You are on page 1of 14

Pormat sa Pagsusuri ng Tula

Tungkol sa May- Akda


Si German Villanueva Gervacio ay kilala sa tawag na trese ng kanyang
Lolo Bino; bossing ng kanyang itay marahil ito ay dahil siya raw ang bunso at
dapat nasusunod ang gusto habang tinatawag naman na bunso si German
ng kanyang ina at mga kapatid. Siya ay ipinanganak noong ika-21 ng
Disyembre taong 1967 sa bahay nila sa Caniogan, Pasig, Metro Manila. 
Nagsimulang mag-aral sa Pasig Elementary School, wala pang
kindergarten noon kaya diretsong nakapag-grade 1 si German. Mag-aaral
sana si German sa Pasig Catholic College na pribadong paaralan dahil
pinagkalooban siya ng iskolarsyip subalit umayaw siya. Inayawan niya ang
oportunidad na mag-aral sa isang pribadong paaralan at sapagkat gusto
niyang mag-aral sa Rizal High School kung saan doon nagtapos ang kanyang
mga magulang at ang labindalawa niyang kapatid. Ayaw niyang mapaiba sa
mga ito. Naging mahirap ang panahon ng kanyang pag-aaral sa sekondarya
dahil sa nangyari sa kanyang ama. Takot na makitang hindi na gumagalaw
ang dibdib ng kanyang ama kung kaya inaliw niya ang sarili sa paglalaro ng
basketball, makinig sa mga kanta, tambay kasama ang kaklase o di kaya ay
nantitrip. Madalas rin na siya ang may pasimuno ng mga kalokohan nila.
Bagama’t masasabing kahit na bulakbol si German noong nasa sekondarya
pa siya ay nakapagtapos naman siya noong taong 1985. Pumasok ng
kolehiyo si German sa MAPUA Institute of Technology kung saan nagtapos
ang kanyang Koyang Severino. Arkitektura ang kursong kinuha niya
sapagkat ito ang gusto ng kanyang ama. Nag-aral siya nang mabuti ngunit
hindi niya tinapos ang kanyang pag-aaral sa MAPUA Institute of Technology.
Huminto siya sa pag-aaral at naisipan na magtrabaho sa pinagtatrabahuan
ng kanyang Ate Elsie na noon ay superbaysor sa kompanya ng pagawaan ng
kendi. Minsan sa kanyang pag-uwi kay nakakasabayan niya ang kanyang
mga dating kaklase noong sekondarya kaya hindi naglaon ay bumalik siya sa
pag-aaral. Sinubukan niyang mag-enrol sa FEU, UE at NU subalit
pinagtatawanan lamang siya dahil nga sa grado niyang singko. Hindi naman
kasi siya nag-withdraw kaya halos singko ang kanyang grado na nasa
kanyang TOR. Sa dami ng paaralang kanyang sinubukan ay nakapag-aral
din siya sa Rizal Technological College o Rizal Technological University dahil
sa tulong ng kanyang bayaw na may kakilala sa nasabing paaralan.
Nagsumikap siya sa pag-aaral, arkitektura pa rin ang kursong kinuha niya.
Naging varsity player siya sa kanilang college. Hindi rin nagtagal si German
sa RTC sapagkat simula nang nainis siya sa kanyang kalaro sa basketball ay
hindi na rin siya pumasok. Basta-basta na lamang siyang nagdesisyon. Hindi
naman siya bumagsak sa kanyang mga asignatura noon. 
Taong 1988 ng ika-5 ng Hulyo, pumunta si German sa Mindanao at
nag-aral. Tinulungan siya ng kanyang Koyang Severino na makapag-aral sa
Mindanao State University-Iligan Institute of Technology sapagkat dekano
noon ang kanyang Koyang sa College of Science and Mathematics. Computer
Science ang naging unang kurso niya noon at hindi naglaon ay lumipat siya
ng AB Filipino. Gusto raw nitong sumulat; hilig daw nito ang pagsusulat.
Hindi pa rin tumino sa pag-aaral si German. Natuto siyang magbisyo katulad
ng pag-iinom at paninigarilyo. Bumalik siya sa kanila sa Pasig at nag-
summer job sa Laguna Lake Development Authority. Natapos ang dalawang
buwan sa kanyang summer job at nagdesisyon na bumalik ulit sa kanyang
pag-aaral. Noong ika-16 ng Hulyo taong 1990, sumulat siya sa kanyang
Koyang Severino na gusto niyang mag-aral muli. Hindi naman siya
pinagkaitan ng kanyang Koyang kaya pinabalik siya sa Mindanao.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang kurso na AB Filipino sa MSU-IIT. Sa
pagtitino ni German sa pag-aaral ay nagbunga ito nang maganda. Sa loob ng
anim o pitong taong ginugol niya sa pag-aaral ay nakatapos din siya. Taong
1992 ng Oktubre nagtapos si German bilang pangalawang Magna Cum laude
sa Kolehiyo ng Sining at Agham Panlipunan sa MSU-IIT sa kursong AB
