You are on page 1of 7

ARALIN 7: PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T IBANG DISIPLINA

MGA KASANAYAN:
1. Nakikilala ang iba’t ibang disiplinang akademiko.
2. Nakapagbabasa ng mga tekstong nasa iba’t ibang disiplina.
3. Nakasusulat ng mga teksto sa bawat akademikong disiplina.

Mga Tala:
IBA’T IBANG DISIPLINA
Humanidades
 Ito ay mula sa salitang Humanus na ang ibig sabihin ay tumulong sa tao.
 isang disiplina sa pag-aaral na tumutukoy sa mga sining na biswal tulad ng musika,
arkitektura, pintura, sayaw, dula at panitikan. Sa pamamagitan ng tekstong ito,
naipapahayag ng sumulat ang kanyang nadarama, adhikain, pangarap, pag-asa o
pangamba.
 Ang mga araling nauukol sa tao o mga araling pantao.

Ilan sa mga saklaw ng Humanidades

1. Panitikan
2. Pintura
3. Eskultura
4.Arkitektura
5.Musika
6. Sayaw
7.Sining Biswal
8. Sinauna at makabagong wika
9.Kasaysayan
10. Pilosopiya
11. Pananampalataya

Panitikan
 Pagpapahayag ng iba’t ibang kaisipan, damdamin, karanasan, at pakikipag-ugnayan ng
tao sa lipunang kaniyang ginagalawan na nagsasangkot ng matatayog at maguni-guning
imahinasyon.

BWS-OMNI 1
2 kaanyuan
1. Patula
 Karaniwang may sukat ,tugma at may talinghaga
 Maraming paggamit ng patayutay na pananalita
 Mga simbolong malalalim ang kahulugan
 Epiko, oda, liriko, balagtasan, pastoral, awit, korido
2. Tuluyan
 Binubuo ng maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap
 Walang gamit na sukat at tugma
Maikling kwento, nobela,sanaysay, dula, anekdota, pabula

Likas na Agham (Natural Sciences)


 Ito ay ang pag-aaral sa pisikal, mga aspeto na di para sa tao na tungkol sa Daigdig at ng
Sansinukob na nasa paligid natin. Sa pangkalahatan, sinusubok nitong ipaliwanag ang
mga gawa ng mundo sa pamamagitan ng mga natural na proseso sa halip na prosesong
pang-diyos.
 Sadyang mapamihag ang kalikasan! Nabibighani nito ang isang nilalang sa sandaling
imulat ang mga mata at masalamin ang kagandahan ng kapaligiran. Sinusundan ito ng
dakilang araw sa kanyang dahan-dahang pagsasabog ng ginintuang liwanag. Ang
malamig na hanging nadarama ay nakagaganyak sa kanya upang isagawa ang pang
araw-araw niyang gawain.
 Ang paglubog ng araw ay nagpapahiwatig ng panibagong bukas na punong-puno ng pag-
asa. Ang kahanga-hanga at sari-saring kulay ng bahaghari, ang dumadantay na lamig at
pabagu-bagong kalagayan ng panahon ay dala ng hanging bumabalot sa Mundo.
 Ang panahon ay bahagi ng buhay ng isang tao. Kapag maganda ang pagdating,
pinagagaan nito ang nagpupuyos na damdamin. Minsan nama'y nagdudulot ng
pagkawasak sa mga ari-arian ng mga tao. Ang pabagu-bagong panahon ay natitiyak sa
pamamagitan ng pagmamasid sa mga ulap, pagdama sa halumigmig ng hangin, paiba-
ibang pag-ihip nito, pagbabago ng temperatura at iba pang kalagayang panghimpapawid.

Agham Panlipunan(Social Sciences)


 isang pangunahing kategorya ng mga akademikong disiplina, na nababahala sa lipunan
at ang mga relasyon sa mga indibidwal sa loob ng isang lipunan. Ang agham panlipunan
sa kabuuan ay may maraming mga sanga, ang bawat isa ay itinuturing na agham
panlipunan. Kasama sa mga agham panlipunan, ngunit hindi limitado sa: antropolohiya,
arkeolohiya, pag-aaral sa komunikasyon, ekonomiya, kasaysayan, heograpiya ng tao,
batas, lingguwistika, agham pampolitika, sikolohiya, kalusugan sa publiko, at sosyolohiya.
 Ang terminong ito ay ginagamit din kung minsan na tumutukoy sa larangan ng
sosyolohiya, ang orihinal na "agham ng lipunan", na itinatag noong ika-19 na siglo.

