You are on page 1of 15

IIHC

SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

TSAPTER 2

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang tsapter na ito ay naglalaman ng mga literaturang konseptuwal at mga

kaugnay na pag-aaral na makakatulong sa malalim na pag unawa upang mauo

ang balangkas ng pag aaral

Literaturang Konseptuwal

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga talakay tungkol sa

mahahalagang varyabols at mga konseptong may kinalaman sa ginawang pag

aaral.

Panitikan. Ang kahulugan ng panitikan ay ang repleksyon ng buhay na

nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan,

hangarin at diwa ng tao. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-

titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa

salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), at ang literatura

ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik. Ang panitikan ay

nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga

karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ngpag-ibig,

kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,

sindak at pangamba. https://brainly.ph/question/122170 (2015)

1. Ang Bisang Pangkaisipan ay ang kakayanang magbigay ng isang akda ng kabuluhan


at pagyabong ng kaisipan.
IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

2. Ang Bisang Pangkaasalan naman ay ang pagkakaroon ng isang akda na tumulong sa


paghubog ng ugali.

3. Ang Bisang Pang-damdamin naman ay ang pang-aantig ng isang akda sa mambabasa


nito. https://brainly.ph/question/465325 (2016)
PANUNURING PAMPANITIKAN. Ang Panunuring Pampanitikan ay
isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa
mga malikhaing manunulat at katha.

 Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad

ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng

awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may

opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya

mahalagang siya ay maging matapat.

https://brainly.ph/question/465325

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at


pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay
ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay
ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-
panlipunan.
Ang pangalawang uri ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito
ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo,
simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo.
TEORYA. Ang 'teorya' ay isang bagay na iminungkahi bilang isang

makatwirang paliwanag para sa mga katotohanan, kalagayan o isang kaganapan

lalong lalo na't kung ito ay isang sistematiko o siyentipikong paliwanag. Isa sa

halimbawa ng teorya ay tungkol sa pinagmulan ng tao. Ayon kay Charles


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

Darwin," nagmula ang tao sa hindi gaanong mataas na organisadong anyo

hanggang sa ito ay napunta sa mataas na anyo sa paglipas ng panahon." Ayon

pa nga sa kanya'y ang lahat ng mataas na anyo ng buhay ay nanggaling sa

maliit na 'isdang' kawangis ng mga hayop. https://brainly.ph/question/271769

(2015)

TEORYANG HUMANISMO. Ang Humanismo ay sumibol sa panahon ng


Muling Pagsibol o Renacimiento (Renaissance)
Ito ay nagmula sa salitang ingles na Human o tao sa Filipino.

Ano nga ba ang Teoryang Humanismo?

Ang pokus ng teoryang ito ay ang tao.


Ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay sa mundo.
Ayon kay PROTAGORAS (Villafuerte, 1988)
“Ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng lahat ng bagay at panginoon ng
kanyang kapalaran.”
Humanismo: Dignidad, Pagpapahalaga sa Sarili at Kapwa
Ang teoryang humanismo ay pananaw na nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos.
Sa pilisopiya, ito ay atityud na nagbibigay diin sa DIGNIDAD at
KAHALAGAHAN ng tao.
Pinaniniwalaang ang tao ay nilikhang RASYUNAL.

Sa paglakad ng panahon, lumitaw ang bagong humanismo ayon sa mga


tagasunod nito, hindi daw dapat ipaliwanag ang kahalagahan ng tao sa
pamamagitan ng HEREDITI at KAPALIGIRAN. Hindi dapat kilalanin ang
isang tao sa pamamagitan nito.

Panitikan
IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

Karaniwang ginagamit ang humanismo para ilarawan ang kilusang panitikan at


kultura sa kanlurang Europa noong ika-14 hanggang ika-15 siglo.
Nagbigay ng bagong sigla ang humanismo ang pagkakatuklas ng paglilimbag
noong ika-15 siglo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng mga klasikong
edisyon.

