You are on page 1of 11

ARALIN 2: PARABULA

Panitikan: Ang Parabula ng Sampung Dalaga


WIka: Berbal, Di-Berbal, at Pasulat na Pakikipagtalastasan / Mga Pang-ugnay

INAASAHANG KASANAYAN:
1. Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang-asal. ( F10PB-Ib-c-63 )
2. Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng mga berbal at d-iberbal na
estratehiya. (F10PU-Ib-c-65 )
3. Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,
pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas.)
4. Nabibigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at ekspresyong ginamit sa
akda.(F10PT-Ib-c-62)

PARABULA NG SAMPUNG DALAGA


“Mahalaga ang pagkakaroon ng kahandaan upang sa huli ay hindi ito pagsisihan.”

MAHALAGANG TANONG: Bakit kailangan nating paghandaan ang mga makabuluhang


kaganapan sa ating buhay? (Ang tanong na ito ay kailangang masagot pagkatapos pag-aralan
ang tungkol sa parabola.)

SIMULAN NATIN!
Ikaw ba’y nakaranas nang malagay sa magipit na sitwasyon dahil hindi ka nakapaghanda? Ibahagi
ito at isulat sa banner. Ilahad din sa loob ng kahon ang mga naging bunga nito

Epekto1 Epekto 2 Epekto 3

Isulat sa loob ng kahon ang mahalagang aral na naidulot sa iyo ng karanasang ito.

1|
Alam mo ba?
Ang Israel ay isang parlyamentaryo republika sa Kanlurang Asya, na matatagpuan sa
silangang baybayin ng Dagat Mediteraneo. Matagpuan ang Lebanon sa hilaga nito, Syria sa
hilagang-silangan, Jordan at ang West Bank sa sa silangan, Ehipto at ang Gaza Strip sa timog-
kanluran. Naglalaman ang Israel ng mga heograpiya magkakaibang mga tampok sa loob ng
relatibong maliit na lugar.

Sa buong mundo, ang estado ng Israel lamang ang estado na karamihan sa mga tao
na tumira dito ay mga Hudyo at ito ay tinukoy bilang isang Jewish at demokratikong estado sa
Basic Laws nito.
Sa maraming bahagi ng Israel partikular sa lungsod ng Herusalem namuhay at nangaral siHesus.
Ang marami sa mga parabulang ginamit niya sa pangangaral ay sa lugar na ito ang tagpuan.
Sa maraming pagkakataon, ginamit ni Hesus sa kanyang mga parabula ang
pagpapakasal ng binata at ng dalagang Hudyo upang bigyang-diin ang kanyang relasyon at
pagmamahal sa ating mga mananampalataya. Sa parabulang mababasa mo sa araling ito ay
maraming kultura at tradisyon ng kasalang Hudyo ang iyong malalaman.
Sa mga Hudyo, noong unang panahon, ang kasalan ay nangyayari sa gabi. Bago ang
kasal, sinundo ng binata ang dalagang pakakasalan at pagkatapos ay babalik sila sa bahay ng
binata para ipagdiwang ang maringal na kasalang umabot ng kung ilang araw. Sa pagpasok ng
mga ikakasal ay tanging ang mga taong nag-aabang at may dalang sulo ang pinapapasok upang
maiwasang makapasok ang hindi imbitado o mga gatecrasher. Dito bibigyang-diin ni Hesus ang
kahalagahan ng kahandaan ng mga mananampalataya sa Kanyang pagbabalik. Kailangang
manatiling may langis ang ating mga ilawan sapagkat hindi natin alam ang araw o oras ng
Kanyang muling pagparito.
TALASALITAAN:
Gawain 1. Panuto: Magbigay ng salitang kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin sa
pangungusap.
1.Tinanggap ng dalaga ang panunuyo ng binata.
2.Naghintay ang dalaga sa pagdating ng kanyang mangingibig.
3.Pinag-usapan na rin ang tungkol sa ipagkakaloob na dote ng pamilya ng binata sa pamilya ng
dalaga.
4.Sa tahanan ng binata idaraos ang maringal na kasalan.
5. Ang limang hangal na dalaga ay hindi nakasama sa kasayahan.

