You are on page 1of 37

Yunit 4.

TALASTASAN SA KULTURANG POPULAR

Buksan natin ang nilalaman ng Yunit 4

Sumasabay ang wika sa mabilis na pag-usad ng panahon; nagbabago


man ang anyo o may natatalikdan, ngunit patunay na ito ay buhay at puno ng
kulay.
Ang Yunit 4 ay tatalakay sa mga sitwasyong pangwika ng Pilipinas na
nakapokus sa talastasan sa kulturang popular. Alam nating isa sa mga
katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay
umuusbong ang iba`t ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin sa
impluwensya ng mga pagbabagong pinalalaganap ng media. Ang bahaging
ito ay makakatulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang
kaisipan/konsepto na saklaw ng aralin. Ang mga bagong talastasang pag-
aaralan natin sa bahaging ito ay pick-up lines, hugot lines at spoken poetry.
Kaya, halina’t pag-aralan natin kung sa paanong paraan ang mga
bagong talastasan patuloy na lumalaganap at kung alin-alin sa mga katangian
nito ang nagugustuhan ng mga tao lalo na ng kabataan.
Saklaw ng modyul na ito ang taltong aralin:
Ang Aralin 1 ay nakapokus sa makabagong bugtong
Ang Aralin 2 naman ay mga linyang nahuhugot mula sa mga
damdamin o karanasang pinagdaraanan ng tao.
Samantalang ang Aralin 3 ay isang anyo ng tula na may malikhaing
pagsasaad ng kwento o pagsasalaysay.
At ang panghuli, ang Aralin 4 na tungkol sa mga panibago at nauusong
salita sa Internet.

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Sa pagtatapos ng bawat aralin, ikaw ay inaasahang:

1. naipamalas ang iyong pag-unawa sa mga sitwasyong pangwika na


umusbong bilang talastasan na naging popular sa ating kasalukuyang
kultura.
2. nakapaglahad kung paano naipapakita ang pagkamalikhain ng wika
sa pamamagitan ng mga bagong talastasan.
3. naipaliwanag ang motibasyon o dahilan ng mga kilos o gawi ng mga
kabataaan sa paglikha ng talastasan at sa kung paanong paraan ito
patuloy na lumaganap.

101

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
4.nabigyang kahulugan ang mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa
mga nasabing talastasan.
5. nailahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye, kaisipan at
opinyong nakapaloob sa mga linya ng teksto.

Aralin 1. Pick-up lines

Inaasahang makamit mo ang sumusunod na mga layunin:

1. natalakay ang kahulugan, katangian, hanguan, layunin


kahalagahan at epekto ng pick-up lines sa buhay nga mga
Filipino.
2. nakilala at naipapaliwanag ang mga konseptong pangwika
sa talastasang pickup lines na ginamit sa pagpapahayag ng
mga kaisipan at damdamin.
3. nakalikha ng mga kaisipan batay sa mga isyung panlipunan
gamit ang modernong teknolohiya sa pamamagitan ng pick-up
lines.

Paliparin

Hanggang Saan ang Aking Kaalaman?


Sa tulong ng KWHL Sheet na Ano ang Alam mo na ( What do you
Know?), Ano ang Nais mong malaman (What do you want to find out?), Paano
mo makikita ang nais mong malaman (How can you find out what you want to
learn?), Ano ang iyong natutuhan/naunawaan? (What Did You Learn?), ay
subukin mong sagutin ang mga tanong. Sagutin mo muna ang tatlong naunang
kolum, ang KWL . Magbigay lamang ng tatlong susing salita sa bawat hanay.
Pagkatapos nating pag-aralan ang araling ito ay saka mo sagutin ang huling
kolum, ang L. Gawin mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Gamit ang KWHL Chart, ibigay ang mga impormasyong iyong


nalalaman tungkol sa pick-up lines.

102

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
K W H L

Galugarin

Hindi maikakaila ang pag-usbong ng mga makabagong anyo ng


talastasan sa bansa katulad ng pick-up lines na karaniwang maririnig sa
radyo, telebisyon at pampublikong mga lugar.

Kahulugan

Ang pick up lines ay isang deretsahang paglalahad na nadarama ng


walang paligoy ligoy na may halong biro at kalokohan. Itinuturing na
makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na
madalas naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Ito’y mga
banat na tumutukoy sa magiliw na paggamit ng paghahambing upang
makatawag atensiyon sa taong pinatutungkulan nito.

Isang paraan ng pagbubukas ng konbersasyon sa isang kilala o hindi


gaanong kilalang tao upang ipahayag ang iyong saloobin sa pamamagitan ng
pagbigkas ng mga pahayag na sadyang nakakatawag pansin.

Karaniwang wikang Filipino ang ginagamit ngunit may pagkakataon


ring nasa wikang Ingles o kaya naman ay Taglish. Pero sino ba ang nakaisip
nito? Nakita ba niya na darating ang araw na lahat na halos ng tao ganito na
mag-usap? Na kapag tinanong ka ng ganito…iisipin mo pa kung pick-up line
ba to o simpleng tanong lang.
Ayon naman kay dating senador Mirriam Defensor Santiago, na
binansagan naming queen of pick-up lines ng mga mag-aaral na ang pick-up

103
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
lines ay ginagamit na paraan sa pagpasa sa pag-aaral o inspirasyon sa pag-
aaral. Narito ang ilang nakakaaliw at mataray na banat ni Sen. Santiago:
“Nakalimutan ko ang pangalan mo eh, pwede bang tawagin na
lang kitang akin?”
“Kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikaw ang axis
nito, para sa ‘yo sa lang
iikot mundo ko.”
“Sana naka-off ang ilaw
para tayo na lang mag-On.”
“Sana FB status ka na
lang, para pwede kitang i-like.”
“Noodles ka ba?
Kasi Lucky me!”
“Galing mo din ano? Di
Sunga, R.(2017). 51 Memorable Political Quotes From Miriam Santiago. Niretrib
mo pa ako binabato tinamaan mo
sa: https://www.pinterest.ph/pin/829858668806781221/
na ako.”
“Para kang hold-upper, lahat ibibigay ko sa ‘yo ‘wag lang
akong saktan.”
“Nakalunok ka ba ng kwitis? Kasi ngumiti ka may spark.”
“Nakalimutan ko pangalan mo eh, pwede bang tawagin na lang
kitang akin?”
“Google ka ba? Lahat kasi ng hinahanap ko, sa ‘yo ko natagpuan.”
“Pangalan mo pa lang kinikilig na ako. Paano kaya kung
magkaapilyedo na tayo.”
“Ano height mo? Paano ka nagkasya sa puso ko?”
“Masasabi mo bang bobo ako? Kung ikaw lang naman ang laman
ng utak ko.”
“When someone told me “ang ganda mo”, I answered “sana ikaw
rin.” “Hindi ko sinasabing maganda ako, ang sinasabi ko lang pangit
ka.” “Straw ka ba? Kasi sip-sip ka na, plastic ka pa.”
At kapag ba ikaw ay binanatan ng ganitong mga linya,
magpapabola ka ba?
“Huwag kang masyadong masama. Baka ikulong kita sa puso ko.”
“Kung nahihirapan kang maging IKAW, try mong maging TAYO baka
mas madali.”
‘”Di lahat ng buhay, buhay. Tignan mo ako, buhay pero patay na patay
sayo.”
“Was that an earthquake or did you just rock my world?” “Do I know
you? Coz you look a lot like my NEXT girlfriend.” “Taxi ka ba? Kasi
habang tumatagal napapamahal ako sayo.” “Aanhin pa ang gravity
kung sayo pa lang nahuhulog na ako?” “Geometry ba ang favorite
subject mo? Kasi kahit anong angle, ang
ganda mo eh.”
“Sana echo ka nalang, para kapag sinigaw ko sayo na mahal kita.
Mabilis ang sagot mo saken maraming beses pa!”

“(Nadapa sa harap ng crush) See how I fell for you?