Sa pagsusuri ng panitikan ayon sa pananaw na humanistiko, mainam na tingnan


ang sumusunod:

Pagkatao
Tema ng kwento
Mga pagpapahalagang pantao: moral at etikal ba?
Mga bagay na nakaiinfluwensya sa pagkatao ng tauhan; at
Pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema.

MAIKLING KWENTO. Ang maikling kuwento - binaybay dingmaikling kwento - ay


isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng
isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan. Tulad ngnobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung
ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa
buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng
Maikling Kuwento". Tinawag rin itong daglinoong panahon ng mga Amerikano at
ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Ang alamat ay naiiba dito at sa kasaysayan bagamat may mga elemento ang dalawa.
Ang ito ay di-totoo. Ang kasaysayan ay totoo, samantalang ang alamat ay may mga
bahaging totoo at mayroon din naman na hindi totoo ang kuwento at kadalasang ang
kuwento ay tungkol sa mga naganap sa di-totoong lugar at di-totoong panahon.
IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

Ang maikling kwento ay isang universal na kultura.Nagdulot ito ng refleksyong


mula sa tiyak tungo sapinakamataas na diwa upang maging makabuluhan angkaranasan
ng sanlibutan. Nagtatag ng matibay napundasyon sa kaalamang pangmoral at
pangkatauhan ng tao (Barry, 1995). Sa pagtuturo ng mga kabataan,madaling tukuyin ang
interes at atensyon kungsisimulan ng isang pangganyak na pagkukuwento atmabisang
kagamitan sa pagtalakay ng aralin oginagamit ito na lunsaran sa araling pangwika.
Nasabi nina Kraenkel at Wallen (2003) na ang maikling kwentoay makapagdulot ng mga
pagbabago sa buhay.

Ang mga aral, mensahe at tema ay naging gabay sa mgagawaing araw-araw at


naging bukas sa anumang hamonsa buhay, naging batayan din sa pagdesisyon at
nagsilbing refleksyon sa mabubuting tahakin sa buhay.At dahil dito, marami ang nag-aral
at nagsuri ngmaiikling kwento. Kaya ang mananaliksik ay gustongsuriing muli ang mga
pag-aaral na ito gamit ang isang proseso o paraan na tinawag na meta-analisis. Sinabi ni
Tuckman ang meta-analisis ay pag-aaralsa mga dating pag-aaral. Sa teknik na ito,
sinuring muli ang mga bagay, dokumento, proseso, sistema at mgadating pag-aaral
(Lavin, 1995 & Dey, 1993).

Dagdag panila irerebyu ang mga dating natuklasan at tingnan muli ang ibang
anggulo, perspektiba at pananaw upangmatanto ang kaugnayan, kaibahan at kabuluhan sa
mga elementong napapaloob. Itoy isang kritikal atsistematikong pagsusuri at pamumuna
ng mga tuklas na bagong datos at mga impormasyon. Itoy nagbibigayng bagong
interpretasyon sa mga dating kaalaman at ideya (Kehrer, 1993; Constantino & Zapra,
1997).Mahinuha rito ang kaepektibo, kahinaan, katindi,kabisaan, baliditi at kwaliti sa
ginawang pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga pag-aaral,maliliwanagan ang
mga mambabasa sa makatarungang paghatol, paghambing sa layunin at nilalaman nito

(Faucett & Dawn, 1994; Sipe, 1995; Tripuraneni,1997).

According to Lisella (1994) and Glass (1981), themeta-analysts uses objective


methods to find 8/11/2019 Mga Pag-Aaral ng Maiikling Kwento: Isang Meta-Analisis
IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

2014Cuizon, R. I., Mga Pag-Aaral ng Maiikling Kwento: Isang Meta-Analisis

Iba't ibang mga pag-aaral para sa isang pagsusuri. Dapat itong asystematic bilang
pangunahing pananaliksik at dapat bigyang-kahulugan ang mga resulta ng mga
indibidwal na pag-aaral sa thecontext ng mga pamamahagi ng mga natuklasan, na
bahagyang naitala sa pamamagitan ng mga katangian ng pag-aaral, metodolohiya, at
partialy random. Inihiga niya ang mga sumusunod na patnubay para sa isang meta-
analysisprocedure: paghahanap ng mga pag-aaral; pag-aaral ng screening; naglalarawan
ng mga tampok ng pag-aaral; naglalarawan ng mga kinalabasan; pagsukat ng mga
natuklasan sa pag-aaral at pagsusuri ng mga resulta

