nito. Punong-puno ng hugot at iba’t ibang
klaseng emosyon na may masasagi at masasaging bahagi ng iyong puso na
talaga namang matatangay ka ng mga linya.
5
.

Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-anong pamamaraan ang ginawa ni Joy upang matustusan niya


ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya sa Pilipinas?
2. Ano ang ibig sabihin ni Joy sa sinabi niyang, “ang choice ay para
lamang sa may pera”?
3. Ilarawan ang mga pangunahing tauhan bilang kabataan,
kasintahan, at anak.
4. Makatuwiran ba na isantabi ang pag-ibig para sa ating pamilya at
pangarap? Pangatwiranan.
5. Paano nakatulong ang mga salitang ginamit upang mabigyang-
kahulugan ang nais ipahiwatig ng pelikula?

Suriin
Magaling! Narito ang mga kaalaman na makatutulong sa iyo upang higit
mong maunawaan ang aralin.

Basahin sa ibaba ang suring-pelikula o panoorin sa youtube “Seven


Sundays” sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=7u6-t20hr-
8&t=198s. (Paalala: Hinihikayat na ang guro na ang bahalang gagawa ng
paraan upang mapanood ng mga mag-aaral ang pelikulang susuriin.)

Seven Sundays
Sa direksyon ni Cathy Molina-Garcia

Ito ay tungkol sa isang relasyong pampamilya, hindi ng isang


perpektong pamilya kundi ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino na
dumaan sa mga pagsubok sa buhay sa larangan ng pera, pagsasama at

6
pagkakabuklod.

Tinatalakay ng pelikulang ito ang sitwasyon ng isang pamilya,


hindi sugar-coated, kundi mga sitwasyong totoong nangyari at
mangyayari sa isang pagsasamahan. Tumutukoy sa kakulangan ng bawat
isa sa kaniyang tungkulin bilang ama sa kaniyang mga anak, ang anak sa
kaniyang ama at kapatid sa kapatid. Minsan sa ating buhay ay
nakakalimutan natin ang ating relasyon sa pamilya. Subalit sa
pagkakaroon ng problema, naroon ang ating mga kapatid na handang
tumulong at sumuporta sa lahat ng oras.

Ang pelikulang ito ang magpapaalala sa atin na kahit anong mangyari


sa ating buhay masama man o mabuti, may mga taong laging nandyan para
sa atin para sumuporta at akayin tayo pabalik sa ating pamilya.

Mula sa mga magagaling na nagsiganap ng pelikulang ito ay


madadala ka sa emosyon at kukurutin nila ang iyong puso. Pelikula na
pinagsama ang iyong luha at tawa. Tumatawa ka habang lumuluha o ‘di
kaya naman lumuluha ka habang tumatawa.

Mahalagang malaman kung paano ang pagbibigay ng bayas o


pagkiling sa isang paksa o sa pinag-uusapan. Hindi tayo makapaglalahad ng
ating pagkiling kung hindi natin alam ang pinagmulan nito.

Pagbibigay ng Sariling Bayas o Pagkiling

Ang bayas ay isang inklinasyon predisposisyon o pagkakagusto na


nagiging balakid upang maging kapani-paniwala ang isang pinagmumulan
ng impormasyon. Minsan, pinoprotektahan ng isang pinanggagalingan ng
impormasyon ang opinyon niya na nagiging sanhi ng pagkawala ng kaniyang
pokus sa katotohanan. Kapag nangyari ito, may bayas o pagkiling na ang
taong iyon. Mahalaga na malaman mo ang mga bayas sa kahit anong
impormasyon na iyong natatanggap upang hindi ka madaling malilinlang o
maloloko. Maaaring may bayas ang isang impormasyon na hindi nagbibigay
ng kumpletong katotohanan. Maraming mga bayas o pagkiling ang nasa
porma ng propaganda techniques.