“Hindi naman lahat ng pick-up lines ay patungkol sa pag-
ibig “Para kang chicharon, nakaka-high blood ka!”
104

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
“Si Antonio Banderas ka ba? Kasi Desperado ka e”.
“Kuya, bukod sa mukha mo, ano pang joke mo?”
“Sarangola ka ba? Kasi sa malayo ka lang maganda.”
“Bagyo ka ba? Kasi ang galing mong manira e.”
Ayon kay Ogie Alcasid, na isang batikang aktor at sikat na mang-aawit
na gumanap na Boy Pick up sa palabas na Bubble Gang, na ang pick up line ay
paraan ng panliligaw o pang-aasar sa mga taong tinatanong mo nito.

Kilala si Boy Pick up bilang isa sa mga pickupistas o mga taong


mahilig magsabi ng mga pick-up lines. Ngunit alintulad sa iba, kakaiba ang
istilo ng kanyang mga banat. Siya ang sikat na karakter sa “The Pickup Lines”
segment ng longest-running comedy show ng GMA 7 na Bubble Gang. Ang
bahaging ito ng naturang palabas ay labanan ng mga pick-up lines na kung
saan ang mga karakter ay nakasuot ng mga damit hip-hop. Ang Pickup Lines
battle ay binubuo ng dalawang bahagi. Sa unang bahagi ay may dalawang
pickupistas na maglalaban gamit ang mga hit na hit na pick up lines upang
mapa-ibig at mapahang si Nene Bakit o mas kilala bilang Nene B. na
ginagampanan ni Sam Pinto. At ang mananalo ay syang haharap sa
undefeated na si Boy Pick-Up na ginagampanan nman ni Ogie Alcasid. Sa
huli, nananatiling panalo si Boy Pickup sa kabila ng kanyang magulong at
walang katuturan dahil na rin sa kanyang taga suporta na si Boy Backup na
agad namang nakakakuha ng simpatiya sa mga tao kung kaya’t nananatiling
walang talo si Boy Pickup. Ito lamang ang ilan sa kanyang mga walang
katuturan na mga hirit ngunit patok na pickup lines:

Boy Pickup: Sugar ka ba?


Neneng B: bakit?
Boy Pickup: Kasi kilala ko si Elmer!
Neneng B: Sino si Elmer?
Boy Pickup: Kaklase ko nung grade 4..
Boy Backup: Henyo ka Pickup!!!
Boy Pickup: Gusto mong makakita ng MAGIC?
Neneng B: Magic? Oo, bakit?
Boy Pickup: That’s nice!
Boy Backup: Ang Lupet mo PICKUP!!!
D’real thoughts. (2012, January 6).Boy pick-up: Ang
Boy Pickup: Marunog ka bang Lumipad? Nagbago ng Pick-up Lines History.Niretrib sa:
https://drealsays.wordpress.com/2012/01/06/boy-
Neneng B: bakit? pick-up-ang-nagbago-ng-pick-up-lines-history/

Boy Pickup: Bakit Hindi??


Boy Backup: Magandang tanong yan Pickup!!!
Boy Pickup: Mamahalin mo rin ako
Neneng B: bakit?
Boy Pickup: kase… Masarap kumain ng kare-kare
Boy Backup: MASARAP NGA YUN!!! PICKUP PICKUP!!
Boy Pickup: Hindi ikaw yung taong tipong sinasaktan
Neneng B: Bakit?
Boy Pickup: Dahil matamis ang Champorado!
BPU: Sana umulan bukas..
Neneng B: Bakit?
105

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
BPU: Kasi Mahirap magbalat ng kamatis!

Katangian

Hindi naiiwasan ang paghahambing ng mga makabagong paraaan ng


talastasan na gaya ng pick-up lines sa mga makalumang sining ng talastas
tulad ng mga bugtong at balagtasan.
Pagkakaiba sa bugtong. Ayon kay Joselito de los Reyes, isang makata
at propesor ng Filipino sa Unibersidad, hindi tahasang maituturing bilang
makabagong bugtungan ang mga banat. “Mananatili itong bago at luma sa
parehong panahon depende sa kung sino ang gumagamit at pinatutungkulan
ng “palaisipan,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi rin naman ganoon kabago ang pick-up lines
dahil kung iisipin, mayroon na noong ibang katawagan sa mga banat.
Sinasabing mayroong pagkakahawig ang bugtong at banat sa pamamagitan
ng pag-uudyok nito sa mga nakakarinig na mag-isip at gamitin ang sariling
imahinasyon upang matukoy ang pinatutungkulan ng nagsabi nito.

Sa kabilang banda, iginiit ni De los Reyes na nagiging magkaiba ang


saklaw na tagatangkilik ng bugtong sa banat sa lawak ng pagitan ng panahon
ng pag-usbong nito.

“Kung may edad na ang makakarinig ng pick-up lines, may mga


pagkakataon siguro na hindi agad makukuha ang ibig sabihin lalo pa’t ang
ginamit na halimbawa ay makabago,” ani De los Reyes.

Ayon naman kay Jose Wendell Capili, isang propesor ng Creative


Writing sa University of the Philippines (Diliman) at pop culture expert,
nagtataglay ang mga banat ng “appeal” sa kabataan kaya naman mataas ang
kanilang pagtangkilik dito.
“Unang una, payak ngunit matalinghaga ang paggamit ng wika [sa
mga banat]. Ikalawa, kontemporaryo ang antas ng mga talinghaga,” aniya.

Bagaman nagsimula sa pagiging makabagong uri ng talastasan


hanggang sa maging isang uri ng libangan at katuwaan, naniniwala naman si
De los Reyes na may iba pang magandang dulot ang mga pick-up line at sa
mga Filipino.

Panandang-bato na ito sa kasaysayan. Malaos man o lalong


yumabong, hindi na maikakailang bahagi na ng ating kultura at kasaysayan.

Hanguan

Sinasabing nagmula ito sa bulalas ng mga binatang nanliligaw na


nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa babaeng
nililigawan. Ito ay pinauso ng ilang sikat na personalidad.

106

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Layunin

Ito ay isang pambungad na pag-uusap na may layuning imungkahi,


ipahiwatig, ipaalam o ipadama ang saloobin sa isang tao.
Isang uri ng pagsasalita na may makatang pagkakagawa na
kadalasang ginagamit sa katuwaan.

Ginagamit ng mga taong torpe o natatakot magsabi ng katotohanan


kaya dinadaan na lamang sa pick-up lines, sa ganong paraan ay wala silang
masasaktan at maipapahayag nila ang nais nilang sabihin.

Kahalagahan

Nakakatulong ito upang pantawag ng pansin at interest ng kausap


dahil isa itong paraan ng pagbubukas ng kombersasyon sa kilala o hindi
gaanong kilalang tao.

Sa mga manunuyo, ang mga pick-up lines ay ginagamit upang


makapagdulot ng magandang impresyon sa babaeng sinusuyo. Ito ay
maaaring ipahayag sa pamamagitan ng iba't ibang paraan ng komunikasyon
(text, chat, sulat, personal na pakikipag-usap atbp.)
Ito ay isa ring pagpapagaang paraan ng pamumuna.

Epekto

Ang positibong dulot nito ay nakapagpapasaya at nakapag-aalis ng


lungkot ng tao. Samanatala, ang negatibong dulot nito ay minsan di na
namamalayang nakakasakit na ng damdamin ng pinatutungkulan.

107

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Pick-up Lines…Tunog Makata

Simulan natin ang paglalakbay sa mundo ng bagong talastasan.


Naghanda ako ng isang laro. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines
na kasunod. Sinagot na ang una para maging gabay mo sa susunod na
tanong.

Lapis ka ba ? Bakit? Kasi nais kung isulat lagi ang pangalan mo sa isip ko…
1. Aklat ka ba?_____________________________________________
2. Papel ka ba? _________________________________________

3. Table of contents ka ba?___________________________________


4. Bagyo ka ba? ______________________________________
5. Teleserye ka ba? ________________________________________

Mahusay ang iyong ginawa. Ano ang napansin mo sa larong ito?


Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng panunuyo o panliligaw ng kabataan sa
kasalukuyan o modernongpanahon. Idadaan sa simpleng patanong at
ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid ang kaniyang
nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng
paghahatid ng damdamin.

108
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:_____________

Palawakin

Matapos mong gawin at malaman ang araling tinalakay, balikan


natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa
papel ang mga sagot.

Ibig ko pang
Naging
Natutuhan malaman ang
kawili-wili sa
ko na akin ang tungkol sa

Napakahusay ng iyong ginawa. Ipagpatuloy mo ito. Sa pagkakataong


ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang pick-up
lines. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain.

Subukin

A. Hanap sagot:

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na mga salitang


nasa kahon. Pagkatapos, gamitin mo ito sa pangungusap.

Hanay A Hanay B
______1. Bangin ka ba? a. Ang tamis kasi ng ngiti mo

______ 2.Kape ka ba? b. Nahulog kasi ako sa iyo

______3. Pustiso kaba? c. Kasi, I can’t smile without


you
______4. Kumain ka ba ng asukal? d. Ninenerbiyos kasi ako sa
iyo
______5. Surgeon ka ba? e. Nahulog kasi ako sa iyo
109

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
B. Newsfeed ka ba? Post Wika mo ako

Pagkatapos mong sagutan ang pagsubok sa itaas, dumako na tayo


sa kasunod na gawain. Gumawa ka ng isang pick-up lines at i.post sa iyong
Facebook Timeline at sagutin ang mga katanungan.

Ginawang Pick-up Lines:


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________________.

1. Ano- ano ang iyong napapansin sa mga ginamit na salita sa pagpapahayag ng


mga kaisipan mula sa komento ng iyong mga kakilala’t kaibigan?
2. Paano nakaapekto sa damdamin ng mga mambasasa ang pick-up lines
na iyong ginawa?

Clip art image. (2020).Niretrib sa: https://www.alamy.com/stock-photo/360-cartoon.html

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa


katatapos na aralin. Maaari ka nang dumako sa susunod na aralin

110

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Aralin 2. Hugot Lines

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakapagpapahayag ng iyong pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa


koseptong napapaloob sa hugot lines, katangian, hanguan, halagahan, at
dahilan ng pagpatok nito sa kasalukuyang lipunan gamit ang wika ng
kabataan.

2. nailalahad mo ang mga kulturang Filipinong nasasalamin sa


makabagong uri ng akdang pampanitikan.

3. nakapag-uugnay ka ng mga kaisipan mula sa hugot lines na hango sa


sariling karanasan, nasaksihan, napakinggan, napanood, o nabasa.
Paliparin
Bago pa man dumating ang mga bagong talastasan, . Hindi natin
maikakaila na buhay at yumabong na ang wika. Sa araling ito ay
nakapokus tayo sa Hugot Lines bilang popular na talastasan
sa kasalukuyan. Marahil ay maitatanong mo sa iyong sarili, paano
kaya yumayabong ang wika? Bago natin sisirin ang lalim ng hugot
lines, isakatuparan mo muna ang gawaing :
Hanap-Salita. Hanapin mo ang walong salita na sa palagay mo ay
may kaugnayan sa ating tatalakayin. Bilugan ang mabubuong salita.

T E M O S Y O N B N T
A A P E L I K U L A R
D K G O O L M W N J E
B G G L D C Z A V T N
G N Y S I B B K B O D
H L I N E S R H N G I
I F N T J U H K L U N
M A L I K H A I N H G

Galugarin

Bakit nga ba halos lahat ng taong nakapalibot sa iyo, konting


kibot, humuhugot? Alam mo 'yon? Nararanasan mo din ba 'to? I bet, yung
taong bumabasa nito, damang dama ako.
Tama?
Hindi lang sa isang tropahan hit na hit yung mga linyang humugugot.
Mapa-nanay, mapa-tatay, mapa-kapatid, mapa-pinsan, mapa-estudyante
usong- uso yan. Madalas ka rin bang makadinig nyan sa iba. Katabi sa jeep,
111

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
kasalubong sa mall, katabing table sa fastfood chains, schoolmates, kahit
yata mga professor humuhugot. Patok yung mga linyang walang forever at
walang happy ending.
Gawain mo rin ba ang humugot, bakit nga ba? Tara let’s! Talakayin
natin. Katangian ng Hugot Lines
Ang mga hugot lines ay mga modernong tayutay. Ito ay mga
pangungusap na nabuo mula sa paghinuha ng mga sariling karanasan na
kalimitang tungkol sa romansa o pag-ibig. Kalimitan ito'y balbal (slang) o
pang-aliw sa mga diskurso.
Tinatawag din itong love lines o love quotes na isa pang patunay na ang
wika nga ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa linya ng pag-ibig na
nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy, o minsa’y nakakainis. Ito ay ginagamit
ngayon sa mga social networking sites kagaya ng Facebook at Twitter. Ito ay
nangangahulugan na ang isang tao ay may malalim na pinagkukunan o
pinanghuhugutang emosyon sa kaniyang sinasabi. Kadalasan, mga liriko ng
kanta at mga quotes tungkol sa pag-ibig ang mga ginagamit.

Ang salitang "hugot" ay kagaya rin ng ibang mga salita na napalitan na


ang kahulugan. Ito’y isang kontemporaryong ekspresyon o pagpapahayag ng
nararamdaman gamit ang retorika sa paghahambing/paghahalintulad.
Kalimitan ang paksa ay tao, bagay, pangyayari atbp. na siyang
paghahambingan ng karanasan.
Masasabi nating lahat na tunay na malawak ang kaisipan ng mga tao sa
henerasyon na ito dahil nakakagawa ng mga bagay na tulad ng pagbabago
ng kahulugan ng mga salita. Ito ay naging parte na rin ng kwentuhang Filipino.
Kadalasan nang maririnig ang pagsambit ng “Hugot!” matapos ang isang
kwento.
Hanguan

Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon


na nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood.

May mga pagkakataong nakakagawa rin ang isang tao ng sarili nilang
“hugot lines” depende sa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa
kasalukuyan. Sa mga taong nasaktan, napagluruan ng pag-ibig at ng buhay.
Sa mga taong naglalabas ng sama ng loob sa pamamagitan ng paghugot sa
paraan ng pagsasalita

Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish ang gamit sa


salita ng mga ito.
Dahilan ng Pagpatok ng Hugot Lines
Una, kapag madaming sawi sa pag-ibig, madaming humuhugot.
Hanggang sa pati 'yung iba, nakihugot na. Trending na kasi. Ganun naman
pag may bagong nauuso, lahat gusto maki-join. Walang magpapahuli.

112

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
“Kung mahal mo, habulin mo, ipaglaban mo. ‘Wag mong hintaying
may magtulak sa kanya palayo sa’yo. Hilahin mo. Hanggang kaya mo, wag
kang bibitaw.”
Isa lang ‘yan sa mga sikat na hugot lines sa movie film at nag-
trending.Kapansin-pansing pati sa simpleng bagay may hugot.
Pangalawa, kasi bitter. Oo tama, bitter. Kaya lang naman humuhugot
ang isang tao, kasi 'yung banat nya swak na swak sa naranasan mo o sa
nararanasan nya. Usually naman kasi ang laman ng hugot ay mga mapapait
na karanasan sa pag-ibig. Diba? Kumabaga, para kang nakahanap ng
another way of expressing your feelings. Sa paraang medyo pabirong,
seryoso, na hindi mo maintindihan. Kaysa naman kimkimin mo lang! Edi
ibanat mo na lang, nakakaluwag kaya sa puso! Plus! Nako-convert pa yung
sakit into source of laughter. Natatawa ka pa sa mga kalokohan mo.
In the end, masasabi mong yung paghugot, in some way, new form of
one's defense mechanism. 'Yung sasabihin mo 'yung nararamdaman mo, in a
hugot way, a less revealing way of. alam mo na. Yung dito mo na lang
masasabi ang mga katagang di mo masabi o maibahagi sa iba kasi wala
namang may pake sa nararamdaman mo.
Halagahan