Ninais ang pagbabago sa paraang pagtuturo para mapaunlad ang pagsusuri at


pamimili ng uringmaikling kwento na gagamitin ng mga guro sa silid-aralan bilang
lunsaran nang sa ganoon may kamalayanang mga kabataan sa mga pangyayari mula sa
lokal tungo sa global.Kaya, itoy isang daan o behikulo na nagbukas sa pusot isipan ng
mananaliksik na kailangan susuriingmuli ang mga pinaag-aralan partikular sa paraan sa
pagpili, paraan sa pag-aanalisa ng maiikling kwento sa mga tesis at disertasyon sa
pamaraang meta-analisis.Mula sa pamaraang meta-analisis, pinagtuunang pansin ang
pagsusuri ng mga kaanyuan tulad ng paglalahad ng suliranin, metodolohiya, paglalahad
atpagpapakahulugan ng mga datos, natuklasan, konklusyon, implikasyon at
rekomendasyon. Ditomakikita ang isang larawan ng isang bagay o kayaytala sa mga
bahaging pinag-aaralan. Magreresulta ito ng isang kahihinatnan ayon sa pagkakatulad,
pagkakaiba,at kabuluhan ng mga elementong sinuri.

Ang pagkakatulad ay isang proseso na tinutukan angpagkahawig o pagkapareho ng


mga teorya, katangian,kriteya sa pagpili ng paksa, at kaalaman sa mga bahagi ng tesis at
disertasyon. Tinutukan din ang pagkakaibasa paglalahad, mga paraan ng pagkabuo,
proseso atinstrumento, lugar, seleksyon ng paksa at bahagi kungmay labis o kulang
(Mondale, 1995). At angkinahinatnan ayon sa kabuluhan ay tingnan din kung anumang
maibigay, makuha, at maidulot ng pag-aaralpara sa tao, sa kalikasan, sa pamilya at sa
lipunan.Masasabi na ang paggamit ng meta-analisis ay batayang maganda kung ito ay
IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

nagdudulot ngkabuluhan sa mga nakikinig at mambabasa omanonood. Ang mga


kabuluhang ito patungkol sa buhay na maaaring makalantad ng pahayag o pahiwatig sa
isang pagsusuri, ito ang tema.

Tema o paksang diwaang mabubuo mula sa pagsusuri na maaaring nagsasaadng


katotohanang panlahat na maging basehan/ gabay ngmga kalagayang pang-edukasyon,
kalagayang pampamahalaan, sa pagpakabuhay ng tao at sa mga sumusunod kalagayan ng
mga mambabasa. Maaari dingmay biglang makita sa gagawing sistema ng
pagsusuri,mabubuo ang mga mas maliliit o malalaki pang sistema.May pagpapangkat-
pangkat, pag-iipun-ipon ng mgasistema.

Ang sistemang ito ay maaaring hierarchical,macro-micro o micro-macro ang


pagkakaayos na sa ibang salita tinawag na kategorya.Itoypag-uuri-uri ngmga bagay,
pahayag at elementong nakita sa pagsusuring akda (Villafuerte, 2000).Ang aplikasyon
nito sa pagtuturo, dapat ang guro aymagtataglay ng di birong katangian nang sa
ganoonmapalawak at maihatid nang lubusan ang kaalamang ibabahagi. Ang isang
mabuting guro ay dapat magbigayng ibayong panahon at konsern sa mga pagbabagong
estratehiya at mabisang kagamitan.

May kaugnay ito sapahayag ni Buensuceso (1989) kinakailangang kasabay

ng mga pagbabago ng panahon ang mga makasining napagtuturo. Ang bisa ng prosesong
pagtuturo-pagkatuto ay maunlad sa dahilan ng tamang paggamit ngkagamitang
pampagtuturo. Dapat maging masigasig angguro kung paano at kailan gagamitin nang
tama ang mga ito.

