You are on page 1of 31

“SI PINKAW”

Ni Isabelo S. Sobrevega

Pamagat ng katha- may akda

Si Pinkaw ni Isabelo S. Sobrevega

Si Isabelo S. Sobrevega ay isang Pilipino na kilala sa kanyang kwentong “Si Pinkaw.” Ang
kanyang maikling kwento ay inilathala sa Hiligaynon noong Agosto 14, 1968 at ito ay isinalin
noong Agosto 14, 1975 sa wikang Filipino. Si Sobrevega ay isang manunulat na kilala sa
paggamit ng mga tauhang itinakwil at biktima ng lipunan, mga kaugnay sa basura, at mga akda
niyang tumatalakay sa pang aapi ng mundo.

Uri ng Pampanitikan

Ang uri ng pampanitikan ay isang maikling kwento. Ito ay isang maikling kwento dahil
ito ay naglalaman lamang ng isang maikling balangkas at ang mga tauhan ay nabibilang lamang.
Bukod pa rito, ito ay isang maikling kwento dahil kaya itong basahin sa isang upuan.

Istilo ng Paglalahad

A. Tayutay

1. Pinkaw
Ito ay isang pagpapalit-tawag sapagkat ang salitang Pinkaw ay isang
simbolikal na katawagan sa pangalan ng bida sa kwento at hindi ito ang
kanyang tunay na pangalan.

2. Hindi naman maganda ang kanyang boses—basag nga at boses lalaki.


Ito ay isang pagwawangis dahil ito ay isang tiyakang paghahambing.
3. Sinalat niya ito at parang sinakluban siya ng langit nang mabatid niyang
ito’y hindi na humihinga.
Ito ay isang halimbawa ng pagtutulad sapagkat ito ay naghahambing o
nagtutulad sa isang bagay at ito ay gumamit ng salitang “para.”

4. Pakiramdam niya’y isang daang taon na lumipas bago niya narating ang
ospital ng pamahalaan.

Ito ay nagsasaad ng pagmamalabis dahil pinapalabis ang oras ng kanyang


paglalakbay para makarating sa isang lugar.

Sariling Reaksyon

Pananalig Pampanitikan/Teorya

 Humanismo – ang kwentong ito ay nagpakita ng kahinaan at kalakasan ng isang tao


bilang sentro ng daigdig. Ang kahinaan at kalakasan ni Pinkaw ay ang kanyang anak.
Lumalaban siya sa buhay para sa kanyang mga anak ngunit sila rin ang kanyang kahinaan
na naging dahilan ng kanyang pagkabaliw.
 Sikolohikal – Ang maikling kwento ay nagpakita ng pagbago ng ugali ng tao. Ang
pagbago ng ugali ni Pinkaw matapos pumanaw ang kanyang mga anak. Naging
kaawaawa at nawalan siya ng kabaitan.
 Dekonstruksyon – Ito ay halimbawa ng dekonstruksyon sapagkat nagkaroon ng pagsira
ng nabuong imahe sa unang teksto dahil sa pagsasalaysay. Unang pinakita ang Pinkaw na
nawalan sa katinuan at nagkaroon ng pagsira nito sa pamamaraan ng pagbanggit sa
Pinkaw noon.
 Realismo – May mga pangyayari sa kwento na nagpapakita ng mga iba’t ibang mukha ng
buhay gaya ng pangungutya ng mga bata sa mga taong may kapansanan at ang realidad
na may mga taong namamantala sa kahinaan ng tao gaya na lamang ni Instik.
 Sosyolohikal – Ito ang namayani sa akin dahil ang kwentong ito ay nagpakita ng
kalupitan ng ating lipunan na siyang nagkaroon ng diskriminasyon sa pagitan ng mga
mayayaman at mahihirap na mamamayan. Tunay na ang diskriminasyon sa tao ay
nagkakaroon ng masamang epekto sa mga taong nakakaranas dito. Dahil sa
diskriminasyong naganap sa buhay nila Pinkaw, hindi agad nabigyang lunas ang kanyang
mga anak sa sakit na kanilang nararamdaman kaya sila ay namatay at naging dahilan ng
pagkabaliw ni Pinkaw. Kaya para sa akin, ang lipunan ay ang may responsibilidad sa
nangyari sa pamilya ni Pinkaw at kay Pinkaw mismo.

1. Mga Pansin
a. Mga tauhan
a.1. Pinkaw- ang bida sa maikling kwento. Siya ay isang mabuting ina sa
tatlo niyang anak. Panghahalukay ng basura ang kanyang hanapbuhay and
hindi nagtagal nawalan siya ng bait dahil sa pagkamatay ng kanyang mga
anak.
a.2. Poray- ang unang anak ni Pinkaw. Siya ay mataas at payat para sa
kanyang taong labintatlong gulang.
a.3. Basing- ang pangalawang anak ni Pinkaw. Siya ay isang sungi subalit
mahilig siyang ngumuya ng tubo kahit na dumadalay ang katas nito sa
kanyang biyak na bibig.
a.4. Takoy- ang bunsong anak ni Pinkaw. Sa taong gulang na tatlo, siya ay
isang maputi ang gwapong bata.
a.5. Mga Bata- sila ang mga nangungutya kay Pinkaw.
a.6. Pisyang Tahur- ang nagkakalat ng chismis bago mabaliw si Pinkaw.
a.7. Instik- ang tagabili ng mga kalakal ni Pinkaw at may masamang
balak kay Pinkaw.
a.8. Kapitbahay- ang tagasalaysay ng kwento.

Bisang Pampanitikan

 Bisa sa isip Ang tumatak sa aking isipan ay huwag basta-bastang humusga ng kapwa mo
sapagkat wala tayong kaalam-alam sa kanilang pinagdaan at pinagdadaan. Mas mabuting
pang lawakan ang ating pagunawa dahil ang kailangan ng indibwal at ng mundo ngayon
ay isang kilos ng kabaitan.
 Bisa sa damdamin Ang isang bagay na talagang humipo sa aking damdamin ay ang
matayog na pagmamahal ng isang ina sa anak. Hindi matatawaran ang pagmamahal ng
isang ina sa kanyang mga anak kung kayat gagawin ang lahat para lamang mabuhay at
maitaguyod niya ang kanyang mga anak.
 Bisa sa kaasalan Ang asal o aral na nakuha sa kwentong ito ay ang pagtulong sa kapwa
mo tao. Ang tao mayroong tunay na adhikain ay ang tumulong ay hindi tumitingin sa
antas o estado ng buhay kundi sa kanyang kagustuhang tumulong sa kapwa.
 Bisa sa lipunan Ang tumatak sa aking isipan ay kung gaano kalupit ang mga
mamamayan sa mga taong mahihirap o sa mga taong walang kapangyarihan sa lipunan.
Ngunit may mga tao pa ring lubos na may tunay na malasakit sa mga taong
nangangailangan ng tulong.

“DI MASILIP ANG LANGIT”

May Katha: Benjamin Pascual

Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laog, Ilocos Norte. Siya ay


isang kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kwento sa wikang ilokano
at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang ilokano ang
“Rubaiyat ni Omar Khayam” sa tulong ni Jose Bragado na nag edit ng “Pamulinawen” isang
antolohiya ng mga tula ng mga 36 na makatang Ilokano. Siya din ang taga payong legal ng
GUMIL, Metro Manila.

