You are on page 1of 24

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADE 8
IKATLONG MARKAHAN
ARALIN 3.1
Panitikan : Panitikang Popular (Komiks, Magasin,
Pahayagan)
Wika : Antas ng Wika: Di-Pormal (Balbal, Kolokyal,
Banyaga)
Bilang ng Araw :8
Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT


DOMAIN PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIIa-c-
28)
 Nabibigyang reaksyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa
isang isyu.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIIa-c-29)


 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
(1)paksa (2)layon (3)tono (4)pananaw (5)paraan ng pagkakasulat
(6)pagbuo ng salita (7)pagbuo ng talata (8)pagbuo ng pangungusap

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIIa-c-29)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng
multimedia.

PANONOOD (PD) (F8PD-IIIa-c-29)


 Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang
tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon o video clip

PAGSASALITA (PS) (F8PS-IIIa-c-30)


 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa
pananaliksik.

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIIa-c-30)


 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa
pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIIa-c-30)


 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga).

Ikatlong Markahan | 1
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F8PN-IIIa-c-28)


 Nabibigyang reaksyon ang narinig na opinyon ng kausap tungkol sa
isang isyu.

II. PAKSA

Panitikan : Panitikang Popular (Komiks, Magasin,


Pahayagan)
Teksto : “Ang Tradisyunal at Modernong Panitikan sa
Kulturang Popular ng mga Filipino” ni Paolo
Acabado
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
biswal
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin

2. Presentasyon ng Aralin
Panitikan : Babasahing Popular (Komiks, Magasin,
Pahayagan)
Wika : Di Pormal na Antas ng Wika

AKTIBITI
3. Pokus na Tanong
Mungkahing Estratehiya : POKUS WHEEL
Isakay sa Wheel ang mga pokus na tanong na nais ninyong
malaman sa aralin upang umandar ang talakayan ng leksyon.
tanong
tanong tanong

tanong tanong

Ikatlong Markahan | 2
Pokus na Tanong ng Aralin 3.1
 Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na
panitikang popular?
 Paano nakatutulong ang di-pormal na antas ng wika sa pag-unawa
sa panitikang popular?

4. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : CROSSWORD PUZZLE
Tukuyin mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba.
Pagkatapos, isulat mo ang mga letra ng iyong sagot sa mga kahon upang
mabuo ang crossword puzzle.
MGA BUGTONG
- Pinipilahan ng mga manonood, sa pinilakang tabing ito’y itinatampok!
- Kahong puno2 ng makukulay 4 na larawan
5 at usapan ng mga tauhan. Tunay na kinagigiliwan ng kabataan
- Kuwadradong elektronikon kagamitan.Tampok ay iba’t ibang palabas na kinaaaliwan!
- Sa isang click lang mundong ito’y mapapasok na para mag- Fb, Twitter o magsaliksik pa.
- Musika’t balita ay mapapakinggan na. Sa isang galaw lamang ng pihitan, may FM at AM pa!
- Maliit na diyaryong inilalako sa daan; balita, tsismis at iba paang laman.
M may6larawan
- Pabalat nito’y D na artista. Nilalama’y mga artikulong tumatalakay sa iba’t ibang
T pang sikat
3 L
1 P
B

T
7 G

 Pag-uugnay ng gawain sa bagong aralin.


 Pagbasa sa teksto “Ang Tradisyunal at
Modernong Panitikan sa Kulturang Popular ng
mga Filipino” ni Paolo Acabado.

Ikatlong Markahan | 3
“Ang Tradisyunal at Modernong Panitikan sa Kulturang
Popular ng mga Filipino”
ni Paolo Acabado