Mga Gabay para sa Paggawa ng Suring Pelikula

Kailangang ipakilala sa unang talata ang paksa ng pelikula. Maaaring


magsimula ang may-akda sa mga simpleng detalye tulad ng pamagat ng
pelikula, mga aktor at aktres na nagsiganap, at pati na rin sa pook at

7
panahon kung saan nangyari ang kuwento.

8
Isalaysay ang daloy ng pelikula. Kailangang masakop ng manunulat
ang kabuoan ng istorya liban na lang sa pagwawakas nito upang naisin pa
rin ng mambabasa na panoorin ang pelikula. Maaaring magbigay ng mga
halimbawang eksenang mahalaga at pati na rin ang mga eksenang tatatak sa
isipan ng manonood.

Maaaring magbigay ng kritisismo sa ikatlong talata sa isang partikular


na aspekto ng pelikula. Maaaring pagpilian ang mga aktor at aktres na
gumanap, ang pagkahabi ng kuwento, ang hitsura ng mga eksena, ang
kalidad ng tunog at musika, at pati na rin ang mga tema, simbolismo, at
mensaheng gusting ipahayag ng pelikula. Magbigay ng mga halimbawa sa
pelikula upang suportahan ang mga kritisismo.

1. Tauhan – Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan? Lumutang


ba ang mga katangian ng tauhan upang makilala ang bida
(protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?
2. Tema o paksa – Mayroon bang “puso” ang pelikula? May taglay ba
itong kaisipan at diwang titimo sa isip at damdamin ng mga manonood
na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?
3. Gamit ng Salita – ay ang tanyag na mga linya o kataga na may
kaugnayan sa tema o ipinapahayag ng tauhan sa pangyayari.
4. Layon – ay ang intensiyon ng sumulat kung ano ang nais niyang
ipahayag o ipaalam.

Ayon kay Thomas Caryle, itinuturing ang wika bilang saplot ng


kaisipan; gayonpaman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang saplot-
kalamnan, ang mismong katawan ng kaisipan. Kaya naman, ang wika ay
mahalaga sa paggawa ng isang pelikula dahil kung wala ito hindi tatakbo ang
kuwento na iyong isinasagawa. Maaari ding gumamit ng ibang wika tulad ng
Ingles o maaari din namang Taglish depende sa dyandra ng pelikulang iyong
ginagawa o depende sa nakasaad sa iskrip.
Ang paggamit ng tamang wika ay makatutulong sa pagkakaroon ng
magandang komunikasyon sa ibang tao at maipahayag ang damdamin at
kaisipan nito. Mahalaga rin ang wika sa pagbuo ng isang pelikula upang
maipadama ng mga karakter o aktres sa kuwento ang emosyon at damdamin
na kanilang inihahatid sa mga manonood gamit ang wikang kanilang sinasabi
o binibitawan.
Ang mga salitang ginagamit ay depende sa kung anong uri ng pelikula
ito: halimbawa, sa mga palabas na ang tema ay drama, pag-ibig, romansa
musikal ay ginagamit ang balbal, lalawiganin at pambansang salita.

9
Samantala sa komedya, aksyon, musikal at katatakutan ay pormal, balbal,
pampanitikan at lalawiganin naman ang naaangkop gamitin.

Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula

1. Pinilakang Tabing – (Silver Screen) o sinehan


2. Sine – lugar panooran ng mga pelikulang naka-anunsiyong panoorin.
3. Cut – salitang ginagamit ng direktor kung hindi nasisiyahan sa pag-arte
o may eksenang hindi maaayos ang pagkakagawa.
4. Lights, camera, action – hudyat na magsisimula na ang pag-arte o ang
pagkuha ng eksena.
5. Take two – tumutukoy sa kung ilang ulit kinukuhanan ang eksena.
6. Derek – tawag sa taong nagmamaneho sa artista, lugar, iba pang
gagalaw sa pelikula.
7. Bida – tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.
8. Kontrabida – katunggali ng bida na nagbibigay intense sa isang
pelikula.
9. Okey, taping na! – pormal na hudyat na ang taping ay magsisimula na.
10. Break! Break! – saglit na pamamahinga o pagtigil sa pagkuha ng
eksena.
11. Anggulo – tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar eksena at pag-arte.
12. Artista – mga taong gumaganap ng bawat papel na hinihingi ng
istorya
13. Musika – dapat naaangkop sa kuwento o eksena at galaw ng bawat
tauhan.
14. Iskrip – kasaysayan ng pelikula, teksto o nasusulat na paglalahad sa
pelikula kasama ang detalye ng aksyon at mga patnubay na teknikal
na kailangan sa produksyon.