2|
Gawain 2. Panuto: Ang tatlo sa mga salitang nasa bawat bilang ay may halos magkakahawig na
kasingkahulugan. Piliin ang salitang may naiibang kahulugan at isulat sa sagutang papel.
1. Matatag matibay maganda malakas
2. Pinakamasaya pinanabikan pinakahihintay pinakaaasam
3. Tumugon sumagot lumuha nagsabi
4. Naantala nainip nahuli natagalan
5. Aandap-andap mahinang-mahina aalog-alog kaunti na lang
ang ningas

Ang Parabula ng Sampung Dalaga


Buod:
Ang parabulang ito ay tungkol sa sampung dalaga na dumalo sa isang kasalan. Ang
kasalang ito ay inihalintulad sa pagpasok sa kaharian ng langit. Ang sampung dalagang ito ay
naatasang maging abay sa kasalan. Sila ang sasalubong sa lalaking ikakasal na may dalang kani -
kaniyang ilawan. Ang lima sa kanila ay itinuring na mga hangal samantalang ang lima ay itinanghal
na matalino. Ang unang lima ay nagdala ng ilawan ngunit hindi nagbaon ng karagdagang langis
para sa kanilang mga ilawan. Samantalang ang huling lima ay may baong langis bukod pa sa
nakalagay sa kanilang mga ilawan.
Sa pagkakaantala ng pagdating ng lalaki, inantok at nakatulog ang sampung dalaga.
Nang hatinggabi ay narinig nila ang pagsigaw hudyat na dumating na ang lalaking ikakasal. Ang
lahat ng sampu ay nagsipaghanda ngunit sa kasamaang palad tanging ang lima lamang ang may
dalang dagdag na langis upang mapanatili ang ningas ng kanilang ilawan. Nagmadaling bumili ang
lima ng langis ngunit huli na sapagkat nakapasok na ang lalaking ikakasal at ang limang dalagang
may dalang dagdag na langis para sa kanilang mga ilawan at sila ay naiwan sa labas. Bilang
pagtatapos, nagbigay ang Diyos ng babala na kailangan ng tao maging handa sa pagdating ng
kanyang anak na si Hesukristo sa sanlibutan at tanging yaon lamang mga nakahanda ang siyang
makakapasok sa kanyang kaharian.
MGA PAGSASANAY:
Gawain 3: Panuto: Ayusin ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga nakagawian sa
paghahanda ng kasalan ng mga Hudyo. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.

1. Sunod na pinag-usapan ay ang detalye ng kasalan.


2. Sinundan ito ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng kanyang mangingibig.
3. Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.

3|
4. Sa gabi ng kasal, unang pupunta ang lalaking ikakasal sa tahanan ng kanyang kasintahan
upang ito ay sunduin at saka sila tutuloy sa tahanan ng binata upang doon idaos ang kasalan.
5. Nang matapos ang kasunduan ay lalayo muna ang binata upang maihanda ang kanilang
magiging tahanan.

MGA BERBAL, DI-BERBAL AT PASULAT NA PAKIKIPAGTALASTASAN

Ang pakikipagtalastasan ay isinasagawa natin sa araw-araw. Sa pamamagitan nito’y


nakapagpapaabot tayo sa iba ng mga impormasyon, kaisipan, pananaw, opinyon,
reaksiyon, damdamin at iba pa.
Ang BERBAL O PASALITANG PAKIKIPAGTALASTASAN ay karaniwang isinasagawa nang
harapan (face to face), sa telepono, sa pamamagitan ng makabagong application ng teknolohiya
tulad ng Facetime, Skype,at iba pa gayundin ang pagsasalita sa media tulad ng sa radio o
telebisyon.
Ang DI-BERBAL na komunikasyon ay mga bagay na isinasagawa nating nagpapaabot ng
mensahe kahit hindi natin binibigkas tulad ng pagkumpas ng kamay, pagtango, pagngiti, pagtitig sa
kausap at iba pa. Naipakikita rin ang di-berbal na mensahe sa pamamagitan ng ating pananamit at
pag-aayos ng sarili .
Ang PASULAT na komunikasyon ay kinabibilangan ng liham, e-mail, SMS o short messaging
system na lalong kilala bilang text message, gayundin ang mga mensaheng ipinadadala natin sa
pamamagitan ng mga social networking site tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at iba pa. Ang
pasulat na komunikasyon ay makikita rin sa mga aklat, magasin, diyaryo, blog at iba pa.

PANG-UGNAY

Ang tatlong pang-ugnay sa wikang Filipino ay ang mga sumusunod:


1. Pangatnig – kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala, sugnay, o
pangungusap.

Halimbawa:

Filipino Ingles
At And
Dahil , kasi , sapagkat Because
Ngunit , subalit But
Kapag , kung if
Kaya That’s why
Upang So that

4|
O Or
Habang While
Samantala Meanwhile
Maliban Except
Pati Also
Samakatuwid therefore

2. Pang-ukol – kataga, salita, pariralang nag-uugnay ng iisang pangngalan sa iba pang


salita sa pangungusap.