Filipino. 
Hindi pa rin doon nagtatapos ang yugto ng buhay ni German bilang
estudyante dahil kinuha siya ng kursong masteral sa Unibersidad ng
Pilipinas-Diliman. Malalim ang dedikasyon niya sa pagsulat at may malaki
siyang respeto sa mga kasamahan niyang manunulat at guro. Kaya naman
natapos niya ang kanyang Masteral sa Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman
taong 1999 at natapos naman niya ang kanyang Ph.D sa Filipino-Wika at
Panitikan sa MSU-IIT taong 2014. 
Si German bilang manunulat, ay gumagamit ng wika upang maisaletra
at maibahagi ang kanyang nakikita, nararamdaman o nais ihayag; ibig
sabihin ay napapalaya ni German ang kanyang mga katuwiran, ideya,
pananaw maging ang kanyang saloobin. Umaapaw ang kanyang kaalaman sa
pamamagitan ng naranasan at nakikita kung kaya may epekto o bisa ng
kaganapan maging ang kaalaman ng mambabasa ayon sa kung ano ang
inihahayag ng kanyang mga likha. Nabibigyan ng pansin o aliw ang
damdamin ng mambabasa ay sa pamamagitan ng kanyang akda ay
nakaaangat o nakahahalaw ng impormasyon ang mambabasa at napalalawak
pa ang kanilang kaalaman tungkol sa mga kaganapan at kalakaran ng isang
sistema. Nangangahulugang may sariling estilo sa pagsusulat si German.
Mayroong sariling kairalan; may sariling kaangkinan; may sariling marka o
tatak bilang isang manunulat. 
Nag-aaral pa lamang si German noon ay nakapagsulat na siya ng mga
akdang tulad ng tula at iba pa na nagmula sa malawak na pagtingin niya sa
lipunan. Noong estudyante pa siya sa kolehiyo ay naging kasapi siya ng
pahayagang pampaaralan sa MSU-IIT taong 1989 bilang associate editor sa
Filipino at naging editor-in-chief noong 1991-1993. Mula sa pagiging kasapi
ng pahayagang pampaaralan ay nagkaroon ng ilang mga akda si German na
inilathala rito. Kabilang sa mga nailathalang akda niya ay ang Hibik ng mga
estudyante, Ang sa Ati’y Hindi Rosas at Tsokolateng Pag-ibig, Bubot (kilala
rin sa pamagat na PISON) at Isang Tulang Ayaw Ko Sanang Sulatin. Mayroon
din siyang mga akda na nakasama sa mga antolohiya at jornal tulad ng Ani
22 ng CCP; UP Likhaan Anthologies; Relasyon; Subverso; Ipuipo sa Piging;
Aday; Alimbayaw; Mindanao Forum at iba pa. Nakapaglathala rin sa mga
pahayagan tulad ng Philippine Free Press, Philippine Panorama, Sunday
Inquirer Magazine, Pilosopong Tasyo, Liwayway, Philippine Chronicle,
Philippine Collegian at iba pa. Co-editor ng librong “Writing to the Music of
Pestle-on-Mortar”. Awtor din siya ng mga dulang itinanghal sa MSU-IIT gaya
ng Babuyan Island, Si Tanya ang Uwak na Gustong Pumuti, Kung Bakit
Umakyat sa Overpass si Ibyang Alingagngag, Sisa Meets Simsimi at iba pa.
Isa sa mga manunulat na inilunsad sa librong Mondo Marcos tungkol sa mga
kuwento, tula, at sanaysay ng mga Marcos Babies. Mayroon din siyang mga
nobela na Hari Manawari at librong Isandaan at Isang Bugtong na Hindi
Alam ng Titser Mo.
Marami rin siyang natanggap na propesyonal na gantimpala, pagkilala
at distinksyon mapalokal at mapanasyunal man. Sa lokal, nakakuha si
German ng gantimpala sa Gawad Lope K. Santos for Excellence in Filipino
(1993), Institute Journalism Award (1993), Recognition from UP Diliman
Committee on Arts and Culture (1998), Student Achiever (1998). Nagging
Writer of the Year din si German noong (1991-1992), Rest Achiever sa DFIW
(1991-1992).
Sa pangnasyunal, isa na rito ang pagiging finalist sa Philippine
Panorama Poetry Contest noong 1993, unang gantimpala sa Home Life
Magazine Poetry Competition (1996). Napabilang din siya sa nakatanggap ng
gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Award kung saan ang tulang
“Huling Hirit ni San Jose” ay nanalo ng ikalawang gantimpala noong 1994 at
unang gantimpala naman ang kuwentong “Si Tanya ang Uwak na Gustong
Pumuti” na isang kuwentong pambata noong 1998; Kuwentong “Sinsil Boys”
noong 1999;  Tula na “Ang Totoo, Raya, Ang buwan ay Itlog ng Butiki” ay
nanalo rin sa Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature noong 2016.
1. A. Ang tula ayon sa taglay na elemento