Ang tradisyunal na panitikan ay madaling makikita sa lipunan ng


Pilipinas. Ang gusto ng masa ay mga programa na nakaaaliw o kaya naman ay
nakapabibigay-pag-asa. Isang halimbawa nito ay ang mga “soap opera” o mas
kilala ngayon sa katawagang “telenovela”. Kadalasan itong pinapanood ng
mga tao sapagkat gusto nilang maaliw at makasubaybay sa mga programang
ito. Katulad nito ay ang “telenovela” na “Walang Hanggan” ng ABS-CBN
ngayon.
Ang “telenovelang” ito ay ipinapakita ang nakasanayan na nating
mabuti laban sa masama kaya naman ito naging tradisyunal (“Good vs. Evil”).
Ang bida sa palabas (Coco Martin, Dawn Zulueta) ay mayroong mga
hinaharap na mga kontrabida (Madam Margaret, Miguel) at alam naman natin
na sa huli ay palaging ang mabuti ang nagwawagi. Kahit di pa nagtatapos ang
programa ay alam na natin na ganito ang mangyayari dahil nga sa gawi ng
mga ganitong uri ng programa na magtapos ng masaya at positibo.
Ngunit ang kulturang popular ng Pilipinas ay kakikitaan din ng
Modernismo. Kadalasan ay nakikita ito sa mga “indie films” na nagpapakita
ng totoong kalagayan ng ating lipunan. Realidad ang ginagawang pundasyon,
kuwento, at istruktura ng mga ganitong palabas. Hindi naman ibig sabihin nito
na ang mga “indie films” ay mga totoong kuwento bagkus ay ipinapahayag
lamang ng mga ito ang isang aspeto ng realidad ng ating lipunan. Halimbawa
nito ay ang “indie film” na “Kinatay” na pinagbidahan ni Coco Martin. Ito ay
nagpapakita ng korapsyon ng ating pulisya na totoo nga naming nangyayari sa
ating lipunan. Ipinasisilip nito sa atin at ipinababatid ang mga nangyayari sa
ating ginagalawang komunidad.
Ang tradisyunal at modernong panitikan ay naglipana sa ating
kulturang popular. Madami ang tumatangkilik sa tradisyunal kaysa sa moderno
sa ating lipunan. Ngunit, tayo pa din ang magpapasya kung ano ang mas
makabuluhan para sa atin. Kahit na parehong importante sa atin ang dalawang
uring ito, hindi pa rin nating maiiwasan na medyo humilig sa isa. Kahit ano pa
man ang ating mapili, hindi natin maikakaila na patuloy pa ring hinuhubog ng
mga ito ang ating pagka- Pilipino.

Sanggunian: https://paoloacabado.wordpress.com/2012/07/13/ang-
tradisyunal-at-modernong-panitikan-sa-kulturang-popular-ng-pilipino/

Ikatlong Markahan | 4
ANALISIS

1. Sang-ayon sa may-akda, “Ang gusto ng masa ay mga programa na


nakaaaliw o kaya naman ay nakapabibigay-pag-asa.” Sang- ayon ka ba
dito? Ano ang iyong reaksyon hinggil sa opinyon niyang ito?

2. Ano ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri ng


panitikan?

3. Bakit malaki ang hatak ng popular na panitikan sa panlasa ng


nakararaming mambabasang Pilipino?

4. Patunayang may malaking magagawa ang babasahing popular sa


pagpapalaganap ng pambansang kamalayan at pambansang kultura.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

MGA POPULAR NA
BABASAHIN
Masasabing nagpatuloy ang tradisyunal na panitikan sa kabila ng
modernisasyon dulot ng pag-unlad ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon
lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang
kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at
dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa
tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin, naiiba lamang sa estilo,
pamamaraan, at kaalamang teknikal ang panitikang popular.

May iba’t ibang midyum na ginagamit sa paghahatid ng


impormasyon, balita at iba’t ibang palabas na maaaring napakikinggan o
napanonood ng mamamayan lalo na ng kabataan sa kasalukuyan. Ang ilan sa
mga ito ay ang tabloid, komiks, magasin, internet, radyo at
telebisyon. Ang mga ito ay maituturing nating kumakatawan sa kulturang
popular ng mga Pilipino sa ngayon.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag et. al.

Ikatlong Markahan | 5
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : FLOWCHART


Bumuo ng pagpapaliwanag kaugnay ng mga ideyang nakapaloob sa
flowchart upang makabuo ng isang konsepto.

Panitikan

Tradisyon

Modernisasyon Teknolohiya

Babasahing Popular

Pagsagot
A P L sa
I Kpokus
ASYO naNtanong: Bunsod ng pagpapalit sa kultura at
tradisyon, kapangyarihan ng teknolohiya at modernisasyon ng pamayanan,
Mungkahing
nagkaroon Estratehiya
ng transpormasyon : POSTER-IFIC!
ang Panitikang Pilipino mula sa tradisyunal
tungoIpakita ang sa pamamagitan ng isang poster ang pinaka-popular na
sa popular.
panitikan para sa iyo.