Halimbawa:

Filipino Ingles
Ayon sa/kay According to
Hinggil sa/kay About
Tungkol sa /kay About
Laban sa /kay Against
Alinsunod sa In accordance with
sa To

3. Pang-angkop - mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging


kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika.

Ang pang-angkop ay mayroon ding tatlong uri. Ito ay ang mga katagang
"na", "ng" at "g".

Pang-angkop na "NA"- nag-uugnay sa dalawang salita kung saan ang naunang salita ay


nagtatapos sa mga katinig o consonant maliban sa titik N.

Halimbawa:

1. Tumalon si Anna sa malalim na bangin dahil sa kilig.


2. Mataas na tao ang aking katabi.
3. Feel na feel ni Elsa ang kanyang magandang buhok.

Pang- angkop na "NG"- isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa patinig


o vowel (a.e.i.o.u).

5|
Halimbawa:

1. Si Anton ay mayroong malaya-ng isipan.


2. Ang aking kaibigan ay nakatira sa isang malaki-ng bahay.
3. Gusto ni Lucia na buo-ng buo ang pagmamahal ni Gaston sa kanya.

Pang- angkop na "G"- ginagamit kung ang salitang durugtungan ay nagtatapos sa katinig
na N.

Halimbawa:

1. Masaya si Kesha dahil bumili ang kanyang ina ng kanyang paboritong candy sa
pamilihang bayan.
2. Sa pamayanang nagkakaisa lahat ay masaya.
3. Gustong- gusto ni Dana na pumunta sa aliwang pambata.

Gawain 4 Panuto : Punan ng wastong pangatnig ang bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Tandaan ninyo, ang ganda ay kumukupas ____X___ ang pagkatao ay hindi lumilipas.
2. ____X_____ iyo, nais kong mabu
3. _____X_____ tumibok ang puso, wala ka nang magagawa kundi sundin ito.
4. _____X____natapos ko ang aking pag-aaral, disin sana’y mayroon na akong dangal.
5. _____X____ nakita ka, ako’y nahihiya.
6. Mayaman ka man ___X___ mahirap, may karapatan kang dapat pangalagaan.
7. Maganda nga si Diane ____X____ matapobre naman.
8. Maraming babae ang humahanga kay James. ____X____ mahusay siyang makisama.
9. Nanalo siya sa paligsahan ____X____ sintunado ang boses niya.
10. Mahirap ang pagsusulit na ibibigay ko ____X____ dapat kayong mag-aral nang maigi.
11. ____X_____ sakaling mawala ako sa piling mo, huwag kang makalilimot sa akin.
12. Ang mag-asawa ay naghanda ng almusal ____X____ natutulog ang mga anak.
13. Ang panganay na anak ay nagwawalis sa bakuran ___X____ ang bunso naman ay nagdidilig
sa mga halaman.
14. Si Peter, ____X____ si Mark ay sabay na magtutungo sa unibersidad na papasukan.
15. Ginawa niya ang pagsosorbetero sa araw, __X__ ang pagbebenta ng balot sa gabi upang
madagdagan ang kanyang kita.

6|
Gawain 5: Panuto: Punan ng wastong pang-ukol ang bawat pahayag.

1. Likas sa bawat tao ang magsikap _____X____ kanyang sariling kagalingan.


2. Ang isang magulang ay palaging nag-iisip _____X_____ magiging kinabukasan ng kanyang
anak.
3. _____X____ kagustuhan ng isang ama ang masangkot ang isang anak sa anumang
kasamaan.
4. ____X____ mga nakatatanda, hindi kayang bayaran ng isang anak ang lahat ng sakripisyo at
pagpapakasakit ng magulang ____X___ kanya.
5. Ang pagpapakabuti ng isang anak sa kanyang pag-aaral ay _____X___ mga pangarap ng
isang magulang.
6. Hindi tayo dapat magsalita ng anuman _____X_____ mga magulang.
7. Ang bawat anak ay dapat mag-isip ng anumang makabubuti_____X___kanyang pamilya.
8. “ May bukas pa ang iyong buhay”, ____X____ isang awitin, kaya hindi tayo dapat mawalan ng
pag-asa .
9. _____X____ mga responsibilidad ng mag-asawa ang pinag-usapan sa seminar.
10. Makabubuti _____XX____mga kabataan ang pagdalo sa mga gawain sa pamayanan.

Gawain 6: Panuto: Isulat sa sagutang papel ang pares ng salita na pinag-ugnay ng tamang pang-
angkop (-ng, -g, o na).