Pamagat Elemento:

Uri Istilo

Ang Malayang Paggamit ng mga salitang hindi palaging


Sigwa Taludturan ginagamit o naririnig paglikha ng tula. Mala-
2012 Madamdaming tradisyunal ang pagkasulat dahil minsan
Tula mayroong sinusunod na sukat. Ngunit,
mayroong sariling istilo ang may-akda.
Pagtutulad ng mga bagay. Makabago ang mga
salita at napapanahon. Nagpapatawa ngunit
nanunukso at mayroong pinapatamaan na tao.

Paliwanag:

1. B. Ang tula ayon sa taglay na elemento

Pamagat Elemento:

Tono Simbolismo

Ang Pagkatakot ref, tv, washing machine


Sigwa Paghihinagpis/Sentimental Kompyuter, PSP, Xbox, Wii
2012 Poot Kumukulong tsokolate
Panunuligsa Ala-Harry Potter ang mga
Pagmamalasakit ganid at tuso!
Pagkakaroon ng pag-asa/Pagiging Troso
matatag Luha
Noynoying

Paliwanag:

1. C. Ang tula ayon sa taglay na elemento

Pamagat Elemento:

Sukat Tugma

Ang Walang Mayroong tugma ngunit hindi sa lahat ng


Sigwa sukat saknong
2012 Tugma sa patinig (ganap)
Tugma sa katinig (di-ganap)

Paliwanag:

2. A. Ang persona sa tula ayon sa anyo at ugali

Pamagat  Persona Anyo  Ugali 

Ang Nabahaan, kawawa, natatakot, Puno ng pag-asa at


Unang
Sigwa naghihinagpis, nahihirapan sa hindi sumusuko sa
panauhan kanyang karanasan
2012 pagsubok

Paliwanag:

2. B. Ang persona sa tula ayon sa tungkuling ginagampanan

Pamagat Tauhan Tungkuling ginagampanan

Ang Nabahaan/Nagsasalita Ibahagi ang karanasan sa kasagsagan


Sigwa sa Tula ng bagyo at kung paano naging mas
2012 matatag sa gitna sitwasyong
kinakaharap.

Paliwanag:

3. A. Ang tula ayon sa isyung panlipunan

Pamagat Isyung Panlipunan

Ang Sigwa Pangkalikasan


2012 (Polusyon, Pagputol ng mga punongkahoy, at Pagmimina)
Korapsyon

Paliwanag:

3. B. Ang tula ayon sa Teoryang Pampanitikan

Pamagat Teoryang Pampanitikan

Ang Sigwa Ekokritisismo - pangangalaga sa kalikasan


2012 Bayograpikal - karanasan ng may-akda
Sosyolohikal - konteksto ng akda
Dekonstruksyon - pagwasak at pagbuo

Paliwanag:

