You are on page 1of 31

URDANETA CITY UNIVERSITY

1 San Vicente West, Urdaneta City, Pangasinan

Kolehiyo ng Pagkaguro sa Edukasyon

YUNIT V. PAGSUSURING PAMPANITIKAN


Konsepto ng Pagsusuring-basa
Dulog Pampanitikan
Pormalistiko, Realistiko, Moralistiko, Arkitepal
Eksistensyal, Klasismo, Romantisismo at iba pa

Rogelio Y. Sibayan Jr.


DALUMAT NG/SA FILIPINO Instruktor
Konsepto ng
Pagsusuring-basa
PANIMULANG IDEYA
Ang kahulugan ng
terminong suring basa ay
tumutukoy sa pagbibigay ng suri sa
isang teksto o akda na nabasa.
Book review ang direktang ibig
sabihin nito sa wikang Ingles.
Konsepto ng Pagsusuring-basa
Ang Suring-basa ay ang pagsusuri ng
mga teksto. Maaaring ang sinusuring teksto
ay isang kwento o maikling kwento,
sanaysay, tula at iba pang uri ng panitikan.
Maaari ding isang pelikula. Layunin nitong
malaman ang nilalaman at kahalagahan ng
isang teksto at gawan ng buod.
Konsepto ng Pagsusuring-basa
Ito ay isang madali at maikling
pagbubuod at maaaring maglaman ng
sariling ideya at emosyon ng nagsusuri. Para
mabuo ang buod, magsimula sa mga tauhan
at isulat lahat mga mga pangyayari o
impormasyon. Bagama't ang suring-basa ay
simpleng pagtatalakay ng pananaw ng
teksto, mayroong dapat alalahanin para
makapagsulat ng isang suring-basa.
Konsepto ng Pagsusuring-basa
Naglalayon itong maipakita ang kaisipang
matatagpuan sa isang akda at kung bakit ito
mahalaga. Dapat rin nating tandaan na ang
paggawa ng suring basa ay mas madali kapag
gumawa muna tayo ng sinopsis o maikling lagom.
Dahil sa sinopsis na ito, mas madali nating
maipahayag ang kaisipan sa isang malinaw at
konkretong paraan. Bukod dito,
gumagamit din ng pananalitang
matapat ang suring basa.
Mga Dapat Tandaan
Mga Dapat Tandaan
4 na Parte ng Pagsusuring-basa

1. PANIMULA
Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang
sinulat, sa himig o damdaming taglay nito.

2. PAGSUSURING PANGNILALAMAN
Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan,
napapanahon, makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa
sensibilidad ng mambabasa.
4 na Parte ng Pagsusuring-basa

3. PAGSUSURING PANGKAISIPAN
Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang
akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa
mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga
tiyak na sitwasyon o karanasan.
4. BUOD
Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng
akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang
bigyang-tuon.
Pormat ng pagsusuring-basa
1. Pamagat ng Akda
2. May akda/ Pagkilala sa may akda
3. Uri at Teorya ng Panitikan
4. Layunin ng may akda
5. Tema o Paksa ng may akda
6. Mga Tauhan o Karakter sa Akda
7. Tagpuan o Panahon
8. Nilalaman/Balangkas ng mga Pangyayari
a. Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda
9. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
10. Buod
11. Aral ng Kwento
12. Simbolismo
Halimbawa ng Pagsusuring-basa

https://bit.ly/37Krpig
TEORYANG PAMPANITIKAN

Isang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang


mga paraan sa pag-aaral ng panitikan. Ito’y sistema ng
mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang
layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong
panitikan na ating binabasa.
TEORYANG HUMANISMO
Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao
dahil ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan ng
bagay at Panginoon ng kanyang kapalaran. Ang
pangunahing paksa rito ay ang tao at ang kanyang
saloobin at damdamin. Pinahahalagahan ang kalayaan
ng isipan, ang mga natatanging talino – kakayahan at
kalikasan ng tao.

-TITSER ni Liwayway Arceo


-ANG PROBINSYANO
TEORYANG PORMALISTIKO

Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang


nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda. Nasa porma o kaanyuan ng akda
ang kasiningan nito.

-ALALAHANIN MO AKO nila Christina Georgina


Rossetti at Elizabeth Barrett Browning
TEORYANG IMAHISMO

Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen.