Nagsimula siyang magsulat noong 1950’s, nagging patnugot sa mga komiks at


naging isa sa mga manunulat ng Liwayway Magasin. Nanalo siya ng Palanca Memorial Awards
para sa Literatura noong 1965 para sa kanyang akdang “Landas sa Bahagharing at noong 1981 sa
kanyang akdang “Di Masilip ang Langit”. Isa din sa kanyang nobela ang nagwagi ng unang
gantimpala ng Center of the Philippines noong 1975 na may titulong “Utos ng Hari”. Pagkatapos
ng isang dekada ng masigasig na panunulat, si Benjamin P. Pascual ay ay kinilala ng Unyon ng
mga Manunulat ng Pilipinas (UMPIL) noong 1994 para sa kaniyang kontribusyon sa literaturang
Pilipino. Sa kaniyang edad na 70, kaniyang naisulat ang mahigit pa sa isang dosenang nobela.
Siya ay higit na kilala ng mga mag aaral dahil sa kanyang akdang “Ang Kalupi”.

A. Uri ng Panitikan

Ang uri ng panitikan na ito ay isang maikling kwento kung saan naglahad at nagsalaysay ang
may-akdang mga pangyayari sa kwento.

B. Istilo ng Paglalahad

Ang istilo ng paglalahad ng may-akda ay panumbalik- isip kung saan inilahad ng may-akda ang
mgapangyayari sa kasalukuyan hanggang sa paglalahad nito ng mga pangyayari sa
nagdaan niyang karanasan. Ikinuwento ng may- akda ang dahilan ng pangunahing tauhan kung
bakit ito nakulong.

C. Mga tayutay

1. PAGHIHIMIG - Sa pag lalakad ng kanyang asawa ay biglang humilab ito.

2. PAG TATANONG- Bakit naging Pri ward Ito kung ganito kalaki ang babayaran?

3. PAGMAMALABIS- Dito sa loob pare lalo na sa gabi kailangan mong hulaan ang oras.

4. PAGWAWANGIS- Ni hindi mo namang masilip ang langit para mahulaan mo sa ayos ng mga
bitwin kung anong oras na nga.

D. Sariling reaksyon

1. Pananalig Pampanitikan/Teorya

a. Naturalismo

Ipinapakita sa akda kung paano namatay sa pagkahulog sa sahig ang kauna-


unahan na anak ng mag-asawa sapagkat hindi agad inasikaso ng nars at attendant
sapagkat nakabase sila na dapat ay may magandang katayuan muna sa buhay ang
kanilang pasyente bago nila bigyan ng magandang serbisyo.

b. Moralistiko

Ipinapakita sa akda ang hindi pagbibigay pansin ng mga taong may kakayahan
tumulong sa mga taong nangangailangan ng tulong. Inilahad kung paano
nagmakaawa ang may-bahay ng pangunahing tauhan sa kwento na dalhin siya sa
ospital sapagkat siya ay manganganak na at kung paano tanggihan ng babaeng
mayaman ang pakiusap na ito. Ipinakita din kung paano na hindi siya asikasuhin
ng mga nars at doktor sapagkat siya ay mahirap lamang.

c. Marxismo

Ipinapakita sa akda ang pagsasalungat ng dalawang bagay. Labanan ng mga taong


mayaman at taong mahirap. Ipinahahayag dito kung paano pahirapan ng
mayaman ang sitwasyon ng mga mahihirap sa kabila ng sila naman ay may
kakayahang tumulong. Kung paanong mas ibinababa pa nila lalo ang mga
mahihirap sapagkat sila ay mayaman.

d. Sosyolohikal

Ipinapakita sa akda ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at ang sitwasyon na


madalas ding mangyari or makita sa lipunan na kinabibilangan nito. Ipinapahayag
dito ang pakikisalamuha ng mga mahihirap na tao sa mga mayayamang tao at
kung paano apihin at bigyan pangit na serbisyo ang mga mahihirap katulad na
lamang ng pangyayari sa kwento.

e. Sikolohikal

Ipinapakita sa akda na ang tao ay maaaring magbago sa paguugali o sa pananaw


sa buhay dahil may mga bagay na nag udyok sa kanila para gawin ito.
Ipinapahayag sa akda kung paano nagbago ang mga pangunahing tauhan sa
kwento sapagkat isinantabi at hindi binigyang halaga ang pangangailangan nila na
naging dahilan ng pagkawala ng kanilang anak sa kwento. Ito din ang naging
dahilan kung bakit ang dating masayahin at puno ng pag-asang puso ng mag-
asawa ay napalitan ng lungkot, poot at paghihiganti.

f. Realismo

Ipinapakita sa akda ang mukha o sitwasyon na maaaring mangyari o nangyayari


sa buhay ng isang tao sa mundo. Katulad na lamang ng sitwasyon na pag mahirap
ang katayuan ng isang tao sa buhay ay ganoon din kahirap ang serbisyo at respeto
na naibibigay sa kanila. At pag mayaman o mataas naman ang katayuan ng tao,
gaanon na lamang kaganda nag serbisyo o respeto na ibibigay sa kanila ng tao.
Ipinahahayag sa akda ang katotohanan sa buhay ng mga tao dito sa ibabaw ng
mundo.

2. Mga pansin

a. Mga Tauhan

1. Asawa ni Luding- taglay nito ang pagiging round/bilog na tauhan. Sa simula ng


kwento siya ay isang taong mapagmahal at responsableng asawa sa kanyang may-bahay
at sa kanyang anak na nasa sinapupunan palang ng kanyang may-bahay. Ngunit ang lahat
ng ito ay nagbago simula ng mamatay ang kanyang unang anak. Napalitan ng poot ang
dati niyang masiyahin at puno ng pag-asang buhay sa pagkawala ng kanyang anak kaya’t
naisipan niyang maghiganti sa pamamagitan ng pagsunog ng ospital kung saan dinala ang
kanyang asawa.

2. Luding – taglay nito ang pagiging round/bilog na uri ng tauhan. Sa simula ng kwento
siya ay isang maunawain, mapagmahal at positibo at masunuring may-bahay sa kanyang
asawa. Ngunit ang lahat ng ito ay nagbago at napalitan ng pagiging malungkutin at
tulalang asawa simula ng mamatay ang kanilang anak.

3. Mga nars at doktor- taglay ng mga ito ang pagiging flat/lapad na uri ng tauhan. Sila
ang mga tao sa ospital na kung saan ay hindi inasikaso ang buntis na pasyente na may-
bahay ng panguhaning tauhan sa kwento kahit ito na ay namimilipit sa sakit sapagkat
napagalaman nila na ang buntis ay hindi asawa ni Mr. Cajucom na siyang naghatid sa
ospital.

4. Gng. Cajucom- taglay nito ang pagiging flat/lapad na uri ng tauhan. Si Gng. Cajucom
ay isang uri ng tauhan na walang malasakit sa kanyang kapwa.