4. Tatlong Bisang Pampanitikan

Akda Bisa sa Isip Bisa sa Asal Bisa sa Damdamin

Ang Naitatak sa aking Hindi basta-bastang Mas napahahalagahan


Sigwa isipan ang sumuko sa anumang ang kalikasan sa
2012 pagpapahalaga sa hamon na pamamagitan ng pag-
ating kalikasan. kinakaharap. Mas iwas sa paggawa ng
Kailangan nating piling bumangon at mga bagay na ikasisira
pag-isipang mabuti lumaban uli galing sa ng ating kalikasan.
ang ating mga pagkalugmok. Pahahalagahan ang
gagawin kung Kinakailangang hindi bawat oras habang
mayroon ba itong rin gagawa ng mga buhay pa dahil walang
mabuting bagay na ikasasama pinipili ang unos.
maidudulot.  ng kalikasan.

Paliwanag:

Nabatid sa Pagsusuri: (Kabuoang kaalaman na nakuha mula sa pagsusuri)

Apendiks

ANG SIGWA (2012)


Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dooooonggggg….
Hwoooshhhh! Hwooossshhhh! Hwoooshhhh!
Wzzzzzooozzzzz…Wzzzooooozzz…Wzzzooooozzzzzzz…

Hindi iyon dumating nang walang babala


May tanda, may tanda! Kami’y magigiba
Nawindang ang malay lahat ay tulala
Pumiglas ang puso, isip ay luluwa

Babala, babala: babaha, babaha!


Babala, babala: babaha, babaha!
Babala, babala: gigiba, gigiba!
Babala, babala: gigiba, gigiba!

Napabalikwas tayo noong gabing iyon


Ang una’y isang napakalakas na haplit ng hangin
Na sinundan ng pagkidlat at pagkulog
Kumabog, kumabog
Ang lupa’t dibdib, nayugyog

Nag-unahan ang libong sibat ng langit


Lumangitngit, lumangitngit
Bahay at buhay’ nabibingit
Wala tayong nagawa kundi ang pagmasdan
Kung paano labusawin ng hangin at ulan ang tumana
Kung paano yugyugin ang punongkahoy at halaman
Kung paano haplitin ang marupok na dibdib ng bahay
Kung paano dayukdukin ang ating yaman at kabuhayan
Kung paano nakawin ang pangarap at pag-asa
Kung paano burahin ang kahapon, ngayon at bukas

Bukas, bukas…bukas…
Huwasssss…hwasssssh….hwwwwasssshhhhh
Huwasssss…hwasssssh….hwwwwasssshhhhh

Buhok na hinangin ang nakuratang mandala


Nagpipingkiang kampilan ang talahib sa tagliran ng lambak
Matutulis na kuko ang along gumagalos sa baybay
Padabog ang mga trosong bumundol sa tadyang ng bahay
Tuyong dahong tinangay ang mga baka, baboy, aso, pusa, kalabaw
Balahibo ng manok na hinipan ang mga sasakyan, kural at poste
Mga langgam na sinabuyan ng tubig ang mga buhay at bangkay

Nanginginig, nangangatog, nagungurog


Nanginginig, nangangatog, nangungurog
Nanginginig, nangangatog, nangungurog

Pati tuktok at tadyang ng matikas na burol


Bundok, tulay, moske, simbahan, mansyon
Iniluwa ng lupa maging ang nangungunyapit na ugat
Mga ilog ay dugong bumubulwak-bulwak
Ang langit ay tila bulkang pumutok
Rumagasa ang lapok, lapok, lapok!

Hindi tayo makapaniwala sa nasasaksihan ng balintataw


Kinakalikaw, nilalabusaw, binabalisawsaw
Umaalingawngaw ang halakhak ni Maria Cacao

Haw haw de karabaw


Utok namo nakutaw
Haw haw de karabaw
Pag-asa’y di matanaw
Haw haw de karabaw
Lulubog, lilitaw
Lulubog, lilitaw
Lulubog, lilitaw…
Aw…aw…aw…awwwww!

