You are on page 1of 8

8 Department of Education-Region III

TARLAC CITY SCHOOLS DIVISION

Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300
Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

Filipino
Quarter 3: Week 1
Learning Activity Sheets

0
FILIPINO 8

Pangalan: _________________________________ Ikatlong Markahan – Unang Linggo

Taon at Pangkat: ___________________________ Petsa: _______________________

POPULAR NA BABASAHIN
(PAHAYAGAN, KOMIKS, MAGASIN, KONTEMPORARYONG DAGLI)

Panimula (Susing Konsepto)

Bago pa sinakop ng mga dayuhan ang Pilipinas ay may sarili na itong panitikan, tulad ng mga
karunungang- bayan. Naipalaganap ang mga ito nang pasalin-dila at tuluyang yumabong kung
saanmang bayang ito nagmula. Tunay na mayaman sa bugtong, bulong, kasabihan, salawikain at
sawikain ang ating mga ninuno na kanilang ginagamit bilang gabay sa kanilang pamumuhay.
Nang sumapit ang panahon na may pasulat na paraan, nagbago ang daluyan ng paghahatid
ng panitikan – isinatitik at inilimbag sa mga babasahin tulad ng komiks, magasin, aklat at iba pa.
Kapansin-pansin sa kasalukuyan na kinawiwilihan ito ng mga kabataan. Kung susuriin, naiiba ang sa
estilo, pamamaraan, at kaalamang teknikal ang panitikang popular.
Narito ang maikling paliwanag para sa mga popular na babasahing laganap ngayon sa bansa:

A. Pahayagan  Isang uri ng print media na may malaking ginagampanang papel ng

mga balita sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
 Layunin nitong mabuksan at maimulat ang mga tao sa mga
pangyayaring nagagnap sa kapaligiran at lipunan.
 Ang Pahayagan ay may dalawang uri, Broadsheet at Tabloid.
 Sinasabing ang Tabloid ay pang-masa dahil sa Filipino ito
nakasulat bagamat may ilan dito ay Ingles ang midyum
 Ang Broadsheet ay mas maraming bahagi at kompleto ang
nilalaman keysa sa tabloid.
 Iba-iba man ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng
diyaryo upang magbasa ng balita, ng tsismis, isports, literature o
kayay maglibang , buhay pa rin ang industriya nito sa ating bansa
dahil sa abot-kaya lamang ang presyo at may epekto ito sa mga
mambabasa sapagkat minsan ay mas detalyado ito.

B. Komiks  Ito ay isang grapikong medium na ang mga salita at larawan ay

ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
 Isa itong makulay na popular na babasahin na nagbibigay-aliw sa
mga mambabasa, magturo ng iba’t-ibang kaalamanat magsulong
ng kulturang Pilipino.
 Ito ay naglalaman ng kaunting dayalogo at binibuo ito ng isa o higit
pang larawan.
 Kadalasang may paksang katatawanan ngunit hindi maitatatwa
ang lalim at husay ng mga dibushista sa paggamit ng kanilang
imahinasyon sa paglikha ng komiks.
C. Magasin  Ito ay naglalaman ng maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela upang mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.
 Iba-ibang paksa na may interes sa mga Pilipino ang nilalaman nito
katulad ng pag-ibig, kalusugan, kagandahan, Negosyo, fashion,
gadget, kultura, aliwan at iba pa.

1
D. Kontemporaryong  Isa itong anyong pamapanitikan na maituturing na maikling
Dagli maikling kuwento. Tinawag din itong flash fiction sa Ingles
 Walang nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang
isang akda, subalit kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento.
 Madalas ang paksa ay tumatalakay pag-ibig at damdaming
makabayan at kaisipang lumalaban sa mga mananakop.
 Sa pagdaan ng panahon, napalipat-lipat ang anyo ng dagli mula sa
harap ng pahina ng mga pahayagn, hanggang sa maging
nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento.
 Nagbagong bihis ito ng anyo at nagkaroon ng ibang katawagan,
ang anekdota.

Kasanayang Pampagkatuto

Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa, layon, tono, pananaw
pagkakasulat, pagbuo ng salita, at pagbuo ng pangungusap. (F8PT- IIIa-c -29)

Pagsasanay 1
Panuto: Isulat sa patlang kung anong uri ng babasahing popular ang mga sumusunod na katangian
na isinasaad sa bawat pangungusap.
_______________1. Isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling-maikling kuwento.
_______________2. Uri ito ng print media na sumasaklaw sa mga mahalagang kaganapan sa
lipunan.
_______________3. Uri ng babasahing popular na kinahuhumalingan dahil sa hatid nitong
impormasyon
sa iba’t ibang larangan.
_______________4. Isa itong grapikong midyum gamit ang larawan sa paghahatid ng mga salaysay.
_______________5. Naglalaman ito ng nobela at maikling kuwento na naging isntrumento sa
paglawak
ng kamalayan sa kulturang Pilipino.
_______________6. Tabloid at Broadsheet ay mga uri nito.
_______________7. Naglalaman ng kaunting dayalogo ngunit hitik sa larawang guhit.
_______________8. Tinatawag itong Flash fiction.
_______________9. Isa itong makulay na popular na babasahin na nagbibigay-aliw sa mga
mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman at magsulong ng kulturang
Pilipino.
_______________10. Kilala rin ito sa tawag na anekdota.