5. G. Cajucom – taglay nito ang pagiging flat/lapad na uri ng tauhan. Siya ang asawa ni
Gng. Cajucom na naghatid kay Luding sa ospital dahil ito ay namimilipit na sa sakit.

3. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa isip

“Ano mang bagay ang nawala ay hindi na maibabalik”. Sa pagkamatay ng kanilang


unang anak ay nagdulot ito ng kalungkutan, kawalan ng pag-asa at lalong lalo na ng poot
sa kanilang buhay. Sa kabila ng katotohanan na hindi na maibabalik pa ang buhay ng
kanilang namatay na anak ay tumatak sa isip ng pangunahing bida sa kwento ang salitang
paghihiganti sapagkat ipinahayag sa akda ang hindi pantay na trato at serbisyo ng mga
tao sa mayaman at mahirap. Ipinapakita din sa akda ang hindi pagkapantay pantay at ang
diskriminasyon ay maaaring manatiling sakit ng lipunan na kinabibilangan ng tao.
Marami ang mapang husga base sa panlabas na itsura, at patuloy na ibinababa at hindi
ganoon binibigyan ng halaga ang mga mahihirap. Ngunit sana bilang tao ay kung may
kakayahan tayong tumulong ay tunulong tayo ng may pagmamahal, itrato ang bawat isa
ng pantay pantay sapagkat hindi natin alam kung ano ang bagay na kanilang
pinagdadaanan at lalo lamang itong madadagdagan kung tayo ay magiging taong walang
pake-alam.

b. Bisa sa damdamin

Ipinaramdam ng akda na ito ang kalungkutan at galit sapagkat hindi man lang sila
natulungan ng mga taong may kakayahan na tumulong sa kanila. Mula sa kanilang
tirahan na barong-barong sa bakanteng lote sa tabi ng bagong gawang subdibisyon.
Pinaramdam din nito ang pagkadismaya at inis ng humingi ng tulong ang asawa ng
pangunahing tauhan na dalhin siya sa ospital sapagkat hindi na siya makalakad palabas
upang mag hanap ng sasakyan at kung paano hindi siya binigyang halaga ng babaeng
asawa na nakatira sa subdibisyon at kung paano din hindi siya binigyang pansin at halaga
bilang tao ng siya ay nakarating sa ospital sapagkat hindi siya inasikaso agad na naging
dahilan ng pagkalaglag ng sanggol sa sahig at sanhi ng pagkamatay nito.

c. Bisa sa kaasalan

“Hindi kalian man matatama ng mali ang isa pang pagkakamali”. Ipinakita sa akda na
dahil sa kalungkutan at poot na dinulot sa kanilang buhay ng mga taong may kakayahan
sanang tumulong sa kanila ay nagtulak ito sa pangunahing tauhan na maghiganti at kunin
ang hustisya sa maling paraan na siya pang naging dahilan ng pagkalala ng sitwasyon na
mayroon sila.

d. Bisa sa lipunan

Ipinapakita sa akda na kapag ang isang tao ay mahirap lamang ay hindi gaano
binibigyang halaga o pansin bilang tao. Katulad na lamang ng sitwasyon na mayroon tayo
sa lipunang kinabibilangan natin. Ipinapakita din na kung mahirap ka lang ay hanggang
diyan ka lang na hindi ka maaaring makisama sa mga mayayaman. Ipinapakita din na pag
mababa ang katayuan mo sa buhay ay kulang ang respeto, pagtulong at pagsuportang
makukuha sa mga taong may kakayahang tumulong. Sa kabilang banda, malinaw na
ipinapakita sa akda na pag ikaw ay may kaya o mataas ang katayuan mo sa buhay ay nasa
sayo ang respeto, pagaasikaso at tulong ng mga taong nasa paligid mo lalo na ang tulong
mula sa kapwa may kaya sa buhay. Ipinapakita nito ang hindi pantay na trato na siyang
nangyayari sa buhay ng tao sa lipunan.

“BALITA”

Ni Chuckberry Pascual
Si Chuckberry Pascual Si Chuckberry J. Pascual ay isang pilipinong manunulat ng mga maikling
kwento at dula. Kilala rin siya sa kanyang mga nailimbag na maikling kwento: Kumpisal sa Ani
36, Lorenzo sa talong / Tahong: mga kwentong homoerotiko, mga kotse sa airport sa kathang
isip, mga kwentong fantastiko, mananayaw, kantanod, ritwal at sangadaan. Kabilang din sa
kanyang akda ang short fiction na balita at berde, creative nonfiction na singkaw at dula na
matyag. Si Chuckberry Pascual ay nagtapos ng kolehiyo sa unibersidad ng pilipinas bilang cum
lauade sa kursong BA malikhaing pagsulat noong 2003, siya din ay nag kamit ng MA sa Araling
Pilipino (Kalayaan at panitikan) noong 2008 at siya ay kasalukuyang kumukuha ng phD sa
malikhaing pagsulat simula abril 2009. Si Chuckberry ay naging kasapi ng KULITI isang lipon
ng mga kabataang manunulat.

A. Uri ng Pampanitikan

And akdang balita ay isang maikling kwento. Ang maikling kwento ay nakapaloob sa
prosa o tuluyan, ang maikling kwento ay isang maikling sanaysay hingil sa
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o higit pang tauhan at ito ay kayang basahin sa
isang upuan lamang. Ang akdang balita ay isa lamang piksyon or gawa lamang ng
kathang-isip ng awtor.

B. Istilo ng Paglalahad
C. Tayutay
1. Pinahid ko Muna Ang mga kanin na lumalabas sa mga mumunting
balon”
-ito ay pagpapalit tawag sapagkat iniba ang tawag ng blackheads at
mga maliit na butas sa kwento at pinalitan ito ng ibang tawag.

2. Naglalaban ang kulay ng dugo,grasa,semento,at pawis sa mukha.


-Pagmamalabis kasi siya kasi may salitang naglalaban ang kulay
ng dugo, grasa at semento at pawis sa mukha
A. Pananalig Pampanitikan/Teorya

1. Realismo - Tinutuklas ng toeryang ito ang mga kaganapang nangyayari sa


totoong buhay, inilalahad sa akda kung paano napilitan ang iilan o and mag
asawa na gumawa ng katiwalian kahit labag ito sa kanilang kalooban.
2. Moralistiko - Pinahahalagahan ng teoryang ito ang paggawa ng mabuti o
masama. Ayon sa akda ang mga karakter ay lumabag sa batas ng diyos at ng
tao. Mula sa sampung utos ng diyos inihahayag dito na huwag kang papatay
at huwag kang magnanakaw. Naisusulat din sa ating konstitusyon na ang
pumatay at magnakaw ay isa sa may matiniding parusa.
3 Sosyolohikal - Ipinapakita dito ang kalagayan at suliranin kinalalagyan ng
may akda. Tulad na lamang sa akda ipinapakita doon kung paano ang bata at
ang iba pang tauhan sa kwento ay mayroong puso at konsiderasyon sa mag
asawang nakagawa ng krimen ng dahil lang sa kahirapan. Batay sa aking
nabasa kapansin pansin na ninanais ng mga karakter sa kwento na tulungan
ang mag asawa sa kahit na maliit na paraam lamang gaya ng pagturo kung
saan nakalagay ang diaper at gatas.
4. Sikolohikal- Dito nag kakaroon ng pagbabago sa ugali ng isang tao. Tulad
na lamang sa kwento inilalahad doon na kaawan at simpatya ang
naramdaman ng bata para sa mag asawa. Ito ay masasabing positibong
damdamin sapagkat ito ang naging daan ng bata o mga ibang karakter sa
kwento upang maghatid ng tulong sa maliit na paraan. Ngunit sa kabilang
banda galit ang naramdaman ng mga kapulisan, and damdaming nakapaloob
dito ay isang negatibong damdamin kayat nagbunga rin ito ng kamalian
tulad ng pambubugbog sa pulis.