Sa paggamit ng mga kabataan sa mga hugot lines, mas


naipapalaganap at napagyayaman pa nila ang ating sariling wika. Sa
pamamagitan nito ay maaaring mahubog dito ang mabilisang pagsalita, bilis
at talas ng isip tulad ng pag gamit ng rhymes at mga malalalim na salita.
Nabigyan ng bagong kahulugan at nausong gamitin sa mga Hashtags
(#) sa mga online social media tulad ng Twitter at Facebook.
Ngayon, ginagamit ang salitang “hugot” sa pang-araw-araw na
pananalita bilang isang pandiwang nangangahulugang ang isang tao ay
mayroong malalim na pinanghuhugutan o pinagkukuhaan ng emosyon
tungkol sa kanyang sinasabi.
Interesante ang paggamit sa salitang "hugot" sa mga usaping puno ng
emosyon o damdamin sapagkat kung tutuusin, ang orihinal na kahulugan ng
salitang ito ay hindi angkop sa ganoong konteksto. Bukod pa rito, napukaw rin
ang interes ng mga mananaliksik sa pag-evolve ng gamit ng salita -- mula sa
paggamit nito sa mga seryoso o ordinaryong usapin (e.g., “Hugutin mo nga
ang lubid na nakasabit.”) mula sa isang pang-araw-araw na pagpapahayag ng
emosyon (e.g., “Ang lalim ng hugot mo ah!”).
Magandang mapag-aralan sa salitang ito ang kaibahan ng kahulugan sa
iba't-ibang mga wika sa Pilipinas. Maaari ring tignan ang mga pagbabago sa
kultura sa kontekstong Filipino sa bawat henerasyon. Ang pagdalas ng
paggamit ng salitang “hugot” ay nakapagpapahayag ng paraan ng pag-iisip at
ang mga mahalaga na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon

113

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Hugot Mo, Show Mo…


Sa buhay dapat tayo’y laging handa. Handa ka na bang ibahagi
ang natatanging hugot mo sa buhay? Dali! Lumikha ka ng isang hugot lines
sa bawat salitang naka-highlight sa ibaba. Pagkatapos, ibahagi mo kung
anong….

______________________________________
KADAHILANAN ______________________________________
______________________________________

______________________________________
KATOTOHANAN ______________________________________

______________________________________

______________________________________
KARANASAN ______________________________________
______________________________________

…. sa buhay na nag-udyok sa iyo upang gawin ang nasabing hugot.

114

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

HUGOT PA MORE …
Anong kaisipan ang ipinapahayag sa sumusunod na Hugot Lines?
1.

Espedilla, E.(2020). 10 Hugot Lines from Pinoy Movies. Niretrib sa: https://www.pinterest.ph/pin/796714990316600367/

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.
2.

Espedilla, E.(2020). 10 Hugot Lines from Pinoy Movies. Niretrib sa: https://www.pinterest.ph/pin/796714990316600367/

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

115

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
3.

Espedilla, E.(2020). 10 Hugot Lines from Pinoy Movies. Niretrib sa:


https://www.pinterest.ph/pin/796714990316600367/

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________.

4.

Espedilla, E.(2020). 10 Hugot Lines from Pinoy Movies. Niretrib sa: https://www.pinterest.ph/pin/796714990316600367/

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________________.

116

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
5.

Espedilla, E.(2020). 10 Hugot Lines from Pinoy Movies. Niretrib sa: https://www.pinterest.ph/pin/796714990316600367/

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________.

Subukin

Ituloy Mo ang Pahayag…


Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang
mabuo ang diwang ipinahahayag ng mga pangungusap sa loob ng talata.

Ang salitang ____________ ay kagaya rin ng ibang mga salita na


napalitan na ang kahulugan.
Ito’y isang ____________ ekspresyon o pagpapahayag ng
nararamdaman gamit ang retorika sa paghahambing/paghahalintulad.
Kalimitan ang paksa ay tao, bagay, pangyayari atbp. na
siyang paghahambingan ng ____________.
Masasabi nating lahat na tunay na malawak ang ____________ ng
mga tao sa henerasyon na ito dahil nakakagawa ng mga bagay na tulad
ng pagbabago ng kahulugan ng mga salita.
Ang mga hugot lines ay mga modernong____________. Karaniwang
nagmula sa linya ng ilang tauhan sa ____________ o telebisyon na
nagmarka sa puso’t _____________ ng mga manonood.

May mga pagkakataong nakakagawa rin ang isang tao ng sarili


nilang “hugot lines” depende sa damdamin o ____________ pinagdadaanan
nila sa kasalukuyan. Sa mga taong nasaktan, napaglaruan ng ____________

117

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
at ng buhay. Sa mga taong naglalabas ng sama ng ____________ sa
pamamagitan ng paghugot sa paraan ng pagsasalita.
Minsan ay mga hugot lines ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay
__________ ang gamit sa salita ng mga ito.

Hugot Strip

Matapos mong masagutan ang ating pagsusulit, ngayon naman ay


maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Bilang
pangwakas na gawain para sa bahaging ito, gamit ang kahon sa ibaba,
gumawa ka ng sariling komiks strip na masasalamin sa salitaan ang paggamit
ng Hugot Lines.

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa


kakatapos na aralin.

118

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Aralin 3. Spoken poetry

Kasanayan na Lilinangin sa Aralin 3

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inasahang:

1. naipamalas mo ang pag-unawa ng akdang spoken poetry upang


maunawaan ang kultura at kalagayang panlipunan ng mga Filipino sa mga
panahong ito.

2. nalinang ang iyong kakayahan sa pagsulat at pagpapahalaga sa spoken


poetry

3. nailahad ang sariling kuro-kuro sa mga detalye,kaisipan at


opinyong nakapaloob sa spoken poetry.

4. nakagamit ng akma o tumpak na mga salita at larawang diwa


upang mailarawan ang tunay na nadarama sa paglikha ng akda.

5. naipamalas ang mga natamong kaalaman at kakayahan sa paglinang


ng pangangailangang pangkomunikatibo.

Paliparin

TUGON SA PAGKATUTO
Sa araling ito, pag-aaralan natin ang mga akdang sumibol sa kasalukuyan.
Akdang patok sa mga millenials na tulad mo…ang Spoken Poetry.
Ang Spoken Poetry kadalasan ay siyang ginagamit sa pagpapahayag
ng damdamin maging ito man ay nagtataglay ng iba’t ibang tema katulad ng
pag-ibig, karahasan, kabiguan, kapaligiran at kung ano-ano pa. May kirot o di
kaya’y may kilig sa puso ang hatid ng spoken poetry kaya naman bentang-
benta ito sa kabataan. Nakakaaliw pakinggan ang mga salitang
nagkakatugma at nagkakaugnay sa pagtawid ng pahayag. Kadalasan
makakapag-isip ka sa bawat salitang mamumutawi sa taong nagsasalita.
Masasalamin mo ba ang kultura sa uri ng panitikang lumaganap sa
panahong ito? Naniniwala ka ba na ang mga paksa ng akdang pampanitikan
ay naiimpluwensiyahan ng panahong naisulat ito?
Alam ko na may nalalaman ka na sa mga bagong talastasang nauuso
ngayon. Kung wala naman, makakatulong sa iyo ang araling ito upang mabatid
at madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito. Subukin mo kung hanggang
saan na ang iyong nalalaman sa pamamagitan ng susunod na gawain.

119

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Ang Tahanan ng mga Konsepto ay mga konsepto na
iyong pagninilayan sa kabuuan ng araling ito.