BWS-OMNI 2
 .Ito ay isang pangkalahatang kataga para sa siyentipikong pananaliksik sa lipunan tulad
ng ekonomiya, agham pampulitika, batas at sosyolohiya, at ginagamit ito sa kaibahan sa
natural na agham.

Kasaysayan
 record ng magkakasunod at importanteng pangyayari (na nakaaapekto sa isang tao,
bansa, o isang institusyon) na madalas na may kaakibat na paliwanag sa mga sanhi nito.

 hindi lamang ito pag-aaral sa mga nakaraan na pangyayari sa mundo kung hindi
ay pag-aaral din sa mga sanhi at mga bunga na mga pangyayari na ito.
 Ang kasaysayan ay malaking bahagi sa bawat aspekto ng pamumuhay ng tao.
Hindi lamang ito naiiwan sa apat na sulok ng silid aralan. Ito ay hindi lang
pagtatala ng mga mahahalagang gawa ng mga dakilang tao, ito rin ay
importante sa mga ordinaryong tao upang masuri ang mga sitwasyon na
kanilang hinaharap sa pagsilip sa mga rekord ng nakaraan.

Ilang halimbawa kung paano nagagamit ang kasaysayan sa sa iba’t ibang aspeto
ng pamumuhay ng tao ay:
 Mga tala ng importanteng kaganapan sa nakaraan
 Mga medical na record
 Mga larawan at mga kwento
 Mga tala ng panalo at talo ng iyong paboritong kupunan sa isport
 Record ng marka ng isang mag-aaral

Bilang Isang Mag-aaral, Paano Ko Dapat Tignan ang Kasaysayan?

 Ang salitang history, kasaysayan sa Filipino, ay nagmula sa Griyegong salita na “historia”


na nangangahulugan na magtanong o magsiyasat.
 Ang kasaysayan ay hindi lamang simpleng pagtatala ng mga pangyayari, isang malaking
bahagi nito ay ang pag-iimbestiga sa katotohanan sa likod ng napakadaming record na
mayroon.
 Sa wastong pag-aaral ng kasaysayan na nakatanim sa pagbuo ng mga tanong, pagsusuri
sa nakaraan at pagberipika ng mga ebidensya na naglalayon na mahanap ang iisang
katotohanan o maging mas malinaw ang isang bahagi ng nakaraan, tayo ay magkakaroon
ng mas malinaw na larawan sa buhay ng mga tao sa nakaraan at pag-unawa sa mga
pangyayari sa kasalukuyan.

BWS-OMNI 3
 Hindi simpleng paglalahad lamang ng isang pangyayari ang kasaysayan. Ang pagtingin
sa iba’t ibang perpekstibo ay mahalagang gawin. Tignan natin ang kasalakuyang
kasaysayan ng ating bansa. Marami ang di nagkakasundo kung sino ang mga bayani o
traydor sa kasaysayan dahil sa iba’t ibang pananaw at ebidensya na mayroon ngayon. Ito
ay nagpapakita na mahirap makamit ang katotohanan ngunit mayroon tayong instrumento
upang masuyod natin ang mga iba’t ibang kwento at edidensya, ito ay ang pagsusuri ng
kasaysayan.

Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan?


 Para malaman ang nakaraan
Sa pag-aaral ng kasaysayan matutunan mo ang mga paghihirap at tagumpay ng
sangkatauhan. Ito ay maaring magbigay ng inspirasyon sa isang tao na gumawa ng
kabutihan o magturo sa kanya na umiwas sa mga bagay na naglalantad sa kahinaan at
kasamaan ng sangkatauhan at upang hindi na muling ulitin ang mga maling ginawa ng
ating ninuno
 Upang maunawaan ang kasalukuyan
Ang pagsusuri ng kasaysayan ay magbibigay sa isang tao ng pagkaunawa sa
kasalukyang sitwasyon ng daigdig. Ang mga kinakaharap na suliranin ng mundo ay hindi
lamang biglang lumitaw isang araw, ito ay nagmula sa nakaraan. Pagkamulat sa
kasalukyan ay makakatulong upang pagbutihin pa ang hinaharap.
 Upang mapalawak ang perspektibo
Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao upang makilala
ang ibang lipunan, ibang kultura, at ito ay makakatulong sa isang tao na maunawaan ang
pananaw ng iba. Ang pagkabuo ng empatiya sa iba ay nakaugat aiyo-unawa sa iyong
kapwa.
 Upang makapagkamit ng isang isip na mapanuri
Ang pag-aaral sa problema at sa kanilang solusyon ay importante aiyo-aaral ng
kasaysayan. Mauunawaan mo ang mga ugat ng mga kontemporyayong isyu. Ang
pagkaunawa sa nakaraan ay makakatulong aiyo sa pagharap sa mga suliranin sa
kasalukuyan at sa hinaharap.

