You are on page 1of 43

KABANATA 2

MGA TEORYA PARA SA EPEKTIBONG PAGDADALUMAT


Group 3

Angella E. Pascual Rai Anne D. Mercado Alexandria I. Galang

Analiza R. Gamurot
Edward Paul A. Abitong Mark Jhon T. Gregorio
PANIMULA

Ang panitikan ay sumasalamin sa mga pangyayari sa


buhay ng tao na inilalapat sa mga akda at lathalaing
makabuluhan. May iba’t ibang teorya na bumubuo sa
panitikan. Mga teorya na maaaring makita sa mga akda, ito
ay tumutukoy sa layuning iparating ng awtor, kanyang
saloobin at maging kanyang mga imahinasyon. Ang
teoryang ito ay maaaring Historikal, Sosyolohikal,
Formalismo, Marxismo, Sikolohikal, Feminismo, Kultural,
Post-istrukturalismo.
HISTORIKAL
Ang historikal na pananaw ay isang uri ng kritisismong pampanitikan na
sumisiyasat sa pinagmulan ng isang sinaunang panitikan o teksto para
maunawaan ang “daigdig sa likod” ng tekstong ito.

SOSYOLOHIKAL

Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), na pinamagatang DalumatFil ang


sosyolohikal na pananaw ay tumitingin sa pangkalahatang pattern sa
paguugali ng mga indibidwal na kasapi sa lipunan.
FORMALISMO
Ayon sa aklat ni Villafuerte (2000), ang pagtuklas at pagpapaliwanag
sa anumang anyo ng akda ang siyang layunin ng teoryang ito at ang pisikal
na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ang minamahalaga
ay ang (1) nilalaman, (2) kaanyuan o kayarian, (3) paraan ng pagkakasulat.

MARXISTANG PANANAW

Ang marxismo ay itinuturing na isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri


ng lipunan na nakasentro sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan.
Binibigyang pansin ng pananaw na ito ang mga umiiral sa tunggalian ng:
Tao laban sa sarili, Tao laban sa ibang tao, Tao laban sa lipunan at Tao
laban sa kalikasan.
SIKOLOHIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng
mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali,
paniniwala,pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.
Samakatuwid, mas binibigyang pokus ng pananaw na ito ang damdamin ng
makata at ang kaniyang katha.
POST-ISTRUKTURALISMO
Ang Post-istrukturalismo ay nagmula sa teoryang istrukturalismo na
katatagpuan ng mga katangian na siyang mamagbibigay-hugis sa Post-
istrukturalismo. Dahil sa pamamayani ng Post-istrukturalismo nabuo ang
pagdulog na dekonstruktusiyon.
FEMINISMO
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), pinagtuunan ng pananaw
Feminismo ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda.

KULTURAL
Ayon sa aklat nina Quijano et al. (2019), ang kultura ay salamin ng lipunan at
mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil sa globalisasyon.Nagsulputan
ang mga gawaing may makabagong dulog at napalitan ang dating
nakasanayan. Nakapaloob sa kulturang ito ang musika, panoorin, kasuotan,
inumin, at gadgets.
Ang mga sumusunod ay uri ng tunggalian sa teoryang Maxismo
na iuugnay sa kasalukuyang epidemyang dulot ng corona virus
disease na nararansan ng buong mundo.

TAO LABAN SA SARILI

TAO LABAN SA IBANG TAO

TAO LABAN SA LIPUNAN

TAO LABAN SA KALIKASAN


TAO LABAN SA SARILI
-sa pagsisimula ng pandemya ay maraming pagbabago ang
dumating sa ating lipunan, kasama na rito ang paglilimita sa mga
tao sa paglabas ng bahay. Hindi naman na bago sa atin ang
salitang "anxiety or depression". Dahil sa pandemiyang ito
lumalabas lamang na ang ating kalaban sa ganitong sitwasyon ay
ang ating sariling isipan.
TAO LABAN SA IBANG TAO
-sa paglaganap ng sakit na covid ay maraming tao ang nagkasakit
at namatay at dahil ang sakit na ito ay nakakahawa o naipapasa
sa pamamagitan ng pakikipaghalobilo sa ibang tao ay naging
kalaban na natin ang ibang tao.
TAO LABAN SA LIPUNAN
-sa paglaganap ng sakit na covid labis na napektuhan ang
bawat tao sa lipunan, dahil nga nakakahawa ang sakit na ito
ay hindi na naging ligtas ang lipunan.