Tahanan ng mga Konsepto

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga pahayag sa gitna at sagutin ang nasa
Hanay A at B. Lagyan ng tsek kung totoo o di-totoo ang mga konseptong
nakasulat

A. Bago ang B. MGA KONSEPTO C.Pagkatapos ng


Talakayan Talakayan

1. Totoo 1. Ang spoken word ay ang 1. Totoo ___


___ paggamit ng wordplay.
Di Totoo ___
Di Totoo 2. Matagal nang ginagamit ang
___ Spoken word poetr dito lamang sa 2. Totoo ___

2. Totoo Pilipinas. Di Totoo ___


___ 3. Gumagamit ng abstraktong 3. Totoo ___
Di Totoo lenggwahe ang =talastasang ito. Di Totoo ___
___
4. Ang isang magandang spoken 4.Totoo ___
3. Totoo
poetry ay
___ Di Totoo ___
nakakalikha ng limitadong imahe
Di Totoo sa isip ng mga 5. Totoo ___
___ nakikinig.
Di Totoo ___
4.Totoo 5. Kumpara sa isang normal na
___ tula, mas malikhain at
mapaghamong gawin ang spoken
Di Totoo
word poetry.
___
5. Totoo
___
Di Totoo
___

120
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Galugarin
Sumasabay ang wika sa pagbabago ng panahon. Nagbabago man
ang anyo o may natalikdan, ngunit patunay na ito ay buhay at puno ng kulay.
Hindi natin maikakaila ang pang-usbong ng makabagong anyo ng talastasan
sa ating bansa katulad ng spoken poetry na kadalasan nating naririnig
ngayon kahit saan. Matutunghayan mo sa araling ito ang kalikasan, tema ng
spoken poetry ,mga tips sa pagsulat, iba pang paraan ng pagsulat at paano
mag-spoken word: tips para sa mga baguhan
Kalikasan

Ang spoken word poetry ay ang pagsasaad ng kwento sa


pamamagitan ng isang tula. Ito ay isang anyo ng tula kung saan ang may-
akda ay naglalahad ng tula sa madlang tao sa pamamagitan ng kwento o
pagsasalaysay o "natural" sa Wikang Ingles. Kumpara sa isang normal na
tula, mas malikhain at mapaghamong gawin ang spoken word poetry. Isa ang
spoken words sa nauusong uri ng oral art sa mga kabataan na ginagamitan
ng word play at intonation upang maipahayag ang kanilang saloobin.

Ito ay ang bumabalik na uri ng spoken poetry na patok ngayon sa mga


kabataan. Ang spoken word ay ang pag gamit ng wordplay, mga tula o di
naman kaya ay pagbubuhos ng saloobin sa pag gamit ng written o di naman
kaya ay impromptu speaking.
Matagal nang ginagamit ang Spoken word poetry hindi lamang sa
Pilipinas kundi sa buong mundo at ngayon nga ay bumabalik na naman ito dahil
na rin sa mga taong nakaka relate sa topic ng speaker. Isa na si Juan Miguel
Severo sa mga kilalang Spoken Word artist sa Pilipinas. Hindi ito basta-basta
pagsasalita sa harap ng mga manonood. Ginagamitan ito ng word play, tono ng
boses na naaakma sa paksa at minsan ay background music.
Anong Tema ng Spoken Poetry
1.pag-ibig
2.kaibigan
3.pananampalataya sa Diyos
4.pagmamahal sa bayan
Mga Tips sa Pagsulat ng Spoken Poetry

Upang makagawa ng isang maganda at maayos na spoken poetry,


narito ang ilan sa mga tips na maaari mong sundin ukol sa pagsulat ng
spoken poetry:

1. Gumamit ng konkretong lenggwahe - kabilang dito ang mga matitingkad na


imahe, tunog, kilos, pakiramdam, emosyon, at iba pa. Ang isang magandang
spoken poetry ay nakakalikha ng mayamang imahe sa isip ng mga nakikinig.
2. Gumamit ng pag-uulit - kabilang dito ang pag-uulit ng mga kaisipan o
imahe sa spoken poetry.
3. Gumamit ng mga rhyme para may elemento ng aliw at sorpresa sa iyong
spoken poetry.
4. Gumamit ng iyong sariling saloobin. Ito ay upang makuha mo ang
emosyon at pakiramdam ng mga nakikinig.
121

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
5. Gumamit ng persona. Halimbawa, kung gagamit ka ng persona ng ibang
tao, gamitin mo rin ang opinyon nito kahit na ito ay iba sa opinyon mo.

Iba Pang Paraan ng Pagsulat


1. Umisip ng paksang interesado ka.
2. Isulat ang lahat ng kaisipan tungkol dito.
3. Bumuo ng tula. (Malayang anyo ng tula, hindi kailangan ng sukat at
tugma, pero mainam na mayroong tugma)

Paano Mag-spoken Word: Tips para sa mga Baguhan

Una. Magdeklara. Isang pangako. Paniniwala. Basta malakas na


panimula. O kaya nama’y magbilang, o hatiin ang tulang walang sukat ngunit
may tugma sa iba’t ibang hakbang ng paggawa. Maaaring ang unang bilang
ay akma talaga sa pinagbasihan hanggang sa makarating ka sa…
Ikalawa. Ang kabig. Ibahin agad ang daloy ng kwento. Huwag nang
patagalin ang pagbabalatkayo ng iyong akda dahil sa malamang ay tungkol
ito sa hugot at wala namang iba kaya naman ang…
Ikatlo ay maaaring isang maikling tulay para maitawid mo ang iyong
kwento sa…
Ika-apat. Ang mas malaman sa iyong malayang taludturan dahil ang
ikatlong hakbang ay hindi naman talaga ganoon kahalaga para sa iyo ngunit
kailangan pa ring pagdaanan. Parang commute, awkward lunch break, o kaya
nama’y tuli. Ngunit iba ito. Kaya mo nga minadaling lagpasan ang
pinagdaanang hakbang ay para makarating ka dito. Sa ngayon. O baka sa
kwento mo ay ang kunot-noong noon. Ilabas ang kaluluwa. Balikan ang
unang hakbang at ipaalam nang hindi lantaran sa mga nanood na nagbago
na ang kahulugan sa kanilang harapan. Magsimula ka sa simula. Magmadali
habang sila’y namamangha, dahil kailangang paspasan ang bigkas sa
bahaging ito dahil masyadong mahaba ang naisulat mo at kung hindi ay
makakatulog na ang makikinig bago ka makarating sa…
Ikalima. Hinga. Ilang beses mo na itong nakita kay Juan Miguel
Severo. Pagkatapos ng panlilisik ng kaniyang mga matang nagpipigil lumuha
kasabay ng panginginig sa bawat bigkas ng pantig ay may paghinto. Kalma.
Kung ang pang-apat ay nagsusumigaw, bumubulong naman ang lima, dahil
patungo ito sa…
Ika-anim. Paulit-ulit mong sabihin ang isang linyang bahagyang iba ang
dulo. Paulit-ulit mong sabihin ang isang linya dahil mahalaga ito Ulitin nang
mas maikli hanggang sa maipalalang nag-iba ang kahulugan nito bunsod ng
mga nauna mong sinabi.
Balikan ang simula.

