Professional Documents
Culture Documents
KONTEMPORARYONG PANITIKAN
PANITIKAN
PAHAYAGAN (TABLOID)
Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Ayon kay William Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid ay pang-masa dahil sa Tagalog
ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot kaya lang
ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa
bangketa.
Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap
talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o di kaya’y magsagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga
tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa.
Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay
Ingles ang midyum.
Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin ang tungkol sa SEX at KARAHASAN
kaya’t tinagurian itong sensationalized journalism. Ito ay dahil sa katangian na
ang magandang balita ay nasa masamang balita.
Mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsicirculate sa
bansa.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay
Ingles ang midyum.”
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang
ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin
sa radyo. May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di naman naibabalita sa TV
at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang
mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap
talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot ng palaisipan.
Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa.
Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan
dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at
B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan
kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng
dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?
UNANG GAWAIN:
1.
2.
3.
4.
5.
IKALAWANG GAWAIN
1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa broadsheet?
Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang
makaapekto nang higit na may lalim.
Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na
ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
Komiks- isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa,
nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng
komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng
imahinasyon.
Sinasabing si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong
1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya
na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa bansa magmula nang lumabas ito sa
magasin bilang page filler sa entertainment section noong 1920.
Halimbawa:
Halakhak Komiks (1946)
Pilipino Komiks (1949)
Tagalog Komiks (1949)
Silangan Komiks (1950)
Subalit humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang ipatanggal ng ilan
sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan ang
kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas at
nagtrabaho na lamang sa Amerika sa parehong industriya.
Alfredo Alcala Mar Amongo Alex Nino
Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sumikat
sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang interes sa komiks ay
tumagal lamang hanggang 1990. Nahumaling kasi ang mga tao sa iba’t ibang anyo
ng paglilibang.
Carlo J. Caparas- taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal
na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa
iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa blog ni Fermin Salvador, ‘world-class’ ang kakayahan ng mga Pilipino sa
paglikha ng komiks.
Mga komikerong kilala sa labas ng Pilipinas:
Gerry Alanguilan
Whilce Portacio
Philip Tan
Alfredo Alcantara
Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang
komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang
kakanyahang hindiing hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga’t ang mga
Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa– magpapatuloy ang
eksistensya ng komiks.
Pangalan __________________________________ Petsa ____________________
GAWAIN 1:
K-
O-
M-
I-
K-
S-
GAWAIN 2:
1.
2. Lumikha ng sariling Komiks Strip tungkol sa paksang tumatalakay sa pandemya.
MAGASIN
7. Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga
batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. Ano ang magasin
na ito?
9. Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Ano ito?
10. Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ano ang magasing sinasabi sa pahayag?
KONTEMPORARYONG DAGLI
Abdon Balde Jr., isang manunulat - Ayon sa kanya mula sa isang pulong ng lupon ng
manunulat sa Filipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na
pinaikling maikling kuwento.
Lumabas ang “Mga Kuwentong Paspasan” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007;
ang mga kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita.
Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S.
Almario, Pambansang Algad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang pangalang malapit
sa flash fiction.
Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang
Kislap.
Kuwentong ISang igLAP
Kung kaya’t nailathala ang “Kislap” ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr.”
Pangalan __________________________________ Petsa ____________________
GAWAIN 1
May Pagpipilian. Isulat ang tamang titik nang tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.
b. Atalia d. Arrogante
a. Kuwento c. Pagsulat
b. Sitwasyon d. Estilo
3. Ayon sa kanya, walang isang pamantayan kung gaano kahaba ang isang dagli,
ang higit na kailangan ay ang pagkontrol ng mga salita.
b. Atalia d. Arrogante
GAWAIN 2:
Enumerasyon
1-2. Ano ang kakaibang tema ang ginamit sa mga naunang dagli?
3-5. Ano ano ang iba’t ibang anyo o pakay ng dagli sa panulat ni Eros Atalia?
GAWAIN 3:
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
Sanggunian:
https://www.slideshare.net/jarmainetaumatorgo/panitikan-27639641?from_action=save
https://mail.google.com/mail/u/2/?tab=km#sent/
QgrcJHrnvrnQsnVRBwDxzRMzgXgbhKRbDCg?projector=1&messagePartId =0.21