You are on page 1of 3

FILIPINO IKATLONG MARKAHAN: ARALIN 3 -Ikatlong Linggo

8
Paksa: Positibo at Negatibong Pahayag
Katotohanan, Hinuha, Opinyon at Personal na Interpretasyon

1. Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag (F8PB-III-e-30)


2. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences), opinyon, at personal na
interpretasyon ng kausap (F8PN-III-e-29)

Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang sariling opinyon sa bawat pangyayari, sitwasyon o paksang
tinatalakay na siyang mahalaga nating ipahayag maaaring ito man ay positibo o negatibo.

Positibong Pahayag ay ang mga pahayag na may diwang positibo at may pagkiling sa diwa ng nakararami.
Halimbawa:
1. Naghahatid ng aral, inspirasyon sa social media ang ‘Father Tiktoker’ ng Pampanga.
2. Dahil sa social media ay maraming naaliw at nalibang kahit may pandemya.

Negatibong Pahayag ay mga pahayag na may diwang negatibo o salungat o hindi pagkiling sa diwa ng
nakararami.
Halimbawa:
1. Parami nang parami ang bilang ng mga namatay na nagpositibo sa COVID 19.
2. Hindi naging madali para sa lahat ang pagbangon mula sa kahirapan
Mahalagang malaman natin ang pagkakaiba ng katotohanan sa hinuha, opinyon at personal na interpretasyon
upang alam natin kung paano tutugon sa isang pahayag.

Ang sumusunod ay ang kahulugan at halimbawa ng katotohanan, hinuha, opinyon at personal na


interpretasyon.

1. Katotohanan (facts) ay mga pahayag na may matibay na ebidensya at may pinagbatayan. Ito ay
gumagamit ng mga pananda katulad ng: Sang-ayon sa, Batay sa, Pinatutunayan ni, at iba pa.
Halimbawa: Batay sa aklat na Panitikang Pilipino 8, pahina 25, na ang epiko ay isang mahabang
tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o higit pang bayani o
maalamat na mga nilalang.
2. Hinuha o hula ay kadalasang ginagamit kapag ikaw ay nagbabasa ng isang akda o kuwento, ito ay
mga pahayag na inaakalang mangyayari batay sa isang sitwasyon. Ito’y gumagamit ng mga pananda
katulad ng: baka.,marahil..,tila.., at iba pa.
Halimbawa: Sa palagay ko, ang tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” ni Andres Bonifacio ay tungkol sa
kanyang pagmamahal sa bayan.
3. Opinyon ay ang iyong palagay o kuro-kuro tungkol sa isang bagay o pangyayari. Ito ay walang tiyak na
pinagbatayan kundi ang iyong sarili lamang. Gumamit ito ng mga panandang: sa tingin ko, sa aking
palagay, para sa akin, at iba pa.
Halimbawa: Kung ako ang tatanungin, mas marami ang sang-ayon sa ipinatupad na No Face to Face
Classes dahil sa banta ng COVID-19.
4. Personal na Interpretasyon ay nakabatay sa sariling kaisipan o pananaw lamang ng isang tao.
Halimbawa: Sa buhay, kailangan nating mangarap at magsumikap.

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

Tanong;
1. Ano ang pagkakaiba ng positibong pahayag sa negatibong pahayag?
2. Paano matukoy kung ang pahayag ay katotohanan o hinuha?

1
LAGUMANG PAGSUSULIT
I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek (√) kung ang pahayag ay
positibo at ekis (x) naman kung ang pahayag ay negatibo.

____1. Hindi maganda ang pangyayari sa taong 2020 dahil sa pandemya.


____2. Sa kabila ng kahirapan ay patuloy pa ring lumalaban ang mga Pilipino.
____3. Naku! Isyu dito, isyu doon. Ang gulo na ng mundo.
____4. Mabuti na lamang ay dumating na sa Pilipinas ang vaccine na makapupuksa sa corona virus.
____5. Bawat isa ay may mabuting natutuhan dahil sa mga pinagdaanan sa buhay.
____6. Nakakaaliw ang iyong ipinakitang palabas kanina.
____7. Nakasisira sa mata ang sobrang gamit ng gadyet.
____8. Maraming magagandang tanawin at lugar ang matatagpuan sa Pilipinas.
____9. Madaling makakalap ng impormasyon ang pag gamit ng social media.
____10. Mas lalong naghirap ang lahat gawa ng COVID19.

II. Panuto: Tukuyin kung ang sumusunod na mga pahayag ay isang katotohanan, hinuha, opinyon o
personal na interpretasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Kung gusto mong makakain ay magbabanat ka ng buto.


2. Ang buhay ay puno ng mga pagsubok na kailangang harapin.
3. Ayon sa PAG-ASA buong linggong maulan sa Kabisayaan.
4. Sa aking palagay, kailangang maging disiplinado ang mga Pilipino upang tuluyang masugpo ang COVID-19.
5. Nakita kung umalis sina Ana at Mike kasama ang nanay nila na may dalang basket. Marahil ay mamamalengke
silang tatlo.
6. Gabi-gabi ay nag-aaral ng kaniyang leksyon si Ben kaya nang dumating ang bigayan ng card hindi na nagtaka
si Aling Melly sa nakuhang grado ng anak.
7. Kailangan mong maging matalino upang magtagumpay sa buhay.
8. Sa palagay ko, kapag maraming bibili ng mga paninda ko ay matutuwa si inay.
9. Sa mga datos na inilabas ng World Health Organization, higit na mabilis makahawa ang UK variant ng COVID
19.
10. Para sa akin, mas ligtas tayo kung mananatili lamang tayo sa ating mga tahanan.

Mga Sanggunian:

Panitikang Pilipino-Ikawalong Baitang


Filipino-Modyul para sa Mag-aaral
Department of Education-Instructional Material
Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Book Media Press, Inc. and Printwell, Inc., Unang Edisyon,2013

Learning Activity Sheet


Inilimbag ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6-Kanlurang Visayas
Unang Edisyon,2020

2
Inihanda nina:

DINA A. PANIGUA

KAREN P. POLINES

JESA ROSE L. BERNARDES

Sinuri nina:

JOVIE L. LADOT CAROL P. DEATRAS


HT-I, Fil. Department MT-I, Fil. Department

Pinansin ni:

JESUSA P. AMADOR
JHS, Asst. Principal for Academics

Sinang – ayunan ni:

REY P. DEATRAS, PhD


Principal IV

You might also like