B. Mga Pansin at Puna


1. Mga Tauhan
Bata- Bata
Ang nanguna sa pagkuyog sa pulis at tumulong sa mag asawa.

Mag Asawa

Ang mag Asawa ay nagpuslit ng gatas upang may maipainom sa knilang


sanggol na anak.

Kahera
Ang ginawang hostage ng asawang lalaki,dahil nahuli Silang nag puslit
Ng lata Ng bonna na walang bayad.

Mamimili
Tumulong sa pagkuyog sa pulis dahil sa ginawa nya sa mag asawa.
Pinanuod din nila Ang nangyayaring komusyon SA loob Ng grocery. Na
maging silay naging parte naging parte Ng hostage taking na naganap

Nanay
Nag utos na bumili sa grocery upang magamit sa kanilang Bahay at ito ay
UFC ketchup at palaman sa tinapay.

Pulis
Nagtangkang umaresto SA mag Asawa at stay nagpaputok Ng ilang beses
sa kisame Hanggang siyay nakakita ng pagkakataon at binaril Ang
lalaking may hawak na hostage. Pinagtulungang kuyugin ng mga
mamimili sa pangunguna ng Bata.

Reporter
Ang nagtanong sa pulis kung saan dadalhin Ang mga nahuli sa balita

Gwardiya
Humarang sa nagsasalaysay Ng tula upang sya ay makapkapan bago
tuluyang pumasok sa grocery. S'ya din ang humarang SA mag asawa dahil
SA Hindi pagbabayad sa gatas na bonna.

Galaw ng Pangyayari
.
C. Bisang Pampanitikan
1. Bisa sa Isip
Ang tumatak saming isipan ay laging sumunod sa magulang at hanggat
may pagkakataon ay patuloy na tumulong sa kapwa maliit man o malaking
bagay ito. Laging tandan sa pagtulong sa iba ay dapat bukal sa ating
kalooban.
2. Bisa sa Damdamin
May mga bahagi ng akda na nakakaapekto sa aming damdamin, tulad ng
bahagi na dahil sa kahirapan ng buhay ay kinailangan gumawa ng mag
asawa ng krimen para lamang may mapakain sa kanilang anak na isang
sanggol pa lamang. At meron ding bahagi ng akda na dahil sa hirap ng
estado ng mag asawa ay napilitang tumulong ang isang bata sa maling
paraan.
3. Bisa sa Kaasalan
Ang pagtulong sa kapwa ay hindi kailanman naging masama maliban na
lang kung ang pagtulong na iyong ginawa ay labag sa mata ng diyos at
batas ng tao. Gaya na lamang ng nabanggit sa kwento na pagtulong ng
bata sa mag asawa, dahil sa pagtulong n’ya ay nasaktan ang pulis.
4. Bisa sa Lipunan
Hindi kailanman magiging susi ang kahirapan sa paggawa ng kasamaan at
para sa sariling ikakaunlad ng bawat tao.

“SI JOY PISO”


Ni Benedick N. Damaso

Si Benedick N. Damaso ay isang mabuting guro ayon sa kanyang mga naging estudyante. Isang
mahusay na manunulat. Ang maikling kwentong ito na pinamagatang Si Joy Piso ay naisa-
publiko noong June 27, 2010.

A. Uri ng Panitikan

-Ang akdang Si Joy Piso ay isang Maikling kwento. Ang maikling kwento
ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang
kwentong may mahalagang pangyayari. Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari
nitong taglayin ang lahat ng elemento ng maikling kwento. Kadalasan, ito ay
mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong karunungan sa isip ng
mga bata.

B. Tayutay

Piso- Sapagkat ginamit ang salitang piso upang ilarawan ang tauhan sa
kwento at hindi dahil sa ito ay bagay.

IV. Sariling Reaksyon

A.Pananalig Pampanitikan/Teorya

Sosyolohikal
- Sapagkat pinakita sa kwento kung ano ang pinagdadaanan ng
tauhan at kung anong kalagayan ang kinakaharap niya sa kanyang pamumuhay. Dahil
dumating sa punto ng buhay ni Joy na manlimos ng barya sa mga taong
makakasalubong nito upang matugunan ang kanyang pangangailangan.

Sosyo-Ekonomiko
- Sapagkat nabanggit sa dulo ng kwento na nagsitaasan ang presyo
ng mga bilihin sa palengke na kung saan kaangkop nito ang kahirapan ng tao
sapagkat naapektuhan ang kanilang pamumuhay. At magpahanggang ngayon ay ito
ay isa sa mga problemang kinakaharap ng ating lipunan.

Sikolohikal
– Sapagkat ayon sa kwento hindi na lamang piso ang hinihingi ni
Joy kundi limang piso na, dahil sa pagtaas ng mga pangunahing bilihin tulad na
lamang ng pagkain na kinakailangan niya upang mabuhay at makaraos sa araw-araw
niyang buhay. Nang dahil sa biglang pagtaas ng bilihin si Joy ay unti-unting nagbago.

Humanismo
– Papasok rin ito sa teaoryang ito dahil ipinapakita sa kwento ang
antas ng pamumuhay ni Joy Piso at ng ibang taong nakakasalamuha nito. May mga
taong payak ang pamumuhay at may mga tao namang hindi gaya na lamang ni Joy.

B. Mga Pansin at puna

Mga Tauhan

Joy Piso - Si Joy piso ay ang pinaka-pangunahing tauhan sa kwento


sapagkat paungkol ito sa pinagdaraanan niya sa kanyang pang araw-araw na buhay.

C. Bisang Pampanitikan

Bisa sa isip
-Isa sa tumatak sa aking isipan ay bawat piso ay mahalaga kaya dapat
hindi nagsasayang ng pera kahit na piso pa man iyan dahil may mga taong
nangangailan ng ganoong halaga para lamang makatawid sa pang araw-araw nilang
buhay.

Bisa sa Damdamin

- May mga bagay na nakakuha sa aking damdamin isa na rito ang


pagkaawa ko sa kalagayan ni Joy Piso. Napakahirap ang kanyang sitwasyon na
kailangan niyang humingi ng piso piso upang makakain lamang sa isang araw. Isang
nakakalungkot na senaryo sa bawat tao ang ganitong kalagayan dahil paano na
lamang kung walang magbibigay sa mga taong kapos palad at nanlilimos na lamang
sa kalye, ano nalang ang kanilang buhay? Napakahirap tignan ang ganitong sitwasyon
lalo na’t may mga taong nakakaranas ng ganitong pamumuhay.

