Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV- A CALABARZON
Division of Laguna
District of Magdalena-Majayjay
MAGDALENA INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL
Magdalena, Laguna
___________________________________________
Pangalan ng Mag-aaral
Bb. Danna Jenessa R. Sune Sune
Guro sa Filipino
MODYUL 3: REPLEKSIYON Ng KASALUKUYAN… TUNGO SA KINABUKASAN
I. PANIMULA AT MGA POKUS NA TANONG
Binabati kita! Ngayon ay magsisimula ka na sa Modyul 3 ng iyong pag-aaral sa Filipino! Sa
modyul na ito, matutuklasan mo at mauunawaan ang kulturang popular sa kasalukuyan sa pamamagitan
ng pag-aaral ng mga babasahing popular (tabloid, komiks, magasin at kontemporaryong dagli),
broadcast media (radyo at telebisyon) at pelikula.
Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating
bansa. Ang paglaganap ng Internet, pagusbong ng iba‟t ibang social media network gaya ng Facebook
at Twitter, gayundin ang pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga website gaya ng YouTube
ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Ang pagkahilig ng marami, lalo na ng
kabataan, sa mga kontemporaryong anyo ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng
tradisyunal na anyo nito. Paano nga ba naiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular?
Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang
popular? Malalaman mo ang sagot sa mahahalagang tanong na ito sa pagpapatuloy mo ng iyong pag-
aaral.
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan kong makapagpapamalas ng iyong pag-unawa
sa estilo, mekanismo, pamamaraan/ teknik at mga kaalamang teknikal ng mga panitikang popular tungo
sa kamalayang panlipunan. Bilang patunay na naunawaan mo ang mahahalagang konsepto, sa
pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay makikibahagi sa pagbuo ng
kampanya tungo sa kamalayang panlipunan (social awareness campaign) sa pamamagitan ng alinmang
midyum ng multimedia na iyong matututuhan sa modyul na ito. Magiging kaagapay mo rin sa pagbuo
nito ang mga araling pangwika na iyong pag-aaralan
II. YUGTO NG PAGKATUTO ALAMIN
Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Kung gayon, simulan na natin ang
iyong pag-aaral tungkol sa mga panitikang popular. Naisip mo na ba kung paano naiba ang
mga panitikan sa kasalukuyan sa mga tradisyunal na uri ng panitikan na iyong natalakay sa
naunang mga aralin? Bakit nga ba nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang
Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin at pag-aralan ang mga panitikang
popular?
GAWAIN 1: BUGTUNGAN, DUGTUNGAN!
Alam mo ba ang iba‟t ibang uri ng panitikan na maituturing nating bahagi ng panitikang popular?
Batid mo rin ba ang iba‟t ibang midyum na ginagamit upang maipahatid ang mga ito sa higit na
nakararaming mamamayan? Tukuyin mo ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat
mo ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword puzzle.
Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil may ideya ka na sa iba‟t
ibang uri ng panitikang popular! Kung hindi naman, huwag kang mag-aalala dahil tutulungan ka ng
modyul na ito upang maitama ang iyong mga maling akala.
GAWAIN 2: ALIN, ALIN ANG PAGKAKAIBA?
Napansin mo ba ang pagkakatulad ng mga katangian ng mga nabanggit na panitikang popular
sa Gawain 1? Naisip mo ba ang pagkakaiba ng mga ito sa mga tradisyunal na panitikan? Subukin
naman nating isa-isahin ang mga katangian ng panitikang popular at tradisyunal sa tulong ng kasunod
na gawain . Isulat mo sa kahon ang mga katangian na sa iyong palagay ay taglay ng panitikang popular
at tradisyunal na panitikan. Bigyan mo ng pansin ang paksang kadalasang tinatalakay sa mga ito,
wikang ginagamit at midyum na ginagamit sa paghahatid nito sa mamamayan. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.