MGA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG TEKSTO


1. Paglalahad
Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magbigay linaw ang isang
konsepto o kaisipan, bagay o paninidigan upang lubos na maunawaan ng nikikinig o bumabasa.

Uri ng Paglalahad
 Pagbibigay Katuturan
 Pagsunod sa Panuto/Pamamaraan

BWS-OMNI 4
 Pangulong Tudling/Editoryal
 Sanaysay
 Balita
 Pitak
 Tala

2. Pagsasalaysay
Ang layunin nito’y magkuwento ng isang pangyayari o kawil ng mga pangyayari.

Uri ng Pagsasalaysay
Maikling
kuwento ,
tula,
epiko,
anekdota ,
alamat ,
kuwentong bayan

3. Patula

MGA HALIMBAWA NG TEKSTO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

HUMANIDADES
o Bayan Ko (Tula) ni Jose Corazon deJesus
o Musika ( Paglalahad/Sanaysay) ni Marilou Torres
o Katutubong Musika (Pagsasalaysay/ Maikling Kuwento) ni Xavier Javier
o Ang Sayaw sa Obando (Paglalahad) ni Eunice Duenas
PANITIKAN
o Pag-ibig (Tula) ni Jose Corazon de Jesus
o Mabangis na Lungsod (Maikling Kuwento) ni Efren Abueg

LIKAS NA AGHAM
o Ang Tao at ang Polusyon (Paglalahad)
o Tawag ng Kalikasan (Tula) ni Rufino Alejandro)
o Biyaya ng Tag-ulan (Maikling kuwento) ni Anacleto Dizon
AGHAM PANLIPUNAN
o Ang Marangal na Pamumuhay ( Paglalahad) ni Teodola Gonza
o Sa Aklat ng Buhay ( Tula) ni Inigo Ed Regalado

BWS-OMNI 5
o Magbayad ang May Utang (Maikling Kuwento) ni Simplicio Flores
KASAYSAYAN
o Kay Rizal (Tula) ni Cecilio Apostol
o Ngayon, at Bukas (Maikling Kuwento) ni Aurelio Tolentino

GAWAING PAGGANAP
(Performance Task)

Sa tulong ng mga naimbak na kaalaman tungkol sa pagbasa, pagsulat, iba’t ibang genre
ng teksto, hulwaran ng teksto, pagpapalawak ng talasalitaan, at iba’t ibang disiplina ng
akademikong teksto, magsusulat kayo ng sarili ninyong akda batay sa mga nakasaad na
espisipikasyon sa ibaba.

DISIPLINA ANYO NG TEKSTO


1. Humanidades - tula (4 taludtud, 4 saknong), sanaysay
2. Likas na Agham - tula (4 taludtud, 4 saknong), sanaysay
3. Agham Panlipunan - Paglalahad / Sanaysay , Maikling Kuwento
4. Kasaysayan - Paglalahad / Sanaysay , Tula (4 taludtud, 4 saknong)
5. Panitikan - Maikling Kuwento , tula (4 taludtud, 4 saknong), nobela ( 5 kabanata)

FORMAT: (Halimbawa)

BOHOL WISDOM SCHOOL


TAGBILARAN CITY

PINAL NA GAWAING PAGGANAP


Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Pangalan: ________________________________ ___ Kurso: _____________________

HUMANIDADES
(Tula)

___________________________________
Pamagat

SO ON AND SO FORTH…..

BWS-OMNI 6
Mga Espisipikasyon:

Long bondpaper , 1 inch all sides ang margin , encoded or handwritten

WAKAS!

BWS-OMNI 7

You might also like