Bisa sa Kaasalan

-Bigyang halaga ang bawat bagay na mayroon ang bawat isa. Sapagkat
ito ay magsisilbing kayamanan sa panahon ngayon. At kung may maibibigay man
tayong tulong sa mga taong nangangailangan huwag sana tayong magdalawang isip
na sila ay tulungan lalo na kung kaya naman nating magbigay.

Bisa sa Lipunan

- Ang mensahe na nais ipabatid ng Maikling kwentong ito ay lahat ng


bagay ay mahalaga, bawat piso o limang piso man iyan ay malaking tulong para sa
mga nangangailangan. Lahat tayo ay may kanya kanyang paghihirap at tayong lahat
ay nais ng masaganang buhay ngunit kung may kakayahan tayong tumulong sa ating
kapwa tayo ay huwag sanang mag-atubiling tumulong. Maraming mga tao ang may
ganitong kalagayan sa panahon ngayon lalo na sa mga urban na lugar, sa mga nasa
syudad nagsiliparan ang mga nanlilimos sa daan ang iba pa nga’y dala-dala pa ang
kanilang mga anak sa panlilimos sa lansangan. Nakakalungkot lang na isipin na many
mga taong ganito ang pamumuhay at ganito ang pamamaraan nila upang mabuhay.

“KUNG ANG BUHAY AY ISANG SALAPI”

ni Daryl Morales

Si Daryl Morales ay nagsimulang magsulat ng mga kwento noong taong 2009 hanggang 2010.
Sa taong ito, nagsimula na rin siyang sumulat ng mga kanta. Sa taon ng 2011, tumigil siya sa
paggawa ng mga kanta at ipinagpatuloy ang kanyang gawa bilang isang nobelista. Sa taong iyon,
isinulat niya ang kanyang unang seryo sa album na tinawag na “Masters of Horror” at sa album
na ito ay nakuha niya ang kanyang unang gantimpala bilang The Master of Horror of the
Philippines. Si Daryl ay isang Pilipinong tanyag na manunulat sa internet at nakamit niya ang
ilang gantimapala. Isa na rito ay nakuha niya ang pinakaunang pwesto sa Top Earning Admin sa
Writing at nanalo siya ng titulong Best Pilhoster Fanbase sa Philippines. Gumawa siya ng 11
mga album na may 70 mga kwento at 50 na hindi naipalabas ng mga kwento na kabuuang 120 na
tala ng mga kwento sa buong bansa. Dahil sa record na ito, nakamit niya ang Walk of Fame Star
Awards sa H! Online para sa pinakabatang mag-aaral na manunulat. Ang lahat ng mga kwento ni
Daryl ay kakila-kilabot ngunit ngayon ay nagtratrabaho na siya sa kanyang pinaka-personal na
album sa kanyang buong karera na naglalaman ng isang bagong uri ng mga kwento kabilang ang
mga drama at kwento ng pag-ibig. Siya ang may-akda sa kakila-kilabot at pinakamahabang
pelikula sa Pilipinas na ang The Shake Rattle and Roll at ang The Shake Rattle and Roll 2.0 at
ang pelikulang The Bloody Marry.

Pagsusuri
B. Uri ng Pampanitikan
Ang uri ng pampanitikan ay isang maikling kwento sapagkat naglalaman
lamang ito ng simple at maiksing balangkas gayun din ang mga tauhan ay
nabibilang. Isa pa rito, kaya itong basahin sa isang upuan lamang.

C. Istilo ng Paglalahad

D. Tayutay

1. Pinalamon niya ng mura – ito ay isang uri ng pagmamalabis dahil nilalabis


niya ang pangyayari na ang ibig sabihin lamang ay sobra sobra ang mga salita
o mura na lumabas sa bibig ni Isabel na ibinato sa mga lalaki.
2. Hindi niya alam kung iiyak din ba siya o itatago ang kanyang awa na
nararamdaman? – ito ay isang halimbawa ng tanong retorika sapagkat
ginagamit ito para pukawin ang isipan ng mambabasa at isang istilo na hindi
kinakailangan ng sagot.

E. Sariling Reaksyon
2. Pananalig Pampanitikan/Teorya
a. Sikolohikal – Ang maikling kwento ay nagpakita ng pagbago ng ugali ng
tao. Ang pagbago ng ugali ni Rowena matapos mamatay ang kanyang ama.
Dahil rin sa paglipas ng panahon, natuto si Rowena na sumagot sa ina,
maglasing, at magsugal.

b. Realismo – May mga pangyayari sa kwento na nagpapakita ng mga iba’t


ibang mukha ng buhay gaya ng realidad na may mga tao na umaasa
lamang sa mga madaling paraan ng pamumuhay sa pamamagitan ng
pagsusugal o pagkakaroon ng bisyo. Isa pa ang realidad na malakas ang
impluwensya ng pamilya at maging sa lipunan o mga taong nakapaligid
sayo sa hinaharap ng isang tao. Dagdag pa rito na ang realidad na kung
walang edukasyon at sipag sa buhay ay magiging mas mahirap ang mga
landas na iyong tatahakin.

c. Sosyolohikal – ipinakita rito ang kalagayan ng lipunan na kung saan


madaming mga taong napariwara ang buhay na sanhi ng kahirapan katulad
ng mga kalalakihan na kayang pumatay ng isang tao dahil lamang
nakarinig sila ng hindi maganda galing sa ina ni Rowena. Isa pa rito na ang
lagay ng lipunan at kahirapan, ang mga mamamayan ay walang ibang alam
gawin kundi ang magsugal dahil wala silang sapat na kaalaman para
makapasok sa trabaho.

d. Eksistensyalismo – ang mga tauhan sa kwento ay nagpakita ng proseso


ng pagiging nilalaing at hindi sa pagkakaroon ng tamang systema ng
paniniwala ang pinahahalagahan ng mga tao upang mabuhay at malayang
mamili ng kanilang landas sa buhay. Gayun na lamang ang buhay ni
Rowena na pinili niyang magbago ng landas at maimpluwensyahan ng
mga masasamang gawain tulad ng pagbibisyo, pagsusugal, at pagiinom.
Gayun din ang lalaking kasama niya na piniling barilin si Isabel kaysa
umalis at pigilin ang sarili.

e. Pilosopikal – ang kwentong ito ay nagpakita ng prinsipyo sa buhay ni Lito


o ang ama ni Rowena. May sarili siyang prinsipyo na dapat ialay ang lahat
sa Diyos at siya ay pasalamatan dahil Siya pa rin ang may alam ng lahat.
Naniniwala pa rin si Lito na darating at darating ang mga biyaya kapag
marunong ang isang taong magsipag at gumawa ng mabuti sa kanyang
buhay.
f. Sosyo-ekonomiko – para sa akin ito ang namayani sa buong kwento dahil
ang mga nangyayari sa lipunan ay may kaugnay sa paraan ng pamumuhay
ng tao. Pinakita sa kwento na kung gaano kahirap ang pamilya o ang mga
tao sa kwento kung kaya’t kailangang tumigil sa pag-aaral ni Rowena at
dahilan din ng pagkamatay ni Lito sa kadahilanang wala silang pambiling
mga gamot. Dahil na rin sa kahirapan, ang mga tao sa kinabibilangang ng
kwento ay makikita mong wala silang pinag-aralan kaya pinili na lamang
nilang magsugal na nagsilbi nilang pagkakakitaan o hanapbuhay.