Pagsasanay 2
Panuto: Pagnilayan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (2 puntos bawat bilang)
1. Ano-ano ang mga katangiang ipinagkaka-iba ng bawat babasahing popular?
_______________________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing patuloy na nananatili ang tradisyonal na panitikan sa kabila ng pagsulong ng
modernisasyon at teknolohiya?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2
3. Sa iyong palagay, bakit patuloy na tinatangkilik ng maraming Pilipino sa kasalukuyan ang
pahayagan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Paano nakatutulong ang mga babasahing popular sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ang
kabataang tulad mo? Magbigay ng patunay.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Paano mo mailalarawan o bibigyan ng kahulugan ang kontemporaryong dagli sa kasalukuyan?

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto:
1. Magsaliksik sa Internet at kumuha ng sipi sa tekstong “Ang Wikang Filipino sa Edukasyong
Panteknolohiya…”
2. Magkaroon ng pagsusuri sa nasabing teksto at ihambing ito sa isang uri ng panitikang popular na
nabasa.
3. Gamit ang graphic organizer sa ibaba paghambingin ang mga ito ayon sa mga katangiang hinihingi.

ANG Wikang Filipino Panitikang Popular na

sa Edukasyong Binasa
Panteknolohiya ____________________
__
Batay sa ____________________
Paksa

Batay sa
layon

Batay sa
Tono

Batay sa
Pananaw

3
Batay sa
Pagkakasul
at

Batay sa
Pagbuo ng
Salita

Batay sa
Pagbuo ng
Talata

Batay sa
Pagbuo ng
Pangungusap

Pagsasanay 4
Panuto: Ayon sa iyong napag-aralan, bigyan ng sariling pakahulugan ang mga sumusunod na salita.
(2 puntos bawat bilang)

1. Babasahing Popular

2. Pahayagan

3. Komiks

4. Magasin

5. Kontemporaryong Dagli

Pagsasanay 5
Panuto: Magbasa ng isang napapanahong balita sa dyaryo/pahayagan, gupitin at idikit ito sa kahon
sa ibaba. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan mula sa ginupit na bahagi ng balita.

4
BALITANG NAKALAP MULA SA PAHAYAGAN ( 5 puntos)

1. Ano ang paksa ng nabasang balita?

_________________________________________________________________________

2. Sa paanong paraan ka naapektuhan ng balitang nabasa?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Maututuring mo bang isyung panlipunan ang binasang balita?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Ibigay ang saring punto o opinyon mula sa binasang balita?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5. Paano nakatutulong ang pahayagan sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan ang

kabataang tulad mo?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5
Pangwakas o Repleksyon:

Mula sa natalakay na paksa, kumpletuhin ang pangungusap gamit ang sariling opinyon.

Bilang isang kabataan, nakatutulong ang mga babasahing popular sa pagkakaroon ng

kamalayang panlipunan sa pamamagitan ng ___________________________________________

Sanggunian

Ailene G. Baisa -Julian, Mary Grace G. Del Rosario, Nestor S. Lontoc, Pinagyamang
Pluma 927 Quezon Avenue., Quezon City, Phoenix Publishing House. 2014

Evangelista , Maria Magdalena M.,Lopez Maria Eliza S., San Andres, Teddy C., Quijano,
Ma.Lourdes R., at Canlas, Jocelyn D.R. Sinamar 8 369 Culianin , Plaridel , Bulacan,
St. Andrew Publishing House. 2016

6
7
CID-Chief
ROBERT E. OSONGCO, EdD
EPSVR-LRMS
LILY BETH B. MALLARI
San Manuel High School
EPSVR-Filipino Manunulat/Naglapat
HELEN G. LAUS, EdD MYLA R. AGTARAP
Sinuri nina: Inihanda ni:
Pagsasanay 1.
1. Kontemporaryong Dagli
2. Pahayagan
3. Magasin
4. Komiks
5. Magasin
6. Pahayagan
7. Komiks
8. Kontemporaryong Dagli
9. Komiks
10. Kontemporaryong Dagli
Pagsasanay 2.
Ang mga kasagutan ay maaring magkakaiba. Ang guro ang siyang magpapasya sa kondisyong
nakitaan ng wastong paggamit ng mga hinihingi sa bawat bilang.
Pagsasanay 3.
Ang tamang kasagutan ay nakasalay sa output ng mag-aaral
Pagsasanay 4.
Ang mga kasagutan ay maaring magkakaiba. Ang guro ang siyang magpapasya sa kondisyong
nakitaan ng wastong paggamit ng mga hinihingi sa bawat bilang
Pagsasanay 5
Ang tamang kasagutan ay nakasalay sa output ng mag-aaral.
Ang guro ang siyang magpapasya sa kondisyong nakitaan ng wastong paggamit ng mga hinihingi
sa bawat bilang
Susi sa Pagwawasto

You might also like