TAO LABAN SA KALIKASAN


-hindi naman lingid sa ating kaalaman kung saan nanggaling
ang sakit na covid, ito ay nanggaling sa hayop. Sa labis na
pagkunsumo ng tao sa pagkain ng iba't ibang hayop kaya
naipasa ang sakit na ito sa tao.
Gamit ang teoryang feminismo, binigyang interpretasyon ang
kalagayan ng kababaihan sa loob ng tula.

MEDUSA NI BENILDA S. SANTOS

PAHABOL SA DYIP NI RUTH ELYNIA S. MABANGLO

HARANANG WALANG BUWAN NI VIRGILIO ALMARIO


MEDUSA NI BENILDA S. SANTOS
-nagpapahiwatig ito ng pakikipaglaban ng isang
babae sa kaniyang buhay. Sa umpisa'y minamata at
pinagsasamantalahan si medusa ng lalaking
tinutukoy sa linyang "nakapantalon at mainit na
hininga".Sa ikalawang bahagi ng tula, makikita
naman na naghihiganti naman ang babae sa lalaki
na naging marahas sa kaniya.
PAGHABOL SA DYIP NI RUTH ELYNIA S. MABANGLO -
nagpapahiwatig ito ng trabaho ng isang bayarang babae.
Patungkol ito sa trabaho ng isang babae na hindi kaaya-aya sa
mga kababaihan, ang prostitusyon.

HARANANG WALANG BUWAN NI VIRGILIO ALMARIO


- ito ay tumutukoy sa nangyayaring pagdadalang tao ng
kababaihan. Sa tulang ito mahahalatang hindi man lang binigyan
ng pagkakataon ang dalaga upang makapag salita. Nang
mabuntis ang dalaga at nalaman na isang hamak na hardinero
lamang ang nakabuntis dito ay agad na ikinulong sa bahay ang
dalaga at itinago ang pagbubuntis nito.
GAWAIN 3
Ang kultura ay salamin ng lipunan at mabilis itong sumasabay sa pagbabago dahil sa
globalisasyon"
Alam nating lahat na ang kultura ay isa sa dahilan kung bakit nakikilala ang isang
bansa, lungsod o tribo. At halos sa buong pilipinas ay iba-iba ang ating nakasanayan na
kultura dahil iba-iba rin ang ating kinagisnan. Ngunit ganon pa man ay tayong lahat na
nakatira sa ating bansa ay matatawag pa rin na Pilipino at mayroon pa rin tayong
karapatan sa lahat ng aspeto.
At hindi natin namamalayan na ang ating nakakasanayan na kultura ay unti-unti nang
nagbabagosa paglipas ng panahon at dahil naman ito sa globalisasyon. Ang
globalisasyon ay ang naglalarawan sa lumalawak na ugnayan ng mga ekonomiya, kultura
at populasyon ng mundo dahil sa mabilis na palitan ng mga produkto at serbisyo sa
pagitan ng mga karatig bansa, ang pag-unlad ng teknolohiya, daloy ng salapi, migrasyon
at mabilis na palitan ng impormasyon.
PAKSA: TATA SELO
Ang paksa ng maikling kwento na ito ay ang buhay at karapatan ng mayayaman at
mahihirap.
TEORYANG PAMPANITIKAN:
Ang maikling kwento na ito ay nabibilang sa Teoryang Sosyolohikal.
Nanaig ang hustisya ng mga mayayaman sa bandang huli. Nakakaawa ang hirap dahil
sa pagmamalupit na dinanas ng mag-amang Tata Selo mula sa kabesa, sa hepe at
maging sa alkalde. Halos nahubaran na sila ng anumang dignidad ng pagiging tao. Ito ay
isa sa masakit na reyalidad ng mundo. Hindi lamang sa kwento nangyayari ang
pagmamalupit ng nasa kapangyarihan at nangyayari rin ito sa totoong buhay. Maraming
uri ng pagmamalupit o human rights violations. Isa na rito ay ang kawalan ng hustisya,
pagsikil sa karapatang pantao ng mga mahihirap at pagkawala ng due process sa
pagpapatupad ng batas.
PAUNANG PAGTATAYA