3. Mga Pansin
b. Mga tauhan
a.1. Rowena – ang isang mabuting anak nina Lito at Isabel na galing sa
mahirap na pamilya ngunit natutong sumugal at magbisyo.
a.2. Lito – ang ama ni Rowena na may sakit sa puso at may takot at
paniniwala sa Diyos.
a.3. Isabel – ang makasariling ina ni Rowena at pagsusugal lamang ang
ginagawa.
a.4. Lola Rumana – ang kapitbahay ni Rowena na walang asawa at ang
nagdesisyong ampunin at pagaralin si Rowena matapos siya ay maulila.

c. Galaw ng pangyayari

4. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa isip
Ang tumatak sa aking isipan ay napakaimporte ng edukasyon sa
buhay ng isang indibidwal na tao. Tunay nga na ang edukasyon ang susi sa
lahat ng mga pintong ating tatahakin. Ang edukasyon ay may
kapangyarihang baguhin ang takbo ng landas ng isang tao at maging sa
lipunan nito. Kung ang isang tao ay may sipag at edukasyong
pinapahalagahan, maaring niya mapagtagumpayan at malampasan ang
mga problema o maiahon ang buhay sa kahirapan.
b. Bisa sa damdamin
Ang kwentong ito ay naipakita na pagsisisi ay talagang nasa huli.
Mahirap na maitama ang mga maling gawain lalo na kung naisapamuhay
mo na ito. Kaya ang bawat kilos ng buhay natin ay dapat gumawa tayo ng
isang bagay na hindi natin pagsisisihan sa huli dahil kahit gaano ka
magsisisi, wala ka ng magagawa para balikan pa ito ngunit may pag-asa
pang ayusin at magsimulang muli para magkaroon ng panibagong
kabanata ng buhay. Isa pa rito, kahit ano mang hirap o sakit na dinanas mo
sa iyong pamilya ang pagmamahal parin sa pamilya ang siyang
mamamayani.

c. Bisa sa kaasalan
Ang kaasalan na aking nakuha sa kwentong ito ay dapat tayo ay
maging maingat sa ating mga kilos o maging sa ating pananalita dahil ang
lahat ng ating kilos ay may katumbas na bunga o kahihinatnan. Gayun din
sa ating pananalita. Gaya nga ng sabi nila, na “sticks and stones may break
bones, but words may break soul” na para sa akin wala ng mas masakit pa
kundi ang mga salita na maririnig dahil kaya itong baguhin o sirain ang
isang tao.

d. Bisa sa lipunan
Ang tumatak sa aking isipin patungkol sa lipunan ay may mga
mamamayan pa ring handang iabot ang kanilang mga kamay sa mga taong
nangangailangan ng tulong. Naipakita na hindi lahat ng tao ay masama,
likas ng isang tao ang maging mabuti. Gayunpaman, ang kahirapan sa
buhay na nararanasan sa lipunan ay kailangan ng solusyonan para
maiwasan ang anumang hindi magandang karanasan.
“SI INTOY SYOKOY NG KALYE MARINO”

May Katha: Eros S. Atalia

Si Eros S. Atalia ay nagtapos sa Phililippine Normal University noong 1996 sa


kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino at tumangap ng Balagtas Award.
Tinanghal bilang pinakamahusay na major mula 1994-1996. Nagwagi ang kanyang tulang
“Maririing Tusok ng Kalawanging Karayom sa Nagngangalit na Ugat” ng Unang gantimpala sa
Pambansang Patimpalak sa Pagsulat ng Tula ng Pandaylipi Ink., noong 1995. Naging manunulat
sa The Torch (Ang Opisyal na Pamahayagang Pangkampus ng PNU) mula 1993-1995. Naging
contributor din siya sa mga pambansang tabloids. Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino,
Talaang Ginto ang kanyang tula “Maglaba ay Di Biro” bilang ikalawang gantimpalang banggit
noong 2004 at sa taon din iyon ay nagwagi ng ikatlong Gantimpala para sa Gawad Collantes sa
Sanaysay na may pamagat na “Ang Politika ng Wikang Pambansa: Mula sa Iba’t Ibang Pagsipat
at Paglapat (Paghimay, Pagbistay at Pagtugaygay sa Suliranin ng Pilipinas sa Wika). Isa sa mga
editor ng “Kamasutra” salin sa Filipino at naging creative consultant ng Asian Social Institute sa
isang nilimbag na monograph. Kasalukuyan nyang tinatapos ang kanyang Master of Arts in
Language and Literature Major in Filipino sa DLSU sa ilalim ng SFA at nagtuturo ng Filipino sa
Faculty of Arts and Letters, University of Santo Tomas na kung saan ay Junior Associate siya sa
Center for Creative Writing and Studies. Nagwagi din siya ng gantimpala sa Don Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature noong 2006 sa maikling kwento na “Si Intoy Syokoy ng Kalye
Marino”. Ang maiklimng kwento na din na ito ay kalahok sa New Breed Full Length Feature
Category 2012 CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL AND COMPETITION. Ang
pelikula ay pinagbibidahan ni JM De Guzman kasama sina LJ Reyes at Joross Gamboa sa
direksyon ni Lemuel C. Lazaro.

Pagsusuri

D. Uri ng Panitikan
Ang uri ng panitikan na ito ay isang maikling kwento kung saan naglahad at nagsalaysay ang
may-akdang mga pangyayari sa kwento.

E. Istilo ng Paglalahad

Sa istoryang “Intoy Syokoy ng Kalye Marino” ni Eros Atalia, naging malinaw naman ang
paglalahad ng kwento at naging maayos ang pagkakalarawan sa mga transisyonng mga
pangyayari. Gumamit ang manunulat ng ilang salitang bernakular sa mga taong nabibilang sa
mababang uri ng lipunan. Ipinahayag niya ang mga karaniwang eksena sa Kalye Marino, bilang
isang lugar na pinaninirahan ng mga karaniwangtaong may iba’t-ibang persepsyon sa buhay,
pag-uugali, pangarap at iba’t-ibang estiloat pamamaraan para malampasan ang kalam ng
sikmura. Ang ideyang lumitaw sa istoryang ito ay pinanghugutan mismo mula sa karanasan ngng
manunulat na si Eros Atalia dahil siya mismo ay nagmula sa Kalye Marino.
Masasabing naging mapangahasang istoryang ito sa paggamit ng mga salitang hindi angkop at
katanggap-tanggap para sa ibang tao lalo na kung isa sa publiko. Ganun paman, ang mga salitang
ito gaya ng mga direktang pagmumura at mga terminong sensitibo ay isa sa naging daan para
maipahayag at maipakita sa mga mambabasaang mundong iniikutan ng istorya. Inilarawan rin ng
manunulat ng maayos ang mga pisikal na anyo ng paligid ng bawat eksena sa kwento.
Nakatulong rin para sa komprehensyon ng mga mambabasa angdetalyadong paglalarawan niya
sa mga tauhan.