IV. KASUNDUAN

1. Magdala ng mga halimbawa ng panitikang popular sa inyong


tahanan.

2. Alin ang pinakapatok na panitikang popular? Bakit?

Ikatlong Markahan | 6
LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F8PB-IIIa-c-29)

 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:


(1)paksa
(2)layon
(3)tono
(4)pananaw
(5)paraan ng pagkakasulat
(6)pagbuo ng salita (7)pagbuo
ng talata (8)pagbuo ng
pangungusap

PANONOOD (PD) (F8PD-IIIa-c-29)

 Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang


tinatalakay sa napanood na programang pantelebisyon o video clip

II. PAKSA

Panitikan : Panitikang Popular (Komiks, Magasin,


Pahayagan)
Kagamitan : Laptop, projector, makukulay na pantulong na
biswal
Bilang ng Araw : 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

Ikatlong Markahan | 7
AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : IGUHIT MO!
Iguhit mo ang mga bagay/ impormasyon na makikita mo sa mga popular na
panitikan.

Sanggunian: (larawan)https://image.issu.com/16062023524538e09252ca
41dc545b8b9d56c8a02b09/jpg/page_1.jpg

 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin (popular na


panitikan)

 Pagsusuri, pagpapakita ngmga halimbawang panitikan


(komiks, pahayagan, magasin)

 Pangkatang Gawain

1 Mungkahing Estratehiya
Going Bulilit!
2 Mungkahing Estratehiya
Game Show
bingin ang tabloid at broadsheet sang-ayon sa nilalaman nitong impormasyon, layunin
at paraan ng pagkasulat. Suriin ang nilalaman ng komiks at magasin.

3 4
Mungkahing Estratehiya Mungkahing Estratehiya The Voice/ Tawag ng tanghalan
Talk Show Sa pamamagitan ng awit,
Suriin ang nilalaman ng komiks at magasin.

ibigay ang tono/damdamin ng mga babasahing popular.

Ikatlong Markahan | 8
RUBRIKS SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangaila
Mahusay ngan ng
Pagpapabuti
Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating
Nilalaman naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman
at Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais ang nilalaman o
ng mga Kaisipan o kaisipan na nais iparating sa o kaisipan na
Mensahe iparating sa manonood (3) kaisipan na nais iparating
(4) manonood (4) nais iparating sa manonood
sa manonood (1)
(2)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan
kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng ng kasiningan
kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang ang
pamamaraang ginamit ng pamamaraan g pamamaraan g
Istilo/Pagkamalik ginamit ng pangkat sa ginamit ng ginamit ng
hain pangkat sa presentasyon (2) pangkat sa pangkat sa
(3) presentasyon (3) presentasyon presentasyon
(1) (0)

Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas


nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng ng pagkakaisa
Kaisahan ng pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang bawat
Pangkat o bawat miyembro sa ang bawat miyembro sa
Kooperasyon sa kanilang gawain miyembro sa kanilang
(3) kanilang gawain (2) kanilang gawain (0)
(3) gawain (1)

 Presentasyon ng bawat pangkat.

 Pagbibigay ng feedback ng guro at mag-aaral.

 Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat


na nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan
batay sa rubriks na ibinigay ng guro.

ANALISIS

1. Bakit malaki ang hatak ng pahayagan lalo na ang tabloid sa panlasa


ng nakararaming mambabasang Pilipino sa kabila ng malaganap na
pag-unlad ng internet?

2. Sa iyong palagay, alin sa mga babasahing popular ang higit na


nakaiimpluwensya sa buhay, pag-uugali,at pag-iisip ng mga
Pilipino? Bakit?

Ikatlong Markahan | 9
3. Bakit kaya higit na tinatangkilik ng masa ang mga babasahing
popular kaysa mga tradisyunal na panitikan?

 Pagbibigay ng input ng guro sa popular na panitikan.

ALAM MO BA NA…

Ang pahayagan, diyaryo, o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na


naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na imprenta sa
mababang halaga. Ito ay maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes, at
kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan.

MGA BAHAGI O PAHINA NG PAHAYAGAN


Pangmukhang Pahina – makikita rito ang pangalan ng pahayagan at ang
mga pangunahin o mahahalagang balita.