1. Ang teorya ng pagtanggap/pagbasa ay isang makabagong


teorya na lubhang impluwensyal sa Kanluran.
2. Ang istorya sa loob ng isang likha ay mabubuo sa pamamagitan
ng relasyon ng manlilikha ng akda sa kanyang imahinasyon.
3. Hindi lamang iisa o dalawa ang kahulugan ng akda kung hindi maaaring
magkaroon ito ng maraming kahulugan.
4. Ang pag-intindi sa isang akda ay nagsasabi at nagtatakda ng
identidad ng bumabasa nito.
5. Ang karanasan sa pagbabasa ay isang danas na maiimbak sa
iskima na magagamit at magbabago habang nadaragdagan sa tuwing
nagbabasa at nagbibigay ng pagpapakahulugan.
1. Viktor Shklovsky - ang Depamilyarisasyon ito ay
pagasa ng tao sa kung paano nila sipatin o tingnan ang
isang akda. At dapat din malaman na mahalaga ang papel
ng mambabasa dahil siya ang nag dedetermina ng
makasining na katangian ng wika.
2. Jan Mukarovsky - ang naging ambag ni Jan
Mukarovsky sa araling Filipino ay ang Istrukturalismo. Dito
nakapaloob ang Istrukturalismo raw ay pinagmulan ng
pagtanggap bilang paraan ng pag-iisip. Bilang isang
sagisag ng komunikasyon at bilang isang istrukturang may
kasarinlan.
3. Edmund Husserl - ang ambag ni Edmund sa araling Pilipino ay
ang impluwensya ng Penomenolohiya. Ang Penomenolohiya ay
ang sumusuri sa kamalayan nating mga tao. Ito rin ang
nagmumulat sa atin upang malaman natin ang mga tama at mali
upang magbigay sa atin ng kamalayan sa mga bagay bagay.
4. Gadamer - ang ambag ni Gadamer sa araling Pilipino ay ang
teorya ng Interpretasyon/Hermeneyutika. Ang Interpretasyon ay
isang pag-unawa o pagbibigay kahulugan ng isang tao base sa
kanyang pagkakaintindi sa isang aralin. Ito rin ay isang paraan
nang pagbibigay punto base sa iyong nararanasan.
5. Leo Lowenthal - sosyolohiya, ito ay ang pag-aaral sa isang
lipunan o grupo. Ito ang pag-aaral sa mga karanasang pantao.
Sinabi niya na ito ay mahalagang pag aralan upang mas
maunawaan natin ang buhay natin sa kasalukuyan.
6. Hans Robert Jauss - historikal na pananaw, ito ay ginagamit
upang siyasatin ang mga pinagmulang historikal ng teksto gaya ng
panahon ng pagkakasulat nito, lugar kung saan ito isinulat, mga
pinagkunan nito, mga pangyayaring nakapaligid dito at mga petsa,
mga taong sangkot dito, bagay, kultura na binabanggit o
pinapahiwatig sa teksto.
7. Wolfgang Iser - teorya ng pagbasa, ang
teoryang ito ay ang nagbibigay ng koneksyon sa
pagitan ng may akda at ng mambabasa upang
mas maipahayag nang mabuti ang nais
iparating ng may akda.
B. PARAAN AT PROSESO

Teorya ng Pagtanggap/Pagbasa

Isang makabagong teorya na lubhang impluwensyal sa Kanluran ang kalipunan ng mga


kaisipan at kategorya na nagtutuon ng pansin sa mambabasa bilang mahalagang
elemento sa paglikha ng kahulugan.