F. Mga tayutay
1. Si Intoy ay parang isang buhay na posting kongkreto. (PAGTUTULAD)
 Dito pinaghahambing si Intoy sa isang posting konkreto. Ginamit ang salitang
“parang” upang paghambingin ang mga tao sa isang bagay. Dito sinasabi an
ang katawan ni Intoy ay parang isang bato.
2. Kitang kita ana animo’y natapong hugas-bigas sa dagat. (PAGTUTULAD)
 Dito pinanghahambing ang tubig sa dagat na tila ay hugaas-bigas. Ang tubig
ay Malabo o hindi malinaw. Tulad ng isang tubig na pinanlinis sa bigas.
3. Kulay kalawang ang buhok. (PAGWAWANGIS)
 Dito tiyakang pinaghambing ang kulay ng buhok ni Intoy sa kalawang.
D. Sariling reaksyon

1. Pananalig Pampanitikan/Teorya

1. Teoryang Realismo

Ang Teoryang Realismo ay makikita sa akda. Ang layunin ng panitikan ay ipakita


ang mga karanasan at nasaksihan ng may akda sa lipunan. Sa makatuwid ay hango sa
totoong buhay. Pinaghugutan mismo mula sa karanasan ng manunulat na si Eros Atalia
ang kwento dahil siya mismo ay nagmula sa Kalye Marino.

2. Naturalismo

Ang Teoryang Naturalismo ay makikita sa akda sapagkat ipinakita dito ang


naging epekto ng kahirapan. Ipinakita dito na dahil sa kahirapan o sa hirap ng buhay ay
nag resulta ito na hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag aral ang mga bata sa
kwento. At sa murang edad ay napilitan mag trabaho upang matustusan ang
pangangailangan ng sarili at ng Pamilya.

3. Imahenismo

Ang Teoryang Imahenismo ay nakapaloob din sa akda. Sapagkat sa mga salita na


binaggit gaya ng dalawang basong tubig ang almusal, o puro sabong panlaba na lamang
ang natitikman ng kanyang ulo at katawan, ay nagpapahiwatig o nagpapakita ng mahirap
na pamumuhay ng tauhan sa kwento.

4. Pilosopikal
Ang Teoryang Pilosopikal ay nakapaloob din sa akda. Sapagkat ipinapakita dito
na ang mga tauhan sa kwento ay may kanya kanyang sariling pagpapasya o paniniwala sa
buhay. Kagaya na lamang ni Doray na kung saan ay ang kanyang paniniwala upang
mabuhay ay ang pagtatrabaho na nakataya ang kanyang sariling moralidad bilang tao. Sa
kabilang banda ay naniniwala naman si Intoy na maaari kang makapag hanapbuhay na
hindi natatapakan ang iyong pagkatao.

5. Eksistensiyalismo

Masasabi na ang isang akda ay nasa teoryang Eksistensiyalismo kung may


layunin ito na maopakita na ang isang tao ay may kalayaan na pumili at mag desisyon
para sa kanyang sarili. Katulad sa akdang ito kung saan ipinakita na ang tauhan ay may
kalayaang gawin ang nais nilang gawin. Mismong ang sarili nila ang nag desisyon kung
anuman ang mga bagay na gagawin nila sa kanilang buhay.

6. Sosyolohikal

Masasabing nasa teoryang sosyolohikal ang akdang ito dahil halos lahat ng
pangyayari ay sumasalamin sa kung anong klase ang lipunang ginagalawan ng tauhan.
Ang mga kinikilos at paraan ng pananalita ng mga tauhan ay dahilan at resulta ng lugar
na kinikilusan nila.

7. Moralistiko

Ang layunin ng pantikan ay ilahad ang ibat-ibang uri ng pamantayang sumusukat sa


moralidad ng isang tao- anG pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga
pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
B. Mga pansin

a. Mga Tauhan

1. Intoy- siya ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Si Intoy ay imahe ng isang bata
na puno ng panarap na handang harapin ang anomang hirap at may malasakit sa kapwa.

2. Doray- si Doray ay isang babaeng representansiyon lamang ng milyun-milyung


kababaihan sa Pilipinas na handang ikalakal ang dangal at puri para lamang malamnan
ang kumakalam na sikmura at may pangtustos sa pamilya.

3. Mang Amor- siya ang amo ni Intoy. Siya ang uri ng tao na nagpapahalaga ng husto sa
kanyang pinagkakakitaan. Ipinahihiwatig rin ng deskripsiyon sa kanyang kaanyuan, kilos
at galaw na tulad ni Intoy at Doray ay laki siya sa hirap.

4. Bentong Baka- Siya ang kaibigan ni Intoy. Sa kanyang estilo ng pananalita at mga
impormasyong lumalabas mula sa kanya, kitang kitaang kawalan niya ng pinag-aralan.

4. Yengyeng/Boyet- tulad ng mga naunang tauhan, di makakailang sila rin ay lumaking


hindi rin nakapag-aral at kulang sa gabay ng magulang.

3. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip
“Ang taong gipit, sa patalim kumakapit.” Lahat tayo ay alam o pamilyar sa kasabihang
ito. Masasabi ko na akdang may pamagat na Intoy Shokoy ay akmang akma sa kasabihang ito.
Ipinapakita na sa oras ng kagipitan, sa oras ng kahirapan, madalas ang mga tao ay natutulak na
gumawa ng kamalian, ng kasamaan sapagkat ito lamang ang nakikita nilang tanging paraan
upang masulusyonan ang problema o upang mabigyan kasagutan ang pangangailangan sa
kanilang buhay.

b. Bisa sa damdamin

Sa pagbabasa ko ng akda na ito ay tila nakaramdam ako ng kalungkutan. Kalungkutan


sapagkat hindi natin maikakaila na napakaraming tao pa sa panahon ngayon ang nasa kahirapan.
Kagaya na lamang ng nasa akda na kung saan ang pangunahing hanap buhay nila ay ang
pangunguha ng tahong sa dagat, ngunit ang nag iisang kabuhayan nila ay unti unti pang
nawawala sapagkat padumi na ng padumi ang dagat na dahilan ng pagkamatay ng mga lamang
dagat na ikinabubuhay ng mga tao.

c. Bisa sa kaasalan

Sa pagbabasa ko sa akdang ito ay naipakita na pag ang tao ay maaagang namulat sa


kahirapan kasama na ang hindi sila nabigyan ng magandang gabay ng magulang at magandang
edukasyon, nag reresulta ito ng hindi pagkakaroon ng magandang ugali o pamamaraan na uri ng
buhay ng tao.

d. Bisa sa lipunan

Ipinakita sa akda na sa ating lipunan ay may ibat-ibang uri ng tao. At sa pagkakaiba ng


lebel ng tao ay may kanya kanya ding pangangailangan upang mabuhay sa lipunang kanilang
kinabibilangan. Ang mga sinaryo na ipinakita sa akda kagaya na lamang ng pangunguha ng
tahong at pagbebenta ni Intoy rito upang may pang tustos sa pang araw-araw, sa pagbebenta ng
katawan ni Doray upang matugunan ang pangangailangan nilang magkakapatid at iba.