122

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Talakayin

Hinga.
Baliin ang gawa-gawang batas.
At bago magwakas,
Maglabas ng malupit na linya
Salaysayin ng Buhay

Dahil nalinang na ang paksa ng aralin, ito na ang pagkakataon mong


masuri ang isang piyesa ng spoken poetry. Basahin at unawaing mabuti ang
akda. Maghanda para sa pagsusuri. Gumawa ng pananliksik sa kung paano
isasagawa ang bawat hakbang ng pagsusuri ayon sa nakatala sa ibaba.
Pagkatapos, gawan ng pagsusuri ang isang piyesa ng akda ayon
sa sumusunod na hakbang. Isulat sa kapirasong papel.
1. Pagkilala sa May Akda:
2. Estruktura
a. Sukat, Saknong at Taludtod.
b. Teoryang Pampanitikan
c. Paksa o kaisipang taglay ng akda
d. Talinghaga
e. Imahen o Larawang Diwa
f. Tono
g. Persona
h. Reaksyon/Komento

123
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Paano Gumawa ng Tulang may Alalahanin mo
Hugot ni : Hony Kathleen Genton sabay lapat ng pluma sa
kwaderno Habang sinusulat ang
Madali lang naman pala inyong kwento
Ang magsulat ng isang Kasabay ng pag-agos ng
piyesa Literal na hugot ba? rumaragasang emosyon
Yung may mga patamang linya! Na nangagagaling sa iyong
mata Kasabay ng pagtugtog ng
Hayaan mong turuan kita theme song ninyong dalawa
Pagkat ako'y isang dalubhasa Para mas masakit di ba!
Isang mangingibig at makata
Patayin mo siya gamit ang isang
Una magmahal ka ! piyesa
Damhin mo ang Gaya kong paano niya pinatay
pagkakataong masaya pa ang inyong pagsasama
Yung tipong di ka makatulog sa gabi
kasi inaalala mo siya Para sa babasa ng iyong akda
Yung excited ka para sa Hayaan mong masaktan sila
kinabukasan kasi may date kayong sa kanilang makikita
dalawa Feelings mo kasi ito at hindi
Yung halos araw-araw ay paganda sa kanila
ka nang paganda Hindi naman sila ang
Di magkamayaw ang nagmahal, nasaktan, humugot
kaligayahan pagkat dumalaw ang Hindi naman sila ang minahal at
sinisinta Damhin mo ang pag-ibig pinaikot-ikot
Alalahanin mo ang saya Pero makakarelate sila
Alalahanin mo lahat ng ala-ala sigurado Pagkat pare-parehas
Alahanin mo lahat, kasama ang lang ang istorya niyo
pagkukulang ninyo sa isa't isa
Nagmahal, Nasaktan
Dahil darako na tayo sa Nagmahal, Nasaktan
pagsasabuhay ng iyong katangahan Paulit-ulit lang
Iiwanan na ang kasiyahan hanggang makasanayan
Pagkat andito na ang sakit
Maghanda ka nang manakit Ngayon alam mo na?
Pasensya kana ito kasi ang
Andito na tayo sa pangalawa kinasanayan ng aking sistema
Kung saan iiyak ka Alalahanin mo Magsulat ng piyesang may ka
lahat ng saya Alalahanin mo kung jejehan
minahal ka ba talaga Hindi pa kasi ako masyadong
natatauhan
Iiyak mo lahat ng sakit gamit ang
salita Pagkat ang pagka dalubhasa ko'y
Patayin mo lahat ng tugma pinairal ko lang sa wala
Damhin mo ang kakulangan, Pagkat ako yung tipo ng
na bumabalot manunulat na kahit nasanay na
sa iyong kapaligiran Sa eksena ng pagmamahal
Itanong sa sarili at pagpapakatanga
Bakit ka niya iniwan at sinaktan Di parin kayang umusad mag-isa.
Natural na ang ganyang tanong
pagkatapos ng lokohan session 124

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Pagbatayan mo…

Bigyan ng pansin ang mga kaalaman na natunghayan sa bawat


taludtod ng tulang sinuri. Pagbatayan mo ang mga ito upang makabuo ng
sariling Spoken Poetry. Ilapat ang mga karunungang natamo sa mga tips sa
pagsulat ng akda nabanggit upang makagawa ng isang magandan at
kawili-wiling akda. Alam kong kayang-kaya mo itong gawin.
Narito ang Rubrik na pagbabasehan ng iyong marka.

125
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Subukin

Talas…tulaan

Bilang pagtataya sa panghuling aralin ng modyul na ito,Halika! Ipakita


mo ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng Talas-Tulaan. Isaulo ang
nilikhang spoken poetry at maghanda para sa pagtatanghal via Google Meet.
Ito ang platform na ating magiging daluyan sa pagsasakatuparan ng layunin
sa bahaging ito ng aralin. Narito ang pamantayan sa pagmamarka Bibigyang
puntos ang mga kalahok ayon sa mga sumusunod:

Nilala- Pagtata Tinig Pagkabisa- Impact Kabuuan


man ng-hal o (10%) do sa mga (100%)
Kalahok Delivery Manood
o (30%) o Mastery (10%)
Content (10%)
(40%)

Binabati kita sapagkat natapos mo na ang iyong gawain sa


katatapos na aralin.

126
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Aralin 4. Mga Salitang Balbal sa
Internet (Internet slang)

Kasanayan na Lilinangin sa Aralin 4


Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:

1. natatalakay ang konteksto ng mga salitang balbal at ang gamit


nito sa kasalukuyang pakikipagtalastasan.ng mga tao sa social
media.
2. nabigyang- kahulugan ang mga salitang balbal sa internet
at naiisa-isa ang mga karaniwang uri nito.
3. nagagamit nang may malawak na pag-unawa hindi lamang
sa kung ano ibig ipakahulugan ng salita, gayundin, masasabi
nang wasto ang ibig ipahayag.
4. nakapagbabahagi ng mga bagong kaalaman sa kasalukuyang
pangyayari sa lipunang iyong ginagalawan at pagiging mulat sa
ebolusyon at mga bagong kalakarang pangwika.
Paliparan

Matapos mong pag-aralan ang aralin 3, nandito ka na sa huling bahagi


ng modyul 4. Ngunit bago ka dumako sa dapat mong malaman at gawin sa
araling ito, aalamin muna natin kung ano na ang nalalaman mo sa susunod
na topiko.
Basahin at unawain mo ang usapan ng mga mag-aaral na
naghihintay ng kanilang kaklase.

Mag-aaral 1: Wow! Ang ganda naman ng OOTD mo ngayon ah!

Mag-aaral 2: LOL! Hindi naman nagkataon lang na ito ang


napili ko.

Mag-aaral 3: TBH, bagay sayo! BTW, nasaan na ba si Glydel?

Mag-aaral 1: OTW na daw sya

Mag-aaral 2: Naku di ako naniniwalang OTW na sya baka


kakagising nya lang. AFAIK, usad pagong talaga iyan. LOL
Mag-aaral 1: I txt mo nga ulit Bes. Pakisabi ASAP!

Mag-aaral 3: Nagtxt na ako sa kanya kanina teka baka nagreply


na....oh nagreply na nga basahin mo (SLR, OTW na ako mga
5 minutes nandyan na ako)

Mag-aaral 1: Oh ayan na sya, makakapag-umpisa na tayo!

Pamilyar ba sa iyo mga salitang nakadaglat? Oo o Hindi? Ipaliwanag


ang sagot sa kabilang pahina.
127

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________.

Galugarin

Panimula

Sa pang-araw-araw na patuloy ang komunikasyon ng isang Filipino,


patuloy rin ang paggamit niya ng wika na nagiging daan sa pagpapayabong
nito. Ang komunikasyon ay naisasagawa sa tulong ng wika sa kung paanong
ang wika ay umuunlad sa pamamagitan ng komunikasyon. Sa kondisyong
patuloy ang paggamit nito,lumalawak ang saklaw na bokabularyo ng isang
wika at ito ay katotohanang hindi maitatanggi.
Ayon kay Mabanta (2011), ang wika ay mayroong iba’t ibang antas na
nahahati sa pormal at impormal. Ang pormal ay binubuo ng mga salitang
pambansa at pampanitikan o yaong mga salitang ginagamit sa matataas na
dominyo ng lipunan ---- sa edukasyon, korte at maging sa iba’t ibang
propesyon. Sa kabilang dako, ang mga impormal na salita naman ay
kinabibilangan ng lalawiganin, kolokyal at balbal. Ang lalawiganin ay
ginagamit sa isang partikular na lugar. Samantala, ang kolokyal naman ay
ang pang-araw-araw na salitang ating ginagamit. At ang huli ay
pinakamababang antas ng wika, ang mga salitang balbal.
Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, kapansin-pansin ang pagiging
makulay ng wikang dulot ng pagkalikha ng mga makabagong salita sa iba’t
ibang antas nito, higit lalo sa antas ng salitang balbal sa internet.
Sa maniwala ka’t hindi ang social media ay may sariling bokabularyo at
patuloy na lumalago at yumayabong tulad ng isang karaniwang wika. Ito ang
dahilan kung bakit kailangan mong pag-aralan ang aralin 4 na may kinalaman
sa mga salitang balbal sa internet na palasak na ginagamit ng mga kabataan
bilang wika ng makabagong henerasyon.