Pagyamanin
Wow! Nadagdagan pa ang iyong kaalaman. Mayroon pa akong mga
inihandang gawain na siguradong ikaw ay may matututuhan. Halina’t
simulan mo na.
Gawain 1: Lahad-Lahat

Panuto: Gamit ang grapikong pantulong ilahad ang sarili mong bayas o
pagkiling sa interes at pananaw ayon sa pahayag ng mga pangunahing
tauhan sa pelikulang “Hello, Love, Goodbye”. Gayahin ang pormat at sagutan
ito sa hiwalay na papel.

10
Hello, Love, Goodbye

Mga pahayag o sinabi Sariling bayas o pagkiling


Kung mahal mo ako, bakit pinapapili
mo ako?”
-Joy
“May hinahabol pa ang future para
sa pamilya ko. Hindi kita puwedeng
mahalin.”
- Joy
“Kung mahal mo ako, bakit hindi
ako ang piliin mo?”
-Ethan
“Nakakaintriga pala kapag
pinapalayo ka, ano? Sa susunod
kapag ayaw ko ‘yong babae, sabihan
ko agad ng I love you para matakot
saka lumayo.””
- Ethan
“Bawat oras, dapat sulitin mo kasi
walang nagtatagal dito.”
-Joy

Gawain 2: Tala-Suri
Panuto: Suriin ang pelikulang “Seven Sundays” batay sa paksa/tema,
layon, gamit ng salita at mga tauhan nito. Gayahin ang pattern at sagutan
ito sa hiwalay na papel.

SEVE
N SUNDAY layon:
S

paksa/tema:

gamit ng salita:

tauhan:

11
Gawain 3: Punan Kahulugan
Panuto: Bigyang-kahulugan ang ilang salitang ginagamit sa mundo ng
pelikula. Gayahin ang pormat at sagutan ito sa hiwalay na papel.

Mga Uri Mga Salitang Ginagamit Pagbibigay-


ng Pelikula kahulugan
1. Drama
2. Komedya
3. Katatakutan
4. Animasyon
5. Romansa

Isaisip

Mahusay talaga! Dahil diyan, may inihanda pa akong gawain upang


maging kapana-panabik ang ating paglalakbay. Halika at lagumin ang lahat
ng iyong natutuhan.

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang paksang tinalakay. Isulat
itong muli at sagutan ito sa hiwalay na papel.

Napag-alaman ko nasapagsusuring-pampelikulaay
mahalagang mailahad ang
at matutong magsuri ang mga tagapanood sa , ,
, , atdapat
nabibigyang-kahulugan ang mga upang higit itong maunawaan.

12
Isagawa

Magaling! Nasagot mo ang mga inihanda kong gawain para sa iyo.


Narito pa ang isang gawaing susubok sa mga natutuhan mo sa ating aralin.

Panuto: Pumili ng alinman sa mga pelikulang iyong napanood. Ilahad ang


iyong sariling bayas o pagkiling tungkol dito, bigyang-kahulugan ang mga
salitang ginamit at suriin ito ayon sa paksa, layon, at mga tauhan. Gayahin
ang pormat sa ibaba at sagutin ito sa hiwalay na papel.

Pamagat ng Pelikula

Tauhan: Mga salitang ginamit


Bayas o Pagkiling

Layon:

Paksa/Tema:

13
Tayahin

Mahusay! Binabati kita. Alam kong nagpakita ka ng angking husay sa


pagsagot. Naniniwala ako na kayang-kaya mong sagutin ang susunod na
gawain.