Naagnas sa kumukulong tsokolate ang ref, tv, washing machine


Kompyuter, PSP, Xbox, Wii, Wii, Wii
Nabaklas ang tinaliang haligi, bubong at hagdanan
Ihit ng sanggol ay nakatarak sa dibdib nating subyang
Pakakak ni Kamatayan ang pumapailanlang

Hindi na natin matiyak kung ano ang troso o braso


Hindi na natin matiyak kung ano ang luha o ulan
Hindi na natin matiyak kung sino ang buhay o patay
Tayong lahat ay humihinga-hinga pang bangkay
Bangkay….bangkay….bangkay!

Hilong talilong ang mabubulaklak-ang-dilang politiko


Noynoying ang may hang-over pang nasa Palasyo
Kampanteng-kampante at walang paki
Kinikilig sa napanaginipang si Grace Lee

Hugas-kamay ang PAG-ASA at lokal na pamahalaan


Parang Makapiling turuan nang turuan
Ala-Harry Potter ang mga ganid at tuso!
Madyikera’t madyikero kanya-kanyang akto
Hokus pokus doon, hokus pokus dito
Binulsa ang konsyensya, nagpagamit sa demonyo!

Dahil bakit ang corned beef ay naging tinapa?


Ang imported na kumot ay naging mumurahing katsa?
Ang relief goods ay naimbak sa aparador ng iba
Milyong piso at dolyar, nakaninong bulsa?
Batid kaya nila ang pakiramdam ng isang nagpikit ng mata
Ng sanggol na hinugutan ng hininga sa kanilang kandungan?
Batid kaya nila ang pakiramdam ng sumalo
Ng basag na bungo ng kaibigan?
Batid kaya nila ang lamig ng huling pisil
Ng isang kapatid?
Batid kaya nila ang pakla sa puso
Ng isiping hindi natin kaya,

Hindi natin kayang yakapin


Lahat ang humuhulagpos na hininga
Ng ating mahal sa buhay,
At kailangan natin sila bilang karamay
At hindi bantay-salakay?

Subalit tanto rin nating lagi na lamang


Sa lupa tayo'y makadudulog—
Sa lupang inabuso ng pagtotroso
Sa lupang ginahasa ng pagmimina
Sa lupang ginahaman ng plantasyon
Sa lupang tanging kakampi natin ngayon!

Natikman ng basang lupa ang alat ng ating luha


Natikman niya ang anta ng ating paghikbi
Natikman niya ang lansa ng ating uhog
Natikman niya ang aplod ng nangungurog nating tuhod
Natikman niya ang pait ng mga dibdib nating giba
Natikman niya ang asim ng pagngiwi ng ating mukha
Natikman niya, ay! natikman niya!
At kanyang naunawaan

Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling haligi


Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling buto
Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling pananalig
Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling kaluluwa
Kayamukat nating sinuhayan ang mga nabaling suhay

At sa gitna ng tikatik ng luha at ulan


Nakasilip panandali si Pag-asa
Mga bituing nangangako ng panibagong panaginip
Buwang sumasalamin sa mga nagampanang pagtataguyod

Nalimutan na tayong tipanin ng araw


Subalit hindi tayo nililisan ng silahis sa ating mata
At sa pakpak ng mga aninipot muling isinakay ang lagablab ng pangarap
Kung kailan maihahatid sa pinakamalapit sa pinakamalapit na bituin,
Ay hindi na mahalaga

Ang mahalaga'y pinili nating muli ang mangarap


Ang mahalaga'y natukuran nating muli ang ating kaluluwa
Ang mahalaga'y hindi napatid ang bigkis ng ating ugat
Ang mahalaga'y hindi naigupo ang tiwala sa ating sarili
Ang mahalaga'y may init pa rin ang ating puso't hininga
Ang mahalaga'y tanto pa rin natin ang siyang pinakamahalaga.

Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen


Dong Sen Dong Sen Dong Sen Dong Sen
Dooooonggggg….
Listahan ng Sanggunian: 

Dizon, R. et.al. 2018. Ekokritisismo at Pagpapahalaga sa Kalikasan. Malabon City:


Mutya Publishing House.

_________. 2016. 66th Palanca Awards Winners. Nakuha mula sa


https://ncca.gov.ph/2016/09/08/66th-palanca-awards-winners-
named/.Nakuha noong Nobyembre 24, 2020

Gervacio, G.V. 2012. Ang Sigwa. Nakuha mula sa


https://www.facebook.com/notes/10158728336887071/. Nakuha noong
Nobyembre 24, 2020

You might also like