C. APLIKASYON NG TEORYA SA ARALING FILIPINO


Balik-tanaw: Ang mga kanonisadong perspektibo na nagmula sa bagong Formalismo
Ang Formalismo, nagbibigay-diin sa “anyo” o “porma” ng teksto at hindi sa nilalaman nito.
Affective Fallacy

Ayon sa mga tagasunod ng New Criticism, Ang Affective


Fallacy ay ang maling kuru-kuro na nagmumula sa
paghusga sa isang tula sa pamamagitan ng emosyonal na
epekto na naidulot nito sa mambabasa.
Ang Formalismo sa Rusya at Depamilyarisasyon

Victor Shklovsky - matatagpuan ang ugat ng isang pananaw na itinuturing


na isangmalikhaing proseso ng pag unawa ng ugnayan ng mambabasa at
ng teksto. Hindi tunay na nakikita ang tula, tinatanggap ito sa nakawilihang
paraan.

Ang Formalismo ng Russia ay isang paaralan ng kritisismong pampanitikan


sa Russia mula 1910s hanggang 1930s. Ang terminong "formalismo" ay
unang ginamit ng mga kalaban ng kilusan, at dahil dito ay naghahatid ito ng
kahulugang tahasang tinanggihan ng mga Formalis mismo. Ang Formalismo
ng Russia ay isang magkakaibang kilusan, na walang pinag-isang doktrina,
at walang pinagkasunduan sa mga tagapagtaguyod nito sa isang
pangunahing layunin sa kanilang mga pagsisikap.
Ang Depamilyarisasyon
Ito ang pag-alis sa tao sa kinamihasnang paraan ng
pagtingin sa likha na kung saan sinisipat ang teksto
mula sa isang higit na dinamikong posisyon.

Kasaysayang Pampanitikan (Literary History)


Ayon kay Tynianov, ang pagpapalit o pagbabago ng mga
sistemang pampanitikan ay dapat na makita bilang
pamamayani ng isang dominanteng kalakaran sa iba pang
mga kalakaran.
Ang Kontribusyon ng Instrukturalismo
Nagmula sa Intrukturalismo ang konsepto ng relasyon bilang isang sentral
na konsepto ng teorya ng pagtanggap lalo sa Europa.

Ang Istrukturalismo ay nakaugat sa paniniwalang ang kahulugan ay maaari


lamang mapalitaw kapag ito ay tiningnan sa mas malawak na istruktura.
Narito ang mga halimbawa ng Istrukturalismo:
1. Ang kahulugan ay malilikha lamang sa relasyon ng salitang ito sa iba
pang salita kung saan ito ay napapabilang. Ito ay sistema ng senyas na
binubuo ng tagasagisag (signifier) at sinasagisag (signified).
• "pula" = mainit, "bughaw" = malamig
Tagasagisag ("pula") at Sinasagisag ("mainit")
2. Sa mga naratibo naman ay ginamit ng mga
istrukturalista ang analohiya ng wika kung saan ang
konsepto ng syntax sa pangungusap ay ginawang modelo
para sa kanilang analisis. [Simuno (subject) at Panaguri
(predicate) ng pangungusap.]
• Subject/Object
• Sender/Receiver
• Helper/opponent
3. May pattern ng istruktura kung saan mahuhugot ang
kahulugan na siyang lumikha ng institusyong panlipunan at
kaalaman. Dito naimbento ang konsepto ng kabilaang
tunggalian; tunggalian na maaaring irepresenta sa mga
sumusunod na salita :
• Hari/Alipin
• Mayaman/Mahirap
• Natural/Kultural
Papel ng akda para kay Mukarovsky
1. Bilang isang sagisag ng komunikasyon.
2. Bilang isang istrukturang may kasarinlan.
Si Jan Mukarovsky ay isa sa pinakaimpluwensyal na
istrukturalista at itinuturingna haligi ng Instrukturalismo.
Ang Impluwensiya ng Penomenolohiya
Isang kalakaran na pilosopiya na nagbibigay diin sa mahalagang
papel ng tao sa pagbibigay ng kahulugan.
Ang Impluwensiya ni Gadamer at Hermeneyutika
Ayon kay Gadamer, ang hermeneyutika ay isang pag-aaral o isang
teorya ng interpretasyon, ang pagbibigay ng kahulugan.
Ang Sosyolohiya ng Panitikan ayon kay Leo Lowenthal
Mahalaga ang akda kung ito ay nararanasan. Subalit, ang
karanasang pantao ay kalimitang nakakondisyon ng maraming
puwersa kung kayat mahalagang pag-aralan ang mga proseso ng
buhay sa lipunan.
Wolfgang Iser
Isang kritikong Aleman subalit pinag-aralan din niya ang panitikan
ng Ingles. Ang aklat niyang The Act of Reading ay katatagpuan ng
kanyang mga paniniwala tungkol sa teorya ng pagbasa.
Tatlong larangang masusuri sa akdang-pampanitikan

