You are on page 1of 4

Salcedo, Angel Grace M.

BSE III-1 Filipino

Panunuring Pampanitikan

Magsaliksik ng isang Alamat

Alamat ng Sampaguita

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang
pangalan.

Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging


kataka-taka kung bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.

Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa
kasamaang palad, si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay
dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng
paglakalapit nila.

Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.

Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya.
Anang binata ay susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.

Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.

Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako.
Ilang pagsikat na ng buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang
natanggap.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na
babalik si Tanggol dahil may asawa na ito.

Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway.


Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya
ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at namatay.

Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa
kita…”

Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay
Tanggol.

Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga
magulang. Anito ay hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng
binata na wala na ang babaing pinakamamahal.

Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni


Liwayway. Hindi na rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng
kasintahan.

Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong
halaman doon, halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak
ang halaman ay may samyo iyon na ubod ng bango. Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga
huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan
ng salitang ‘sampaguita’.
Buod ng Alamat ng Sampaguita

May isang dalaga na nagngangalang si Liwayway. Hindi na kataka-taka kung marami


siyang naging manliligaw.

Nang minsang may isang binata na ang pangalan ay Tanggol na inatake ng baboy-ramo,
dinala ito sa ama ng dalagang si Liwayway upang mabigyan ng pangunang lunas.

Sa maikling panahon ay nagkaibigan sina Liwayway at Tanggol. Nang magaling na ang


binata ay nagpaalam itong uuwi muna sa kanila upang sunduin ang kanyang mga
magulang at pormal na hingiin ang kamay ng dalaga.

Lumipas ang maraming araw ngunit hindi pa rin bumabalik si Tanggol. Isang dating
manliligaw ni Liwayway ang siniraan si Tanggol at sinabing hindi na raw ito babalik dahil
may asawa na ito.

Napuno ng sama ng loob, lungkot at pangungulila si Liwayway na siyang naging dahilan


ng pagkakasakit nito. Ilang linggo lamang ang lumipas ay namatay ang dalaga.

Bago namatay si Liwayway ay naiusal nito ang mga katagang, “Isinusumpa kita! Sumpa
kita…”

Makaraan ang ilang araw makalipas ilibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama
ang kanyang mga magulang. Hindi pala agad ito nakabalik dahil nagkasakit ang kanyang
ina. Labis ang paghihinagpis ng binata sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal.

Hindi na muling bumalik sa kanyang bayan si Tanggol. Sa halip ay araw-araw itong


pumupunta sa puntod ni Liwayway upang bisitahin. Nadilig ng kanyang luha ang puntod
ng dalaga.
Isang araw ay napansin nitong may tumutubong maliit na halaman sa puntod ni
Liwayway. Namulaklak ang halaman at ito ay ubod ng bango. Tinawag ang halamang
‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay. Sa kalaunan,
ang ‘sumpa kita’ ay naging ‘sampaguita’.

1. Ang aral sa alamat ay…


 Huwag makinig sa mga sabi-sabi. Gayundin naman, huwag gumawa ng
hindi totoong kwento tungkol sa iba dahil wala itong mabuting maidudulot
kaninuman.
 Kadalasan, ang paghihintay ay matagal. Ngunit kung tayo ay may tiyaga,
siguradong may magandang kahihinatnan ang iyong paghihintay.

2. Sabihin kung ito ay totoo o hindi tunay na nangyari


 Ito ay hindi totoong nangyari dahil ayon sa may-akda ito lamang ay bunga
ng kanyang malikhaing isip, wala ring patunay o ebidensya na nangyari sa
totoong buhay ang kwento. Ang layunin lamang ng alamat na ito ay
magbigay-aral.

You might also like