Ang dalawang anyo ng diskurso ay pasalita at pasulat na diskurso.
2. Ipaliwanag ang bawat isa.
Pasalitang Diskurso. Ang pasalitang diskurso ay tinatawag na gawaing sosyal.
Bakit? Dahil karaniwang magkaharap ang mga partisipant at nagkakaroon ng pakikipagtalastasan kung kaya't bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyon tulad ng paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaring makapagpabago sa kahulugan ng mensahe.
Pasulat na Diskurso. Ang pasalitang diskurso ay gumagamit ng mga
ortografikong simbolo gaya ng letra o titik. Kabaligtaran ng gawaing sosyal ito ay tinatawag naman na gawaing mag-isa sapagkat higit na pag-iingat ang ginagawa ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito'y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang isinulat.
3. Ibigay ang organisasyon ng Diskurso, Pasalita at Pasulat.
1. KAISAHAN. Isa sa mga dapat bigyang-pansin sa ng isang manunulat ay
ang kaisahan ng diwa o ideya sa kanyang mga komposisyon. Ang pangkat ng mga pangungusap ay umiikot sa iisang pangkalahatang ideya, may isang paksang pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga suportang pangungusap.
Tumutukoy ang kaisahan sa isang tiyak na katangian o aspeto
ngpagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito ay "magkakalapit lahat". 2. KOHIRENS. Pagkakaroon ng kaugnayan ng mga ideya sa isang teksto o akda. Mahalaga ang papel ng mga salita na ginagamit bilang mga tagapag- ugnay sa talata. Ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga bahagi ng pahayag.
Nakapaloob sa kohirens ang mga sumusunod:
Paggamit ng mga panghalip na panao at mga panghalip na pamatlig (siya, ito atbp.) Paggamit ng nga salitang naghahayag ng karagdagan (at, isa pang) Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagsalungat. (subalit, ngunit atbp.) Paggamit ng mga salitang naghahayag ng bunga ng sinundan (dahil, bunga atbp.) Paggamit ng mga salitang naghahayag ng pagkakasunud- sunod ayon sa panahon. (samantala, pagkatapos atbp.) Paggamit ng mga salitang magkakasingkahulugan at maging ang pag-uulit ng mga salita
3. EMPASIS O DIIN. Ito ay ang pagbibigay ng higit na pansin sa
pinakamahalagang kaisipan sa loob ng isang komposisyon. Uri ng Diin o Empasis Diin sa pamamagitan ng POSISYON Diin sa pamamagitan ng PROPORSYON Diin ayon sa PAGPAPARES-PARES NG MGA IDEYA