• Unang larangan: ito ay tumitingin sa teksto bilang isang potensyal na


makapagbibigaydaan sa paglikha ng kahulugan; ang mambabasa ang
siyang gagawa ng aktwalisasyon ng mga posibleng kahulugan.
• Ikalawang larangan: ito ang prosesong dinaraanan sa pagbasa o
penomenolohiya ng pagbasa. Mahalaga ang konsepto ng punto de bistang
naglalagalag (wandering viewpoint).
• Ikatlong larangan: tumutukoy sa istrukturang pangkomunikasyon na
siyang nagbibigay-daan sa interaksiyon ng teksto at mambabasa.
Hans Robert Jauss

Isang kritikong Aleman subalit kakaiba ang diin ng


kaniyang teorya sapagkat nakaugat ito sa isang
historikal na pananaw, sa partikular, ang ugnayan ng
panitikan at kasaysayan.
Gamit ang teoryang pagtanggap, ito ay interpretasyon batay sa
larawan

1. Ayon sa aking nakitang larawan, may


mukha na babae na parang nakahalik sa
lupa. Kailangan nating pahalagahan ang
likas na yaman dahil nakikinabang din tayo
dito.
Gamit ang teoryang pagtanggap, ito ay interpretasyon batay sa
larawan
2. Sa ikalawang larawan ay maihahambing
sa ting buhay, dahil ang sarili lang din natin
ang humahadlang sa mga gusto natin, Heto
ang kadalasang nangyayari sa mga lugar
kung saan laganap ang kahirapan.
Maraming tao ang gumagawa ng trabaho
na kapit sa patalim para lamang
maitaguyod ang kanilang sarili. Kaya
naman, alam mismo nila sa kanilang sarili
na masama ang magnakaw, pero wala na
silang magagawa.
Gamit ang teoryang pagtanggap, ito ay interpretasyon batay sa
larawan

3. Ayon sa nakita ko sa pangatlong


larawan, walang awa na parang ang tinig
ng babae ay humuhugong na parang
dagat at hindi makawala sa isang lalaki na
parang may binabalak na masama sa isang
dalaga na walang laban..
Gamit ang hermeneyutika o ang teorya ng interpretasyon ni Gadamer ay
ipaliwanag ang mga tanong kaugnay ng maikling kuwento ni Genoveva
Edroza-Matute na “Kuwento ni Mabuti".

1. Bakit ganoon na lamang ang paghanga ng nagsasalaysay ng kuwento sa


kanyang guro na kung tawagin ay Mabuti? Dahil marami siyang kuwentong
kapupulutan ng kabutihan.
2. Bakit nasabi ng nagsasalaysay na siya at ang kanyang guro na si Mabuti
ay
iisa? Naihalintulad niya sa kanyang sarili ang guro na tawag nya ay mabuti.
3. Ano ang katangian ng tauhang si Mabuti na iyong nagustuhan?
IIpaliwana. Ito ay think positive. Si Mabuti ay may positibong paraan. Mahirap
ang buhay, ngunit hindi hadlang ang kakulangan sa salapi.
4. Ipaliwanag ang pahayag ni Mabuti sa kuwento na “Iyon lamang
nakararanas ng mga lihim na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga
lihim na kaligayahan”? Ang ibig sabihin nito ay, upang maranasan mo ang
kaligayahan ay kailangan mo munang magpakahirap. Maihahantulad ito sa
ating buhay. Upang maatim ang kaligayahan, atin itong pinaghihirapan.
5. Ano ang iyong naging interpretasyon sa katauhan ni Mabuti matapos
mong mabasa ang wakas ng kuwento? Sa karakter ni mabuti ay
masasalamin natin ang isang malakas na tao hindi ipinapakita ni mabuti sa
iba ang kanyang kalungkutan dahil gusto niyang angmakita sa kanya ng iba
o ng kanyang mga estudyante ay kabutihan o pagiging positibo. Sa
panahon ngayon, napakaraming problema ang kinahaharap nating mga tao
kakambal na yan ng buhay.
Gawain 3
NILALAMAN Ako ang Daigdig ni Alejandro G.
Ako ang daigdig Abadilla
Ako ang tula
Ako ang daigdig
Ang tula
Ako ang daig na tula
Ang tula ng daigdig