Pinaniniwalaang ang imahen ang nagsasabi ng
kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang
pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng
nakapaloob sa akda. Malaya ang manunulat/makata na
pumili ng anumang nais na paksa sa kanyang akda/tula.

-PANAMBITAN ni Myrna Prado


TEORYANG REALISMO

Ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay


naglalarawan ng makatotohanang pangyayari sa buhay.
Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong
suliranin sa buhay at ang usapan ng mga tauhan ay
parang natural.

-NOLI ME TANGERE
-EL FILIBUSTERISMO ni Jose Rizal
-BANAAG AT SIKAT ni Lope K. Santos
TEORYANG FEMINISMO

Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang


operasyon ng sistemang patriarchal sa kababaihan.
Naglalayon itong mawala ang dekahong imaheng
ibinibigay sa babae. Sa paksa, makatotohanang
inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa
matapat na pamamaraan.

-PAALAM SA PAGKABATA ni Nazareno D Bas


-SANDAANG DAMIT ni Fanny Garcia
TEORYANG SOSYOLOHIKAL

Ang pananaw na ito ay mahihinuha ang kalagayang


panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan. Ang
indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng
higit na matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa
buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o
umiiral na suliraning panlipunan.

-IMPENG NEGRO ni Rogelio Sicat


-ANG KALUPI ni Benjamin Pascual
TEORYANG EKSISTENSYALISMO

Kung babasahin ang isang akda sa pananaw na ito,


maaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng tauhan
na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan.
Sinusuri ng akda batay sa lakas ng paninindigan ng
tauhan nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang
kalagayan. Mahalaga na makita ang pagtanggap niya sa
naging bunga ng pansariling pagsisikap.

-AKO ANG DAIGDIG ni Alejandro G. Abadilla


TEORYANG ROMANTISISMO

Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o


likas-kalayaan. Pinaiiral dito ang sentimentalismo at
ideyalismo. Higit na pinahahalagahan dito ang
damdamin kaysa ideyang siyentipiko. Sa pagdulog na
ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at
espiritwal.

-PAGTATAPAT ni Lope K. Santos


-ROMEO AND JULIET ni William Shakespeare
TEORYANG DEKONSTRUKSYON

Ang pananaw na ito ay tinatawag na


postinstrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika
ang binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng
realidad o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa
kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto
ay nasa kamalayan ng gumagamit sa teksto at hindi sa
teksto mismo.

-TATA SELO ni Rogelio Sicat


TEORYANG HISTORIKAL

Layunin nito na ipakita ang karanasan ng isang lipi


ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi
ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

-NOLI ME TANGERE
-EL FILIBUSTERISMO ni Jose Rizal
TEORYANG KLASISMO

Layunin nito na maglahad ng mga pangyayaring


payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga
pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga
salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

-FLORANTE AT LAURA ni Francisco Balagtas


TEORYANG BAYOGRAPIKAL
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan
o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa
mga akdang bayografikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka”
nainaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa
kanyang karanasan sa mundo.

-MGA GUNITA ni Genoveva Edroza Matute


-FLORANTE AT LAURA: KAY SELYA ni Francisco Balagtas
TEORYANG QUEER

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa


paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga
babae ay feminismo, ang mga homosexual naman ay
queer.

-TAGUAN ni Rolando Bernales


-SIRENA ni Gloc 9
TEORYANG MORALISTIKO
Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba't ibang
pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao -
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang
mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang
moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa
kaantasan nito.
-IBIG KONG MAKITA ni Benigno Ramos
-URBANA AT FELIZA ni P. Modesto De Castro
TEORYANG SIKOLOHIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa


pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa
pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala,
pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.

-SA PULA SA PUTI ni Farncisco Soc Rodriguez


-TAGUAN ni Rolando Bernales
Cruz, Mary (2016), Ano ang suring basa?, Hinango mula sa
https://bit.ly/36MUIRZ
Belaton, Cy (2017), Ang Suring Basa at Dapat Tandaan, Hinango mula sa
https://bit.ly/2VKSb4B
Ki (2020), Suring Basa Kahulugan At Ang Mga Halimbawa Nito, Hinango
mula sa https://bit.ly/3omtlEu
Silva, Archieleous (2017), Ang Kalupi Suring Basa, hinango mula sa
https://bit.ly/37Krpig

MGA BABASAHIN AT SANGGUNIAN


MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like