“ANG PAGHUHUKOM KAY MANG SERAPIO”

Ni Paul Dumol
Pamagat ng Katha-may-akda

Ang paghuhukom ni Mang Serapio Ni Paul Dumol

Si Paul Dumol ay isang manunulat at tagapagturo. Marami sa kanyang mga dula lalo nasa mga
pagdiriwang ng sentenaryo ng Pilipinas ay tungkol sa mga makasaysayang bagay sa Pilipinas.
Summa Cum Laude at Valedictorian sa Ateneode Manila (Bachelor of Arts in
CommunicationArts) Doctor of Philosophy in Medieval Studies (University of Toronto)
Pambansang Alagad ni Balagtas (Drama)Unyon ng manunulat ng Pilipinas (2002). Siya din ay
isang Bising Presidente para sa academic affairs sa University of Asia in the Pacific.

Pagsusuri
D. Uri ng Pampanitikan

Ang akdang ang paglilitis kay mang serapio ay isang dula. Ang dula ay akdang
binubuhay ng mga tao . Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng
mga tauhan.

Istilo ng Paglalahad

E. Tayutay
1. Isang dalagang tahimik na may ngiting nagmumungkahi ng
simoy at tubig ng batis.
Ito ay pagpapalit saklaw sapagkat Isang tao Ang Kumatawan sa ibang
pangkat na nabanggit sa kuwento.

2. Ang pagpanaw niya’y pagsapit ng kalungkutan.


ito ay paglulumanay dahil gumamit ng ibang salita upang mas maging
maganda o katanggap tanggap ang salita
3. Matatagpuan ang iyong magang katawan sa mga itim na
bulaklak ng Pasig.
to ay pagpapalit tawag sapagkat inibahan Ng may akda ang tawag sa Isang
lugar o ilog at ito ay pinalitan Ng bulaklak ng pasig

4. Kung kayo’y nakakakita, pipitasin namin ang inyong mga


mata
Pagmamalabis sapagkat pinagkukulang ang kalagayan ng isang tao tulad
na lamang sa sinabi na kung kayo'y nakakakita pipitasin namin ang iyong
mata. Minamaliit nila ang kalagayan ng isang tao

5. Ang anak ko ay buhay at ang kagandahan ng araw.


Pagbibigay katauhan sapagkat binibigyan ng isang katangian ang isang
bagay o tao na walng buhay katulad sa pagbibigay katauhan ni Mang
Serapio sa anak n'yang si Sol

Sariling Reaksyon
D. Pananalig Pampanitikan/Teorya

1. Absurdismo- Batay sa kwento nililitis nila ang isang tao na walang


konkretong basahan o ebidensya. Sa kwentong aming binasa ang mga kasapi
ng federasyon ay nakitaan ng irasyunal at ilohikal. Sa dula isang malaking
paglabag sa batas ng federasyon ang pag alaga ng bata.
2. Ekspresyunismo- Sa kwentong ang paglilitis kay mang serapio ay
lantarang ipinapahayag ng karakter sa dula ang kanilang damdamin.
3. Realismo - Tinutuklas ng toeryang ito ang mga kaganapang nangyayari sa
totoong buhay, inilalahad sa akda kung paano ang pamumuhay ng mga taong
pulubi.
4. Moralistiko - Pinahahalagahan ng teoryang ito ang paggawa ng mabuti o
masama. Ayon sa akda ang mga karakter ay lumabag sa batas ng diyos at ng
tao dahil sa gianwang parusa kay Mang serpio, ito ay labag sa ating batas
sapagkat puwedeng makasuhan ang sino mang mananakit sa kanilang kapwa
at alam naman nating lahat na tinuro sa bible na ibigin natin ang bawat isa.

5. Marxismo - Teoryang marxismo dahil inilalahad dito ang pag aaral kung
bakit labis ang pag kakaiba ng mga uri ng lipunan. Tulad na lamang sa
kwento na ipinapakita doun kung paano nila minaliit ang pulubing si mang
serapio.

6. Naturalismo - Ipinapakita sa kwento ang kasuklam- suklam na pangyayari


sa buhay ni mang serapio. Si mang serapio ay isang pulubing namamalimos.
Si mang serapio ay inakusahan sa pag sasalang pag aalaga ng bata at ito ay
labag sa federasyon ngunit lingid sa kaaalaman ng lahat ang batang kanilang
sinsabi ay isang manika lamang at ang maikang iyon ang manika ng kanyang
namatay na anak. Si mang serapio ay napatunayang walang sala ngunit
itinulou parin ang pag bubulag kat mang serapio upang maging malaki ang
kanyang pamalimusan dahil sa kanyang kapansanan

E. Mga Pansin at Puna


2. Mga Tauhan

Mang Serapio- ang pulubing nasasakdal


Mga Tagapagusisa- sila ang taga pagtanong sa nasasakdal na si Mang Serapio
sila din ay mula sa Federasyon na kasama si Mang Serapio
Consuelo- Siya ay May kinalaman kay Serapio
Hukom- ang pinakamataas sa loob ng Federasyon
Mga saksi -mga nagpumilit na parusahan siMangSerapio

Galaw ng Pangyayari
.
F. Bisang Pampanitikan

5. Bisa sa Isip
May mga bahagi sa akda ng tumatak sa aming isipan, nakikita sa akdang
aming binasa ang bawat ginagawa ng tao at dapat matuto tayong alamin ang
boung pangyayari o ano talaga ang totoong nangyari at dapat wag nating
husgahan agad agad ang isang tao kung hindi natin alm ang totoong pangyayari,
kasi hindi lahat ng nakikita ng mata natin at tama o mali

6. Bisa sa Damdamin
Ang tumatak saming damdamin ay galit at awa ang nangibabaw sapagkat
pinapakita sa kwento kung gaano ang pang aabuso ng mayayaman or may
kapangyarihan sa mga mahihirap. Nakikita din sa kwento ang descrimination
at pagtanggal sa karapang pantao. Nakakalungkot din dahil pinatawan ng
kaparusahan si mang serapio kahit wala naman siyang ginawang mali.
Nakakalungkot din isipin na may mga tao talaga na sisiraan ka sa ibang tao.
7. Bisa sa Kaasalan
Bilang isang indibidual matuto tayong magsikap at maging sesitibo sa
kalagayan ng ibang tao. Alam naman natin na sa ating lipunan di maiiwasan na
magkaroon ng pulubi sa lansangan, gaya natin ang mga pulubi ay tao rin kaya
naman dapat natin silang iagalang at respetuhin, sila ay may karapatang
mamuhay at maghanap buhay. Dapat tayo ay pantay pantay.

8. Bisa sa Lipunan
Hindi madali ang pamumuhay ng isang palubi sapagkat mananatili silang
mahirap gaya na lamang na nangyari kay mang serapio sa dula. Ang kwento o
dula ay nagpapakita ng hindi pagkaka pareho o pagkaka pantay pantay ng isang
tao. Madalas ang isang tao ay binabaae sa anatas ng ng buhay.

You might also like