1. Bumili ako ng masarap __X___ almusal.


2. Nakatulog kaagad si Tatay dahil sa sobra__X__ pagod sa trabaho.
3. Ang tunay _X____ kaibigan at matapat at maunawain.
4. Dahan-dahan ___X__ naglakad ang bata palabas ng bahay.
5. Mahilig magbasa ng mga kuwento __X___ bayan ang magkapatid.
6. Kailangan ko ng matibay __X___ sapatos.
7. Iligpit na natin ang mga natira __X__ pagkain sa mesa.
8. Ang matamis __X___ tagumpay ay nakamit nila dahil sa pagtitiyaga.
9. Si Benjamin ang ikalawa __X___ anak ni Ginang Garcia.
10. Inayos mo na ba ang telebisyon __X___ sira?

Gawain 7-8 (Sagutin ang pagsasanay sa pahina 49-51 ng Pinagyamang Pluma 10.). Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

GAWAING PAGGANAP (Performance Task)

7|
1. Sa gawaing ito, layunin na maipakita ng mag-aaral ang kaniyang kakayahan sa
pakikipagtalastasang pasulat sa pamamagitan ng pagsulat ng isang mensaheng
magpaparating ng sariling pananaw.
2. Bumuo ka ng isang sulating hindi bababa sa tatlong talata tungkol sa paksang nasa ibaba:

“Mga Paraang Maisasagawa ng Isang Kabataang tulad ko Upang Umiwas o


Tumanggi sa mga Hindi Magagandang Impluwensiya sa Paligid na Maaaring Makasira sa
Buhay Ko”

3. Ipakita ang iyong kakayahan sa pagsasalita gamit ang berbal at di-berbal na estratehiya sa
pamamagitan ng isang talumpati kung saan ilalahad mo ang iyong nabuong teksto o sulatin
nang may angkop na damdamin, di-berbal na signal, tamang lakas at taginting ng boses..
(Kukunan ng video ang pagtatalumpati at ipapasa sa guro online/digital offline.)

Paalala: Isaalang-alang ang pamantayan na matatagpuan sa pahina 44 ng Pinagyamang Pluma


10.

SANGGUNIAN:
1. Brainly.ph/question/1481233
2. Marasigan, Emily, et al. 2019.PINAGYAMANG PLUMA 10 - AKLAT 1.Quezon City: Phoenix
Publishing House
3. https://www.scribd.com/presentation/441689050/PARABULA-NG-SAMPUNG-
DALAGA-pptx
4. https://www.scribd.com/presentation/366106330/Mga-Berbal-Di-berbal-at-
pagsulat-na-pakikipagtalastasan

“Lahat ng bagay, pinaghihirapan. ‘Di matamis ang tagumpay


kapag walang paghihirap na naranasan.”

8|
SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 10 Unang Markahan

Pangalan: ____________________________________ Antas/ Seksiyon: _________________

Aralin 2: Panitikan: Ang Parabula ng Sampung Dalaga


WIka: Berbal, Di-Berbal, at Pasulat na Pakikipagtalastasan / Mga Pang-ugnay

SAGUTANG PAPEL
Gawain 1: 2. _________________ 4. _________________
1. _________________ 3. _________________ 5. _________________

Gawain 2: 2. _________________ 4. _________________


1. _________________ 3. _________________ 5. _________________

Gawain 3: 2. _________________ 4. _________________


1. _________________ 3. _________________ 5. _________________

Gawain 4:
1. ________________ 9. ________________
2. ________________ 10.________________
3. ________________ 11.________________
4. ________________ 12. ________________
5. ________________ 13.________________
6. ________________ 14.________________
7.________________ 15.________________
8.________________

Gawain 5:
1. ________________ 3. ________________
2. ________________ 4. _______ / _______
9|
5. ________________ 8. ________________
6. ________________ 9. ________________
7. ________________ 10. _______________

Gawain 6:
1. _____________________________ 6. __________________________
2. _____________________________ 7. __________________________
3. _____________________________ 8. __________________________
4. _____________________________ 9. __________________________
5. _____________________________ 10. _________________________

Gawain 7 (pahina 49,- Pinagyamang Pluma 10)


1. ____________________________ 6. ____________________________
2. ____________________________ 7. ____________________________
3. ____________________________ 8. ____________________________
4. ____________________________ 9. ____________________________
5. ____________________________ 10. ___________________________

Gawain 8 (pahina 50 – Pinagyamang Pluma 10)

1. ____________________________ 6. ____________________________
2. ____________________________ 7. ____________________________
3. ____________________________ 8. ____________________________
4. ____________________________ 9. ____________________________
5. ____________________________ 10. ___________________________

Wakas!

10 |
Pahina 10…

11 |

You might also like