Kalikasan

Ang internet slang ay tinatawag ding internet shorthand, cyber-slang, net


speak o chat speak na tumutukoy sa mga barayti ng mga salitang ginagamit ng
iba’t ibang tao sa internet. Mahirap bigyan ng istandard na depinisyon ang
Internet Slang sa kadahilanang ito’y palaging nagbabago sa kalikasan nito.
Gayunpaman, alam natin na ito’y uri ng salitang balbal na pinapauso o pinasisikat
ng mga taong gumagamit ng internet. Ang mga terminolohiyang ito ay sumibol
upang mapaikli ang salita o makagamit ng ilang titik lamang. Karamihan sa mga
tao ay gumagamit ng daglat lamang pagte-text, sa mga
128

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
instant messaging at social networking websites. Ang akronim, mga simbolo
sa keyboard at pagdadaglat ang mga karaniwang uri ng internet slang. Sa
kasalukuyan, maraming tao ang gumagamit ng mga salitang balbal hindi
lamang sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng internet bagkus kahit na
sa harapan.
Hindi maipagkakaila na patuloy na nagbabago ang mundo, lalo na ang
teknolohiya kung saan pati ang mga indibidwal ay nababago nito. Masasabing
laganap na ang social media sa buong bansa at ito ay may pinakamalaking
epekto sa buhay ng mga Filipino nang dahil sa ginagamit ito upang makipag-
ugnayan (Quintos, 2016). Isa ang bansang Pilipinas sa may pinakamaraming
aktibong gumagamit ng social media kung kaya’t masasabi na
naimpluwensiyahan ang mga Filipino ng madalas na paggamit ng social
media sa aspekto ng paggamit ng wika at mga partikular na salita.

Hanguan

Ang internet slang ay nagsimula noon pa mang bago pa ang internet.


Ito’y ginagamit sa chat rooms, social networking services, online games, video
games at sa online community. Mula noong 1979, ito ginawa na ng mga
gumagamit ng komunikasyon sa networks tulad ng Usenet na lumikha ng
kanilang sariling shorthand.
Ang mga salitang balbal sa internet ay nagmumula rin sa iba’t ibang
pangkat ng masa gaya ng mga: estudyante, drayber ng jeep, artista,
empleyado at gay community. Sa pamamagitan ng paggamit ng ganitong uri
ng salita, naipahahayag ng tao ang kanilang saloobin nang may ganap na
kalayaan sa paraang nais at kaaya-aya. Sa kabuuan, ang mga salitang balbal
ay malawak ang saklaw sa lipunang ating ginagalawan.

129

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Mga Karaniwang Uri

Uri Deskripsyon

Saklaw sa grupong ito ang mga daglat at akronim.


Halimbawa ng daglat: "CU" para sa "see you”.
Letrang Halimbawa naman ng karaniwang akronim: "LOL" para
Homophones "laugh out loud", "BTW" para "by the way" at "TFW" para
sa "that feeling when". Maaari ring kombinasyon ng
dalawa: tulad ng: "CUL8R" para sa "see you later".

Paggamit ng isang salita bilang panghalili sa isang salita,


magkaiba ang kahulugan ngunit magkatunog.
Heterographs Halimbawa: ang salitang "sauce" sa halip na "source"
kung nagtatanong sa pinaghanguan ng larawan o ibang
posted material sa online.

Ito’y karaniwang ginagamit kung nagbibigay-diin. Tuldok


o Tandang Panamdam ay ginagamit nang paulit-ulit
Bantas, gaya ng "........" o "!!!!!!!!!!". Ang Tandang Pananong at
Malaking Tandang Panamdam ay palaging ginagamit na
Titik, at iba magkasama tulad ng: "?!?!?!?!" kung ang isang tao ay
pang simbolo galit na nagtatanong. Halimbawa naman ng Malaking
Titik ay "STOP IT", na nagpapahayag ng emosyong galit
.

Ang pagbabaybay na Onomatopoeic ay naging tanyag


din sa internet. Isang popular na halimbawa ay "hahaha"
na nagpapahiwatig ng paghalakhak o pagtawa. Ang
Onomatopoei pagbabaybay na Onomatopoeic ay napakatiyak sa isang
c o naka- wika. Halimbawa, sa wikang Espanyol, ang “tawa” ay
istilong binabaybay na "jajaja" dahil sa ang J ay binibigkas tulad
Pagbabaybay ng H sa wikang Espanyol. Sa Thai naman, ito ay
binabaybay na 55555 ang 5 sa wikang Thai ay
nangangahulugang Ha. Samantala, sa wikang Korean
naman, ito ay "kekeke".

Ito’y matatagpuan sa chat engines tulad ng Internet


Relay Chat o online games, kung saan ang mga
Tuwirang
personal na pagkatao ay maaaring maitatago.
Kahilingan
Halimbawa lamang sa karaniwang tanong na "A/S/L?" na
ang hinihiling ay "age, sex, location?"

Ang pangunahing motibasyon sa paggamit ng slang sa internet ay


upang mapadali ang komunikasyon. Ang nakasaad sa ibaba ay iilan lamang
sa mga uri ng Internet slang na karaniwang matatagpuan sa social media.
130

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Mga Popular na Salitang Balbal sa Internet

Dahil sa ang komunikasyon sa internet ay kadalasang personal,


karaniwan at impormal, hindi maiiwasan ang paggamit ng mga salitang balbal ng
mga nag-uusap. Ang pag-alam sa mga karaniwang akronim at mga simbolo ng
texting ay makakatulong sa pag-decode at pag-unawa ng anumang mensahe sa
text, email o instant messaging sa online. Kung titingnan mo ang mga blog posts,
online forums o mga komento sa YouTube video, makikita mo ang maraming
pagdadaglat ng mga salita at ang mga salitang ito ay parang di pangkaraniwan
sa simpleng diskurso. Talagang ang internet ay may sariling wika na kaiba sa
pamantayan ng mga wikang iyong nakasanayan.

Narito ang ilan sa mga salitang balbal sa internet o internet slangs –


mga simbolo, daglat at akronim at mga kahulugan nito.

2day: Today ASAP: As Soon As BOL: Be On Later


2moro: Tomorrow Possible BOT: Back On
2nite: Tonight ATM: At The Moment Topic
BRB: Be Right
AAK: Alive and Kicking Back
ADN: Any Day Now B4: Before BRO: Brother
AFAIC: As Far As I’m B4N: Bye For Now BTW: By The Way
Concerned Bae: Babe/Before Anyone
AFAICT: As Far As I Else
Can Tell BBL: Be Back Later CFY: Calling For
AFAIK: As Far As I BBT: Be Back Tomorrow You
Know BD: Big Deal CU: See You
AFAIR: As Far As I BF: Boy Friend CUL: See You
Remember BFF: Best Friends Forever Later
AKA: Also Known As BMT: Before My Time Cuz: Because
ASAIC: As Soon As I CYA: Cover Your
Can Ass