Ipinapakita dito ang pagkakaisa ng katauhan ng nagsasalita sa


daigdig, at sa tula.
Pinapakita dito ang pagkakaisa ng kanyang pagkatao, damdamin,
at paniniwala sa tula na kanyang daigdig.
KAANYUAAN O KAYARIAN
Ang ginamit kaanyuan o Kayarian sa tula ay malayang
taludturan o (free verse). Dahil ang tula na ito ay walang
sukat at tugma.

PARAAN NG PAGSUSULAT
Ang ginamit na paraan ng pagsusulat ay ekapresibo dahil
ito ay sarili niyang opinyon ang ginamit sa tula. At meron
din ang tula na deskriptibo dahil nilalarawan niya na sya
ang daigdig at ang tula.
Pangalan ng Teoryang Pampanitikan: Teoryang Sosyolohikal

Bayani ng Paaralan
Tila noon ay isang batang nangarap lang na makapag aral at
makapag tapos subalit nabigyan pa ng pagkakataon na magturo at
magsilbi sa paraalan upang maging insturemo at gabay sa
pagkatuto ng bawat mag aaral. Siya ay si Mark Jhon
Palbutan ,isang Guro sa pamantasang paaralan ng kolehiyo ng
Ateneo De Manila University. Hindi madali ang kaniyang naging
buhay, nag simula sa ibaba at ngayon siya ay nasa magandang
katayuan sa buhay.
Kabilang sya sa pamilyang walang permanenteng pangkabuhayan
noon, at para tustusan ang pag aaral, nagsumikap siya na
magtrabaho para matuguan ang kaniyang pansariling
pangangailangan. Mahirap kung sila ay ilarawan. Subalit hindi ito
naging hadlang sa kaniya para hindi makapag aral. Dahil sa
angking dedikasyon nasubukan nyang magtinda ng kung ano
anong bagay, at pasukin ang ibat ibang trabaho upang kumita ng
pera para sa kaniyang pag aaral. Si Mark Jhon ay isa mga
mahuhusay na mag aaral, kung kayat siya napabilang sa mga
iskolar sa isang unibersidad at nabigyang pagkakataong makapag
aral.
Nag tapos ito ng kursong Bachelor of Science in Secondary
Education sa Ateneo De Manila University. Tanging makapagtapos
lang ang hiling ni Mark Jhon subalit noong sya ay kumuha ng
board exam ito ay nakapasa at ngayon ay isa ng ganap ng Guro.
Sa angking kakayahan ni Mark Jhon sa pagtuturo tila isa siyang
ilaw na nagbibigay liwanag sa madilim na bukas ng bawat mag
aaral, dahil kinikilala siya bilang isang mabuti ay mahusay na
Guro sa larangan ng pagtuturo. Guro na hindi lang basta nagtuturo
sapagkat Isang Guro na nagbibigay inspirasyon at tumutulong sa
mag aaral. Kung kaya ang ilang mag aaral ay itunuturing sya
bilang bilang isang Bayani ng Paaralan.
Ang isinangalang-alang sa pag buo ng teoryang ito.

Sa pagbuo ng teoryang ito, dapat isaalang-alang ng isang


may akda ang katuturan ng gagawing panitikan, dahil ang
layunin dito ng may akda ay upang maiparating ang
kaniyang saloobin at upang mapalawak nya ang
imahinasyon ng mga mambabasa at lahat ng yan ay
ginamit at isinaalang-alang ko sa pabguo ng Teoryang
pampanitikan na ito.
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like