Balitang Pandaigdig – mababasa sa pahinang ito ang mga balitang


nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Balitang Panlalawigan – mababasa rito ang mga balita mula sa mga


lalawigan sa ating bansa.

Pangulong Tudling/ Editoryal – sa pahinang ito mababasa ang kuru- kuro


o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu.

Balitang Komersyo – dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan,


industriya, at komersyo.

Anunsyo Klasipikado – makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t ibang
uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitang ipinagbibili.

Obitwaryo – ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na.
Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

Libangan – ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula,


telebisyon, at iba pang sining. Naririto rin ang mga krosword, komiks, at
horoscope.

Ikatlong Markahan | 10
Lifestyle – mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may kinalaman sa
pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto ng buhay sa
lipunan.
Isports – naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan.

KOMIKS

Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at


larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito
ng isa o higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman
palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang
sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular
na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang
kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino.

MGA BAHAGI NG KOMIKS

Pamagat Larawang
ng kuwento guhit ng
mga tauhan
Kahon ng
sa kuwento
Salaysay-
Pinagsusula-
tan ng Lobo ng
maikling usapan-
salaysay Pinagsusula-
tungkol sa tan ng usapan
tagpo ng mga
tauhan; may
Kuwadro- iba’t ibang
Naglalaman anyo ito batay
ng isang sa
tagpo sa inilalarawan
kuwento ng dibuhista.

Sanggunian: Komiklopedia.wordpress.com

Ikatlong Markahan | 11
MAGASIN

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa


Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino.
Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na
ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging
dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga
nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina
ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula
nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa
kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa
bansa.

1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang


mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging
instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay
tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito


ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa
mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang


mga artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin
ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.

4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito


ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.

5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga


isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng


kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa
sitwasyon ng mga mambabasa.

Ikatlong Markahan | 12
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa
mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas
ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang
nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming
kalalakihan.

8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang


mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay
may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag- aalaga ng mga
gadget.

9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais


magtayo ng negosyo.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : VENN DIAGRAM


Sa tulong ng diagram, ibigay ang lagom o pangkalahatang konsepto
ng akdang tinalakay.

A
Pahayagan

A&B A&C

B ABC
C
Magasin Komiks
B&C

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : SINE-LISIS


Panonood ng isang video clip. Pagkatapos ay suriin at iugnay ang
temang napanood nito sa tema ng alinmang komiks, magasin o pahayagan.

Ikatlong Markahan | 13
EBALWASYON

Panuto : Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang


letra ng tamang sagot.

1. Ang ay isang uri ng paglilimbag na


naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas, kadalasang na
imprenta sa mababang halaga.Maikling kwento
a. pahayagan
b. dyaryo
c. peryodiko
d. lahat ngnabanggit

2. Alin sa mga sumusunod ang higit na tinatangkilik ng masa dahil higit


itong mura at naglalaman ng makamasang balita na nakasulat sa
wikang Filipino ?
a. Broadsheet
b. Tabloid
c. Pahayagang Pangkampus
d. Komiks

3. Ang ay isang grapikong midyum na ang mga


salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento.
a. pahayagan
b. komiks
c. magasin
d. broadsheet

4. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga


nobela.
a. pahayagan
b. komiks
c. magasin
d. tabloid

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa panitikang popular?


a. Pahayagan
b. Komiks
c. Magasin
d. nobela

SUSI SA PAGWAWASTO

1.D 2.C 3.C 4.B 5.A

Ikatlong Markahan | 14
INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

IV. KASUNDUAN

1. Sa tulong ng T-CHART ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng


tradisyunal at popular na panitikan.
Tradisyunal P Popular
agkakatulad

pagkakaiba pagkakaiba

2. Magsaliksik tungkol sa antas ng wikang ginagamit ng Filipino,


magbigay ng mga halimbawa.

Ikatlong Markahan | 15
PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F8WG-IIIa-c-30)


 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa
impormal na komunikasyon
a. Balbal
b. Kolokyal
c. banyaga

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F8PT-IIIa-c-29)


 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo na ginagamit sa mundo ng
multimedia.