131

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
DAE: Does Anyone HAND: Have A Nice
Else Day M/F: Male or Female
DFTBA: Don’t Forget HB: Hurry Back M8: Mate
To Be Awesome! HBD: Happy Birthday MP: My pleasure
DIKU: Do I Know You HBU: How About You MSM: Mainstream
DM: Direct Message HMB: Hit Be Back Media
DND: Do Not Disturb HMU: Hit Me Up MU: Miss You
DR: Double Rainbow HRU: How Are You MYOB: Mind Your Own
DWBH: Don’t Worry, HTH: Hope This Helps Business
Be Happy
IAC: In Any Case NAGI: Not A Good Idea
EOM: End Of IC: I See NBD: No Big Deal
Message ICYMI: In Case You NE1: Anyone
EOS: End Of Story Missed It NM: Not Much
IDC: I Don’t Care NP: No Problem
F2F: Face To Face IDK: I Don’t Know NSFL: Not Safe For
FAQ: Frequently IG: Instagram Life
Asked Question IIRC: If I Remember NSFW: Not Safe For
FB: Facebook Correctly Work
FBF: Flash Back IKR: I Know Right NTS: Note To Self
Friday ILY: I Love You NVM: Never Mind
FF: Follow Friday IMHO: In My Humble
FIFY: Fixed It For You Opinion OC: Original Content
FITB: Fill In The IMMD: It Made My Day OH: Overheard
Blank IMY: I Miss You OIC: Oh ! I See
FML: F**** My Life IRL: In Real Life OMD: Oh My Damn
FOMO: Fear Of IS: I’m Sorry OMG: Oh My
Missing Out ISO: In Search Of Goodness
FTFY: Fixed That For IU2U: It’s Up To You OMW: On My Way
You OT: Off Topic
FTL: For The Loss J4F: Just For Fun OFC: Of course
FTW: For The Win JAM: Just A Minute
FWB: Friends With JFY: Just For You PAW: Parents Are
Benefits JIC: Just In Case Watching
FWIW: For What It’s JK: Just Kidding PLS: Please
Worth JSYK: Just So You POTD: Photo Of The
FYE: For Your Know Day
Entertainment POV: Point Of View
FYEO: For Your Eyes KK: Okay PPL: People
Only PTB: Please Text Back
FYI: For Your L8: Late
Information L8R: Later Q4U: Question For You
LMK: Let me Know QQ: Crying
GA: Go Ahead LMA: Leave Me Alone
GAL: Get A Life LMAO: Laughing My RBTL: Read Between
GF: Girl Friend Ass Off The Lines
GG: good Game; LMBO: Laughing My RIP: Rest In Peace
Great Game Butt Off RL: Real Life
GM: Good Morning LMK: Let Me Know
132
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
GN: Good Night LOL: Laugh Out Loud ROFL: Rolling On the
Gr8: Great LTNS: Long Time No Floor Laughing
GTR: Getting Ready See RT: Retweet
SIS: Sister LYLAS: Love You Like RTM: Read The
SITD: Still In The A Sister Manual
Dark
SM: Social Media TGIF: Thank God It’s WB: Welcome Back
SMH: Shaking My Friday
Head THX: Thanks WBU: What About
SMY: Somebody TIA: Thanks in You?
SNH: Sarcasm Noted Advance WEG: Wicked Evil Grin
Here TIL: Today I Learned WKND: Weekend
SOL: Sooner Or Later TIME: Tears In My WOM: Word of Mouth
Some1: Someone Eyes WOTD: Word Of The
STBY: Sucks To Be TL;DR: Too Long; Day
You Didn’t Read Wru: Who Are You
Str8: Straight TLC: Tender Loving WTH: What The Heck?
SYS: See You Soon Care WTPA: Where The
SWAK: Sealed with a TMI: Too Much Party At?
Kiss Information WU?: Whats Up
TTYL: Talk To You WYCM: Will You Call
TBA: To Be Later Me?
Announced TTYS: Talk To You WYWH: Wish You
TBH: To Be Honest Soon Were Here
TBT: Throwback Txt: Text
Thursday TYVM: Thank You Very XOXO: Hugs and
TBT: Truth Be Told Much Kisses
TFH: Thread From
Hell U: You YGM: You’ve Got Mail
TFTI: Thanks For The U4F: You Forever YNK: You Never Know
Invite UR: Your YOLO: You Only Live
TFW: That Feeling Once
When VBG: Very Big Grin YT: YouTube
VSF: Very Sad Face YW: You’re Welcome

133

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Talakayin

Ito Noon, Ganito Ngayon…


Gamit ang IRF (Initial, Revised, Final) ay masusubok mo ang iyong
natutuhan sa mga ginalugad na kaalaman sa araling ito. Ibigay ang dating
kaalaman sa paksa, ang nabagong pagkaunawa sa aralin at ang kabuuan, at
wastong natutuhan sa araling tinalakay. Gayahin ang pormat sa sagutang
papel.

Initial
(Dating Kaalaman sa
Paksa) 1
3
4
G
a
m
u
y
a
Revised
o
,
(Nabagong Pagkaunawa
sa Aralin)
N
a
t
a
l
i
e

U
Final .
(Kabuuan at Wastong
;
Natutuhan sa Aralin)
M
o
s
c
a
y
a
, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Pangalan: ________________________________ Iskor: ______________
Kurso at Seksyon: __________________________Petsa:______________

Palawakin

Hinuha Mo…Hinuha Ko

Sa bahaging ito matutunghayan mo ang dalawang eksena. Basahin at


unawaing mabuti ang bawat usapan. Alamin ang ibig ipakahulugan ng bawat
tauhan sa kanyang ginamit na internet slang sa usapan. Piliin ang iyong sagot
sa ibigay na 2 kahulugan ng salitang dinaglat na nakasalungguhit, at
magbigay ng hinuha sa takbo ng dayalogo. Isulat mo ito sa inilaang patlang.
Usapang Internet Slang…
Usapan 1: LOL – Laugh out Loud ; Lots of Love

Sa Chat ng mag-ina…

Ina: Anak, ang iyong tiyahin ay sumakabilang buhay na. LOL


Peter: Inay, bakit ka natatawa? Natutuwa ka ba at pumanaw na si Tiya?
Ina: Hindi ako natatawa! Anong ibig mong sabihing natutuwa?
Peter: Kasi po sinabi mong LOL. Hindi po dapat.
Ina: Bakit??
Sagot:
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
____________________________________.
Usapan 2: WTF - Well That’s Fantastic! ; What’s This Foolishness!

Sa bahay…
Anak: Itay, 94 po ang nakuha kong iskor sa exam namin sa Math!

Ama: WTF, Anak!


Anak: Itay, Bakit sinabi mong WTF, di po ba kayo natutuwa?

135
Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Ama: Sino bang may sabi sa iyong di ako natutuwa? Kaya nga sabi ko
WTF.
Anak: Bakit po yon ang sinabi mo?
Sagot:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
________________

Subukin

Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

Bilang pagpapatunay na naunawaan mo ang aralin, sumulat ng 3


talata na may 4 hanggang 5 pangungusap na gagamitan ng mga internet
slang sa loob nito.Lagyan ng pamagat ang bawat talata. Para sa iyong
dagdag na kaalaman sa pagsasagawa nito, tingnan ang halimbawa:
Halimbawang Talata - Pamagat : Magtanong ay Di Biro
Naranasan mo na bang mag –“ LOL” (Laugh Out Loud)? May
pagkakataon bang nangangailangan ka at ito’y “ASAP” (As Soon As
Possible)? At may nagtanong ba sa iyo at sinabi mong “IMHO” (In My
Humble Opinion)? O di kaya’y nagbigay ka ng payo sa iyong kaibigan at
sinabi mong dahan-dahan lang dahil “YOLO” (You Only Live Once)?

Ngayon, handa ka na para sa nasabing gawain. Ano pang


hinihintay mo, simulan na…
Talata 1 – Pamagat: __________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________.

136

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.
Talata 2 – Pamagat : ___________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________.

Talata 3 – Pamagat : ________________________________________


________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_________________.

Talata 4 - Pamagat :__________________________________________

________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________.

Binabati kita! Sa wakas ay natapos mo na ang modyul 4. Nawa’y


marami kang natutunan tungkol sa talastasan ng kulturang popular. Maari ka
ng tumawid sa susunod na yunit.

137

Gamuyao, Natalie U. ; Moscaya, Genalyn L. ; Espares, Gloria P. & Molina, Florie Mae J.

You might also like