Kung nakuha mo nang tama ang lahat ng aytem, binabati kita dahil may ideya ka na sa
katangiang taglay ng tradisyunal na panitikan at panitikang popular. May napansin ka rin bang
pagkakatulad ng mga ito? Bakit kaya nagkaroon ng transisyon mula sa tradisyunal na uri ng panitikan
tungo sa panitikang popular na kilala natin sa kasalukuyan? Huwag kang mag-alala, lalo pa nating
pagyayamanin ang iyong kaalaman sa mga panitikang popular sa susunod na mga gawain.
III. Yugto ng Pagkatuto
Alamin Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng modernisasyon sa
pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil, nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-
pansin sa kasalukuyan na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks, magasin,
at dagling katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan.
Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang teknikal ang panitikang popular.
Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo‟y malaman mo kung paano naiiba ang tradisyunal na
uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na
panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing
popular?
Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga babasahing popular ang
kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad mo. Sa pamamagitan nito, nakatitiyak akong
maihahambing mo ang mga babasahing popular na ito sa mga tradisyunal na anyo ng panitikan na
pinagaralan mo sa Modyul 1 at 2 sa huling bahagi ng araling ito.
GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist
Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo. Pagkatapos, iayos ang mga ito
nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang bawat kahon. Pinakamataas ang
bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang format.
GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha
Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbeytseklist, nais kong ibigay mo ang
iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa pamamagitan ng pagdurugtong sa mga
hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng hinuha. Pagkatapos ng araling ito saka mo dugtungan ang
kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon.
Bilang patunay na nauunawaan mo na ang nilalaman ng araling ito, ikaw ay inaasahang
makagagawa ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay.
Ipagpatuloy mo lang ang pagsagot sa mga gawaing inihanda para sa iyong pag-unawa.
Paunlarin
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang
mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang
pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Tutulungan kitang alamin kung paano naiiba ang
tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa
tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular? At bakit kailangang basahin ang mga
babasahing popular? Maligayang araw ng pag-unawa!
Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang basahin. Nariyan ang
mga tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagling katha. Magsimula tayo sa tabloid.
PAHAYAGAN (tabloid)
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pang-araw-
araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog ay
nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang
uri ng print media ang kailanma‘y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang
pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa
tabloid.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles
ang midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang
presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa. Bumebenta
pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa [Link]
sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa,
hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga
ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-
sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras
kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat
bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay
Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at
karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo,
na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-
circulate sa bansa.
GAWAIN 3.1.c: Listing
Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at broadsheet? Ngayon, ibig kong
itala mo ang mga katanggap-tanggap na ideya o pahayag mula sa artikulo. Isulat sa papel ang sagot.
Mga Gabay na Tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid
kaysa sa broadsheet?
2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet, bakit marami pa rin
ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?
Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na babasahing tabloid,
dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ng kabataang tulad mo – ang
komiks.
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang
komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na
maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na
makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks,
sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng
lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin
na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng
kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na
napakalawak ng imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay
na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.
Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabitkabit ang
mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan,
ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga
nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga
super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks,
maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kaunaunahang Pilipino na
gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa
ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang popular
na pabula sa Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga
magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito,
nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks,
Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks
dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel.
Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga
dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang
komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa.
Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa
panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa
Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang
simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba‘t ibang anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa
bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka
niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng
mga ginawa nilang komiks caravan sa iba‘t ibang bahagi ng Pilipinas. Hindi lamang sa
Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi maging sa ibang
bahagi ng Pilipinas. Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha
ng komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang
kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.
Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing
pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino
na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo
Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga
kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks
dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi
mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita
at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.”
Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na makipagsabayan sa buong
daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw, hindi ka ba naaakit na maging tulad din nila? Ang
kanilang kasanayan sa larangang ito ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan.
GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento
Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit
sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo ka ng isang kuwento.
Mga Gabay na Tanong
1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?
2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at ang
kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?
Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na pinakamakulay na popular na babasahin sa
kasalukuyan – ang magasin. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at gagabayan kita sa tulong ng
nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan ang araling ito.