II. PAKSA

Wika : Antas ng Wika – Di Pormal (Balbal, Kolokyal,


Banyaga)
Kagamitan : Pantulong na biswal, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Alma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari

 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik-aral

2. Presentasyon ng Aralin

ANTAS NG WIKA – Di Pormal

Ikatlong Markahan | 16
AKTIBITI
3. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya: PIC- CONNECT!
Bigyang kahulugan ang mga salita sa ibaba sa
pamamagitan ng pagkonek nito sa angkop na larawan.

PHOTO BOMBER – MULTIMEDIA –


taong nakuha sa litrato ang pagsasama-
na dapat ay hindi sama ng iba’t ibang
kasama/kabilang klase ng
teknolohiya.
WWW – international
na network na pang- CYBERNETICS
computer na nag- –
uugnay sa mga agham ng
indibidwal
TECHIEnanasa iba’t
- Taong komunikasyon at ng
ibang panig
eksperto ng mundo.
sa teknolohiya awtomatikong
Sanggunian: (larawan)www.google.com sistema ng
(kahulugan ng mga salita) Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. kapwa
pagkontrol al
sa makina at buhay
 Pag-uugnay ng naunang gawain sa aralin na(popular nilalang na
panitikan)

 Pagbasa ng lunsarang teksto


SOCIAL MEDIA AT ANG MODERNONG
FILIPINO
Ano na lang ang buhay kung wala ang social media? Maraming Pilipino na ang
natulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito: mga nalulungkot na
OFW, mga bagets n hindi masyadong outgoing, mga madlang pipol na gustong magtipid sa
entertainment, mga gustong makahanap ng sideline income,mga naghahanap ng bagong info
at mga gustong umepal.
Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media
sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang
pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.
Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon
gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipag- talastasan sa mga online
forums at sa pagtambay sa friendster.
Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook at iba pang social networking
sites. Basta isang website ang may komunikasyong maaaring gawin (kahit comment portion
lang), malamang may Pilipinong dumadayo doon.
Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na napakataas ng porsyento ng mga online na
Pinoy sa social networks.

Ikatlong Markahan | 17
ANALISIS

1. Bakit sinasabing ang Filipino ay nasa modernisadong mundo?


2. Gaano kaepektibo ang social media sa aspeto ng kultura ng mga
mamamayan?
3. Anong antas ng wika ang mga salitang may salungguhit?
4. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang
maipahayag niya ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan.
5. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na
komunikasyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

 Pagbibigay ng Input ng Guro

ALAM MO BA NA…

Mga Salitang Ginagamit Sa Impormal Na Komunikasyon


Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang- araw-
araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay
kabilang sa mga impormal na salita. Ang impormal na salita ay nauuri sa apat.
3. Lalawiganin (Provincialism)- ito ang mga salitang kilala at saklaw
lamang ng pook na pinaggagamitan nito. Kapansin-pansin ang mga
lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas , may kakaiba pang tono
ito.

Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano)

4. Balbal (slang)- ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang.


Ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at
mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang
mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.

Halimbawa:
Erpat - tatay
Tsikot - kotse
Sikyo - security guard
Lispu - pulis
Yosi - sigarilyo
Praning - baliw

Ikatlong Markahan | 18
3. Kolokyal (colloquial)- ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw- araw na pakikipagtala
ang nagsasalita.

Halimbawa: Pormal Kolokyal ewan pista nasan


Aywan Piyesta Nasaan

4. Banyaga- ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikang
simbolong pangmatematika o mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.

Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8, Alma M. Dayag, et. Al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya : ILOG NG KAALAMAN


Hulihin mula sa ilog ang isdang nagtataglay ng kaalamang natutunan mo
mula sa aralin, pagkatapos ay bumuo ng konsepto gamit ang mga salitang
nahuli mo.

nakatutulong Pag-unawa Antas ng wika Di - pormal

Walang katumbas
wika Napapanahong balita
mambabasa

Panitikang popular paggamit

Ikatlong Markahan | 19
Pagsagot sa Pokus na Tanong Blg. 2. Nakatutulong ang paggamit ng
di pormal na wika sa pag-unawa sa panitikang popular sa pamamagitan ng
paggamit ng mga salitang napapanahon at mga salitang walang katumbas sa
wikang Filipino.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya : ROLE PLAYING


Gamitin ang mga sumusunod na salita sa iba’t ibang sitwasyon sa
paaralan, tahanan, o pook pasyalan.
a. Syota e. gora i. facebook
b. Erpat f. chakadal
c. Datung g. yosi
d. Ewan h. praning

EBALWASYON

Mungkahing estratehiya : HALAWIN MO!


Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng
iba’t ibang antas ng wika. Ihanay ito sa table 3.1.3

ISANG GABI SA PILING NG


MAYNILA
Jayson Alvar Cruz

Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang


maranasan ang kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng
Maynila. Ibig niyang makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang
malakaran ang naglalakihang mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si
Boyet. Sinundo siya sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni
Boyet sa larawang tumambad sa kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib
matapos makababa ng bus.
BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang
napakarami ng kalat.”
TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang
buhay dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng
bahay.”
Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang
pangkat ng mga kabataan.
BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!”
BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako
kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-jam ako
kahit konti.”

Ikatlong Markahan | 20
BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na
ko eh.”
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata.
Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-maya’y biglang naglaho ang
tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya ang impit na tili ng dalagitang
estudyante.
Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng
kaniyang tiyuhin.
TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan
mo na sila.”
BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan
niya tayo.
TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.”Nagpatuloy sila sa
paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga babae. Nakapustura at
puno ng kolorete ang mga mukha nito.
BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.”
TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang
pamangkin ko.”
BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang
pananamit?”
TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila
nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa
Maynila.”

Table 3.1.3
KOLOKYAL BALBAL BANYAGA

SUSI SA PAGWAWASTO

KOLOKYAL BALBAL BANYAGA


Bwiset Tropa Mall
Amats Waisted
Dubi Jam
Tobats Shortime
Tsibog Boss
tomguts Wow
brod

Ikatlong Markahan | 21
INDEX OF MASTERY
Section No. of Students Index

IV. KASUNDUAN

1. Tumbasan ng impormal na salita ang mga sumusunod na salita:


a. Aywan
b. Piyesta
c. Ama
d. Kapatid
e. Pulis

2. Humanda sa sariling likhang balita/ komentaryo.

Ikatlong Markahan | 22
ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F8PU-IIIa-c-30)


 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya
sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 3.1


Kagamitan : Pantulong na biswals, mga larawan mula sa
google
Sanggunian : Pinagyamang Pluma 8 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw :1 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

1. Gawaing Rutinari
 Panalangin at Pagbati
 Pagtatala ng Liban
 Pagpapasa ng Takdang Aralin
 Balik-aral

AKTIBITI
2. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya : KOLABORATIBONG
GAWAIN
Ipakita ang mga ideya/paraan sa pagsulat o pagbuo ng balita o
komentaryo

1 Mungkahing Estratehiya:
INTERBYU
2 Mungkahing Estratehiya:
FACE TO FACE

3 Mungkahing Estratehiya: 4 Mungkahing Estratehiya:


TALK SHOW ROLE PLAYING

 Pag-uugnay sa susunod na gawain.

 Pagbibigay ng input at halimbawa ng guro sa pagsulat ng


komentaryo.

Ikatlong Markahan | 23
 Pagtalakay sa awtput sa tulong ng GRASPS

G RA S P S

GOAL- Nakabubuo ng isang napapanahong balita/komentaryo.


SETTING- Programa sa paaralan /School presscon
ROLE- Ikaw ay isang reporter sa Pahayagang Pangkampus
S T A N D A RTD- – Balita/ komentaryo
P R O D U C
A U D I E N C E - Mga mag-aaral ng Batangas National High School
Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa
lipunang ginagalawan)
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng
mga salita at bantas)

LEYENDA
20 – 25 ---------- Napakahusay
15 – 20 ---------- Mahusay
10 – 15 ---------- Katamtamang Husay
5 – 10 ---------- Hindi mahusay
0–5 ---------- Nangangailangan ng rebisyon

 Pagkuha ng mga output na ginawa ng bawat mag-aaral.

IV. K A S U N D U A N

1. Ano-ano ang mga halimbawa ng broadcast media?

2. May naitutulong ang mga ito sa pagkakaroon ng kamalayang


panlipunan at sa pagpapalago ng kulturang Filipino?

Ikatlong Markahan | 24

You might also like