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Mahalagang mabigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa isang


pelikula upang mas .
A. lumutang ang damdamin ng may akda
B. lalong makasabay ang mga tagapanood
C. mabigyang-kahalagahan ang diyalogo ng mga nagsiganap
D. lalong maunawaan ng mga tagapanood ang nais iparating
nito

2. Ito ay salitang karaniwang ginagamit sa mga pelikulang Pilipino.


A. ingles C. sariling wika
B. taglish D. hiram na salita

3. Ginagamit ang mga salita sa mundo ng pelikula upang higit na


mabigyang-kahulugan ang mga pahayag depende kung ano ang .
A. pelikulang paggagamitan
B. pahayag na nais ipabatid
C. totoong pahayag ng pelikula
D. salitang mauunawaan ng manonood

4. Karaniwang salitang ginagamit sa mga pelikulang drama, komedya,


romansa at pag-ibig.
A. balbal C. di-pormal
B. pormal D. lalawiganin

5. Ano ang isang inklinasyon o pagkagusto na pumigil sa isang


pinagmulan ng impormasyon na maging wasto?
A. bayas C. layon
B. dokumentaryo D. tema

14
6. Mahalagang may kaalaman sa bayas o pagkiling sa impormasyon sa
isang pelikula upang hindi ka madaling .

A. malamangan C. malito
B. malinlang D. mapaniwala

7. Mahalagang mapukaw ang interes at pananaw ng mga tagapanood sa


isang pelikula upang .
A. hindi masayang ang pinagpagurang pelikula
B. mas maging kaabang-abang ang bawat eksena
C. masulit ang pagod at hirap ng mga artistang nagsiganap
D. mas maging tutok at hindi nawawala ang abilidad sa pagtingin
sa katotohanan

8-10 Suriin kung saang sangkap ng nilalaman ng pelikulang


nabasa/napanood maiaangkop ang mga sumusunod na pahayag:

12. Pangalawang anak. Bread winner ng pamilya at binatang ama.

A. layon C. tema o paksa


B. tauhan D. gamit ng salita

13. Sa bandang huli ng pelikula,nagkaroon ng kaisahan at naibalik ang


dating relasyon ng mga magkakapatid.
A. layon C. tema o paksa
B. tauhan D. gamit ng salita

14. Ang pagiging tapat sa anumang bagay ay nakakapagdudulot ng isang


masaya at magandang samahan.
A. layon C. tema o paksa
B. tauhan D. gamit ng salita

Karagdagang Gawain

15
Napakahusay talaga! Napagtagumpayan mo lahat ng mga gawain na
inilaan ko para sa iyo. O, isang hirit pa! Narito ang iyong panghuling gawain.

Panuto: Ayon sa mga pelikulang, “Seven Sundays” at “Hello, Love,


Goodbye”, ibigay ang iyong sariling pagsusuri sa paksa/temang nais ipabatid
nito. Gayahin ang Venn Diagram at sagutin ito sa hiwalay na papel.

P
agkakatulad
Hello, Love, Goodbye Seven Sundays
Pagkakaiba Pagkakaiba

16
Subukin Pagyamanin

1. D Gawain 1
2. A
3. A 1. talo
4. A 2. pasikat
5. A 3. kakaiba
6. C 4. tunay
7. D 5. pinaghalon
8. B g tatay at
9. A lolo
10. C
Gawain 2
Balikan
Ang sagot ay
1. Tama maaaring magkaiba-
2. Tama iba
3. Tama
4. Mali Gawain 3
5. Mali
Ang sagot ay
maaaring magkaiba-
iba
Isaisip
Tayahin

1. A
2. A
3. D
4. C
5. A
6. C
7. D
8. A
9. A
10. A
Karagdagang Gawain

Ang sagot ay
maaaring magkaiba-
iba

You might also like