Dagdag pa nina Abad at Ruedas (1996), isangkatotohanan na walang kagamitang


pampagtuturongmakapagpapalit sa isang mabuting guro na gumagami ng mga
kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisangpagkatuto ng mga mag-aaral.Kaya, isa ito sa
pinakadahilan sa ginawang meta-analisis na pagsusuri ng maikling kwento sa mga tesis
atdisertasyon. Ang kalalabasan ng pagsusuri ay pagbabatayan sa paggawa ng isang
patnubay sa pagsusuri ng maikling kwento.
IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

https://www.academia.edu/40632264/Meta_Analisis_sa_Pagsusuri_ng_Maiikling_Kwent
o_sa_mga_Tesis_at_Disertasyon

TAUHAN

Ang tauhan ay maaaring nasa anyo ng babae, lalake, bata, matanda, hayop(na
nagsasalita), halaman(na nagsasalita). Maging tao man o gawa ng likhang pagiisip, ang
tauhan ay marapat na magkaroon ng katangiang pantao upang ipahayag ang saloobin,
kumikilos, may damdamin at nagbibigay buhay. Sila ang nagbibigay buhay isa isang
sanaysay o maikling kwento.

https://brainly.ph/question/202257 (2015)

LITERATURANG PANANALIKSIK

Ayon sa ginawang riserts ni Butial (2016), na may pamagat na

Dekonstruksyon sa 50 dagli ni Eros S. Atalia. Inalam ditto ang nilalaman ng mga

piling dagli mula sa ibat-ibang paksang halaw sa librong ‘ Wag Lang Di

Makaraos’, paano ipinakita sa mga piling dagli ang dekonstruksyon katangian

partikular tambalang magkasalungat o binary opposites, pabaligtad sa

pagtatayang herarkiya o reversing hierarchy, pagtalikod sa kaisapan ng

logosentrismo at kabalintunaa. Inalam rin niya kung paano ginamit ng may akda

ang katangiang dekonstruksyon na may kaugnayan sa ibat ibang kamalayang


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

panlipunan tulad ng edukasyon, pulitika ekonomiya, at kultura. Ang pag-aaral ni

butial (2016) ay bagamat pinangkat ang mga dagli sa sampung tema, hindi

thematic ang naging kabuuan. Manipis ang pakikiisa ng bawat dagli sa temang

kinabibilangan. Hindi naging mabigat ang pag-aambagan ng bawat dagli upang

palakasin at pagtibayin ang tema. Samakatuwid, hindi sa sampung tema ng

kaisipan umikot ang libro kundi sa mas maraming higit pa. Mas maraming sinabi

ang libro kaysa sa sampung inilista. Ang libro ay hindi thematic kundi topical.

Mas naghuhumiyaw ang paksa ng mga dagli aysa sat mea. Mas nananaig ang

gusting sabihin kaysa sa inaasahang sasabihin. Kung mawala sa poder ng

pagpapangkat, pasingit singit, pasilip silip sa mga kamalayang panlipunan.

Sa tema ng kamatayan pinaksa ang kawalan ng katinuan, maling

pagkaunawa ng isang musmos, trahedyang dulot ng kalikasan aborsyon, at

paniniwala sa sanib. Sa temang Sa Dako Pa Roon, pinaksa ang kataksilan sa

pag-ibig sa pangungutya sa mga kakatwang nilalang. Sa temang Mga Kwentong

Mali, pinaksa ang buhay ng matanda, cybersex, buhay guro, hanapbuhay at

feminism.

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong

impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan

ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.

Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng

mga panukala (teoriya) o sa pamamaraan ( o sistema), at sa pagsubok sa mas


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o pbserbasyon. Isang

prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at

walang-kinikilingan(obhetibo). Nararapat na masagot ang prosesong ito ang

isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas

o nakakadagdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang abgay na ibig

mapag-alaman pa ng mga mamamayanan.

Bukod sa pag \bibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng

pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin.

Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa

mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang

bagay, kabilang ang mga maaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring

naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang

klinika,laboratory, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na

naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga

kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato.

Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.

Sintesis

Ang mga tinalakay na literaturang konseptwal at literaturang pananaliksik

ang naging batayan tesis na ito. Pinili ng mga risertser na kunin ang mga

kahulugan ng baryabols upang higit na maunawaan ang mga magbabasa ang


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

nais ipahiwatig ng pagaaral na ito. Ang mga nasaliksik na konsepto rin ang

magbibigay linaw nang importansya ng akda

Ang konsepto ni Butial at ni ? ay mayroong pagkakahalintulad sa pagaaral

ng kamalayang panlipunan na byaheng bakal. Parehas sinusuri ang mga tagong

kahulugan na nais ipahiwatig ng dagling byaheng bakal, ang mga dagli ni atalia

at ang mga inaral na dagli ni butial ngunit ang tatlong ito ay may pagkakaiba rin

tulad na lamang ng mga uri ng teyorya na kanilang ginamit. Ang byaheng bakal

ay may teyoryang moralistiko. Ang mga nabanggit na maikling kwento ay

nakapaloob sa teyoryang meta analisis at ang 50 dagli na sinuri ni butial ay

teyoryang dekonstraksyon naman.

Ang literaturang moralistiko at ang literaturang pananaliksik ay mahalaga sa pag

buo ng riserts na ito. Maaaring macaroon ng pagkalito sakaling hindi nila alam

ang kahulugan nito

Balangkas konseptwal

Ang saliksik na ito ay ginamitan ng IPO model upang maipakita ang mga

ugnayan ng mga konsepto. Ang unang kahon ay ang input. tinalakay dito kung

ano dito ang mga pisikal na katangian partikular sa banghay,tagpuan,tauhan.

Sumunod naman ay ang kahon na nakapaloob ang malalimang pagsuri at

pagaral sa nilalaman ng teksto at ang panghuling kahon ay ang awtput na

nagsusuri ng teksto.
IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

Input Proseso Awtput

 Biyaheng

Bakal

 Pisikal na

Katangian

 Banghay

 Tagpuan
Malalimang Sinuri at
 Tauhan
IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

Ayon kay Mika Sacasacuesa ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim

na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng

ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing

manunulat at katha. Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa

kathang sinusuri tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito

at ang ginamit ng awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang

manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig

sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

Pakinabang ng Panunuring Panitikan:

Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa

nilalaman ng akda at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.

Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

binabanggit ng may-akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang

pagkakakilanlan ng isang makabuluhang tema, at ang pagsisiyasat ng mga

pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang paglalarawan,

simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. At upang

maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring

maunawaan ng nakararami. Kadalasan sa mga trabaho sa kapanahunan

ngayon ay nangangailangan ng pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa

trabaho, atbp. Upang maayos ang trabaho, kailangan ng isang tao na may

kakayahang ipahayag ang kanyang mga kaisipan nang malinaw at partikular na

nakasulat. Maaaring hindi siya magsulat ng mga sanaysay sa literatura bilang

pamumuhay, ngunit malamang na ang natutuhan niya mula sa tungkuling iyon ay

magiging kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay.

Kahalagahan ng Panitikan:

Malaki ang naitutulong ng pantikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa

buhay ng ating lipunan. Unang-una, nagbibigay ang panitikan ng isang

magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito ang isang uri ng libangan

para sa mga tao. Ikalawa, nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa

paghulma ng lipunan dahil tintulungan nito ang mga mamamayan nag bumuo ng

opinyon sa mundo at kwestiyonin ang kasalukuyang sistema. Ikatlo, ang

panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging


IIHC
SHS DEPARTMENT
INTEGRATED INNOVATION AND HOSPITALITY COLLEGES, INC.
Dela Rama Building, Buenamar Subdivision, Novaliches, Quezon City - National Capital Region, Philippines

isang magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at

pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga

susunod na henerasyon. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa

mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan

ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng

pagiging makatao.

https://prezi.com/zzgqugyfs56d/dekonstruksyon/

You might also like