MAGASIN
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging
paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga
kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagra-
rasyon ng magasin na ito ay talaga naming inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at
nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng
Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan ang iba‘t ibang
magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang mga magasin
na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at
puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan
ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo ditto ay nagsisilbing gabay
upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan,
kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at
maging mabuting maybahay.
[Link]! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago,
puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa
ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa
pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at
gabay tungkol sa pagaalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
Talagang napakalayo na nang narating ng magasin sa Pilipinas. Magmula sa Liwayway
hanggang sa mga popular ngayong magasin.
GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik
Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik sa mga guro sa
inyong paaralan kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamitin mong gabay sa
pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa ibaba. Gawin sa papel.
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isa‟t isa?
2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang mga babasahing ito sa pag-unlad ng iyong
pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?
Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga gawain. Ngayon
naman, dumako na tayo sa pinakatampok na popular na babasahin na ituturo sa iyo ng
modyul na ito – ang kontemporaryong dagli. Basahin at unawain ang teksto. Pagkatapos,
sagutin ang inihandang mga tanong at gawain.
KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling
kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling
kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli sina Iñigo Ed. Regalado na may
talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio
Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang
dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na
pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop
ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na
Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog
ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil hindi pa malinaw noon kung anong uri ang
itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela
pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng
sagisag-panulat Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni
Tolentino para sa antolohiyang ―Ang Dagling Tagalog: 1903-1936‖ ang tumatalakay sa
karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan. Karaniwan
ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang
ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop
na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na
pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong 433 kuwento sa mga tabloid o
tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa
pahayagan, at telebisyon. Aniya, ―na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli
at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-
inthe-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media).
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles
ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng
dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong
noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung
kaya't masasabing marami sa mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng
ganitong paraan ng kuwentuhan. Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong
Pasaway,“ ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay
ang “samu‘t saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang
ang paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni
Jack Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay
Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig
mula sa maliit at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa
panitikan ng bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan,
pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles. Narito ang isang halimbawa ng dagli na
isinulat ni Salvador R. Barros "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki,
babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.” "Ang pumapasok sa isang tainga ng
lalaki ay lumalabas sa kabila.” "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas
sa bibig.”
"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan."
(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)
Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa flash
fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang manunulat, mula sa isang
pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa
higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang ―Mga Kuwentong Paspasan,‖ na inedit
ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas
ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio
S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa
Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde
Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng paguusap ay
naisulat at nailathala ang aklat na ―Kislap‖ ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat
na ito, ayon sa manunulat ay kalipunan ng mga kuwentong maaaring umabot, maaaring
hindi, ngunit hindi hihigit sa 150 salita.
Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na umabot sa 116 na salita.
HAHAMAKIN ANG LAHAT
Abdon M. Balde Jr.
(Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng ANVIL
PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)
Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan naman ito
ng pagkakalathala ng ―Wag Lang Di Makaraos‖ ni Eros Atalia na kinatatampukan ng
kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din niyang isinulat ang aklat. Mas
nahirapan siyang isulat ito kaysa sa mga nauna niyang aklat na nalathala.
Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang Pilipino Mirror na
nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala ng Visual Print Enterprises noong
Disyembre, taong 2011.
SKYFAKES
Eros Atalia
(Sangguniin ang aklat na ―WAG LANG DI MAKARAOS‖ na inilathala ng Visual Print
Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)
Mga Gabay na Tanong/Gawain
1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon
kaugnay ng binasang teksto.
2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin ang nilalaman ng
dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon, estilo, at gamit ng mga salita.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay ito batay sa
mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig. Gayahin ang pormat sa
sagutang papel.
4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang na kaalaman, at tanong
nasa iyong isipan hanggang sa ngayon magmula sa unang gawain hanggang sa huling gawain
sa aralin.
5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala, pagbabago sa
sarili at bisa ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa nakararami.
6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapuna-puna sa
paggamit nila ng wika sa kanilang akda?
7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng wika. Sino ang
gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na wika?
Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Upang lubos
mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, narito ang isang kaugnay na teksto
(pabula) basahin at suriin ang wikang ginamit ng manunulat. Maligayang pagbabasa!